webnovel

Spiritong kaibigan

Nakaharap ngayon ni casey ang isang bakulaw at dahil sa pagwawala nito ay nangangamba ngayon si casey na kong totousin ay wala naman sanang magiging problema kay casey kong dumami ang nakalaban, pero dahil kasi sa may oras na hinahabol si casey at alam nyang mas maraming kalaban ay maskakain ito ng oras na syang inaalala ni casey.

Dapat kasi na bago maghapon ay makabalik na si casey dahil alam nyang naghihintay si vonne sakanya sa isang lugar.

Kaya dito bago pa sya tamaan ng buhat bubat ng bakulaw na malaking puno ay gamit ang isang kamay na kanyang kanang kamay ay hinawakan ni casey ang paa ng bakulaw upang mawalan ito ng balanse dahil narin sa bigat ng buhat buhat nitong puno.

Nang papatumba na ang bakulaw ay sinalubong ito ni casey ng napaka lakas na pag sipa ng dalawang beses sa panga nito dahilan para mawasak ang bagang at gilagid ng bakulaw dahil sa pag baon ng sariling mga pangil.

Kasabay ng pagbagsak ng bakulaw sa lupa ang pagpanaw nito dahil sa pag tusok mula sa mata diretsyo sa utak ng isa nitong malaki at mahabang pangil.

Sa pag bagsak ng bakulaw ay tinignan pa ito ni casey kong tatayo paba ito dahil kong lalaban pa ito ay gagamitin na ni casey ang mga sinulid nya para pag pirapirasuhin ang bakulaw.

Pero dahil sa hindi na ito gumalaw pa ay laki naman ang pagpapasalamat ni casey dahil sigurado si casey na hindi nya mapipigilan ang sarili na gamitin ang mga sinulid resulta ng brutal na pagkamatay ng bakulaw na syang iniiwasan namang gawin ni casey, ang maging brutal pa.

Muli ay nagpatuloy sa paglalakad si casey at sa ilang minuto nya pang paglalakad ay dito nakalabas na sya ng gubat at malinaw na natanaw ang bangin.

Matagal ding hindi nakita ni casey ang kaibigan hindi na nya maalala kong ilang linggo na ang nakalipas kaya matapos matanaw ang bangin ay tumakbo na si casey at nang makarating na sa dulo ng bangin ay agad na naupo itong si casey at tinawag na ang kaibigan.

Sa pamamagitan ng pag sipol gamit ang dalawang kamay sa tig dalawang daliri na ipapasok sa bunganga dahilan para makasipol ng malakas ay tinawag nya ang kaibang matalik.

Hindi naman nasayang ang pag punta roon ni casey dahil pagtapos na pagtapos nitong sumipol ay agad ngang lumitaw sa mismong tabi nya ang "spiritong kaibigan" na si "Cedric Giasenvic".

Si Cedric ay isang spirito na hindi maalala ang nakaraan nito at kong ano ba sya sa mundong iyon kong sya ba ay tulad nila casey na galing sa totoong mundo na namatay doon at naging spirito o isa sya sa nilalang sa mundong iyon.

Sa pagkakatanda kasi ni casey ay sa ilang taong pamumuhay ni casey sa mundong iyon ay si cedric palang ang spiritong tao na nakilala at nakita ni casey.

Di tulad sa mga spirito sa dungeon at gubat na mga spirito ng halimaw at demonyo, bukod pa roon walang kahit anong nababalita na may nakitang spirito ng taong namatay doon.

kaya kahit si cedric na kaibigan ni casey ay isa sa malaking katanungan sa isipan ni casey at maging si cedric sa kanyang sarili ay isang malaking katanungan din.

Sa pagkikita ng dalawa ay talaga namang mababakas sa ipinapakita nilang mga ngiti ang kasiyahang masilayan ang isat isa.

Masasabing kong may inaasahang kaibigan si casey na talagang nagpapasaya sakanya ay walang iba kundi si cedric na ito.

Naikwento ni casey ang lahat nang nakalaban nilang mga halimaw ng mga elders sa ginawang excavation quest sa dungeon, na syang ikina manghang mangha naman si cedric sa mga labang naikukwento ni casey.

Maging ang pag dating ng mga baguhan ay naikwento din ni casey hanggang sa akto kong saan nag ugat ang alitan nila ni vonne ay naikwento rin ni casey kay cedric.

Natawa naman si cedric sa pinag mulan ng away nila casey at vonne at nasabi pa nitong para silang hindi mga elder kong titignan sa mga inasal nilang iyon.

