"Please, come in!" dinig kong sabi ni Sir Theo mula sa loob ng office niya. Humugot muna ako saglit ng isang malalim na hininga saka ito binuga. Sobra akong kinakabahan. Nanginig pa nga ang kamay ko nang katukin ko 'yong pinto, eh.
I decided to open the door na and there I saw him signing some papers on his table. Anak ng kabayo! Napakaguwapo talaga ni Sir Theo. May ganito pala talagang nilalang na nabubuhay sa mundo, ano?
Natigilan siya sa ginagawa niya nang mapatingin sa akin. Nagkatitigan kaming dalawa. Agad akong napalunok ng laway. My heart jolted in extreme nervousness. Para akong matutunaw sa titig niya. Bigla yatang nangatog ang mga tuhod ko. Sobra ring nakakalaglag ng panty si Sir Theo. Kahit sure naman akong tight 'yong strap ng panty ko, parang mahuhulog pa rin. Kung nakakalaglag ng panty 'yong lalaking nagtanong sa 'kin kahapon tungkol sa dumi ng likod niya, mas nakakalaglag ng panty itong lalaking kaharap ko ngayon.
Now I would have to ask myself, makakapagtrabaho kaya ako nang mabuti rito if siya ang magiging boss ko?
"Miss?"
I snapped out at my own thoughts when I suddenly heard him speak. I was spacing out na pala sa sobrang paghanga sa kanyang kakisigan.
"I said, have a seat here," sabi niya, gesturing me to sit on the chair na nasa harap ng office desk niya.
Mabilis naman akong tumango at tumungo roon at naupo. Gosh! Nakakahiya. Baka isipin niyang masyado akong napatitig sa kanya kaya hindi ko siya narinig na nagsalita. Baka isipin niyang nagkakagusto agad ako sa kanya. Well, totoo naman. Matagal na nga, eh.
"Good morning ulit, Sir Theo," I greeted, smiling shyly.
"What's your name again?" he asked.
Napatikhim muna ako bago sumagot. "Alicia Salaveria po." I beamed.
"Alright, Miss Salave—"
"You can call me 'Alice' na lang po para hindi kayo mahirapan. Mahaba kasi 'yong last name ko," singit ko sa sasabihin niya saka sumilay ang ngiti sa aking mga labi.
"Alice..." He nodded. "Okay, Alice. So, I will discuss to you the important matters about our meeting with THEPS Group later... this afternoon," he added.
Tahimik lang akong nakikinig nang simulan na niya ang mga mga sinasabi niya. Napapangiti pa ako. His voice... ang manly. Ang sarap sa mga tainga ko. Napapaisip tuloy ako kung gaano kapogi 'yong boses niya kapag kumanta. Iniisip ko pa lang, lumulutang na ako sa ulap sa sobrang kilig. Nagra-rambulan bigla 'yong mga bulateng pasaway—este, nagliliparan 'yong mga paru-paro sa tiyan ko.
"Uhm, are you okay, Miss Alice?"
"H-ha?" ang biglang lumabas sa bibig ko nang tanungin niya ako. Anak ng kabayo! Hindi na pala ako nakikinig. I was lost because of his voice.
"Well, I guess that's all, Miss Alice. I'm dismissing you. You can take your lunch now," tugon niya.
"Okay, Sir," I replied. Patay! Ano ba 'yong mga sinabi niya sa 'kin? I swear hindi talaga ako nakinig.
Bigla naman siyang tumikhim saka nagsalita ulit. "After you've had your lunch, balik ka agad dito sa office. May gagawin tayo saglit. And after that, sabay na tayong pumunta sa conference room."
Ako naman na naglo-loading pa sa sinabi niya, agad na napatangao. "Okay, Sir." I smiled again saka tumayo. I was about to leave na pero napansin kong bumalik siya sa pagsa-sign ng papers at nagta-type sa keyboad ng laptop niya. "Hindi pa po ba kayo magla-lunch, Sir?" nag-aalalang tanong ko.
