webnovel

Chapter 9: Peace Offering

Date: April 3, 2020

Time: 6:00 P.M.

Habang tinatawagan ni Jin si Chris sa phone at nakatingin sa gate, may naririnig siyang phone na tumutunog sa kanyang likuran. Dahil naiingayan siya at gusto niya ito patahimikin, lumingon siya para pagsabihan ang may ari ng phone. Paglingon niya, hindi niya inakala na ang taong ito ay si—

"Hi Chris? Kamusta? Hehe!" 

"Bakit ka nandito, Jin? Anong ginagawa mo dito?"

"Anong sasabihin ko? Na mental block na ko! Haha Bahala na!" nasa isip ni Jin. "Kasi, gusto ko lang malaman kung bakit hindi ka pumasok?"

Nakatingin lang sa kanya si Chris at walang emosyon. Hindi niya alam kung galit ba ito hanggang ngayon dahil hindi ito kumikibo.

"Galit ka ba sa akin, Chris?"

Hindi pa rin sumasagot si Chris at tila seryoso pa rin na nakatingin sa kanya. "Patay! Nakakatakot talaga si Chris pag seryoso siya!" nasa isip ni Jin. "Sorry na, Chris. Hindi ko sinasadya 'yung nasabi ko kagabi. Hindi ko naman intensyon na i-disregard yung nararamdaman mo. Sorry din kasi, dahil sa akin—" Naputol ang sasabihin niya dahil biglang hinawakan ni Chris ang  kanang kamay niya. "Whaaaaat! Ang Lambot! Saglit lang, hindi ako ready! Hindi ko nanaman mapipigilan ang sarili ko nito!" nasa isip ni Jin.

Wala pa rin emosyon si Chris habang hinawakan niya ang kanang kamay ni Jin at bigla na lang siyang naglakad at wala nang magawa si Jin kundi ang sumunod. 

Tila kinakabahan na si Jin kung saan siya dinadala ni Chris. "Whaaatt! Saglit dito na lang tayo sa labas!" sigaw ni Jin sa kanyang isip dahil dinadala siya ni Chris sa tapat ng gate nito. 

Matindi ang pagkakakapit ni Chris sa kanang kamay niya. Gusto niya sanang tanggalin, kaso baka pag napalakas ang paghugot niya, nag aalala siya na baka tumalsik at masaktan si Chris kaya hinayaan niya na lang ito.

Nasa tapat na sila ng gate at pinindot na Chris ang doorbell at hanggang ngayon hindi pa rin niya tinatanggal ang pagkakahawak sa kamay Jin. Alam ni Chris na sa oras na tanggalin niya ang kamay niya, tatakbo si Jin.

"Pero ang puso ko, sobrang bilis na sa pagtibok. Pakiramdam ko gusto nang kumawala sa katawan ko. 'Di ako sigurado kung dahil magkahawak kami ni Chris ng kamay ngayon o dahil pinapapasok niya ako sa loob ng bahay niya!" sigaw ni Jin sa kanyang isip.

Dahan-dahan ng bumubukas ang gate nila Chris at dahan-dahan na rin tumataas ang blood pressure ni Jin. "Magpanggap kaya ako na mahimatay? Kaso gano'n din. Baka ipasok nila ako sa loob ng bahay!" nasa isip ni Jin. Bumukas na ang gate nila Chris at may nakita siyang nakatayong lalaki. "Siya ba 'yung papa ni Chris?" 

Malaking lalaki ang bumungad sa harap nila ni Chris. Nasa 5'11 ang laki niya at nasa mga late 40s na ito pero maganda pa rin ang pangangatawan. Mayroon siyang maamong mukha at naka-uniform na light blue na polo at black slacks at leather shoes. 

"Ahhh, Sir Chris, nakabalik ka na pala. Nako! Buti nandito ka na agad. Sabi ko sa'yo ako na ang bibili ng—"

Naputol ang sinabi ng lalaking nasa harap ni Jin at tingin niya dito ay mukhang maamong bouncer at napansin niya na sinenyasan ito ni Chris na parang 'wag ituloy ang sasabihin. "Ano kaya ang ginawa ni Chris sa labas?" pagtataka ni Jin sa kanyang isip. "Oo nga pala Chris, bakit ka nasa labas? Saka kanina nakita ko si Rjay lumabas ng bahay niyo. Akala ko magkasama kayo?"

"Si Rjay? Hindi ko alam? Hindi ko pa siya nakikita. Pumunta ba siya dito sa bahay, Mr. Jill?" tanong ni Chris sa malaking lalaki na nasa harap nila.

"So Mr. Jill pala ang pangalan niya at hindi siya ang papa ni Chris." nasa isip ni Jin.

"Kanina, Sir Chris, pero hindi ko alam kung bakit siya pumunta dito. Nakita ko na kinausap siya ni Mr. A sa office room niya at 'yun lamang ang nakita ko. Pumasok na tayo sa loob at baka hanapin ka ni Mr. A. Tara na Sir Chris, at Sir?"

"Jin po." nahihiyang pakilala ni Jin kay Mr. Jill.

"Sir Chris, Sir Jin, hinahanda na ng mga maids ang dinner. Pumasok na tayo."

"Whaaaat? Bakit may pa-dinner? Nakakahiya! Baka mamaya makasabay ko pa 'yung papa ni Chris! Kailangan makaalis na talaga ako dito!" sigaw ni Jin sa kanyang isip. "Hindi na po Mr. Jill, nakakahiya po. Chris, Mauuna na ko." nahihiya niyang sinabi.

Ready na umalis si Jin  at nakatalikod na siya nang biglang tinawag ni Chris si Mr. Jill.

"Mr. Jill, kailangan ko po ng tulong niyo."

Hindi humarap si Jin kay Chris dahil natatakot siya sa kung anong pwedeng mangyari at hindi na rin siya makagalaw sa puntong ito. Naramdaman niya na lumapit na si Mr. Jill sa likod niya at nakatayo na ito. Bigla siyang hinawakan ni Mr. Jill sa may bandang baywang at unti-unti nang umaangat ang katawan niya. "Lumulutang ba ko? Lumilipad? Whaaat!" sigaw ni Jin sa kanyang isip. Binuhat siya ni Mr. Jill na parang isang sako ng bigas. "Ganito siya kalakas? Mukhang wala na talaga akong kawala dito. Jin Tanda, Ikaw na ang bahala sa bahay kung 'di na ko makaalis dito ng buhay. Mamimiss ko ang outside world, ang mga puno at halaman. Ito na ang huling beses na makikita ko ang Earth." paalam ni Jin sa kanyang isip.

Hindi na  alam ni Jin kung saan siya mas matatakot, sa mga aso sa bahay nila Chris, o kay Mr. A. Habang buhat siya ni Mr. Jill, tumimgin siya kay Chris at nagmamakaawa na ibaba na.

"Chris, alam ko marami kayong aso. Please, takot ako sa aso baka kagatin nila ako, ang lalaki pa naman ng alaga mo."

Ang kaninang Chris na seryoso at walang emosyon, ngayon ay nakangiti at tumatawa na.

"Nakatago sila ngayon. 'Wag ka mag-alala, 'pag ganitong oras hindi na sila pagala-gala sa bahay." natatawang sinabi ni Chris.

Nang makita ni Jin na ngumiti na si Chris, napanatag ang loob niya at pakiramdam niya ay bati na sila. Isa pa, mas magaan na rin ng kaunti ang pakiramdam niya dahil nakatago na ang mga aso sa bahay nito at isa na lang ang kinatatakot niya—si Mr. A.

"Mr. Jill, sasama na po ako sa loob, pakibaba na lang po ako." nahihiyang sinabi ni Jin.

Marahan siyang binaba ni Mr. Jill, inayos rin nito ang nalukot niyang damit at ngumiti ito sa kanya. Sabay na silang pumasok ni Chris sa loob ng napakalaking bahay nito, habang kasunod naman nila si Mr. Jill. Pagkapasok na pagkapasok ni Jin sa bahay ni Chris, hindi siya makapaniwala sa kanyang nadatnan.

"Wooow! Chris, bahay niyo ba talaga 'to? Grabe! Pakiramdam ko maliligaw ako dito kung ako lang mag isa. 'Wag mo ko iiwanan! Baka mamaya hindi na ko makalabas." pabirong sinabi ni Jin.

"Tingnan natin!" natatawang sinabit ni Chris

"Chris!" nagmamakaawang sagot ni Jin. Pero para sa kanya, mas gusto niyang nakikita at nakakausap si Chris na ganito. 'Yung tipong normal sila sa isa't isa.

"Joke lang! Oo dito lang ako sa tabi mo, basta sumunod ka lang sa akin." nakangiting sinabi ni Chris

"Oo, kahit sa C.R. pa susundan kita, pero tatalikod ako 'wag ka magalala! Baka makita ko si Chris Jr." pabiro sinabi ni Jin at napansin niya na namula bigla si Chris sa hiya. 

Pinaupo muna silang dalawa ni Mr. Jill sa living room at pinahintay habang hinahanda na ang mga pagkain sa dining area. Nang makaupo na si Jin sa kulay blue na sofa, pakiramdam niya ay nasa heaven na siya. "Ang lambot at ang ganda ng tela! Iba talaga ang gamit ng mga mayayaman! Ngayon lang ako nakaupo sa isang mamahaling gamit. Nakakahiya baka madumihan ko pa 'yung sofa!" natatawang sinabi ni Jin sa kanyang isip.

