webnovel

Worth It

I always play it safe. For all the things that I will do, I want it to be fail proof. Some call it cowardice, but for me it is awareness. Awareness of my strengths and weaknesses. Awareness of the possible and impossible.

Kaya naman kahit yakap ako ni Joaquin sa ngayon, alam kong may hangganan ito. He's just hugging me, sharing his warmth to calm me down.

"Are you okay now?" bulong niya.

Namumugtong mata ang nakita niya ng tignan ko siya. Pinalis niya ang bakas ng luha sa aking mga pisngi. Tumango ako at iniwas ang aking mukha.

"T-thanks kuya"

He can feel my desire to keep my distance from him. Ganoon pa man, hindi niya ito pinansin. Patuloy pa ding taban ako.

I drew a shaky breath to compose myself.

"What's the problem? Tell me Lil." malambing na sabi niya. Tama na. Please don't give me false hope.

"About Mark." his body tensed. I should just tell him the truth.

Ilang sandali pa ay bumuntong hininga siya, tinitignan ako ng buong seryoso.

"What about him?" naniningkit ang kaniyang mga mata.

"He's not my boyfriend kuya." there. I've said it. I should make everything clear to him.

Halatang may pagdududa siya. Pero kahit ganoon, alam ko sa sarili kong iyon ang totoo.

"Can I ask you something?" tumango ako kahit na kinakabahan.

I can be honest tonight Joaquin. Very, very honest. My heart is overflowing with braveness and confidence. And the wine is to blame.

"Bakit mo ako iniiwasan?" napalunok ako. I tilted my head and looked at him. Nakakunot ang kaniyang noo. Gusto kong iangat ang kamay at abutin ito.

"Don't play me for a fool. Tell me what I have done wrong at aayusin ko." words that we, women, want to hear.

Paano kung kasalanan ko? Paanong aayusin mo? Matagal ng nangyari iyon. When I think of it, natatawa na lang ako. Sinigawan ko dapat siya noong nalaman ko. O kaya sinipa at sinuntok.

I can get physical. Para saan pa ang mga defense lessons na itinuturo ni dad kung hindi ko naman magagamit?

"You told dad. Didn't you?" I smiled at him. Sadly.

"Na ano?"

Does he really has no clue?

"That time. Noong nakita mo kami sa mall ni Georgina. Sa resto."

Natahimik siyang sandali at napaisip.

"With Rafael?" nagulat ako. He can still remember his name? Nag-iwas siya ng tingin. He tensed his jaw.

"Your date. With the man. I mean." he clenched his hands to control his emotion.

Let's say it's a date then. It's a fact na nanood kami ng sine at kumain sa labas. Kung hindi nga date, ano pa ba ang pwedeng itawag doon?

"Yeah. That Rafael." the man who smells like citrus and a little bit of wood. Sometimes I remember someone based on how they smell.

Georgina and Barbara smells like rose and lavander. Joaquin reminds me of mint and chocolate. I feel intoxicated every time he's near me.

"I never talked with Tito about it." he squinted his eyes at me. Tinitimbang ang reaksyon ko.

"You don't need to deny it." subok ko sa kaniya.

"Why are you accusing me of something I didn't do? Is that it, Lilliana? You thought I sold you out?" madiing sabi niya. Halatang galit sa nangyari.

I chewed my lips. He looks like he's not lying. Are you saying it's all my fault?

"Nalaman niya pero hindi galing sa akin." he said icily. Namutla ako. Hindi alam kung bakit ganito. All this time I was caught in a lie that I painted.

"I know that now." I whispered to myself.

See where assuming things brought me. Bumagsak ang balikat ko sa mga nalaman.

"You don't trust me." nasaktan ko siya.

"I'm sorry." I'll make it up to you. Sa dalas ng paggamit sa mga salitang ito ay tila nawalan na ng halaga.

I held his hand and looked at him in the eye. Let my actions speak louder than my voice then.

He sighed.

"You owe me." tumango ako at nginitian siya. I can do everything you want Joaquin. Everything. Ito ang nasisiguro ko.

Hindi ko alam kung sino ang unang bumitaw sa aming dalawa pero pagkatapos noon ay pakiramdam ko may kulang. Pinagsiklop ko ang aking mga kamay para panatilihin ang init na iniwan niya.

Nakahinga ako ng maluwag. Totoo ang lahat. Hindi ito panaginip lang.

I smiled to myself and drifted off to sleep.

We, humans, are funny. We kept saying we'll be contented with what we have achieved. Pero kapag nakuha na ang gusto, may kasunod na naman na iba. It's a never-ending cycle of wanting more.

Nagising na lang ako sa sunod-sunod na katok sa pinto. Sapo ang ulo, pinilit kong bumangon. Pakiramdam ko, kapipikit ko pa lang.

"Lilliana, get up" trust Georgina to be your alarm clock. Minsan naiisip ko kung napapagod din ba siya. She's always on the go.

I sighed.

"Lilliana, kanina pa tumitilaok ang manok! Hindi mo ba talaga ako pagbubuksan?" hindi na siya nakapaghintay pa. Bagong ligong Georgina ang bumulaga sa akin umagang-umaga. Tumutulo pa ang tubig galing sa basa niyang buhok.