Sa mga sinabi naman ni cedric ay natawa rin si casey at napasagot nang "Oo nakakatawang talaga, dahil napaka babaw na bagay lang noon para pagmulang alitan".

Sa punto namang iyon matapos mag salita ni casey naitanong naman ni cedric kong ano ang dahilan nang pag punta doon ni casey sakanya.

Sinabi naman ni casey na bukod sa matagal tagal na silang hindi nakakapag kita ay mas gusto ni casey na ubusin ang oras nya sa pakikipag usap kay cedric habang inaantay ang tamang oras ng paghaharap nila ni vonne.

Samantala nang matahik pareho si casey at cedric sa pag uusap ay dito naalala naman ni casey ang mga bagong talata.

Agad namang natanong ni cedric kong ano ano ang mga ito at sinabi naman itong lahat ni casey.

[sa pag uusap ni casey at cedric]

Casey: Ang mga bagong talata ay "pagka silaw sa araw, tatlong libro, susi sa huling piit, planado na mula, mga taong lalaban, ala-ala lamang an, pagka himlay ng mga hari, pitong demonyo na nagh, kamatayan ang susi sa mga, paggising ay magaanyong isang malaking dra". Marami rami ang nakuha naming mga piraso ngayon kumpara sa mga nakaraang buwan bukod pa roon walang napinsala sa amin kahit pa lubos na mas malalakas ang nakalaban namin sa dungeon.

Cedric: sa nakikita ko ay parang malayo layo ang mga talatang iyon kung ihahambing sa mga naunang pahina ng libro na nabuo na ninyo.

Teka nga! nagtataka kapa at walang napinsala sainyo gayong buo kayong pitong elders na pumasok sa dungeon! Alam mo casey sa taglay nyong lakas ay talaga namang wala nang mapapahamak pa sainyo.

Casey: kahit naman mag kakasama kami ay hindi rin naman kami nagtutulungang buo sa loob, ang pakiramdam ko panga pag kasama ko sila ay para akong nasa paligsahan kong saan pagalingan ang labanan.

Tungkol nga pala sa mga talata. talagang malalalim ang nakuha naming mga salita ngayon, sa totoo nga ay napapaisip ng malalim ang hari ngayon matapos marinig ang piraso na naglalaman ng "pagkahimlay ng mga hari".

Cedric: pagkahimlay ng mga hari. (natahimik, natulala at nakaramdam ng lungkot)

Casey: Oo...

Teka!? atos kalang ba ced?

Cedric: may naalala lang akong isang bagay. Sya nga pala hindi ba at magkikita kayo ni vonne? Masmaganda siguro kong maaga kayong makakapag harap para naman makauwi karin ng maaga at magabayan mo sa mundong ito ang babaeng inuwi mo.

Casey: pinapaalis mo naba ako, minsan nalang tayong magkita eh.

Cedric: hindi naman alam ko kasi na may masmahahalagang bagay kang dapat gawin. Kahit kelan naman ay pupwede mokong bisitahin dito, saka ano kaba dahil isa akong ispirito kayang kaya ko takasan ang oras. Ang huling pag punta mo dito sakin noon ay parang kahapon para sa akin hahaha.

Casey: sabagay. Pero tama ka, sa totoo lang ay wala pa talaga akong pahinga at tulog mula nang pumasok kami sa dungeon. Malamang ay napaka sasarap na ng tulog ng mga elders ngayon pwera nalang sa amin ni vonne na parehong inaantay ang isat isa.

Cedric: kita mo na kaya sige na casey bumalik ka nalang kapag mas maluwag na ang oras mo.

Masaya talaga ako ngayon at pumarito ka at binahagian mo pa ako ng mga bagong balita sa kaharian nyo. Masaya akong marinig ang lahat ng mga naikwento mo casey.

Casey: masaya din ako ngayon namakita ka ced.

Matapos magsalita ni casey ay agad nang nawala si cedric, tumayo naman na si casey at naglakad papabalik sa stella kingdom.

Habang papaalis sa bangin at papasok na sa gubat ay dito muling inalala ni casey kong sino at ano ngaba si cedric sa buhay nya at ganoon nalang ito kalapit sakanya at nagagawa nyapang ibahagi dito ang ilang importanteng bagay ng kaharihan tulad nalang ng mga bagong talata.

Dahil halos lahat at ng nasa libro ay nakukwento ni casey kay cedric at komportable naman si casey sa ginagawang iyon na sabihin kay cedric ang ilang mga importanteng bagay.

