webnovel

The La Union Escapade

Sinubukan ko namang magkagusto sa isang babae, ulit, pero wala, e, hindi ko na maramdaman 'yong naramdaman ko rati kay Therese. Parang iba na talaga. Ibang-iba na ang pananaw ko sa pakikipagrelasyon sa isang babae. Parang it hit me na isang kasalanan nga ang pumatol. Hindi ko naman nilalahat ha, 'yon lang talaga ang nararamdaman ko. Ayoko namang sabihin sa iba ang opinyon kong iyon. Paniguradong may magagalit.

Basta ang nararamdaman ko na lang ngayon, kailangan kong pagtoonan ng pansin ang pag-aaral ko. Hindi ako matalino, hindi ako mayaman, kailangan ko ring kumayod sa buhay. Maya na lang 'yang lovelife-lovelife na 'yan. Ang sabi nga ni Lola, 'wag mong hanapin ang pag-ibig kasi kusa raw itong darating kapag hindi inaasahan, lalo na kapag nakatapos ka na sa pag-aaral at nagkaroon ng stable na trabaho. Watch out daw kasi lovelife na mismo ang lalapit sa 'yo. Mm-Hmm, talaga lang ha.

"Nich, picture tayo. Send natin kay Mama para bigyan tayo ng extra money."

Niyakap ko ang kanang braso niya at sumandal sa balikat niya. Kinuha naman niya agad ang cell phone niya at nag-selfie kaming dalawa. Random shots lang, ganoon.

Matapos ang ilang segundong katahimikan para sa picture, ch-in-eck naman niya ang pictures kaya naki-check na rin ako.

"Send mo kay Mama. Sabihin mo hawak mo ang buhay ko, kailangan mo ng ransom money," sabi ko pa.

Inambahan ako ng batok ni Nicho pero hindi niya alam kung maiinis o matatawa siya sa sinabi ko.

"Ang gaga mo talaga kahit kailan, Zettiana, ano?"

"Ayaw mo no'n? Pareho tayong makikinabang no'n." Inambahan niya rin ako ng batok pero tinawanan ko lang. "Picture tayo ulit, isama natin si Tonton. Ton, sali ka."

Kinalabit ko si Tonton para lumingon sa cell phone ni Nicho na itinaas niya para naman sa groufie naming tatlo.

"Sali naman ako r'yan."

Sabay-sabay kaming napalingon kay Decart na nasa seat na nasa harapan namin. Lumingon pa talaga siya kaya inabot ni Nicho ang cell phone niya para makapag-picture kaming apat kahit na iba ang seat ni Decart.

"Okay ka lang d'yan, Deck?" tanong ko pa.

Tawa lang ang naging sagot ni Decart sa akin at hindi na sumagot verbally.

Nasa eroplano kasi kami ngayon papuntang Manila. Magkakatabi kaming tatlo ni Nicho at Tonton sa three-seater chair tapos si Decart ay nasa ibang space naman pero nasa harapan lang naman namin. Pinapagitnaan ako no'ng dalawa. Si Nicho 'yong nasa bintana, si Tonton ang nasa may aisle.

Going to Manila kami ngayon para makapunta ng La Union. Excited ako. First summer getaway ko kaya sobrang excited ako. China-chant ko ang Elyu sa sobrang excitement hanggang sa makatulog ako sa eroplano. May neck pillow naman ako pero mas komportable pa rin akong sumandal sa balikat ni Nicho. Pambawi ko man lang sa times na bigla siyang hihiga sa lap ko. At saka, mga bata pa lang kami, mas gusto ko talagang sumandal sa balikat niya.

Pero pagkagising ko, biglang nasa balikat na ako ni Tonton. Naalimpungatan yata ako kasi hindi ko pa alam kung anong nangyayari sa paligid ko. Mariin kong kinusot ang mata ko para makita ko ng klaro ang nasa paligid ko at para na rin matanggal kung mayroon mang muta. Nakakahiya kaya 'yon.

