webnovel

Chapter 43: His girlfriend

LUNA'S POV

"Luna, ready na ba mga gamit mo?" tanong ni mama pagkababang-pagkababa ko dito sa salas. Mabuti na lang at half day lang ang pasok ko at mamayang hapon ang aking schedule. Hindi ko na kailangang magmadali pa.

"Ano 'yang dala mo?" Ang bulaklak na nakalagay sa paper bag ang tinutukoy ni mama.

"'Yong halaman po, ma."

"Alam mo hindi mo pa nasasabi sa akin kung ano ang higawang meron 'yang halaman na 'yan, anak."

"Normal na halaman lang naman po 'to, mama. Aalis na po ba tayo?"

"Oo, wala ka na ba'ng nakalimutan?"

"Wala na po." Sa dorm na kasi ako ulit matutulog simula mamaya at naubos na 'yong mga gamit ko do'n kaya ngayon nagdala na naman ako ulit. Ipinamili na rin ako ni mama ng mga supplies kahapon kaya kompleto na. Lumabas na kami ng bahay at saka umalis na. Ihahatid ako ni mama kasi wala naman siyang pasok ngayon.

Half an hour ang byahe namin bago kami makarating sa may dorm ko. Tinulungan kami ni kuya Toffe na nandito nakatambay ulit sa may laundry shop na pagmamay-ari din nila. Umakyat muna si mama sa itaas. Binati lang siya nang mga ka-dorm ko saka siya tumuloy sa kwarto namin ni Paulo.

"Okay ka naman dito, anak? Okay naman kayo ni Paula dito?"

"Okay naman po." Ipinatong ko na muna ang dala kong paper bag sa table.

"Oh, basta magsabi ka lang kay mama anytime na may kailangan ka, huh?"

"Opo." Lumapit sa akin si mama at niyakap ako.

"I will miss you again, baby." Niyakap ko na lang din siya pabalik.

"Remember, sa friday afternoon uuwi ka, huh?"

"Opo, mama."

"Sige na hindi na ako magtatagal." Kumawala na siya sa pagkakayakap sa akin.

"Hatid na po kita sa baba."

"Sige." Nagyakap lang ulit kami ni mama at kunting paalala ulit saka siya tuluyang umalis. Umakyat na rin ako sa itaas.

VIEL'S POV

Pinagmasdan ko lang sila habang kumakain dito sa boarding house.

"Huy, Viel! Hindi ka ba kakain?" Hindi ako umimik sa tanong ni Banjo. Napatingin naman sa akin si Herald.

"Ano kayang nangyayari dito kay Viel parang nasasapian." Napatingin ako kay Herald. Tiningnan ko siya ng masama kaya nang napatingin ito sa akin ay parang nagulat pa ito. 

"Grabe, nakakatakot ka namang tumingin, pre. Ano ba'ng nangyayari sa'yo?"

"Baka nabaliw na talaga ng tuluyan dahil kay Luna. Alam mo pre wala ka na talagang pag-asa kay Luna kasi hindi ka papatulan no'n. Sa ganda ba naman ni Luna na 'yon." Tumawa pa si Banjo ng malakas kaya siya naman ang binalingan ko. Tinabig ko ang mga pagkaing nasa mesa at agad sinakmal si Banjo sa leeg. Nagulat at natakot silang lahat sa ginawa ko. Isinandal ko si Banjo sa pader habang hawak pa rin sa leeg. Iniangat ko pa siya hanggang sa makita ko'ng hirap na hirap na ito.

"V-Viel, bitawan mo si Banjo!" Narinig kong sigaw ni Herald. Naramdaman ko na lang na may humampas sa likod ko kaya nabitiwan ko si Banjo. Pagtingin ko sa likuran nakita ko si Herald na may hawak na bangko. Nakaramdam na lang ako ng panghihina hanggang sa bumagsak ako at mawalan ng malay.

LUNA'S POV

KINABUKASAN maaga akong pumasok sa school mag-isa. Hindi kami nagkasabay ni Je ngayon pagpasok samantalang si Paulo naman ay mamaya pa ang sched. Nasa may hallway ako ng Educ nang makita ko si Viel na nakatayo at nakasandal sa may gilid ng pader na dadaanan ko. Medyo binagalan ko muna ang paglalakad ko. Nakatingin lang siya sa akin at halatang ako ang inaabangan. Walang ibang reaksyon ang mukha niya at kakaiba siya talaga kumpara dati. Hindi rin niya ngayon kasama ang mga barkada niya. Bakit parang bigla akong kinabahan sa kaniya? Ilang saglit pa at nakalapit na ako sa kaniya. Lalampasan ko na sana siya kaya lang tinawag niya ako. Ngumiti siya sa akin ng parang nakakaloko.

