webnovel

CHAPTER FOURTEEN

"Kanina pa kita hinhanap, nandito ka lang pala. Sabi mo pupunta ka sa restroom?" nakangiting tanong ni Thorn sa kanya. But she knew better, there was a hint of fury on his tone.

Lalo lang siyang nawalan ng maisasagot dahil pati ang pagtataka at pagkagulat niya sa biglaang paglitaw ni Thorn ay dumagdag sa pagkakagulo ng utak niya. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang nagtatakang tingin nina Baileys at Misha sa paghawak ni Thorn sa kamay niya. Sinubukan niyang bawiin ang kanyang kamay mula kay Thorn ngunit lalo lamang hinigpitan ng walanghiya ang pagkakahawak sa kamay niya.

"Pare, hindi na kita babatiin ng best wishes kasi alam kong maririndi ka na," kunwa'y baling ni Thorn kay Baileys. "Just don't you ever hurt Misha, okay?"

Napangiti si Misha. "Subukan niya akong saktan," nakalabing wika nito.

"Honey sweetie baby naman, alam mo namang hindi ko magagawa iyon sa `yo," masuyong baling ni Baileys sa mapapangasawa nito.

"Hoy Baileys, sa ibang lugar nga kayo maglampungan! Huwag dito sa maraming nakakakita. Masakit kayo sa mata," nagbibirong wika ni Thorn. Nakakaloko pa itong bumaling sa kanya kaya napalunok siya. "Isa pa, marami pa kayong bisitang naghahanap sa inyo."

May kung ano'ng nagninging sa mga mata ni Baileys matapos nitong marinig ang tinuran ni Thorn. Mayamaya'y napangisi ito. "Sure, pare. Pero pagkatapos ng lahat ng ito ay mag-uusap tayo, ha? Marami akong gustong itanong sa iyo," turan nito sabay tingin sa magkahugpong nilang mga kamay. Pinamulahan siya ng mukha nang bumaling ito sa kanya. "See you around, Rose!" nakangiti nang paalam nito. "Mauuna na muna kami."

"It's so nice to finally meet you, Rose. Sana ay mas makilala pa kita ng mabuti. See you around. And Thorn, I'd really love to hear something from you," paalam din ni Misha.

When the love-birds had gone out of their sight, she angrily spun towards Thorn and tried to pull her hand away from his grasp again. Lalo siyang nainis nang hindi pa rin siya nito binibitawan. "Ano ba'ng problema mo?" asik niya rito.

His eyes were filled with rage in an instant. "At ikaw pa ang galit ngayon?"

Natigilan siya at medyo nalito sa naging reaksiyon nito. "A-at ano naman daw ang ikinagagalit mo? Wala naman akong ginawang masama," medyo mahinahon na niyang wika.

Napalinga si Thorn sa paligid. They were almost at the center of the crowd. Kapag doon sila nag-away ay tiyak na makakakuha sila ng atensiyon. "Let's not about it here."

Dahil ayaw niya rin namang makatawag-pansin sila ay hinayaan niya itong hilain siya patungo sa lugar na kung saan man nito nais na mag-usap sila. They were heading towards the darkest part of Isla Mi Amante's garden, mukhang doon sila mag-uusap.

When they finally got there, tsaka lang nito binitiwan ang kamay niya. And for a few seconds, they stood there, silently glaring at each other. Hanggang sa napabuntong-hininga siya.

"You didn't have to do that," mayamaya'y mahinang asik niya.

Hindi niya mawari kung bakit habang tinititigan niya ito ay tila nawawala ang inis niya rito. Nangyayari lang iyon sa kanya kapag nanay, tatay o mga kapatid niya ang kaaway niya. At least, they were her family. Kaya natural lang na mawala agad ang inis niya sa mga ito. Kaya nagtataka siya kung bakit ganoon din ang nararamdaman niya para kay Thorn.

"Masokista ka ba talaga, ha?" sagot nito, halatang nagtitimpi lang ito ng inis. Mayamaya'y nagpakawala ito ng isang mabigat na paghinga. "You shouldn't have left my side. Tapos lumapit ka pa doon sa dalawa. Alam mo na ngang masasaktan ka."

