webnovel

Act 15

BEN

"Mamamatay tao ako, Ben."

Nakakulong pa rin si Ace sa mga bisig ko. Nakasubsob ang mukha niya sa dibdib ko. Ramdam na ramdam ko ang labis na pagkabasa ng damit ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin natigil sa pag-iyak si Ace. Sunod na sunod na hikbi ang pinakawalan niya.

Marahan kong hinagod ang likod niya. "Alam kong wala kang kasalanan, Ace. Huwag mong sisihin ang sarili mo."

Umiling siya. "Hindi. Kasalanan ko. Kasalanan ko kung bakit wala na siya, Ben."

Nagpatuloy ang pagtangis niya. Alam ko na wala naman na akong magagawa para sa kanya kung hindi ang manatili sa tabi niya.

Bakit ba puro masasakit na alaala na lang ang mayroon siya? I really feel bad for my cousin. Sana nandoon ako noong mga panahong kailangang-kailangan niya ng karamay. Sana nandoon ako para pasayahin siya.

Pero alam ko na wala na akong magagawa para mabago ang nakaraan. I need to do all the best that I can para mapasaya siya ngayon.

Labag man sa kalooban ko itong gagawin ko, ito lang ang sa tingin ko ay makakapagpasaya sa kanya.

==

"Ace, magbihis ka. Lalabas tayo," sabi ko sa pinsan ko na sa tingin ko ay patulog na. Iniabot ko sa kanya ang jacket niya.

"Saan tayo pupunta?"

"Basta."

Hindi na siya nagtanong. Isinuot na niya ang jacket niya at walang imik na sumunod sa akin palabas ng bahay.

Sobrang lamig. Tagos sa makapal kong jacket. Nilingon ko si Ace. Yakap niya ang sarili niya pero hindi siya nagrereklamo. Hindi siya nagsasalita. Hindi siya nagtatanong. Which is good.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang makarating kami sa park.

"Ben..." mahinang sabi ni Clark. Halatang may tampo at galit pa rin ito sa akin. "Ace?"

Nagkatitigan silang dalawa. Hindi nila inaasahang magkikita sila ngayon. Well, ang sabi ko lang naman kay Clark ay mag-uusap kaming dalawa. Wala akong sinabi tungkol kay Ace.

"Kung pinapunta mo ako rito para magkaaway tayo, huwag ka na mag-abala, Ben. Uuwi na ako," sabi ni Clark.

"No. That's not it," sabi ko. "Gusto ko mag-sorry, Clark. I shouldn't have reacted that way. Umiral lang siguro ang pagiging overprotective ko sa pinsan ko. I'm really sorry."

"Naiintindihan ko naman, Ben," mahinahong sabi ni Clark. "Pasensya ka na rin kasi nabigla kita. Wala kasi sa tamang lugar at tamang oras ang pag-amin ko. Kaya naiintindihan kita. Alam ko rin kasi na may pinagdadaanan si Ace ngayon."

"I trust you, Clark. Best friend kita, eh," sabi ko. "Pero heartbreak is the last thing na gusto kong maramdaman ng pinsan ko. He can't get his heart broken... again. Hindi pa siya handa."

Natahimik si Clark. Napatungo siya. Kahit si Ace ay hindi nagsasalita.

"Pero kung ito ang magpapasaya kay Ace, sino ba ako para pigilan kayong dalawa?" dagdag ko. Napatingin si Clark sa akin. "But promise me, hindi mo siya sasaktan. Ako ang makakaharap mo."

Napangiti si Clark. "I promise. Hindi kita bibiguin." Mabilis itong lumapit kay Ace at niyakap ang pinsan ko. "I promise you, Ace."

Mabilis kong kinalas ang pagkakayakap niya sa pinsan ko at humarang ako sa pagitan nilang dalawa. Nakita ko ang pagbusangot ni Clark. Nag-pout pa siya. "Hep! Masyado ka namang mabilis, lover boy! Ayusin mo naman. Saka nandito ako, oh? Magmumukha akong third-wheeler sa inyong dalawa. Manligaw ka muna. Lagot ka kay mama, sige."

