Ilang araw na akong tinatawagan ni Nathaniel, pero hindi ko sinasagot. Natatakot kasi ako sa banta ni Jared, baka dahil sa akin ay masira ang pagiging magkaibigan nila. Pagkatapos ng nangyari sa akin ay medyo bumait na si Jared, hindi nya na rin ako nasasaktan. Pero hindi pa rin nawawala yung pagkataranta ko minsan.
Bumaba si Jared at may dala na isang malaking maleta.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko.
"I have business meeting in Canada." Sagot nito ng hindi ako nililingon.
Business meeting? O meeting with his girl.
"G-Gaano katagal kang mawawala?"
"One week." And it's confirmed. Naalala ko noong naghatid ako ng pagkain sa library nya, one week daw sila ng babae nya sa Canada.
Tinitigan ko sya habang inaayos ang tie nya. Mahirap basahin ang ugali ni Jared, hindi sya nagpapakita ng emosyon kapag kaharap ako. Kaya hanggang ngayon ay tinatansya ko sya..
"Wedding anniversary na natin sa isang araw." Ngumiti ako ng tumingin sya sa akin. Inilabas nya ang wallet nya at nag abot sa akin ng credit card.
"Go buy anything that you want." Inaabot nya sa akin 'yun pero hindi ko tinatanggap.
"Pero--"
"Don't expect me to celebrate that fvcking anniversary with you." Ibinato nya sa mukha ko ang card.
"Salamat." Nagiging magaling na ako sa pagtago at pagpigil ng luha ko. "Kumain ka muna para hindi ka gutumin sa byahe mo."
"Papapuntahin ko dito si Jessa para may kasama." Napatingin ako sa kanya. Si Jessa, isa sa mga kapatid nya, hindi naman kami close noon.
"Wag na. Kaya ko naman mag isa dito." Pinaghain ko na sya ng pagkain at hinugasan 'yung mga ginamit ko sa pagluto.
"Kung gusto mo, umuwi ka muna sa magulang mo." Napatigil ako sa paghuhugas at nilingon sya, may kakaiba sa kanya ngayon.
"Ayoko. Ayokong umuwi."
"Bahala ka na nga sa buhay mo." Naiinis na sabi nito bago tinuloy ang pagkain. Tinitigan ko sya, mahal na mahal ko talaga ang tao na 'to.
Iniisip ko pa lang na one week syang mawawala ay nalulungkot na ako.
"J-Jared, pwede ba akong sumama sayo mamaya paghatid sa airport." Lakas loob na tanong ko.
"No." Mabilis naman na sagot nya.
"Okay." Tumalikod na ulit ako at tinuloy ang paghuhugas ng plato. Alam ko namang kasama nya 'yung babae nya kaya ayaw nya.
"Aalis na ako." Hinatid ko sya sa labas ng gate. Tumango lang ako pero hindi pa rin sya kumikilos, parang may hinihintay.
"Sabi ko aalis na ako." Iritadong sabi nito. Napatanga ako.
"I-Ingat." Nagwave pa ako.
"Slow." Narinig kong sabi nya bago ako hapitin sa bewang at siniil ng malalim na halik. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko, hindi ako makakilos. Gosh! "Be ready pagbalik ko." Sabi nya bago pumasok sa sasakyan.
Tulala akong napahawak sa labi ko. Hinalikan nya ako, kakaiba! Ano bang nangyayari sa mundo?
---
"Hello sister in law!" Nagulat ako sa biglang pagpasok ni Jessa sa bahay.
"Hi Jessa." Kiniss nya ako sa cheeks.
"Pinapunta ako ni kuya dito, nung isang araw pa sana kaso may lakad ako. Happy wedding anniversary pala. Ang gago ni kuya no? Iniwan ka?" Natawa na lang ako sa kadaldalan ng kapatid nya. Mabait naman si Jessa.
[DING DONG] Si Jessa na ang nagbukas ng pinto. Pagpasok nya ay may dala syang napakalaking bouquet, puro kulay pulang rosas.
"Ang sweet!" Kinikilig na sabi nito bago inabot sa akin. May card na nakalagay, binasa ko.
Sweetheart, happy wedding anniversary. -JARED
Lihim akong napangiti, naalala nya pala kahit papaano.
"Ate! Ate! Here's kuya!" Itinapat sa akin ni Jessa ang cellphone, nakaskype sya.
Kinabahan ako bigla. Naiiyak ako sa tuwa, first time na may bigay sa akin ng flowers.
"Did you receive the flowers, Sweetheart?" Nakakunot noong tanong nito. Si Jessa rin kasi ay nakasilip sa cellphone.
"O-Oo. Salamat, nagustuhan ko." Kinikilig ako tuwing tinatawag nya akong sweetheart.
"Uy! Si Ate kinikilig!" Lalo akong nahiya sa matinis na boses ni Jessa.
"Jessabelle! Can you please give us privacy?!" Ayan na! Pumutok na ang bulkan.
"Oo na!" Saglit 'tong may pinindot sa cellphone bago umalis.
"Are you crying?" Nagulat ako ng bigla syang nagsalita.
"H-Hindi, a-ano. Natuwa lang ako sa bigay mo." Nakakatouch!
"Good to hear that. By the way, nandyan na si Jessa kaya sasamahan ka nya hanggang makauwi ako."
"Hindi na kailangan Jared, baka nakakaabala ako sa kanya." Hindi ako makatingin sa cellphone kasi talagang nakakailang. First time na kausapin nya ako na kalmado lang.
"Well, sinabi rin sa akin ni Jessa na gusto ka nyang makasama." Napatango na lang ako. Sana laging ganito. "Ipapaalala ko lang, no NATHANIEL, understood?"
"O-Oo na." Nagseselos kaya sya?
(Jared! They're waiting for us! Magbibihis lang ako.) May biglang dumaan sa likod ni Jared, nakatowel na babae. Nanlaki ang mata ko.
"O-Oo. Tatapusin ko lang 'to." Sagot nya.
Napabuntong hininga ako, tama nga ako ng hinala, magkasama sila. Napasimangot ako.
"Mukhang may lakad kayo. Sige na." Sabi ko.
"Ahm. Oo, may meeting kasi kami with the investor." Hindi nya naman kailangan magpaliwanag.
"Okay. Bye." Tinitigan ko syang muli, para bang hindi sya mapakali. Biglang tumulo yung luha ko kaya biglang kong pinindot 'yung end call.
Unti-unti ng nagbabago si Jared, siguro dapat na akong makuntento kahit na may kahati ako.