Nakatayo lang si Chris sa harapan niya at tinitingnan siya, habang siya naman ay nagmamasid lamang sa living room. "Living room pa lang nila Chris, sobrang laki na! Parang isang buong bahay ko na ata 'to, o baka mas malaki pa nga sa bahay ko! Napakalinis ng living room nila, mula sa walls, gamit at appliances, pati rin sa tiles napakakintab!" nasa isip ni Jin habang nalulula na siya sa loob ng bahay. "Grabe Chris, alam ko mayaman kayo, pero hindi ko naman inexpect na ganito kalaki bahay niyo. Tapos gusto mo sa amin matulog, eh parang banyo mo lang ata yung kwarto ko!" nahihiyang  sinabi niya kay Chris.

"Aanhin ko naman 'yung malaking kwarto kung mas masaya makitulog sa bahay niyo."

"Pero, Oo nga pala Chris, bakit hindi ka pumasok kanina? Na-late ka ba ng gising or hindi maganda pakiramdam mo?"

"Ummm, na-late ako ng gising kaya hindi na ko nakapasok."

"Sinabi na sa akin ni Chris ang reason, pero bakit parang hindi ako convinced? Bakit parang may tinatago siya? Hmmm?" nasa isip ni Jin. "Tinatawagan kita kanina, tapos, biglang namatay 'yung phone, galit ka pa ba noon kanina?" natatawa niyang sinabi.

"Huh? Hindi ba kanina ka lang tumawag sa akin noong nasa likod ka ng puno ng manga nagtatago?" pagtataka ni Chris.

"Tumawag ako kanina, mga bandang 10 a.m. Hinahanap ka ni sir Mike, and hindi kita ma-contact kaya sabi ko na lang na hindi maganda pakiradam mo." 

"Nagtataka ako sa sinabi ni Jin na tumawag siya sa akin kaninang umaga. Ang pagkakatanda ko, tinawagan niya lang ako noong nahuli ko siya kanina." nasa isip ni Chris.

Kinuha niya ang kanyang phone na nasa bulsa ng shorts niya at tiningnan ang call logs.

Jin T. - Incoming April 3 6:30 Pm

Jin T. - Incoming April 3 9:59 Pm

Jin T. - Incoming April 3 9:57 Pm

"Oo nga, tumawag nga siya, pero bakit hindi ko matandaan? Hindi naman ako nagpapatay ng phone." nasa isip ni Chris. "Hindi ko din sure, Jin, pero hindi ako nagpapatay ng phone. Baka dahil na low-batt na ang phone ko kaya namatay."

"Baka nga, pero papasok ka naman na bukas?" 

"Oo, papasok ako bukas." nakangiting sagot ni Chris at napansin niya noong sinabi niya na papasok siya ay biglang nakahinga na ng maluwag si Jin, "Masaya kaya siya na papasok na ako?" nasa isip ni Chris.

Tinawag na silang dalawa ni Mr. Jill dahil naka-prepare na ang dinner.

"Sana magustuhan niya ang hinanda namin para sa kanya." nasa isip ni Chris.

Sinamahan na sila ni Mr. Jill papuntang dining area at tinitingnan lang ni Chris ang reaction ni Jin. Natatawa siya dahil nakikita niyang kabado si Jin. "Malamig sa bahay namin pero pinapawisan pa rin siya. Bakit kaya?" nasa isip ni Chris.

Nang makapasok na sila sa dining area, kitang kitang sa mukha ni Jin ang sobrang pagkamangha pati ang kaba niya ay nawala nang makita ang nakahandang pagkain. Nakangiti na lang si Jin at tila kumukislap ang mga mata niya gawa ng reflection ng mga ilaw sa dining area

"Sobrang ganda talaga ng mukha ni Jin. Ang gwapo niya talaga! Napakaswerte ng magiging partner niya." nasa isip ni Chris habang pinagmamasdan niya si Jin.

Habang nakatayo lamang sila malapit sa pinto ng dining area, lumapit si Jin kay Chris at binulungan ito.

"Chris, may special guest ba kayo sa bahay niyo ngayon? Bakit parang pang fiesta naman 'tong dinner niyo? Nakakahiya baka sabihin bakit may hampas lupang nakikikain dito." pabirong sinabi ni Jin.

Natawa si Chris sa tanong sa kanya ni Jin dahil ang hindi nito alam na para sa kanila lahat ng hinandang food na pang "fiesta". "Alam ko kung gaano kalakas kumain si Jin, kaya nirequest ko talaga sa mga chef namin." nasa isip ni Chris.

Narinig din ni Mr. Jill, na nakatayo lang sa tabi nila ang sinabi ni Jin kaya pati siya ay natawa at napa-iling na lang. Nilapit ni Chris ang kanyang mukha kay Jin at binulungan ito.

"Wala kaming special guest ngayon. Ikaw lang bisita ko ngayon. Para sa'yo 'yan lahat"

Tiningnan ni Chris ang reaction ni Jin agad dahil alam niya na sasabihin nito ang favorite  expression nito. Nanlaki na ang mga mata ni Jin at nakatulala na siya at alam na ni Chris ang susunod na mangyayari.

"Whaaaatt? Lahat 'to? Ang dami! Mauubos ba natin 'to?" pagtataka ni Jin.

"Mauubos mo yan, Sir Jin. Kapag hindi mo naubos, 'wag ka mag alala, papabaunan ka na lang namin o kaya pag kulang pa sa'yo yan, sabihin mo lang." hirit ni Mr. Jill.

Nang marinig ni Jin na mag salita si Mr. Jill, pilit niyang tinatago ang malaki niyang katawan kay Chris dahil sa hiya. 

Dinala na ni Chris si Jin sa table kung saan nakahanda na ang iba't ibang pagkain para lamang sa kanilang dalawa. Lahat ng favorite na pagkain ni Jin ang pinahanda ni Chris—Garlic egg fried rice, pork sisig, chicharong bulaklak, palabok, lumpiang togue, kare-kare, at siempre ang pinakagusto niya sa lahat, ang baked oysters.

Umupo na silang dalawa at magkatabi sila sa upuan dahil kahit dito sa dining area, ayaw lumayo sa ni Jin, ngunit mas pabor ito para kay Chris dahil natutuwa siya.

Pinapanood lang ni Chris si Jin at nakikita niya na takam na takam na talaga ito at gusto nang kumain. Napapansin lang niya na pinapangunahan ito ng hiya dahil first time lang nito makapasok sa loob ng bahay niya. Binulungan niya si Jin na kumain na silang dalawa, pero nagtanong muna ito.

"Chris, hindi ba sasabay yung papa mo kumain?"

"Oo nga pala, si papa. Tingin ko hindi makakakain ng maayos si Jin kung sasabay siya. Pano kaya siya nito kung sasabay si papa kumain sa amin?" nasa isip ni Chris.

"Minsan lang ako maging selfish, pero, sana hindi namin kasabay kumain ang papa ni Chris, dahil baka hindi ko ma-enjoy yung pagkain!" nasa isip ni Jin.

 "Hindi ko alam kung sasabay si papa, tatanong ko muna kay Mr. Jill" sagot ni Chris at nagtanong kay Mr. Jill na nasa bandang harapan lang nila na nakatayo, "Mr. Jill, sasabay po ba si papa kumain sa amin?"

"Hindi daw siya sasabay, Sir Chris. May inaasikaso raw siya at mauna ka na raw kumain." sagot ni Mr. Jill.

Biglang nakahinga ng maluwag si Jin nang malaman niya na hindi sasabay ang papa ni Chris sa dinner. "Wooh! Magtutuos na kami ng mga pagkain na nasa harap ko!" tuwang tuwa na sinabi ni Jin sa kanyang isip.

"Alam niya po ba na may bisita ako?" dagdag na tanong ni Chris kay Mr. Jill.

"Alam ni Mr. A na may bisita ka."

"Okay! Tara kumain na tayo, Jin. Kayo din po Mr. Jill, kumain na din po kayo."

Ngumiti si Mr. Jill sa kanila at tumungo na ito sa isa pang pintuan palabas ng dining area.

"Hindi ba niyaya siya ni Chris kumain? Bakit siya umalis?" pagtataka ni Jin, "Bakit biglang lumabas si Mr. Jill imbis na umupo siya kasabay  natin? Hindi ba niyaya mo siya kumain?"

"Ah oo, kakain na siya."

"Oh bakit hindi siya umupo dito? Ang dami pang bakanteng upuan oh? Ilan pa 'to, pwede pang mga 18 ang umupo dito ah?"

"May sarili silang kainan. Hindi sila pwede dito kumain."

"Huh? Eh bakit ang daming upuan pero wala naman gumagamit?"

"Utos kasi ni papa. Ang gusto niya, kami o mga bisita lang ang kakain sa dining table. Lahat ng Empleyado dito sa bahay, may sariling quarters at doon lang sila pwede kumain."

