webnovel

Chapter 34: Alive

LUNA'S POV

Pinagmasdan ko ang mag-asawa na matamang naghihintay sa sasabihin ko.

"Ka-Kasi po..."

"Tita, tito." Pare-pareho kaming napatingin kay Kuya.

"Okay lang ba kayo?" Napansin niya siguro ang pagka-tense namin. Napatayo na ako gano'n din sila. Nakalapit naman na si Kuya sa amin.

"We're fine, ijo. We're just asking Luna about something."

"Gano'n ba?  Anyway, tita, tito, I've already checked Nizu and he's totally fine. I guessed, sooner or later, gigising na rin siya."

"Salamat naman kung gano'n, Von." si Tita.

"Siya nga pala tita kailangan ko ng umalis kasi ihahatid ko pa 'tong si Luna sa bahay."

"Ngayon na ba agad?"

"Yes, tita."

"Pwede bang saglit na lang, Von? Ipapakilala ko lang si Luna kay Nizu kasi hindi niya pa nakikita ang anak ko."

"Sige tita maghihintay na lang ako dito. May five minutes pa naman eh." Umakyat na kami ni tita.

"Von,"

"Yes tito?"

"Thanks sa pag-unawa sa asawa ko."

"Walang anuman tito."

"'Y-Yong anak niyo ho ano'ng nangyari sa kaniya?" Napabuntong-hininga si tita Kriztine.

"Nakakalungkot na pangyayari para sa isang magulang na kagaya ko. Car accident, iha. Malaki na ang pasasalamat ko na  narito siya sa amin pero sana gumising na siya as soon as possible."

"Sana nga ho." Matapos ang mahabang hagdan at ilang lakad ay narating na rin namin ang isang kwarto kung saan raw naka-confine ang anak niya. Sa wakas makikita ko na rin ang pasyente dito ni kuya. Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang biglang hindi ako makahinga sa lakas ng tibok ng puso ko.

"Are you okay, Luna?" Napahinto si tita at sinuri ako. Napahawak naman ako sa dibdib ko.

"Hindi ko po alam tita bigla na lang akong nakaramdam ng kaba." Nangunot ang noo niya.

"Tita." Napatingin kami kay kuya na humahangos pa.

"What's wrong, Von?"

"We have to go, tita. My emergency sa hospital ang they needed me to be there right now. Babalik na lang kami ni Luna, tita."

"Okay, okay. Bilisan niyo na."

"Luna, let's go."

"Alis na po kami."

"Sige, ija." Sumunod na agad ako kay kuya. Mabilis kaming nakarating sa ospital.

"Wait for me here." Tinanaw ko na lang ang nagmamadaling si Kuya Von. Naiwan naman ako dito sa may waiting area sa bungad lang. Napatingin ako sa buong paligid. Gosh, this place is so scary. Ang daming kaluluwang ligaw. Pagkatalikod ko bumulaga sa akin si Azine. Nakatingin lang siya sa akin ng diretso.

"Trying to scape?" Inayos ko ang sarili ko at nagkunyareng 'cool'.

"Ano'ng ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?"

"Tsk." Tinarayan niya lang ako at naglakad na papaloob.

"Huy!" Sinundan ko na lang siya. Napatingin sa akin 'yong mga nurses na nasa information desk at nagbulungan pa. Who cares? Kuya ko si Doc Von. Ha-ha!

"May susunduin ka dito?" Tanong ko sa kaniya habang tumatanaw sa mga ward. Hindi niya ako sinagot kaya napatingin ako sa kaniya. Pinagmasdan ko ang suot niya. He's wearing white outfit kaya for sure maliligtas ang kaluluwa ngayon.

"Ay kabayo ka!" Natigilan din si Azine sa biglang pagkagulat ko. May bigla ba namang lumitaw na kaluluwa sa mismong harap ko tapos nakakatakot pa ang mukha. Napailing lang si Azine sa akin at nauna ng lumakad. Binalingan ko naman itong kaluluwa na lalaki.

"Kapag ako namatay sa gulat mumultuhin talaga kita."

"Pwede ba 'yon?"

"Pwede! 'Wag mo 'kong susundan ah." Halata namang wala 'yong kailangan eh nananakot lang. Matagal na akong takot. Hinabol ko na kaagad si Azine.

"Mag-isa ka lang?" Hindi na naman niya ako sinagot.

'Napipi na ba 'to?' Hindi ko na lang din siya pinansin. 'May nagawa na naman kaya akong kasalanan sa kaniya? Hindi kaya dahil sa pagpunta ko dito tapos hindi ko siya hinintay?'

"Galit ka ba?" Mahinahon kong tanong. Wala na naman akong nakuhang sagot.

