webnovel

Kapitulo Tres

ANNIKA ROSE SEBASTIAN

Nabulabog ako sa sunod sunod na pagkatok este pagbayo ng kung sino mang pashnea sa pinto ko. Anak nga naman ng tampalasan oo! Wala pa akong matinong tulog tapos ginigising ako ng animal?! Bugnot akong bumangon sa hinihigaan kong katre na walang kutson. Matigas pero wala akong choice. Hindi pa ako nakapagsuklay kaya sigurado ako na sabog na sabog ngayon ang buhok ko na animo ay pwede nang pamugaran ng mga ibon.

Padaskol ko na binuksan ang pinto at ayon! Nag good morning sa pagmumukha ko ang pangit na land lady ko sa inuupahan kong maliit na kwarto. Nakabusangot siya at talaga namang lumilitaw ang mga wrinkles at ugat ugat niya sa noo. Ang labi niya na animo tambutso na umuusok dala ng nakapasak na sigarilyo niya sa nguso.

"Hoy Annika! Magbayad na ng upa mo. Tatlong buwan ka nang hindi nakakapagbayad ng upa. Pati kuryente at tubig ay wala ka ring naiambag sa bill." Bungad sakin ni Aling Mercy. Aish! Bakit ngayon pa talaga siya naningil eh wala talaga akong pera. Tsk!

"Aling Mercy naman. Baka pwede niyong paluwagin yung sa bayarin ko. Kamamatay lang ni tatay eh kaya wala talaga akong pera."

"Aba Annika! Wala akong pakialam! Magbayad ka na. Kailangan ko ngayon ng pera! Intiendes? Wala nang luwag luwag! Ang kapal mong manghingi ng paluwag eh hindi ka naman nagbabayad sakin! Para sabihin ko sayo, masama yan sa negosyo!" Humithit buga siya sa sigarilyo niya saka niya inilagay sa lupa ang cigarette butt at inapakan para mamatay ang apoy.

"Aling Mercy. Maawa naman po kayo sakin oh. Kahit isang buwan lang promise po magbabayad na ako. Bibigyan ko pa po ng interes kung gusto niyo."

"Magbabayad ka o hindi?" Pumamewang siya at yung bilbil niya eh mas lumantad sa harapan ko. Para talaga siyang walking and live version ng lechon eh. Kulang nalang ng apoy tostado na!

"Wala po akong pera. Pasensiya na po." Napayuko nalang ako dahil sa hiya. Wala talaga kasi ako ni singkong duling eh.

"Kung gayon ay magbalot balot ka na Annika. Lumayas ka na dito dahil pinalalayas na kita.! Wala nang awa awa! Kawawa ako dahil ako yung napeprehuro dito!"

Agad siyang umalis. Alam ko na wala nang pag-asa na magbago ang desisyon niya. Napangalanan siyang Mercy pero wala kasi siyang awa. Sakim siya sa pera at higit sa lahat mukha siyang pera. Parang pareho lang pero basta yun siya.

Nagmartsa ako pabalik ng kwarto ko. Isinilid ko ang mga gamit ko sa isang malaking backpack. Oo, konti lang ang gamit ko dahil ultimo ang mga plato, baso, kutsara at tinidor ay naibenta ko na last month. May iilan nalang akong t-shirt at pantalon na kupas dito sa karton na lalagyan ko. Bahala na sila jan sa gulagulanit na banig na nasa katre. Kung gusto nila yang ipa-laminate go! Ipinasok ko ang huling gamit na sobrang importante sa akin. Ang family portrait namin nung buhay pa ang mga magulang ko.

Namatay si Inay nung Elementary palang ako. Grade 6 ako nun eh. Eksaktong graduation namin ay inatake siya sa puso. Kaya imbes na magsaya kami dahil sa pagka first honor ko ay naging lamay tuloy ang pinaghandaan namin. Simula noon, palagi nang nagalalasing si Tatay. Hindi naman siya nananakit sa akin pero dahil sa bisyo niya ay unti unting naubos ang naipundar namin.

Ang malaking bahay namin, yung mga tindahan sa palengke ay pinasara narin hanggang pati ang lupa ay naibenta na namin. Kaya kami tumira dito kay Aling Mercy. 2,500 ang buwanang upa ng bahay. 500 sa tubig at 300 para sa kuryente kasi isa lang naman ang pailaw namin.

Nagkasakit si Tatay ng ulcer noong junior high school ako pero pagdating ko ng senior high ay lumala na yun ng todo. Kaya ako nagtrabaho ng pilit para maibili siya ng mga gamot. Hindi narin ako nagkolehiyo para maghanap ng perang pampaospital niya. At last week nga ay binawian na siya ng buhay.

"Tsk! Kasalanan mo to lahat Tay," pagkausap ko sa picture ni Tatay na nasa wooden frame.

