webnovel

Salamin - Chapter 25

"Jasper, ulitin mo na ulit ang tawag mo sa akin kanina." ang malambing na pakiusap niya habang patuloy na tinutugtog ang keyboards.

"B-bakit?" ang kinakabahan kong tanong habang patuloy kaming nagtititigan.

"Sarap ng pakiramdam na tinatawag kang 'Kuya', eh. Sige na oh." ang pakiusap niya.

"S-sige, kuya..."

"Yan na tatawag mo sa akin ha? Palagi." pakiusap niyang malambing.

Tumigil siya sa keyboards at hinawakan ang aking bunbunan at muling ginulo ang aking buhok. Nilapit niya ang aking ulo sa kanya upang pagdikitin ang aming mga noo. Nakatingin na ako sa sahig sa sobrang kaba at hiya habang siya anma'y nanatiling nakatingin at nakangiti sa akin.

"Kanta ka naman para kay kuya, oh." ang panunuyo niyang sabik sa pagmamahal ng isang kapatid. May dalang kurot sa aking damdamin ang kanyang hiling na nagsimulang humila sa aking magnasa na magkaroon din ng isang kuya.

Tumango ako matapos maghiwalay ang aming mga noo. Pinatunog ko ang aking mga daliri bago ilatag ang mga ito sa teklado.

Binalot ni Randy ang kanyang kaliwang braso sa akin at nagsimula na akong tumugtog.

Umurong siya ng kaunti sa kanyang pagkakaupo upang magkadikit ang mga hita namin. Inilapit niya akong sumandal sa kanyang balikat.

"T-teka, papano ko tutugtog at kakanta? Fave song natin ito di ba?" ang sabi ko sa kanya na tinawanan lang niya. Hinayaan niya akong tumuwid muli at nagsimula sa aking gagawin.

"Jasper... bunso... did you ever asked yourself, what if you had a brother? Paano kaya ang buhay mo kung may kapatid ka?" ang tanong niya habang nakataas noo niya akong tinitignan at nakakunot ang ito tila hinihintay ang aking sagot.

Patuloy lang akong umaawit at tumutugtog habang iniisip ang aking isasagot.

Tumigil akong saglit tinitimbang ang aking sasabihin.

"Kuya, hindi ko inaasahang mag-uusap tayo ng tulad ng ganito ng kahit kailan. Alam mo? Kung nasa katayuan mo lang ako ngayon..." ang wika ko sa kanyang natigil.

"Alam mo, sa katayuan ko, parang sa'yo lang siguro." ang sabat niya.

"Pakinggan mo muna ako kuya. Kung ako masusunod, mabuti na rin siguro na namatay ang kapatid ko bago pa siya ipanganak. Kung titignan kong lahat ang dinaanan ko, maghihirap lang din siya tulad ko. Masakit noon, kailangan niya pagdaanan din ang lahat ng pinagdaanan ko sa buhay pati ang pagkamatay ni inay." hindi ko na napigilang lumuha habang patuloy ang aking paliwanag sa kanya.

Pinagmasdan niya ako na puno ng awa.

"Pero masaya siguro ang may kapatid, kahit paano, may kaagapay ako. May natitira rin ako sigurong kapamilya ngayon." ang dagdag ko pa sabay tanggal ng aking salamin upang punasan ang aking mga luha.

Pinisil niya ang aking pisngi at pumakawala ng isang matamis na ngiti. Inabot niya ang keyboards at siya naman ang tumugtog at umawit na pinagpatuloy ang aking naiwan.

Pilit kong pinipigilan ang sarili ngunit ang hapdi ng nag-iisa na lang sa buhay ay sadyang napakatindi. Ang mga katanungang; "Paano ang buhay ko kung may kapatid ako? Paano ang buhay namin ngayon? Paano kaya niya tatahakin ang buhay? Siya ba ang kahit papaano'y magdadala sa akin ng saya sa buhay kapalit ng pagkawala ni inay?"

