"Nakakahiya naman sa kanya. Kanina lang kami nagkakilala niyayaya na niya akong ihatid." ang sabi ko sa sarili.
"Ano? Sakay na!" ang masaya niyang pangungulit.
"May isa akong kundisyon. May isang tanong akong kailangan mong sagutin pag sumakay ako sa sasakyan mo. Kung di mo ako sasagutin, bababa ako ng sasakyan." ang pilyo kong sagot sa kanya habang ako'y papalapit sa kanyang bintana.
Hindi kaagad siya nakasagot at isang sandali bago siya tumago. Halatang nag-aalinlangan siya.
Nginitian ko siya sabay takbong umikot sa harapan ng koste upang sumakay sa bukas na pinto sa kabilang banda lang ni Andrew.
Nang makaupo ako ay abot tengang ngiti ang ibinungad ko sa kanya habang inaayos ang aking salamin sa matang nauga kanina habang ako'y nagmamadali.
"Ano naman yung tanong mo?" ang naiintriga niyang tanong.
"Ummm... bakit Randy ang pangalan mo sa lahat pero sa akin gusto mo Andrew and itawag ko sa iyo?" ang tanong ko habang balot ng pagkaseryoso ang aking mukha at pananalita. Napatitig siya sa manibela
"Mukhang mapagkakatiwalaan naman kita ngunit may hiling ako mula sa iyo na sana ay sa ating dalawa lang itong sasabihin ko sa iyo." ang seryoso na rin niyang pakiusap sa akin.
"Ganon?!! Lihim?? Pagkakatiwalaan kaagad niya ako??" ang nasabi ko sa aking sarili sa gulat na hindi akalaing may malalim na dahilan ito.
"Ah... sige... huwag na lang... hindi ko kasi alam na may mabigat na dahilan pala iyan... hindi ko naman inakala... ayaw kong magbitbit ng lihim na hindi akin... isa pa... may lihim din akong sarili at mga problemang dapat unahin..." nakonsensiya ako. Hindi ko alam kung bakit ngunit parang umurong ang aking kagustuhan malaman ang katotohanan. Nakita ko ang aking sarili sa kanya at alam ko ang parkiramdam ng may itinatago sa karamihan.
Isa pa, ang pagsabi ng lihim ay parang simbulo na pinapapasok mo ng isang tao sa buhay mo. Kasama nito ang matinding responsibilidad.
Isang matamis na ngiti naman ang ibinalik niya sa akin.
"Saka mo na lang sa akin sabihin ang lihim mo kung sigurado kang dapat mong sabihin sa akin at maluwag sa loob mo. Hindi kita pipilitin dahil kahit ako ay ayaw kong napipilitan na magsabi." ang nakangiti kong sagot sa kanya.
"Tingin ko tol... magkakasundo tayo... " ang sagot naman niya sa akin.
"Sige na maglalakad na lang ako. Salamat na lang sa alok mo, Randy." ang paalam ko sabay bukas muli ng pintuan.
"Hatid na kita. Daya mo naman eh. Nakipagkasunduan naman ako eh ikaw lang ang umayaw." ang sabi niya.
"Salamat pero... Saka na lang Randy... may dadaanan pa kasi ako... baka hinihintay ka na rin ni Alice sa kanila. Magtatampo yun." ang sagot ko sa kanya habang nakangiti.
Hindi na siya nakasagot at hinayaan na lang ako.
Nang makarating ako sa kanto namin sa Putatan ay mararaanan ko ang beauty parlor ni Maria. Tulad ng dati, dahil kita ang loob nito mula sa labas sa malalaki nitong mga bintana, ay maraming tambay ditong bakla at parokyano dahil maaga pa ang gabi.
"Jasper!! Halika dito!! Usap muna tayo!!" ang kiri ng isang barkada ni Mariah na nakatambay roon. Hindi na ako makahindi dahil napuna na rin ako ni Mariah na dumaan habang nilalagyan niya ng kolorete ang isa niyang customer.
Pumasok ako sa loob at punang nagtinginan ang lahat sa akin. Halata ang kilig sa ilan na wala lang naman sa akin habang iba naman ay halaang nakikiusyoso lang.
