webnovel

Legends of God's Children

Penulis: Deredskert
Seni bela diri
Sedang berlangsung · 23.3K Dilihat
  • 9 Bab
    Konten
  • peringkat
  • N/A
    DUKUNG
Ringkasan

In the year 2100 set foot in the world of mortals, only biblical creatures can be seen, and it is none other than devils or better known as “demons”. Over the years they came and began to take over the world, but one day an angel came down from heaven, and told about the new generation, the exterminators of the devils. And they are called The God’s Children.

tagar
7 tagar
Chapter 1Chapter I

Chapter I. The God's Children's

SA isang malaking siyudad na kilala sa isang bansa na bahagi ng Asia ay makikita ang isang grupo ng mga Diyablo na binabagtas ang isang lugar sa maynila.

Nagpapakawala ang mga diyablo ng itim na enerhiya at walang alinlangang inasinta ang isang mataas na gusali.

Nang masaksihan ito ng mga tao sa paligid ay mabilis na nagtakbuhan ang mga ito papalayo.

"Nasaan na ang mga mandirigma ng diyos bakit wala pa sila!" Sigaw ng isang lalake na tumatakbo kasama ang kaniyang ina.

"Malapit na daw silang dumating!" Sigaw naman ng isang babae habang nakatingin sa isang kaniyang telepono.

"Arrrrrgggghhhhh! Gwaaaarrrr!" Atungal ng isang demonyo at walang awang Sinunggaban ang isang lalake.

Ang lalake naman ay tila nawalan ng pag-asa ng mapansin na siya ang puntirya ng diyablo. Gusto niyang tumakbo pero hindi niya magawang ihakbang ang kaniyang mga paa.

"Whaaaa Tulong!!" Sigaw ng lalake at napatingin sa Diyablo na pasugod sa kaniya. Umiiyak na siya dahil tiyak ang kaniyang kamatayan.

"Swiiissshhhh! Bang!!!!" Isang malakas na pag tama ng nagliliyab na kamao ang tumama sa mukha ng diyablo. Nagulat ang lalake sa biglang pag dating ng isang dalaga.

Ang dalagang itong ay mayroong pulang buhok at pulang mga mata at kapansin pansin ang mga nagliliyab nitong mga kamao.

"Isang God's Children!!!" Sigaw ng diyablong nakita ang pag dating ng dalaga.

"Sugurin siya!" Sigaw ng mga diyablo. Nang mapansin ng dalaga ang hudyat ng pag sugod ng mga diyablo ng siya'y mag salita.

"Lumabas na kayo!" sigaw naman ng dalaga at may mga binatilyo ang agad na bumaba mula sa mga gusali.

"Leader kahit kailan hindi ka makapag hintay lumaban!" sabi nang dalawang binata.

"Hindi niyo ako masisisi gusto kong tapusin ang trabaho ko ngayon kaya tapusin natin sila" Sabi ng dalaga at pinagliyab ang kaniyang mga kamao.

"Flame of Divine Dragon Souring Fist of fury!" Sigaw ng dalaga at walang takot na sumugod sa mga diyablo.

Nakaramdam ng pananabik ang dalaga nang mapansin niya ang kabobohan ng mga halimaw.

Mabilis siyang umatake at pinag susuntok ang mga demonyo. Nang makita naman ito ng dalawang binata ay napaisip nalang sila.

"Kakaiba talaga si leader!" Sabi nila at ibinaling ang atensyon sa dalawang diyablo na pasugod din sa kanila.

"Mga walang kwentang nilalang!" Sabi ng binatilyo at may Asul na enerhiya ang lumabas sa kaniyang katawan. Lumipas ang ilang sigundo ay bumagsak ang katawan ng diyablong umatake sa kaniya.

Butas na ang katawan nito dahil sa sibat na tumama sa tiyan ng diyablo. Ang Sibat na ito ay gawa sa Tubig. Mababakas ang ngiti sa mukha ng binata.

"Isa kang hangal na sugurin ang isang gaya ko!" Sabi ng binata habang pinag masdan ang paglalaho ng katawan ng diyablo.

