webnovel

Chapter 24: Summer Vacation (Part Two)

"Her soul belongs to summertime; graceful steps on warm sand. A heart that leaps on ocean waves. Sea salt memories in her hands"

***

Eiffel PoV

Ok... Er- After being kidnapped by the notorious twins, here I am ridding in a private plane with my husband beside me.

I was really scared noong sinabi nilang magbabakasyon kami without Kuya Clyde. Not that I don't want to be them, I just don't like being a far from him.

Kaya tuwang tuwa ako nang sumunod sa amin si kuya Clyde kasama ni Kuya Willam na puno ng pasa sa mukha, which I didn't bother to ask anymore knowing my husband temperament.

I glanced at Kuya Clyde who still looks grumpy and annoyed "I can't believe that they just destroyed our plans and had the nerve to kidnap you" naiinis na inilalabas ang sama ng loob habang nakatuon ang atensyon sa magazine na hawak hawak.

I couldn't help but giggle at his face, he looked like a child na inagawan ng candy.

"We still have some other chance, let's just enjoy this unexpected vacation treat of theirs" saad ko habang sinusubukang pakalmahin siya.

Sinadya palang iniwan ng kambal si Kuya Clyde para inisin ito at nagtagumpay nman silang dalawa, yun nga lang kawawang nabugbog namn si Kuya Willam.

"But I know you were excited to go to Vigan and now-"

Kumuha ako ng cookie from the plate at sinubuan nalang ito para mapatahimik. Sometimes Kuya Clyde acts like a child but I can't help but to find that side of him cute.

"I'm excited because I will be going with you, but no matter where we go, basta kasama kita ay ayos na" medyo namumulang amin ko. He looked back at the magazine munching the cookie in his mouth but I know that he was just simply hiding his blushing face.

"Nakakadiri talaga" sabay na puna ni ate Kathlene at umupo sa tapat namin.

"We're staying at our private beach house in Batanes Island, nakaready na ang lahat pati ang mga damit niyo" ate Rene informed us.

"Naipagpaalam narin namin kayo kanila Tita Sophie pati sa magulang mo Eiffel, and we might stay there for a month" dugtong ni ate Lene.

"Wow! We're going to Batanes? That's wonderful!" puno ng excitement na sabi ko.

"I just recently encountered a magazine where it was featured and I'm looking forward for it" dagdag ko.

"Sabi niya basta kasama ako ok na, hmp!" bulong ni kuya Clyde at nakangiwing tiningnan ko siya.

Naku patay!

"Look at the window Eiffel" Kuya Willam interrupted me at napatingin din ako kay Kuya Clyde.

I was speechless at the scenery below us; the view was so breath taking, Batanes is famous for its hilly and mountainous terrain which offers majestic of the highland and sea.

The turquoise and aquamarine like blue sea surrounding the green islands was so beautiful just like a painting I saw in Xavier Gallery back in Britain! No, it was much far beautiful than any painting! It was such a breathtaking sight! An unreal place!

Lumingon ako kay Kuya Clyde with a smile on my face "Let's enjoy our vacation Hubby!" puno ng excitement na sabi ko

'''

"Wow! Ang ganda!"

Eiffel is currently in the veranda of the room the twins gave them. Nakatayo ang mala mansionette style na bahay made of rocks and woods on top of a hill facing the sea here in Batan Island. Eiffel spread her hands, welcoming the fresh breeze coming from the Pacific Ocean.

"Welcome to Fundacion Pacita, a nature lodge" saad ni ate Kathrene pagkapasok niya sa kuwarto namin.

"It was just two years ago nang mabili nila Daddy at Mommy itong ancestral house that is turned into Nature Lodge. They said that the husband of Pacita Abad who was a famous painter here in the country who specially built this place as a rest house for her so that she can paint near the sea. Such a wonderful proof of love isn't it?" Nakangiting kwento ni ate Kathlene na lumapit sa akin.

"Yes, it is" nakatulalang sagot ko habang nakatulala sa napakagandang karagatang pasipiko.

Padapit hapon na nang makarating sila dito mula sa Basco airport. Ibang iba mula sa maingay na syudad ng kamaynilaan, it was like a sacred and peaceful place.