Itinigil ni Mariah ang kanyang ginagawa at lumapit sa akin upang hilahin ako sa kanto ng parlor kung saan doon ay ako'y kanyang kinausap ng mahina.
"May ituturo ako sa iyo. Makakatulong iyon na kalimutan mo na ang boyfriend mo. May ipapakilala rin ako sa iyo." ang masiglya niyang ibinulong sa akin na may samang kilig.
"May gagawin muna ako sa bahay. Maglalaba muna ako balik na lang ako dito." ang sabi ko sa kanya.
"Balik ka ha?" ang sabi niyang para naman may halong dismaya.
"Oo babalik ako. Dalawa lang pares ng uniporme ko wala akong susuutin sa isang araw pag hindi ko ito nilabhan ngayon." ang sabi ko naman.
Nagmadali na akong tumungo ng bahay na hindi pinupuna ang mga humihirit sa akin habang ako ay palabas ng parlor.
Nang makarating ako ng bahay ay inabutan ko ang aking ina na naghahanda na ng hapunan sa aming hapag.
"Tamang tama Jasper, magsandok ka na ng kanin at kakain na tayo." ang bati sa akin ng aking ina habang nakangiti. Halatang napagod siya sa kanyang ginawa buong araw kahit puno ng saya ang kanyang mukha.
Agad kong ibinaba ang aking dala at sumandok nng kanin upang tulungan ang akin ina para rin makakain na.
Habang kumakain ay tahimik si inang nakikinig sa akin kwento sa mga nangyari sa akin buong araw sa paaralan tulad ng lagi naming ginagawa. Siyempre, marami pa rin akong hindi sinasabi sa kanya.
Nang matapos ay agad kong iniligpit ang aming kinainan upang makapagaba agad.
"Jasper!!!!" ang sigaw ng isang tambay na bakla sa labas nang makita akong patungo sa parlor na siyang umagaw ng atensyon ng mga nasa paligid niya.
"Hay buhay..." ang nasabi ko na lang sa aking sarili habang patuloy ang aking paglalakad. Hapung-hapo ako dahil sa pagmamadaling tinapos ko ang aking mga gawain.
Puna kong wala nang customer si Mariah at nakatayo lang sa loob ng kanyang parlor habang lumalaki ang mata niyang kinakausap ang ibang tambay na nasa loob. May ibang lalaki na akong napuna na naroon ngayon.
"Ang tagal mo! Magsasarado na ako ng parlor ko dumating na rin ang mga booking ko na nakain ko na rin sila. Tara na, alis na tayo punta tayo doon sa computer shop." ang pabati ni Mariah habang kinukuha ang kanyang mga gamit na nakaligpit na nang makapasok ako ng pinto.
"H-ha?... wala akong pera para umarkila ng computer." ang sagot ko naman sa kanya.
"Basta... sumama ka na lang sa akin... mag-eenjoy ka don. Ako na ang bahala." ang pagpapalagay naman niya sa akin.
Humirit lang ang mga bading nang marining ang sinabi ni Mariah at ang iba nama'y nakikiusap na gusto nilang sumama.
"Weh di sumama kayo! Hindi ko kayo ililibre si Jasper lang pati ang mga boys!" ang sagot ni Mariah sa kanila habang nakataas ang kanyang kilay.
Sabay kaming lahat nagsilabasan ng parlor at tumungo sa shop sa kabilang kanto lang mula sa kanyang parlor. Maingay na nagusap ang mga sumunod sa amin habang ang iba namang kasama naming bading ay nilalandi ang sumama sa aming mga lalaki.
Sa loob ng computer shop na masikip at pahaba ang looban kung saan lahat ng pinarerentahan ay nakahilerang nakadikit sa mga pader nito. Kakaunti lang ang mga gumagamit kaya't karamihan sa amin ay nakapwesto at kami naman ni Mariah ay ginamit ang magkatabing unit sa dulo malapit sa pinaka server ng mga computers kung saan wala ang nagbabantay ng shop.
"Abet ko!!! Dito na ako!! Dito na ako!!! Nasaan ka na mahal ko!!!" ang sigaw ni Mariah habang ginagalaw-galaw ang mouse ng computer na gagamitin niya dahil hindi pa activated ang computers namin para magamit. Halata ang pagkainip sa mukha ni Mariah habang tumitingin sa paligid ng buong shop.