"Hindi ko na alam, basta, malungkot at nag-iisa na ako ngayon. Ang kagandahan lang ay sarili ko na lang ang pinoproblema ko. Pero, paano kaya ang buhay kung nagkaroon ako ng kapatid? Masaya kaya? Hindi ko masasabi." ang sabi ko sa akin sarili habang lumuluhang pinapanood si Randy.

Natigil si Randy at napatingin sa akin.

"Tahan na, Jasper." malungkot niyang sinabi sa akin. Pilit na ngiti ang ibinalik ko sa kanya sabay suot ng aking salamin.

"Hindi na ba talaga tayo mag-aaral, kuya?" ang tanong ko. Iniliagay niya ang kanyang hintuturo sa kanyang noo at kunwari ay nag-isip.

"Ayaw ko na. Tulog na tayo bunso. Inaantok na si kuya." ang sabi niya sabay ngiti ng abot tenga.

"Sira ulo ka talaga. Sayang ang gabing ito."

"Matulog na tayo. Bukas, turuan kita magbasketball, ha?" ang sagot niya sabay tayo upang tunguin ang ibabaw ng kama at humiga ng pahilata.

Umiling na lang akong natatawa sa kanya at sumunod na tumabi sa kanya.

Tagilid akong nahiga sa kanyang tabi paharap sa kanya.

Pinagmasdan ko siya habang siya nama'y nakatingala sa kisame iniisip ang alok ng kanyang ina sa akin.

"Ano kaya ang buhay kung pumayag ako sa gusto nila? Paano kaya maging kapatid si Randy?" ang tanong ko sa sarili. Tinignan naman ako ni Randy na may pagtataka sa mukha.

"Ano iniisip ng utol ko?" ang tanong niya.

"Wala. Paano kaya kung may kapatid no?"

"Malay natin. Pareho tayong ala nun." ang sagot niya sabay tawa.

"Matulog na nga tayo. Maganda magbasketball sa umaga kasi walang araw at presko pa hangin." dagdag niya sabay humiga ng patagilid paharap sa akin.

Puna ko ang tangkad niya na lampas sa akin habang pinagmamasdan ko ang nakakulot niyang katawan.

"Tangkad mo talaga kuya." at tinawanan lang niya ang aking nasabi,

"Kamusta na kayo ni Rodel? Kamusta na siya?" ang tanong niya.

Napaisip akong saglit at naalala kong hindi ko pa pala siya nasasabihan ng aking kalagayan. Agad kong hinugot ang aking telepono at humiga ng pahilata.

"Okay naman siya pero hindi na kami madalas mag-usap nitong huli. Nakaka-miss na nga siya eh." sagot ko habang bumubuo ako ng mensahe para kay Rodel.

Marahang lumapit si Randy upang silipin ang aking binubuong text message.

"Wag mo basahin! Nahihiya ako! Isusumbong kita kay Alice." ang babala ko sa kanya kahit hindi ko siya nililingon dahil dama ko ang pag-galaw ng kanyang ulo.

Tumawa si Randy ng malakas at humiga muli ng pahilata.

"May girlfriend o may boyfriend na siguro yun doon. Ang tipo niya mapuputi di ba? Pinagpalit ka na noon." ang pabirong pananakot niya.

"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan. Iba timezone natin at sa kanila at since madaling araw na sa atin umaga na doon sa kanila. Sasagot yun ngayon tignan mo." ang depensa ko sabay padala ng aking text mesage kay Rodel.

"Eto oh! Binigyan pa niya ako ng singsing!" pagmamayabang ko matapos humarap kay Randy at itinaas ang aking kamay na suot ang bigay ni Rodel.

"Singsing lang iyan. Di naman kayo kasal." pang-aasar pa ni Randy na sinasabayan niya ng halakhak.

Sa sobrang pagkapikon ay tumagilid ako sa kama patalikod sa kanya.

Tinignan ko muli ang aking telepono at binalikan ang mga lmang mensahe sa akin ni Rodel. Isa-isa ko itong binasa habang inip na hinihintay ang kanyang sagot.