The room is simple yet gives off a grand atmosphere like you're in a seven-star hotel. White wall with decorated with stones and well-equipped bathroom.

"Ah. Chotto matte, tignan lang namin kung nakahanda na ang pagkain" ani nila at lumabas ng kuwarto.

Sa likod ng rest house ay makikita ang sikat na Mt. Carmen Chapel Church, sa kaliwang banda naman ay ang Mt. Irayat, samantala kaunting lakad naman ay matatagpuan ang private mini forest na isa sa mga restricted na place dito sa Batan Island at ang pamilya lamang nila Ate ang pwedeng tumapak doon.

Napalingon siya kay Clyde na kanina pa nakaupo sa king sized bed na tila malalim ang iniisip.

"Hubby... Is there something wrong?" nagaalalang tanong ni Eiffel at sawakas ay tumingin naman sa kanya ang binata.

"N-No, don't mind me" iling nito.

"Hubby-" pero naputol ang sasabihin niya ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang kambal "Dinner's ready! Let's go Eiffel!" at hinatak ang munting binibini.

Naiwan si Clyde at tahimik na pumasok si Willam.

"What's wrong?" seryosong tanong nito at naglakad sa harap niya.

Napabuntong hininga ang binata "This is a torture" amin nito at hindi napigilan ni Willlam ang mapangitti sa stado ng kanyang matalik na kaibigan.

"I understand you brad; I know it's difficult to stay in one room with the innocent Eiffel. Worse is that you will be sleeping on the same bed for a month"

Clyde just shot him a warning look.

Kung ang normal na Clyde ay hinding hindi ito aaminin, puwes iba ang sitwasyong kinalalagyan ng binata ngayon.

"Tiwala lang sa sarili brad, malalagpasan mo ito" puno ng awa na hinawaka nito ang balikat ng binata sa tila sinusuportahan ito.

Dalawang beses palang nasubukan ni Clyde na makatabi ang asawa niya sa pagtulog at base sa mga experience na iyon ay hindi ito madali. Ngayon ay mapipilitan siyang makatabi ang munting binibini sa loob ng isang buwan.

"Baka gusto mong pantayin nating yang black eye mo?" suggest nalang niya at nakangising tinaas nito ang dalawang kamay.

Napailing nalang habang nakangiti si Willam "No thanks brad, wala akong planong magmukhang panda ngayon, but thanks for the offer"

Tumayo na si Clyde ay lumabas ng kuwarto kasama ni Willam. Nadatnan nila ang kambal at si Eiffel na nakaupo na sa lamesa at andaming nakahandang pagkain.

"Kanina pa namin kayo hinithintay" saad ni Kathlene na nakasibangot

"Eiffel won't eat without you Clyde" dagdag ni Kathrene.

Clyde smiled and sat beside Eiffel and they started eating. It was a very sumptuous dinner, they were presented with the famous delicacies such as Uvud balls, vunes, coconut crabs and huge lobsters.

Pagkatapos kumain ay nagtungo na sila sa kanikanilang kuwarto at si Clyde kasama ni Eiffel.

He laid down and looked at Eiffel who was blushing. "Let's just get some rest, mahaba haba rin ang biyahe natin kanina" saad niya at tumango si Eiffel.

That night, both of them wasn't able to sleep peacefully

It was only 5:00 am in the morning nang magising si Eiffel, dahan dahang bumaba mula sa kama nila ni Clyde at iniiwasang magising ang binata na mahimbing ang pagkakatulog. Sumilip siya sa veranda at nakitang bukang liwayway na. Kinuha ang puting sweater mula sa closet at mabilisang nag ayos. Pumunta siya sa kusina upang ipaghanda ng masarap na agahan ang kanyang asawa pero nadatnan niyang nagluluto na ang mga kasambahay.

"Good morning Miss Eiffel" Bati ng katulong sa kanya.

"Gusto niyo po bang mag almusal na?" tanong nung isa.

"Good morning din po. Hindi po, maaga lang po akong nagising para ipagluto ng almusal si Kuya Clyde" Sagot niya.

