webnovel

Chapter 36

Makalipas ang ilang araw ay pwede nang umuwi si Kale. Kasalukuyang nasa ospital si Mr. Henderson upang ihatid si Kale pauwi ngunit nandoon din si McKenzie na kanina pa di mapakali.

"Dad, ako na kasi ang maghahatid sa kanya and besides may meeting ka pa di ba Dad? Dapat hindi nale-late ang isang CEO, right Daddy?" pangungumbinsi ni McKenze sa ama. Gustong-gusto na niyang paalisin ito dahil napupurnada na ang kanyang gagawin.

Nagtataka at may halong pagdududa naman na bumaling si Mr. Henderson sa kanyang anak. Hindi nito alam kung bakit kakaiba ang ikinikilos nito pero naisip naman nitong baka nagbabago at bumabawi na ito sa mga kabulastugang pinaggagagawa nito.

"Are you really sure, hija? Kale, ayos lang ba sa'yo?" di pa rin kumbinsidong sabi nito.

"C'mon, Daddy! Just go na and look, you can leave her with me. Behave na ako and no more troublemaking, promise!"

"Alright. Keep your word, McKenzie. Mag-iingat kayong dalawa ha? Kale, pwede ka nang pumasok bukas at ikaw, diretso pasok na sa Henderson, no fooling around. Understand?" bilin pa ng ama ni McKenzie sa kanya.

"Yes Dad! Paulit-ulit. Just go na Daddy, bye!" pantataboy niya sa ama at bahagyang tinulak ito pasakay ng sasakyan. Sumakay na ito at umalis na.

Nang makaalis na ang ama ay nilingon na niya ang katabi ngunit nakatayo na ito sa gilid, malayo sa kanya at pumapara na ng taxi.

Lesbi! Ano na naman kayang trip nito! pagngingitngit niya sa sarili.

Nagsisimula na naman siyang mag-alburuto dahil naiisip niyang baka may katangahan na naman itong gagawin na baka ikapahamak pa nito. Takot lang niya sa ama kung mabangga pa ito gayong pauwi na sila.

Dali-dali niya itong hinablot sa damit. "Lesbi! What do you think you're doing huh? Palaboy-laboy ka na naman, let's go!"

Hihilahin na sana niya ito para maglakad na paalis nang mabilis siyang pinigilan ni Kale.

"Kaya ko nang umuwi mag-isa saka tanghali na rin, may pasok ka pa. Pumasok ka na at papalitan ko na lang 'yong mga damit na ipinahiram mo sa'kin," tanging sabi nito sa kanya. Tulad ng dati ay cold na muli ito.

Nagsisimula na siyang manggigil dahil sa pantataboy nito sa kanya gayong masaya siyang uuwi na ito at siya pa ang nagpresintang maghahatid dito. Ngayon pa lang na may gumawa sa kanya ng ganito.

"Kumain ka na ba?" biglang tanong nito sa kanya.

Saka lang niya napagtanto na wala pa siyang kinakain dahil dumiretso agad siya ng ospital nang malaman niyang uuwi na si Kale. Bigla siyang napayuko at laking gulat niya nang hinawakan siya sa kamay nito papunta sa sasakyan niya. Para namang kiniliti ang puso niya dahil sa kamay nilang magkahawak. Kusa na lamang siyang napangiti.

"May alam akong kainan na malapit lang sa tinitirhan ko at mas malapit lang kumpara sa ibang resto," suhestiyon ni Kale at itinuro na ang daan papunta kay McKenzie.

Nang makarating sila sa isang karinderya ay agad na bumaba si Kale.

"Unicorn, tara na," yaya nito sa kanya.

Di naman siya makapaniwalang tumingin dito. Tila nandidiri sa itsura ng tindahan at sa isip niya'y parang hindi ito malinis. Simple at di naman gaanong kalakihan ang karinderyang pinuntahan nila at dinadayo ito ng karamihang mga estudyante at nagtatrabaho na sakto lang ang pera sa bulsa.

"Hindi ka pa ba nagugutom—"

"I think I need to call Aubrey na lang," alanganing sabi niya kay Kale at pinaharurot na ang sasakyan.