"Mukhang naiintindihan ko na si Chris. Alam ko na kung bakit hindi nga siya masaya dito." nasa isip ni Jin. Alam niya ang pakiramdam na kumain mag-isa sa bahay dahil wala siyang kasama simula pagkabata. Sa sitwasyon ni Chris, marami siyang kasama sa bahay pero pakiramdam nito ay mag-isa lang at walang kasama. "Mas malungkot 'yun kaysa sa sitwasyon ko na alam ko mag-isa lang ako at wala akong kasama. Si Chris, siya na may maraming kasama pero, ni isa wala siyang kasabay kumain. Naiintindihan ko na. Sorry talaga Chris, ang insensitive ko." nasa isip ni Jin. "Hindi ka ba nalulungkot pag mag-isa ka lang kumain dito, Chris?"

"Oo, malungkot, pero nasanay na lang ako."

"Chris?"

"Bakit, Jin?"

"Kung gusto mo ng may kasabay kumain 'pag wala kang kasama, sabihin mo sa akin. Sasamahan kita." nakangiting sinabi ni Jin at tila naiiyak na siya ngunit pinipigilan niya ito.

Napangiti si Chris habang nakatingin siya sa kay Jin at tila naluluha na rin ngunit pinunasan niya ito agad.

"Baliw ka talaga Jin!" natatawang sagot ni Chris, "Ano 'yun, pupunta ka pa dito para kumain lang?"

"Oo naman! Sayang 'yung pagkain! Kung ganito karami lagi tas ikaw lang kakain, kailangan mo ng katulong, basta itatago mo sina Atarah at Primo pag pupunta ako!"

"Sige sasabihin ko pag gusto ko ng kasama. Basta, 'wag mo nang hayaan na ipabuhat pa kita kay Mr. Jill para lang pumasok dito!" natatawang sagot ni Chris.

Masaya si Jin na kausap niya si Chris sa ganitong paraan, na nagtatawanan lang at walang pinoproblema at hindi na gaanong naiilang. Mas gusto niyang nakikitang masaya ito palagi dahil pakiramdam niya ay gumagaan ang puso niya 'pag nakikita niya itong nakangiti. Bukod sa sobrang cute ni Chris 'pag nakangiti, pakiramdam niya ay buong mundo niya ay sumasaya rin.

Pinauna niya na si Chris kumain dahil ito ang may-ari ng bahay kahit na gutom na gutom na siya. Nang makasubo na si Chris, "Wala na,  talo-talo na!" nasa isip ni Jin at hindi niya napigilan ang sarili. Una niyang kinain ang baked oysters, at gusto niya sana humingi ng beer kaso naalala niya na nasa bahay si Mr. A at baka kung ano isipin sa kanya. Tinikman niya din ang garlic egg fried rice. Para sa kanya, masarap pero iba pa rin ang gawa ni Jon. May nilalagay ito na nagpapasarap at nagiging bukod tangi kaya naman nagtataka siya kung ano ang secret ingredient na ito. Sarap na sarap siya sa mga kinakain niya, at binabawi na rin niya ang kanyang  sinabi kanina na baka hindi maubos ang pagkain dahil sa kanya pa lang ay kulang pa ito.

"Masarap ang food na hinanda para sa amin ni Jin, pero hindi ako makapag-focus sa pagkain. Mas masarap kasi tingnan si Jin—but not in a very horny way!" nasa isip ni Chris. Natutuwa siya na tingnan lamang si Jin na sarap na sarap sa pagkain. "Nakakatuwa kasi feeling ko, nag eenjoy na siya na kasama ako, o baka dahil lang sa food? Pero, sana ganito na lang kasaya lagi. May magandang idinulot pala yung pagtatampo ko kay Jin. Kaso ayaw ko na ulitin 'yung pakiramdam na nagtatampo ako sa kanya. Pakiramdam ko kasi pinupunit ako ng paunti-unti." nasa isip ni Chris.

Habang pinagmamasdan niya kumain si Jin, iniisip niya na kung panaginip man 'to, ayaw niya na lang gumising at sana katabi niya na lang ito palagi. Sa ngayon, ayaw na muna mag isip ni Chris ng kung ano-anong bagay. Gusto niyang hayaan muna ang oras na magkasama lang sila. Hindi siya makakain ng maayos hindi dahil wala siyang ganang kumain, ngunit pakiramdam niya ay busog na siya.

Tuloy-tuloy pa rin si Jin sa pag kain at paubos niya na ang food na nakahanda sa dining table, tila kulang pa ito sa kanya. Nagtataka si Chris kung paano nagagawa ni Jin na maging fit kahit marami itong kinakain.

"Jin, gusto mo ba na mag request pa ko ng extra food kay Mr. Jill?"

Nahiya si Jin habang kumakain at nag hinay-hinay na. Medyo maraming sauce ang naiwan sa mga labi niya dahil sa pag kain.

"'Wag na Chris, oks na ko dito! Busog na nga ko, ayaw ko lang sayangin ung food, kasi ang dami." natatawa at nahihiyang sagot ni Jin.

Nakangiti lang si Jin kay Chris habang nagsasalita at may laman pa ang bibig niya. Dahil hindi na matiis ni Chris makita ang maduming labi ni Jin dahil sa gravy, kumuha na siya ng tissue na nasa harapan niya at pinunasan ang mga labi ni Jin dahan-dahan.

Habang pinupunasan niya ang mga labi ni Jin, napatigil ito at nakatingin na lamang sa mga mata niya. Hindi na rin mapigilan ni Chris ang kanyang sarili ngunit hindi na siya gumagalaw at nakatitig na lang din sa mapang akit na mata ni Jin. 

"Whaaat! Ito nanaman! Harap na harap ko na naman si Chris!" sigaw ni Jin sa kanyang isip, at hinahawakan na ang kanyang dibdib dahil sa sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso. Pakiramdam niya ay sasabog na ang buong katawan niya sa ginawang pag-punas ni Chris sa mga labi niya, dahil siya pa lang ang kauna-unahang tao na gumawa nito sa kanya. "Kalma ka lang Jin! Relax ka lang!"

Habang pinupunasan ni Chris ang mga labi ni Jin, nagulat silang parehas dahil biglang sumara ang isa sa mga pinto ng dining area. Sa sobrang lakas ng pagkakasara nito, napatigil sila at tiningnan kung may tao. Kinabahan si Jin at sa isip niya ay baka may makakita sa kanilang dalawa. "Ang masama, baka ang papa niya ang nakakita sa amin kaya nagdabog! Whaaaaat!"

Kinuha niya kay Chris ang tissue para siya na lang ang mag punas sa kanyang mga labi dahil baka may makakita at paghinalaan pa silang dalawa. Pagkatapos niyang mapunasan ang mga labi niya, pakiramdam niya ay tinatawag na siya ng kalikasan. Kaya tumayo na siya at tinanong kay Chris kung saan ang daan papuntang C.R. Ayaw niya magpasama dahil nahihiya siya kung may makakita kay Chris na naghihintay sa labas ng C.R. 

"Chris, san ang CR niyo, 'yung pinakamalapit at 'yung 'di ako mawawala?"

"Nakita mo 'yung pinto na nilabasan ni Mr. Jill kanina? Pag labas mo doon, may way sa kanan mo, pasukan mo 'yun. 'Yung unang door, para sa quarters tapos susunod naman 'yung C.R. para sa mga lalaki. Gusto mo ba samahan pa kita? Baka mawala ka?"

"Ahhh! Hindi na Chris! Kaya ko na sa part na 'to. Basta wag ka lang aalis dyan sa kinauupuan mo!" natatawang sinabi ni Jin. "Sana makarating ako at hindi ako maligaw!" pangangamba niya sa kanyang isip.

"Okay! Dito lang ako. Hihintayin lang kita dito." sagot ni Chris.

Nagsimula nang maglakad si Jin at lumabas sa pinto kung saan dumaan si Mr. Jill. Nakita na rin niya ang daan na sinasabi ni Chris na papunta sa C.R.

"Grabe naman! Napakalaki naman kasi ng bahay nila, para kang nasa mall!" Nang malampasan na niya na ang Quarters, nakita na rin niya ang C.R. at pumasok na.

Pagkatapos ko niya mag-download sa C.R., lumabas na rin siya at tila solved na solved siya sa mga nakain niya.

"Tamang tama pala na pumunta ako sa bahay nila Chris!"

Paglabas ni Jin ng C.R., nakita niya si Mr. Jill na nakatayo at nagaabang sa tapat ng pinto ng Quarters. Nilapitan niya ito at kinausap para batiin.

"Mr. Jill, thank you po pala sa pag aasikaso—" Bigla siyang napatigil sa nais niyang sabihin. Nagulat siya nang biglang nag bow sa harap niya si Mr. Jill. Pinigilan niya ito at pinipilit na 'wag na itong mag bow. "Hala! Mr. Jill, 'wag po kayo mag bow sa akin. Hindi po ako Diyos or kahit ano pa mang mataas na tao." natatawang sinabi ni Jin.

Umayos ng tayo si Mr. Jill at tumingin siya sa kay Jin na labis labis ang mga ngiti. Medyo teary-eyed na rin siya at bigla niyang hinawakan ang kaliwang balikat ni Jin at kinausap ito.

"Sir Jin, maraming maraming salamat!" nakangiting sinabi ni Mr. Jill.