'Ano'ng problema ng isang 'to?' Namalayan ko na lang na nasa tapat na kami ng emergency room. Pinagmasdan ko 'yong tatlong tao na nandito. Mukhang parents at isang magandang babae. Umiiyak silang tatlo. Sapo nitong mag-asawa ang babae na mas humahagulhol. Napatingin ako sa sign na 'emergency room'. Malamang family nila ang nasa loob. Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Tiningnan ko si Azine na nakatingin pala sa akin. Wala siyang reaksyon, gano'n siguro talaga kapag tagasundo.

Maya-maya namatay na 'yong ilaw ng emergency room. Sabay ng pagbukas nang pinto. Nakita ko si Kuya na kasama ding lumabas. Malungkot ang mukha niya. Napatingin ako sa stretcher na itinutulak nitong dalawang nurse. Nakatabon na ng puting tela ang mukha ng nakahiga do'n.

"Richard!" Sigaw nitong babae at saka lumapit   kay Richard daw. Mas humagulhol na sila ng iyak habang tinatawag ang pangalan ng nasa stretcher.

"Doc," tawag no'ng babae kay Kuya Von. Ramdam ko ang lungkot ni Kuya.

"I'm sorry! Ginawa na namin ang lahat para makaligtas siya pero...malalim ang pagkakasaksak sa may tagiliran niya. May mga internal organs na natamaan at maraming dugo ang naubos sa kaniya bago madala dito. Nakikiramay ho ako sa inyo." Bigla na lang tumulo ang luha sa pisngi ko. Ngayon lang ako napunta sa sitwasyon na katulad nito. Kahit hindi ko sila kilala para na rin akong namatayan. Tiningnan ko si Azine na nakatingin lang sa akin.

Maya-maya may lumabas na Talaan ng Kamatayan. Kailan ko lang nalaman na 'yon pala ang tawag sa kulay puti o minsan itim na talaan na 'yon. Kung natatandaan niyo doon nakasulat ang mga impormasyon ng sinusundo nila. Kinuha ni Azine at dahil nasa may likuran ang kaluluwa ay naglaho siya sa tabi ko at biglang lumitaw sa harap nang kaluluwa. 

"Richard Suarez, 32 years old. Died on this day of October 4, 2020 at exactly 9:47 AM.  Wala namang imik ang lalaki. Sayang lang at hindi siya nakikita ng pamilya niya kahit sa huling pagkakataon. Hinayaan na lang muna siya ni Azine.

Dinala na ng mga nurse ang bangkay at sumunod naman dito ang mga kamag-anak na panay pa rin ang iyak.  Nilapitan ko kaagad si Kuya.

"Kuya." Pinunasan ni Kuya ang luha sa pisngi ko.

"Okay ka lang ba?"

"Sanay na ako, Luna." Tiningnan ko si Azine na paalis na.

"Luna, hintayin mo na lang ako sa may waiting area may aasikasuhin lang ako." Tinanguan ko lang siya. Nauna na siyang umalis. Kahit hindi umimik si Kuya ramdam kong malungkot siya. Ganitong mga sitwasyon pala ang hinaharap ni kuya ng mag-isa. Ngayon mas naiintindihan ko na ang mga doctor.

Nagsimula na akong maglakad palayo sa may emergency room pero lutang pa rin ang isip ko. Lumabas na lang ako ng ospital at naupo sa  may gilid sa may bangko. Nangalumbaba ako at tumingin sa kawalan. Gano'n pala kasakit mawalan ng mga mahal sa buhay. Parang dinudurog ang puso ko. Napalingon ako nang may biglang tumighim sa likuran ko. Tingin ko ilang beses na niyang nagawa 'yon pero hindi ko lang narinig kaya medyo nilakasan na nito. Si Azine lang pala. Naihatid na niya siguro ang kaluluwa sa purgatoryo. Inalis ko ang kamay ko sa aking baba at tiningnan si Azine na naupo sa tabi ko.

"Kailan ka pa dito?"

"Ngayon lang."

"Ang ibig ko'ng sabihin kailan ka pa nandito sa Maynila?"

"Dalawang araw na." Nangunot ang noo ko.

"Ibig sabihin sabay lang tayo na nagpunta dito? Bakit hindi ka nagpakita sa akin?"

"Naging busy lang ako."

'Busy daw. Noon nga kahit marami mong ginagawa palagi mo pa rin akong pinupuntahan.'

"Naririnig kita." Napamulagat ako. Oo nga pala.

"Ano ngayon?" Naalala ko 'yong kanina.

"Hindi ka ba nalungkot?" Pansin ko kasi kanina wala siyang naging reaksyon. Gano'n ba katigas ang puso ng mga tagasundo?

"Saan?"

"Do'n sa kaluluwang sinundo mo kanina. Hindi kita nakitang nalungkot man lamang. Napatingin sa ibang direksyon si Azine.