"Ayaw sigurong kumain sa mumu. Gusto niya siguro gintong sabaw." Himas-himas ang kanyang tiyan ay pumasok na siya sa karinderya ni Aling Neneng.

***

Habang nagmamaneho ay tinatawagan ni McKenzie si Aubrey. Nakailang ring muna ito bago sinagot.

"Hello. Aubrey?"

"Ahh baby shit more fuck! Harder baby ohh!"

"Aubrey? Hello? Where are you bitch? Aubrey?" paulit-ulit na tawag niya sa kabilang linya.

"Ohh baby! Shit more, you're hitting my spot god fuck! Faster and deeper baby, that's it ahh!"

Pinatay na niya ang tawag dahil puro ungol ang naririnig niya sa kabilang linya.

"What the fuck Aubrey! Crazy bitch! Kung saan kailangan kita—argh! Ano bang nangyayari sa mga tao ngayon!" dismayadong saad niya at napahampas na lang sa manibela. Napahinto siya nang biglang tumunog ang kanyang tiyan.

"Who am I going to call now? Nagugutom na ako!" She felt helpless in her car right now.

Habang nag-i-scroll sa kanyang contacts ay nag-iisip siya kung sino ang matatawagan. Dahil no choice siya, tinawagan niya ang dakilang nang-iimbyerna sa kanya. Aarte pa ba siya gayong nagugutom na siya.

"Oh, look who's calling me now. Wrong number ka—"

"Where are you?"

"Sa univ, with Ty. Why? Miss me?"

"Lunch tayo sa Yellow Cab now. Papunta na ako. Bilisan niyo, bye."

Ilang saglit lang ay nandoon na silang tatlo at sabay-sabay nang pumasok.

"Sa'n ka ba galing Mc? Di ka pa naglulunch?" nagtatakang tanong ni Silver sa kanya.

"Let's order na, I'm hungry." Nag-order na si Mc habang nakasunod lang sa kanyang sina Silver at Tyler.

"Zie, add ka pa ng pizza at chicken wings pati drinks. Thanks," wika naman ni Tyler sa kanya.

Nang magbabayad na siya ay biglang nagkaproblema.

"Ma'am, di po gumagana 'yong credit card niyo. Pa-try po ulit," at muling ibinigay sa kanya ng cashier ang credit card machine.

Inulit ulit niya ngunit ayaw pa rin kaya napalingon siya sa dalawa na kanina pa siya pinapanood. Tumingin siya kay Silver.

"Eiji, pahiram muna ng credit card mo. Bilis, marami pang nakapila oh."

Tinaasan lang siya ng kilay nito saka humalukipkip.

"What if ayoko? Maiwan ka rito?"

"Isa, cut your shits now nang matapos na. And give me your effin' card now." Pigil na pigil siya kahit gustong-gusto na niyang ibaon sa sariling kinatatayuan nito si Silver dahil nakikisabay pa ito sa inis niya.

"Okay, but in one condition." Nakangiting nakakaloko si Silver.

"Go, then after this, run with your life. Make sure that it won't make me chop your head from your body, fucking Zamora."

"Finally, I felt relieved. Basta ikwento mo kung nasaan ka nitong nakaraang linggo at kung bakit di si Aubrey ang kasama mo ngayon." Ngiting tagumpay na ngayon si Silver habang matalim ang tinnging ipinupukol sa kanya ni McKenzie.

Mabilis niyang hinablot kay Silver ang credit card at nagbayad na. Nang matapos ay umupo na sila at makalipas ang ilang saglit ay nai-serve na sa kanila ang kanilang mga order at sabay-sabay nang kumain.

"So Mc, as much as how these foods look delicious, nothing could ever satisfy my excitement than with your telltale affairs. I know you have. I can feel it Mc. Where have you been? Promise, gusto ko lang malaman. Sharing is caring. I know you care so share," Silver said, sounding like an evil witch in Disney movies.

Di muna sumagot si McKenzie at kumain muna. Wala siyang balak pansinin ang mga nonsense na sinasabi ng kaibigan.

Nang matapos siyang ngumuya ay saka siya nagsalita.

