webnovel

Chap. 13

Paglabas ng banyo ni Kharmela, dumiretso sya sa mesa para mag-agahan.

"Bess! Tapos na ako! Maligo ka na!" sigaw niya dito.

Pag-angat niya sa takip ng pagkain na nakahain doon, napansin niya ang isang sticky note na nakakabit dito. Kinuha niya ito at binasa:

"Bess, nauna na ko. May pupuntahan pa kasi ako eh. Kita nalang tayo sa Cafe. Labyu! <3 "

"Huh? Saan naman kaya pupunta yun ng ganito kaaga?" pagtataka niya dito.

Tinanggal niya ang takip ng mga niluto ni Selene at nag umpisa nang kumain.

Nakatitig lang sa labas ng glass window ng kanyang opisina si France na tila balisang-balisa.

Hindi mawala sa isip niya ang mga sinabi ng kaibigang si Byul.

Bigla siyang nakaramdam ng konsensiya sa mga sinabi nito sa kanya na kinabagabag ng kaniyang kalooban.

Habang nag iisip ng malalim, hindi niya namalayang pumasok sa loob ng opisina ang secretary niya.

"Chairman.." hindi siya narinig nito. Nagtaka naman siya. "Ehem! Chairman?" muli niyang tawag ngunit wala parin itong kibo. "CHAIRMAN! " sigaw niya na ikinagulat naman nito.

"Bakit ka ba sumisigaw?! " singhal ni France sa secretary.

"Sorry naman Chairman. Eh pano naman po kasi kanina ko pa kayo tinatawag." paliwanag nito.

"Ganon ba." sabay upo ni France sa rotating chair nya kaharap ang desk. Napatitig naman ang secretary niya sa kanya na tila nag-aalala.

"Ano po ba yon, Chairman? Para kasing ang lalim ng iniisip nyo. Baka po may maitulong ako." alok nito.

"No, thanks. I'm fine." tugon niya.

"Okay po. By the way, eto po pala yung project proposals ng marketing team." sabay lapag ng mga portfolio sa desk niya.

"Thanks. You can go now." utos nito.

Nag bow na sa kanya ang secretary at lumabas na sa opisina niya.

Sinubukang ibaling ni France ang pansin sa mga portfolio na nasa desk nya ngunit hindi niya ito magawa. Padabog niyang binagsak ito sa desk niya at kinuha ang cellphone. Nag dial siya dito at tinawagan ang bestfriend na si Byul.

Agad naman itong sinagot ni Byul na kasalukuyan ding abala sa desk niya sa opisina.

"Oh bro! Napatawag?" bungad niya dito habang abala parin sa pagsusulat sa isa niyang kamay.

"Bro.. I can't take this anymore. Itigil na natin."

Nagtaka naman si Byul nang marinig ito sa kabilang linya kaya napatigil siya sa ginagawa.

"Itigil ang ano?" pagtataka niya.

"Itigil na natin ang plano. I realized that this will just make Selene's life miserable. Ayoko naman na mangyari yon bro. Hindi ako ganong tao Byul. Alam mo yan! Thanks for the realization. Kaya ayoko na. Kung ayaw na ni Marcellane, I'll just let her do whatever she wants to do. I'm done!"

"Bro, easy! Hahaha! I understand you. Don't worry hindi pa naman tayo nakakapag umpisa sa plano eh. There's no damage na maaaring mangyari kay Selene coz we're not even starting yet. Atleast maaga mong nabawi ang decision mo. I'm proud of you Francesco." pagpuri ni Byul sa kanya.

Napalitan naman ng tipid na ngiti ang kaninang problemadong mukha ni France. Tila natanggalan siya ng tinik sa dibdib.

"Thank you so much bro. Kundi dahil sayo, hindi ko marerealized ang kalokohan ko."

"Hahaha! We are bestfriends. What do you expect me to do?" natawang sabi sa kanya ni Byul.

Natawa din si France sa kaibigan.

Dumating na sila sa mansion ng mga Lee.

Paghinto sa front door ng mansion, agad nang bumaba si Selene kasabay ang assistant ng Chairwoman.

Inaya na siya nitong pumasok sa loob.

Tila hindi makapaniwala si Selene sa nakikita nya ngayon. Ito ang unang beses niyang makapasok sa isang mala-palasyo na bahay kaya naman hinahangaan niya ang bawat madaanan ng mga mata niya sa loob ng mansion.