"Morning" nag-unat ako.

Ito na pala ang huling araw namin dito. Mabuti na lang at nagawa kong magligpit ng mga gamit kahapon. I don't think I have the time for that now.

"What happened?" saan? Pagtataka ko.

"Parang may iba sa'yo." my heart skipped a beat. I'm not a good liar. Kaya tuwing naiipit ako sa mga ganitong pagkakataon, I opt for the next best thing - diversion.

Nag-init ang pisngi ko ng maalala ang mga nangyari kagabi.

Kuya Joaquin kissed me goodnight. Maybe that's normal dahil iyon din ang ginagawa nila kuya and dad. But my heart is bent on twisting the reality.

"Hey! You're blushing!" tinalikuran ko siya. Give me a break.

"I am burnt." with Joaquin. I know it myself. "Isang linggo akong bilad sa araw."

Umiling lang siya. Hindi gagana ang pagsisinungaling ko sa kaniya. I'm an open book to her.

"Why are you here? Kakain na ba?"

Inilahad niya ang kaniyang kamay. Naghihintay na iabot ko ang hinihingi niya.

"Yes? Sawsaw suka?" biro ko. I tried but I failed.

"Don't even try to joke. Alam nating hindi mo kaya." I pouted my lips. Ganoon ba talaga kabaduy?

We Severinos are serious people. Except my sangko. I guess I'll stick to my thing then.

"Phone" my body froze. Nagising ako sa sinabi niya.

Hinanap ko ito sa mga gamit ko kagabi. Hinalungkat ko na din ang ilalim ng unan at kumot pero wala pa din.

"You can't find it? Pero nasa'yo daw sabi ni Barbara."

"I-I…" I'm sorry? I don't know? Alin ba dapat ang una kong sabihin?

"I think I've misplaced it." I smiled politely hoping I'll find it. I comb through my memory, pero last time I saw it was when we were still drinking.

"Stop joking with me." umiling ako.

Tumakbo siya palabas para hanapin ito. Wala na akong oras para mag-ayos pa. Bumaba na din ako kasunod niya. Sa bilis ng mga pangyayari, hindi ko na namalayan ang aking dinadaanan.

Ouch!

I bumped into someone. Mabuti na lang at mabilis ang reflex ko.

"J-joaquin"

Yumuko ako at tinakpan ang mukha. Ni hindi pa ko nakakapaghilamos o toothbrush man lang. Siguradong gulo-gulo din ang buhok ko. I groaned.

"Saan ka pupunta?" crossing his arms, he blocked my way.

Bakit mabango pa din siya? Pareho lang naman kaming hindi pa naliligo. Lamang lang siya dahil nakapaghilamos na.

"Phone. I mean, hahanapin ang phone ni Georgina." pasimple kong inamoy ang sarili. Have confidence in yourself Lil. The Severinos should always be brave.

"The one with the pink case?"

Tumango ako. Siya ba ang nakakita? Maybe I lost it noong natalisod ako.

"Naiwan mo kagabi. I already gave it to her. Nakasalubong ko siya kanina."

I sighed hearing it. Mapapalitan ko naman ang phone niya kung nawala man. But I know Georgina, nandoon ang diary niya. She loves taking pictures of everything she do. That's why she can't live without it.

Saying goodbye is the hardest part after you had a good time. I fell in love with Palawan. It'll be fun if we move here pero nasa campo pa rin ang puso ko. Sa lugar kung saan madaming sundalo.

"Let's meet again next time." sabi ni kuya kay Joaquin.

"Sige ba. Ako na ang pupunta sa inyo."

"Paano ako?" nakangiting tanong ko.

Tumahimik silang lahat, nagulat sa biglaang pagbabago ng pakikitungo ko sa kaniya. Bigla akong nakaramdam ng hiya pero inisip kong kung hindi ko gagawin ito, baka magsisi ako.

Joaquin curled his lips finding the new me interesting.

"Baka dumalaw din ako sa campo." he reached out. Hinayaan ko lang siyang guluhin ang buhok ko. Kung sila kuya ito ay baka sinuway ko na.

I looked at my friends. Mark is busy with his camera, while Barbara and Georgina are spying on me.

Tinaasan lang ako ng kilay ni kuya. Tinatanong kung ano'ng meron.

Well, I decided to live a little. I'll enjoy for now. Let me suffer the consequences later. Kahit ano'ng tanong nila, wala naman silang mapipiga sa akin.

"Sabi mo yan kuya. Wag mong kakalimutan ang pasalubong ko."

Nakangiti ako sa buong byahe. Inaalala ang ninakaw kong yakap sa kaniya. I can't believe that I acted so brazen in front of my brothers.

"Hayaan mo na yang kaibigan mo." narinig kong biro ni Barbara.

"Nadiligan ata siya sa Palawan." sinimangutan ko sila. Kung anu-ano na naman kasi ang sinasabi.

Pero kung iisipin, this is all thanks to dad. Kung hindi niya ako pinayagan, hindi kami magkakaayos ni Joaquin.

Dad knows best.

Bab berikutnya