webnovel

Head's Up!

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

James's POV

"James! Teka lang naman, please! Hintayin mo kami!" Sigaw ni Kevin.

Ayoko na.

Tama na.

Gusto ko nang umalis dito.

This gala was supposed to have positivity, to make me think positively, lumabas ako para hindi ko maisip ang hindi ko dapat maisip, pero narito kami, nandito rin siya. Hindi na tama 'yon.

I have to go.

I have to leave.

I have to stay away from this.

I have to stay away from him.

"Umuwi na tayo, Ursula. Bilisan mo!" Hinablot ko na si Ursula bago pa kami abutan nila Kevin at Julia.

Tumatakbo na kami pababa ng mall para makasakay kami paalis. Saan pupunta? Kahit saan, Basra malayo kay Kevin at Julia.

"James! Dalian mo tumatakbo na rin sila!" Biglang naging mas mabilis kaysa sa akong pagtakbo si Ursula kaya't ako naman ang nahatak nito.

Sa aming paglabas ng mall, narinig ko na agad ang mga tricycle drivers na nakapila sa labas.

"Sakay?"

"Bayan?"

"Byahe na?"

Agad kaming sumakay ni Ursula sa isang trike, sa sobra-sobrang pagmamadali, nasugatan na pala ako ng medyo hindi na-smooth-an na bakal ng sidecar.

"Aray! Grabe, Ursula! Tingnan mo, nasugatan ako braso, ang haba!" Pinakita ko sa kan'ya ang brasong may gasgas.

"Malayo 'yan sa puso, mawawala rin agad 'yan pero ang sakit na nararamdaman mo, hindi agad-agaran ang paghilom n'yan!"

"P'wede ba mamaya na ang hugutan, Ursula?" Binuksan ko ang aking bag upang maghagilap ng alcohol para sa aking sugat. "Ursula, pahingi naman ng alcohol d'yan baka meron ka naman. Para dito lang sa sugat ko."

Binuksan n'ya ang bag at kinuha mula rito ang alcohol na de-spray.

"'Eto oh, James. Pero magtiis sa hapdi!"

"Manhid na ako sa sakit."

"Hay nako, James." Nakita ko sa salamin ang itsura n'ya habang nagsasalita, nakangisi. "Hindi ko alam kung paano ka magri-react kapag nalaman mo ang mga nalaman ko."

Nagtaka ako, "anong pinagsasasabi mo d'yan?"

"Kasi-"

Biglang nag-preno ang tricycle na aming sinasakyan.

"James!"

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

Nagising ako na naririnig ang isang napakapamilyar na tugtog.

Pinagmasdan ko ang paligid, ako'y nasa loob pala muli ng isang silid sa ospital.

Ano bang nangyari sa akin at naririto na naman ako, nakahiga sa medical bed.

Tiningnan at pinakiramdaman ko ang akong sarili, nakabenda pala ang aking ulo.

Lord, anong nangyari?

Lord, ano ba itong nangyayari sa akin?

Lord naman, malalamog na katawan ko nito ay!

Mayroong babae na pumasok sa kwarto, nang aking tiningnan nang maigi, si Nurse Joy pala. I mean, 'yung babaeng parang real-world version ni Nurse Joy.

Sabi ko na nga ba, nandito na naman ako sa Pokémon Center, I mean ospital na pagmamay-ari nila Oxford.

"Nagising na po pala kayo. Andito po ako para i-check ang vital statistics n'yo, este vital signs." Lumapit s'ya sa akin.

Matapos n'ya akong i-check, pumasok naman si Oxford.

"How are you feeling, James? Let's have a talk."

Umupo s'ya sa upuan na nasa tabi ng aking kama, "I have here with me, in this document, the results of the tests and it came out pretty good, actually."

"Ano bang nangyari sa akin, Oxford? Si Ursula, nasaan s'ya? Okay lang ba s'ya? Ano bang nangyari sa kan'ya? Mas malala ba sinapit n'ya kaysa sa akin?" Puro tanong ang aking naibato kay Oxford dahil sa labis na naguguluhan ang aking kaisipan at mayroon ring malasakit at pag-aalala para sa kaibigan kong si Ursula.

"'Yung kasama mong babae?"

"Oo, Oxford."

"Unfortunately-"

Nang sambitin n'ya ang salitang unfortunately, bumuhos na agad ang luha ko, "oh, my god! Ursula I'm so sorry! Dahil sa akin, kaya wala ka na ngayon. Patawarin mo ako, Ursula! Salamat at naging kaibigan kita, salamat sa lahat!"

Tiningnan ko si Oxford, s'ya'y nakatawa.

"Oh, James. Ursula is safe, unfortunately, hinarangan mo si Ursula at s'ya'y hindi nauntog sa salamin ng tricycle, bali ang impact, sa'yo lahat. If you're worried about the driver, okay lang rin s'ya. Congratulations!"

Binuksan na n'ya at sinimulan nang basahin ang nilalaman ng results.

"Basically, bukol lang at galos ang nakuha mo sa accident, p'wede ka na ma-release before the day ends. Pero there's this one thing, mukhang may isa ka pang nakuha..."

"Ano?" Tanong ko.

"Ako."

"Oxford, p'wede ba? P'wede bang tigilan mo na ang pakikipag-pick-up-an mo with me? Hindi mo ako makukuha sa pagan'yan-gan'yan pang. At isa pa, mahiya ka naman sa sarili mo! You're already dating Dexter, ayokong maging third party, okay?"

Hindi na n'ya ako matingnan ng diretso at yumuko na lamang ito.

"Ito ba? Ito ba ang taong minamahal ng kaibigan ko? Sa nakikita ko ngayon, mukhang sasaktan mo lang si Dexter, and I will tell you this just once, kung hindi ka titigil sa ginagawa mong 'yan, wala akong pakialam kung sa akin mo lang ginagawa 'yan o mayroon pang iba bukod sa akin, karma na ang bahala sa iyo."

Medyo kinapos ako ng hininga.

Nang ako'y nakahinga na, nagpatuloy ako sa aking dramatic monologue.

"Let's put it like this, ang karma parang restaurant lang 'yan, and no, it does not have a menu... why? Because you get served what you deserve."

Tok tok tok ✊🚪✊🚪✊🚪

Bumukas ang pinto at pumasok si Ursula.

"James? How are you feeling?"

"Medyo okay naman na pakiramdam ko, ikaw ba? Okay ka lang ba? Halika nga dito, Ursula, ba't 'di ka maupo?" Tinuro ko ang upuan na malapit rin sa aking kama, "doon ka umupo, isarado mo na 'yang pinto."

"Ah, 'di pwede." Sabi nito.

"Bakit naman? Lalabas 'yung aircon, sige ka, magkakaroon ng paa para lumabas..."

May kinausap si Ursula na nasa kabilang side ng pinto, sa labas ng kwarto, "ano? Hindi kayo papasok? Pumasok na kayo kung ayaw n'yong pagsasasampalin ko kayo! Pasok!"

Init naman ng ulo nito.

"Ah, James, lalabas na muna ako. Get well soon, okay?" Tumayo mula sa pagkakaupo si Oxford, lumapit ito kay Ursula at ibinigay ang mga papel na naglalaman mg test results. "Keep this for your friend, thank you."

Mukhang natakot si Oxford na madamay sa bagyong Ursula. 🦹‍♀️

Ang kan'yang pag-alis ay s'ya namang pagpasok ng mga pinapapasok ni Ursula, unang pumasok si Julia, sumunod naman sa kan'ya ay si...

Si...

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

Bab berikutnya