webnovel

Chapter 55: Bonus Chapter

LUNA'S POV

Pababa pa lang ako sa may salas nang mapatingin ako kay na papa at kuya Von na galing yata sa labas.

"Hi, papa. Hi, kuya Von."

"Hi, anak."

"Hi, little sis. Morning." Napatingin ako sa dala ni kuya Von. 

"Saan kaya magandang ilagay 'to, pa?" Tanong ni Kuya Von.

"Dito kaya?"

Napalapit silang dalawa sa may wall kung saan nakalagay ang mga picture portraits ng family namin, mga frames sa gilid, trophies, certificates at kung anu-anong mga displays. Napalapit na ako sa kanila.

"'Yan na ba 'yon, Von?" Napatingin ako kay mama na galing kitchen. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila.

"Yes, ma. Kaka-deliver lang nito."

"Hay, sa wakas." Napatingin ako sa hawak ni kuya Von na siya marahil tinutukoy nila. Isang medyo may kalakihang square size na bagay at nababalutan ng white.

"Ano po 'yan." Taka kong tanong. Napatingin sa akin si kuya.

"Portrait ni lolo at lola." Napamulagat ako sa sinabi ni Kuya Von. Agad-agad akong lumapit sa kaniya at pilit kinuha ang portrait pero inilayo lang sa akin ni kuya.

"Patingin ako, kuya. Mama. Pa. Hindi ko pa nakikita ang itsura ni lolo eh."

"Seryoso ba 'yan? Hindi mo na tanda ang mukha ng lolo mo, Luna." Takang tanong din ni mama sa'kin. Napatango lang ako.

"Wala naman po kasing picture si lolo sa mga picture albums natin eh."

"Favorite apo ka pa naman ni lolo, little sis. Hala ka, mumultuhin ka no'n mamayang gabi."

"Sana nga. Patingin na nga kasi kuya eh."

"Ayoko."

"Papa, si Kuya Von oh. Mama."

"Tumigil nga kayong dalawa diyan, para kayong mga bata." Saway ni papa. Natawa lang sa'min si mama.

"Dito na lang natin ilagay sa tabi ng family portrait natin. Akin na." Ibinigay ni Kuya kay papa ang portrait.

Napatingin ako sa portrait na dahan-dahan na ni papa'ng tinanggalan ng cover. Matapos ay iniharap niya sa akin. Laking gulat ko nang makita ko ang portrait ni lolo.

"S-Si... Si lolo."

"Siya nga ang lolo mo, anak. Ang lolo Zacharias Del Mundo Sr. mo."

"Hindi. S-Siya si lolo." Tinawanan nila ako.

"Oo nga, little sis. Siya nga ang lolo natin." 

"Pa-Paanong..."

"Luna." Natigilan ako at napatingin sa tumawag sa'kin. Si lolo. Nakangiti siya sa akin habang nakatayo sa may dulo ng hagdan. Naglakad na siya papataas.

Tinalikuran ko na sila at saka agad na nagtuloy sa kwarto ko. Pagbukas ko ng pinto nakita ko si lolo na nakatayo lang sa loob.

"L-Lolo." Napangiti siya sa'kin. Ngayon na lang ulit siya nagpakita sa'kin.

"Apo." Napalapit agad ako sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. Narinig ko ulit ang tawa niya. Bumitaw din ako sa yakap.

"Lolo, kayo po pala ang lolo ko. Bakit hindi niyo po sinabi sa'kin?"

"Ha-ha-ha. Hindi ko na sinabi sa'yo kasi ang gusto ko lang ay makasama ko ulit ang favorite kong apo. Siya nga pala, binabati kita dahil matagumpay mong nalagpasan ang iyong misyon."

"Salamat po. Lolo, sorry po kung hindi ko agad kayo nakilala."

"Ayos lang 'yon, apo."

"I love you, lolo."

"I love you, too." Niyakap ko ulit siya.