"Kung hindi dahil sayo, hindi tayo maghihirap. Kung hindi dahil sa sakit mo ay baka nakapagtapos na ako ng kolehiyo. Kung di ka sana..." Tumulo na ang luha ko. Alam ko na walang kasalanan si Tatay. Katunayan nga ay nami-miss ko na sila ni Inay.

"Kung hindi ka sana namatay edi sana  may bahay parin akong sisilungan sa gabi. Paano na yan ngayon ha? Ito ba yung gusto mong mangyari? Ang maghirap ako ng sobra? Ang unfair niyo naman eh!"

Patuloy ang pagragasa ng luha mula sa aking mga mata. Hindi narin ako halos makahinga ng dahil nagbabara na ang airways ko sa katawan. Panay ang hikbi ko habang isinasarado ang zipper ng bag ko.

Ngayon, saan na ako nito pupunta? Saan na ako matutulog mamaya? Hindi ko na talaga alam ang sagot. Masakit ang katawan ko at patay na ang isip ko. Ayoko na!

Mabagal akong naglakad palayo sa inuupahan kong bahay. Sa masikip na lugar na yun kung saan maraming mga chismosa na animo kinayayaman nila ang chismis na naipapakalat nila sa umaga at ang bawat nasasagap nila ay nagpapataba sa kanila. Tsh!

Bawat hakbang ko ay isang hakbang tungo sa kawalan. All hopes have faded. My mind is not functioning well and this problem is the reason of my torment.

Ilang oras na akong naglalakad. Patingin tingin ako sa paligid baka may makita akong kanais nais na bagay. O di kaya ay free taste o trabaho nalang kahit ano pa yan, handa akong pasukin. Basta ba hindi lang magbibenta ng aliw ay ayos lang sakin. Pero lumipas ang oras ay wala talaga eh. As in zero! Nada!

Kung sabagay. Pobre nga naman ang Pilipinas kong mahal kaya wala tayong mahihita rito. Hay life! Ang gulo gulo mo. Hihintayin ko nalang ang kamatayan ko nito. I hurriedly crossed the street nung mabingi ako sa malakas na pagpreno ng sasakyan.

Screeeeeeeccccchhhhh!!!

Nagulat ako pero hindi ako nakagalaw. Mabilis ang takbo ng kotse at patungo na ito sa akin. Nanghina ang mga tuhod ko kasabay niyon ay naramdaman ko ang pagbagsak ko sa sementadong kalsada. Nakatingin ako sa maaliwalas na langit. This is death.

Alam ko na malayo na ang kotse. Malamang may displacement na nangyari kasi nga yung velocity ng kotse is mataas so ang tendency is magkakaroon ng pag-forward ang kotse kahit pa man nagpreno na ito. Nababaliw na nga yata ako para mag discuss ng tungkol sa physics kahit mamamatay na ako.

My vision was blocked by two shadows and then two Adonis blocked my vision. Ang gagwapo nila. Parang kumikinang sila sa mga mata ko. Ito na nga! Himaya!

"Pa-patay na ba ako? Kayo na ba ang susundo sakin? Asan si San Pedro? Mga anghel kayo?" Tanong ko sa kanila. Napakurap kurap ang dalawang anghel na animo naguguluhan din.

Oh lala! Ang hahaba ng mga pilik mata nila. Siguro ay gumamit to ng serum para sa eyelashes. Meron kaya nun sa langit? Nakita ko na kasi yun sa magazine ng kapit-bahay kong si Mmarites eh. Mahilig siyang magpa-deliver nun sa Shoppee o Lazada. Di ko pa yun natatry dahil nga pobre ako kaya hanggang pulbo lang ako. Wala ngang pabango o lotion eh sayang kasi sa pera.

"Miss, can you hear me?" Wow! English speaking pala dapat ang mga anghel? Sabagay baka kasi may mamatay na foreigner kaya hindi sila magkakaintindihan pag nagtagalog sila so dapat in English talaga. Galing ko diba?

"Naririnig kita," sagot ko sa kanya. Ito na ata yung tatanungin nila ako sa mga kasalanan ko bago ang final judgement.

"Okay Miss, relax and tell me if are you hurt."

"Masakit ang..." Saka lang nag-sink in Sa utak ko na masakit pala ang katawang lupa ko. Demontres! Ang sakit talaga ng katawan ko!

"Masakit ang katawan ko. Ang ulo ko at ang likod..." Naiyak na ako dahil sa sakit. Kinapa ko ang ulo ko at nakita ko na may dugo na ang mga kamay ko.

"Sh*t! She's bleeding Thorn. Do something." Natataranta na yung gwapong nilalang na nasa may kanan ko. Mas gwapo siya kesa sa isang lalaking nasa kaliwa ko naman. His features are sharper. Kumbaga, effortless pero makalaglag panty.

