B4. Suspicious
"SINUSUNDAN BA TAYO NI LOURD?"
That paused me for a seconds.
Akala ko, di nila mahahalata...
Kumamot ulo ako sa kanila at awkward na lumapit para bumulong. Lumapit narin si Marie sa pwesto namin para marinig ako. "Pwedeng mamaya nalang?" sabi ko.
"Ahh osige. Tara?" tumango kami kay Marie at siya na ang umunang pumasok sa shop.
Pero bago ako pumasok, tumingin ako sa likod at nakita ang bultong nakatago sa poste ng ilaw. Dahil medyo madilim na, di ko nakikita ang mukha niya. Pero alam kong si Lourd yan dahil kanina, isang beses, nang magawi ang tingin ko sa kanya ay nakita ko ang mukha niya. At halata na sa postura niya na siya ang sikat naming basketball player na si Lourd Henares, ang heartthrob ng campus namin.
"Good afternoon po! Anong kailang nila?" narinig kong bati ni Adrian samin. Ito lagi ang greet nila sa'ming mga costumes na pumapasok. Malamang, tinuruan ko kasi! HAHAHA.
"Ay si ma'am Suz." narinig kong bulungan ng dalawang lalaki sa counter.
"Hi po ma'am!" Adrian cheerfully greeted me. He's a bit older than me pero they still keep in manner kung nasa trabo ang oras nila.
"Good afternoon." ngumiti ako at tumingin naman sa lalaking nakangiti rin at tahimik na bumati sa'kin gaya ni Adrian. He's Franco, my schoolmate. One year lang ang gap namin at nagpa-part time lang dito sa shop ko. Balita ko matalino 'tong taong 'to kaya tahimik.
Umupo kaming tatlo sa sofa na nasa gilid. Nilabas rin namin ang chips at juice na binili bago pumunta dito. Kumuha ako ng tatlong junk foods at tinapon sa counter na kung saan nandun ang dalawa na aligaga sa paglinis ng dumi na sa tingin ko ay some dust na galing sa libro. Nakita ko kasi kanina ang pagbuhat ni Franco sa mga libro pagkapasok ko kanina. Tila nagbabasa sila dahil sa ka-boringan at wala pang costumer ang shop.
Gulat na sinalo nila ang hinagis ko. "Ay ma'am! Salamat po!" nahiyang ngumiti si Adrian sakin at tumingin siya sa dalawa kong kaibigan na ngayon ay May kanya-kanya na ng mundo.
"No to formalities please, and heto, juice!" naghagis rin ako ng dalawang Zest-o sa kanila.
"Salamat Suz!" sabay na sabi nilang dawala at ngumiti naman ako.
Kumuha rin ako ng akin at kumain. Pero akala ko nakalimutan na nila nag tungkol sa Lourd na yun. Humarap kasi sila sakin at tila handa ng makinig sa guro na mag-lelecture.
Uminom ako ng juice at huminga ng malalim. "Gusto ako maging girlfriend ni Lourd." Unang sentence pa nga lang, nabaliw na ang dalawa. Sa kaninang tahimik na shop, ay biglang nag-ingay dahil sa tilian ng dalawa. Tumingin rin dito na nagtataka ang dalawang lalaki samin.
"Gosh girl! Ano pa?! Dali kwento mo na!"
"Gagi ha! Sanaol!"
"Ahem ahem! Okay eto na..." kinuwento ko sa kanila ang nangyari sa CR, sa cafรฉ, at confession ni Lourd Henares sa'kin. Di naman makapaniwala ang dalawa pagkatapos kong mag kwento.
"So yun na yun?" nagtaka ako sa reaction ng dalawa.
"Bakit? Anong problema?"
"Hindi ba suspicious?" HUH???
"Ganito kasi yan teh, bakit sa dinami-dami ng taong nakakasalamuha ni Lourd ay ikaw pa ang napili niyang girlfriend? And shame on that love at first sight! Hindi yan totoo! And take note teh! Unang kita niyo pa lang noong last last day. Kaya pa'no ka niya nagustuhan? Hindi naman siya nakikipag-girlfriend kung hindi niya masyadong kilala..."
๐๐ฐ ๐บ๐ถ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ข๐ฃ๐ข๐ฆ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฉ๐ข๐ญ๐ช๐ฌ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ช๐บ๐ข ๐ฏ๐ฐ๐ฐ๐ฏ ๐ข๐บ ๐ฎ๐ข๐ต๐ข๐จ๐ข๐ญ ๐ฏ๐ข ๐ฏ๐ช๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ช๐ญ๐ข๐ญ๐ข? ๐๐ฆ๐ณ๐ฐ ๐ฃ๐ข๐ฌ๐ช๐ต ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช? ๐๐ข๐ณ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฐ๐ฏ๐ฆ ๐ฏ๐ช๐จ๐ฉ๐ต ๐ด๐ต๐ข๐ฏ๐ฅ ๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ฆ๐จ? ๐๐ถ๐ต ๐ฏ๐ฆ๐ท๐ฆ๐ณ๐ฎ๐ช๐ฏ๐ฅ, ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฌ๐ฐ ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ ๐ด๐ข๐ด๐ข๐จ๐ถ๐ต๐ช๐ฏ ๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ช ๐๐ฐ๐ถ๐ณ๐ฅ. ๐๐ข๐ฌ๐ช๐ต๐ข ๐ฌ๐ฐ ๐ฏ๐ข ๐บ๐ถ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฃ๐ข๐ฃ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ฉ๐ข๐ฏ, ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ข๐ฌ๐ฐ ๐ฎ๐ข๐จ๐ฑ๐ข๐ฑ๐ข๐ญ๐ฐ๐ฌ๐ฐ ๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ฏ๐บ๐ข. ๐๐ท๐ฆ๐ณ!
"Hmm, tama ka." tumango ako kay Justine. Tumingin naman ako sa likod ko kung saan nakikita ko ang labas. Nakita ko parin doon si Lourd na nakasandal sa poste ngayon. "Pa'no niyo pala nalaman na sinusundan tayo ni Lourd?"
Tumingin rin sina Marie at Justine sa tinitignan ko. "Naramdaman lang namin. Masyado kasing creepy ang atmosphere kaya napaghalataang May sumusunod sa'tin. And teh... di ka ba natatakot?"
"Saan?"
"Sa kanya?"
"Takot naman ako. Pero pinagsawalang bahala ko nalang. Irereject ko naman siya." buntong hininga ang pinakawalan ng dalawa at pinagpatuloy ang pagkain.
"Ma'amโ" binigyan ko si Franco ng nakakatakot na tingin.
"I mean Suz! May ipapa-print ba kayo?"
Ay oo! Kaya pala kami nandito para magpa-print. Tumingin ako sa dalawa na ngayon ay nagce-cellphone. "Asan damit niyo?" tanong ko.
"Wait." sabay nilang kinuha sa kanya-kanyang bag ang t-shirt nila. Kinuha ko ang nilabas na orange v-neck shirt ni Marie na nakalahad sakin. Kay Justine naman na green v-neck rin.
"Samahan ko na kayo. Tulungan niyo nalang ako dito ha? Bilisan nalang natin para makauwi na ang dalawa." sabi ko sa dalawang lalaki pagkaabot ko sa counter. Pumasok ako doon at binuksan ang pinto na doon nakalagay ang mga materyales na kailangan. Doon rin kami magpapa-print.