"With due respect, Eiji Zamora, the telltale affairs about me that you were claiming to be existing or at least don't really exist. I'm afraid that we should eat in peace rather than letting our mind wandering around the things that don't have of significant importance, right?" at simple siyang ngumiti rito para itago kung ano ang tunay niyang nararamdaman at iniisip ngayon. Sa totoo ay gusto niyang tumawa at asarin ito dahil wala naman talaga siyang balak sabihin ang tungkol sa kanilang dalawa ni Kale.

"I'm not convinced, Mc." Talagang gustong-gustong makipaglaro ni Silver kay McKenzie.

"Okay but in fact, may inasikaso lang ako sa aking company and si Aubrey? Busy din. Di ko makontak. Nagloloko 'yong signal tapos di pa naiintindihan," dagdag pa niyang palusot.

"May prayer meeting silang dalawa ni Black sa chapel natin sa univ," sabat ni Tyler sa kanila na abala sa pagkain ng pizza.

"Eh? Wala namang gano'n sa univ natin ah. Tapos prayer meeting, dalawa?" katwiran ni Silver kaya mas lalo itong naghihinala.

"Silv, di na mahalaga kung ilan. Kung doon mas tatatag 'yong faith nila di ba? Alam mo bang napakamadasalin ni Aubrey lalo na 'pag kasama niya si Black. Tapos 'yang si Black, tatayo na lang upang makaluhod si Aubrey at makapagdasal nang taimtim," paliwanag pa ni Tyler habang si McKenzie nama'y medyo na-shocked dahil sa tagal nilang magkasama ni Aubrey ay ngayon lang niya nalaman na madasalin ito.

"How come na andami mong alam sa mga ganyan, Ty? Are you some sort of priest or what?" puna ni McKenzie rito.

"I served as an altar boy when I was 8."

"An altar boy who is now playing with guns. Very Tyler-like," sarkastikong saad ni Silver. Natuwa naman si McKenzie dahil tuluyan ng naiba ang topic nila. Laking pasalamat niya nang magsalita si Tyler tungkol kay Aubrey na siyang ikina-divert ng atensyon ni Silver.

"Ikaw nga laging naglelead ng prayer tapos ngayon iba na dinadasalan mo. Masama 'yan sister!" ganti ni Tyler kay Silver. Hinayaan na lang ito ni McKenzie at nakisama pa sa pang-aasar dito.

Ilang saglit lang ay natapos din sila at pumasok na.

Pagpasok nila ay dumiretso na sila sa kani-kanilang klase. Nagquiz at maraming ipinagawa ang prof nina McKenzie na lalong ikinatamad niya.

Lumipas lang ang maghapon nila na ganoon. Nagkita-kita na lamang ang magkakaibigan nang uwian na. Ang anim ay nagsimula na ulit magtrabaho.

"Ang sisipag naman talaga ng mga hampaslupa! Bugbog na sa klase, gusto pang mag-overtime para pagsilbihan ang university! Magandang ehemplo 'yan para sa mga taong nawawalan ng landas sa buhay! Goodbye, Mc and company! Mga kawawang nilalang. Sarap umuwi nang maaga!" paalam ni Silver sa kanila at pasayaw-sayaw pa itong umalis habang tumatawa.

***

Pumasok na ulit sa trabaho si Kale at saktong pagpasok niya sa The Midnight Haven ay nasa harap na niya si Manager Veira.

"To my office now," seryosong utos nito sa kanya. Ramdam ni Kale na galit ito at may ideya na siya kung anong sasabihin nito sa kanya. Aware naman siya kaya wala ng bago kung anumang sasabihin nito.

Sumunod agad siya sa opisina nito. Pagbukas pa lang niya ng pinto ay halos gusto niyang takpan ang tenga at pumikit para lang wala siyang marinig na kung ano-ano mula sa kanilang manager.

"Oliveros, ba't pumasok ka pa? Tapos na ba ang bakasyon mo, boss?" Nanatili siyang tahimik saglit.

"Manager, naospital po ako—"

"You're fired. Pack your things then leave," diretsang sabi nito sa kanya. Saktong dumating si Ashley at laking gulat nito nang makita si Kale. Agad niya itong nilapitan dahil ilang araw itong nawala.

"Ma'am, sinesante ko na si Oliveros dahil nag-awol siya ng isang linggo gayong kailangan namin ng bartender," maamong paliwanag ni Manager Veira sa kanyang amo.