Umaayos ako ng upo at napahikab ulit. Iginala ko rin ang tingin sa paligid bago ko ipinirmi ang tingin kay Nicho. Nasa eroplano pa naman kami.

"Hindi pa rin tayo nakakarating ng Manila?"

Ganoon na kasarap ang tulog ko? Nasa eroplano pa rin ako?

"Aba demanding. Trenta minutos ka lang tulog."

Napahikab ulit ako. Ano ba 'yan.

"Thirty minutes lang? Kaya pala para pa rin akong inaantok?"

Ini-level ko ulit ang ulo ko sa balikat ni Nicho para ipagpahinga ulit ang ulo ko roon. Pero bigla niyang itinaas-baba ang balikat niya to prohibit me from leaning. Pero bahala siya, hindi ako aalis sa balikat niya.

"Oh, 'wag ka nang matulog ulit. Malapit na tayo. Sa kotse ka na lang ulit matulog."

Nasabi ko na bang gabi kaming bumiyahe? Kung oo, okay. Kung hindi pa, mabuti. Basta, gabi ang biyahe namin ngayon. Gusto ko sanang makita ang city lights sa ilalim pero tinatamad ako.

Wala na akong ibang nagawa kundi ang panoorin na rin ang pinapanood na movie ni Nicho sa cell phone niya. Kinuha ko ang isang earphone niya at isinalampak ko sa tenga ko. Napanood ko na itong movie na pinapanood niya pero bored lang ako kaya pinanood ko na rin kahit hindi naman talaga mandatory.

Wala akong ma-gets sa pinapanood ko. Kasi wala naman talaga roon ang atensiyon ko. Nakikinig nga ako, nanonood nga ako, pero feeling ko lumilipad ang utak ko kung saan.

"May signal ka ba rito?" biglang tanong ko.

"D-in-ownload ko sa Netflix."

"Sana all naka-premium ang account. Shared account ba 'yan? Pahingi ng slot."

"As if namang nanonood ka talaga sa Netflix."

"Sige na. Papanoorin ko lang 'yong Prison Break. Maganda raw 'yon sabi ni Tonton. 'Di ba, Ton?" nilingon ko pa si Tonton para makahingi ng back-up.

Para siyang naalimpungatan sa kaniyang pagkakatulala kasi bigla lang siyang lumingon sa amin ni Nicho sabay tanong ng ha.

"Sige, tulog ka na ulit." Ngumiti pa ako sa kaniya at tinapik-tapik pa ang balikat niya. Parang na-istorbo ko pa siya tuloy.

"Hanggang season five 'yong Prison Break. Hindi mo makakayanan 'yong tagal no'n. Game of Thrones nga inayawan mo."

Napanguso ako sa sinagot ni Nicho sa akin. "E, boring para sa akin 'yong Game of Thrones. Wala bang series d'yan na kaonti lang? 'Yong madali lang matapos?"

"F.R.I.E.N.D.S. For sure matatagalan mo talaga ang F.R.I.E.N.D.S." Sinamaan ko ng tingin si Nicho dahil sa sinabi niya pero tinawanan lang ako ng bugok sabay marahang tapik sa pisnge ko. "Mag-aral ka na lang nang mabuti. 'Wag mo nang lunurin ang sarili mo sa pag-binge watch ng mga series. Promise, magiging payapa ang buhay mo."

Mas lalo lang tumaas ang nguso ko dahil sa pinagsasasabi nitong si Nicho. Hindi ko na kinausap. Wala ring matinong patutunguhan ang pag-uusapan namin.

Ilang minuto pa ang nagdaan, biglang nag-announce na ang piloto na babagsak na raw ang eroplano. Charot! Ang sabi, buckle your seatbelt daw kasi we're about to approach the main land. Char ulit. Basta ang sabi, magla-landing na raw kami at malapit na sa Clark International Airport.