"May e-mail account ka na ba sa Yahoo?" ang bigla niyang tanong sa akin habang itinataas at ibinabagsak ng paulit-ulit ang hawak niyang mouse.
"Ah... meron pero hindi ko na kasi nabubuksan iyon." ang sabi ko sa kanya.
"Alam mo ang password mo?" ang tanong agad niya.
"Yata... basta princeofhearts yung user name ko doon." ang sagot kong di ko rin sigurado sa lingid ng aking kaalaman.
"Yata? Gumawa ka na lang ng bago kung hindi mo na maalala." ang sabi niya.
"Hindi alam ko na! Naalala ko na! Paano ko gagamitin ang e-mail sa chat?" ang tanong ko agad sa kanya.
"Mamaya turuan kita pag bukas ng computer." ang sagot naman niya sabay narinig naming bumukas ang pintuan ng banyo at lumabas doon si Abet na bantay ng computer shop.
Si Abet ay malaki ang katawan at mukhang macho dancer ang kanyang hubog marahil dahil sa nagbubuhat ito ngunit may tiyan siya dahil sa palagi ito marahil nakaupong nagbabantay ng computer shop niya. Malaki ang mga braso nito at kahit may taba hanggang kamay at halata ang mga ugat nitong kaunti na maumbok na nakaguhit sa kanyang braso at kamay. Kutis niya ay lalaking lalake.
"Abet ko!!!" ang masiglang sigaw ni Mariah nang makita niya ito na nakaagaw naman ng pansin ng lahat sa loob na nagulat sa lakas ng kanyang boses.
"Abet ko? Ano ito? Straight tripper o parasite sa mga homo?" ang natanong ko sa aking sarili. Bigla akong tinamaan ng huli kong sinabi at natawa ako.
Lumapit si Abet sa kanya habang si Mariah ay nakaupong humarap sa kanya at nakaabot ang kanyang mga bisig pasalubong na humihingi ng yakap kay Abet.
Nagmamadali naman si Abet na tinungo si Mariah at niyakap ito ng mahigpit. Napatingin lang ako sa kanilang dalawa. Dahil sa nakatalikod sa akin si Mariah ay kitang kita ko ang ga nakayakap na braso ni Abet ay basang-basa pa at ipinapahid ito sa likod ni Mariah na tila tuwalya lang ang damit nito.
"Ay gago! Ano kaya ginawa ng mga kamay na yan sa loob ng kubeta? Kadiri naman! Ang baboy naman nito." ang nasabi ko sa aking sarili habang si patuloy si Abet na pinupunas na rin pati ang kamay nito habang nakayakap kay Mariah na walang kaalam-alam.
Nang magkalas ang dalawa ay halik lang sa noo ang binigay nito kay Mariah na halos di pa dumikit. Napailing lang ako sa aking nakita.
"Jasper, boyfriend ko na si Abet! Niligawan niya ako kagabi. Matagal na daw niya akong gusto kaya lang nahihiya daw siya." ang ibinunyag sa akin ni Mariah habang si Abet ay napakaplastik ang mga ngiti sa mga sinasabi nito.
Isang pilit na ngiti lang ang isinagot ko kay Mariah.
"Kung alam mo lang Mariah... hay... hindi na kita pipigilan pero mamaya pagsasabihan kita sa pagkakataong ito." ang sabi ko sa aking sarili na parang kasing edad ko lang si Mariah.
"Mimi... log to sawa ba?" ang tanong ni Abet sa kanya.
"Mimi? Fan ka ni Mariah Carey? Urrppp.." ang sabi ko sa aking sarili. Halos maduwal ako sa aking narinig na tawag ni Abet kay Mariah.
"Oo pero sa aming dalawa lang ni Jasper at saka yung mga bagets na nasa likod ko. Hindi ako magbabayad ng renta ng mga baklang iyan." ang sagot ni Mariah sa kanya habang tinuturo ang kanyang mga tinutukoy.
Nang maunlock na ang computer ay tinuruan muna ako ni Mariah gumamit ng Yahoo Messenger at kung saan akong chatroom pupunta. Bukod doon ay tinuruan na rin niya akong gumamit ng mIRC. Gumawa rin kami ng account sa facebook upang malagyan ng aking litrato pati na rin ang aking profile sa Yahoo account ko. Litrato na ngayon lang namin kinuha mula sa webcam ang aming inilagay.