Muli habang naglalakad pabalik ay dito na inalala ni casey kong paano ngaba sila nagkakilala ni cedric at bakit mahalaga sakanya ang kaibigang iyon.

[Ala-ala ni casey]

Matagal nang magkaibigan si cedric at casey kong totousin ay kong hindi dahil kay cedric ay baka matagal nang patay itong si casey, hindi pa elder si casey ay nagkakilala na sila ni cedric.

Ilang taon na ang nakalilipas at hindi pa ganoon ka ligtas sa "villa"(bayan) ng Stella Kingdom, malaya pang nakakapasok ang ibat ibang uri ng halimaw at malayang nanggugulo sa bahay bahay para maghanap ng makakaing tao.

Kaya kong hindi ka maingat sa mga panahong iyon ay hindi ka tatagal at magiging laman tiyan ka ng mga gutom na halimaw gabi gabi.

Si casey ay isa sa tinatawag na "Stella Vagrant" nang mga panahong iyon.

Ang Stella vagrant ay ang mga taong wala pang permanenteng katungkulan, mga walang trabaho sa bayan at wala silang mga bahay kaya pagkalipas ng gabi ay kanya kanyang nagsisitaguan ang mga ito sa mga iskinita, sa mga matataas na puno, ilalim ng damuhan at minsan pa ay pinag kakasya ang mga sarili sa mga bariles para lang doon makapagpalipas ng gabi at makapagtago.

Ang stella vagrants ay ang mga nangangaso para makakain pero kadalasan ay sila ang nagiging pagkain ng mga halimaw sa umaga. Minsan narin silang naituring na peste ng mga kaharian dahil sa ang ilan sa mga ito ay nagagawang makapag nakaw sa mga tao sa bayan na may angat sa buhay.

Tulad ng mga negosyante o mga taong nabigyan ng hari na lupain para makapag tanim okaya ay makapag alaga ng hayop.

Ang mga iyon ang syang kilala lang noon na nakakaangat angat dahil sila lang din ang kakayahan makipag palitan ng kalakal sa ibang kaharian at makapag ipon ng pera.

Samantalang ang mga vagrant naman ay etsyapuwera sa hari, dalawa lang noon ang paraan para mapansin ka ng hari una ay magpakita ka ng malakas na kapangyarihan at doon ay huhusgahan ka ng hari kong karapdapat kaba maging elder.

Kong hindi naman ay hindi iyon masasayang dahil pupwede ka maging isa sa guardya ng kastilyo o kaya naman ay magrehistro ka bilang isang hunter ng Stella kingdom.

Pero dahil mapanganib din ang maging hunter ay ang karamihan ay mas pinipiling maging guardya nalang ng kastilyo.

Ang mga hunter kasi ang mga taong naatasan para gumala sa labas ng kaharian at syang papasok sa mga gubat at maghahanap ng pagkukuhanan ng mga pangunahing kakaylangan ng kaharian.

Tulad ng pagkuha ng gulay, prutas, at halamang gamot. Maging ang paghuli din sa mga hayop na gagawing alaga sa sakahan ng kaharian ay trabaho din ng hunter.

Bukod pa roon bilang hunter ay hindi imposibleng wala kang makaharap na halimaw sa umaga kaya talagang may mga kapangyarihan ang pinipili maging hunter bukod pa roon ay minsan makakalaban mo rin ang ibang hunter na mula sa ibang kaharian.

Pero ang maging hunter ay binibigyang katumbas naman ng hari tulad ng matatas na sahod at minsan ay mga ari arian at lupain.

Ang mga sahod ng hunter ay di hamak na mas malaki kumpara sa mga guardya sa kastilyo ng hari.

Ang pangalawang bagay naman para mapansin ka ng hari ay pakitaan mo ang hari ng kakayahan o talino para magpatakbo ng isang bagay na makakatulong sa villa ng kaharian tulad ng negosyo at iba pa.

Pero dahil sa marami na ang nakagawa ng negosyong pagtatanim at pag aalaga ng hayop ay naghahanap na ang hari ng iba pang matatalinong tao na makakapagpatakbo ng ibang bagay.

Doon din naglabasan ang ibat ibang negosyo tulad ng negosyo sa pag gawa ng armas para sa mga elder at hunter at iba pang mga negosyo ang nagsilabasan tulad ng patahian ng damit, kainan, hentahan ng kabayo at marami pang iba.