Tumingin muna siya sa 'kin na parang sinusuri ako saka siya tumugon. "Why did you ask?"
"Eh, baka bigla po kayong gutumin mamaya sa meeting. Saka naghihintay po 'yong food sa inyo," turan ko. Sana ako na lang pala 'yong food na naghihintay na kainin niya. Ang sarap naman. Pak na pak!
"Don't worry, I'm used to it. Leave now," utos niya.
Oh, sige. Alis na 'ko. Pansin ko pa na bago ko isara 'yong pinto, eh, napalingon siyang muli. Iniwan ko na sa desk ko 'yong mga hawak kong bagay. Bumaba na rin ako thru the elevator. Pagbukas naman ng elevator ay agad akong napahawak sa dibdib ko sa kaba.
"Nakakainis ka talaga!" I lashed out at Louisse nang siya agad 'yong bumungad sa harap.
She pulled me out of the elevator at nilantakan ako ng mahigpit na yakap. Humalakhak pa ang bruha. "Na-miss kita, siszt!" Bumaklas na siya sa pagyakap sa 'kin at naglakad palabas ng building.
"So, kamusta ang pag-apply mo? In-interview ka ba? Hired ka na? Magkakasama na tayo sa Marketing Department? Nagkita na kayo ni Sir Theo mo? Ang hot niya, 'di ba? Dali na! Magkuwento ka na, siszt!"
"Bruha ka! Pa'no ba kita masasagot agad? Eh, sunud-sunod 'yong mga tanong mo?" I scowled.
"Excited lang ako, siszt!" Humagikhik siya. "So, ano nga 'yong nangyari? I'm sure meron. Nandito ka pa rin, eh!"
Bigla akong napangiti nang pagkalapad-lapad. Hindi pa rin ako makapaniwala.
"Uy, uy, uy! Abot hanggang langit ang ngiti mo, ah? Alam ko ang ngiting 'yan! May nangyari talaga! Sabihin mo na kasi! Kurutin kita sa singit, eh!"
I took a deep breath muna before I answered her. Sasagot na sana ako nang hampasin niya ako bigla.
"Aray naman! Atat na atat ka, ah?"
"Ang tagal mo kasi, eh!"
"Sasabihin ko na nga, eh! So, ito na nga."
"Sige, sige!" She was waiting.
"Sir Theo hired me as his new secretary!" I stated.
"What?! Did I hear it right?! New secretary ni Sir Theo?!" hindi makapaniwalang sigaw niya.
"Oo, siszt!" sagot ko na pasigaw rin at sabay kaming tumili sa sobrang tuwa. Naghawak-kamay pa kami at nagtatalon-talon dahilan para matuon sa amin ang atensiyon ng mga taong nasa labas na nakasaksi at nakarinig sa aming dalawa.
Nagyakapan kaming dalawa at bigla na lang kaming napasigaw nang malakas nang makarinig kami ng busina ng saksakyan na sobrang lapit lang pala sa amin. Doon lang namin na-realize na nasa kalsada na pala kami.
"Hoy! Kung ayaw ninyong masagasaan, umalis na kayo riyan! Bilis! Nagmamadali ako! Mga malanding 'to!" sigaw sa amin ng isang lalaking may-ari ng sasakyan. Nakadungaw pa siya sa bintana ng kotse niya.
"Naku, Kuya! Sorry po! Aalis na po kami!" hinging-paumanhin namin sa lalaking umuusok na 'yong ilong sa galit.
Madali naming tinawid 'yong kalsada para makapunta sa kabila kasi naroon 'yong karinderyang kakainan namin ni Louisse.
Sabay kaming natawa sa katangahan namin.
"Bruha ka! Ikaw kasi, eh! Sobrang atat!" reklamo ko na sinagot lang niya ng hagikhik.
