webnovel

Chapter 38: Accident memories

AZINE'S POV

"Nizu, hindi ka pwedeng magpunta diyan ng mag-isa. Anak, bumalik ka na muna dito sa Manila, okay?" si mommy.

************

"Azine, hindi mo pa kabisado ang province na 'yan! Nagsabi ka man lang sana sa amin na diyan ka dideretso sa Marinduque." boses ni Dad. They're all worried about me.

************

"Bro, wait for me, okay? I'll go with you. Send me your location right now." si Kuya Julius.

************

Nakikita ko ang sarili ko na nagda-drive sa isang highway. Masaya ako at ramdam ko 'yon. Nasa Marinduque na ako ngayon dahil nga balak kong isurpresa si Max. Hindi na ako nakapagpaalam ng maayos kay na mom dahil sinadya ko talaga na hindi nila malaman ang pagpunta ko dito sa Marinduque para na-surprise si Maxine. Hindi ko na rin tinawagan si Max kasi surprise nga di ba? For sure magiging masaya siya kapag nakita niya ako dito. I really miss her so much.

Nasa may intersection na ako nang biglang may magwalang sasakyan na nasa unahan ko. Nagpagiwang-giwang ito. Nawalan na rin ng kontrol 'yong ibang sasakyan na kasabay namin at 'yong ilang nasa unahan kasabay no'ng kotseng gumigiwang. Napamulagat ako nang may truck na nawalan ng balanse at tinutumbok ang pwesto ko. Kinabig ko agad ang manibela pakaliwa para hindi ako mas mapuruhan.  Halos tumalsik ako sa lakas ng bunggo at sa hindi inaasahan ay may isang kotse pa mula sa harap ang tumama na naman sa unahan ng kotse ko kaya napatalsik pa ng ilang distansya ang kotse.  Hindi ko na alam ang sunod na nangyari.

**********

"Azine! Ayos ka lang ba?" Mangiyak-ngiyak na si Luna. Unti-unti ng nawala 'yong sumasakit sa ulo ko.

"Luna, ano na ang nangyayari sa anak namin?" dinig kong tanong ni mommy.

"I'm okay."

"Ano ba'ng nangyari sa'yo?"

ARIF'S POV

"Musta lakad niyo?" tanong ko kay na Nico. Naupo muna sila bago ako sagutin. Nandito kami sa Mini Forest ngayon.

"Hindi pa pumapasok si Luna, 'tol." si Nico. Inutusan ko sila na hanapin si Luna pero hanggang ngayon pala hindi pa rin siya pumapasok. Hindi na lang ako umimik.

"Shete! Narinig ko nga pala sina Max kanina habang nag-uusap mga 'tol." Napatingin ako sa nagsalitang si Roi na nakaupo katabi ni Nico.

"Ano'ng narinig mo?" ngunot-noong tanong ko.

"Si Luna raw bumalik sa Manila kasama ang Kuya niya."

"Bumalik? Bakit daw?" Nangibit-balikat si Roi.

"Hindi ko na narinig eh."

'Ano'ng ginagawa niya do'n? She went there after her grandmas burial? There's something wrong.' Napatayo na ako.

"Saan ka pupunta?"

"May kakausapin lang ako. See you later."

Tumuloy ako sa SBM department. Tinawagan ko muna si Maxine habang naglalakad ako papunta doon. Sinagot naman niya kaagad.

{ "Why?" }

"Nasa'n ka?"

{ "Nasa gym." } Binabaan ko na siya ng tawag. Dumiretso ako sa gym at nakita ko nga si Max kasama ang team ng volleyball. Nilapitan ko si Maxine na kakatabi lang sa gilid. Binati ako nang mga nandito na nginitian ko lang naman. Kasalukuyang umiinom si Max ng tubig.

"Ano'ng kailangan mo?" tanong niya matapos makainom at maibaba ang bottle sa may upuan.

"Let's talk."

"About what?" Inabot niya ang towel at nagpunas ng pawis. Naupo ako sa tabi ni Maxine bago buksan ang gusto kong itanong.

"Bakit bumalik ng Manila si Luna?" Nangunot ang noo niya.

"I don't know! Bakit sa akin mo ba tinatanong?"

"Wala ka talagang alam?"

"Wala nga! Hindi naman kami gano'n ka-close ni Luna eh. At saka kung anuman ang reason niya sa pagbalik sa Manila eh for sure ang mga kaibigan niya ang nakakaalam no'n. Bakit ba kasi ako ang tinatanong mo? You think I'm interested about her doings?" Napatayo na ako.