"Job well done, manager. Next time, ipaalam mo sa'kin ang nangyari and let me do the talking. Now, if you may. Please," pormal na pahayag ni Ashley at itinuro na nito ang pinto. "We'll talk another time, manager."

Agad nang tumalima si Manager Veira at lumabas na. Pagkaalis nito ay saktong hinubad na rin ni Kale ang kanyang suot na black vest at inilagay na sa kanyang kaliwang braso.

"Uuwi na ako, Ashley," paalam ni Kale ngunit mabilis siyang pinigilan nito.

"You're not fired, Kale Nixon. You'll stay here and still work as bartender."

"Okay lang na tinanggal ako, Ash. Di mo na kailangan pang gawin 'yan dahil marami ka ng naitulong sa'kin at di ko alam kung paano ako makakabawi sa'yo. Makakapaghanap pa naman ako ng trabaho," at tipid na ngiti ang iginawad niya kay Ashley.

Palabas na siya nang maramdaman niyang may dalawang bisig na yumakap mula sa kanyang likod.

"But Kale Nixon...okay. I'll let you but tell me what happened to you for the past week. I-I know that I don't have the right to know everything you do but...I can't help it. You made me worry."

Nanatiling tahimik si Kale sa sandaling 'yon. Iniisip kung ano ang sasabihin. Ayaw na niyang palakihin pa ito kaya gaya ng lagi niyang sinasabi ay hinarap na niya ito.

"Okay lang ako, Ash dahil nandito na ako ngayon oh," at niyakap niya ito saka nagpasalamat.

Di na rin siya nagtagal at iniwan na si Ashley. Uuwi na siya at magpapaka-busy sa ibang bagay na naiwan niya nitong mga nakaraang araw.

Wala na siyang pakialam sa mga tao at nangyayari sa loob ng bar. Mabilis siyang naglakad palabas upang di mapansin ni Troy at Arian. Laking pasasalamat niya na di niya nasalubong ang mga ito.

Nasa VIP lounge siguro. Buti na lang, aniya sa isip.

Saktong paglabas niya ng bar ay siya ring pagdating nina Johansen, Ian, Allison at ng The Elite Seven.

"Baks?! Nandito ka na! I shupah mishu! Libre mo na me!" bati agad nito sa kanya at niyakap siya nang napakahigpit.

"Hey bro! Musta?" masayang bati naman ni Ian.

"Pasok na kayo," at pinagbuksan ang mga ito ng pinto. Habang isa-isa nang pumapasok ang magkakaibigan ay di sinasadyang nagtama ang kanilang paningin ni McKenzie pero siya na ang nag-iwas ng tingin.

Nang makapasok na ang mga ito ay mabilis na rin siyang umalis palayo.

Fuck! This can't be happening, frustrated niyang sabi habang sapo ang dibdib.

Nasa VIP lounge na ang magkakaibigan. Kanya-kanyang usap na kung anong o-orderin.

"Good eve po mga ma'am and ser, ano hong order nila? May bago ho kaming cocktail drinks na limited—"

"Excuse me but ang kukuha ng aming orders is 'yong napili naming waitress right? I knew it's the policy here kapag VIP ang customer," paglilinaw ni Natalie habang at pinasadahan ang kabuuan ni Kuya Mario.

Di naman ito inaasahan ni Kuya Mario at ramdam niyang mapapalaban siya sa mga ito dahil halatang mayayaman ang natapat sa kanyang customers.

"Ah ma'am, eh kulang po kami sa waitress ngayon kaya may konti hong pagbabago rito sa VIP lounge," magalang na sagot ni Kuya Mario. Pinapanalangin nito sa isip na sana'y mag-order na ang mga ito.

"Ladies, 'wag ng maarte. Boss, lista mo na 'yang limited cock. La bang free taste 'yan?" Si Reign na ang umorder habang nagdagdag pa ang iba.

Dali-dali namang isinulat ni Kuya Mario ang mga order nila. Nang masigurong okay na ay umalis na ito. Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na ulit ito dala ang kanilang mga order kasama pa ang isang waiter at si Ashley.