Pumasok kami sa isang karinderya na malapit lang sa building ng CFIL. Habang hihinintay muna namin 'yong food na binili namin, kinuwento ko na sa kanya ang lahat ng nangyari.
"So, walang sex na nangyari sa inyo ni Sir Theo? Kahit quickie lang, wala?" bigla niyang tanong na ikinagulat ko.
Hinampas ko siya sa braso. "Huwag ka ngang maingay. Baka marinig ka ng iba, eh. At saka, ano'ng klaseng tanong 'yan?"
Tinawanan lang niya ako. At dumating na 'yong pagkain namin. Panay daldal si Louisse na nasa tapat ko.
"Sabi ko sa 'yo, eh. Kung matagal ka na sanang nag-apply sa CFIL, eh 'di, matagal ka na rin sanang empleyado roon."
"Pero, siszt, parang sinuwerte lang talaga ako ngayon. Kasi nag-resign daw bigla 'yong dating secretary niya, eh. Kaya ako na-hire bigla roon sa elevator pa lang."
"Alam mo, siszt, paiba-iba talaga ng secretary 'yang si Sir Theo. Kinuwento ko na sa 'yo dati. At 'yong si Ericka, 'yong babaeng pinalitan mo ngayon, naku! Sobrang maldita ng babaeng 'yon. I'm sure na maraming matutuwa na nag-resign na pala siya. Akala mo kung sino. Tapos, kung makadikit pa kay Sir Theo, akala mo siya 'yong jowa." Louisse rolled her eyes.
"Ah, basta. Pagkakataon ko na 'to kaya grab the opportunity na. Sabi ni Miss Claudine kanina, siya na raw ang bahala sa pag-aasikaso ng application ko rito kapag mabuti 'yong outcome mamaya. Magiging official secretary na ako ni Sir Theo."
"Aysus! Bruhang 'to, oh! Umarengkengkeng ka na talaga!" she teased kaya natawa ako. "Basta, ha? Dapat sabihan mo ako sa mga kaganapan sa roon sa office. Lalo na 'yong pagme-make love ninyo," pahabol pa ng bruha sabay pigil na tumili.
Napailing na lang talaga ako sa loka-lokang 'to. Pagkatapos namin, nasa 10th floor na kami. Narito kasi 'yong office ni Sir Theo sa 10th floor. 'Yong kay Miss Claudine naman 'yong nasa 12th floor. Nagtaka naman ako kung bakit nakasabay ko si Louisse ngayon sa 10th floor.
"Nasa 10th floor din kami, siszt," nakangising sabi niya na tila nabasa niya 'yong nasa utak ko. "Don't worry, bibisitahin ka namin dito lagi. May ipapakilala rin ako sa 'yong kaibigan. I'm sure na magkakasundo rin kayo no'n. Loka-loka rin kasi 'yon, eh. Pak!"
"Aray naman!" daing ko nang sinadya niyang ibangga 'yong puwit niya sa puwit ko dahilan para mabunggo ako sa pader.
"Naku po, Sir Dexter! Sorry po!" rinig kong sambit ni Louisse.
"Okay ka lang, Miss?"
Napaangat ako nang ulo nang marinig 'yong tinig-lalaking nagsalita. Namilog ang mga mata ko nang makilala kung sino siya. Siya naman ay nakangiti ngayon. So, Dexter pala ang pangalan niya.
Tumingin siya kay Louisse. "It's fine, Louisse," aniya. Binalik naman niya ang tingin sa akin. "Ako nga 'yong kahapon. Miss Alice, tama ba?" saad pa niya na tila nabasa na niya 'yong nasa isip ko.
"Hello, Sir. Opo, Alice nga po," sabi ko naman matapos siyang batiin.
"Magkakilala kayo?" Louisse inserted, confused.
Napakamot naman sa ulo si Sir Dexter at ngumiti na tila nahihiya. "We met yesterday roon sa labas after you left her," sagot niya kay Louisse. "Natamaan ako ng bola kahapon sa likod nang hindi sinasadya kaya pina-check ko sa kanya 'yong dumi. Looks like close kayo, ah?" he added.