"Hatid na kita, Luna."

"Hindi na kaya ko na 'to, Viel." Biglang nawala 'yong ngiti sa mukha niya. Parang naging seryoso na siya kumpara kanina. Naiilang akong napangiti.

"S-Sige kung gusto mo." Doon siya muling ngumiti ng maluwang. Ano ba'ng nangyayari sa kaniya? Natakot ako bigla. Nagsimula na akong maglakad kasabay siya. Sobrang binubundol talaga ng kaba ang dibdib ko.

"Sandali." Napahinto ako samantalang ito naman ay naglakad sa unahan at hinarap ako.

"B-Bakit?" Bigla niyang iniangat ang kanang kamay at inilahad sa akin na ikinagulat ko pa kaya medyo napaatras ako ng kunti. Napatawa siya. May balak ba 'tong patayin ako sa takot? God, help me, please?! Ngayon lang ako natakot ng ganito kay Viel.

"Ako na magdadala niyang bag mo."

"H-Huh?"

"Ibigay mo sa akin 'yang bag mo ako na magdadala."

"A-Ahh... sige." Tinanggal ko 'yong bag na nakasukbit sa likod ko at inabot sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin kasi kahit ano'ng sabihin ni Viel sinusunod ko. Para ngang nagayuma niya ako. Sa halip na magreklamo at talakan siya eh nakakaramdam pa ako ng takot dito. Nasa kamay niya na ang bag ko at isusukbit na sana nang hawakan din ito ng kung sino.

"Ako nang magdadala," sabi pa nito. Mula kay Viel ay napalipat ang tingin ko sa nagsalita.

"A-Arif." Parang bigla akong nabuhayan. Nginitian niya ako saka ito bumaling kay Viel. Pareho pa rin silang nakahawak sa bag ko. Nagkatinginan ang dalawa na inabot yata ng mga ilang segundo. Pareho ko silang tiningnan. Mas binundol ng kaba ang dibdib ko ngayon. Nakakatakot sila kung magtinginan sa isa't isa. Sa pagkakaalam ko naman hindi kilala nitong si Arif si Viel. Sa paraan nila ng titigan para silang magkaaway at ang tinginan na 'yon ang paraan nila ng laban.

Napatighim ako na naging dahilan para matigil silang dalawa. Napatingin sila sa akin pareho.

"Mabuti pa ako na ang magdala nito." Kinuha ko ang bag ko at isinukbit muli sa aking likuran.

"Saan ang class mo hatid na kita." si Arif. Magsasalita pa lang sana ako nang magsalita si Viel.

"Ako ang nauna kay Luna kaya ako ang maghahatid sa kaniya." Ano daw? Ano'ng nangyayari kay Viel? Si Viel ba talaga 'to? Nagkatinginan ulit silang dalawa.

"Really? Why don't we ask Luna kung kanino siya sasama?" Napatingin silang dalawa sa akin.

"Ako lang mag-isa ang pupunta sa classroom ko, okay. Maiwan na kayong dalawa diyan. Bye!" Nagmamadali na akong lumayo sa kanila at tumuloy sa classroom namin dito sa Crim Lab I. Nakakatakot silang dalawa mabuti na lang natakasan ko.

Pabadlak akong naupo sa tabi ni Je na narito na pala. Para akong nakaramdam ng panghihina.

"Okay ka lang?" tanong niya habang nagsi-cellphone.

"Hindi ko alam," nanghihina kong sagot.

"Ano daw? May nangyari na naman ba sa'yo? Mga multo na naman?" Ibinaba niya muna ang cellphone sa mesa at hinarap ako. Nakasandal lang ako sa bangko.

"Higit pa sa mga multo." Halatang naguluhan si Je sa sagot ko. Napatingin siya sa cellphone na nag-notif. Kinuha niya ito at tiningnan. Narinig ko rin sa ilang classmates ko na malapit sa akin na may nag-notif din sa kanilang cellphone. Hindi ko na lang pinansin hanggang sa magsalita ulit si Je.

"Oh my god!" Napatingin ako kay Je na nakatabon pa ang kanang kamay sa bibig. Hindi naman ako kumibo. Nagpalipat-lipat siya ng tingin sa akin at sa cellphone'ng hawak.

"Bakit ba?" tanong ko na dito. Napatingin din ako sa mga kaklase ko at 'yong ilan sa kanila nakatingin din sa akin. Na-curious na talaga ako.