Dahil sa gantong mga bagay ay dumarami din ang nabibigyang trabaho dahil sa mga ganoong negosyo at nagagawa rin ito ng ibang kaharian dahil sa patuloy na pagpapalitan ng kalakan kaya halos sabay sabay lang kong magsilaro ang mga kaharian.

pero kahit ganun ay minsan ang mga negosyate ang namamatay at nakakain ng mga halimaw na syang nakakapasok sa villa bukod pa roon ay mataas din ang bilang ng mga hunter na namamatay gayun din ang mga guardya sa kaharian dahil sa mas maraming halimaw ang naaakit sa kastilyo dahil sa tayug at liwanag nito.

Talagang malayang nakakapasok ang mga halimaw sa villa at kaharian dahil di naman magawang makatulong ng mga elders noon dahil sa pag poprotekta nito sa kastilyo at sa hari.

Dahil nga sa mas kaakit akit ang kaharian ay kadalasan dito pumupunta ang mga malalakas na uri ng halimaw kaya naman naroon lang ang mga elders para mag bantay at sa panahong iyon tatatlo palang ang elder ng stella kingdom.

At ito ay sina:

Jin Genzo Esu (Sapphire Stone Elder)

Ming Touru Dingbang (Amber Stone Elder)

Anne Fian Lontoc (Citrus Stone Elder)

Dahil din sa pag protekta sa kaharian at sa hari ay minsan lang ang mga elder kong makapasok noon sa dungeon at kadalasan ay isa isa pa sila kong pumasok doon na lubha namang delikado para sa mga elders.

Lahat ng kaharian ay pare pareho ng problema kaya naman mas pinagsisikapan ng mga hari noon na mabuo ang pitong elders nila dahil kapag nakompleto ang pitong elders ay makakahinga ng maigi ang kaharian at alam ng hari na mas mapapadali na ang lahat kapag nakompleto nila ang mga ito.

Paripareho ang mga kaharian noon na wala pa silang pake sa mga taong napapadpad doon, ang hari ay wala pang pakialam sa lahat ng kanyang nasasakupan at tanging ang iniintindi lang nito ay ang pag buo at pag hanap sa mga elders.

Kaya naman sila casey noon na isa sa mga stella vagrant ay parang mga taong nag aantay nalang ng kanilang katapusan sa mga kamay ng halimaw.

Ilang buwan mula ng mapadpad si casey sa mundong iyon at gabi na noon nang inaka na ni casey na iyon na ang katapusan nya matapos sumugod ang malaking grupo ng mga vampira sa villa.

Ang grupo ng vampira na iyon ay nadaanan lang ang stella Kingdom dahil papatungo ang mga ito sa digmaan laban sa mga asong lobo sa downfall forest.

Kaya naman napaka nakakakilabot ang gabing iyon sa kaharian para sa mga tulad ni casey na mga vagrant na walang tahanan.

Dahil maaari kang makaligtas sa mga vampira at hindi ka nito masasaktan kapag ikaw ay nasa loob ng bahay dahil makakapasok lang ang mga vampira kapag inimbitahan mo silang pumasok sa bahay na iyon.

Kaya silang mga vagrant na walang mga tirahan ay isang malaking handa para sa mga vampira nang gabing iyon.

Dahil gabi ay takot din ang ilan na tumakbo sa gubat dahil naroroon din ang ibang uri ng halimaw kaya naman halos mangalahati ang vagrant noong panahon na iyon.

Si casey naman ay tulog na bago pa sumalakay ang mga vampira, nagising lang ito sa mga sigawan ng mga pinapatay na biktima ng mga vampira.

Nang makita ito ni casey ay dala narin ng kanyang pagpapanik ay napatakbo nalang si casey ng walang direksyon bukod pa roon ay may humahabol din sakanyang isang vampira.

Dahil sa takot ay mas pinili nalang ni casey na tumakbo sa kagubatan na tila ba nakalimutan na nya ang panganib sa gubat kapag disoras ng gabi.

Sa kakatakbo ay dito nakasalubong nya ang isang malaking halimaw na may napaka lalaking mga paa at may pulang pulang mga mata.

Tila nakatitigan ito ni casey at si casey naman ay tila nawalan na ng kontrol sa katawan dahilan para patuloy lang itong tumatakbo habang nakatitig sa halimaw.

Dahil sa mga pulang matang iyon ng halimaw ay nablangko ang isipan ni casey at patuloy nalang syang tumatakbo habang tulala at dilat ang mga mata na wala manlang kahit anong pagkurap.