"Ha? Saan po? Wala po akong ginagawa pa. Saka ako nga po ang dapat mag thank you kasi pinagsisilbihan niyo ko kahit hindi naman po ako 'yung nakatira dito." nahihiyang sagot ni Jin. "Bakit kaya nagpapasalamat sa akin si Mr. Jill? Baka kasi hindi ko sinayang 'yung niluto nilang pagkain? Haha!"

"Thank you, Sir Jin, dahil sa'yo, ngayon ko na lang ulit nakitang ngumiti si Sir Chris. Matagal tagal na panahon na din nang huli ko siyang makitang masaya. Hindi ko inakala na ngayong araw ko 'yun makikita, at napagtanto ko na dahil sa'yo 'yun. Kaya maraming maraming salamat."

Natutuwa si Jin sa sinabi ni Mr. Jill na napasaya niya si Chris. Ngunit nagtaka siya sa narinig niya na matagal na panahon na hindi nakita nakita ni Mr. Jill si Chris na naging masaya. "Ibig sabihin masayahin si Chris noon?" nasa isip ni Jin at nagpatuloy sa pag sasalita si Mr. Jill at pinakinggan ang kwento nito.

"Bata pa si Sir Chris nang huli ko siyang nakitang naging masayahin at laging nakangiti. Simula nang ipinanganak siya, ako na ang naging butler niya hanggang sa paglaki. Kaya naman parang anak na rin ang turing ko sa kanya."

"Matagal na pala si Mr. Jill nagta-trabaho sa pamilya nila Chris. Ibig sabihin, sobrang kilala niya talaga ang pamilya nila." nasa isip ni Jin, at mas naging interesado siya na malaman kung ano ang buhay ni Chris noon, at ano ang naging dahilan kung bakit nagbago ito.

"Masayahin si Sir Chris noon. Lalo na pag kasama niya ang kanyang mama. Mahal na mahal siya nito, kaya naman lumaki na punong puno ng pagmamahal si Sir Chris. Lahat ng tao dito, guard, driver, maids, chef, at iba pang mga butler ay mahal na mahal siya dahil napakabait na bata nito."

"Kaya pala napakagaan ng loob ni Mr. Jill at lahat ng maids na nakasalubong si Chris kanina, napakakomportable pala nila sa kanya. Buti naman at kahit papano, may mga nagmamahal kay Chris sa bahay na 'to." nasa isip ni Jin.

"Naalala ko pa nga dati, nakikita ko lang siya na umiiyak kapag nadadapa siya. Kapag nakita niya na ang kanyang mama, bigla na siyang ngingiti at tatawa na parang walang nangyari."

Habang nagkukwento si Mr. Jill, napapansin ni Jin na nagiging malungkot na ang emosyon nito. Sabik na rin siya na malaman kung anong dahilan ng pagbabago ni Chris.

"Anim na taon lang siya nang mahiwalay siya sa kanyang mama, dahil nagkasakit ito ng malubha. Ang araw na namatay ang kanyang mama, doon nagsimula mawala ang mga ngiti niya. Kada araw na lumilipas ay napapalitan ito ng lungkot at hindi na namin siya nakitang ngumiti katulad ng dati. Walang araw na hindi umiyak si Sir Chris pagkatapos mawala ang mama niya. Alam namin na normal lang sa isang tao na masaktan ng labis labis kapag may nawalang importante sa'yo."

"Mahirap mawalan ng magulang lalo na kapag bata ka pa lang, kaya alam ko ang pinagdaanan ni Chris. Ngayon, mas naiintindihan ko na siya, at ang lungkot na kanyang pinanggagalingan." nasa isip ni Jin.

"Kaso si Sir Chris, sobrang tagal niyang dinala ang lungkot na iyon hanggang tumanda na siya, at naaawa kami para sa kanya. Hindi na rin namin alam ang kung ano pa ang pwedeng gawin. Paglipas ng taon, hindi na rin namin siya nakitang maging masaya. Oo, ngigiti siya minsan, pero hindi iyong tunay na saya ang mararamdaman mo. Mas lumala pa 'to noong ang papa niya na ang nagbabantay sa kanya"

Kinuwento ni Mr. Jill ang pagiging malupit na ama ni Mr. A. kay Chris. Sinabi niya na madalas na pinapagalitan si Chris at wala silang magawa dahil mga trabahador lamang sila. Ang tanging magagawa niya lamang ay damayan si Chris pagkatapos. Labis na rin siyang nasasaktan para kay Chris dahil hindi niya na alam kung kailan ito babalik sa dating sigla at saya.

"Pero, ngayong araw na 'to, Ito na siguro ang pinakamasayang araw para sa akin. Kasi ngayon ko na lang siya nakitang ngumiti, iyong tunay na saya na mararamdaman mo talaga sa mga mata niya. 'Yung mga ngiti na nakita ko sa kanya kanina, iyon ang mga ngiti niya noong kasama niya pa ang kanyang mama, at ang mga ngiti na ngayon ko na lamang nakita ulit na nawala paglipas ng panahon, at dahil 'yun sa'yo, Sir Jin."

Labis ang pasasalamat ni Mr. Jill dahil nakakilala si Chris ng isang kaibigan na tulad ni Jin. Hindi niya inakala na darating ang araw na 'to. Kaya lahat silang mga trabahador ay tuwang tuwa lalo na nang malaman nila na masaya at tumatawa na si Chris, dahil pakiramdam nila ay unti-unti na itong nakakarecover at bumabalik na sa dati. 

"Ako, at ang behalf ng mga empleyado dito sa bahay na itinuturing na pamilya ni Sir Chris, ay gustong mag thank you sa'yo, Sir Jin."

Hindi alam ni Jin kung anong sasabihin niya kay Mr. Jill. Pero ngayon, pakiramdam niya, nababalot ng kakaibang init ang kanyang puso. Masaya siya na hindi lang si Chris ang taong napapasaya niya kung hindi pati ang mga kasama ni Chris na itinuturing nitong pamilya kahit hindi niya kadugo. "Kung titingnan mo sila sa labas, masayahin at walang pinoproblema. Pero kung hindi pa sinabi sa akin ni Mr. Jill ang lahat, hindi ko malalaman na ito pala ang dinadala ni Chris buong buhay niya. Ngayon, nag-sink in na sa akin lahat." nasa isip ni Jin.

Naiintindihan niya na kung bakit tahimik lang si Chris, lalo na noong una niya itong nakilala. At mas naiintindihan niya na rin kung bakit mas pinili nito ang kasiyahan na tinutukoy nito, dahil sa tagal ng panahon ay ngayon na lang ito ulit naging masaya— noong sinimulan niya itong kaibiganin.

"Mr. Jill, thank you din po sa pagpapa-realize sa akin kung bakit ako pumunta dito. 'Wag po kayo mag alala, nandito po ako lagi para kay Chris. Ako po bahala sa kanya!"

"Maraming maraming salamat, Sir Jin. Kung may gusto ka o kailangan, sabihin mo lang sa akin. Tawagin mo lang ako."

"Sige po, Mr. Jill. Thank you po, pero, kaya ko na po 'to. Hinihintay na po ata ako ni Chris." natatawang sinabi ni Jin. Nagpaalam na siya kay Mr. Jill at dumiretso na sa dining area para puntahan si Chris. Pagkapasok niya muli sa dining area, habang nakatayo siya sa pintuan, nakita niya si Chris na nakaupo pa rin at hindi umalis sa pwesto nito. 

"Tinitingnan ko ang isang Chris na nakangiti sa akin." nasa isip ni Jin at pinagmamasdan ang mga ngiti nito na sinasabi ni Mr. Jill na matagal na panahon nang hindi nila nakikita. "Gusto ko lang din nakikita itong mga ngiti niya. Ayokong makikita ulit si Chris na iiyak sa harapan ko, dahil palagi kong maiisip ang pinagdaanan niya. Itong ngiti ni Chris, hindi ko inakala na may mas malalim pa pala itong kahulugan." Hindi labis maisip ni Jin na matindi pala ang pinagdaanan ni Chris at lahat ng nasa bahay na ito. Nangangako siya na hindi niya na hahayaan pang malunkgot ito at ibabalik niya ang dating Chris na kilala nila na laging masayahin. "Dahil pati ako, gusto ko rin makita ang Chris na 'yun balang araw."

Lumapit na siya sa pwesto niya na sa tabi ni Chris at napansin na malinis na lahat. Pati ang pagkain na dapat ay uubusin at sisimutin pa niya ay wala na rin.

"Hala!? Nawala na lahat? Magtatake home pa naman sana ako. Dadalhan ko pa naman si Ji—si Kuya Jon."

"Wag ka mag-alala, sinabi ko na sa isang maid namin na magbalot ng food para sa'yo at pinadalhan ko na rin si Sir Jon. Kausap ko siya habang nasa C.R. ka." nakangiting sinabi ni Chris.

"Thank you, Chris. Matutuwa 'yun, kung alam mo lang!" natatawang sinabi ni Jin.  "Kung alam lang talaga ni Chris na ako si Jin Tanda! Gusto ko sana sabihin sa kanya, kaso natatakot ako na baka may mangyari sa aming dalawa." nasa isip ni Jin.