May kung ilang segundo rin siyang natigilan at napatitig lang dito. Hindi niya inasahang makariringgan niya ito ng pag-aalala sa kanya. Lalong hindi niya inasahan ang tuwang naramdaman niya dahil sa concern na ipinapakita nito sa kanya. The feeling she felt was foreign for her but she has to admit that it felt so good that she suddenly found her self smiling.

"Ang weird `no?" nasabi niya. "Parang kailan lang eh nag-aangilan tayo pero ngayon, para na tayong matagal na magkakilala kasi nagagawa mo ng magpakita ng concern sa akin," nanunuksong dagdag niya. Inasahan niyang maiinis si Thorn at tsaka agad agad na itatanggi ang sinabi niya ngunit hindi nito iyon ginawa. Bagkus ay nagpamulsa ito at tsaka napatingin sa madilim na bahagi ng hardin kung saan sila naroroon.

"Ayokong makakita ng mga babaeng nasasaktan," bulong nito.

Her smile widened. Ang nasirang gabi niya ay unti-unti nang lumiliwanag. "Pero hindi ba't sanay kang nagpapaiyak ng mga babae? Noong una kitang makilala ay nagpapaiyak ka ng babae. Nakalimutan mo na ba si Mica Sta Ana?" biro niya.

Agad na nalukot ang ilong nito. "She was a fake bitch."

"Kahit minsan ba ay hindi mo pa nagawang magpaiyak ng ibang babae?"

"Hindi ako ipokrito para sabihing malinis ang konsiyensya ko. Maybe I have hurt someone before but believe me, hindi ko sinadyang saktan sila. Bago ako pumapasok—"

"Oo na," natatawang sansala niya rito. "Nasabi mo na sa akin iyan, diba? Binibiro lang kita. Masyado ka kasing seryoso diyan eh. Isa pa, hindi ko naman sinasaktan ang sarili ko. Papunta ako sa restroom kanina nang bigla akong maligaw. And before I knew it, nakasalubong ko na iyong dalawa. I was trying to find an excuse to escape when you came towards us."

"Kung hindi pa ako dumating…"

Mahina niya itong tinapik sa balikat. "Kaya nga thank you. Kasi kung hindi ka dumating, malamang na nandoon pa rin ako sa harap nila at nagmumukhang tanga."

"Ikaw kasi, umalis alis ka pa sa tabi ko."

"Alangan namang didikit na lang ako sa iyo forever?" tawa niya.

"Why not?" he cocked a brow.

Her smile froze. May ilang segundo rin siyang hindi nakasagot dahil hindi niya alam kung paano siya magre-react sa sinabi nito. "A-ano ka ba?" nahihiyang anas niya.

"Why don't we make a deal?" bigla nitong wika.

Kumunot ang noo niya. "W-what?"

"Bakit hindi natin subukang magtulungan?"

"Hindi kita naiintindihan. What exactly are you trying to say?" iling niya.

"I think I'm starting to like you."

Nanigas siya sa isiniwalat nito. Nanlalaki ang mga matang napatitig siya sa mukha nitong noo'y namumula na. She tried to open her mouth to say something but she just couldn't do it. Her voice was suddenly lost. Sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi niya magawang magreact sa isang bagay na sinabi sa kanya. Well, paano nga naman ba kasi siya dapat magrereact?

Ano ba ang dapat niyang sabihin rito? He just said that he was starting to like him. And hell, she did too! Hindi na niya kailangang magpaka-ipokrita sa kanyang sarili para itanggi na habang nakakasama niya ito ay hindi niya namamalayang nagugustuhan na rin niya ito. Especially when he started making her feel happy, when he started showing his concern for her.

Hindi niya pinplano, lalong hindi niya agad namalayan na paunti-unti na palang nagbabago ang pagtingin niya rito. Yes, they still fight and argue, pero aminado siyang may nag-iba na sa kanila. At times, she found him cute even when he was staging a fight over some trivial matter. Day by day, her attraction to him get's bigger. Biglang dumagundong ang dibdib niya.

Maybe he'd sensed how troubled she was with his confession. He gave her a quirky smile as he scratched his head. "I really don't know what I'm talking about," nahihiyang hayag nito.

"I…I r-really don't know what to say," nahihiya ring turan niya.

What he said hit boh of them on a bull's eye that they found it too hard to come up with a come back. They got fidgety and speechless. Ni hindi nila alam kung paano sila magsisimula ulit ng topic. She was at the verge of pulling her own hair out when Thorn spoke up, finally.

