webnovel

Chapter 19

Gabriel's Pov

Maaga kaming nagising dahil usapan namin ay 6am ay aalis kami nila Sweetie. Nag aayos kami ngayon ng mga idodonate namin para sa bahay ampunan. Yan daw kasi ang taunang ginagawa nila Ella tuwing birthday ng kuya nya. Isasama ko ang mga kapatid ko at kasama din namin ang mga kaibigan ni Ella.

"Sweetie, nandito na ang mga kaibigan ko. Nakahanda na ba ang lahat? Excited na akong makabalik sa bahay ampunan." masayang sabi ng aking asawa. Ngiting ngiti ako kapag tinatawag nya akong sweetie. Kinikilig ako kapag tinatawag nya sakin yun. Naku huwag kayong mag isip ng masama, kahit lalaki ay kinikilig din.

"Oo, handa na ang lahat. Tatawagin ko na ang mga kapatid ko. Mauna na kayo sa sasakyan." sabi ko.

Papasok na sana ako sa bahay ng saktong maglabasan ang mga kapatid ko.

"Oh kuya eto daw baon nila ate Ella. Ilang sasakyan ba dadalhin natin?" tanong ni Migs.

"Siguro tatlo. Marami kasi kaming napamili para idonate sa bahay ampunan. Nagdala din kasi ako ng mga gamot at vitamins para sa mga bata dun." sabi ko. Habang naglalakad papunta sa sasakyan.

"Sige kuya Gab, kayo na ni ate Ella sa isang sasakyan. Ako nang bahala sa mga kaibigan ni ate Ella. Tapos kayo Migs at Seb ay sa isang sasakyan." sabi ni Seph.

"Mabuti pa nga." sabi ko. Nagsipasukan na kami sa loob ng sasakyan. Bago kami umandar ay sumigaw si Ella kina Joseph.

"Seph! Ingatan mo ang mga kaibigan ko. Lalo na si Jordan. Ipapadate ko pa yan sa kuya ko!" sigaw ni Ella. Napalingon ako kay Joseph, aba bakit nawala sa mood ang kapatid ko. Kanina lang masaya ito. Pinaandar ko na ang sasakyan.

"Nagdadate na si kuya mo at si Jordan?" tanong ko kay Ella.

"Naku hindi ah. Kapatid lang ang turing ni kuya kay Jordan." sabi ni Ella.

"Eh bakit sabi mo na ipapadate mo si Jordan sa kuya mo?" tanong ko.

"Inaasar ko lang si Seph. Gusto ata nya si Jordan eh hahaha. Hindi mo ba napansin nung kasal natin? Nakasimangot si Seph ng tanggihan siya na makasayaw ni Jordan. Tapos lalong nainis ng isinayaw ni kuya. Hahaha." masayang sabi ni Ella.

"Ikaw sweetie ha, pilya ka din pala." sabi ko.

Masayang nagkwento ng nagkwento si Ella habang kami ay nabiyahe. Mahigit limang oras din ang biyahe namin. Dumating kami sa bahay nila sa Baler. Nandun ang grandparents nya at ang kuya nya sa labas ng bahay kung saan namin pinarada ang mga sasakyan. Binati naming lahat ang kuya ni Ella. Hinalikan naman ni Ella ang kuya nya.

"Happy birthday kuya! Matanda ka na kaya mag asawa ka na din hahaha." pagbibiro ni Ella.

"Di nya pa ako napapansin bunso eh. Isa pa ang layo ko sa kanya. Ang hirap magbiyahe mula Baler hanggang Maynila. Hahaha!" sabi ni Oliver kay Ella.

"Pinapansin naman kita ah, hahaha! Happy birthday crush." natatawang sabi ni Jordan.

"Salamat sexy!" sagot naman ni Oliver. Napaliwanag na sakin ni Ella na yan ang tawagan nila Oliver at Jordan.

Nagulat kami ng may malakas na ingay kaming narinig. Ibinalibag pala ni Joseph ang pinto ng sasakyan nya. Natawa naman ako. Mukhang totoo nga na may gusto ang kapatid ko sa kaibigan ni Ella. Kaso mukhang mapapahirapan siya ni Jordan.

"Bro, dahan dahan lang. Kung gusto mong sirain ang sasakyan mo, bigay mo na lang sakin." nakangiting sabi ko. Nahahawa na tuloy akong asarin si Joseph. Nakakatuwa kasi mukhang babaliin nya ang sinasabi nya na hindi siya manliligaw at hahabol sa babae.

"Naku mga iho at iha, tara na sa loob at magsikain na kayo. Malamang ay gutom na gutom na kayo." sabi ni grandma. Pumasok kami at nagsiupuan sa hapagkainan.

"Sis, nasan ang pamilya mo? Hindi ba sila sasabay?" tanong ni Alex.

"Ay hindi ko pala nasabi sa inyo. Pinalayas sila ng grandparents namin. Kaya wala sila dito." sabi ni Ella.

"Kaya pala malakas ang loob mo na umuwi." sabi ni nung Jack. Ngiti lang ang sinagot ni Ella.

Pinaghainan kami ng mga kasambahay ng mga pagkain. Nilagyan ko ng adobong pusit si Ella. Ipinagbalat ko din ng hipon. Seafoods kasi ang mga kinicrave ni Ella.

"Malapit na ang eleksiyon, anong balak mong takbuhan kuya Oliver?" tanong ni Seb. Naging close na din ang mga kapatid ko sa kuya ni Ella.

"Alam mo ba Ella, tatakbong Mayor ang kuya mo?" sabi ni grandma.

"Po! Kuya!" sigaw ni Ella.

"Huminahon ka nga sweetie. Baka mapaano kayo ng baby natin." awat ko kay Ella.