"Kagaya ng Kuya mo sanay na rin ako sa mga gano'ng sitwasyon."

"Paano pala kung ako ang susunduin mo, malulungkot ka man lang ba?" Napatingin sa akin si Azine. Sinungitan niya lang ako.

"Alis na ako." Napatawa ako at hinila si Azine papaupo ulit.

"Nagbibiro lang naman eh ito naman seryoso kaagad." Halatang naiinis pa rin siya sa tanong ko. Magbiro ba naman ng kamatayan. Sumeryoso ako ng mukha.

"Paano kung ikaw na 'yong kailangang umalis?" Hindi ako tiningnan ni Azine.

"Azine, paano kung dumating ang araw na ayaw na kitang paalisin pero kailangan mo ng umakyat, iiwan mo ba ako?" Doon na ako tiningnan ni Azine. Nakatingin lang kami sa isa't isa. Iniwas niya rin agad ang tingin sa ibang direksyon.

"Huwag mo munang isipin ang mga tanong na sa hinaharap pa mangyayari. Kapag nandon na tayo sa panahong 'yon, doon natin malalaman ang sagot." Naiintindihan ko si Azine. Ang hindi ko maintindihan ay ang sarili ko. Kapag dumating ang panahong 'yon sana hindi ako maging sakim. Sana makaya ko'ng pakawalan si Azine.

"Luna." si Kuya. Napatayo ako at hinarap siya.

"Kuya."

"Pinapadaan ko dito sina Paulobat Je para sabay na kayong umuwi sa bahay. Full sched ako ngayon eh kaya hindi na muna kita maihahatid."

"Okay lang kuya." Napangiti ng bahagya si Kuya.

"Salamat." Napatingin siya sa may gilid ko kaya napatingin na rin ako. Nangunot ang noo ko.

"Kuya, n-nakikita mo siya?" Napabaling sa akin si Kuya.

"Sabi na nga ba at may kasama kang spirit dito eh." Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko naman nakikita niya si Azine.

"Kung sino ka man, please, hinay-hinay lang sa pangungulit sa kapatid ko kasi baka ma-stress 'to pumanget pa."

"Kuya!" Natawa na lang kami pati itong kumag na multo na 'to.

"Kuya, balik ka na do'n baka kailangan ka na ng mga pasyente mo eh."

"Do'n ka na kaya maghintay sa office ko kaysa naman nandito ka sa labas."

"Okay lang ako dito kuya 'wag mo akong alalahanin."

"Sure ka, huh?"

"Hmm."

"Sige. Maaga na lang akong mag-o-off para maihatid man lang kita ng tingin sa pag-uwi mo."

"Aasahan ko 'yan, kuya."

"Opo, madame. Sige na pasok na ako sa loob."

"Bye kuya." Nag-wave lang ako sa kaniya at saka pumasok na rin ito. Tiningnan ko ng masama si Azine. Nawala naman ang ngiti sa labi nito at kunyareng nagseryoso. Tsk! Gusto ko sana siyang sungitan pero nagpigil na lang ako. Naupo na lang ako ulit sa bangko.

Nilapitan niya ako at naupo rin sa tabi ko.

"Sorry." Hindi ko siya tiningnan.

"May misyon kasing ibinigay sa akin na kailangan kong malutas agad." Saka ako napatingin sa kaniya.

"Anong misyon?" Ngunot-noong tanong ko.

"Luna, hindi ko pwedeng sabihin sa'yo eh." Hindi naman na ako nagpilit magtanong pa.

"Naiintindihan kita, Azine."

"Kumusta 'yong concert?" Pag-iiba niya sa usapan. 

"Okay lang na-meet ko ang BoybandPh."

"Eh bakit nakasimangot ka pa rin?" Napatingin ako sa kaniya.

"Okay, sorry, kasalanan ko." Napabaling ako sa ibang direksyon. Maya-maya tumunog ang cellphone ko na kinuha ko naman sa bag at tiningnan. Nagulat ako nang makita ko ang nasa screen. Dinial ko agad ang number ni mama.

"Mama, ano po 'yong sinend mo?"

{ "Anak, sorry, kasi hindi ko na mapigilang kunan ng picture 'tong si Azine eh. Luna, ipaliwanag mo nga sa akin kung bakit nagkaganito 'tong halaman na ito. Kanina kasi parang may misteryosong nangyari dito sa kwarto mo." } Nangunot ang noo ko.

"Ano'ng ibig mong sabihin, 'ma?"