"Uuwi ka na ba Jin?" malungkot na tanong ni Chris.

"Anong oras na ba? 7 p.m.? Hmm, maaga pa naman, okay lang ba mag stay muna ako dito magpapababa ng kinain?"

Tila natuwa bigla si Chris, "Okay lang! Tara doon muna tayo sa kwarto ko." nakangiting sagot niya.

"Hindi ba nakakahiya? Hehe!"

"Gusto mo ba maabutan si papa dito?"

"Oh ito na nga tara na! Saan ba 'yung daan papunta sa kwarto mo?"

Ayaw ni Jin na maabutan si Mr. A dahil nasa isip niya ay baka hindi na siya makauwi ng buhay, kaya hangga't maaari ay dapat makatago na siya sa kwarto ni Chris.

Tumayo na si Chris at sinundan na siya ni Jin palabas ng dining area. Bumalik ulit sila ng living room at naglakad papunta sa napakalawak na hagdan papunta sa 2nd floor ng bahay nila.

"Pagdating ko siguro sa kwarto nila Chris, baka gutom na ulit ako!" nasa isip ni Jin.

Habang umaakyat sila sa napakalawak na stairs ng living room nila Chris na nagdudugtong sa 2nd floor, napansin ni Jin ang mga malalaking portraits na nakasabit sa wall. Napatingin siya sa isang napakagandang babae na nasa portrait, nakaupo at nakangiti. May mahabang buhok pero medyo wavy na parang kay Chris.

"Wow! Ang ganda naman niya! Sino siya Chris? Mukhang angel naman itong babae na nasa picture, parang inaakit ako!"

"Ah, ayan ba? Si Mama 'yan!" natatawang sagot ni Chris.

Nang malaman ni Jin  na mama pala ni Chris ito, tinikom niya agad ang kanyang bibig. "Sorry po tita, hindi ko sinasadya. Sana po ay mapatawad niyo ko sa heaven." nasa isip ni Jin. "Ay sorry po tita. Hindi ko po sinasadya! Pero, hindi ko alam, Chris, parang nakita ko na siya o pamilyar sa akin 'yung itsura niya. Isa pa,  'pag tinitingnan ko siya, parang ang gaan ng loob ko sa kanya." 

May kakaiba naramdaman si Jin habang tinitingnan ang portrait ng mama ni Chris. May nararamdaman siyang lungkot na hindi maipaliwanag, pero nakaramdam din siya ng gaan ng loob at the same time.

Napangiti na lang si Chris dahil sa mga isinabmit ni Jin at hindi nila namalayan na nasa tapat na pala sila ng pinto ng kanyang kwarto. Bago sila pumasok, kinausap muna siya ni Jin at biniro.

"Alam mo Chris, 'pag ako lang talaga mag isa nandito, mawawala talaga ako. Baka kailangan ko ng mapa 'pag nasa bahay niyo ko, kaya 'wag mo ko iiwanan!"

"Oo, saka pag nawala ka naman, ipapaannounce ko na lang. Parang sa mall lang, ipapa-page kita." natatawang sinabi ni Chris at binuksan na ang pinto ng kwarto niya na kulay blue. Kakabukas pal ang ng pinto, pero humaplos na sa katawan ni Jin ang napakalamig na hangin at napakabango na scent ng kwarto. Nang makapasok na silang dalawa—

"Wow! Walang wala 'yung kwarto ko sa kwarto mo Chris! Parang isang buong bahay na ata namin tong kwarto mo! Parang mahihiya na ko 'pag sa amin ka natulog." hirit ni Jin. "Isa pa, kahit saan ako umamoy, pabango ni Chris ang naaamoy ko. Halos lahat ng nandito, kulay blue. Mula sa walls, sa mga gamit at pati na rin kama. Hindi niya siguro favorite color ang blue!" natatawang sinasabi ni Jin sa kanyang isip.

"Ano ka ba Jin, wala lang sa akin 'yun. Alam mo, mas gusto ko nga noong nakatulog ako sa kwarto mo. Mas napasarap 'yung tulog ko. Di ko alam, ang comfortable lang ng kama mo para sa akin."

"Bakit naman? Mukhang 10 times na mas malambot 'yung kama mo sa kama ko! Isa pa, parang 'yung tela at materials nito sobrang mahal talaga! Parang ayaw ko nga higaan kasi baka madumihan ko."

"Baliw ka talaga Jin! Umupo ka muna dyan sa kama ko. Mag papalit lang muna ako ng damit at maglilinis ng katawan sa C.R."

"Okay, sige. Dito lang ako hintayin ko na lang ikaw."

Pumasok na si Chris sa C.R. at nag masid-masid muna si Jin at naglibot sa kwarto. Una niyang tiningnan ang mga medals na nakasabit sa walls. Napakadami at halos lahat ng awards mula pre-school hanggang college ay mayroon si Chris. Sa baba ng mga medals nito, may mga canvas ng paintings. Hindi alam ni Jin na mahilig mag paint si Chris at ngayon niya lang ito nalaman. Magaganda ang mga paintings na gawa nito, ngunit halos lahat ay nagdedepict ng kalungkutan.

Lumapit si Jin sa isang desk ni Chris na may mga family pictures and portraits. Habang tinitingnan niya ito, hindi niya namalayan na nakangiti na siya habang nakatingin sa mga pictures ni Chris noong bata pa ito. "Ibang iba nga talaga yung mga ngiti ni Chris dito kahit sa picture lang. Alam mo na masayang masaya siya lalo na pag kasama niya ang mama niya. Ang cute niya din talaga lalo noong bata!"

May nakita rin siyang photo ng parents ni Chris na nasa isang picture frame na kulay blue. Kinuha niya ito at tiningnang mabuti. "Kung hindi ako nagkakamali, ito ang picture ng wedding ng parents ni Chris. Hmmm, Villafuerte-Mapa wedding. Ahhh, 'Mapa' pala ang middle name ni Chris. Okay, ngayon alam ko na! Naunahan ko pa si Jin tanda na malaman! Haha! Kamukhang kamukha ni Chris 'yung mama niya noong dalaga pa 'to, kaya pala ang cute ng mukha ni Chris. Pero yung puti ni Chris, nakuha niya sa papa niya pati ang hugis ng mukha. Gwapo ang papa niya, pero nakakatakot at nakaka-intimidate! Buti hindi nakuha ni Chris 'yun!" natatawang sinabi ni Jin at binalik na sa pwesto ang picture frame.

Habang naglalakad at naglilibot si Jin, hindi niya napansin na nasa tapat na pala siya ng pinto ng C.R. sa kwarto ni Chris. Biglang bumukas ang pintuan at bumungad sa harap niya si Chris na naka boxer brief at topless. Sa sobrang lapit nila sa isa't isa, halos magkadikit na ang mukha ni Chris  sa dibdib ni Jin. "Baka maramdaman niya ang pagbilis ng heartbeat ko sa oras na dumampi ang mukha niya sa chest ko!" sinisigaw na ni Jin sa kanyang isip.

Napalunok na lamang si Jin at nakatigil, dahil ano mang galaw niya ay mahahawakan niya ang katawan ni Chris. "Sa lahat ba naman ng pagkakataon, bakit naman ganito pa? Ang lapit lapit ko kay Chris at kitang kita ko pa 'yung katawan niya na sobrang  puti at kinis na parang hindi talaga dinadapuan ng lamok!" nasa isip ni Jin. Hindi niya na din napigilan ang sarili at ang mga kamay niya ay tila may sarili ng buhay at dahan dahan nang kumikilos. Nanginginig na ang kamay niya  at dahan-dahan itong lumalapit para hawakan ang mga balikat ni Chris.

Habang papalapit na ang kamay ni Jin sa makikinis na mga balikat ni Chris, lalong siyang nahirapan sa pagpigil dahil hindi kumikibo si Chris.

"Bakit hindi ka gumagalaw? Pigilan mo ko, Chris!"

Nakatitig lang si Chris sa mga kamay ni Jin na parang hinahayaan niya na hawakan siya nito. Palapit na ng palapit ang mga kamay ni Jin sa mga balikat niya at gustong gusto na itong haplusin, nang may napansin si Jin na mapulang marka sa bandang balikat niya.

"Huh, ano 'to, Chris?"

Tinuro ni Jin ang mapulang marka na nakikita niya sa may bandang balikat ni Chris habang magkaharapan sila. Bigla itong tinakpan ni Chris at tila tinatago ang mga marka. Dahil dito, nagtaka lalo si Jin dahil pareho na may mapulang marka sa mga balikat nito. Hinawakan niya ang mga malalambot na kamay ni Chris na nagtatakip sa mga mapupulang marka sa balikat nito, at dahan dahan niya itong inalis. Pagkatapos ay hinawakan niya ang mapulang marka na nasa isang balikat nito na mainit-init pa.

"Galing 'to sa isang hampas." napagtanto ni Jin. "Ano nangyari dito, Chris?"

"Ano, ummmm—" Hindi makasagot si Chris kaya naman tiningnan ni Jin ang likod niya upang tingnan ng mas maigi ang marka. Pero nang makita ni Jin ng likod niya  nagulat ito.

"Whaaaat! Ano 'to? Bakit puro marka ng parang latigo! Chris, saan galing 'to? Bakit ang dami mong latay sa likod?" nag-aalala na tanong ni Jin.