"Nandito na tayo Ms. Selene. Pumasok ka na sa loob. Hinihintay ka na ng Chairwoman." sabay bow nito sa kanya at umalis na. Naiwan naman siyang nandoon sa may tapat ng pinto ng living room kung saan nakaupo at naghihintay si Felicity.

Kabang-kaba si Selene. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin niya.

"Sino yan? May tao ba dyan? Assistant Kang?" nabigla siya nang may marinig siyang boses mula sa loob ng living room.

Huminga siya ng malalim at unti-unting sumilip sa loob ng silid. Nakita niya ang isang babae na hindi katandaan na nakaupo doon at nakatingin sa kinatatayuan niya.

Natigilan siya nang makita niyang nakatingin ito sa kanya kaya dahan-dahan na siyang pumasok sa loob ng silid. Nag-bow siya dito.

"Good morning iha. Maupo ka." salubong chairwoman sa kanya.

Naglakad na palapit si Selene sa sofa kung nasaan ang Chairwoman. Halatang halata sa mukha niya ang kaba at hiya. Naupo siya sa kaharap na sofa nito at muling nag bow.

"M-Magandang umaga din p-po, C-Chairwoman." nauutal niyang bati dito.

"Wag kang matakot sakin iha. Just relax. Kaya lang kita pinatawag dito just to confirm something." mahinahong sabi ng chairwoman kay Selene habang nakangiti ito.

Napalunok si Selene sa kaba. Lalo siyang kinabahan sa sinabi nito. Tila nanuyo ang lalamunan niya sa sobrang kaba. Alam niya na kung ano ang tinutukoy nito.

"So.. you are Selene Jang, right?"

"O-Opo."

"I know alam mo narin ang reason kung bakit kita pinatawag dito. It's because of what happened to you that night with my son, Francesco."

Lalong kinabahan si Selene na halos manigas na siya sa kinauupuan.

"S-Sorry po t-talaga Madam! H-Hindi ko po talaga m-matandaan ang nangyari s-samin nung gabing yon. W-wag po kayong mag-alala! N-Nakapag usap naman na po kami ng anak nyo k-kinabukasan din po na yon. W-Wag po kayong mag-alala. W-Wala naman po akong pinagsabihan." depensa ni Selene.

Natawa naman ang Chairwoman nang sabihin niya iyon. Ito naman ay labis na ipinagtaka ni Selene.

Selene's POV'

O___________o

B-bakit tinatawanan ako nito? May nakakatawa ba sa sinabi ko? Kabang-kaba na ko dito tapos tatawanan nya lang ako? >< Hindi man lang ba sya magagalit sa nangyari? Prepared pa naman akong masampal o di naman kaya buhusan ng tubig sa baso. Ganun kasi sa mga drama diba?

"Hahaha! I know iha. Relax! Hahaha!" tawa lang sya ng tawa.

Ah okay? So alam nya? Pati yung naging pag uusap namin ng anak nyang manyak? Ano to? Planado? O.o O baka naman prank lang to? Sana naman nga biro lang to! ><

"A-Ahh p-pasensya na po ah. P-Pero b-bakit po kayo natatawa? May n-nasabi po ba akong m-mali?" o diba lakas ng loob ko? Di pa kasi ako diretsuhin eh -,- Baka ma-late na ko sa trabaho.

"Wala iha haha! I'm sorry. Natuwa lang ako sa naging reaction mo kanina that's why." Ayy may pinagmanahan lang pala anak mo -,- Mag-ina nga kayo.

"Ganun po ba." Ayan medyo okay na ko. Buti nalang medyo di na ko kinakabahan whoo!

"You know what, Selene.. I'm happy na ikaw ang nakasama ng anak ko that night imbes na ibang babae. Coz I know, you're different among them. Siguro kung ibang babae yon, baka she created humors na para lang maperahan ang anak ko.Thank you so much for protecting my son's dignity." Aww mabait naman pala to eh. Wala sa itsura nya na mukhang sopistikada.

"W-Wala po yun Madam. Wala naman pong may gusto sa nangyari. Aksidente lang po iyon lahat."

"Yes, you're right iha. Actually, kaya din kita ipinatawag dito sa mansion is not only to confirm what happened, but also to inform you that Francesco will be the one who must take responsibility for this." 

Aiiiish ayan na naman tayo sa responsibility chuchu na yan eeee >< Grabe! Mag inang mag ina talaga kayo eh noh?!

