webnovel

CHAPTER 5

AMIRA'S POV

Pinapakain ko ngayon ang parrot ko sa labas ng bintana. Hindi na ko lumabas ng bahay kasi wala si bestfriend. Sinamahan si nanay niya na kakaday off lang pala. Ayaw ko sirain ang mother and daughter bonding nila kaya hintayin ko na lang ang pool party namin bukas.

"Cruu cruuu cruu ay teka yun ba tunog mo? HAHAAAHAHA say amir" natawa lang ako sa naisip, crucru ba?

"Amir amir amir" pumalakpak ako at dinagdagan ang lalagyan ng pagkain niya. Kinuha ko ang baso ng tubig at binuhos sa maliit na pot kung saan tinanim ang lovely rose ko. Hindi ko alam bakit hate na hate nila ang bulaklak.

Nakakaaliwalas kaya tignan kapag napapalibutan ang buong bahay--bawal din pala kasi allergic si papá sa pollen.

"Med~ med~" kanta ko habang kinukuha ang injection para sa daily medicine ko, maintenance ko ito para palaging malusog at malayang makatakas "Malayang makatakas? Sensible ba yun? Hahahaha"

"Hey weirdo" tinapos ko muna ang injection bago humarap kay nathalie na nakasandal lang sa pinto "Hindi ko sana gagawin to kaya lang si papá na nag-utos, bumaba ka na daw!"

"Okay sige nat" ngumiti ako sa kanya pero inikutan lang niya ako ng mga mata at umalis.

Mabilis kong sinuot ang shorts since naka-dress na pantulog lang ako. Ito lang kasi parati ko sinusuot kapag nasa bahay lang. Gusto ko lang ng komportable ako at kapag ganito alam na nila hindi ako tatakas hahaha.

"It's good to hear ethan! Keep up the good work!" rinig kong sabi ni papá. Nasa sala pa sila.

"Papá! Papá!" tawag ko habang tumatakbo pababa ng hagdan.

"Amira! Come! Join us in our lunch!" yaya ni papá nang makalapit na ako sa kanya.

"Yes papá" masayang sabi ko. Sabay na kaming pumunta sa dining. Ang formal talaga minsan kapag nandyan si papa. Katulad ngayon! Umupo lang tumahimik saglit.

Napatingin na ako kay mr.linc na nakatayo sa bandang likod ko kung saan sa likod ni ate zaira. Dito pa rin kasi ako nakaupo sa tabi ni papá tapos si kuya na katabi ko tapos kasunod niya si ate zai, sa kabila sina tita elisa at nathalie lang.

"Kuya! Don't forget about my gift" paalala ni nathalie.

"Of course nat" tumahimik na ulit kaya tumingin ako kay papá.

"Papá how's your day?"

"Good my princess because we are all here today" ngiting pabalik ni papá sa akin.

"And your casino?"

"Same answer last night" bumalik ulit siya sa pagkain. Sa totoo lang bumebwelo lang ako para magpaalam para bukas. Hindi ko nga kasi inakala na uuwi agad sila dito--!!

"Papá--"

"Stop talking amira, everyone is eating" sita sa akin ni tita. Hindi ko siya pinansin at tumingin lang kay papá na lumingon sa akin.

"Just let her talk" ngumiti ako at nagpatuloy.

"Papá is it okay if I will bring my friends here tomorrow?"

"Hmm" tumango siya pero napatingin kami kay nathalie na nagdabog ng konti.

"Ahh papá you never let me do that here!"

"Then you can do it soon after you'll finish your studies"

"What? Aghh" tumahimik na lang siya at kumain ulit. Bata pa naman kasi siya! Bahala siya. Basta pumayag na si papá!

Napatingin ako sa inihaw na bangos at kukurot na sana ng konti para tikman nang may tumapik ng malakas sa kamay ko.

"Use your spoon and fork amira! Go wash your hands!" sita ni tita elisa sa akin.

Mabilis kong binawi ang kamay at napakamot sa batok tsaka tumingin kay papá para hintayin ang tugon niya. Ayoko kasing sumunod nang walang salita kay papá, he's my real father. I should only listen to him or kuya or ate zai.

"Just follow your mom"

"Okay papá" pumunta na ako sa lababo at napangiti agad dahil nandun si Mr.linc. Umusog siya ng konti para makahugas na ako.

"Ayks" napatingin ako sa dala kong napkin, nadala ko pala ito haha! Kinagat ko muna yun at naghugas na ng kamay.

"Amira! Biting your table napkin is a bad habit!" nagulat ako nang sumigaw na naman si tita elisa. Kinakabahan akong humarap sa kanya at nakita pa si nat na nilabas ang dila.

"What is her problem? Hayaan nga niya si special na gawin ang gusto niya" mahinang sabi ni ate zai.

"Are you talking to me young lady?" mataray na tanong ni tita kay ate.

"Wala mom" tumingin na lang si tita at sumenyas sa akin. Bumalik na ako ng upo at napakamot pa sa ulo.