Hindi pa rin sumagot si Chris kung saan galing ang mga latay sa likod niya. Pinaupo muna siya ni Jin sa kama habang naghahanap ito ng ointment para sa mga latay niya sa likod.

"Pupuntahan ko si Mr. Jill,  d'yan ka lang. Hihingi ako ng ointment para sa likod mo. Tsk!"

"'Wag na Jin, may binili ako nasa paper bag sa cabinet ng desk ko."

Kinuha ni Jin ang paper bag na may laman na ointment at umupo sa kama sa tabi ni Chris.

"Kaya ka ba lumabas para bumili ng gamot?" Hindi ulit sumagot si Chris at yumuko lang siya. "Sige, hindi na kita kukulitin kung ayaw mo sabihin sa akin kung saan to galing. Tsk! Sino naman gagawa sa'yo niyan!"

Pumwesto siya ng upo sa likod ni Chris kung saan nakaharap siya sa mga pulang marka sa likod nito at ang iba ay may mga sugat at dugo pa. Kinuha niya ang lalagyan ng ointment, naglagay ng tamang amount sa index finger niya at pinahid sa mga parts na may dugo at may latay sa likuran ni Chris. Sa tuwing papahiran niya ng ointment ang mga sugat ni Chris, napapaurong ito dahil sa hapdi. 

"Tsk! Walang puso talaga kung sino man ang gumawa sa'yo nito!" naiinis na sinabi ni Jin. "Sinong gumawa nito sa kanya? Dinudungisan niya 'yung makinis at maputing balat ni Chris!" nasa isip ni Jin at tila hindi niya namamalayan na napapadiin ang pagpahid niya kay Chrism

"Aray…"

"Sorry, Chris, kung medyo mabigat 'yung diliri ko ah?" nagaalala na sinabi ni Jin.

"Hindi, okay lang." nakangiting sagot ni Chris. "Ang sarap sa pakiramdam na hinahawakan ako at ginagamot ni Jin.  Nararamdaman ko 'yung init ng daliri niya sa likuran ko. Sorry, Jin, hindi ko masasabi sa'yo kung saan  nanggaling ang mga latay sa likuran ko. Dahil kapag nalaman mo, ayaw kong sisihin mo 'yung sarili mo. Ayaw ko sanang makita mo to, pero huli na." nasa isip ni Chris.

"Oo nga pala, Chris, bakit mga 4:30 a.m. ka na nakatulog kahapon?  Magme-message sana ako, kaso hindi ko alam sasabihin ko sa'yo." tanong ni Jin habang patuloy na pinapahiran ang mga sugat ni Chris. 

"Ahh. May inasikaso kasi ako kaya 4:30 na ako nakatulog. Isa pa, hindi pa rin naman ako inaantok noong mga oras na 'yun."

"Tingnan mo, hindi ka tuloy nakapasok ngayon! Basta bukas pumasok ka ha?"

"Oo, papasok ako. Oo nga pala, dito ka na ba matutulog sa amin, Jin?"

"Sandali? anong oras na ba?"

"10 p.m. na!" natatawang sagot ni Chris.

Napatigil si Jin sa pagpapahid ng ointment at kinuha ang kanyang phone sa bulsa ng pants niya para tingnan ang oras.

"Hala! 10 p.m. na? Hindi ko namalayan na gabi na pala Nako! Baka hinahanap na ko ni Ji—Kuya Jon!"

"Sorry Jin, wag ka magagalit sa akin ah?"

"Bakit ano 'yun?"

"Wala na kasi ikaw masasakyan ng ganitong oras dito sa amin."

"Okay lang, maglalakad na lang ako pauwi."

"Sinabi ko na kay Sir Jon na dito ka muna matutulog, habang nasa C.R. ka kanina. Sorry hindi ko sinasadya at pinangunahan kita." nahihiyang sinabi ni Chris.

"Whaaatt? Teka, tawagan ko lang si Kuya Jon"

Jin: Kuya Jon!

Jon: Wow! Yes, Baby Jin? Anong problema?

Jin: Dito na muna ako mag stay kila Chris, gabi na rin.

Biglang napangiti si Chris nang marinig niya ang sinabi ni Jin.

Jon: Oo, pinaalam ka na sa akin ni Chris. Pakisabi thank you sa pinadala niyang food. Sabihin mo, ngayon na!

Jin: Oo na! Saglit!

"Chris, thank you daw sa food, sabi ni SIR JON mo!"

Tila kinilig si Chris noong ni-relay ni Jin  ang pinapasabi ni Jon. "Wow! Bakit ka kinikilig, Chris? Crush mo ba si Jin Tanda? Ha!" naiinis na sinabi ni Jin sa kanyang isip.

Jin: Okay na?

Jon: Good! Kinilig ba siya?

Jin: Hindi!

Jon:Sus! Basta, hindi ka makakauwi dito. Una, wala ka ng sasakyan d'yan. 'Wag mo na tangkaing maglakad kasi mapapagod ka lang, ginawa ko na 'yan. Pangalawa, mahiya ka naman kung magpapahatid ka pa sa driver nila! Pangatlo, kung maglakad ka man at nakauwi ka, hindi kita papapasukin! Kaya wala kang Choice! Dyan ka matulog! Enjoy! Bye!

Biglang binabaan ni Jon ng tawag si Jin upang hindi na ito makaangal pa.

"Itong Jin tanda na 'to! Namumuro ka na sa akin! Naisahan mo na naman ako at solo mo na naman ang bahay!" nasa isip ni Jin. Tumayo na siya at nilapag muna ang phone sa isang mini table sa tabi ng kama ni Chris at nag unat nang bigla siyang kinausap ni Chris muli. 

"Jin, thank you pala sa pag-asikaso sa likod ko. Okay na 'to. Mawawala din yung hapdi mamaya kapag umepekto na 'yung ointment."

"Sigurado ka na okay na 'yun ah? Hmmm? Kaya mo ba mag suot ng damit? Hindi ba masasaktan 'yung likod mo dahil sa gamot?"

"Okay lang, maluwag naman yung susuotin ko. Oo nga pala, pinahanda ko na kay Mr. Jill 'yung susuutin mo ngayon. Pwede ka na muna maglinis ng katawan sa CR, saka magpalit na rin ng damit."

Pumasok na si Jin sa C.R. ng kwarto ni Chris, at as expected, nagulat na naman siya.

"Whaaaatt! Pati ba naman C.R. niya sa kwarto malaki din? Grabe! Gaano ba talaga kalaki 'tong bahay nila Chris? Pambihira naman! Parang kahit dito pa lang sa CR pwede na ko tumira eh. Malinis at napakakintab ng tiles ng C.R. niya na pwede na ata ako manalamin. Tsaka pati hanggang dito, kulay blue pa rin talaga makikita mo."

Nagshower muna si Jin dahil minsan lang siya makakaligo sa C.R. ng pangmayaman, para sa kanya, at baka mamaya mineral ang tubig na lumalabas dito. Tinikman niya ang tubig para makasigurado, ngunit ng kanya itong tinikman, nadismaya siya dahil parehas lang ito ng tubig sa bahay niya. 

Pagkatapos mag-half bath ni Jin, nagpunas na siya ng katawan at kinuha na ang color green na t-shirt at shorts na nakasabit sa loob ng C.R. 

"Mahihirapan ako matulog nito dahil magsusuot ako ng t-shirt, pero dahil nasa bahay ako ni Chris, sige titiisin ko na lang." Kinuha na ni Jin ang t-shirt at sinuot na rin ito pagkatapos. "Hala! Sukat na sukat yung damit sa akin! Kay Chris ba 'tong damit na 'to? Malaki to para sa kanya, pero tamang tama lang para sa akin. Tapos ang ganda ng tela, ang presko. Parang gusto ko iuwi, kaso nakakahiya!"

Pagkatapos niya mag bihis, lumabas na rin siya ng C.R. at nakitang nakaupo si Chris sa dark blue na swivel chair ng desk nito kung saan nakalagay ang mga pictures and portraits na nakita niya kanina. Pinasok muna niya ang kanyang damit sa bag na nakalagay sa mini table sa tabi ng kama at pagkatapos ay nilapitan niya si Chris at tumayo sa gilid nito. 

"Grabe 'tong t-shirt tska shorts mo Chris. Saktong sakto lang sa akin tapos ang ganda ng tela. Halatang mamahalin talaga, tapos ang sarap suotin! Pakiramdam ko para akong nakahubad kahit may damit ako!" natatawang sinabi ni Jin.

"Buti naman at nagkasya kay Jin 'yung binili ko. Bibigay ko sana 'yung damit, kapalit ng nabasang damit na pinatong niya sa ulo ko noong hinatid niya ko kila Rjay. Akala ko nagkamali ako ng binili na size. Hindi ko alam kung panao ibibigay sa kanya  pero ngayon, mukhang mabibigay ko na. Alam ko tatanggi ka pero hindi mo ko mapipigilan." nasa isip ni Chris. "Buti naman kasya, sa'yo na lang yan, Jin." nakangiting sinabi ni Chris.

"Whaaatt? Hindi, 'wag! Nakakahiya! Hala! huhubarin ko na!"