Habang naghihintay ako ng makakausap ay pinapanood ko siyang makipagchat. Ang dami masyado niyang nakabukas na windows, halos mahilo na ako sa dami at papalit-palit niya ng mga ito upang makipag-usap. Hindi ako makapaniwalang magaling magnavigate ng computer itong si Mariah dahil wala sa itsura niya.
Ang dami niyang kausap. May mga pinapanood pa siyang mga foreigner na lalake na nagjajakol sa harap ng camera at mukhang live pa ito. Namangha lang ako ng lubusan sa aking mga nakikita hangang sa bigla na lang akong nakarinig ng tunog mula sa aking computer.
May nagmensahe na sa akin sa wakas:
truegwapito: hi! nasl?
princeofhearts: hi!
princeofhearts: jasper, 17, m, alabang. ikaw?
truegwapito: i'm gary 23 m las pinas
truegwapito: i like you. you're cute
princeofhearts: thanks!
Tinignan ko ang kanyang litrato sa kanyang profile at nakitang gwapo si Gary. Kakaibang kilig ang bumalot sa aking buong katawan sa unang pagkakataong may nakausap ako sa YM ay nagustuhan ako at higit sa lahat ay di hamak na may itsura si Gary sa mga aking nakilala.
Hawigin niya si Vince Canizares, mahaba ang bagsak niyang buhok na abot sa kanyang balikat na bumabalot sa pahaba niyang mukha. Matangos ang kanyang ilong na medyo bilugan ang dulo na pinagigitnaan naman ng kanyang mapupungay na mata. Maganda ang tabas ng kanyang malalagong kilay.
princeofhearts: gwapo mo.nahiya naman ako sa iyo
truegwapito: then let's meet up sa festival mall bukas? a friendly date perhaps?
princeofhearts: sure. kailan po?
truegwapito: are you free this weekend? saturday? 6pm? nood tayo movie? my treat
princeofhearts: yey! san tayo meet?
truegwapito: sa x-site tayo magkita.can i get your number?
princeofhearts: pasensya gary nasira cp ko. hintayin na lang kita doon sa mismong token booth sa gilid ng bump cars.
truegwapito: sayang pero sige meet kita there ng 6pm sharp.
princeofhearts: sige po
princeofhearts: so, musta ka naman?
truegwapito: am ok.sorry have to go.bye! meet u there na lang.mwah!
"Ang bilis naman, hindi ko man lang nakausap saglit. Ganito ba talaga dito? Mukhang madali kong magagawang kalimutan si Rodel." ang nasabi ko sa aking sarili sa sobrang pagkasabik.
Agad kong nilingon ang abalang si Mariah sa aking tabi bakas ang abot tenga kong ngiti.
"Mariah!!! May kadate na ako sa sabado!!" ang masigla kong ibinahagi sa kanya.
Napalingon naman siya sa pagkabigla. Isang matamis na ngiti lamang ang ibinalik niya na naglabas ng kanyang mga ipin na nalagyan na ng kanynag lipstick. Isang haplos lang sa aking noo ang kanyang ginawa sa tuwa at bumalik muli ang kanyang atensyon sa kanyang ginagawa.
Ako nama'y ganon na rin. Nilikot ko ang listahan ng mga tao sa chatroom at sinubukang humanap ng makakausap ngunit karamihan sa kanila at saglitan ko lang nakausap. Hindi na nila ako sinasagot tuwing malalaman nila ang edad ko at ang iba naman ay kung nalalaman na ang sexuality ko is "Gay".
Hindi ko maintindihan kung bakit nila ako iniiwasan sa tuwing sinasabi ko na ako'y gay. Karamihan pa sa kanila ang dinedeklara ay bisexual daw sila ngunit sa nakikita kong litrato nila ay may tila sing dami na ng kolorete sa mukha na tulad ng kay Mariah. Ang iba naman ay kung makapanamit akala mo ay babae o di naman kaya ay kahit pang straight pa ang kanilang porma ay halata mo na sa tabas pa lang ng mukha o kilay na parlorista sila.