"Kami na po ang bahala sa agahan Miss Eiffel. Huwag na kayong magabala pa. "

"Ganoon po ba? Sige po. Babalik na lang ako pag nakahanda na lang ang agahan. Salamat po."

Dahil sa walang maisip na magawa ay nagtungo siya pabalik sa kwarto nila ni Clyde. Tulog pa rin ang kanyang asawa kaya nagtungo siya sa lamesa na malapit sa walk in closet at kinuha mula rito ang bagong bigay na sketchpad ng kambal sa kanya. Napagdesisyunan niyang lumabas at maghanap ng maiisketch.

Nagtungo siya sa mini forest sa likod ng rest house at masayang nililibot ang paningin sa mga nagtataasang punong kahoy at mga ligaw na bulaklak.

The chirping sounds of birds can be heard, she looked up and even saw a white owl flying through the woods, colorful butterflies were dancing on the flowers and she can tell that the place was untouched and instead of being scared, she was at peace.

Habang naglalakad ay nakarinig siya ng ingay, she followed the sound only to discover that it was the sound of a gushing water. Naglakad siya papalapit dito, may maliit na waterfall na nangagaling mula sa bundok at bumabagsak sa maliit na lawa. May mga malalaking bato na pumapalibot dito. Lumapit si Eiffel at napaupo sa isang bato.

"Napakalinaw ng tubig!" bulalas niya. Bahaygang inilubog ang kamay sa tubig at pinakiramdaman. Napakaganda ng tanawin na tila nasa isa kang paraiso.

Kinuha niya ang sketchbook at nakangiting nagsimula sa paguhit.

Samantala ay nagising mula sa pagkakatulog si Clyde at agad kumunot ang noo ng binata ng makitang wala sa tabi niya ang munting asawa. Tumayo siya at nagtungo sa veranda ngunit wala doon si Eiffel. Kumatok siya sa banyo at wala rin ito doon.

Asan siya? Tanong niya sa sarili.

Napansin niya ang isang maliit na sulat na nakalagay sa side table at binasa ito

Good morning Hubby~ I'll just walk around. Be back before breakfast :)

Napatingin ang binata sa wall clock at napagdesisyunang hanapin na ang munting asawa. Hinablot ang jacket at lumabas na ng kuwarto.

Knowing Eiffel, Clyde entered the Mini forest.

"Eiffel!" tawag niya.

"Eiffel where are you!"

Naglalakihan ang mga punong kahoy at medyo matataas din ang mga damo, Iniisip ang posibilidad na may mga ahas doon. Fear started to creep into him, hindi mapigilang hindi magalala sa asawang nawawala.

Ang tagal na niyang sumisigaw ngunit wala parin siyang naririnig na response, nagsimula siyang tumakbo na para mas mabilis ang paghahanap.

Pero sa gitna ng pagtakbo ay nakarinig ito ng ingay, tila agos ng tubig at walang pagdadalawang isip na sinundan ang pinangagalingan ng ingay.

Saktong pagdating niya sa talon ay biglang umahon ang isang diwata mula sa maliit na lawa.

Her pale skin was glistening because of the small sunlight rays that hits her. Her drenched strapped white dress hugs her figure perfectly while her dripping wet jet-black hair cascades down to her waist. Her pale delicate hands tucked her wet hair locks veiling her face behind her ears then the fairy suddenly looked towards the astonished boy.

Enchanting blue eyes met his black ones, like they were hypnotizing him and red color started spreading to her cheeks as she purses those small pink lips.

Parang nagising mula sa isang hypnotismo ang binata nang nagsalita ito.

"H-Hubby" nahihiyang tawag sa kanya ng munting binibini.

"E-Eiffel! I was looking' all over for you!" sita niya at pilit na iniiwas ang atensyon mula sa mukha ng munting asawa.

"P-Pasensya na, I was just sketching the place t-tapos parang natempt akong maligo dito" she explained at niyakap ang sarili na tila nahihiya.

"Umahon ka na diyan at bumalik na tayo sa rest house" utos niya at pinulot ang sketchpad na nakapatong sa isang bato. Lihim na hinawakan ang dibdib na mabilis na kumakabog.