"Ashleya, sis! Kanina pa kita winewait ditey upo ka," bati agad ni Johansen kay Ashley sabay beso sa isa't isa. "Kita ko si baks kanina ah. San na ba 'yong shebs na 'yon? Papuntahin mo na nga ditey."

Habang abala sila sa pag-uusap ay maingat na isinerve ng dalawang waiter ang kanilang mga cocktails at pulutan. 'Yong pitong magkakaibigan naman ay kunwaring nag-uusap pero nakikinig talaga sa usapan ni Ashley at Johansen lalo na sina McKenzie, Silver at Natalie.

"Ma'am, ser, okay na po lahat. Pindutin niyo na lang ho 'yong red button sa may mesa kung may kailangan pa ho kayo." Umalis na ang dalawang waiter.

"Wala na siya, Johansen. Umalis na," malungkot na sagot ni Ashley dito.

"Excuse me? What do you mean wala na? Like you mean she's not working here anymore or what?" sabat agad ni Natalie sa usapan.

Napataas naman ng kilay si McKenzie ngunit nag-aalala siya kung totoo nga ba na wala na ang waitress na siyang dahilan kung ba't niyaya niya ang kanyang mga kaibigang mag-bar.

"Yes. Tinanggal na siya rito."

"Hulaan ko sis, kung di 'yan late, di pumasok 'no? Sinasabi ko na nga ba, nakakaunat talaga 'yan ng belbol kahit kelan. Masanay ka nang aalis-babalik si baks pero umalis na eh. Malay mo bumalik. Malay mo lang," chika pa ni Johansen sabay subo ng pulutan.

"Let's party na! Sherep sherep talaga neto, pak!" sigaw pa nito.

"Cheers ebriwan!"

"Cheers!"

"Last na 'to. Wala na pala si Nic ko, di na ako babalik! Iniwan na niya ako!" sigaw ni Natalie at diretsong nilagok ang vodka.

Lihim na sinamaan ito ni McKenzie. Tahimik lang siya at hindi mapakali sa kaalamang wala na pala ang waitress na kanina pa niya gustong makita. Ni hindi siya uminom at nakatingin lang sa mga alak.

***

Kinabukasan, paggising ni McKenzie ay may kumakatok na agad sa pinto niya.

Sino ba 'yang ang aga-agang nambubulabog? Peste, sambit niya sa sarili habang kinukusot pa ang kanyang mata.

Pagbukas niya ng pinto ay mukha ng katulong ang bumungad sa kanya.

"Murneng ma'am! Me naghahanap po senyo sa labas ma'am. Deliberi boy," masayang bati nito sa kanya habang may hawak na walis tambo. Kita pa ang bungi nitong ngipin.

"Delivery boy? Ng ganito kaaga? Wala naman akong pinapadeliver. Paalisin mo, busy ako." Akmang isasara na niya ang pinto ng kwarto nang magsalita na naman ang katulong niya.

"Eh ma'am kanina pa talaga kayo hinahanap eh. Isang oras nang naghihintay, gwapo naman ma'am. Manliligaw mo ba ma'am?" panunukso pa nito. Kung alam lang ng katulong kung anong naghihintay sa buhay niya ay nakatakbo na sana ito.

"Oo, wala ka ng trabaho! You're fired!" asik niya nang biglang may nagdoor bell nang sunod-sunod.

Padabog siyang tumungo kung sinumang Pilato ang sumisira ng penthouse niya ngayon.

"What the fuck do you—"

"McKenzie Knight Henderson po ba kayo? Signature na lang po ma'am. San ko ho ba ilalagay ang mga ito?" tukoy nito sa sampung shopping bags ng Prada, Gucci, Armani, Burberry at Louis Vuitton.

"Excuse me? But hindi ako nag-order ng mga 'yan. I don't even remember buying an Armani online. You got it wrong. You're wasting my time and I won't pay that even though I can afford all of that. Leave now."

"Pero ma'am sa pangalan niyo po naka-address ang mga ito. Bayad na rin po ang lahat ng mga ito. Ma'am?"

Makikipagtalo pa sana si McKenzie nang biglang nagsalita ang katulong.

"Mr. Pogi, dito niyo na lang po ilagay," nakangiti at nagpapacute nitong sabi sa delivery boy.