"'Yong higit pa sa mga multo, Luna, sila ba 'to?" Ipinakita niya sa akin ang cellphone niya. Napaayos ako ng upo at kinuha ang cellphone ni Je. Mga pictures na naman namin kanina lang noong kasama ko sina Viel at Arif. Nakuhanan pa 'yong pag-aagawan nila ng bag kanina at 'yong masamang titigan nila. May video pa pero hindi ko na lang pinanood. Kapag nalaman ko talaga kung sino ang nagpo-post nito humanda talaga sila sa akin. Ibinalik ko na lang kay Je ang cellphone niya at muling sumandal sa bangko. Hay, mabuti na lang wala pang teacher kasi maaga pa. Tinamad ako bigla ngayon.

Pagkalabas namin nakita ko si Maxine na naghihintay yata sa akin. Nakauwi na pala siya.

"Luna." Lumapit ako sa kaniya kasama si Je. Napansin ko na hindi niya kasama ang mga barkada niya.

"Nakauwi ka na pala." Mukhang masayang-masaya siya ngayon.

"Oo eh kahapon pa hindi lang ako pumasok agad."

"Ah."

"Siya nga pala ipinapakumusta ka sa akin ni Tita Kriztine. Alam mo ba nagtatampo nga siya sa'yo eh kasi hindi ka raw nagpaalam sa kaniya nang umalis ka. Gano'n din sina Tito Julio at Kuya Julius, ipinapakumusta ka rin nila sa akin."

"Hindi na nga ako nakapagpaalam eh kasi biglaan din ang uwi ko no'n."

"Nagtataka nga ako eh bakit ba bigla ka na lang umuwi no'n?" Narinig kong napatighim pa si Je.

"Uhm... may mahalaga lang kasi akong inayos dito eh."

"Gano'n ba?"

"Luna, mauna na ako sa'yo ah kita na lang tayo sa next subject."

"Sige, Je."

"Max, dito na muna ako."

"Sige." Nauna na siya sa amin. 

"Siya nga pala Luna..." Nagsimula na kaming maglakad-lakad. "Salamat nga pala sa pagtulong sa boyfriend ko, huh. Kung hindi dahil sa'yo baka hindi namin nalaman na naliligaw lang pala ang kaluluwa niya." Bahagya pa siyang natawa sa huling sinabi.

"Wala lang 'yon. Masaya ako at natulungan ko si Azine... at hindi lang siya pati na rin 'yong ibang espirito na naliligaw."

"Mabuti na lang pala at nagkataon na may third eye ka, Luna. Sobra akong na-touch knowing na hinahanap pala ako ni Azine dito sa campus natin. Alam mo 'yon 'yong kahit alam niya sa sarili niya before na hindi pa niya nadi-discover na buhay pa siya eh ako pa rin 'yong hinahanap at iniisip ni Azine. Sobrang mahal na mahal niya talaga ako." Napalunok na lang ako at bahagyang napangiti kay Maxine.

"M-Mahal na mahal ka talaga ni Azine, Max. Simula nang makilala ko siya ikaw palagi ang laman ng bibig niya. Palagi siyang nasa tabi mo kahit hindi mo siya nakikita. At kahit nga hanggang ngayon ikaw pa rin ang mahal na mahal niya at ikaw lang ang babaeng gustong-gusto niyang makasama sa second life niya." Maluwang siyang napangiti. Bakit nasasabi ko pa rin ang mga salitang 'to kahit nasasaktan ako? Hindi ko na lang pinahalata kay Maxine na naaapektuhan ako.

"Ahh! Sobra talaga akong nata-touch, Luna." Napangiti na lang ako para sa kaniya.

"Siya nga pala bago ko makalimutan baka lang gusto mong sumama sa'kin sa Manila kasi babalik ulit ako do'n this friday afternoon eh."

"Uhm... baka hindi eh kasi mag-isa na lang si mama sa bahay wala siyang makakasama."

"Gano'n ba? Siguro next time na lang, ano?"

"Oo naman marami pa namang time eh."

"May klase ka pa ba baka ma-late ka na."

"Oo nga pala." Napahinto muna kami sa paglalakad. Nakarating na pala kamo dito sa may mini.

"Sige, see you, Luna."

"Oo." Patalikod na sana ako nang may maisip akong itanong.

"Maxine." Napabalik tingin siya sa akin.

"Yes?" magiliw niyang tanong. Maganda talaga siya.