Isang saglit ang lumipas at nagulat akong tumugtog ang aking telepono. Tumatawag na si Rodel. Lubos na kaligayahan ang agad na umapaw sa aking dibdib nang makita ang pangalan niya sa screen. Higit pa sa isang text message ang aking nakuha.

Agad ko itong sinagot bakas ang kilig at malaking ngiti sa aking mukha. Si Randy ay inatikabo ng pangungulit at idinikit ang kanyang mukha sa akin upang marinig ang sasabihin ni Rodel sa likod ng teleponong nakadikit na sa aking tenga.

"Bee!! Miss na miss na kita!!" ang bungad ko sa kanya.

"Miss na rin kita!! Kamusta ang asawa ko?" ang agad niyang tanong sa akin. May ingay ng mga sasakyan sa kabilang linya marahil nasa kalsada siya.

"Nasa bahay ako nila Randy. Dito muna ako papalipas ng gabi. Dapat magrereview kami pero tinamaan ng katamaran itong barkada mo. Kamusta ka na diyan? Kumakain ka ba ng maayos?" ang kuwento ko sa kanya habang tinataboy si Randy lumayo sa akin.

"Ah ganun ba? Okay naman ako. Lagi kita iniisip. Magtatrabaho na ako sa isang restaurant bukas para suportahan ang sarili ko. Iba pala dito sa states kailangan marami ka trabaho para mabuhay ka. Ang laki ng tax nila dito kumapra sa atin." ang ibinahagi niya naman sa akin.

Si Randy ay tumayo at kinuha ang kanyang telepono. May kinausap niya marahil si Alice. Nilingon ko siya at nakitang nakaupo siya sa ibabaw ng kama at nakayukong kinakausap ang taong tumawag o tinawagan niya.

Humiga akong muli patalokod sa kanya at ngumiti. Sabik na marinig pa ang boses ng taong aking pinakamamahal.

"Bakit ka magtatrabaho? Ang yaman niyo magtatrabaho ka pa." ang tanong ko sa kanya.

"Gusto kasi ako turuan ng magulang ko mamuhay dito. Ewan ko ba sa mga iyon." ang sagot ni Rodel.

"Eh di mabuti. Sana umuwi ka na. Gusto na kitang mayakap muli." ang sagot ko ngunit isang katahimikan ang narinig ko mula sa kabilang linya.

"Gusto ko na rin umuwi. Kung nandito ka lang sana kasama ko kahit hindi na ako umuwi diyan okay na ako. Pagnakaipon at naayos ko sarili ko dito, isasama kita pangako yan mahal ko." ang sagot niya na pumuno sa akin ng pag-asa ngunit dahil dito'y lalo akong nasabik sa kanya.

"Bebenta na nga pala yung mga apartment namin at yung bahay namin diyan. Baka bumili na lang sila mommy ng bagong bahay sa village na ginagawa sa Daang Hari. Mas presko kasi doon kumpara mo naman sa kahit saan sa Las Pinas." ang sabi niya.

"Ay ganoon ba? Balita ko nga maganda yung village na bago doon. May mga nakita nga akong streamers ng bahay doon mukhang magara talaga." ang sang-ayon ko naman sa kanya.

"Bee, tawagan na lang ulit kita sa susunod ha? Miss na miss na kita. Alagaan mo sarili mo diyan ha? Pasabi na rin kay Randy na ayusin na niya buhay niya." ang paalam ni Rodel sa akin na tinapos niya ng pabirong habilin.

"Opo, mahal ko. Magpapakastrikto na ako sa kumag na ito para matuto" ang sagot ko kay Rodel sabay lingon sa dako ni Randy.

"Ingat ka diyan mahal ko ha? Mahal na mahal kita, huwag mong kakalimutan iyan." ang paalam ko sa kanya at natapos na ang aming tawag.

Isinilid ko na ang aking telepono sa bulsa at dahan-dahang lumapit sa likod ni Randy upang gumati ng pangungulit sa kanya ngunit pansin ko sa gilid ng kanyang mukha na seryoso siya.