{ "Eh, kasi kanina papunta ako sa kwarto ko kaya lang bigla akong may nakitang liwanag na nanggagaling sa room mo. Hinanap ko agad 'yong duplicate ng susi pero pag balik ko wala na 'yong liwanag. Pagbukas ko ng kwarto itong halaman nga agad ang nakita ko at nagtaka nga ako kung bakit hindi na siya gano'n sa dati. Para siyang lumago sa isang iglap at punong-puno na ngayon ng mga parehong bulaklak. Luna, ipaliwanag mo nga ito? Ano'ng hiwaga ang mayro'n sa halamang 'to, huh? Baka naman ini-engkanto ka na anak hindi ko pa nalalaman." } Oo, gano'n nga ang nangyari sa bulaklak gaya ng sinabi ni mama. Ewan ko rin kung bakit nagkagano'n 'yon kaya nagulat ako.

"Ma, nandiyan ka pa ba sa kwarto ko?"

{ "Oo anak eh heto nga't nasa harap ko pa. Kinikilabutan na nga ako pero nagagandahan din at the same time." }

"Mama, kunan mo nga ng video, please?"

{ "Okay, patayin ko lang muna." }

"Sige 'ma." Tiningnan ko si Azine.

"May nangyari ba?" curious na tanong niya. Sasagutin ko na sana siya nang mag-pop out ang message. 'Yong video. Pinanood ko agad at hindi nga ako makapaniwala. Lumago 'yong halaman at dumami ang bulaklak. Sinagot ko agad ang tawag ni mama.

"Ma, 'wag niyo na lang hong galawin 'yan. Tatawag na lang ho ako ulit." Binabaan ko agad siya ng tawag.

"Luna." Napatingin ako kay Azine. Pinakita ko sa kaniya ang video na ikinagulat din nito.

"Bakit nagkaganiyan ang halaman na 'yan? Ano'ng ibig sabihin nito?" Napangiti si Azine kaya mas lalo akong na-curious.

"Isa lang ang ibig sabihin niyan."

"Ano?" Napatingin siya sa ibang direksyon.

"Ibig sabihin may magandang mangyayari na may kinalaman sa akin."

"Ano 'yon? Kaya mo bang malaman?" Napatingin siya sa akin.

"Panahon ang makakapagsabi sa atin no'n, Luna." Napangiti ako.

"Ano kaya 'yon, Azine? Sana makatulong sa misyon mo."

"Sana nga."

"Luna!" Napatingin kami sa tumawag. Sina Je at Paulo. Napatayo na ako.

"Tapos na kayong mamili?" tanong ko nang makalapit sila.

"Tapos na." si Je.

"Tsibog muna kaya tayo nagugutom na ako eh," reklamo ni Paulo.

"Saan ba may malapit na food station," tanong ko.

"Tara hanap tayo." si Je.

"Nando'n 'yong kotse." Tiningnan ko si Azine na naglaho na.

Nakabihis na kami at handa na para umuwi ng province. Kaya lang si kuya kanina pa namin hinihintay pero wala pa rin siya.

"Tawagan mo na kaya, friend," utos sa akin ni Paulo.

"Kanina pa nga hindi sinasagot eh."

"Darating din 'yon si Doc baka nga on the way na 'yon eh." Napaupo na lang muna ako. Inalala ko na lang 'yong sinabi ni Azine kanina.

'Ano kaya'ng magandang mangyayari na 'yon? Kung anuman 'yon sana malaki ang maitulong kay Azine .'

Natigilan ako sa kaiisip nang marinig ko ang sasakyan ni kuya sa labas.

"Sabi na sa inyo on the way si Doc eh." Napatayo ako at sinalubong si Kuya.

"Hi, sorry na-late ako ang dami kasing pasyente kanina."

"Okay lang kuya." Dumiretso kami sa may salas.

"Pasensya na kayo huh hindi man lang ako nakahanap ng time para ipasyal kayo."

"Walang problema Doc kasi concert naman talaga ang ipinunta namin dito eh." 

"Oo nga kuya Von at saka marami pa namang pagkakataon. Babalik na lang kami ulit ditey next time." si Paulo.

"Sige, babawi ako sa next time, promise." Hinarap ako ni Kuya.

"Nasabi mo na ba kay mama na ngayon ang balik niyo?"

"Alam niya na ngayon ang uwi namin at saka nasabi ko na rin kay papa."

"Good. Ano ba'ng oras ang alis ng barko?"

"Five o'clock, doc." Napatingin si Kuya sa relos niya.

"Kung gano'n kailangan niyo na palang umalis kasi baka maiwan na kayo ng barko."

"Kaya nga kuya eh hinintay ka lang namin para naman makita kita bago kami umalis. Alam ko matagal ka na namang hindi makakabisita sa province." Napangiti si Kuya sa akin.

"Akala ko nga hindi ako aabot eh. Let's go ihahatid ko na kayo sa labas." Nagpunta na kami sa labas kung saan nakaparada ang kotse ni Paulo. Nasa kotse na rin lahat ang mga gamit namin. Nauna na 'yong dalawa sa amin ni Kuya.