"Ang ibig mong sabihin hindi mo pala siya itinuturing na kaibigan?" Bahagya akong natawa. "Peke lang pala ang mabuting pakikitungo mo kay Luna. Now I know your true color."

"What's your problem?" Nakasigaw na tanong niya at napatayo. Kahit hindi ko tingnan alam kong napatingin sa amin lahat ang mga nandito sa gym.

"Ikaw, what's your problem?" Napapailing na lang akong umalis.

MAXINE'S POV

Tinanaw ko na lang ang papalayong si Arif. Hindi na talaga siya ang Arif na kilala ko. Dati naman hindi niya ako sinisigawan. Hindi man lang kami nagkaroon ng pag-aaway dati.

"Ano'ng problema ni Arif?" tanong ni Maries na nakalapit na pala kasama ang iba kong barkada. Hindi ako sumagot at naupo na lang muna.

"Alam mo parang kakaiba na si Arif lately." Si Reanne na kasalukuyang nagbubukas ng mineral water.

"Pansin ko rin. Ano na ba ang nangyayari sa inyo ni Arif, Max? Okay pa ba kayong dalawa?" tanong naman nitong si Michaela.

"We're okay." Maikling sagot ko.

"Alam mo baka dahil 'yan kay Luna na 'yon. Simula nang dumating ang babaeng 'yon nahati na ang atensyon ni Arif." si  Joyce.  Napatahimik na lang ako. Dahil nga ba kay Luna? 

"Let's not talk  about Arif, please?" Nangibit-balikat na lang silang. Maya-maya nagsalita na naman si Joyce.

"Kumusta na pala si Azine?" Napatingin ako sa kaniya. Ngayon na lang ulit nasama sa usapan namin si Azine. Bigla akong nawala sa mood pero bigla ko siyang na-miss.

"Uhm... gano'n pa rin." Ang totoo niyan hindi pa ako nakaka-update kay Tita Kriztine kasi naging busy ako lately tapos sumabay pa 'tong practice.

"You  mean in coma pa rin?" si Michaela. 

"Yeah."  Walang gana kong sagot.

"Kailan kaya siya..." 

"Ayoko ng  mag-practice, una na ako sa inyo." Putol ko sa sasabihin ni Maries. Napatayo na ako matapos kong kunin ang gamit ko at saka sila iniwan doon.

AZINE'S POV

"Azine, bumalik ka na sa katawan mo." basag ni Luna sa katahimikan. Napatingin ako sa kaniya.

"Paano? Sandali, alam ko na." Sumampa ako sa kama at pumwesto sa kung paano nakahiga ang katawan ko. Tiningnan ko muna si Luna bago ako humiga.

"Gawin mo na." Napatango ako at saka sinubukang humiga sa katawan ko. Naghintay lang ako ng ilang sigundo pero pakiramdam ko walang nangyayari. Napabangon na lang ako ulit. Sinubukan ko pa pero wala talaga. Napatingin ako kay Luna na nakangunot ang noo. Sandali siyang napatingin sa Kuya Von niya.

"Bakit, ano'ng nangyari?" tanong ng Kuya Von niya.

"Luna, sabihin mo sa amin kung ano na ang nangyayari sa kapatid ko." Napatingin ako sa nagsalitang katabi ni Kuya Von na nasa tono ng pag-aalala. May kapatid pala ako?

Umiiyak lang naman si... si mommy habang inaalo naman ni Dad.

Naglaho ako at lumitaw sa tabi ni Luna.

"Hindi ako makabalik, Luna."

"Ano'ng gagawin natin?" Nag-aalalang tanong ni Luna.

"Bakit, Luna?" tanong ni Kuya Von. Hinarap niya ang mga ito.

"Hindi makabalik sa katawan niya si Azine, Kuya. Ano'ng gagawin natin?" Hindi kaagad sila makaimik.

"Hahanapan natin ng sagot ang mga nangyayaring ito. Don't worry nagtatanong-tanong na rin naman ako sa mga kaibigan kong doctor na dalubhasa sa mga spirits." Napabuntong-hininga na lang ako.

Napatingin ako kay Sky at Cloud. Nandito ulit kami ngayon sa kwarto kung saan nakaratay ang aking katawan.

"Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala." si Cloud

"Ano'ng gagawin ko?"

"Eh di bumalik ka na sa katawan mo. Try mo kayang humiga ulit." Napatingin ako kay Sky.

"Ilang beses ko ng sinubukan 'yan pero wala pa ring nangyari." Nangunot ang noo nila at napaisip din.

"Isa lang ang pwede nating hingan ng tulong." Napatingin kami pareho kay Cloud.

"Sino?" Sabay naming tanong ni Sky.

Bumalik kaming tatlo sa Paraiso. Nakasalubong namin si Rain na mukhang paalis na rin.

"Nandito si San Pedro?"

"Oo."

"Sige." Iniwan na rin namin siya at tumuloy sa pahingahan ni San Pedro. Nagbigay galang kaming tatlo sa kaniya.

"Ano'ng sadya niyo?"

"San Pedro, may natuklasan ho kami tungkol kay Azine." si Sky na ang nagsalita.

"Ano ang bagay na inyong natuklasan?"

"Buhay pa ho ang katawan ni Azine, San Pedro. Nagpunta po kami dito upang hingan kayo ng tulong." si Cloud. Napatingin sa akin si San Pedro. Napatayo siya at nilapitan ako.

"May katotohanan ba 'yang mga sinasabi ninyo? Sa'yo ba talaga ang katawan na nakita mo, Azine?"

"Hindi po ako pwedeng magkamali, San Pedro." Napatango-tango siya at naglakad-lakad na parang may malalim na iniisip.

"Ang ating Diyos lamang ang nakakaalam sa anumang nangyayari sa'yo, Azine. Kung nakasisigurado ka na sa'yo talaga ang katawan na 'yon at talagang buhay ka pa ay may paraan diyan para ikaw ay muling makabalik sa iyong katawan."

"Ano po 'yon?" sabay na tanong nitong dalawa.

"B-Bago ho 'yon pwede niyo po bang sabihin sa akin kung paano nangyari ito?"

"Hindi na bago sa akin ang mga ganitong pangyayari dahil maraming kaluluwa ang nakaranas na ng kagaya sa iyong sitwasyon ngayon, Azine. Nahiwalay ang kaluluwa mo sa iyong katawan dahil marahil sa uri ng iyong aksidenteng nakasangkutan. May mga pagkakataon na ang dahilan ay dahil pansamantalang naglaho ang mga alaala sa isipan ng isang kaluluwa kaya hindi nito batid na buhay pa pala ang kaniyang katawan kagaya ng nangyari sa iyo, Azine."

"Nagbalik ho sa akin ang mga alaala ko simula nang makita ko ang aking katawan at ang aking pamilya."

"Bihira sa isang kaluluwa na nawalay sa kaniyang kaluluwa ang matagpuan pang muli ang kaniyang katawan at sarili. Mapalad ka at may mga taong nagkonekta sa'yo upang malaman mo ang katotohanang ikaw ay buhay pa pala, Azine."

"Makababalik pa po ba ako sa aking katawan, San Pedro?" Sandaling nahinto si San Pedro at saka malalim na napabuntong hininga.

"Oo naman pero kailangan mo munang mapagtagumpayan ang mga kautusan. Mukhang madali ang mga ito pero hindi natin masasabi kung mapaglalabanan mo sakaling subukin ka ng Diyos."

"Ano ho ang mga kautusan?" Nakinig na lang 'yong dalawa.

"Mayro'n lamang tatlong kautusan na dapat mong malagpasan sa loob ng isang buwan, Azine."

"Ano po ang mga iyon?"

Unang kautusan, Hindi ka maaaring makialam sa anumang problema ng mga may buhay. Pangalawa, Hindi ka maaring gumamit ng anumang kakayahan na mayro'n ang isang kaluluwa maliban na lamang kung gagamitin mo ito sa iyong mga misyon. At pangatlo na mas mahalaga sa lahat ng kautusan ay... Huwag kang mananakit o papatay ng kapwa mo kaluluwa anuman ang kasalanan nito sa mundo sapagkat ang Diyos lamang ang may karapatang humusga at humatol sa kanila. Kalakip nang mga kautusan na ito ang pagbabawal sa iyo, Azine, na makipag-usap o makipagkita sa mga may buhay kaya't sinasabi ko na sa'yo na layuan mo ang mga tao. Kung nais mong muling makabalik sa iyong katawan at makasama ang mga mahal mo sa buhay sa pangalawang pagkakataon, kailangang hindi mo mabigo ang kahit na isa sa mga kautusan na binagkit ko. Magsisimula ka na sa unang araw nitong darating na buwan. Nauunawaan mo ba ang lahat ng mga sinabi ko, ijo?" Sandali akong natigilan. Medyo mahirap ang mga kautusan.