Ganito ang nangyayari sa katawan ng diyablo kapag sila ay namamatay ay magiging abo ito at hindi na mabubuo pang muli. Ang isa pang binatilyo ay walang pakundangang pinapatay ang nakakalapit sa kaniya na diyablo.

Ang kakayahan niyang makontrol ang hangin ay isang kahanga hangang kakayahan. Ang dalawang binata at ang dalagang dumating ay tinatawag na GOD'S CHILDREN Dahil sa kakayahan nila na bigay ng langit at may basbas ito ng diyos.

Ang mga God's Children's ay nagagawang gumamit ng kapangyarihan ng Elemento na mag sisimulang sumibol sa kanilang ika sampung kaarawan. Ang mga kagaya nila ay ipinapasok sa isang eskwelahan para maging isang ganap na tagapag ligtas.

Ang mga God's Children's ay may kaakibat na Tamang elemento para sa kanilang Aura.

Ang Aura ay ang mismong enerhiya para magamit ang kapangyarihan ng kanilang elemento. At sa uri ng mga elemento ay may ibat ibang mythical beast at god's ang nakapaloob rito. Kagaya ng Divine Dragon na may elemento ng apoy na taglay ng dalaga na kanilang kasama.

Ang kakayahang ito ay natural sa isang God's Children. Ang isang God's Children ay mayroong sinusunod na mga level. Ang mga level na ito ang mag babase kung ano ang kanilang ranggo. Ang pinaka mataas na ranggo ay Z rank at ang pinaka mababang ranggo ay F rank.

At ang tatlong nakikipaglaban sa na God's Children ay may ranggong B at A. Ang may ranggong A ay walang iba kundi ang Dalaga na hanggang ngayon ay nakikipag laban sa mga diyablo. At ang dalawang may ranggong B ay ang dalawang binatilyo.

Balewala lang sa kanila ang pumatay ng diyablo. Inuunan nila na sumaklolo sa mga tao sa bawat gusali. Hindi sila nag aalala para sa kanilang Leader alam nila ang kakayahan ng dalaga kaya wala silang dapat ipag alala.

Ang binatang nag tataklay ng elemento ng tubig ay nakaramdam ng buhay sa ilalim ng mga gumuhong gusali. Agad siyang nag madali at sinaklolohan ang nasa ilalim ng gumuhong gusali. Nang mag punta siya sa ibabang bahagi ng gusali ay narinig niya ang pag mamakaawa ng isang batang lalake.

Ang batang lalake ay naipit mula sa gumuhong gusali. Nang makita ito ng binatilyo ay agad siyang lumapit sa bata.

"Bata kaya mo pa ba ililigtas kita!" Sabi niya sa bata at sinumulan ang pag gamit niya sa kaniyang kapangyarihan.

Bumuo siya ng porma ng tubig at naging isa itong matigas na tila Yelo. Iaangat ko bata kumapit ka! Sabi ng binata at pinakinggan ito ng batang lalake.

"Grrrrhhh!" Mapapansin ang hirap sa batang lalake habang unti unting iniaangat ng binatilyo ang nakadagan sa kaniya. Nang lumuwag na ang espasyo ay agad may Pumulupot na tubig sa katawan ng batang lalake. Lumapit ito sa binata at maingat na hinawakan ang ulo ng bata.

"Mabuti at ligtas ka!" Sabi ng binatilyo sa munting bata.

"Salamat po kuya!" Sabi ng batang paslit.

"Ano nga palang pangalan mo?" Tanong ng binatilyo sa bata.

"Ako po si Shawn! Shawn Monteverde!" Sabi ng bata sa binatilyo at niyakap niya ito.

"Ikinagagalak kitang makilala, Ang pangalan ko naman ay Edrian tawagin mo nalang akong kuya Ed mo ah" Sabi ng binatilyo at tiningnan muli ang batang si Shawn.

May nararamdaman siyang Aura sa katawan ni Shawn. Isang God's Children ang batang ito at hindi pa iyun nadidiskubre ng bata.

"Shawn ilang taon kana?" Tanong ng binata at tiningnan ang batang lalake.

"Siyam na po kuya Ed" Sabi ng bata at lumapit sa binatilyo.

.....

