webnovel

CHAPTER 1 "DIARY"

ILANG sandali pa ang pinalipas ni Bella at tumayo narin siya. Mula sa funeral parlor ay umuwi muna siya. Inutusan kasi siya ng nanay niyang si Susan na ayusin na ang mga gamit na dadalhin nila bukas sa pag-uwi ng San Ricardo kung saan nakatakdang ilibing si Ara. Sinabihan narin siya nito na maghanap ng gamit na pwede nilang isama bukas sa kapatid niya.

Noon niya sinimulang maghanap sa mga gamit ng kapatid niya.

Binuksan niya mataas na kabinet nito sa loob ng kwarto.

Napangiti si Bella. Maganda ang pagkakaayos ng mga gamit ni Ara. Noon pa man kasi ay masinop at maingat na ito sa mga gamit. Kaya hindi na siya nagtataka pa.

Bukod sa mga damit at ilang personal na gamit katulad ng bags at iba pa ay walang makita si Bella na bagay na alam niyang pwede niyang ipabaon sa paghahatid nila kay Ara sa huli nitong hantungan kinabukasan.

Nang mula sa kung anong kadahilanan ay naisipan niyang maghalungkat pa sa isa pang kabinet na naroon. Wala rin siyang makita, hanggang sa huli ay napagpasyahan niyang silipin ang ilalim ng kama ng kapatid niya.

Doon napangiti ang dalaga matapos niyang mamataan ang isang kahon. Kinuha niya iyon at binuksan. Medyo maalikabok na pero okay lang.

Sa loob natagpuan ni Bella ang ilang lumang bagay katulad ng isang kahon ng chocolate, sumbrero, photo album at iba pa. Pero ang tunay na umagaw ng pansin niya ay ang isang katamtamang laki ng kahon na ang design ay teasure chest.

Curious siyang inilabas iyon doon saka binuksan.

Puro paper naninilaw na papel ang laman at isang kulay berde na notebook.

Unang kinuha ni Bella ang isa sa maraming papel na napag-alaman niyang love letter pala.

Pinasadahan niya iyon ng basa ang sulat para lang matigilan nang mabasa ang pangalan na nakasulat sa ibabang bahagi niyon. Daniel.

Hindi niya kilala si Daniel. Kung sino man ito, isa na ngayong palaisipan iyon sa kaniya.

Napalunok si Bella habang pilit na ini-ignora ang kilabot na nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon nalang ang nararamdaman niya kahit kung tutuusin alam naman niya sa sarili niya na may nobyo si Ara na naiwan sa Malaysia, walang iba kung hindi si Timothy Godinez.

Sa pagkakaisip sa pangalan ng lalaki ay mabilis na nahaluan ng kaba ang emosyon na nasa dibdib niya nang mga sandaling iyon. Naalala lang kasi niya ang pabor na hiningi sa kaniya ni Ara tungkol sa nobyo nito ilang araw bago ito namatay.

Matapos niyang basahin ang sulat ay nakangiting ibinalik ni Bella ang papel kasama ang iba na na kapareho rin nito ang design ng stationary na ginamit. Sa ibabang bahagi ng papel ay isang kulay pulang rosas at katabi niyon ay isang gitara.

Isa pa lang ang nababasa niya sa mga iyon pero hindi niya mapigilan ang makaramdam ng amusement, ang sweet kasi ni Daniel. Kahit matanda na siya kumpara sa posibleng edad kung kailan nito isinulat ang ang liham na iyon ay nakakaramdam parin siya ng kilig.

Sumunod na dinampot ni Bella ang kulay berde na notebook.

May palagay siya na alam na niya kung ano iyon at hindi nga siya nagkamali. Isa iyong diary. Diary ni Ara.

Mali man na basahin niya iyon ay mas nanaig ang curiosity na nararamdaman niya kaya sinimulan niya iyong buklatin.

Agad na bumati kay Bella ang napakagandang penmanship ng kakambal niya kaya muli ay napangiti siya.

Blanko ang first page ng diary kaya binuklat niyang muli ang pahina niyon.

Sa sumunod na page ay nakasulat naman ang mga salitang.

PERSONAL PROPERTY BY ARABELLA MADRIGAL

Sa ikalawang pagkakataon ay nakaramdam ng matinding kilabot at lamig si Bella na tila ba yumakap sa buong katawan niya. Alam niyang si Ara iyon at katulad kanina ay muli na naman siyang niyakap ng kapatid niya.