Sa tuloy tuloy na pagtakbo ni casey ay nalagpasan lang nya ang halimaw samantalang ang vampirang syang humahabol kay casey ay ang syang dinampot ng halimaw at buo nitong nilamon.

Tulalang tulala naman si casey na nawala sa katinuan dahil sa labis na takot na naramdaman matapos matitigan ang pulang mata ng halimaw.

Sa kakatakbo ni casey at dahil din sa dilim ng gubat ay dito na sya napatid sa malaking bato at nadapa at sa pagka dapa ay doon nagkamalay si casey.

Napaka dilim sa gubat na iyon dahil sa tataas ng puno na tinatakpan ang liwanag ng buwan dahil sa kapal ng at pagka lago ng mga dahon nito.

Alam ni casey kong gaano kadelikado at ka kilakilabot ang lugar na kanyang tinakbuhan.

Dahan dahang tumayo si casey at naglakad at sa pag lakad nyang iyon nagsimula ang nakakakilabot na nyang karanasan.

Dahil sa dilim ay hindi alam ni casey kong saan nararapat na dumaan bukod pa roon ay nakakarinig din si casey ng mga kaluskos sa paligid at tila mga tunog ng tila nagsasalita ngunit hindi nya maintindihan.

May sumisitsit din sakanya at minsan pa ay parang nasa tenga na nya ito kong sumitsit, patuloy lang na naglakad si casey dala ang pangingilabot at takot.

Bukod pa roon ay pinapakiramdaman nya ang sariling katawan dahil baka bigla na lamang na may kumagat o kumalmot sakanya.

Sa takot ay pinag papawisan na ng malamig si casey at naluluha dala ng kilabot na nararamdaman, patuloy lang na naglalakad si casey nang sa di kaayuan ay narinig nya ang nakakakilabot na sigaw ng isang babae.

Sa kilabot ng sigaw ay mabilis na nagtauan ang balahibo ni casey at dahil dito napatakbo si casey ng mabilis at habang tumatakbo ay rinig na rinig ni casey ang tila mga humahabol sakanya na sinisigurado ni casey na mawawalan syang malay sa takot kapag sinubukan nyang tignan ang mga ito.

Pero dahil sa pag aalala na baka madapa muli ay tinalasan ni casey ang paningin sa kanyang dinadaanan at dito nasulyapan ni casey ang isang liwanag na isang tila ilaw.

Dahil sa kagustuhang makaligtas ay agad nyang inisip na ang liwanag na kanyang nakita ay nagmumula sa isang lampara o di kaya ay ilaw sa isang bahay kaya agad nyang sinundan ang ilaw na kanyang nakita.

Nang malapit na si casey ay dito nya naaninag na ang nagliliwanag na iyon ay tila ba parang isang tao kaya nang mapansin ito ay mas lalong binilisan ni casey ang pag takbo at nilapitan ito pero nang malapit na si casey dito ay bigla nitong nilingon si casey at biglang nawala.

Matapos makitang mawala ng taong iyon sa paningin ni casey ay doon na napahinto sa pag takbo si casey at huli na ng mapansin nya kong bakit nagliliwanag ang taong iyon at doon din nya napagtanto na maaaring isang multo iyon.

Matatakot muli sana si casey sa kanyang naisip pero dito rin nya napansin na nakalabas na sya ng gubat at dito sinisinagan na sya ng liwanag ng buwan.

Nag lakad pa ng kakaonti si casey at doon nya nakita na nasa bangin na pala ang parteng iyon pero ang baba ng bangin ay isang napaka lawak na dagat.

Sa takot na baka mahulog ay naglakad nalang muli si casey hanggang sa matagpuan nya ang dalawang malaking magkapatong na bato at sa ilalim naman ng mga batong iyon sya naupo at dina namalayan na makatulog si casey dahil sa puyat at dala narin ng pagod sa kakatakbo.

Nagising si casey dahil sa gutom at pagkagising ay dito nya nakita na umaga na, medyo ligtas na kumpara sa gabi pero di parin maipagkakaila na may mga halimaw sa gubat kaya hindi parin makakabalik si casey.

Makakigtas kaya si Casey sa pag punta niya sa bangin na iyon?

Abangan sa susunod na kabanata ng Internal|Sin.

.

Follow us on IG to get notified on every updates and post of Character Design and Concept Art of this Story.

.

You may see the characters of Internal Sin on Instagram.

IG:@nammemmy

.

Two chapters per week, publishing time is on every Saturday and Sunday 12:00 am (PHT).

nammecreators' thoughts
Bab berikutnya