"Kuya." Yumakap ako sa baiwang niya tapos inakbayan naman niya ako.

"Hmm?"

"Sa christmas uuwi ka, huh?"

"I promise."

"Hmm... tapos paaasahin na naman ako."

"Promise, uuwi kami ni papa." Napangiti ako. Napahinto muna kami sandali.

"Hindi ba kuya mag-aabroad ka this coming 2021? Tuloy pa ba 'yon?" Sandaling nag-isip si Kuya.

"Hindi na ako sure eh." Napaalis ako sa pagkakayakap kay kuya.

"Bakit naman? Hindi ba ready na ang mga papers mo? Ano'ng nakapagpabago sa isip mo kuya samantalang dati gustong-gusto mo mag-abroad?" Napabuntong-hininga siya.

"Dahil kay Nizu." Nangunot ang noo ko.

'Nizu?'

"'Yong pasyente mo na anak ni Tita Kriztine at Tito Julio?"

"Oo." Napangiti ng bahagya si Kuya.

"Na-realized ko kasi na mas dapat kong paglingkuran ang kapwa natin Pilipino kaysa maglingkod ako sa ibang lahi."

"Kuya, sayang hindi ko siya na-meet, ano? Ano ba'ng itsura niyang Nizu na 'yan? Kasi 'yong mga pictures niya sa bahay nila lahat nakatabon ang mukha. Takot yata sa camera eh." Natawa pa ako.

"Gusto mo ba siyang makiya meron akong pictures sa..."

"Doc, kailangan na naming umalis kasi mahuhuli na kami sa byahe eh." si Je.

"Pa'no kuya kailangan na naming umalis."

"Oo nga." Napayakap na lang ako kay kuya.

"Mami-miss na naman kita, kuya."

"Mami-miss din kita, little sis." Humiwalay na rin ako agad. Nagpunta na kami sa may kotse. Pinagbuksan ako ni kuya ng pinto dito naman kasi ako sa backseat uupo.

"Bye!"

"Bye, kuya." Sumakay na ako. Nilapitan ni Kuya si Paulo na nakasakay na rin at nag-start ng kotse.

"Mag-iingat kayo, huh? Paulo, watch the road."

"Okay, Kuya Von, kahit may gwapo sa daan hindi talaga ako titingin." Nagkatawanan na lang kami.

"Bye, Je."

"See you again, doc."

"Sige na. Take care, okay? Luna, call me kapag nakauwi na kayo."

"Okay." Nag-wave na lang ako kay kuya at maya-maya ay umalis na rin kami. Sinilip ko si Kuya na nagwi-wave sa amin. Makikita ko naman ulit sila sa christmas eh.

VON'S POV

Kinuha ko ang phone sa bulsa ko at tinawagan si mama. Sinagot din naman kaagad nito.

{ "Von, nakaalis na ba ang kapatid mo?" }

"Yes, ma, kaaalis lang nila eh."

{ "Mabuti naman. Sige anak tatawagan ko lang si Luna. Ingat ka diyan, ah. Ba-bye!" }

"Bye, 'ma." Binabaan niya na ako ng tawag.

Tiningnan ko 'yong picture ni Nizu sa phone ko.

"Sayang hindi ka nakilala ni Luna. She's my younger sister na sobrang pasaway, Nizu." Natawa pa ako ng bahagya. Nag-ring ang phone at si Tita Kriztine pala ang tumatawag.

"Hello, tita?" 

LUNA'S POV

Nakasakay na kami ng barko at papunta na sana kami sa itaas nang tumunog ang phone ko. Nang kunin ko sa bag na dala ko unknown number ang tumatawag. Sinagot ko na lang din habang naglalakad paakyat.

"Hello?"

{ "Luna?" }

"Sino po 'to?"

{ "Mommy ni Nizu."

"Tita Kriztine? Paano niyo ho nalaman ang number ko?"

{ "Hiningi ko kay Von, ija." }

"Ahh... gano'n po ba?"

{ "Nasabi sa akin ni Von na nakaalis ka na raw, Luna. Akala ko magkikita pa ulit tayo eh." }

"Mangyayari pa naman ho tita 'yon eh kapag nagbakasyon ako ulit."

{ "Hay naku alam kong matatagalan pa 'yon." } Kunyari'y nagtatampo pang sabi nito. Naupo muna ako sa napiling pwesto nina Je.

{ "Siya nga pala sayang hindi mo nakilala at nakita ang anak ko, Luna." }

"Oo nga tita eh sayang."

{ "Don't worry nag-send na ako ngayon ng picture niya sa'yo. Alam mo ba ngayon ko lang siya nakuhanan ng maayos na picture." } May nag pop-up sa message ko. 'Yon na siguro ang sinasabi ni Tita. Pagbukas ko ng message halos hindi ako makakilos. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko sa screen.