Di makapaniwalang tumingin siya sa katulong. Napakakapal talaga ng mukha ng katulong na 'to kung pangunahan ako! Di na talaga aabutan ng trabaho 'to! Kung nakakamatay lang ang tingin ni McKenzie, bulagta na siguro ang katulong.

"Ma'am, pinapabigay din po ito. Thank you po ma'am," masiglang sabi ng delivery boy at umalis na ito.

Di siya makapaniwala sa nakikita niya ngayon.

"Kanino naman galing ang mga 'yan?" Nagtataka pa rin siya pati sa iniabot sa kanya ng delivery boy.

"Ma'am, ang gaganda naman ng mga box na 'yan. Sosyalin! Napakayaman niyo talaga ma'am!"

"I said get out! Now!" Dali-dali naman itong sumunod.

"God! Nakakainit na nga ng ulo, nakakasira pa ng ganda! Kanino ba kasi galing ang mga ito? Baka nakaw."

Tiningnan niya muna ang note na hawak niya. Isang pinunit na yellow pad paper na di pa pantay. Binasa niya ang nakasulat.

Unicorn,

Thanks for lending me some clothes. Especially being my stupid company and nursing me at the hospital.

With gratitude,

Kale Nixon

"What?! Tinatanga-tanga niya ba ako? Kung ako si Nat, baka maniwala pa ako. Duh, ang mamahal ng mga brands na 'to tapos—no way! This must be a prank!" parang tangang kausap ni McKenzie ang sarili.

Itinabi na niya ang sulat at tiningnan isa-isa ang shopping bags.

"Oh god! This can't be...the dresses—limited edition lahat?!" Di na nakatiis si McKenzie ay nagsukat na siya ng ilang dress. Kinuha ang Armani at Burberry saka humarap sa salamin.

"Shit! How come na—this isn't possible!" Napamura na siya dahil saktong-sakto sa kanya ang mga dress.

Di na niya namalayan ang oras dahil sa pagkawili't pagkamangha nang biglang tumunog ang kanyang phone.

"Gosh, I'm fucking late!" at nagmadali siyang kumilos para pumasok.

Dumiretso na si McKenzie sa kanyang klase pero wala sa professor nila ang kanyang atensyon at tila may sarili siyang mundo. Ang tanging tumatakbo sa kanyang isip ay ang paghahanap niya kay Kale.

Sa buong klase niya ng umaga ay hindi siya nagsulat ng notes at nakatingin lamang sa labas ng bintana. Nang mag-lunchbreak na ay agad siyang nagtungo sa canteen. Kumpleto na ang kanyang mga kaibigan na abala sa pagkukwentuhan. Saktong kasama din ng mga ito ang mga kaibigan ni Kale. Agad hinanap ng mga mata niya kung nandoon si Kale ngunit nakaramdam siya ng panghihinayang ng walang Kale ang nakaupo doon.

Hindi kaya siya pumasok? aniya sa isip.

Sinamantala niya ang pagkakataong 'yon na nagkukwentuhan ang kanyang mga kaibigan. Mabilis siyang lumayo kay Johansen at hinila ito palayo.

"Where's Nixon?" agad na tanong niya.

"Wadafak, bitch?! Di ko knows! Bitaw na, you're ruining my LV! Leshe ka kadiri!"

Napairap naman siya sa sagot nito. "What a useless...tsk," at marahas niya itong binitiwan.

Dahil wala naman siyang ibang mapagtatanungan ay minabuti niyang umalis na lamang habang ang isip niya ay gulong-gulo kung saan ito hahanapin. Simula kahapon ay di na rin niya ito nakausap pa.

***

Umuulan at matrapik, nang si McKenzie ay pauwi na. Maraming estudyante ang naglalakad at nakikipagsabayan sa lakas ng ulan. Mayroong mga tumatakbo dahil walang payong habang ang iba nama'y naghihintay nang masasakyan.

Wala bang mga sasakyan 'tong mga 'to? May mga estudyante pa lang ganito sa Henderson. I thought mga mayayaman lang ang ina-accept nila. Well, I'm lucky enough to have my own car and everything, wika niya sa isip habang pinapanood ang mga estudyanteng nagkakagulo sa ulan.