"Naguguluhan lang ako, San Pedro."

"Sabihin mo, ano ang gumugulo sa iyong isipan?"

"Hindi ba at buhay pa naman ako kaya bakit kailangan pa na sundin ko ang tatlong kautusan?"

"Sapagkat ikaw ay kaluluwang nawalay sa kaniyang katawan at ang katawan na hiniwalayan ng kaniyang kaluluwa ay itinuturing na ring walang buhay. Ikaw, Azine, ay kagaya na rin ng mga kaluluwang sinusundo mo nagkataon nga lamang na may mga taong lumalaban para manatili ka sa mundo." Pumasok kaagad sa isip ko ang aking pamilya. Mahal na mahal talaga nila ako.

"Maaari ba akong humingi ng pabor?"

"Sabihin mo."

ARIF'S POV

"I said ayokong mag-participate!"

"Bakit? Wala namang damage ang mga kamay mo, di ba? Arif, matagal-tagal na rin bago nangyari ang aksidente and you look pretty well. Wala ka ng dahilan para hindi makasali sa New-Gen Art Competition."

"I said I don't want to join!"

"Letche! Whether you like it or not kailangan mong mag-sign up sa upcoming contest. You have to make an entry for that, understand?"

"Tumigil na nga kayong mag-ama! Tama na 'yan. Arif, umakyat ka na muna sa kwarto mo, ijo."

Iniwan ko na sila do'n. Kanina pa kami nagtatalo ni Dad dahil sa Art Competition na binabanggit niya. It's a big competition in America at gustong-gusto ni Dad na mag-join ako kasi matagal bago muling mag-open ang contest na 'yon. Bata pa lang isinasali na talaga ako ni Dad sa mga International Art Competition.

Kinuha ko ang mga gamit ko at naupo sa aking working area kung saan ako gumagawa ng mga paintings. Sinubukan kong gumawa ng obra pero wala talaga akong talent dito. Sana lang pati talento nakuha ko sa kaniya.

"Bwisit! Bwisit! Bwisit!" Pinanghagus ko lahat ang mga nasa harap ko. Napasandal ako sa pader.

"I hate them." Patayo na sana ako nang may masilip akong parang box sa ilalim ng mesa. Nangunot ang noo ko. Napatayo na lang ako at nilapitan ang box saka hinila mula sa ilalim.

"What's this?" Dahan-dahan kong binuksan ang box at may nakita akong mga naka-wrap na mukhang mga canvas. Kinuha ko 'yong isa at binuksan. Pinagmasdan ko ang naka-paint dito. Kinuha ko pa 'yong iba at siya pa din ang nasa painting. Walang iba kundi si Maxine.

"Sayang kasi namatay ka agad ng hindi man lang nasasabi sa kaniya na mahal mo siya."

LUNA'S POV

Pauwi na kami ni Kuya sa bahay niya ngayon kasi ginabi na rin kami.

"Magpahinga ka na muna sa kwarto Luna magluluto lang ako ng hapunan natin," sabi ni Kuya nang makarating na kami sa bahay. Tinanguan ko lang siya at pumanhik na sa kwarto. Nabungaran ko agad ang bulaklak na ipinatong ko kanina sa side table. Lumapit ako doon at naupo kaharap nito. Pinagmasdan ko lang hamggang sa medyo gumaan ang pakiramdam ko. Maya-maya nag-ring ang cellphone ko. Pagtingin ko sa tumatawag unknown number naman. Natigilan ako nang mapansin ko na ito 'yong number na palaging tumatawag sa akin. Sinagot ko na kaagad.

"Hello?" Hindi kaagad ito umimik. Napatayo na ako. "Hello? Sino 'to?" Talagang curious ako sa kung sino siya. "Hello? Sino ka ba?" Hindi niya ako binabaan. Maya-maya nakarinig ako ng mahinang paghikbi sa kabilang linya. Parang medyo naawa naman ako sa kaniya kung sino man siya kaya hinayaan ko lang ito na mag-iyak. Mga ilang minuto nagsalita ulit ako sa mababang tono.