"Let's just forget what I said," himok nito.

There was a tiny voice at the ck of her head that wanted to say no, yet she found herself shrugging her shoulders. "Y-yeah, sure," she heard herself answer.

Thorn cleared his throat. "D-do you wanna grab a drink?"

"Baka malasing ako. Huwag na," tanggi niya.

"How about a walk?"

Gusto niyang sabihing huwag ngunit alam niyang mabo-bore lang siya kung babalik sila sa party. And besides, she didn't want their night to end just yet. She silently blushed.

"O-okay," sagot niya.

Natigilan siya nang iabot ni Thorn ang kamay nito sa kanya. For a few seconds, she hesistated whether she's accept it or not. "Come on, I won't eat you," biro ni Thorn.

Napangiti siya bago tuluyang inabot ang kamay nito. She felt something strange when her hand touched his. Alam niyang hindi lang siya ang nakaramdam niyon dahil maging si Thorn ay natigilan nang sandaling maglapat ang mga palad nila. What they felt was undeniably electrifying—a brawny spark. The sexual tension between them lingered in the air, teasing both of their senses. Her cheeks grew hotter and redder. Thorn squeezed her hand in response.

"You like me too," anas ni Thorn. Sinubukan niyang bawiin ang kanyang kamay ngunit hindi siya binitiwan ni Thorn. "Don't fight it, Rose. Feel it. Just like I do."

She wanted to deny it, but what would be the use? She couldn't hide her feelings anymore. Nasukol na siya nito. She heaved a heavy sigh. "Tapos ano?" tanong niya rito.

"Ano'ng ano?" kunot-noong balik-tanong nito.

"Ano na ang mangyayari sa atin kapag hinayaan natin ang nararamdaman natin sa isa't isa? Attraction may lead to…" Napatigil siya sa pagsasalita. "…y-you know," yuko niya.

"I don't know where this may lead us. Kaya gusto kong subukan natin eh. Who knows where this attraction may lead us, right?"

"It'd be too risky," matapat niyang sagot. "Paano kapag na-in love ako sa iyo pero ikaw eh hindi? Ang siste ba ay ako lang ang masasaktan, ganon? Ang unfair naman yata nun."

Hindi nakasagot si Thorn sa mga sinabi niya. Mapait siyang napangiti. Tama naman kasi siya, diba? He wanted to play but her heart would be more at risk. May pusong bato ito samantalang siya ay maaaring tuluyang umibig dito. Maaari niya itong gamitin para mapayapa ang nagdadalamhati niyang puso mula sa pagkabigo niya kay Baileys ngunit ano ang kapalit?

Ang muling magdalamhati dahil mabibigo rin siya kay Thorn? No way! He didn't know how to love. He wasn't capable of loving. Kaya ano ang karapatan nitong sabihing subukan nila? Marahan niyang hinila ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak nito. Thankfully, he let her go. Bago nagsalita ay muli siyang nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga.

"T-thank you for tonight, Thorn. I really appreciate this. Nakakaloka, sa tuwing nakakasama kita eh lagi akong napapa-English," kunwa'y tawa niya. Mula sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang pagngiwi ni Thorn sa pekeng tawa niya. She cleared her throat.

"M-mauuna na ako sa iyo. Thank you ulit," paalam niya rito.

Lihim siyang nagpasalamat na hindi siya nito pinigilan. Habang naglalakad siya pabalik sa party ay hindi niya napigilang mapahawak sa kanyang dibdib. Napakalakas ng tibok ng puso niya. Napatigil siya sa paglalakad at parang lutang na napatitig lamang sa kawalan.

"Nababaliw ka na, Rose," anas niya.

What had she done? She'd just ruined the budding friendship she had with Thorn! Why did she have to be attracted to him? Ang epal kasi talaga ng katawang higad niya. Paano na niya magagawang harapin si Thorn kapag muli silang nagkita? Iyon eh kung gugustuhin pa ba siyang makita ng binata. Sabagay, wala na rin namang pagkakataon para magkita pa ulit sila.

Hindi siya dadalo sa kasal ni Baileys. Wala na siyang papansinin pa sa dalawa. Iyon lang ang tanging paraang naiisip niya para hindi na malito ang puso niyang baliw.

Bab berikutnya