ABALANG-ABALA si Freya sa paghahanap ng reports na kailangan ng bawat departamento sa buong ZMGC, sa sobrang busy niya ay nakalimutan niya kung saan niya nilagay ang mga 'yon.
Kung di ba naman kasi peste ang tamad niyang boss na sa kaniya binigay at pinabasa lahat, edi sana wala siyang hinahanap ngayon.
Patuloy pa rin siya sa paghalungkat ng drawers sa may lamesa niya ng biglang may tumayo sa harapan niya, it's none other than the great Zander "fucking" Montero.
"What do you want?" Mataray na tanong ni Freya.
She doesn't know what's so funny, but she actually saw him smiled a little before answering, "anong hinahanap mo?" Tanong nito.
Inirapan ito ni Freya bago sumagot, "I am looking for the reports you signed last week, kailangan na ng mga head ng departments. Peste naman kasi 'to eh! Argh!"
Tumango-tango ang binata, "nasa drawer ko 'yon, kinuha ko ulit dito sa desk mo, chineck ko kasi kung may nakalimutan ba akong pirmahan." Sagot nito na biglang kinatayo ni Freya.