"Ligaw? Kailangan pa ba iyon?"

Binatukan ko siya.

"Aray ko!" reklamo niya.

===

"Anong nangyari sayo?" curious na tanong ko nakababata kong pinsan. First year high school ako noon at siya ay Grade Five na.

"W-Wala ito. Nadapa ako," sagot ni Ace at pilit na hinihila ang laylayan ng suot na jacket para takpan ang nakalitaw na pasa niya sa kamay.

Nandito kami ni mama sa bahay nila tulad ng nakagawian tuwing sasapit ang summer. Dadaan kami sa kanila bago bisitahin ang puntod ni daddy.

"Sure ka? May nang-aaway ba sayo sa school? Sabihin mo lang sa akin nang makatikim siya sa akin."

"O-Okay lang ako, kuya," sabi niya pero alam kong may itinatago siya sa akin. Hindi ko naman magawang mag-usisa dahil alam ko na hindi niya rin sasabihin sa akin.

"Gusto mo ba mag-meryenda, Ben?" tanong ng mama niya na pinuntahan kami rito sa garden. Tulak-tulak niya ang stroller kung saan natutulog ang kambal na sina Heart at Spade. "Nag-uusap pa ang sila sa loob."

Sumilip ako sa nakabukas na pintuan. Natanaw ko si mama at ang nakatatanda niyang kapatid, ang daddy ni Ace, na mukhang may seryosong pinag-uusapan.

"Okay lang po ako, tita," sagot ko.

Nagpaalam siya sa amin na igagala muna ang kambal. Naiwan kami ulit ni Ace. Hindi maalis ang tingin ko sa pasa niya sa kamay. Magtatanong pa sana ako nang biglang lumabas si mama. Balisa siya at mukhang problemado.

"Tara na, Ben," sabi niya. "Mauna na kami, Ace."

"Sige po, tita Wendy. Bye, Ben."

"Bye, Ace," pamamaalam ko. Hindi maalis ang pag-aalala sa isip ko.

Tuwing bibisita kami, laging ganoon. Nakasuot si Ace ng may mahabang manggas kahit na mainit ang panahon. Pero hindi niyon natatakpan lahat ng pasa nito.

Hanggang sa isang gabi, nakatanggap si mama ng tawag.

"W-Wendy..." naulinigan ko ang boses ng tumawag sa kanya. Ang mommy ni Ace iyon. "Si R-Robert..."

"Anong nangyari? Julia? Julia, sumagot ka!" tandang-tanda ko pa ang pagkabahala sa boses ni mama.

"Robert! Wag! Maawa ka sa amin ng mga anak mo!" sigaw ni tita. Dinig na dinig ko ang paghagulgol nito. Bakas ang takot sa boses nito.

"Tangina ninyong lahat! Mga wala kayong kwenta!" sigaw ni tito Robert hanggang sa wala ng nagsalita sa kabilang linya.

Mabilis kaming umalis ni mama papunta sa bahay nila. Nahawa na ako sa pagkataranta ni mama. Feeling ko, sampung oras ang isang oras naming byahe. Habang nagmamaneho si mama, may kausap siyang pulis at pinapapunta sa bahay nila Ace.

Ano kayang nangyari? Sana okay lang sila. God, tulungan mo sila.

Pero nang makarating kami sa kanila, tahimik ang bahay nila. Nakita namin si Ace sa paanan ng hagdan. Duguan at nanghihina. Mabilis ang naging pagkilos ng mga pulis hanggang para halughugin ang bahay.

Nadatnan nila si Tito Robert sa silid kung nasaan ang bangkay ng asawa. Tulala lamang ito habang yakap ang duguang katawan ng asawa.

Doon namin nalaman na wala na sa katinuan si tito dahil sa droga. Pinatay niya ang sariling asawa. Pinatay niya ang kambal na anak. Ang tanging naiwan ay si Ace.

