"Kaya ko na nga Jared!" Pilit kong inaagaw sa kanya 'yung bag ko.
"Tutulungan na nga kita! Bitawan mo na!" Wala na akong nagawa ng hinila nya 'yung bag ko at naunang lumabas.
May check up kasi kami ngayon ni Baby. At dahil wala si Nathaniel, si Jared ang nag pumilit na sumama. Ayoko sana kaso ang kulit nya lang talaga.
Nakasimangot na pumasok ako sa loob ng kotse nya. Sya na ang nagkabit ng seat belt ko dahil hindi talaga ako kumikibo.
Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa clinic. "Good morning, Jared and Elaisa. Let's check up the baby."
Pinahiga ako ni Dra. Medyo nailang pa ako kasi talagang nakatitig sa akin si Jared, gusto ko nga syang paalisin. Kaso sabi ni Dra hayaan ko na lang daw.
"The baby is fine. Malusog naman sya at nasa tamang size na. You should drink milk for pregnant women that'll help for the baby." Sabi ni Dra habang may machine na pinapaikot sa tyan ko. Napatitig ako sa monitor. Magkakaroon na talaga ako ng baby, napaiyak ako.
"So Jared, what brings you here?" Napalingon kaming dalawa ni Dra kay Jared na nakatitig din sa monitor.
"I'm with my wife." Sagot nya sabay lingon sa akin.
"O-Okay. So, ihahanda ko lang ang mga vitamins mo. Maiwan ko muna kayo." Gusto ko sanang hilain si Dra para hindi nya ako iwanan dito kasama si Jared.
"Ang swerte ni Nathaniel, may anak na kayo." Nakayukong sabi nya. Ewan ko, parang malungkot ang boses nya.
Hindi na ako umimik at inayos ko na lang ang damit ko at iniwan ko sya. Naiiyak na naman ako. Bakit ganoon ang inisip nya? Bahala na sya! Hindi ko pa rin sasabihin sa kanya.
Madali kaming nakauwi sa bahay, siguro kung si Nathaniel ang kasama ko, gagala muna kami bago umuwi. Bigla ko syng namiss.
"Do you want to eat something?" Tanong nya sa akin pagbaba ng sasakyan.
Umiling ako at dumiretso sa kwarto. Naisipan kong tawagan si Nathaniel.
"Nathaniel." Ungot ko sa kanya.
[What happen Elaisa? Okay ka lang ba?] Namiss ko talaga sya.
"Wala naman. Nandito si Jared." Saglit na katahimikan ang pumagitna sa amin.
[Buti naman. Kailan pa sya dumating?]
"Alam mo?" Napakunot noo na tanong ko. Paano nya nalaman?
[Pinapunta ko sya dyan. Sya naman talaga dapat ang kasama mo.]
Nakaramdam ako ng galit. "Ikaw ba nagpapunta sa kanya dito ha?! Nathaniel?"
[Calm down, Elaisa. Baka magulat si Baby.] Narinig ko pang tumawa sya. Lalo akong nainis.
"Nathaniel! Alam mong kinaiinisan ko sya at kung maaari ay ayaw ko syang makita! Alam mo ang pinag gagawa nya sa akin!" Para na akong mauubusan ng hininga sa kakasigaw.
[Everyone deserve a second chance.] Kalmado pa rin sya.
"Pero hindi nya deserve 'yun. Lumayo ako sa kanya, pero anong ginawa mo? Binibigyan mo na naman sya ng pagkakataon na saktan ako, kami ng baby ko." Tuluyan na akong umiyak. Naiisip ko pa lang na sasaktan nya ako ay talagang natatakot na ako. Buti sana kung ako lang ang masasaktan, pero hindi. Mas mahalaga ang anak ko sa kahit na sino pa man.
[Mag usap kayo, Elaisa. Please, don't cry.]
"Kasalanan mo 'to. Naiinis ako sayo!" Kaagad kong in-end yung tawag.
Muntik na akong atakihin sa puso dahil paglingon ko sa pintuan, nandoon si Jared. Tinignan ko sya ng masama.
"Anong ginagawa mo dito? Nakikinig ka ba sa usapan namin ni Nathaniel?"
Umiling sya at umalis na. Nakaramdam ako ng pagkahinayang.
Lumabas ako para uminom ng gatas, naabutan ko sya sa sala na nanunuod.
"Si Nathaniel ba ang nagpapunta sayo dito?" Tanong ko habang nagsasalin ng gatas.
"Yeah."
"Hindi mo naman kailangang sundin sya. Kaya ko na ang sarili ko." Nilingon ko sya pero wala na sya sa sala.
"I wanted to see you." Napasinghap ako dahil ramdam ko 'yung hininga nya sa batok ko, nasa likod ko na pala sya.
"Para saan pa?" Nanatili lang akong nakatalikod.
"Para makabawi sayo. Give me a second chance, Elaisa." Hinawakan nya ang balikat ko.
"Hindi mo ba naisip na huli ka na?"
"A-Aakuin ko ang anak nyo ni Nathaniel. Ituturing ko sya bilang... anak ko. Gagawin ko 'yun para sayo." Damang-dama ko ang lungkot sa mga salita si Jared. Napapikit ako.
"Hindi ganun kadali ang lahat, Jared. Hindi porket kaya mong akuin ang anak ko ay magiging okay na tayo." Pinipigilan ko ang umiyak.
"Alam ko. Handa akong maghintay, mapatawad mo lang ako, gagawin ko ang lahat." Pagmamakaawa nya. Hindi ko pa rin kaya.
"Gagawin mo ang lahat? Pwes, lumayo ka na sa akin." Tumulo na ng kusa ang luha ko.
"Please. Wag lang 'yun, Elaisa. Hindi ko kakayanin. Hilingin mo na ang lahat, wag lang 'yun."
"Yun lang ang paraan para mapatawad kita Jared, ang hindi ka na makita. Kasi tuwing nakikita kita, bumabalik sa ala-ala ko 'yung mga pananakit na ginagawa mo. Gabi-gabi binabangungot ako, natatakot." Hindi ko alam kung paano ko nasabi 'yun sa pagitan ng mga hikbi.
"I'm sorry. Alam kong hindi sapat 'yun, pero sana--"
"Wala na Jared. Wala ng magagawa ang sorry. Masama na ako ngayon, sa kung ano ang meron ako. Umalis ka na!" Humawak ako sa labado dahil feeling ko ay babagsak na ako.
"Kung 'yan ang gusto mo. Gagawin ko 'to dahil mahal kita Elaisa. Mahal na mahal." Yun lang at narinig ko na lang ang kotse nya na papalayo na.
Tuluyan na akong napaupo at humagulgol. Tama ba yung narinig ko? Mahal nya ako.
Kung sana noon nya pa sinabi 'yun, noong nasa tabi nya pa ako, baka masaya kami ngayon.
Pero huli na sya.