webnovel

Chapter 15

Ella's Pov

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa din ang usapan nila papa at ng grandparents ko. Hindi ko maisip kung ano ang sikreto ng mga ito. Kahit si kuya ay walang alam. Natatakot ako sa maaaring gawin ni papa sa pamilya ni Gabriel.

"Andito na pala kayo. Tamang tama at kailangan ko munang umikot sa mga pasyente ko." sabi ni Gabriel sa kakarating lang na mga kaibigan ko.

"Sino yung dalawang mamang nakatayo sa labas?" tanong ni Jordan.

"Mga bodyguards ni Ella yan. Madalas nyo nang makikita yang dalawa na yan. Huwag kayong mag alala sinabi ko na sa mga staff at bodyguard dito kung sino lang ang papapasukin sa kwarto na ito." sabi ni Gabriel.

"Oh paano alis na ako. Siya nga pala may darating mamaya yung pagkain na ipapadala ni mama. Kainin nyong magkakaibigan." sabi pa ni Gabriel. Hinalikan nya ako sa labi at saka umalis.

Pinatawag ko ang dalawang bodyguard sa labas. Ipinakilala ko si Alex at Jordan kina kuya Rey at kuya Kit. Kanina lang din ipinakilala sakin ni Gabriel ang 2 kong bodyguard. Okay lang naman sakin kasi para sa kaligtasan namin ni baby ang ginagawa ni Gabriel.

"Sis grabe si papa Gabriel, lahat gagawin nya para sayo. Kita mo binilihan ka na ng negosyo tapos may bodyguard ka pa." sabi ni Alex.

"Oo nga at take note, yung ginawa nyang pagpaparusa kina Mark at sa bruhildang Karen na yun. Ang swerte mo sis." sabi ni Jordan.

"Bakit ano ba ang ginawa nya?" tanong ko.

"Well, pinakulong lang naman nya sila ate Karen mo at si Mark. Inutusan nya ang mga kapatid nya na ipatanggal si Mark sa trabaho pati na ang ate mo." sabi ni Alex.

"Oo nga at nakita mo ba yung news kanina? Grabe, bukod sa tanggal na sa trabaho si ate mo eh ang dami pala nitong scandal. Sobrang kahihiyan nito sa ate mo at sa pamilya mo. Yan nakahanap sila ng katapat ngayon." sabi ni Jordan.

"Ang gulo nyo. Sinong katapat sinasabi nyo?" nagtatakang tanong ko.

"Ang pamilya mo nakahanap ng katapat sa katauhan ni Gabriel. Utos din kaya ni Gabriel ang ipabalita sa buong bansa ang mga scandal ng ate mo pati na ang nangyari sayo. Sirang sira na ang ate mo sa buong bansa. Ewan ko na lang kung makakaharap pa siya sa mga tao." paliwanag ni Alex.

"Iba pala magalit ang mapapangasawa mo nakakatakot." sabi ni Jordan.

"Oo nga remind mo ako na huwag galitin si papa Gabriel." birong sabi ni Alex.

Masaya kaming nagkukwentuhan at nabanggit nila sakin na sinara muna ni Gabriel ang coffeeshop. Postponed din ang opening ng Bella's Coffeeshop. Natuwa nga ang mga kaibigan ko at trabahador kasi 1 week walang pasok pero with pay.

"Ate Ella eto na ang pinadala ni mama na pagkain nyo." sabi ng kakapasok lang na si Joseph.

"Salamat Seph. Siya nga pala si Alex at Jordan mga kaibigan ko. Guys si Joseph, kapatid ni Gabriel. Sumunod ito kay Gabriel." pakilala ko sa kanila. Nagkamayan naman sila. Napansin ko na panay tingin ni Seph kay Jordan. Napangiti ako kasi mukhang type ni Seph si Jordan. Naku makapasa kaya ang playboy sa mataray kong kaibigan.

"Ate alis na ako. Kailangan ko pang magtrabaho." sabi ni Joseph.

"Ahm may i ask, ano ba ang trabaho mo?" tanong ni Alex.

"Isa akong Architect. Ako ang may ari ng DT Architecture Company." sagot ni Seph.

"Sige na Seph baka marami ka pang gagawin. Salamat sa paghatid ng mga foods." sabi ko sa kanya. Tumango ito at pagkatapos ay umalis na siya.

"Grabe insan, kung makatingin sayo si Joseph parang gusto kang lamunin ng buo hahaha." biro ni Alex.

"Mukhang may gusto sayo ang kapatid ni Gabriel." sabi ko.

"Naku yun? Baka guni guni nyo lang yun. At kung may gusto man siya sakin ay di bale na lang." sabi ni Jordan.

"Bakit? Dahil ba kilalang playboy ito?" tanong ni Alex.