"Okay, mom. Bye." narinig kong paalam niya sa kanyang kausap sabay hagis sa ibabaw ng kanyang computer table ng kanyang telepono.

Humarap siya sa akin at nakita niya akong nakangiti at atkong palapit na sana sa kanyang likuran.

"Ano binabalak mo ha?" ang sabi niya sabay ngiting may halong kakulitan sa kanyang mga titig.

"Wala!" sigaw ko sa kanyang naiinis dismayadong nahuli ako sa aking binabalak. Nagmadali akong bumalik sa aking pagkakahiga kaninang patagilid na nakatalikod sa kanya.

ramdam kong tumabi na rin siya sa akin ng dahan-dahan. Humiga siya ng pahilata at kinalabit ako ng kanyang kaliwang kamay.

Liningon ko siya upang makita ang seryoso niyang mukha.

"Anong meron?" tanong ko sabay ayos ng sarili upang humarap sa kanya.

"Darating yung kaibigan nila mommy bukas. Dito na daw tutuloy. Siya na daw muna gagamit ng master's bedroom. Dapat dun siya sa kwarto katapat nitong sa akin pero umayaw ako kasi room iyon ng kuya ko eh." ang sagot niya.

"May kapatid ka rin?! Pero namatay?!" ang gulat kong tanong sa kanya.

"Oo, tulad mo, namatayan din ako ng kapatid. Pero siya ang mas matanda sa akin." ang sagot niya ahabng ako nama'y nanalaki ang mga mata sa pagkagulat.

"P-paano siya namatay?" ang interesado kong malaman. Ihinarap ni Randy ang malungkot niyang mukha.

"Hindi ko alam. Maraming bagay sa buhay ko ang malabo sa akin. Dati lagi akong naguguluhan sa mga nangyayari sa akin pero noon pa iyon. Hindi ko alam, kasi maliit pa ako nung mamatay ang kuya ko." ang kuwento niya.

Pinalapit niya ako sa kanyang tabi at pinaaunan niya sa akin ang inilatag niyang kaliwang braso.

"Dito ka sa tabi ni kuya. Sad si kuya, bunso." ang malungkot niyang pakiusap sa akin.

Humiga ako ng mas malapit sa kanyang tabi at inunan ang kanyang braso tulad ng kanyang hiling. Inalis niya ang aking salamin at ipinatong ito sa gilid ng aking unan. Tumalikod ako sa kanya at ibinalot niya sa akin ang kanyang kanang braso.

"Tulog na tayo bunso."

"Good night, kuya."

"Good night, bunso."

Masarap pala ang may kapatid. Sa unang pagkakataon, may iisang bagay kaming pinagaluhan ni Randy; ang pangungulila sa pagmamahal ng isang kapatid. Sa lagay na iyon. Nakatulog na kami ng mahimbing at ako'y nagising na lang sa mabilis na pag-uga niya ng aming higaan.

"Tara na! Tara na! Gising na!" ang masignang pangungulit niya.

Ako nama'y nagulantang sa kanyang ginagawa at mabilis na nagkuskos ng muta mula sa aking mabibigat pa ring mga mata.

"S-salamin ko?" ang tanong ko agad sa kanya. Agad niya itong inabot sa akin na akin namang agad din sinuot.

"Tara na magbreakfast na tayo tapos punta na tayo sa court!"

"Ng ganito ang suot ko? Randy okay ka lang?" ang sagot ko nang mapansin kong hindi akma ang aking damit at wala akong rubber shoes na suot.

Napatingin si Randy sa nakaumbok kong harapan at inatake lalo ng matinding kapilyuhan. Tinapik-tapik niya ang aking alaga at tumawa ng malakas.

"Binata na utol ko! Tigasin na rin!" ang biro niya.

"Tarantado ka ah!" ang inis kong sinabi sabay taboy ng kanyang kamay bago nag-unat ng katawan.