"Kuya, hindi ba pwedeng huwag na lang? Kakalabanin mo si papa? Natatakot ako para sayo." sabi ni Ella. May rason naman ang asawa ko na mag alala sa kuya nya. Sa nabasa kong files na binigay ni Tony ay madumi maglaro ang ama nila.

"Si grandpa ang may gusto. Isa pa sobra na ang ginagawa ni papa sa bayan natin. Kailangang ay magwakas ng termino nya." sabi ni Oliver.

"Tama! Tutal mahal na mahal ng mga kabarangay natin ang kuya mo." sabi ni grandpa.

"Pero grandpa!" sigaw ni Ella.

"Sa tingin ko okay lang naman tumakbo si kuya Oliver. Basta mag ingat lang palagi." sabi ni Migs.

"Tama! Pwede naman kami tumulong." sabi naman ni Joseph.

"Siya nga naman sweetie, kahit sa pagiging barangay captain ng kuya mo delikado din. Hayaan mo kapag buo na desisyon nya ay tutulong tayo para sa kampanya nya. Magsasabi ako kay Tony na magtalaga ng mga magagaling na bodyguards para sa kuya mo." sabi ko. Tahimik lang si sweetie na kumain. Alam ko na nag aalala ito sa kaligtasan ng kuya nya.

"Tara na, sabi ng mga kabarangay ko ay handa na ang lahat sa bahay ampunan. Ihatid na natin lahat ng mga donasyon." sabi ni Oliver.

Nagpunta kami sa bahay ampunan malapit sa kanila. Naiwan ang grandparents nila Ella. Sinimulan nang inihain ang mga pagkain at pinakain ang mga bata. May kanya kanya kaming pwesto para maging organize ang pamimigay ng mga donasyon.

Kami ni sweetie ay nagbibigay ng check up at vitamins sa mga bata. Sina Jack, Alex, Migs at Seb ay mga nagbibigay ng pagkain sa mga ito. Sina Jordan at Joseph naman ang namimigay ng mga donasyong mga damit at gamit sa pag aaral. At si Oliver ay nagbibigay ng mga donasyon sa mga taong nagtatrabaho sa bahay ampunan.

Maaga kaming natapos sa pakay namin sa bahay ampunan. Masayang makita ang mga bata na may ngiti sa kanilang mga labi. Umuwi kami sa bahay ng grandparents nila Ella. Napagdesisyunan namin na duon muna matulog. Umuwi sina Alex at Jordan sa kani kanilang pamilya kasama si Jack. Nagsitulog naman agad ang mga kapatid ko sa kwarto na  itinuro ni Oliver. Naiwan kami sa sala ni Ella at kasama ang grandparents nya.

"Grandma, may nakilala ako na kakilala ni tita Bella. Si Mr. Gomez, kaso hindi ko natanong ang pangalan nya." nagkatinginan ang dalawang matanda sa sinabi ni Ella.

"May iba pa bang nabanggit sayo?" sabi ni grandma.

"Wala na po. Sabi nya ay babalik na lang daw po siya." sabi ni Ella.

Napansin ko na namutla ang grandma ni Ella at panay sila tinginan ni grandpa.

"Ella, handa na ang kwarto nyo. Pwede ka nang matulog." sabi ni kuya Oliver nya.

"Tara na Gabriel." pag aaya ni Ella.

"Actually bunso, pwede bang makausap muna ang asawa mo? May mga pag uusapan lang kaming mga lalaki hahaha." sabi ni Oliver.

"Hala hindi ako kasali?" tanong ni Ella.

"Hay naku apo, tayong dalawa muna ang magbonding sa kwarto mo. Bayaan muna natin sila." pag aaya ni grandma kay Ella papunta sa kwarto nya. Nang makaalis si grandma at Ella ay saka nagsalita si grandpa.

"Gabriel, makinig kang mabuti. Eto ang last will and testament namin ni grandma. Gusto kong ipagkatiwala sayo at sa kaibigan mong abogado. Pagnawala kami ay ang kaibigan mo nang abogado ang bahalang magbasa nyan. Pagkaingatan mo. Nakarecord tayo ngaun para patunay na ibinigay ko sau yang mga papeles" paliwanag ni grandpa.

"Pero bakit po sakin nyo pinagkakatiwala ito? Dapat po kay Oliver." sabi ko.

"Naku delikado sakin yan. Baka mapapahamak kami. Mas maige na maitago sa malayo." sabi ni Oliver.

"Malalaman mo din sa tamang panahon. Nandiyan din ang lihim namin ni grandma mo. Sana ay alagaan mong mabuti ang bunso namin." sabi ni grandpa.

"Grandpa naman sabi mo ipagkakatiwala mo lang ang last will mo kay Gabriel, eh bakit parang nagpapaalam ka na?" nagtatampong sabi ni Oliver.

"Naninigurado lang ako na maaalagaang mabuti si Ella. Oh siya nasabi ko na ang bagay na gusto ko. Mag inuman na lang kayo ni Gabriel." sabi pa ni grandpa. Tapos umakyat sa kwarto nila.

"Okay lang ba si grandpa? May mga nararamdaman ba silang sakit?" tanong ko.

"Wala naman. Kakagaling lang namin sa ospital para sa full check up nila at maayos ang mga resulta." sagot ni Oliver.

"Bakit ganun? Ang weird ni grandpa." sabi ko.

"Hayaan mo na si grandpa, baka dahil sa katandaan nagiging emosyonal. Inon na lang tayo ng tag 2 bote." sabi ni Oliver.

Pinagbigyan ko na lang si Oliver at nag inom kami. Pero hindi ko maisip na bakit sakin pinagkatiwala ang last will and testament nila. Ewan ko. Bukas na bukas din ay ibibigay ko ito kay Tony pagkauwi namin.