"Calm down Rus. Parating na ang ambulance dito."

Ambulance? Naku naman oo! Eh wala akong pambayad sa ospital eh. Naloko na! Kaya ang inideya ko ay tumayo ako. Dahan dahan lang dahil masakit talaga ang katawan ko at nahihilo na ako. Bahala na tong mga sugat ko. Iinadahin ko nalang kesa makulong dahil hindi nakapagbayad ng hospital bill. Nagloloko pa naman ang Philhealth kaya di na ako aasa dun. Napuno na sila sa pangalan ko last month.

"Miss, wag kang tatayo. Yung mga sugat mo. Parating na ang ambulansiya dito." Sabi nung chinito. Yung nasa kaliwa ko kanina.

"Wag nalang. Wala akong pambayad ng bill sa hospital. Saka itong mga sugat ko? May dahon naman ng bayabas sa likod bahay eh. Pwede kong gamitin yung pang disinfect sa sugat ko."

"No no no! We insist. Baka may masamang mangyari sayo. Don't worry, babayaran namin ang bills ng hospital." Sabi sakin ni pogi. Talagang pinigilan ako. Doon ako natauhan. Timang at shunga nga naman ako minsan.

"Oo nga no? May atraso pala kayo sakin ah? Sinagasaan niyo ako kaya dapat kayong magbayad ng danyos. Akin na ang pera! Wag niyo na akong ipagamot. Mas kailangan ko ang salapi ngayon kesa sa gamot." Inilahad ko kamay ko sa harapan nila. Syempre nanghihingi ng bayad.

"We'll pay you para sa bayad pinsala but please magpahospital ka. Mas mapapanatag ako sa ganon." Ang taray nitong kuya niyo! Mapera siya. Okay? Libre naman niya eh. Blessing in disguise ang pagkabangga ko. Nice!

Dumating naman ang ambulance pagkaraan ng ilang minuto. Agad akong isinakay doon at tumulak na sila papunta ng hospital. Pagkarating ko sa hospital room ay may mga nakahanda na doong mga gamit. Private hospital to kaya todo asikaso sila.

Pero nagulat ako nung ang pumasok na doktor ay yung si Kuyang Chinito from my left side kanina. Nilinis niya ang sugat ko at napapa-hiss naman ako bawat dampi ng bulak na may alcohol sa sugat ko. Kaya ayaw kong nasusugatan eh kasi masakit. Kagaya nalang ng naramdaman mo nung niloko ka ng pangit mong ex.

Nilagyan niya ng bandage at plaster ang mga sugat ko sa gilid ng noo ko. Sa likod ng ulo ko. Sa mga braso ko at chineck narin ako ng nurse kanina kung may mga sugat ba ako sa likod na salamat sa Diyos ay wala naman ni isa.

"Take these medicines once per day. Para yan hindi mamaga ang sugat mo. At ito naman para mabawasan ang kirot niya." Inabot sakin ni doc yung mga gamot na kailangan kong inumin.

Pumasok sa kwarto ko yung si Kuyang Pogi na medyo cold ang dating. Para naman siyang nakahinga ng maluwag nung nakita niya na tapos na akong ma-dressing-an.

"Thanks God you're okay. Sorry talaga sa nangyari kanina Miss."

"Hmm! Okay lang basta magbayad ka para sa danyos mo oi! Mahal na ang bilihin ngayon baka di mo alam." Syempre baka kalimutan niya ang babayaran niya sakin kaya ipapaalala ko lang.

"Yes. Magpahinga ka muna ha? Ayoko na mabinat ka."

May sumulpot na nurse doon sa pinto ng hospital. In fairness, maganda si ateng nurse. Nakabraces siya at may salamin sa mata. Nakaputi ang uniporme malamang.

"Doc Spencer, pinapatawag po kayo. Kailangan daw po ng isa pang doctor sa surgery room 2." Pati boses niya nakakadal, boses anghel si ate. Pero ewan ko kung mabait ba tong talaga. Malay natin diba? Sa panahon ngayon ang dami nang mga mapagbalat-kayo.

"Wala na bang ibang doktor doon? Sabihin mo na may inaasikaso pa akong pasyente." Ay taray ni doc! Pero hindi na naman niya ako inaasikaso ah. Palusot talaga to. Gusto lang atang tumambay dito sa room ko eh.

"Nandoon po si Doc Valdevioso pero kailangan talaga ng backup daw po eh. Major heart operation po kasi." Marahas na nagbuntong hininga si Doc Spencer. Parang napipika narin siya.

"Okay fine. I'll go there. Fix my things, I don't want hassles." Taray talaga ng lolo niyo. Keep your cool doc.

"Yes Doc." Yun lang at umalis na si ateng nurse. Nagpaalam narin sa amin si Doc Spencer.

Bab berikutnya