"Mismo, alam nyong galit ako sa mga playboy. Paasa lang ang mga yan at walang gagawin kundi ang paiyakin ka." sabi ni Jordan.

"Teka paano nyo nalaman naman na playboy si Joseph?" tanong ko.

"Loka, saang lupalop ka ba nanggaling? Daig mo pa ang nasa bundok. May tv naman tayo. Ni minsan ba ay hindi mo nakita si Joseph o ang buong pamilya nya sa tv?" tanong ni Alex.

"Hindi eh." sabi ko. Umiling iling naman ang mga kaibigan ko.

"Ewan ko sayo Ella. Basta ako hindi ako magkakagusto sa mga playboy na katulad ng magiging bayaw mo." sabi ni Jordan.

"Naku mukhang mahihirapan ang kapatid ni Gabriel sa kaibigan natin hahaha." natatawang sabi ko.

"Pwede ba tigilan nyo ako ha." naiinis na sabi ni Jordan.

"Oo na titigil na kami. Napipikon ka na eh." nakangiting sabi ni Alex.

Kumain kami ng mga pinadala ni mama Letty. Ang sasarap ng mga ulam. Kare kare at buttered shrimp. Tapos may pinadala pang mga bagong bake na cupcakes. Grabe sarap na sarap kumain ang dalawa kong kaibigan.

"So sis, napag usapan nyo na ba ang kasal nyo?" tanong ni Alex.

"Hindi pa. Sabi lang nya as soon as possible eh. Hindi ko alam." sabi ko.

Maggagabi na pero nde pa nabalik si Gabriel. Hindi ko alam pero parang namimiss ko ito.

"Hoy! Ang lalim ng iniisip mo dyan." sita sakin ni Jordan.

"Ang tagal kasi ni Gabriel eh. Gabi na pero wala pa siya." sabi ko.

"Namimiss mo? Ella umamin ka nga samin, may feelings ka na ba sa kanya?" tanong ni Alex. Napatingin naman ako sa kanila.

"Hindi ko alam. Posible ba yun? Masaya ako pagnandyan siya. Hinahanap ko siya pag wala sya sa tabi ko. Feeling ko hindi kuntento ang araw ko paghindi ko kasama o nakakausap man lang si Gabriel. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko." sabi ko.

"Hindi ka ganyan nung kayo pa ni Mark di ba?" tanong ni Alex

"Hindi nga." sagot ko.

"Ibig sabihin nyan ay mahal mo na siya. Hinahanap mo siya. Masaya kang magpapakasal sa kanya. Pretty much, you're very attracted to him." sabi ni Jordan.

"Pwede ba yun? Hindi pa naman kami matagal na magkakilala eh." sabi ko.

"Walang imposible sa nagmamahal Ella. Kami ni Jack, hindi perfect ang relationship namin pero alam ko na mahal ko siya at handa akong ipaglaban ang pagmamahal na yun. Nakikita ko ang future naming dalawa." paliwanag ni Alex.

"Kaso hindi ko alam kung bakit ko siya nagustuhan. Given na kasi yung gwapo siya at mabait. Mahal ko na ba talaga siya?" tanong ko. Lumapit sakin si Jordan at Alex at niyakap ako.

"Ella, tandaan mo. Sa pagmamahal, walang rason kung bakit mo siya mahal. Kapag ba hindi na siya guwapo o mabait hindi mo na siya mahal? Kung ganon ba Ella, ang ibig sabihin nun ay hindi mo na siya mamahalin?"  tanong ni Alex. Umiling ako. Tingin ko kahit hindi ganun ang katangian nya o magsungit siya sakin ay lagi ko pa rin siyang naiisip.

"Tingin nyo ba mahal nya din ako? Natatakot akong magtiwala ulit." tanong ko.

"Ella, hindi kita masisisi kung ganyan ang nararamdaman mo. Pero minsan tatanga tanga ka na at dahil dun gusto kitang batukan. Mahal ka ni Gabriel. Marami siyang rason at pagkakataon para umalis sa tabi mo. Pero sa halip, papakasalan ka nya at take note lahat ginagawa nya para sa kaligtasan mo. Hindi pa ba sapat ang mga bagay na yun para pagkatiwalaan mo siya na mahal ka talaga nya." sabi ni Jordan.

"Sige susubukan kong magtiwala sa kanya. Tingin ko nga mahal ko na siya." sabi ko.

"Gaga! Huwag mong subukan, kundi gawin mo." sabi pa ni Jordan.

Napag isip isip kong tama sila. Tingin ko hindi ko na kaya ng wala si Gabriel sa buhay ko. Napagpasyahan ko na, simula ngayon ay pagkakatiwalaan ko na siya at mamumuhay ng kasama ang anak namin.

Bab berikutnya