Habang abala ang mga diyablo sa paglaban sa isang God's Children ay mayroong isang lalake ang makahulugang nakatingin sa kanila.

Lalo na ang batang iniligtas ng binatang may elemento ng tubig.

"Ang batang iyun? Hindi normal ang elementong tinataglay niya, Malaking perwisyo siya sa hinaharap!" Sabi ng lalake at tumayo siya at sa isang iglap ay naglaho ito na parang bula.

Lumipas ang isang oras ng pakikipag laban at pag ligtas sa mga tao ay sa wakas ay natapos ang laban. Nakapatay ng limangpung diyablo ang grupo na kinabibilangan ni Edrian. At kapansin pansin ang batang paslit na hawak hawak niya.

Si Shawn Monteverde...

Vote and comment

Anda Mungkin Juga Menyukai

DANGEROUS LOVE OF PRIMO

WARNING: READ AT YOUR OWN RISK| THIS STORY CONTAINS RATED SPG | Si Romary Ignacio o kilala sa tawag sa kaniya sa niya trabaho bilang Rose, isang police detective agent ng isang organization na kung saan si Romary ang gumagawa ng mga inside job mission kung saan ito magaling. Siya ay nagtatrabaho Crime Detective Operation o CDO. Si Romary ay laking ampunan at pinalaki ng mga madre, ito ang tumulong sa kaniya upang makapag aral ng high school at kolehiyo bilang isang pulis, pero dahil sa isang pangyayari ay pinili niya ang trabaho na siya mismo ang makakahanap ng taong pumatay sa kinalakihan niyang pamilya. Iba't-ibang mission na ang nagagawa niya, isa si Romary sa mahusay na agent pero laging lihim ang trabaho niya upang hindi siya balikan ng mga taong pinababagsak niya, buhay man o patay. Nakakatanggap lang siya ng misyon na gagawin niya bilang pag-iingat sa identity niya, at ang bagong misyon na iniatas sa kaniya ay ang mapatay ang isang malaking mafia druglord sa bansa. Romary starts her mission, she gathers information about her target, sa kaniyang misyon ay makikilala niya si Primo Cullen na hindi niya maiiwasang mahalin. Paano niya maipagpapatuloy ang kaniyang nararamdaman kay Primo kung ito ang magiging dahilan upang hindi matapos ni Romary ang kaniyang mission. Romary as Rose, a secret police detective agent, will try to finish her mission as she falls in love with Primo who is dangerous for her and for her mission.

Renelyn_Ardiza · Seni bela diri
Peringkat tidak cukup
4 Chs

UNO (Tagalog)

Seryoso ang mukha ng lahat habang nasa conference room lalo na ng bigyan bawat isa ng folder na naglalaman ng panibagong assignment. Huminga muna ang lalakeng nasa harap na bahagyang may edad na ngunit matikas pa rin ang tindig. Nakasuot ito na itim na vest na nakapatong sa suot nitong putting amerikana. Ganoon din ang suot ng iba pang nasa loob ng silid. “Your folder contains the information we’ve got about Agent One who disappeared for almost ten years. That person has no identity and left no traces at all. We thought he’s dead but a source confirmed he’s still alive and still working on something. That’s why we have to know what happened to him and his reasons for not reporting in this office for those years we thought he’s dead.” Pagpapaliwanag ng lalake kasabay ang mga bulung-bulungan. Maya-maya’y nagtaas ng kamay ang isa sa mga nakaupo na nakikinig. “Yes, Agent 15?” Tawag ng lalakeng nakatayo sa nagtaas ang kamay. “Why do you need us all in this case, Michael?” Tanong nito na hindi na nag-abala pang tumayo. “Good question. The Greater Heights needs all of its agents in this case. Why? Dahil hawak ni Agent One ang data na naglalaman ng mahahalagang impormasyon patungkol sa ating lahat. Nung aktibo pa siya sa organisasyon, siya ay isa sa may access sa ating system. Nang mawala siya at ideklarang patay, hindi na binago ang ating system. Ngunit ngayong may impormasyong buhay siya, huli na para mabago pa ang lahat. Kaya kailangang maibalik siya at tinayaking walang nag-leak sa mga hawak niya. Dahil kapag nagkataon, mamimilgro hindi lamang ang mga buhay nating lahat kundi lahat ng mga taong malalapit sa ating buhay.” Pagpapaliwanag ng lalake. Kita ang pagkabalisa ng lahat. “Finding a missing person is the easiest thing a single agent can do, Michael.” Wika naman ng isang pang agent na nakaupo na sinang-ayunan naman ng marami. “Yes….unless wala na ang lahat ng source maging ang lahat ng may koneskyon kay Agent One.” Sagot ng lalake na ikinatahimik ng lahat. *********************************************** Basahin ang makabagong istorya na puno ng aksyon, misteryo, at pag-big. "UNO" sa panulat ni B.M. Cervantes Copyright by B.M. Cervantes All Rights Reserved 2020