{ "Luna, nakita mo na ba ang anak ko? Alam mo kapag nagising si Nizu at nalaman niya na kinuhanan ko siya ng mga picture siguradong mapapagalitan ako no'n." } Hindi ko na inintindi ang sinasabi ni Tita.

"Huy, Luna! Bakit ka umiiyak? Ayos ka lang?" Napatingin ako kay Je na pinunasan pa ang luha sa pisngi ko.

"Bakla, ano'ng nangyayari diyan?" Natatakot na ring tanong ni Paulo. Napatayo na ako at pahakbang na sana nang pigilan ako ni Je.

"Saan ka pupunta?"

"Kailangan kong bumaba dito, Je. Kailangan kong bumalik."

"Ano? Bakit?" Naguguluhang tanong ni Je.

"Paalis na ang barko, Luna."

"Kailangan kong bumalik. Mauna na kayong umalis okay lang ako. Huwag na kayong susunod."

JEDDA'S POV

Bumaba na si Luna. Susundan ko na sana siya nang hawakan ako ni Paulo sa braso at pigilan ako. Napatingin ako sa kaniya.

"Hayaan na natin si Luna para kasing may mahalaga siyang gagawin eh. Tawagan na lang natin si Kuya Von."

"Baka mapa'no siya eh."

"Bakla, hindi bata si Luna. Maupo ka na tatawagan ko na lang si Kuya Von." Naupo na muna ako pero hindi ako mapakali.

"Kuya Von? Si Luna kasi eh bumaba ng barko. Ewan namin bigla na lang kasing umiyak matapos may nakitang kung ano sa phone niya. Ayaw naman na sundan namin siya tapos paalis na rin 'tong sinasakyan namin. Okay, Kuya Von. Sige." Napaupo na rin si Paulo.

"Mauna na raw tayo si Kuya Von na daw ang bahala kay Luna susunduin niya." Kumalma naman na ako.

"Mabuti naman."

"Ano ba'ng nangyari kay Luna?" tanong ko.

"Bigla na lang umiyak. Alam mo natatakot na ako kay Luna, ah. Ano'ng nangyayari do'n?" Napatingin ako kay Paulo. Hindi ko rin alam ang sagot sa tanong niya.

LUNA'S POV

"Ma'am, saan ho kayo pupunta?" Hindi ko pinansin 'yong coast guard at lumayo na kaagad ako sa lugar. Tapos na kasing pumasok ang mga pasahero kaya napansin nila ako. Hinagilap ko agad ang cellphone ko nang mag-ring. Si Kuya. Malamang tinawagan na siya nina Paulo.

{ "Luna, what the hell are you doing? Nasaan ka?" } Mas naiyak ako.

"Kuya, kailangan ko siyang makita. Hindi ako pwedeng magkamali siya 'yon."

{ "Huminahon ka nga muna. Ano ba'ng sinasabi mo? Sino ang gusto mong makita? Luna, stay where you are, susunduin kita. Papunta na ako diyan, okay? Stay there." } Binabaan niya na ako ng tawag.

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Tiningnan ko ulit ang picture na sinend aa akin ni tita Kriztine. Siya nga 'to. Napaiyak ako lalo.

FLASHBACK

"Bakit nagkaganiyan ang halaman na 'yan? Ano'ng ibig sabihin nito?"

"Isa lang ang ibig sabihin niyan."

"Ano?"

"Ibig sabihin may magandang mangyayari na may kinalaman sa akin."

"Ano 'yon? Kaya mo bang malaman?"

"Panahon ang makakapagsabi sa atin no'n, Luna."

"Ano kaya 'yon, Azine? Sana makatulong sa misyon mo."

"Sana nga."

END OF FLASHBACK

"Ito na ba ang magandang mangyayari na sinasabi ni Azine?"

Napangiti ako sa gitna ng aking pag-iyak. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Halu-halo ang damdamin ko. Masayang-masaya ako. Napaupo muna ako sa may gilid at hinintay si Kuya. Hindi na ako mapakali. Nasaan kaya si Azine ngayon?

"Naririnig niya ako, di ba?" Sinubukan ko siyang isipin. Paulit-ulit ko siyang tinawag sa isip ko pero hindi siya dumating.

"Nakaalis na kaya siya?" Matagal akong naghintay kay kuya hanggang sa maya-maya nakarinig ako ng busina sa may likuran ko.

"Kuya." Agad-agad akong napalapit sa kaniya na bumaba ng kotse. Niyakap niya ako agad.

"My god, Luna, kinabahan ako sa ginawa mo. Ano'ng nangyari? Why are you crying?"