"Sino ka ba? Kilala mo ba ako? Kilala ba kita? Magsalita ka kasi ikaw 'yong matagal ng tumatawag sa akin eh." Narinig kong napabuntong-hininga pa ito.

"Luna." Natigilan ako sa boses niya. Hindi ako nagkakamali parang siya itong kausap ko. Pero bakit hindi siya nagsasalita kapag tinatawagan niya ako?

"A-Arif?"

{ "Luna." } Confirmed. Siya nga ito.

"Ikaw pala 'yan. Ano'ng problema bakit ka umiiyak? Sabihin mo sa akin makikinig ako."

{ "Wala ito just a random problem lang. Kailan ka ba papasok ulit? I just miss you." }Natigilan ako sa sinabi niya. Miss me daw? Napatighim muna ako bago magsalita.

"Hindi pa kasi ako makakapasok eh."

{ "I've heard you're out of the town, Luna. }

"May inaayos lang akong personal na bagay. Teka, okay ka lang ba talaga?" Naupo na muna ako sa kama.

{ "Yeah, I'm okay. Luna, may sasabihin sana ako sa'yo eh pero sasabihin ko lang 'yon kapag nakauwi ka na dito." } Ano'ng sasabihin niya? Ayoko na munang mag-isip.

"Sige. Siya nga pala akala ko kung sino na 'tong tumatawag sa akin ikaw lang pala. Kinabahan ako sa'yo." Napatawa ko naman siya ng kunti.

{ "I'm so sorry kasi nahihiya lang talaga ako eh." } Napailing na lang ako.

{ "By the way, kailan nga pala talaga ang uwi mo dito sa province?" }

"Hindi ko pa din 'yan masasagot eh. Alam mo kasi may tinutulungan pa akong..." Napahinto ako sa pagsasalita nang kumatok si Kuya sa pinto.

"Luna, halika na sa baba ready na ang pagkain."

"Susunod na lang ako kuya." Saka ko muling binalingan ang cellphone.

"Arif, kailangan ko ng ibaba tinatawag na ako ni Kuya eh."

{ "Sige, Luna, mag-usap na lang ulit tayo next time. Take care." }

"Salamat." Binabaan ko na at saka ako lumabas na ng silid at nagpunta sa dining area ni Kuya.

"Narinig kong may kausap ka sa phone. Maupo ka na." Naupo muna ako bago siya sagutin.

"Kaibigan ko lang kuya."

"Sina Jedda?" Inabot niya sa akin ang kanin.

"Hindi."

"Si Arif." Parang sure na sure ang pagkakasabi niya.

"Kuya, alam ko 'yang iniisip mo." Napatawa si Kuya.

"Wala naman akong iniisip eh. Nanliligaw na ba sa'yo 'yon?"

"Kuya! Kumain na nga lang kaya tayo." Napapailing na lang ako sa kaniya. Nagsimula na akong kumain.

"Kung hindi mo pa siya manliligaw ibig sabihin hindi pa siya nakakaamin sa'yo. You know, one of this day magtatapat na 'yon sa'yo."

"Kuya!"

FLASHBACK

{ "Yeah, I'm okay. Luna, may sasabihin sana ako sa'yo eh pero sasabihin ko lang 'yon kapag nakauwi ka na dito." }

END OF FLASHBACK

"Wala ako'ng gusto do'n, ano! Tigilan mo na ako."

"Siya nga pala hindi ba friend mo 'yong girlfriend ni Nizu?" Bigla akong natigilan sa pagsubo sana.

"Si Maxine?"

"Yeah, si Maxine. Have you told her already about sa nangyayari sa boyfriend niya?"

"Kailangan pa ba niyang malaman? Akala ko ba hindi muna natin ipagsasabi sa ibang tao, kuya?"

"Hindi naman ibang tao si Maxine eh. She's Nizu's girlfriend and I think she has the right to know about it." Parang bigla akong nawalan ng gana.

"Sasabihin naman siguro nina tita Kriztine sa kaniya." Nangibit-balikat na lang si Kuya.

"Maybe. Sige, kumain ka na."

Nakalimutan kong si Maxine nga pala ang totoong girlfriend at hindi ako.

________________________________________________________

'Yong feeling na girlfriend ka lang niya sa ibang mundo na kayo lang ang nakakaalam? Huhu so sad for Luna. Keri mo 'yan gurl! (•‿•)

Bab berikutnya