webnovel

CHAPTER 19 “FIRST DUET”

"KANINA ka pa?" tanong ni Daniel sa kaniya nang datnan siya nito sa roof deck na abala sa pagbabasa ng libro.

"Hindi naman, mga fifteen minutes palang," sagot ni Ara saka isinara ang binabasa niyang libro.

Noon naupo si Daniel sa tabi niya saka ibinaba ang isang paperbag. "Kumain ka muna, baka gutom ka na," anitong inilabas sa papel na yari sa bag ang dalawang sandwich saka iniabot sa kaniya ang isa pagkatapos ay isinunod naman nito ang dalawang bote ng malamig na mineral water.

"Salamat, tama ka gutom na nga ako," si Ara na tumawa ng mahina bago sinimulang kainin ang ibinigay na sandwich sa kaniya ni Daniel.

Mataman lang siyang tinitigan ng binata pagkatapos ay tumango habang nakangiti. "Naalala ko lang, hindi ba nabanggit mo sa akin na may kakambal ka?"

"Oo, si Bella," sagot niya habang ngumunguya ng sandwich.

"Bakit hindi mo siya kasama?" tanong ulit ni Daniel. "I hope you don't mind me asking, curious lang kasi ako as your friend, walang ibang ibig sabihin," ang maagap na paliwanag ng binata saka kinuha ang isang bote ng mineral water at binuksan iyon pagkatapos ay iniabot sa kaniya.

"Thank you," sagot niya saka tinanggap ang tubig at uminom.

Nanatiling nakamasid lang sa kaniya si Daniel. Halatang hinihintay nito ang kwento niya kaya naman hindi na niya iyon pinatagal pa.

"Italian ang tatay namin ni Bella, kaya ganito ang itsura ko. Actually very identical talaga kaming magkapatid. Si tatay, manliligaw siya ng nanay ko matagal na, nung nabuntis si nanay ng tatay naming Italian at basta nalang iniwan noon nag-offer si tatay na siya nalang ang tatayong ama namin, inalok niya ng kasal ang nanay ko at doon na nga nagsimula ang love story nila," pagkukwento ni Ara saka tuluyan inubos ang kinakaing tinapay.

"Ibig sabihin nung nagpakasal ang nanay at tatay mo, one sided love ang sitwasyon nilang dalawa?" parang hindi makapaniwalang tanong pa ni Daniel at bakas iyon sa mukha ng binata.

Lumapad ang pagkakangiti ni Ara sa nakitang reaksyon ng binata. "Bakit parang hindi ka makapaniwala?" naitanong niya saka sinundan ang tanong na iyon ng isang mabining tawa.

Noon uminom muna si Daniel saka umiling.

Habang si Ara nang mga sandaling iyon ay parang nawawala sa sariling pinagmamasdan maging ang paraan ng paglagok ni Daniel ng tubig at kung paano nito inubos ang laman ng plastic na bote. Nang akmang ilalagay na ng binata ang walang lamang bote sa paper bag ay maagap na nagsalita si Ara.

"Ah! Pwede bang akin nalang iyan?" tanong niya na bahagya pang nahiya dahil kusang humina ang kanyang boses.

Agad na binalot ng pagtataka ang mukha ni Daniel saka inilagay ang takip ng bote bago iyon iniabot sa kaniya. "Nag-iipon ka ba ng plastic bottles?" tanong pa nito.

Wala naman iyon sa isip niya pero kusang tumango si Ara para kahit paano ay maisalba niya ang kaniyang pride. Baka kasi kung anong isipin ni Daniel dahil sa ikinilos niya at katulad ni Jenny ay mabuko siya ng binata sa lihim niyang pagtingin para rito.

"Y-Yeah, actually nagpa-plano akong magtanim ng mga gulay kagaya ng petsay at mustasa. Alam mo naman dito sa Maynila medyo limitado ang space natin unlike sa province hindi ba?" aniyang nagmamadaling inilagay sa loob ng kaniyang bag ang plastic na boteng galing sa binata.

"Oo nga eh. But anyway kung kailangan mo ng tulong sa sinasabi mong vegetable garden sabihan mo lang ako, willing akong tulungan ka lalo na ngayon ako lang mag-isa sa bahay at wala ang kapatid ko," si Daniel na kinuha ang gitara nito saka iyon inilabas mula sa case nito.

"Sige, kung gusto mo tutal malaki naman ang garden ninyo sa inyo nalang tayo magtanim!" biglang nakaramdam ng matinding pananabik sa Ara sa topic nilang iyon kahit ang totoo inimbento lang niya iyon ngayon lang para mapagtakpan ang sarili niya dahil sa ginawa niyang paghingi sa empty bottle na ininuman ng binata.

"Sure, no problem, mas maganda yata ang gulay na walang chemical fertilizer," sang-ayon ni Daniel. "and then what happened? Sa kinukwento mo?" pagkatapos ay dugtong pa nito.

