webnovel

LIANE

"A-aray… ang sakit ng katawan ko…" daing ko na napasapo pa sa ulo habang unti-unting dumidilat. Pero agad ding napapikit ng masilaw ako sa liwanag, at sa halip ay nakiramdam muna sa paligid at pilit inaalala kung ano'ng nangyari at kung nasaan ako.

Hanggang sa tila isang pelikulang isa-isang nagbalik sa akin ang lahat dahilan para marahas akong mapasinghap at biglang mapaupo. Na isang malaking pagkakamali dahil sa biglang pag-ikot ng paligid ko.

"Ugh…"

"Liane!" Sigaw ng kung sino kasunod ng paghawak sa braso ko. Dahilan para mapadilat ako at wala sa sariling mapaatras hanggang tumama ang likuran ko sa isang matigas at malamig na bagay. At halos lumuwa ang mga mata ko ng makita ang apat na lalaking walang ibang suot kundi short at nakapalibot sa akin.

"Ano'ng? Bakit? Nasaan ako?" Hindi magkandaugagang tanong ko habang palipat-lipat ang mga mata sa mga ito. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pulang mga mata ng mga ito. "Ano'ng nangyari? Bakit narito ako?" Muling tanong ko habang habol ang hininga dahil sa kaba, ramdam ko rin ang paggapang ng kilabot sa aking buong katawan dulot ng lamig. Isang marahas na singhap ang kumawala sa mga labi ko ng mapagtantong tanging bra't panty lang ang suot ko. "Bakit wala akong damit!"

Agad kong pinag-krus ang mga binti ko para matakapan ang katawan ko habang nangangapa ang aking mga kamay para humanap ng maaaring ipatakip. Hanggang sa mahawakan ko ang mga unan na agad kong niyakap habang hindi inaalis ang tingin sa mga ito.

"Relax ka lang. Sasagutin namin ang lahat ng tanong mo," sagot ng lalaking katabi ni Jake na nakaupo sa may paanan ng kama.

"Tama si Chris. Huminahon ka muna at ng maipaliwanag namin ang lahat," sang-ayon ni Jake. Nanatili naman akong tahimik habang kinakalma ang mabilis na tibok ng puso ko.

"Nasaan ako?"

"Narito ka sa bahay namin," sagot ni Jake. "Nawalan ka ng malay matapos ka naming makuha sa kamay ng lalaking may hawak sa `yo."

Nang maalala ko ang pangyayaring iyon ay agad kong kinapa ang leeg ko kung bumaon ang mga kuko ng lalaki. Pero nagtaka ako ng wala akong makapang sugat at maging ang kamay ko ay walang bahid ng dugo. At doon ko lang napansing wala rin akong nararamdamang kirot.

"A-anong nangyari? Bakit? Paano nawala ang mga sugat ko?" Tanong ko sa kawalan habang nakatitig sa mga kamay ko.

"Hinilom namin ang mga sugat mo," sagot nang lalaking nakilala kong Chris.

"Paano?"

"Gamit ang laway namin…"

"H-ha?"

"May kakayahan kaming paghilumin ang mga mabababaw na sugat gamit ang laway namin," sagot ni sir Alexander kaya nabaling dito ang mga mata ko. At wala sa sariling dumako ang mga iyon sa mamula-mula at manipis nitong mga labi. Napansin ko ang pag-angat ng sulok ng labi nito na para bang alam nito ang iniisip ko. Biglang nanlaki ang mga mata ko ng mapagtantong ang sinabi nito.

"Laway? Ibig sabihin…"

"Tama. Gamit ang mga dila namin."

"What!" Ramdam ko ang pag-init ng buo kong katawan dahil sa narinig. At dahil sa nadaramang hiya at pagkailang ay napasubsob na lang ako sa mga unang yakap ko.

"Huwag kang mag-alala, hindi namin basta-basta ginagawa ang gano'n." Napaangat ako ng tingin ng marinig kong nagsalita ang lalaking katabi ni Chris.

Bab berikutnya