"Tarantado pala ha? Oh heto! Tapik-tapikin mo rin! Galit pa yan!" ang tukso niya sa akin matapos tumayo at lumiyad paharap sa akin ang kanyang balakang.

Namula ang aking pisngi sa matinding hiya at mabilis na umakyat ang aking dugo tungo sa aking mukha habang gulat ang aking mga matang pinagmamasdan si Randy na shorts lang ang suot kita ang mga balahibong nagmumula sa kanyang puson paakyat sa kanyang pusod.

"Oh! Bakit natutulala ka? Dali! Gantihan mo na ko!" nang mapuna niyang napatitig lang ako.

"Lalambot na yan!" ang dagdag niya.

"Sira ulo!" ang sigaw ko sabay talikod sa kanya. Humalakhak si Randy na parang kontrabida sa mga pelikula.

Agad akong bumangon at bumama sa kabilang banda ng kama malayo kay Randy.

"Tara na tol! Breakfast na tayo! Nagugutom na si kuya!" ang imbita niya habang hinihimas ang kanyang tiyan at bumubungo ang kanyang kamay sa nakaturo paitaas niyang alaga.

"Shet! Baliw talaga itong taong ito." ang wika ko sa sarili habang pinagmamasdan siya na may inis na mga tingin. Mabilis na tumitibok ang aking dibdib sa di ko maipaliwanag na dahilan.

Nagmamadali akong naglakad palabas ng silid at siya'y sumunod naman.

"Huy! Hintayin mo ko!" ang paulit-ulit niyang sinabi sa akin habang ako'y hindi lumilingon sa kanya't nagmamadali pa rin sa paglalakad.

Matapos makababa ng hangdan mula sa corridor ng mga kuwarto sa itaas at agad akong lumiko di alam kung saan pupunta upang hindi mapahiya kay Randy.

"Ang utol ko talaga! Mali yan! Dito tayo! Huy!" ang tawag niya sa akin matapos akong makitang patungo ako sa studio.

Napatigil ako sa paglalakad nang mapunang tama siya.

Agad niyang hinila ang aking kaliwang kamay tungo sa tamang daan papuntang kainan habang tumatawa ng malakas. Ilan sa mga katulong nila ang aming nakasalubong at masaya nila kaming binati ng 'Magandang Umaga'.

Nang makarating kami sa mahaba nilang hapagkainan ay umupo kami sa isang dulo kung saan nakahanda na ang aming almusal. Naroon din naghihintay ang katulong nila na naghatid ng keyboards kagabi ngunit nakayuko itong pilit itinatago ang mukha mula sa amin.

"Sir, tumawag po dito yung kaibigan ni ma'am. Pasusundo daw po siya sa airport. Mga dalawang oras na lang daw po darating na siya sa terminal three." ang sabi ng katulong na hawig ni Eugene na hindi magawang humarap ng matuwid. Pansin kong sa akin niya itinatago ang kanyang mukha na aking nasilip sa likod ng mga nakalugay niyang buhok na abot balikat lamang.

Namamaga ang kaliwang bahagi ng kanyang mata na tila isang matigas na bagay ang tumama dito. Agad akong tumingin kay Randy na kanina pa din timitingin habang naglalagay ng juice namin sa baso ngunit parang wala lang kay Randy ang lagay ng kanilang empleyado.

"Sige, aalis na ako pagkatapos kumain. Pakisabi na lang sa mister mo na ihanda yung kotse." ang utos ni Randy sa kanya bago siya umalis.

Nang makasigurado akong wala na ang katulong sa paligid ay agad kong kinalabit si Randy.

"Nakita mo yung mukha ng maid niyo? Hindi ka ba nababahala sa itsura niya? Namamaga kaya yung isang mata niya."

"Wala yun. Baka nag-away lang sila nung mister niya. Dito na sa amin nakatira yung mag-asawa pero wala silang anak kasi baog yata yung lalake. Maliit pa ako dito na sila sa amin nagtatrabaho at napalapit na sila kay mommy at daddy kaya't parang bahay na rin nila ito." ang sagot niya sa akin sabay tusok ng isang hotdog sa platito at akmang susubuan ako.