Napapailing na lang ako sa mga nalalaman ko sa aking natagpuang bagong mundo. Lubhang hindi alam ng karamihan ang tunay na ibigsabihin ng salitang bisexual at gay.
Madaling araw na kami inabot at bago ko isarado ang aking computer sa sobrang pagkabagot ay biglang may nagmensahe sa akin.
JkyL: Hi! ASL pls
princeofhearts: 17, m, alabang... and i'm gay. how about you?
Ayun agad ang binanat kong sagot sa kanya. Hindi na ako umaasang sasagot siya dahil sa sinama kong detalye tungkol sa akin. Sabagay, wala na rin naman na dahilan para hindi at isa pa ayoko na makipagchat.
Ang hindi ko inaasahang sagot niya na gumising sa aking halos antukin nang diwa.
JkyL: 19, M, Alabang. Nice! I'm gay too! So... How are you doing today?
princeofhearts: broken hearted but I'm trying to move on. ikaw?
JkyL: Single since birth. Wala lang. I'm hoping to meet new friends here.
princeofhearts: good for you! makikilala mo rin siya balang araw. dude, inaantok na ako. i need to sleep. Can we keep in touch? para matuloy natin ang ating usapan? Ano nga pala name mo?
JkyL: Sure, let's. Call me Lawrence. Nadagdag na kita sa list of contacts ko. You're name is?
princeofhearts: i'm jasper. nice to meet you lawrence! pasensiya na talaga ha? bye!
Ang sagot ko sa kanya sabay logout sa aking gamit na PC. Nauna na ako sa kanilang lahat umuwi. Pagod man ako ngunit kahit paano ay nakakita ako ng pag-asa kay Gary.
Lumipas ang mga araw. Tulad ng nakalipas, puro pagiyak at sakit ng damdamin ang aking nararamdaman sa tuwing nakikita ko si Rodel sa aming campus.
Si Randy naman sa isang banda ay madalas akong hinihilang manood sa kanilang laban at hindi ko naman siya maiwasan o mahindian sa kadahilanang mismong si Alice ang nakiusap na samahan ko ko muna si Randy sa kanyang paglalaro.
Dahil dito, naging malapit kaming magkaibigan ngunit hindi talaga maalis sa aking isipan ang paminsanan niyang kakaibang kinikilos at pakikipag-usap. Tila marami pa rin ang kababalaghan sa kanynag katauhan ngunit iisa lang ang masasabi ko sa likod ng lahat ng ito. Mahal niyang lubos si Alice tulad ng pagmamahal nito sa kanya.
Tuwing gabi naman ay sumasama na ako kay Mariah sa computer shop at nakarami rin ng mga kakilala sa YM.
Dumating ang takdang araw na pagkikita namin ni Gary sa takdang araw, oras, at lugar na aming napagkasunduan ngunit halos alas otso na siya dumating.
Sa di kalayuan ay kitang kita ko na papalapit sa akin si Gary. Mas matipuno at magandang lalaki siya sa personal. Halatang bihis na bihis din ito at talagang pinaghandaan ang aming pagtatagpo. Ako naman sa isang banda, ay simpleng pambahay lamang ang pananamit.
"Ah... ikaw ba si Jasper?" ang parang nagdadalawang isip niyang itinanong sa akin. Tila wala siyang interes na nagkita na kami ngayon.
"Oo, Gary... ako s Jasper..." ang nahihiya ko namang sagot sa kanya habang nakayuko.
"Thank you Jasper ha? Sorry may iba pa kasi akong lalakari ngayon hindi ko akalain nang makita ko ang mg entries sa planer ko." ang palusot niyang sinabi sa akin at nagmamadaling umalis,
Sa di kalayuan ay may tinawagan siya sa kanynag telepono. Narinig ko ang kanyang pakikipag-usap sa kabilang linya. dahil sa malakas ang boses niya.
"Hi! I'm on my way po... I just looked around. I love you!" ang mga huling katagang naabot ko.
Nadismaya ako ng lubos sa aking mga narinig. Nanlalambot ako dahil sa umasa ako. Dahil dito ay hindi ko napigilang mangulila kay Rodel.
"Mayroon pang iba diyan, Jasper" ang sabi ko sa aking sarili at nagpauloy lang sa pakikipagkilala at kaibigan sa chatroom.