"Ah eeh... M-Madam k-kasi... napag usapan narin naman po namin yan ng anak ninyo. Kalimutan nalang po natin ang nangyari tutal aksidente lang naman po iyon at wala naman pong damage na nangyari sa image ng anak ninyo." Bakit ba di sila maka moved on? >< Ako tong babae nakapag-moved on na tapos kung sino pa ang lalaki, siya tong makulit. Kainis!

"Iha, that's impossible! You can be pregnant with my son's child. Since it was less than a week simula nang may mangyari sa inyo ni France, hindi natin sure kung magbubuntis ka ba o hindi. That's why, you need some assistance from him and also from me."

Oo nga pala noh. Halos mag iisang linggo palang pala simula nung nangyari yun. WHAAAAAAAHHHHH!!!! ANO BA YAN!!! >< Pano kung mabuntis nga ako?!!! Anong gagawin ko?!!!

Pero ano bang assistance sinasabi nito? Hindi ko naman kailangan yun. >_<

"A-Ano pong ibig sabihin nyo sa assistance Madam? H-Hindi naman po ako manghihingi ng pera sa inyo. Kung sakali man po na magbunga po yung nangyari sa amin ng anak nyo, kaya ko naman po ang sarili ko eh." Kasi ipapa-abort ko naman -,- Kaya para saan pa ang assistance nyo diba? Hindi pa ako handa maging ina noh! T_T

"I'm telling you hindi mo kaya iha. Please don't be selfish. Anak din iyan ni France. And as a grandmother, ayoko din naman na pabayaan ang magiging apo ko at magiging ina niya."

O.O Ako? Magiging ina? >___< WHAAAH di ko matanggap!! Hindi pwede!! Lagot ako kay bess at lalong lagot ako kila uncle at auntie kapag nalaman nila to! ><

"P-Pasensya na po Madam. P-Pero hindi ko po matatanggap ang inaalok nyong assistance. Naiintindihan ko naman po kung anong ibig nyong sabihin p-pero...gaya po ng anak ninyo, may mahal sa buhay din po akong iniintindi at ayoko po sana na malaman nila ang tungkol dito."

 Hello? May image din akong iniingatan noh! Kayong mayayaman lang ba? ><

"Alam ko naman yun iha. Kaya I have a proposal for you."

 Ano na naman kaya yan? ><  

"Since hindi pa natin sure kung buntis ka nga, I will give you two days to pack your bags and move to my son's house."

HUWAAAAT???O.O 

"I did a background check on you just to make sure that you're not in a relationship before coming up to this decision. And I found out that you're living with your bestfriend. Sorry iha kung kinailangan ko pang gawin to. I just want to set all things done in a cleanest way. Wag kang mag-alala, gagawa ako ng paraan para hindi malaman ng kaibigan mo ang dahilan ng paglipat mo. Just two weeks. You'll stay at my son's place until we confirmed your pregnancy." 

Ayy pambihira! Gusto nya talaga akong patirahin sa bahay ng manyak nyang anak sa loob ng dalawang linggo?! O.O Ayan na ba yung assistance na tinutukoy nya? Kung ayan nga yon, thank you nalang! Kayang-kaya ko na sarili ko noh! >< 

"P-Pero Madam h-hin--- "

"Iha please." 

Halatang halata ko sa tono ng boses nya ang pagmamakaawa.

"Two weeks lang naman ang hinihingi ko eh. Don't worry. This will remain secret to your bestfriend. Ako nang bahala sa lahat so please... just cooperate with me, okay? I just want to fullfill my grandmother duty just in case na ipagbuntis mo nga ang magiging apo ko and the possible heir of Lemint' group of companies."

Aww na-touched naman ako. T.T  Ano na Selene? >< Papayag ka na ba? May point naman sya eh. Saka mukhang mabait naman syang tao.

"Please Selene iha, please!" pagmamakaawa niya sakin.

>< Eto na. Bibigay na talaga ako! Eto pa naman ang pinaka ayaw ko sa lahat. >< Dito ako marupok eh! Kapag may nagmamakaawa sakin ng ganito. WHAAAAHH!!!!! T_T Ano? Papayag na ba ako? Tutal dalawang linggo lang naman eh. Kung sakaling hindi talaga ako buntis after ng dalawang linggo na yun, edi okay na! Babalik na ang lahat sa dati. Haayyyy ><

Sana nga... bumalik pa ang lahat sa dati. 

3rd Person's POV'

Katulad ng umagang eksena sa Cafe, abala muli ang mga barista sa mga customer.