Gusto talaga na Jin na sa kanya na lang ang damit kaso hindi naman niya akalain na ibibigay ito sa kanya ni Chris. Huhubarin niya na sana ang t-shirt nang biglang nagsalita si Chris at napatigil siya.

"Naalala mo 'yung damit mo na nabasa dahil sa akin noong hinatid mo ko kila Rjay? Nahiya ako noon, kaya naman tanggapin mo na yan Jin, please." nagmamakaawang sinabi ni Chris.

"Whaaaat! 'Wag mo ko tingnan ng nagmamakaawa mong mukha, Chris! Baka mamaya pisilin ko 'yung mga cheeks mo pag hindi ko na napigilan sarili ko!" nasa isip ni Jin.

"Wala ka nang magagawa, Jin, sa'yo na 'yan. Isa pa, may pangalan mo 'yan."

"Huh? Pangalan? Nasaan?"

"Sa likod."

Pumasok muli ng C.R. si Jin  at tiningnan ang nakalagay na pangalan sa likod ng t-shirt. Pangalan nga niya ang nakalagay dito, at parang style na Jersey ang print. Lumabas na siya ng C.R. pagkatapos, at lumapit ulit sa tabi ni Chris.

"Mukhang wala na kong choice talaga, Chris?"

"Oo, Jin, wala na. Kaya iuwi mo na 'yan!"

"Okay, sige. Mukhang hindi din naman kita mapipigilan." nahihiyang sinabi ni Jin, ngunit sa loob niya ay tuwang tuwa siya. "First time ko magkaron ng damit na ganito kaganda ang tela saka mamahalin, tapos galing pa kay Chris. Sandali, may naalala ako, muntik ko na makalimutan!" nasa isip ni Jin at naalala niya ang ibibigay niya kay Chris. "Oo nga pala Chris, muntik ko na makalimutan. May binili pala ako na peace offering ko dapat. Alam ko gustong gusto mo 'to."

"Ano 'yun?" nakangiting tanong ni Chris.

Pinuntahan ni Jin ang kanyang bag na nakapatong sa mini table na nasa tabi ng kama ni Chris at inilabas ang binili na Sour Apple Tapes sa Candy Corner. Nang makita ni Chris ang logo ng Candy Corner sa plastic bag, nagningning ang mga mata niya. Para siyang bata na natutuwa kapag binibigyan ng candy.  Lumapit na muli si Jin sa tabi ni Chris  at binigay ang favorite nitong Sour Apple Tapes.

"Alam ko na favorite mo to Chris, nakikita ko kasi madalas na kinakain mo to 'pag nakikita kita pag nagbabasa ka ng libro sa University. O kaya pang bribe sa'yo ni Luna para turuan mo siya sa mga lessons natin dati." pabirong sinabi ni Jin.

"Hala! Thank you, Jin! Ang tagal ko na hindi nakakain nito ulit kasi wala akong time bumili! Gusto mo ba?" 

"Hindi, ayaw ko. Kahit ubusin mo lahat 'yan, ayoko maasim kasi eh!"

Nagsimula nang kainin ni Chris binigay sa kanya ni Jin at tila sarap na sarap ito  sa kanyang kinakain. 

"Umm, Chris, tanong ko lang. Matagal mo na ba naging butler si Mr. Jill?" tanong ni Jin habang pinapanood niya si Chris na tuwang tuwa na kumakain ng Sour Apple Tapes.

"Mmm. Oo, sabi niya, simula daw noong pinanganak ako, siya daw 'yung ginawang butler ni mama para sa akin."

"Ano naman masasabi mo kay Mr. Jill?"

"Hmmm. Parang pangalawang papa ko na rin si Mr. Jill. Hindi ko siya tinuring na butler, pero tinuturing ko siya bilang pamilya ko, pati na rin lahat ng nandito sa bahay"

"Tama nga si Mr. Jill, kaya mahal na mahal nila si Chris, dahil mahal niya din sila at hindi tinuturing na empleyado lamang." nasa isip ni Jin. "Masaya ka naman pag kasama sila?"

"Oo, kasi pag nasa bahay ako, si Mr. Jill ang madalas ko kausap. Saka nakakatuwa siya kausap kasi marami ako natututunan sa kanya."

"Eh yung papa mo? Hindi ba kayo nag-uusap masyado?"

Napatigil si Chris sa pag kain at napabuntong hininga.

"Nag-uusap  kami, pero iba kasi si papa. Dapat laging tungkol sa work, sa grades, sa school, sa mga achievements. Never kami nag-usap ng kahit ano na labas sa mga 'yun."

"Si mama mo? Matagal mo na ba siya hindi nakakasama?"

"Si mama, matagal na siyang wala. 6 years old pa lang ako noon, nagkasakit siya ng malubha. Namimiss ko na nga siya. Simula noong nawala siya, feeling ko nabawasan yung malaking part ng pagkatao ko. Napakabait kasi ni mama, kaya naman hinding hindi ko makakalimutan 'yung mga times na magkasama kami at kung gaano niya pinaramdam yung pagmamahal sa akin. Nung nawala siya, nahirapan ako ng sobra at pakiramdam ko palaging may kulang. Oo, nand'yan sila Mr. Jill, hindi nila ako iniwan. Alam ko nahihirapan sila para saa kin, pero natutuwa ako kasi hinding hindi nila ko pinabayaan."

"Napaka-matured mag-isip ni Chris, hindi siya gaya ng ibang mayaman na nakikita o nakikilala ko na nagrerebelde." nasa isip ni Jin. "Pero Chris, kung tatanungin kita ngayon, masaya ka ba?"

"Ako? Hmm, oo. Feeling ko unti-unting bumabalik 'yung saya na nawala sa akin ng mahabang panahon."

"Buti naman, pero bakit mas gusto mo matulog sa amin eh ang dami dami mo naman kasama dito."

"Hmm, siguro kasi pag nasa inyo ako, feeling ko hindi ako nag-iisa. Na may kasama ako, na alam ko nasa tabi ko lang kayo. 'Di gaya dito na alam ko marami kami at malaki 'yung kwarto ko, pero ako lang mag isa at parang wala akong kasama."

Nginitian ni Jin si Chris at hinaplos ang buhok nito na napakalambot. "'Wag ka mag alala Chris, ako ang magbabalik ng saya na nawala sa'yo. Dalawa kaming Jin ang nandito at hindi ka namin papabayaan at hindi ka na mag-iisa, kaming bahala sa'yo." nasa isip ni Jin.

"Ako naman mag tatanong sa'yo, Jin, okay lang ba?" tanong ni Chris habang nakangiti siya kay Jin na humahaplos sa buhok niya. 

"Sige lang! Ibigay mo na ang pinakamahirap mong tanong."

"Wala kang napapusuan o nagugustuhan?"

Seryoso ang tanungan ni Chris kahit nakangiti siya at napatigil si Jin sa paghaplos sa buhok niya.

Tila hindi alam ni Jin kung anong isasagot, "Whaaaatt? Anong tanong yan Chris? Napakahirap naman niyan? Hindi naman ganiyang tanong ang ineexpect ko, bakit naman biglang lumabas 'yan?" nasa isip ni Jin. "Hmmmm sa ngayon, Chris—" Tila inaabangan ni Chris ang sagot niya dahil gusto nito malaman kung may iba na ba siyang nagugustuhan. "Hindi ko pa masabi sa sarili ko. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko para sa tao na 'to. Hindi ko pa masabi na gusto ko siya, pero masaya ako kapag napapasaya ko itong tao na 'to. Pero hindi ko pa masyadong nakikita 'yung sarili ko na yung tipong nasa stage na ko na mahal ko na 'yung tao na 'yun. Okay ba yung sagot ko?"

"Okay! Nagegets ko Jin. Thank you sa pagsagot. Sana kung sino man siya, Jin, sasabihin ko na siya ang pinaka-swerteng tao sa mundo. Kasi nand'yan ka para sa kanya. Kung dumating 'yung panahon na pakiramdam mo na mahal mo na siya, sabihin mo sa akin, tutulungan kita para sa kanya." nakangiting sagot ni Chris. "Oo, seryoso, Jin. Tutulungan kita sa lahat ng makakaya ko kahit magiging masakit para sa akin. Basta ang alam ko, nagmahal ako. Nagmahal ako sa hindi maling tao. Kahit hindi man maging tayo, alam ko na tama ang desisyon ko na mahalin ka at naging masaya ako ng sobra sobra sa mga oras na kasama kita." nasa isip ni Chris.

"Wala ka na ba ibang gustong itanong sa akin, Chris?"

"Sa totoo lang, mayroon." nasa isip ni Chris. "Wala na." sagot ni Chris na taliwas sa gusto niyang sabihin.

"Sigurado ka?"

"Hindi, pero hindi pa ako handa na itanong sa'yo." nasa isip muli ni Chris. "Sigurado ako, wala na." nakangiting sagot ni Chris.

"Oo nga pala Chris, baka maaga na lang ako umalis bukas. Wala kasi akong damit pang pasok. Saka, wag mo na ko pahiramin! Baka mamaya ibigay mo na naman sa akin! Okay na 'tong suot ko, tama na 'to!" natatawang sinabi ni Jin.