Sa Clark directed ang flight namin galing Negros instead na sa NAIA kasi mas malapit daw sa La Union. Hindi naman 'yong sobrang lapit talaga pero mas mali-less ang travel time kapag dito kami instead sa NAIA.

Pero excited na excited na talaga ako! La Union, please, hintayin mo ako!

Sobrang mellow ng fellow passengers namin pagkalabas ng eroplano. Sabagay, baka madaling araw na ngayon. Pag-check ko kanina sa relo ko, quarter to three na. Kaya nang paglabas sa eroplano, sobrang malamig na hangin ang agad na dumampi sa katawan ko. Nakaka-excite tuloy.

Napapasinghot na ako sa non-existence sipon ko pero keri lang kasi naka-sweater naman ako. Sobrang lamig din kasi sa eroplano kanina kaya mabuti na lang at nadala ko ang sweater ko.

Sinabayan namin ang iba pang pasahero sa paglalakad papunta sa arrival area. Sumakay muna kami ng shuttle bus, siyempre, bago mismong nakarating sa arrival area.

First time ko sa airport ng Clark, Pampanga pero okay lang, wala namang kakaiba. Airport pa rin naman siya.

Habang naghihintay sa mga bagahe namin, sinabihan kami ni Decart na naghihintay na raw ang sundo namin. Gagamitin daw kasi ang kotse nilang nandito sa Manila para maging service namin papuntang La Union. Mas hassle daw kasi kung magko-commute pa kami papunta roon. E, may available resources naman daw para makapunta roon kaya it was then provided to us.

Naks, iba talaga 'pag kaibigan mo mga Lizares, e, provided talaga lahat sa 'yo.

Pero nang lumapat ang katawan ko sa upuan ng kotseng maghahatid sa amin papuntang La Union, bigla ulit akong dinalaw ng antok. Pinili ko talagang sa pinakalikuran maupo, 'yong magiging solo ko para ma-stretch ko ang paa ko kapag matutulog na. Mabuti napagbigyan ako kaya tuloy-tuloy ang naging tulog ko.

Nagising ulit ako na nakahinto na ang kotse at malinawag na ang labas. Tinanggal ko ang takip ng neck pillow ko at agad bumangon para i-check ang oras sa wrist watch ko.

Quarter to six. Kaya pala maliwanag na.

Walang tao sa loob ng kotse. Pero may nakita akong isang kapehan yata sa tapat ng pinag-parking-an ng kotse. Agad akong bumaba, nagbabaka-sakaling nasa loob sila, kumakain or something. Kasi maski 'yong driver ng kotse, na personal driver ng mga Lizares, ay wala rin.

Nag-stop over ba kami o ito na ang La Union?

Sumilip ako sa loob ng kapehan na iyon. At dahil kaonti lang ang tao, agad ko rin naman silang nakita. Magkakasama silang apat sa iisang table. Mukhang nag-uusap-usap o 'yong driver lang 'yong nagsasalita? Siya lang kasi 'yong bumubuka ang bibig tapos nakikinig lang 'yong tatlo, pare-parehong may hawak na mug.

Ang dadaya ng mga bugok na ito. Hindi man lang ako ginising.

Pumasok ako sa loob ng establishment. Mukhang kapansin-pansin yata ang pagpasok ko kasi agad silang lumingon sa akin. Kinawayan pa ako ni Nicho pero sinimangutan ko lang.

Ramdam na ramdam ko pa ang antok sa aking katawan kaya parang namamaos ang boses ko nang batiin ko sila ng morning.

"Dito ka na umupo, Ma'am. Lalabas na rin naman ako."

"Ay hala. Salamat, Kuya."

Ngumiti ako sa driver nina Decart nang ibigay niya sa akin ang puwesto niya. Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa makalabas na siya ng establishment bago ako naupo. Ibinaon ko ang dalawa kong kamay sa ilalim ng sweater ko at kahit na balot na balot na ako ng sweater, ramdam na ramdam ko pa rin ang lamig ng early in the morning.