"Kaya ko na yan. Huwag ka masyado malambing. Hindi bagay. Nakakasuka." ang pabiro kong sinabi sa kanya sabay abot ng tinidor niyang hawak na may nakatusok na pagkain.

Hindi mawaglit sa akin ang lagay ng katulong nila habang kumakain. Madaling natapos si Rodel dahil may susunduin siya sa airport. Nagsabi akong uuwi na sa amin ngunit pinigilan niya ako at sinabing hintayin siya sa kanyang pagbalik.

Naiwan ako sa hapag na ninanamnam ang mga pagkaing ngayon ko lang natikman. Sa ilang saglit matapos umalis si Randy ay dumating ang katulong na may pasa sa mukha at tumayo siya sa gilid.

"Ate, huwag mo na po ako bantayan. Okay lang po ako dito. Ako na lang din ang magliligpit." ang pakiusap ko sa kanya.

"Sir, hindi po pwede, sir. Kailangan po namin kayo asikasuhin bilang bisita ni sir Simon. Ako na rin po ang magliligpit niyan." ang nahihiya niyang sinabi sa akin habang ako'y numanamnam pa ng hotdog sa tinidor. Sadyang marami ang niluto nila kahit dalawa lang kaming kakain. Nanghihinayang ako sa dami ng pagkaing matitira.

"Ate, ano ba? Kung magalit siya ako bahala sa inyo. Anak mahirap po ako at di ako sanay sa ganito lalo na ang pinagsisilbihan. Magalit si Ran..." ang sagot kong naputol matapos mapansin ang tawag niya kay Randy.

"Sir Simon?" ang tanong ko sa kanyang iniba ang usapan. Tumingin ako sa kanya na puno ng katanungan ang aking mukha.

"Opo. Sir Simon po? Ano po yun, sir?" ang tanong niya sa akin.

"Sir... Simon?" tanong ko pa rin muli sa kanya dahil ako'y naguguluhan na.

"Ah... wala. Salamat na lang ate. Sige tatawagin na lang po kita kung tapos na ako kumain. Baka matagalan pa ako dito kasi ngayon lang ako nakatikim ng mga ganito at ang dami nanghihinayang akong magtira." ang sabi ko sa kanya habang tinuturo ang Spam, omelet na may rosemary, german franks na kanina'y inakala kong jumbo hotdog na may flavor, orange marmalade, at isang loaf ng wheat bread.

Napangiti ang katulong sa aking pagkaignorante. Binalikan ko rin siya ng isang matamis na ngiti sabay kaway upang imbitahan siyang saluhan ako sa pagkain.

"Tulungan mo ko dito baka pumutok na tiyan ko. Kumain ka na po?" ang yaya ko sa kanya.

"Nagkape na po ako sir. Mamaya na lang po kami kakain dun sa quarter mamaya. Salamat na lang po baka magalit si sir Simon." ang nahihiya niyang pagtanggi at nagpaalam nang umalis.

Ilang saglit pa ang lumipas habang ako'y nanatiling lumalamon ng mga ngayon ko lang natikman na pagkain.

"Jasper, tara na! Basketball tayo!" muntik akong mabulunan habang sumusubo ng tinapay sa gulat ng marinig ko ang tawag ni Randy.

"Akala ko aalis ka?"

"Si manong na pinasundo ko. Hindi naman importanteng tao yung dadating." ang naiinis niyang sagot sa akin.

"Kaibigan ng magulang mo hindi importante?" ang tanong ko sa kanya sabay inom ng isang basong juice.

"Tama na sat-sat! Tara basketball na tayo!" ang pagmamadali niya sa akin.

"Magbabasketball ba ako sa itsura kong ito?" tanong ko sa kanya sabay tayo sa aking upuan upang ipakita ang aking itsura.

"Manood ka na nga lang sa akin. Dali!"