"Siya nga pala narito ako upang magpaalam sa'yo, apo." Kumawala agad ako at tiningnan si lolo.

"Po?" Bigla akong nalungkot sa sinabi niya.

"Kailangan ko ng umalis, apo. Gusto ko ng magpahinga at mamayapa ng tuluyan sa piling ng ating Panginoon. Pag-alis ko magsasara na rin ang third eye mo, apo." Nalulungkot ako pero hindi ko naman pwedeng panatilihin si lolo dito. Kailangan niya rin na mag-rest in peace na sa heaven.

"Siya nga pala may isa pa na gustong magpaalam sa'yo, ija."

"Sino po?" Biglang lumitaw si lola Cora sa tabi ni lolo. Napangiti ako nang maluwang at dali-dali siyang nilapitan at niyakap ng mahigpit.

"Lola! Lola Cora."

"Apo." Sobrang saya ko talaga na makita ko silang dalawa. Napakaaliwalas ng itsura nila pareho. Bimitaw din ako. Pinagmasdan ko si lola.

"Nakakatayo na po kayo, lola."

"At nakakalakad na rin." Napatango ako.

"Malaya na ako sa mga sakit o anumang klase ng paghihirap sa mundo, apo. Maligaya na ako dahil kasama ko na ang lolo mo na naghintay sa'kin ng matagal. Maligaya na kaming tatawid na dalawa." Nagkatinginan sila ni lolo. Ikinuwit ni lola ang kamay sa braso ni lolo. Bakas sa kanilang dalawa ang kasiyahan. Napaiyak na ako.

"Masaya din po ako para sa inyo, lolo, lola." Niyakap ko ulit silang dalawa.

"Kailangan na naming umalis, apo. Alagaan mo ang mama at papa mo para sa'min, huh? Alam ko masaya ka sa boyfriend mo ngayon. Mahalin mo rin siya at alagaan."

"Opo. Mami-miss ko po kayo." Bigla ng lumiwanag sa tapat nila. Nag-wave na lang ako sa kanilang dalawa na unti-unti ng naglaho.

"Paalam."

"Luna?" Napatingin ako kay Azine. Nilapitan niya agad ako.

"Are you okay? Why are you crying, huh? May nangyari ba?" Napailing na lang ako.

"Masaya lang ako." Pinunasan nito ang luha sa pisngi ko.

"Stop crying. Hahalikan na lang kita para maging okay ka na." Inilapit niya agad sa akin ang mukha.

"Azine naman eh." Napatawa lang siya at pilit inilapit ang mukha sa'kin na inilalayo ko naman. Pasaway.

"Tahan ka na kasi kung hindi hahalikan talaga kita."

"In your dreams. Kung mahahalikan mo ako." Pilyo ko siyang nginitian.

"Ah, gano'n huh? Are you trying me?"

"Hindi! Ha-ha. Nagbibiro lang naman ako eh." Napalayo na agad ako sa kaniya.

"Halika dito. Luna. You're trying me, huh?"

"Joke nga lang sabi eh." Napatakbo na ako.

Sobrang saya ko. Kompleto at magkakasama na kami ng aking pamilya. Ibinigay pa sa'kin ng Diyos si Azine. Wala na akong iba pang hihilingin. Sapat na sila sa'kin.

Panginoon, maraming salamat sa magandang kapalaran na isinulat Mo para sa'kin. Anuman ang mangyari sa future, isinusuko ko po sa inyo ang lahat. Maraming salamat po sa mga taong nasa paligid ko na nagmamahal sa'kin ng tunay.  Salamat po sa pagpapahiram niyo kay Azine sa akin. Pangako, aalagaan at mamahalin ko po siya habang ako'y nabubuhay.

-THE END-

WRITTEN BY

Secretsuperstar13

Advance Merry Christmas and Happy New Year 🎉🎆 I wish this pandemic end as soon as possible. 💙🙏