Saturday. Maayos na status ng self ko.Bumaba na ako sa sala at nadatnan ko si lolo nagbabasa ng dyaryo.Akala ko hindi n'ya mararamdaman presence ko pero bigla n'ya akong tinawag.
"Lynx, apo."Malambing na saad ni lolo.
"Lo, himala Lynx na tawag n'yo sa akin. Good morning po, Lo".Hinalikan ko s'ya sa noo.
"Apo pagpasensyahan mo na ako, matanda na kasi ako.Pero lahat ng ginagawa ko ay para sa ikabubuti mo lamang. Kaya sana mapagbigyan mo ako. "
"Naku naman lo wala pong problema. Di lang naman po tayo nagkasundo ng nakaraang araw dahil sa Lynux Univ na yan. "
"Pero apo gusto ko doon ka din mag aral."Ayaw talaga magpatalo ni lolo.
"Depende po yun 'lo sa result ng exam".
"Dumating na result ng examination mo apo. "Tumayo si lolo at iniabot sa akin ang envelope.
"Huh, teka lang lo paano n'yo nalaman? "
"May sulat akong natanggap galing sa Lynux University. Kaninang umaga lang yan.Mataas ang result ng exam mo apo. "
Tuwang tuwa ang lolo ko.S'ya ang winner after all. Wala na akong magawa kaya nagkunwari akong natuwa sa result.Ayaw ko kasing makita na malungkot si lolo. Paano na kung di ko na kasama si lolo? Hay ang lungkot na siguro ng buhay ko.Basta simula ngayon hindi ko na kokontrahin si lolo.
Ipinaalam ko kay Maxi ang result ng exam ko.Natuwa din ako dahil pumasa din sya.Same course kami,
Chemical Engineering. I love science talaga! Science is life kaya!
Saka para pag naka graduate na ako, ako lang din naman ang magmana ng negosyo ni lolo unless may lilitaw na apo. Pero impossible yun.
Actually may ari si lolo ng pagawaan ng ink. Minsan tumitingin ako sa mga chemist sa laboratory kung paano mag formulate ng inks. Pinag aaralan ko na din process nila.
Weekends.Nagkita kami ni Maxi,nag shopping na din kami ng mga kailangan sa pasukan.
"Best, malapit na start ng klase natin. Naku best ung mga bakulaw na yun".Open up ni Maxi. Of course di pa kami naka move on sa nangyari.
"Hayaan mo mga bakulaw na yun best. Ibalik natin un sa gubat! Hahaha".
"Oo best pati ung yassy na yun! Bwisit yun eh. Epalog as in! "Taas kilay pa si Maxi.
"Hayaan mo na basta maganda tayo.May araw din sila sa atin."
"Tama best! "At nag high five kami ni Maxi. "Ipinagpatuloy namin ang pamimili. Wala kaming pakialam sa paligid, continuous pa rin ang chikahan namin.
"Maraming pogi talaga sa Lynux noh?Mayayabang nga lang. "Si Maxi ulit.
"Tama.Sana maging maayos buhay natin sa university. Kasi kung hindi, talagang lilipat ako sa iba.