"Kuya Von, kailangan ko siyang makita ihatid mo ko sa kaniya." Halatang naguguluhan si Kuya sa sinasabi ko.

"Kanina mo pa sinasabing gusto mo siyang makita. Sino ba ang tinutukoy mo?"

"Kuya, si... si Nizu."

"Si Nizu? Bakit?"

"Kuya saka ko na ipapaliwanag sa'yo basta bumalik na tayo at dalhin mo ako sa kaniya. Kailangan ko siyang makita, Kuya."

"Okay, stop crying. Sumakay ka na." Agad-agad akong sumakay sa kotse sa front driver seat gano'n din si Kuya na nag-start na agad ng kotse. Umalis na kami kaagad. Hindi ko magawang kalmahin ang sarili ko. Kanina pa hindi tumitigil ang kaba sa dibdib ko. Tiningnan ko ulit ang picture na nasa phone ko.

'Si azine 'to hindi ako pwedeng magkamali.'

Gabing-gabi na nang makarating kami sa bahay nina tita Kriztine. Isang lalaki ang nabungaran namin nang makapasok kami sa loob. Sa pagkakatanda ko kapatid siya ni Nizu.

"Von..."

"Julius. Siya nga pala ito si Luna nakababata kong kapatid. Luna, this is Julius anak nina tita Kriztine." Napatingin siya sa akin.

"Ah! Siya pala ang little sister mo. Bakit nga pala kayo..."

"Von!" Napatingin kami sa itaas sa may grandstand ng hagdan. Nandoon sina tita Kriztine at ang asawa nito na mukhang sa kwarto yata galing. Bumaba sila at lumapit sa amin.

"Von? Bakit kayo napasugod dito?" tanong ni tita. Napatingin siya sa akin.

"Luna? Bakit mugto ang mga mata mo, ija? At saka bakit nandito ka akala ko ba ay nakaalis ka na?"

"Tita, pwede ko ho bang makita si Nizu?" Naguluhan silang lahat pero wala naman kaagad nagtanong.

"Sige, halika sa itaas at dadalhin kita sa kwarto niya." Nagkatinginan na lang ang tatlo at saka sumunod sa amin. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

Napahinto ako nang nasa labas na kami ng kwarto niya.

"Halika na ija." Sumunod na ako kay tita. Pagkapasok ko nabungaran ko ang isang kama at doon ay may nakahiga. May mga aparato na nakatakid sa katawan at mukha niya. Pero isang bagay lang ang masisiguro ko kahit hindi pa man ako nakakalapit dito. Siya si Azine. Hindi ako pwedeng magkamali do'n. Nanginginig ang buo kong katawan at mas binundol ng kaba ang dibdib ko habang papalapit ako sa kaniya.

"Siya ang anak ko, Luna, si Nizu." Pinakawalan ko ang luha sa pisngi ko hindi dahil sa kung anumang bagay kundi dahil sobrang saya ko. Hindi ko tiningnan si tita at kay Azine lang ako nakatingin. Hinawakan ko si Azine sa pisngi at totoo nga siya. Siya nga ito.

"Ija, bakit ka umiiyak? Ano'ng problema?" nag-aalalang tanong niya. Naramdaman ko ang pagpasok nina kuya sa kwarto pero hindi ko sila tiningnan.

"N-Nag... Nag migrate ho ba kayo sa Canada no'ng... no'ng thirteen years old siya?"

"Paano mo nalaman, ija? Tama ka thirteen years old nga 'yang si Nizu ko nang manirahan kami sa Canada." Parang nabibingi ako sa mga nangyayari at nalalaman ko ngayon. Hindi ako makapaniwala.

"Azine." Bigla ko na lang niyakap sa sobrang saya ko. Alam ko nagtataka at naguguluhan sila pero wala na akong pakialam do'n.

"Kaya pala hindi mo maalala kung ano ang ikinamatay mo kasi hindi ka pa naman talaga patay. Azine."

"L-Luna, kilala mo ba ang kapatid ko?" dinig kong tanong ni kuya Julius.

"Ano'ng sinasabi mo, ija? Hindi pa patay ang anak namin." naguguluhang tanong ni Tito.

"Luna, paano mo nalaman ang totoong pangalan ni Nizu samantalang hindi ko naman nabanggit sa'yo 'yon?" naguguluhang tanong ni Kuya.

"Oo nga, ija. Sa pagkakaalam ko kahit maids namin ay hindi binabanggit ang pangalang Azine kundi sa palaway niyang Nizu. Ija, ipaliwanag mo nga ang nangyayari? Paano mo nakilala ang anak namin? Sa Canada siya nagbinata at pag-uwi niya dito saka siya naaksidente kaya wala na siyang chance para makakilala agad ng ibang tao. At saka wala siyang ibang kilala dito sa Pilipinas kundi si Maxine at ang ilan niyang barkada."  Mahabang litanya ni tita na gulong-gulo na rin sa nangyayari. Hinarap ko sila.