"Ah, opo, Sir Dexter. Best friends po kami ni Alice," tugon ni Louisse at sumulyap sa 'kin. "Alice, siya si Sir Dexter Serrano. Siya ang head ng Creative Department."
"Nice to meet you, Sir Dexter," bati ko.
"Dexter na lang itawag n'yo sa 'kin."
"Naku, nakakahiya naman. Head kayo at isa pa, nasa working environment tayo. Dapat lang na 'Sir' ang itawag namin sa inyo," I told him. Tumango rin si Louisse bilang pagsang-ayon.
"Oh, siya. Kayong bahala." He smiled. Anak ng kabayo! Puwedeng-puwedeng ipanlaban 'yong kaguwapuhan niya kay Sir Theo. Pero, lamang pa rin si Sir Theo.
"Uhm, mauna na po ako sa inyo. Baka hinahanap na 'ko ni Sir Theo, eh," paalam ko sa kanila.
"Sige, siszt." Kitang-kita ko 'yong pagngisi ni Louisse kaya pinandilatan ko siya ng mga mata. Baka makahalata si Sir Dexter. Kita ko pa ang pagkunot ng noo niya. Nginitian ko lang siya at mabilis na akong pumasok sa office ni Sir Theo.
My eyes automatically widened when I saw Sir Theo already in front of me. And wala siyang damit pang-itaas kaya kitang-kita ko 'yong ganda ng hubog ng pangangatawan niya. The broad shoulders, the impressive biceps, the muscled chest, the well-chiseled abs—they looked so yummy.
"What are you doing here?" seryosong tanong niya na nagpabalik sa aking ulirat.
"K-kasi sabi n'yo po kanina, after kong mag-lunch, balik agad ako rito."
"Why didn't you knock the door before entering my office?"
Hindi agad ako nakasagot. Totoo naman kasing hindi ako kumatok. Ba't ba kasi nakalimutan ko?
"Next time you enter my office, make sure you knock first. Paano na lang kung nakahubad ako at nakita mo lahat? I bet you don't want that to happen unless..." he trailed, and walked closer, towering over me.
Napaatras ako sa sobrang lapit namin. Labis din ang pagsikdo ng aking dibdib. I almost couldn't breathe. My sweat was starting to exude out my skin.
"Unless you really want to see me naked." He grinned playfully.
"H-hindi, 'no! Asa ka." Napatakip ako ng bibig sa biglang nasabi ko. "Oh, my gosh..." I whispered.
He smirked. At lumayo na siya sa 'kin. Nagsuot na siya ng damit. I fanned myself with my hands. Ang lamig sa loob ng office niya pero pinagpawisan ako. Grabe pala talaga ka-hot itong si Sir Theo. Muntik na akong masunog.
Bigla namang sumagi sa isip ko ang sinabi niya kanina noong before lunch. May gagawin daw kami saglit. Ano kaya 'yon?
"Uhm, Sir... About doon sa sinabi n'yo po kanina na may gagawin tayo saglit—"
He cut me off. "Forget about it. Tinapos ko na lang kanina. Prepare yourself. Pupunta na tayo sa conference room after three minutes."
"Okay, Sir." Agad akong lumabas sa office niya at naupo na sa tapat ng desk ko.
Anak ng kabayo! Ba't feeling ko may pagkasuplado si Sir Theo? He seemed kind noong nagkausap kaming tatlo ni Miss Claudine. Pati na rin 'yong before ako nag-lunch. Pero ngayon, parang may something sa kanya. May pagkamahangin din. Bakit ba kasi siya naghuhubad sa office niya? At saka, puwede naman niyang i-lock 'yong pinto, ah? Feeling niya rin, nagdo-drool akong makita 'yong wholeness niya.
Totoo naman.
Anak ng kabayo! Sino 'yon? Nagsasalita na pala ang isip ko ngayon?