"Uhm... s-si Azine ba... n-nakabalik na ba siya sa katawan niya?" Biglang nalungkot si Maxine. Ibig sabihin hindi pa rin. Hindi pa rin ba nakakahanap ng paraan si Azine? Bakit ang tagal naman? Iniwan ko na siya kasi akala ko mahahanap niya agad ang paraan pero bakit kaya hindi pa siya nakababalik hanggang ngayon?

"Hindi pa nga rin eh at hindi pa rin siya nagpapakita sa amin hanggang ngayon." Nangunot ang noo ko. Bakit kaya? Bakit kahit sa akin hindi siya nagpapakita?

"May sinabi ba si Azine bago siya umalis sa katawan ni Kuya Julius noon?" Sandaling nag-isip si Maxine.

"Ang sabi niya lang kailangan niya raw munang umalis pero nangako siya na babalik din. Luna, alam mo ba kung bakit?" Napaisip din ako. Ano'ng ibig niyang sabihin do'n? Baka nakahanap na siya ng paraan kung paano siya makababalik. Baka nga at ngayon ay hindi na niya ako kailangan kaya hindi na siya nagpapakita sa akin. Naiintindihan ko na ngayon.

Napailing ako sa tanong ni Maxine. "Hindi na rin kasi kami nagkikita ni Azine simula nang bumalik ako dito." Nangunot na rin ang noo niya.

"Anuman ang dahilan ni Azine umaasa pa rin ako na babalik siya at babalikan niya ako."

"Umasa ka." Napangiti na siya ng bahagya.

AZINE'S POV

Napatingin sa akin 'yong dalawa matapos naming marinig ang pag-uusap nina Maxine at Luna. Umalis na kami at nagtungo sa paraiso. Wala akong pakialam sa iba pang pinag-usapan nila dahil ito lang ang tumatak sa isip ko na sinabi ni Luna kanina.

FLASHBACK

"M-Mahal na mahal ka talaga ni Azine, Max. Simula nang makilala ko siya ikaw palagi ang laman ng bibig niya. Palagi siyang nasa tabi mo kahit hindi mo siya nakikita. At kahit nga hanggang ngayon ikaw pa rin ang mahal na mahal niya at ikaw lang ang babaeng gustong-gusto niyang makasama sa second life niya."

END OF FLASHBACK

Naiinis ako kay Luna kasi parang binibenta niya ako kay Maxine. Ewan ko ba kung tama ang linya ko pero 'yon kasi ang nararamdaman ko ngayon eh. Kasi naman paano niya nasasabi at nalaman na mahal na mahal ko si Maxine at siya lang ang babaeng gustong-gusto kong makasama sa second life ko? Nabasa niya na ba ang nilalaman ng puso ko? Hindi niya talaga naiintindihan ang mga sinabi ko dati.

She's my girlfriend! She's my girlfriend! At siya ang gusto kong makasama sa pangalawang buhay ko. Sana lang malaman niya. Nakakainis!

"Relax, bro! For sure nasabi lang 'yon ni Luna kanina kasi ayaw niyang masaktan si Maxine," paliwanag ni Sky. Thankful din ako sa dalawang 'to kasi tinutulungan nila ako.

"Ano'ng si Maxine, eh, ramdam ko kanina na si Luna 'yong agrabyado eh. Halata naman na pinagsiselos no'n si Luna kaya nga paulit-ulit niyang pinapamukha kay Luna na siya 'yong girlfriend."  Oo nga. Naramdaman ko rin 'yon kanina. Wala naman kasing iniisip si Luna kanina kaya hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya.

"Teka nga ano ba'ng pwede kong gawin sa Arif na 'yon? Hindi pa nga tapos sa kaniya may isang asungot na Viel na naman ang dumating. Ang dami ko ng karibal, ah. Paano naman ako makakalaban niyan? Baka after one month wala na rin sa akin si Luna."

"Huwag ka ng mabahala kasi kung talagang mahal ka ni Luna hindi ka ipagpapalit no'n, bro." si Cloud.

"Eh, ang problema nga hindi natin alam kung mahal ba talaga ni Luna itong si Azine. Bro, maraming nagagawa ang presence ng isang tao." Napaisip ako sa sinabi ni Sky. Talong-talo nga ako kay Arif.

"Ikaw talaga Sky oh pinipilit ko na ngang maging positive lang si Azine tapos humirit ka naman ng negative thought diyan."

"Peace be with you."

Sana pala nakausap ko muna si Luna. Paano ko pa siya ngayon makakausap niyan?

Maya-maya nagpaalam ako sa dalawa at saka bumaba na ulit sa lupa. Hindi na sila sumama kasi pareho silang may sundo. Doon ako sumulpot sa kwarto ni Luna. Saktong ang poster ng idol ni Luna ang una kong nakita. Napalapit ako dito.

