webnovel

Chapter Six

"Ilang taon ka na?" nakapangalumbabang tanong ni Dolly habang pinagmamasdan ang mukha ni Autumn.

"16." maikling sagot nito. Nakikipatitigan din sya kay Dolly.

"Shota mo ba si Vergel?" tanong nito.

"Shota?"—Autumn.

"Shota, mag -girlfriend—boyfriend. Kachukchukan."—Dolly.

"Ante Dolly!" saway ni Vergel na kasalukuyan naghuhugas ng pinggan.

"Hindi ko sya shota at hindi ko sya kachukchukan." masyado nang moderno ang mundo para maintindihan agad ni Autumn ang nga ganung klase ng pananalita.

"Wee? Trulaley?.."—Dolly.

"Ante Dolly wag nyo nga binibiro yan ng ganyan."—Vergel.

"Ini-interview ko lang naman 'tong girlfriend mo."—Dolly.

"Hindi ko nga po sya karelasyon."—Vergel.

"Ay oo naman. Hindi ako nagtataka."—Dolly.

"Ha?"—Vergel.

" Ang ganda ng batang 'to para pumatol sayo."—Dolly.

"Grabe naman."—Vergel.

"Oh bakit?!"—Dolly.

"Wala po."—Vergel.

"Sino nga ulit nanay mo?" tanong nya. Maya-maya'y lumapit na din si Vergel na may dalang tinimplang kape para kay Dolly. Tumabi siya kay Autumn para marinig nito ang isusunod nitong dapat isagot sa mga tanong ni Dolly.

"Si Eva."—Autumn.

"Sinong Eva iyon?"—Dolly.

"Uhm.. Yung.. yung kaibigan po ni nanay na katulong din." nakangiting sabi ni Vergel.

"Parang hindi ko pa iyon nakikita ah." Patagong kumumpas si Autumn para ipasok sa isipan ni Dolly na magkakilala sila ni Eva. Kahit na nga ang totoo'y hindi.

"Ah!. Oo."—Dolly. Saka nito nininom ang kape na tinimpla ni Vergel.

"Hehehe..."—Vergel/Autumn.

"Sigurado ka bang yun ang nanay mo?"—Dolly.

"Bakit naman hindi?"—Autumn.

"Eeh hija, ang ganda mo para maging anak ni Eva."—Dolly.

"H..ho?"—Autumn.

"Eeh parang girl version iyon ni Babalu. Nagaalala nga ko doon kapag nayuko eh.Hahaha."—Dolly.

"AAHAHAHAHA!" humagalpak din ng tawa si Autumn.

"Bakit ka tumatawa?" pasikretong tanong ni Vergel kay Autumn.

"Eh nakakatawa yun eh. Hahahaha."—Autumn.

"Alalahanin mo, nanay mo si Aling Eva." bulong ni Vergel.

"Aba bastos ka ah!" biglsng bago ang mood ni Autumn nang maalala na dapat nga pala hindi sya natatawa.

"Nakuu.. ayos lang iyan hija. Tanungin mo nalang si Eva kung sino ang mga tunay mong magulang. Hahahaha."—Dolly.

Hindi na kumibo si Autumn kahit na nga ang toto'y gusto nya pang tumawa.

"Bueno, Vergel, nagpaalam ka na ba kay Eva? Baka mamaya mamalayan ko nalang may blotter kana sa barangay. Ayoko ng iskandalo ah."—Dolly.

"Ante Dolly naman."—Vergel.

"Sasamahan po ako ni Vergel sa school nila. Doon ako mag aaral." halos mabulunan si Vergel sa sinabi nito.

"Ha?"—Vergel.

"Sa Momentum High? Afford ba doon ng mama mo?"—Dolly.

"Maga-apply po ako ng scholarship."—Autumn.

"P..pero."

"Nakatanggap po ako ng invitation galing doon." biglang may inikabas na white envelope si Autumn at mayroon itong tatak mula sa kanilang paaralan. Bahagya pang tumingin si Vergel sa likod ni Autumn sapagkat hindi niya alam kung saan nanggaling ang envelope.

"Ganun ba?.. siguro matalino ka." kinuha ni Dolly ang envelope at binasa ang nasa loob.

"Napakaswerte naman ng mga magulang ninyo. Pareho kayo ni Vergel. Naalala ko tuloy noong sadyain pa ko ni Ester sa trabaho para lang sabihin na nakatanggap si Vergel ng scholarship." ani Dolly.

"Ang bait ng mama niya diba?"—Autumn.

"Ay sobra."—Dolly.

"Pano po kayo naging magkakilala?"—Autumn.

"Taga probinsya kasi ako. Naloko ako ng illegal recruiter. Syempre, ignorante sa city kaya naloko ako ng madaming beses. Dumating ako sa point na muntikan na ko magbenta ng laman."—Dolly.

"Oo nga. Ang mahal pa naman ng karne ngayon."—Autumn.

Napayuko na lamang si Vergel sa sinabi ni Autumn.

"Sure kang saiyo itong invitation na ito?"—Dolly.

"Opo."—Autumn.

"Ano na po nangyari?"—Vergel.

"Gutom na gutom ako n'on. Binalak ko siyang nakawan pero nahuli nya ko. Imbis na magalit o isumbong ako sa pulis, pinakain nya pa ako. Pagkatapos n'on palagi na nya ko dinadalahan ng pagkain."—Dolly.

"Ang bait talaga ni Ester."—Autumn.

"Ha?"—Dolly.

"Nanay Ester." Pinandilatan sya ng mata ni Vergel at pilit na nag ngitian.

"Ang sarap ng niluto ni Ante Dolly ah. Anong tawag don?" Hinihimas himas nya pa ang kanyang tiyan habang nalakad palayo sa bahay ni Dolly.

"Teka nga lang, bakit ka papasok sa school?"—Vergel.

"Nababagot ako eh."—Autumn.

"Madami namang school dyan bakit yung inapasukan ko pa?"—Vergel.

Tinitigan lang siya ni Autumn ng masama pero parang may sumuntok sa tiyan niya. Kulang na lang ay mapaluhod siya. Tiningnan niya si Autumn ngunit hindi naman ito naaalisa sa kaniyang pwesto.

"May problema ba?" seryoso at garalgal na tanong ni Autumn.

"W..wala.." halos masuka siya sa ginawa nito.

"Papasok ako doon. At walang makakapigil sa akin. Naiintindihan mo ba ako, alipin?"—Autumn.

" *coughing* V..ergel ang pangalan ko."—Vergel.

A falling leaf from a tree blocked his eyes, so he was unaware of Autumn's sudden departure.

Bab berikutnya