Tandang-tanda ko pa ang pagsigaw at pag-iyak ni mama habang yakap-yakap niya ang nanghihinang katawan ng pinsan ko. Mabuti na lamang ay dumating agad ang ambulansya at nakaabot pa siya sa ospital. Pero hindi siya nagising.

Araw-araw ay binibisita ko siya sa ospital. Nagdadasal na sana ay gumising na siya. Hanggang sa lumipas ang isa't kalahating taon. Nagising siya. Isang himala. Pero wala siyang maalala sa nangyari. Defense mechanism daw ng utak para protektahan ang sarili. Binubura nito ang masasakit na alaala.

Namayat si Ace sa mahigit isang taong pagkakaratay sa higaan. Hinang-hina siya. Sobrang awang-awa ako sa kanya. Kaya naman ipinangako ko sa sarili ko na poprotektahan ko siya bilang kami na lang ang natitira niyang kamag-anak. Hindi ko man nagawa noon, sisiguraduhin kong gagawin ko ang lahat para protektahan siya.

===

Katatapos lang ng basketball game namin at halata ang excitement ni Clark na lapitan si Ace. Inabutan ni Ace si Clark ng inumin.

"Anong meron sa inyo?" tanong ni Greg.

"Nililigawan ko si Ace," walang pag-aalinlangang sagot ni Clark. Sa katunayan ng ay parang proud pa siya. And I'm happy with that. Mukhang totoo naman ang feelings niya para sa pinsan ko. Napansin ko rin ang pamumula ni Ace at ang parang pagkahiya niya.

"Tangina, pare!" sabi ni Alex at inakbayan si Clark. "Kaya pala wala kang ipinapakilalang chicks sa amin, lalaki pala gusto mo."

"Bakit? May problema ba doon?" anas ni Clark. "Saka si Ace lang. Hindi naman ako nagkagusto sa ibang lalaki. Sa kanya lang." Naghiyawan at nagkantyawan kami.

"Ang cheesy!" sigaw ni Greg. "Ang baduy mo, pare."

"Pero pare, kapag pinaiyak mo iyang si Ace, hindi ka lang kay Ben malalagot," sabi ni Alex. "Yari ka rin sakin. Makikita mo." Pinagmalaki pa nito ang malalaking braso.

"Pero mga tol. Salamat, ah. Akala ko maiiba na tingin niyo sakin," sabi ni Clark.

"Sus. Ang tagal na nating magkakaibigan. No judgements pare. Kung ano ang gusto mo, at kung saan ka masaya, doon kami," sabi ni Alex.

"Tama," segunda ni Greg at ni Ric.

"Tara sa bahay. I-welcome natin formally si Ace sa tropahan," sabi ni Alex. "And no excuses," tumingin ito kay Avi kaya napalingon kami sa kanya. He's the same old Avi. Tahimik. Pa-misteryoso.

"Sige, pupunta ako," parang napilitang sabi ni Avi.

Naghiwa-hiwalay na nga kami. Tulad ng dati, maagang dumating si Clark sa bahay para sumabay sa amin. Para sunduin si Ace. Nauuna ako ng bahagya sa kanila para naman magkaroon sila ng moment nilang dalawa.

"Isang tagay para sa bagong bunso ng tropa!" sigaw ni Ace at itinaas ang bote ng beer niya. Nakigaya kaming lahat at pinag-umpog ang mga bote. "Para kay Ace!"

Napagitnaan namin ni Clark si Ace na juice lamang ang hawak. Bawal pa rin kasi siya uminom as per advise ng doctor. Hindi siya pwedeng malasing lalo pa ngayon na hindi pa siya stable.

Nagpatuloy ang masayang inuman. Lasing na lasing na ang mga kasama ko kaya naman ang iingay na naman nila. Well, maliban kay Avi na natural na ang pagkamatahimik. At katulad ng dati, tampulan na naman ng tukso itong si Ric, ang dating bunso ng barkada.

Bab berikutnya