"Anong gusto mong kainin? Gusto mong magkape, Zet?" tanong ni Decart.

Isa-isa kong tiningnan ang mga mug nila at 'yong iilang pagkain na nasa harapan nila, pero halatang ubos na.

"May mainit ba silang tsokolate rito?"

"Nanag-ing man ug sikwate ning bataa ni."

Napanguso ako sa sinabi ni Nicho. "Sige na. Mayroon ba?"

"Ako na ang o-order. May gusto ka pa ba?"

Katapat ko si Tonton at katabi ko naman si Nicho kaya napatingin ako sa kaniya. "Ikaw-" Umubo-ubo ako nang hindi pa natatapos sa pagsasalita ay bigla akong nasamid dahil sa laway. I cleared my throat and continue what I'm suppose to say. "Ikaw bahala. Kung ano 'yong kinain n'yo kanina, 'yon na lang din kakainin ko."

Nag-angat ako ng tingin para salubungin ang tingin ni Tonton pero titig na titig lang siya sa akin. Halata rin ang gulat sa kaniyang mukha. Napalingon pa ako sa dalawa, ganoon din ang reaksiyon nila, except that Decart is smiling like an evil.

"Ikaw daw," pagputol ni Decart sa panandaliang katahimikan. Tinapik-tapik niya pa ang likuran ni Tonton. "Ikaw daw ang bahala. Galaw-galaw na Newton."

Pumalumbaba na lang ako at hindi na pinansin ang ginagawa nila. Inaantok pa rin kasi ako. Sana pala hindi na muna ako bumaba ng kotse kanina. Sana natulog na lang ako ulit. Makapaghihintay naman itong pagkain, e.

Natulala lang ako ng ilang sandali at hindi rin nagtagal ay dumating na 'yong mainit na tsokolateng in-order ko tapos 'yong cornsilog na breakfast. Inaya ko ulit silang kumain kahit alam kong tapos na rin naman sila.

Nag-usap ulit sila. Pero parang si Nicho at Decart lang ang nagsasalita. Sinabihan na rin ako ni Decart na kaonting biyahe na lang daw ay mararating na namin 'yong hotel na tutuluyan namin but rest assured daw na nasa La Union na kami. He said something like San Fernando yata. Tumango na lang ako since mas alam yata nila ang place na ito o mas alam nila ang itinerary kaysa sa akin. I did not dig into details na kasi.

"Nakakapagod pala ang mag-biyahe ng ganito ka-layo 'no? Daig ko pa bumiyahe papuntang Canada nito," sabi ko out of nowhere while still eating.

"Mas malayo kaya ang Canada kaysa rito," sagot pa ni Nicho.

"Oo, alam ko. Kaya nga hindi na ako bumalik para magbakasyon kahit ilang ulit na akong inaya ni Mama."

"Tamad ka lang kaya ka gan'yan magreklamo ngayon. Mabuti nga hindi ka sumuka."

"Kung susuka man ako, ikaw una kong susukahan."

Sinamaan lang ako ng tingin ni Nicho pero hindi na ako pumatol pa. Sarap bigwasan minsan, e.

Matiyaga naman nila akong hinintay matapos kumain. Kaya after, agad akong nag-aya na umalis na kami. Same position pa rin kami sa kotse pero hindi na ako natulog. Dahil umaga na rin naman, inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa mga madadaanan na tanawin.

Nakapalumbaba ako habang nakatingin sa labas ng bintana. Nakakatuwa lang kasi I was able to see another scenery. Talagang totoo pala ang sinasabi nila na kapag artist ka, you'll get inspiration through travelling. Pero ewan ba't ako ipinanganak na tamad sa mga ganitong klaseng travel, at saka take note na wala akong own money para mag-travel. Saka na lang siguro ako magiging traveler kapag nakapagtapos na ako ng pag-aaral at makakuha ng stable job. Sabay kong aabutin ang lovelife at ang will to travel.