"Sige, Jin, bukas ipapahatid na lang kita sa driver namin, ako na mag sasabi kay Mr. Jill"

"Hala! Wag na, nakakahiya, Chris. Isa pa, maistorbo ko pa 'yung tulog ng driver niyo."

"Wag ka magalala, okay lang. Basta wag mo na isipin 'yun."

"Okay, sige, bahala na bukas. Oo nga pala, dito na lang ako sa sahig matutulog. Nakakahiya d'yan sa kama mo eh!"

"Hindi, okay lang, saka malaki naman yung kama ko. Hindi naman tayo masisikipan."

"Hindi na, nakakahiya. Saka baka mamaya hindi ka sanay ng may katabi. Makulit ako matulog, tapos mahirapan ka. Mamaya, matamaan ko 'yung mga latay sa likod mo. Baka masaktan kita ng hindi sadya. Malambot naman tong carpet mo, okay na ko dito at mas malambot pa nga 'to sa kama ko ata."

"Please, Jin, dito ka na lang matulog. Hindi ako mapapanatag 'pag sa sahig ka natulog. Saka bisita kita dito. Mayroon bang bisita na sa sahig pinapatulog? Okay lang talaga sa akin, 'wag ka na mahiya."

"Mukhang hindi papaawat to si Chris ah? Sige na nga, minsan lang ako makakahiga sa ganitong kama. Lulubusin  ko na siguro to! Pero hindi ko alam kung makakatulog pala ako ng maayos! Katabi ko si Chris matutulog, mamaya kung anong magawa ko na hindi maganda! Baka hindi ko mapigilan sarili ko!" nasa isip ni Jin.

Tinago na ni Chris ang kinakain niyang Sour Apple Tapes sa mini Ref sa kwarto, at humiga na sa kama pagkatapos. Naka-ayos na siya ng higa, pero si Jin ay nakatayo pa rin at tila nahihiya na humiga. Kaya naman, hinila niya si Jin papunta sa kama at nang madala niya na ang katawan nito sa kama, pumwesto ito sa pinaka gilid.

 "Diring diri kaya si Jin na katabi ako matulog? Grabe naman 'yung pag-iwas niya sa akin!" nasa isip ni Chris habang natatawa siya sa reaction ni Jin. Pinatay niya na ang ilaw ng kwarto gamit ang remote na nasa tabi lamang ng unan niya. Nang mag off na ang main lights ng kwarto, kusang bumukas ang mga kumikislap na mini lights na nasa ceiling na para bang mga stars na kumikininang sa gabi. Umilaw na rin ang isang miniature na moon na nakasabit sa ceiling na napapalibutan ng mga clouds.

Tiningnan ni Chris ang reaction ni Jin, at malinaw niyang  nakikita ang mukha nito na tinatamaan ng moonlight ng miniature moon. "Napaka gwapo niya talaga sa kahit anong angle mo siya tingnan. Parang kaya ko siyang titigan buong gabi at habang natutulog siya. Kaya lang parang ang creepy ng dating!" nasa isip ni Chris.

"Wow, Chris! Tuwing matutulog ka, ito 'yung pinagmamasdan mo? Grabe! Nakakarelax."

"Oo, gumagaan kasi 'yung loob ko pag nakakakita ang ng stars at moon sa gabi, kaya ito, dinala ko sa kwarto ko." natatawang sinabi ni Chris.

"Grabe, Chris, pakiramdam ko nasa labas ako ng bahay nag star gazing! Ang ganda!"

Tahimik lamang silang dalawa na pinagmamasdan ang mga kumikinang na stars at ang moon sa ceiling. 

Habang nakatingin lang si Chris sa ceiling, naramdaman niya na dahan-dahang lumapalit si Jin sa gitnang part ng kama kaya naman, lumapit din siya dahan dahan. Nang makapwesto na silang dalawa sa bandang gitna ng kama, hindi umaalis ang tingin nila sa miniature moon.

Labis na ang pagtibok ng puso ni Chris dahil nararamdaman niya ang init ng katawan ni Jin na nasa tabi niya. Biglang umusog si Jin ng kaunti papalapit sa kanya at hindi sinasadya, nagtagpo ang mga daliri nilang dalawa. Hindi na siya makatingin kay Jin sa puntong ito at sumisigaw na siya sa kanyang isip at tila gustong sumabog sa tuwa, pero hindi niya magawa. Nararamdaman niya na ang init ng mga daliri ni Jin na unti-unti ay pumapatong sa kamay niya. Inasahan niya na tatanggalin ito ni Jin any minute, pero hindi ito tinanggal ni Jin. 

Pinatong ni Jin ang kanyang buong kanang kamay sa kaliwang kamay ni Chris na naka rest lang malapit sa gitnang part ng kama. Sobrang lakas na ng tibok ng puso nilang dalawa sa mga oras na 'to at anytime ay maaaring sumabog na ito sa kaba at tuwa.

Nararamdaman na ni Chris ang init ng kamay ni Jin dahil sinasakop na nito ang buong kaliwang kamay niya. Aalisin niya dapat ito dahil nahihiya siya, kaya ginalaw niya ito ng kaunti ngunit hinigpitan ni Jin ang pagkakakapit sa kamay niya. 

"Pahiram muna ako ng expression mo, Jin—Whaaaaaaaattt!!" sinisigaw ni Chris sa kanyang isip. Hindi niya matanggal ang kamay niya dahil matindi ang pagkakakapit ni Jin dito. Huminga siya ng malalim upang ikalma ang kanyang sarili, dahil baka hindi niya na kayanin ang mga magaganap pa. Dahan dahan siyang lumingon sa mukha ni Jin upang makita ang reaction nito. Pagkatingin niya sa napakaamo nitong mukha, nakapikit ito at nakangiti. Tumingin siyang muli sa ceiling at hinayaan lang na nakapatong ang kamay ni Jin at nakahawak sa kanya.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Chris' POV

Sa puntong ito, pakiramdam ko na nananaginip na naman ako. Sana hindi na ako magising kung panaginip man ito. Sana ganito na lang kaming dalawa ni Jin palagi. Ang sarap pala sa pakiramdam na hawak ng taong pinakamamahal mo ang kamay mo. Ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo.

Kung may way lang para itigil ang oras, gugustuhin ko na itigil ito sa pagkakataong ito at hindi na gumalaw pa.

Makakatulog ako ng mahimbing dahil alam ko na katabi ko si Jin, na hawak niya ang kamay ko, at alam ko na safe ako pag kasama ko siya. I-eenjoy ko lang ang gabing ito. Ayaw ko na mag-isip ng kung ano anong bagay. Basta ang alam ko lang ay masaya ako. 

Pero hindi pa dito nagtatapos ang lahat. Ang buong akala ko ay ipapatong lang ni Jin ang kamay niya sa akin.

Akala ko, tulog na siya.

Nagulat ako, nang dahan dahan niyang ginalaw ang kanyang kamay at hinaplos ang kamay ko. Sobrang lambot at mahinahon ng pagkakahaplos niya sa mga daliri ko at  pinupunan niya ang mga spaces sa pagitan ng mga daliri ng kamay ko.

Malamig ang simoy ng hangin sa kwarto ko, pero napakainit ng pakiramdam ko. Ibang warmth ang nararamdaman ko sa kamay ni Jin, at nakakaramdam ako ng punong puno ng pagmamahal. Ang pakiramdam na nangungulila sa isang hawak ng kamay, 'yun ang mararamdaman ko ngayon.

Ito ang gabi na hindi ko makakalimutan sa lahat. Ang gabi na sana hindi na matapos pa. Sana kasama kita lagi sa tuwing pagtulog ko, para hindi ko na iisipin sa gabi na wala akong kasama.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Jin's POV

Hindi ko na naintindihan ang sarili ko.

Hindi ko na napigilan ang katawan ko.

Kusa na itong gumalaw, at tila nagkakaisa ang utak at katawan ko sa ginagawa ko ngayon. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ng mahawakan ko ang napakalambot na kamay ni Chris. 

Akala ko tatanggalin niya, pero hindi. Hindi ako makatingin sa kanya ngayon, dahil ayaw kong makita ang reaction niya. Hindi ko alam kung naiinis siya, o nahihiya, o baka tulog na rin siya kaya hindi siya kumikibo?

Pero sa gabing ito, Chris, hayaan mo sana ako na hawakan ang kamay mo. Gusto ko na isipin mo na hindi ka nag-iisa, at hindi ka na mag-iisa. Gusto ko na maramdaman mo na nandito ako sa tabi mo. 

Hindi ko inakala na darating ako sa puntong ito, na pakiramdam ko, unti-unti nang napapalapit ang puso ko sa taong ito. Alam ko na kaibigan ko siya, pero sa isang banda, ang puso ko, sumisigaw na gusto pa nitong higitan ang pagiging magkaibigan namin. Pero ang isip ko, pinipigilan pa ako na gawin ito. Maraming bagay ang tumatakbo ngayon sa utak ko, pero isa lamang ang gusto ko ngayong gabi. Gusto ko, ako at si Chris lamang, at iniisip ko na kaming dalawa lang ang nasa mundo at walang ibang taong iniisip.

Wala nang mananakit sa kanya, at wala nang magpapahirap sa kanya.

End of Chapter 9

Bab berikutnya