"S-Si Maxine... hindi ho ba girlfriend siya ni Azine?" Nagulat sila sa sinabi ko lalo na si Tita.

"Kaibigan ka ba ni Nizu bago pa man siya maaksidente?" Tanong ni kuya Julius. Napailing ako.

"Ano'ng ibig sabihin no'n? Paano mo siya nakilala kung gano'n?" tanong ulit niya.

"Ano ba talaga ang nangyayari?" Napatingin ako kay tita pero sandali lang. Napaupo ako sa tabi ni Azine at pinagmasdan siya. 

"Naging kaibigan ko ho si Azine sa pamamagitan ng... kaluluwa niya." Natahimik sila at hindi kaagad nakaimik. Naririnig ko lang ang iyak ni tita.

"Oh my god, Julio." Nayakap ni tito si tita Kriztine bilang pag-aalo. Nagkatinginan naman sina kuya Von at Kuya Julius.

"May third eye ka nga pala, Luna." Maya-maya'y sabi ni Kuya.

"Pero paano nangyari 'yon, Von? Hindi patay si Nizu kaya bakit makikita ng kapatid mo ang kaluluwa niya? Hindi ito movie, okay."

"Julius, may mga gano'ng cases na nangyayari sa totoong buhay. Possible na noong maaksidente si Nizu ay humiwalay ang kaluluwa niya sa katawan nito. Kaya naman pala kahit ano'ng gawin natin ay hindi siya gumigising kahit magaling naman na ang katawan niya."

"Hindi malayong makilala ni Luna si Nizu dahil sa probinsya nila naaksidente ang kapatid mo," dagdag ni tito.

"Diyos ko!" si tita na hindi pa rin kumakalma.

"Ano'ng... Ano'ng gagawin natin, Von? Paano babalik ang kaluluwa ng kapatid ko sa katawan niya?"

"Sa ngayon hindi ko pa rin alam, Julius. Pero pag-aaralan ko ang nangyayaring ito kay Nizu at kukonsulta na rin ako sa mga doctors na may kaalaman sa spirits. Don't worry tita, tito, gagawin ko ang lahat para makabalik ang kaluluwa ni Nizu sa katawan niya sa lalong madaling panahon. Sa ngayon 'wag niyo na lang ho munang ipapaalam sa iba ang nangyayaring ito."

"Naiintindihan namin. Salamat, Von." Hinawakan ko ang kamay ni Azine.

"Nasa'n ka ngayon, Azine? Sigurado ako matutuwa ka kapag nalaman mo na buhay ka pa."

"Ija." Napatayo ako at hinarap si tita. Mas lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Ija, kapag... kapag nagkita kayo ni Azine sana dalhin mo siya dito. Miss na miss ko na siya eh. Please?"

"Gagawin ko ho 'yon, Tita."

"Luna, umuwi muna tayo sa bahay para makapagpahinga ka ng maayos isa pa malalim na ang gabi."

"Mabuti pa nga, ijo." si Tito.

"Kuya, dito na lang muna ako ayoko'ng iwan si Azine. Baka kasi bukas pagbalik ko dito hindi ko na siya makita ulit. Baka nananaginip lang ako tapos..."

"Luna." Nilapitan ako ni Kuya.

"Walang mangyayari kay Azine dito. Bukas na bukas din pupunta tayo dito agad, okay? Halika na umuwi ma muna tayo para makapagpahinga ka naman." Binalingan ko si Azine.

"Aalis na muna ako, Azine. Babalik na lang ako bukas, huh."

"Halika na." Inalalayan na ako ni kuya pababa matapos makapagpaalam kay na tito at tita. Sinamahan naman kami ni Kuya Julius palabas hanggang dito sa may kotse.

"Ingat kayo, pare."

"Sige." Binalingan niya ako.

"Thank you, Luna. Without you hindi namin malalaman kung ano talaga ang totoong nangyayari kay Azine."

"Wala po 'yon, Kuya Julius. Gusto ko na rin siyang bumalik sa katawan niya kaya tutulong po ako."

"Salamat." Binalingan niya si kuya.

"Ingat kayo pauwi."

"Sige." Sumakay na kami at umalis. Masayang-masaya ako ngayon. Ang kailangan ko na lang ay sabihin kay Azine ang lahat ng natuklasan ko ngayon.

'Pero saan ko siya mahahanap? Nasa'n ba siya ngayon?'

______________________________________________________

Okay, nalaman na rin ni Luna sa wakas☺️ Ang haba ng chapter na 'to. Malapit na ang katapusan kaya wait wait lang kayo...

Thank you, guys! 💙💙💙

Bab berikutnya