Wala pa si Selene kaya naman si Charm muna ang gumagawa ng mga gawain niya doon.

"Oh Charm! Wala pa si Selene?" tanong ni Kat na nasa cashier.

"Wala pa nga po eh. May pinuntahan daw. Pero baka parating na rin yun."

Maya-maya pa ay dumating na nga si Selene. Masaya itong bumati sa bawat nakakasalubong nyang barista.

"Oh nandito na pala sya eh!" sabi ni Kat pagkakita nya dito. Napalingon naman si Charm sa kanya.

"Good morning ate Kat! Sorry po na-late ako."

"Okay lang. Minsan ka lang naman ma-late. Sige na magbihis ka na ng uniform. Ayaw magpunas ni Charm ng bintana sa labas kaya buti pa ikaw na gumawa."

Natawa naman si Selene sa sinabi nito sabay lingon kay Charm na nakabusangot ang mukha sa kanya. Nilapitan nya naman ito habang nagmo-mop ng sahig.

"Good morning Kharmela Chan!" masayang bati nya dito.

"Good morning ka dyan! At saan ka na naman galing na lupalop, Selene Jang?" usisa nito sa kanya.

"H-Huh? A-Ahh..a-ano...ahh... nag-jogging ako! Oo nag jogging ako hahaha!" awkward nitong tawa.

"Nag jogging ka? At bakit naman naisipan mong mag jogging nang biglaan aber?" tanong sa kanya ni Charm habang nakapamewang.

"Ahh a-ano...kasi... f-feeling ko.. mabigat na katawan ko eh. Matagal-tagal na kasi tayong hindi nagjo-jogging diba?"

"Paanong di bibigat katawan mo eh kain ka ng kain! Tss. Sige na magbihis ka na! Magpupunas ka pa ng bintana sa labas."

"Okay! ^^ "

Dumiretso na sa locker room si Selene upang magbihis.

Matapos isuot ang apron na uniform nila, may nalaglag na kung ano sa bulsa nito. Pinulot naman nya ito at tinignan.

Isa itong tissue na nakatupi. Binulatlat niya ito.

Nang mabasa nya ang nakasulat dito, natawa sya.

"Eto yung tissue na iniwan nung RK na lalaki kahapon."

Napangiti sya nang makita ang ginuhit nitong dog paws sa tissue.

Tinupi nya itong muli at inipit sa isang notebook na nasa loob ng locker niya.

Pagkakuha sa panlinis ng bintana sa stock room, lumabas na sya para linisin ang bintana sa labas ng Cafe.

Inuna nyang punasan ang gilid na bahagi ng Cafe.

Habang nagpupunas sa isang bahagi ng glass window, bigla namang may umupo na customer sa tapat ng pinupunasan niyang salamin.

Kita mula dito ang loob ng Cafe kaya napansin niya agad ang lalaking nakaupo sa mismong tapat kung saan sya nagpupunas.

Napansin nya ang suot nito na itim na T-shirt, bucket hat at itim na face mask at nakapaharap itong nakaupo sa direksyon nya.

Nailang si Selene nang mapansin niyang nakatingin ito sa kanya. Bagama't naka hat at face mask kasi ito, nakalitaw parin ang mata at ilong nito kaya naman nakikita nyang nakatingin ang lalaki sa kanya.

Nang hindi na matiis ni Selene ang nararamdamang awkwardness, kinuha nya ang timba na may sabon at ibinuhos ito sa salamin dahilan upang lumabo ito. Halos mapuno ng bula ang salamin ng bintana kaya naman kinuha nya ang spray ng tubig para banlawan na ito.

Pagka-spray nya sa salamin, luminaw na ito ngunit laking gulat niya nang mapunta na mismo sa harapan niya ang lalaki. At sa pagkakataong ito, nakababa na ang suot nitong face mask at nakatutok na sa kanya na halos salamin nalang ang pagitan ng mga mukha nila sa isa't isa.

Nakangiti lang ito na nakatitig sa kanya.

Nagtaka naman sya dito. Tatalikuran na sana nya ang lalaki nang marealized nya kung sino ito. 

Muli niyang ibinalik ang tingin sa lalaki para ikumpirma kung sya nga ba yon.

"I-IKAW?!"

Itinaas naman nito ang isang kamay at ikinaway sa kanya.

"HI KI-TTY! ^^ " sabi nito ng walang lumalabas na boses sa bibig nya ngunit naintindihan naman agad ni Selene.

~~~

Bab berikutnya