May nadaanan kaming parang city proper yata ng La Union. Then after that, unti-unti ko nang nakikita ang iilang resorts and hotel sa paligid hanggang sa pumasok na ang kotse sa isang gate ng parang isang resort. Ito na yata 'yong Kahuna Hotel and Resort na sinabi ni Decart kanina.

Huli ulit akong nakababa ng kotse dahil ako nga 'yong nasa pinakalikod ng SUV. Kaniya-kaniya rin kaming bitbit ng mga bagahe namin. Isang camper's backpack ang ginamit ko para sa summer vacation na ito. Baka kasi maging hassle kung ima-maleta ko pa.

Dahil ang dalawang Lizares na ito ang nangasiwa sa accommodation namin, sila na rin ang nakipag-usap sa front desk. Pati 'yong driver nila, isinali rin sa pag-check in. Share kami ng room ni Nicho. Share din ang magkapatid. Si manong driver naman ay kinuhanan talaga ng own room. Dahil Mommy nila raw ang nag-insist na magdala ng driver sa trip na ito kaya sagot na raw ng Mommy nila ang bayad sa hotel good for three days. Nakakahiya pero libre, e, so gora. At saka, napag-usapan din kanina sa biyahe na baka mag-extend kami sa pag-stay dito. Wala naman akong ibang gagawin pa pag-uwi kaya gora pa rin!

Maganda ang room namin ni Nicho. Hindi masiyadong kita ang dagat mula sa bintana ng room namin pero ramdam na ramdam ko pa rin na talagang naka-vacation mode ako ngayon. Agad nga akong humilata sa kama at dinama ang lambot at ang komportable nito.

"Tulog muna ako, Nich. Gisingin mo na lang ako kung may gagawin na," sabi ko habang sarap na sarap sa pagyakap sa unan ko.

Imbes na ayusin ang mga gamit ko, mas inuna ko pa ang pagpapahinga. Nandito naman talaga kami para magpahinga 'di ba? Kaya dapat lang na magpahinga.

Naramdaman ko ang ibinatong neck pillow ni Nicho sa akin pero hindi ko pinansin kasi unti-unti na akong inakit ng antok.

Nagising ang kaluluwa ko dahil sa malakas na ring ng cell phone ko yata. Pamilyar kasi ang ringtone kaya sure akong akin 'yon.

Napilitan akong bumangon para hanapin ang cell phone ko. Pero sa pagbangon ko, at bago ko pa man makita ang cell phone ko, may nakita akong isang pigura ng taong nakaupo.

"Putragi- Anong ginagawa mo r'yan? Ginulat mo 'ko, Tonton!"

Sapo-sapo ang dibdib, pinakalma ko ang sariling paghinga dahil sa gulat na naramdaman ko nang makita ang presensiya ni Tonton sa loob ng kuwarto namin ni Nicho.

"Ay, teka, 'yong cell phone ko."

Patuloy pa rin kasi sa pagngawa kaya hinanap ko muna sa mga gamit ko.

Nang makitang tumatawag si Ada, agad ko itong sinagot. Mamaya ko na lang muna aatupagin ang presensiya ni Tonton.

"Oh? Napatawag ka?"

Tinatanggal ko ang excess muta sa aking mata habang nasa tenga ko ang cell phone. Umayos na rin ako ng upo. Panandaliang tinanguan si Tonton.

"Nasa La Union na kayo?"

"Nasa Davao ka na?" pagsunod ko rin sa tono ng kaniyang pagtatanong. "Oo. Kanina pa. Ginising mo nga ako. Ang sarap ng tulog ko kanina. Bakit ka ba napatawag?"

"Ah, okay. Sige, tulog ka na ulit. Bye."

At bigla niyang binaba ang tawag. Napa-iling na lang ako sa walang galang na ginawa ni Ada. Wala sigurong magawa sa buhay kaya pati ako nabulabog.