Pinigil ni Bella ang maging emosyonal. Dahil nang mga sandaling iyon, pakiramdam niya nakuha na niya kung ano ang ibig ipakahulugan ng lahat ng ginagawa ni Ara simula pa kanina. Gusto nito na basahin niya ang diary nito. O maaari ring binibigyan siya nito ng pahintulot na basahin niya ang kung anumang nakasulat sa notebook na iyon. Kaya naman sa huli dala narin ng matinding curiosity ay sinimulan niyang basahin ang diary ng kakambal niya.

DEAR DIARY...

Ang dalawang salita na naging dahilan nang tila ba paglalakbay ni Bella papasok sa bawat pahina ng notebook na iyon. Dahil habang binabasa niya ang bawat salita at ang magandang penmanship ni Ara ay parang nakikita niya ang bawat tagpo na nakasulat doon. Parang buhay na buhay ito at iyon ang nagtulak sa kanya para ipagpatuloy ang kaniya nang nasimulan.

*****

NINE YEARS AGO...

"CONGRATULATIONS!" iyon ang masayang pagbati sa kaniya ng kakambal at kapatid niyang si Bella.

Nakangiting niyakap at hinalikan ni Ara sa pisngi ang kapatid niya. "Salamat Bella, congratulations din sa iyo, sa isang linggo narin pala ang graduation mo hindi ba?" aniya rito na inakbayan pa.

Tumango si Bella sa kaniya. "Anong course nga pala ang plano mong kunin sa college?" tanong nito.

"Hotel and Restaurant Management ang gusto kong kunin, nasabi ko narin kina nanay at tatay, pumayag naman sila. Ikaw? Itutuloy mo ba ang Education?" tanong-sagot niya kay Bella.

"Oo, gusto kong magturo," sagot ni Bella habang naglalakad na sila patungo sa parking ng public high school na iyon kung saan nakaparada ang isang lumang modelo ng sedan na kanilang sasakyan.

"Saan ka mag-aaral? Gusto mo bang sa parehong university nalang tayo mag-enroll? Marami dito sa Maynila, sigurado ako papasa tayong pareho, mas masaya iyon kasi palagi na tayong magkakasama," ang naglalambing na sabi ni Ara sa kapatid niyang ngumiti lang.

Alanganin ang ngiti na pumunit sa mga labi ni Bella. "Sorry Ara, nakapag-decide na ako, hindi ko iiwan sina lolo at lola eh. Kawawa naman sila kung aalis ako sino nalang ang makakasama nila doon sa probinsya?"

Agad na nakaramdam ng lungkot si Ara sa isinagot na iyon ng kapatid at kakambal niya. May point naman ito at nauunawaan niya ang ibig nitong sabihin kaya hindi na siya nagpumilit pa sa gusto niyang mangyari.

"Ikaw, hindi ka ba uuwi muna ng San Ricardo para magbakasyon habang walang pasok sa school?" ang tanong naman sa kanya ni Bella.

Umiling si Ara. "Naku hindi siguro, nag-a-apply kasi ako as student assistant doon sa school na papasukan ko, sa isang linggo ko na makukuha ang result. Hihintayin ko iyon, kung makakapasa ako kalahati nalang ng tuition fee ang kakailanganing i-provide nina nanay at tatay," paliwanag niya saka na sila sumakay sa kotse kung saan nasa unahan ang kanilang ina na si Susan habang ang driver naman ay ang stepfather nilang si Anselmo.

Ang bunso nilang kapatid na si Anthony ay naiwan sa bahay kasama ang kanilang lolo at lola na kasama ni Bella na lumuwas ng Maynila para daluhan ang graduation niya.

"Talaga? Ano namang trabaho ang in-apply-an mo?" si Bella iyon.

"Student Assistant sa library, madali lang ang trabaho kaya for sure hindi makaka-epekto iyon sa studies ko," paliwanag pa niya saka ngitian ang kapatid niya.

Tumango lang si Bella at hindi na nagsalita pa.

Habang sa isip naman ni Ara, hindi na siya makapaghintay na masimulan ang kaniyang pag-aaral sa kolehiyo, ang makapagtapos at makapag-trabaho. Para mabigyan niya ng magandang buhay ang pamilya niya sa darating na mga panahon.

Bab berikutnya