Blessedy_Official1 · Seni bela diri
Peringkat tidak cukup
36 Chs

Red Thread

"Play my words inside your mind. Use your eyes to read, imagine, transform, and make my characters alive." Work of Art - Mystery/Thriller Subgenre - Young Adult May 18, 2020 June 4, 2020 (NOT A WHOLE DETECTIVE DRAMA) *** STANFORD, malapit sa baybayin ng West Philippine Sea, mukhang normal sa paningin ng isang tao lamang. Dahil tila ito ay nahahati sa tatlong apat-na-palapag, malaki at maluwang na gusali - na nagbibigay ng mga puwang para sa iba't ibang mga pasilidad tulad ng Multi-purpose Hall, Cafeteria at Library. Ang kanilang mga diseniyo ng arkitektura ay ibinigyang inspirasyon mula sa panahon ng Medieval na may mga bintanang baso, tukod, matataas at patilos na bubong, sementadong salulo, tore at arkong paturo. Ang tatlong pangunahing gusali, gayunpaman, ay mayroon ding tatlong magkakaibang mga layunin at nahahati sa dalawang bahay. Ang pinakang malayo ay may rebulto ng tigre, ito ay kumakatawan sa mga bihasang mag-aaral at ang layunin nito ay upang tipunin ang lahat ng mga mag-aaral na handa para sa agham pampulitika, computer science at mga propesyon na may kinalaman sa teknolohiya. Ang gitna ay may estatwa ng leon, ito ang gusali para sa lahat ng mga pasilidad sa paaralan. Ang pangatlo ay may rebulto ng lobo, kinakatawan nito ang mga intelihenteng mag-aaral. Katapat naman ng mga gusali ay bilog at malawak na obal na hugis-itlog na kung saan ay kinubkob ng mga puno ng Elm at Oak at nagbibigay ng natural na hangin. Ito ay payapa. Madali ang buhay ng mga mag-aaral. Hindi hanggang sa sunod-sunod na pagkitil ng buhay mula sa mga pagpapakamatay, pagkalulong sa droga, at serial killings ay mapunta sa linya sa kanilang mga bakuran. Walang sino man ang nakakaalam kung sino o kung ano ang nasa likuran ng biglaang trahedyang mga kaganapan na ito, naisip ng lahat na ito ay isang masamang taon lang para sa Stanford. Maliban sa isang tao. Si Logan, ang anak ng direktor ng Stanford at isang miyembro ng News and Report Club, na naaksidente sa nakaraang taon na naging dahilan upang magkaroon siya ng short-term memory. Sinusubukan na lutasin ang kaso dahil naniniwala siya na hindi lamang ito mga sadyang pagkakataon. Dahil ang isang tao ay nasa likod nito, naisip niya. At ang mga kasawiang nagaganap ay konektado sa aksidente na kaniyang nakatagpo. Mayroong dalawang posibleng mga tao sa likod ng mga gawaing ito, naisip niya. Ang bagong nahalal na Punong Estudyante mula sa bahay ng tigre o isa sa kanyang malalapit na kaibigan. Alin man, alam niya na hindi ito magiging madali. At dahil doon, sinubukan niyang bumuo ng isang club mula sa mga mag-aaral na naging rebelde laban sa Stanford. At sa paglapit nila sa katapusan ng mga kaso. Nalaman niyang isa lang ang nasa likod nito.

Juanxhari · Seni bela diri
Peringkat tidak cukup
32 Chs