Dahil sa mabagal na usad ay inililibot lang ni McKenzie ang kanyang paningin habang marahang tinatap ang manibela ng kanyang Porsche. Nang di inaasahang namataan niya ang isang natatanging pigura. Kulay itim ang kabuuang suot nito.

Naka-hoodie, jogging pants at higit sa lahat, ang napakapamilyar nitong beanie. Nakayukong naglalakad ito at basang-basa na halos pwede nang pigain ang damit nito. Walang pakialam sa paligid kung may mabunggo man o wala.

Wala siyang payong? Gusto niya atang magkasakit ulit. Stupid talaga!

Agad niyang binilisan ang andar ng kanyang sasakyan upang maabutan ang taong kanina pa gumugulo sa kanyang isip.

Fuck! Ngayon pa talaga ako na-stuck sa fucking shit na traffic na 'to! Damn! Bilisan niyo naman! frustrated niyang sabi sa sarili dahil usad-pagong pa rin ang mga sasakyan at may sumisingit pang mga tumatawid.

Nang matapat siya sa gawi nito ay bumusina siya upang pukawin ang atensyon nito ngunit patuloy lang itong naglalakad sa daan. Sunod-sunod ulit siya bumusina hanggang sa tumigil ito sa paglalakad at nilingon ang sasakyang kanina pa maingay. Agad ibinaba ni McKenzie ang bintana sa passenger's seat at itinabi ang sasakyan sa gilid.

And at that moment, their eyes met. She can't take off her eyes of her as if she was entranced by the sight of what she was seeing—a pair of blue eyes that she'd only seen for the first time. She felt that everything around her faded and all she can see was those eyes that was boring right straight to her. Those eyes that held emotions that she couldn't read.

Bago pa mahuli ang lahat ay mabilis itong tumakbo palayo. Hindi na rin nagdalawang-isip pa si McKenzie na magpayong at mabilis na bumaba ng sasakyan. Ang tanging mahalaga lang sa kanya ngayon ay mahabol at makausap ito.

Why are you running away, lesbi?

Wala siyang pakialam kung may mabunggo siyang mga estudyanteng paharang-harang sa kanyang daraanan. Laking pasasalamat din niya sa suot niyang boots ngunit di 'yon naging sapat upang mahabol niya ito. Lalong bumilis ang pagtakbo nito kaya binilisan din niya ang paghabol. Gayundin ang paglakas ng ulan na nakikisabay sa kanilang dalawa.

Malapit na niyang maabutan ito pero mabilis itong lumiko sa kaliwang kanto at pagliko rin niya ay malinis ang daan. She lost her.

Hinihingal na napasabunot siya sa kanyang buhok at napapikit na lamang habang patuloy na pumapatak ang ulan sa kanyang mukha.

Pagkauwi ni McKenzie ay patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan na patuloy lang sa paglakas. Nagmamadaling siyang dumiretso sa cr dahil giniginaw at baka sakitin pa siya na ayaw na ayaw niyang mangyari.

Nang matapos at nagbibihis na siya'y biglang may sunod-sunod na nag-door bell sa kanyang suite.

Sino na naman ba 'yang nambubulabog ng ganitong oras ng gabi? Let alone na dito pa talaga sa penthouse ko, sambit niya sa sarili. Hahayaan na sana niya ngunit patuloy pa rin ang pag-ring nito at palakas pa nang palakas.

"Ano bang trip ng mga tao ngayon?! Lalo na sa lecheng door bell na 'yan!" sigaw niya at tumungo na sa pinto. Pagbukas niya ay bigla siyang napahinto saglit.

"What the hell happened to you guys?"

"C'mon Kenz, can't you see? We are wet! Can we stay here for the night? Super lakas ng ulan and mataas na ang baha tapos gabi na. Di na kami makakauwi," wika agad ni Natalie na yakap-yakap na ang sarili sa lamig.

"Pwede bang papasukin mo na kami, Mc? Giniginaw na kami oh. Dalian na!"

Bumungad lang naman sa kanya ang mga kaibigang parang mga basang sisiw. Di naman niya napigilang tumawa ngunit hinawi na siya ni Silver upang makapasok na sila sa suite nito.

Di na nila hinintay pang magsalita ito at dumiretso na sa cr ni McKenzie.