"Isa ka pa palang karibal ko." Pinitik ko pa ang poster niya. Nakuha ng bulaklak na nasa mesa ang atensyon ko. Bigla akong napangiti.

"Akala ko pinabayaan niya na 'to." Napalapit ako dito at naupo sa bangko. Pinagmasdan ko lang ang bulaklak. Nag-iisa na lang ulit siya ngayon.

"Ibig sabihin hindi talaga ako nawala sa puso at isip ni Luna." Napangiti ako sa isiping 'yon. Ilang sandaling pagmumuni-muni pa nang maramdaman ko na may papasok sa kwarto. Naglaho agad ako pero nang mapansin ko na hindi si Luna 'yon lumitaw ulit ako sa kwarto. Sa pagkakatanda ko siya si Elay na ka-dorm ni Luna.

"Nasaan kaya dito 'yong foundation ko na hiniram ni Paula? Baklang 'yon talaga oh hindi man lang marunong magsauli." Naupo lang ako sa may dulo ng kama nina Luna at hinintay siyang umalis. Naantala niya ang pagmumuni-muni ko ah. Hindi ba nagla-lock ng pinto sina Luna? Sa paghahanap niya napansin niya 'yong bulaklak. Napahinto ito at may kinuha sa bulsa ng suot niyang pants na cellphone pala. Napatayo agad ako.

"Huy, ano'ng gagawin mo?"

"Wala naman si Luna eh makunan nga 'to ng picture. Sobrang ganda kasi talaga eh."

"Hey! You're not allowed to do that." Itinapat niya na ang cellphone sa halaman at kukunan na sana nang mapalapit na ako at tabigin ang cellphone niya. Nagawa ko naman kaya nalaglag pa ang cellphone niya sa sahig. Gulat na gulat naman ito at halatang natakot.

"S-Sorry po! Sorry, hindi ko na uulitinnnn!" Agad-agad niyang pinulot ang cellphone at takot na lumabas ng kwarto. Natawa na lang ako. Hindi naman niya ako nakikita, di ba? At saka excepted ang ginawa kong ito sa kautusan kasi wala naman kaming naging communication ng taong 'yon.

LUNA'S POV

"Sandali nga ano ba talaga ang nangyari?" tanong ko ulit kay Elay. Pagkadating na pagkadating ko kasi dito sa dorm ay agad niya akong hinila paupo at kung anu-ano na ang sinabi na hindi ko naman maintindihan dahil sa bilis niyang magsalita.

"Kumalma ka kasi muna, Elay." si Paulo. Narito rin sina Aliya at Chendy.

"Inom ka muna ng tubig oh." Kinuha ni Elay ang inaabot na tubig ni Aliya at uminom muna. 

"Ganito nga ang nangyari," pagsisimula ulit ni Elay matapos makainom at maibaba ang baso sa mesa. Naghintay lang naman kami sa anumang sasabihin niya. "Hinahanap ko kasi 'yong foundation na hiniram ni Paula kaya pumunta ako sa kwarto niyong dalawa tapos..."

"Hindi mo mahahanap do'n kasi nga dala..." Tinabunan ni Chendy 'yong bibig ni Paulo.

"Mamaya ka na kaya sumabat, girl."

"Oo na." Si Paulo na ang nag-alis sa kamay ni Chendy.

"Tapos ano Elay?" si Aliya.

"Eh, di hinanap ko nga sa loob kaso naagaw ang atensyon ko no'ng bulaklak na nasa kwarto niyo. Dahil dala ko naman 'yong cellphone ko kaya naisipan ko na kuhanan 'yon ng picture. Kaya lang no'ng kukunan ko na bigla namang nahulog 'yong phone ko sa sahig. Ewan ko para kasing may tumabig sa cellphone ko eh. Luna, baka may multong nagbabantay do'n. Natatakot na tuloy akong pumasok sa kwarto niyong dalawa." Halata ang takot sa mukha ni Elay. Napayapos pa siya sa sarili na animo'y kinikilabutan.

"Bakla, bakit mo pa kinuwento?" Natatakot ding singit ni Paulo.

"Luna, baka naman balikan ako no'n, huh. Pakisabi na lang sa kung sinumang multo na 'yon na hindi ko na uulitin."

Sino namang multo ang nando'n kanina? Sino lang ang magdadamot sa bulaklak na 'yon?

Si Azine? Ibig sabihin nandito siya kanina? Pero bakit hindi siya nagpapakita sa akin?

__________________________________________________

Cut na muna☺️ See you sa next chapter 💙💙💙

Bab berikutnya