"How many times do I have to tell you---rule no. 11 scratching your head in front of the food is bad" nakayuko akong umupo sa tabi ni kuya at inayos pa ang pagkaupo. Hinawakan ni papá ang kamay ni tita. Ang dami rule~

"Elisa just calm yourself"

"Okay alejandro, it's just that this young lady have to learn good manners and good habit"

"It's okay papá" sabi ko at kumain na ulit.

"By the way papá, can I bring amira out? I need to go shopping for the 'debut'" tanong ni ate zai.

"Papá if you just know, papabuhatin lang niyan si amir ng mga pinamili niya at gagamitin na naman ang pera para hindi mabawasan yung kanya" singit ni kuya ethan na nakataas-babang kilay na sinisiko ako. Natawa ako ng konti sa kanya.

"Zaira besides you had him with you--" sabi ni papa at tinuro pa si Mr.linc. Tinaas ko agad ang kamay at ngumiti sa kanila.

"I'm fine papá, we did this before" kung sasama siya edi sasama na rin ako!!

"See?" tumango na lang si papa kaya napangiti akong kumakain. Yes!

***

"Weird! Bilisan mo!"

"Sandali ate!" nauna na sila kaya pumasok na ako sa film shop. Bibilhan ko pa si bestfriend ng film para sa polaroid niya na niregalo ko lang din sa kanya noong nakaraang pasko.

"Kuya tigiisa ng iba't ibang design, kukunin ko. Bilis po" nilapag ko agad ang pera. Natotal ko na kahapon yung magagastos ko. Ako lang naman kasi ang taga-supply nitong si bea tsaka bukas na yung party kaya gagamitin din namin yun.

"Salamat" umalis na ako at mabilis na hinanap sina ate. Bakit ba kasi sa madaming tao pa? May ibang mall naman na malapit at tahimik lang.

"Special! Saan ka ba galing?! Stupid!" galit na tanong ni ate nang makapasok ako sa h&m. Hindi naman mahirap hanapin dahil nagkalat ang mga yaya sa labas.

"May binili lang" inayos ko ang pagkakahawak sa limang paper bag na bitbit ko. Yung iba kinuha ni Mr.linc, siya pa nga nagpresenta kaya kinilig ako pero at the end pinasa pa rin niya sa mga yaya!

"Ito?!! Pang polaroid to ah! Ang dami pa! Meron ka bang ganoon?!" umiling lang ako kaya hampas ang natanggap ko.

Kumunot ang noo ko at sumunod sa kanya. Para kay bea naman kasi to hindi sa akin. Napatingin ako kay Mr.linc nang kunin niya ulit ang mga bitbit ko.

"S-salamat Mr.linc" ikukwento ko talaga to kay bestfriend!

"Take these" mahinang sabi niya kina yaya. Bahala na basta n-nahawakan niya ang kamay ko. Daplis lang yun pero kahit na!

"Huy weird saan dito?!" tanong ni ate at may tinaas na dalawang damit. Ay hindi ko trip medyo arogante tignan.

"Hmmm" napakamot ako sa batok at pasimpleng tumingin sa tabi ko kung saan may white vneck shirt na nakasabit "Ito ate"

"Nandito lang sa dalawa pinapapili ko diba?! Stupid" binalik niya yun sa lalagyan at humanap ulit ng damit "Dito?!"

"Yung sa tabi mo ate" tumingin siya sa tinuro kong loose shirt. Ngumiti ako nang makita ang mga yaya sa likod niya na nagpipigil ng tawa.

"ARGG!! Sa dalawa lang diba?!! Di ka nagiisip eh puputok brain cells ko sayo! Di ka nagiisip ng maayos!" umilag ako nang umakto siya na itatapon sa akin ang hawak niya.

Tumalikod na ulit kaya tinitignan ko lang siya--- teka si bestfriend yun ah? Dumaan sila sa harap ng store. Kasama niya si nanay tawy! Walang pasabi sabi ay iniwan ko sila at hinanap sina bestfriend.

"Bestfriend!" tawag ko nang makitang papasok na sila sa grocery store. Pinauna niya si nanay at sinalubong ako kaya inabot ko agad sa kanya ang binili kanina.

"Wow bestfriend salamat!! Ano nga pala ginagawa niyo dito?"

"Sinasamahan ko si ate na magshopping"

"Ayh talaga? Magtatago pala ako baka magwala yun kapag makita ako hahaha"

"Hahahaha nga pala kayo? Maggogrocery pa kayo?"

"Oo, pampalipas oras dahil hihintayin namin si kuya na makarating dito"

"Si kuya mo? Umuwi na siya galing labas?"

"Oo eh tsaka kaya nagday off si mama para magbobonding kami nina kuya, alam mo na nagtagal sa ibang bansa kaya naninibago pa kami, gusto ni mama mag bonding kami para hindi maiba sa amin hehehee"

"Ayy swerte sige kami din eh kompleto kami sa bahay"

"Swerte~" nagapir kami at nagpaalam na.

"Byee dalhin mo siya sa bahay ha para mapakita natin sa kanya ang tree house ko!"

"Oo sige bye!!" tumalikod na ako at napapangiti na lang habang naglalakad pabalik kina ate. Masaya pala kasi kasama namin mga mahal namin sa buhay.

Bab berikutnya