"Ayusin niyo ang paggamit ng cr ko at lalong-lalong 'wag na 'wag niyong gagamitin ang jacuzzi ko, mga hampaslupa!" pahabol niyang sigaw ngunit isang malakas na kalabog ng pinto ang isinukli sa kanya.

"Zamora!"

Makalipas ang kalahating oras ay natapos na ito at lumabas na naka-bathrobe habang nakatapis ng tuwalya ang mga lalaki na nakabandera pa ang mga nagsisitigasang pandesal ng mga ito.

"Baka naman Mc. Wala kaming pamalit."

"Maghubad na lang kayo. I don't have extra clothes but Aubrey, choose whatever you're comfortable with in my walk-in closet," balewalang tugon niya habang pinaglalaruan ang sariling hair brush.

"Ah ganyanan pala Mc ha, Pwes," at mabilis na lumapit si Silver kay McKenzie at mabilis na tinanggal ang suot nitong bathrobe.

"The fuck Eiji! Sundan niyo na si Aubrey!" Ngiting tagumpay si Silver at sumunod na sila ni Natalie.

"Zie, pano naman kameng mga pogi? Maghuhubad den ba kame sa harap mo?" loko-lokong sabi naman ni Reign. Nag-aabang silang tatlo kung anong sasabihin niya sa kanila.

"You can use the phone there. Call the staff and they'll bring you extra clothes. If gusto niyong bumaba, meron sa third floor."

"Bababa na lang kami para makagala at makakain dito sa condo mo. Magpadala na lang kami ng pagkain dito. Pasabi na rin kay Aubrey ha? Salamat, Zie," at sabay-sabay na lumabas ang tatlong lalaki habang si Reign ay masayang nagyayabang tungkol sa pagbabandera ng katawan nito.

"Kenzie, have you gone shopping? Without telling me? Nagsosolo ka na pala," nagtatakang tanong ni Aubrey ngunit bakas sa boses nito ang pagtatampo nang mapansin nito ang shopping bags matapos silang magbihis.

"No, I didn't go somewhere—"

"Ang daya mo Kenz! Ba't di ka nagyayaya?! Anong klaseng kaibigan ka. Walang kwenta!"

"Ha? Gumagana na 'yong credit card mo, Mc? Nakakabili ka na?" nagdududang tanong ni Silver. Di kaagad siya nakasagot at nag-iisip ng idadahilan.

"Bigay ni Dad."

"What? Di ba tinanggalan at binawi na lahat ng Daddy mo kung anong meron ka pati suporta dahil sa pambubully niyo? How come na bibilhan ka? Hmm," kontra pa nito habang hinihimas pa ang baba na animo'y nag-iisip kung paano nangyari 'yon.

"Dad gave it to me from Mom because Mom's travelling abroad and she bought me—and why the hell am I even explaining myself?! It doesn't concern you and that's none of your business so shut up!"

Dapat talagang di pinapapunta 'yang Eiji na 'yan dito sa penthouse ko kahit kailan! Pakialamera sa buhay, andaming alam!

"Kenz ganda, akin na lang 'yong Burberry? Thank you," pagpapa-cute ni Natalie sa kanya. Akmang kukunin na nito ang Burberry ngunit agad niya itong pinalo sa kamay.

"No! Ayoko!" at pinandilatan niya 'to ng mata.

"If you didn't go shopping somewhere, then from whom it came?" Do you have a new lover?

McKenzie was caught off guard with Aubrey's question. Napatampal na lang siya sa kanyang noo dahil sana'y itinago na agad niya ang mga ito. Di rin naman niya alam na pupunta ang mga ito kaya anong alam niya.

Makahulugan siyang tinitingnan ni Silver habang si Natalie at Aubrey ay abala sa pagkakalkal ng kung anong mahihingi sa mga shopping bags.

"Napakadamot mo naman talaga kahit kailan! Para Burberry at Prada lang hinihingi ko eh! Sampu naman 'yan Kenz!"

"I'll take this Armani ha, Kenzie? I really love it! Thank—"

Agad niyang hinablot ang mga shopping bags at inilayo sa mga ito. Wala siyang pakialam kahit na umiyak pa ng dugo ang dalawa dahil ang bigay sa kanya ay para sa kanya lamang.

Bab berikutnya