Nagmamadali kaming tumungo sa likod ng kanilang bahay. Napakaganda ng lugar na iyon, may garden sa bandang kanan na sulok. Ito'y maliit na puno ng rosas at orchid na puti habang sa kabilang banda ay may mesa na parisukat ang kanto kung saan may nakasilid na upuang puti sa bawat sulok nito. Sa bukana ng musmong pintuan sa likod ng bahay nila Randy ay may nakatayong ring lang ng basketball na nakatirik sa kunkretong sahig na abot sa kalahati ng buong bakuran nila.

Kinuha ni Randy ang bola na nasa gilid lang ng pinto at nagsimulang magdribble ng mabagal. Humarap siya sa akin at pinanood ako habang ako nama'y kinikilatis ang ganda ng likod bahay nila.

"Panoorin mo ko." ang tawag ni Randy sa aking pansin at nagpakitang gilas sa akin sa kanyang mga galaw at pagshoot ng bola sa ring.

Pinanood ko siyang naglalaro ngunit hindi ako nabilib sa kanyang ginagawa dahil hindi ko hilig ang kanyang ginagawa. Wala siyang kalaban kaya't hindi rin ako natutuwang panoorin siya.

Ilang saglit ang lumipas at tagaktak na ang pawis ni Randy. Wala siyang suot na pang-itaas kaya't nangingintab ang namumula na niyang balat. Hubog na hubog ang kurbado ng kanyang mga lamang galit at dito napako na ang aking paningin. Nakakaakit at nakapagdadala ng init ang katawan ni Randy.

"Hoy! Ano pinanonood mo diyan? Yung bola ang tignan mo!"

Nahuli pala ako ni Randy na nakatingin sa iba.

"Hindi ka ba magpupunas muna? Pawis ka na, oh." palusot ko. Napaisip siya saglit at tumawag ng katulong upang utusan na magdala ng towel at inumin. Agad naman itong nakabalik bitbit ang mga pinakuha ni Randy. Nang makaalis ang katulong.

"Jasper, halika dito. Punasan mo ng pawis si kuya." ang utos niya sabay abot ng tuwalya sa akin.

Mula sa gilid ng imaginary half court ni Randy ay nagmadali akong tinungo siya at kinuha ang towel. Tumalikod siya sa akin at pinapunasan ito.

"Maganda ba katawan ni kuya?" tanong ni Randy matapos uminom ng tubig na nasa jug habang nakatalikod sa akin.

"Payatot." sagot ko sa kanya at natawa ng pigil.

"Ah ganun ba?" ang sagot niya sabay harap sa akin.

"Punasan mo nga dibdib ko pababa dito." ang utos niya habang nakaturo sa kanyang alaga.

"Bakit hanggang diyan? Kadiri ka." ang sagot ko at pinunasan na ang leeg niya.

Biglang bumukas ang pintuan paloob ng bahay nila Randy at kami'y napalingon. Isang lalaking matangkad at mukhang may dugong amerikano ang lumabas mula rito at natigil na pinagmamasdan kaming dalawa. Nag-uumapaw sa kaguwapuhan ang binatang tila nasa late twenties lang ang edad at sa suot niyang puting t-shirt at maong na hapit batid kong maganda ang hubog ng kanyang katawan. Malapad ang kanyang balikat, mukhang madalas itong magbuhat ng mabibigat.

"Simon? You look great! Look how much you have grown now! You were just a kid the last time I saw you!" ang masaya niyang sinabi kay Randy sabay abot ng kanyang mga kamay tila nanghihingi ng yakap. Nanatili akong pinagmamasdan ang magandang mukha ng lalake. Saksakan ng tangos ng ilong. Mahahaba ang pilik mata ng mapupungay niyang mga mata. Parang may kolorete lamang sa pagkapula ang pouted niyang labi.

Sa di ko maipaliwanag na dahilan, kinutuban akong hindi tunay na lalake ang aking pinagmamasdan sa mga oras na iyon.

Bab berikutnya