"Oh! So, ayun, kasi nga hirap kami sa buhay kinailangan na iwan ni nanay ang isa sa amin ni Bella sa mga parents niya. Kaya ang kakambal ko sa San Ricardo lumaki, sa probinsya. Si Anthony naman ang naging anak nina nanay at tatay Anselmo," pagpapatuloy niya.

Tumango-tango si Daniel. "Pero I admire Tito Anselmo."

"Talaga?"

"Oo, kasi noong nag-dinner ako sa inyo walang kahit anong traces na sa one-sided love silang nanggaling. Kung paano sila mag-usap, magpalitan ng matatamis na ngiti at makakahulugang tingin, halatang mahal na mahal nila ang bawat isa," nasa tono ni Daniel ang matinding paghanga na humipo naman ng husto sa puso ni Ara.

Ngumiti lang si Ara sa sinabing iyon ni Daniel kaya muling nagsalita ang binata.

"Pero hindi ako naniniwala na natututunan ang pagmamahal, siguro pwede itong ma-develop, pero para sa akin magkaiba ang ibig sabihin ng dalawang iyon."

"Marami ka nang experience sa love ano? Kaya ang dami mong alam," si Ara na natawa pa ng mahina.

Nagkibit ng balikat niya si Daniel. "Mahilig akong makinig ng mga love songs. If you know what I mean?"

Agad naman nakuha ni Ara ang ibig ni Daniel sa sinabi nito.

Mahilig ito sa love songs, ibig sabihin romantic itong tao, at iyon ang pinaghuhugutan nito ng lahat ng mga sinasabi nito point of views sa pag-ibig.

"Pero nagkaroon na ako ng girlfriends, marami na," pagkaraan ng ilang sandali ay dugtong ng binata.

Nagsalubong ang mga kilay ni Ara sa sinabing iyon ng binata. "So proud ka, ganoon ba?" aniyang bahagyang nabahiran ng inis ang tono.

Malapad na napangiti si Daniel saka ipinosisyon ang gitara nito. "No, don't get me wrong okay? Sinasabi ko lang ang mga ito sa iyo kasi iyon ang mas tama, mas maganda nang malaman mo na ngayon pa lang na wala akong plano na magtago ng kahit anong sikreto sa babaeng balang araw eh pakakasalan ko," anitong binigyang diin ang salitang pakakasalan saka siya biglang kinindatan.

Hindi lang iyon, humaplos ng husto sa puso niya ang malamyos na pagkakabigkas nito ng salitang iyon na naging dahilan ng mabilis na pamumula ng kaniyang buong mukha kaya mabilis siyang umiwas ng tingin sa lalaki.

"Ano ba naman iyang sinasabi mo? Niloloko mo naman ako eh." angal niyang hindi parin tinitingnan ang binata. Sa kabila iyon ng katotohanan na ramdam niya ang matinding pag-iinit ng kaniyang mukha hanggang sa kaniyang tenga, hanggang ngayon.

"Why are you blushing?" ang amuse na tanong na iyon ni Daniel ang naging dahilan kaya muli niyang nilingon ang binata.

Agad na nanuyo ang lalamunan ni Ara dahil sa simpleng eye contact na iyon. Habang ang dibdib niya ay nagsisimula ng tumahip ng mas matindi sa hindi niya maipaliwanag na kadahilanan.

Hindi siya nagsalita at mas piniling ipilig nalang ang kaniyang ulo bilang tugon sa tanong na iyon ni Daniel. Hindi dahil sa wala siyang maisagot, kundi dahil sa katotohanan na alam niyang panginginigan lang siya ng tinig oras na subukan niyang magsalita.

Nakita niyang ngumiti lang si Daniel habang nangingislap ang mga matang tumitig sa kanya. Ilang sandali pa sinimulan ng tugtugin ng binata ang hawak nitong gitara. Pamilyar sa kaniya ang piyesang napili nitong tugtugin dahil theme song iyon ng nanay at tatay niya. Ang kantang Afraid For A Love To Fade ni Jose Mari Chan.

Nagpatuloy sa mahusay nitong pagtutog si Daniel na sa kalaunan ay sinabayan nito ng pagkanta. Maganda ang boses ng binata nakaka-engganyong sabayan kaya naman sa kalaunan ay natagpuan nalang niya ang sarili niyang sinasabayan si Daniel.

Iyon ang first duet nila.

Hindi niya masasabing magaling siyang kumanta pero nasa tono naman siya kaya alam niyang hindi siya lumabas na kahiya-hiya sa paningin ng lalaking lihim niyang hinahangaan.

Napakasaya ni Ara nang araw na iyon sa paraan na hindi mabibili o matutumbasab ng kahit anong halaga ng pera.

Sana katulad ng mga magulang niya, magkaroon din ng happy ending ang one sided love sa kwento nilang dalawa ni Daniel. Dahil katulad narin ng sinabi nito sa kaniya kanina, hindi naipipilit ang pagmamahal pero pwedeng ma-develop.

Sana ganoon nalang ang mangyari, sana sa huli madevelop si Daniel sa kaniya at mahalin rin siya ng binata.

Bab berikutnya