Lumingon ako kay Tonton at ngumiti.

"Sino 'yong tumawag?" tanong niya.

Tumayo muna ako para atupagin ang mga gamit kong hindi ko man lang inaayos kanina pagdating.

"Si Ada."

"Ah, akala ko si Yosef."

Natawa ako sa sinagot ni Tonton. "Hindi hinahawakan ni Yosef ang cell phone niya kapag nasa ganoon silang klaseng bakasyon." Binuksan ko ang bag ko para makahanap ng damit na puwedeng ipamalit sa damit kong kagabi ko pang suot. "Bakit ka nga pala nandito?"

"Gusto mong matutong mag-surfing 'di ba? Bihis ka na, mag-s-start na 'yong lesson natin."

Excited akong napatingin kay Tonton dahil sa sinabi niya. Sobrang saya naman na surfing ang una naming gagawin dito!

"Sige, hintayin mo na lang ako sa labas. Magbibihis lang ako."

Lumabas din naman si Tonton kaya hinanap ko na lang sa mga gamit ko ang pair ng rash guard na pr-in-epare ko para sa activity na ito. Nagsuot na rin ako ng bandana sa humahaba ko na namang buhok.

I've decided not to trim my very iconic pixie cut hair three months ago. Wala lang, trip ko lang ibalik 'yong dating mahaba kong buhok. Medyo nakakasawa rin pala kapag pare-pareho ang hair style mo for years. Mas maganda rin pala kung once in a while ay mag-iba rin. I'm rooting for a shoulder length hair, just like Tonton's hair now.

Dahil halos magkasinghaba na ang buhok namin, kasi ilang inches na lang ang kulang at parehong-pareho na talaga, may similarity din ang kayumanggi naming kulay ng katawan, minsan napagkakamalan kaming kapatid. Mukha na nga kaming magkapatid dahil madalas din kaming magkasama. Siguro nagpalit na kami ng mukha. Hindi na talaga ako magtataka kung may magsabi man sa aming nagpalit na talaga kami ng mukha.

Wala akong ibang dinala kundi ang katawan at espirito ko lang. Kung may babayaran mamaya para sa surfing lessons, mangungutang muna ako sa pinsan ko o sa kahit kanino sa Lizares brothers. Hassle magdala ng pera ngayon, ang ganda ng get-up ko. Ready for the beach.

Pagkalabas ko ng kuwarto, nakita ko si Tonton na nakatayo lang sa labas, parang may pinaglalaruan gamit ang paa. Tinawag ko ang pansin niya at nang mag-angat siya ng tingin, napangiti ako nang may suot din siyang bandana.

"Sinuot mo rin ang bandanang ibinigay ko sa 'yo. Sabi na bagay, e."

Binigyan ko kasi siya ng bandana last birthday niya. Last year pa 'yon kaya nakakatuwang makita na finally, he decided to give it a try. Kaya ko siya binigyan ng bandana kasi alam kong babagay din sa buhok niya. At saka, mahaba na kasi, kaya katulad nang ginagawa ko, nilalagyan ko na lang ng bandana para iwas sagabal. That's my main purpose bakit ko siya binigyan ng bandana.

"Tara na. Sa'n 'yong dalawa?"

"Nasa beach front na."

"Mag-s-surfing din ba sila?"

"Yep. Susubukan din daw nila. They started their lessons an hour ago pa."

Napanguso ako sa sinabi niya. Isang oras na pala akong nahuli sa lesson.

"Don't worry, I haven't started yet. Sabay tayo sa surfing lessons."

Bumalik ang ngiti ko kay Tonton as we walk to the beach front. Ang suwerte ng magiging girlfriend mo, Tonton. Ako nga'ng kaibigan mo, sobrang suwerte na, paano pa kaya kung nagka-girlfriend ka na?

Sana puwedeng habang-buhay na lang ang ganitong klaseng friendship natin. Sana nga habang-buhay na lang.

~

Bab berikutnya