Naglakad paahon ang munting binibini at kinuha ang sweater nito. Lumapit si Clyde saka hinubad ang suot na jacket at inilagay sa balikat ni Eiffel para mabawasan ang lamig. Hindi parin nawawala ang pamumula ni Eiffel at hindi alam ang gagawin para maitago sa binata.

Kinuha ni Clyde ang kamay ng munting asawa at naglakad.

"Sa susunod, kung aalis ka sabihin mo sa akin para masamahan kita. Don't scare me like that again, paano kung may ahas pala dito?" Clyde stated as he lectures her pero napapangiti nalang si Eiffel, knowing that Clyde was looking for her is enough to make her happy.

"I'm sorry. Hindi na po mauulit" tugon nito

"Why do I feel that you're not really sincere?" he glanced at me with his eyebrow rising a bit.

"This is such an enchanting place, right? Just like what I imagined in the books I read where fairies lives" she said as she looks around the place and Clyde just smiled.

"Yeah. This is quite a nice place and I've already seen the most beautiful fairy" Sabi niya habang nakatingin kay Eiffel.

"Really?" excited na tanong ni Eiffel "Where? I'd like to see it too!"

"It's really pretty but it's for my eyes only" Sagot ni Clyde habang hindi pa rin inaalis ang tigtig kay Eiffel.

"If you don't want to tell me, f-fine. Let's just go back so we can have our breakfast." Nauutal nitong sambit.

Palihim na ngumiti si Clyde sa nakikitang reaksyon ni Eiffel. A small silly idea popped inside his mind. Gagantihan niya ang asawa sa ginawa nitong pagpapaalala sa kanya.

"Alright, I don't want you to have a cold so let's do a faster way." Nakakalokong suhestyon niya

"You know a shortcut we can use?" Tanong ni Eiffel.

"Nope! But I know it's as fast." Nakangiti niyang sagot sabay buhat dito in a princess style. Napakapit ang braso ni Eiffel sa leeg niya.

"Hu-Hubby! Put me down. I might fall" tili ni Eiffel.

"Hmm, if you don't tighten your hold on me, you'll really fall" Nakakalokong nilalaglag ni Clyde si Eiffel.

"Nooo!" natatawang sigaw nito.

"Then tighten your hold so you won't fall"

"Like this?" Hinigpitan ni Eiffel ang kapit kay Clyde.

"Tighter" nangiinis na utos niya.

Mas lalo niya pang hinigpitan ang yakap at sobrang lapit na ang mukha nila sa isat-isa.

"That's more like it" nakangiting puna ni Clyde sabay takbo pabalik sa rest house.

Nang malapit na sila sa Lodge ay sinalubong sila ng sigaw ng isa sa kambal na nagmumula sa veranda ng kanilang kwarto.

"Hey couz! So early in the morning and you two are already acting so lovey- dovey with each other. So cute!" Sabi ni Rene

"Really? Are you truly my twin? How can you find that cute while I find it so gross?" Sabat naman ni Lene as she flip her hair and rolled her eyes.

Hindi pinansin ni Rene ang comment ng kambal at itinuloy lang ang pangaasar sa pinsan.

"Can't you restrain yourself even for a second couz? Look how red our couz-in-law is!" natatawang panunudyo ni Rene sa kanila.

"O-M-G! Couz what have you done to Eiffel? She's soaking wet! Hurry get her to the shower so she can get herself clean" freaked out na utos naman ni Kathlene.

Hindi pinansin ni Clyde ang kanyang mga pinsan at tuloy-tuloy na pumasok sa kwarto nila. Ibinaba niya sa harap ng banyo si Eiffel.

"Go take a warm shower and I'll get you a towel."

"Thank you hubby. You should change your clothes too. You're wet from carrying me all over the way" Suhestyon ni Eiffel.

"Yes, I'll do that" Pagsangayon ni Clyde." I'll wait for you at the dining area after I change so you can fix yourself alright?"

Eiffel nodded at pumasok na siya sa banyo upang maligo.

Nagbihis naman ng tuyong damit si Clyde at inilagay ang basang damit sa laundry basket. Pagkatapos ay bumaba na siya at naupo sa sala kung saan niya nakita si Willam na nanonood ng balita.

"Ano pare, kamusta? Sarap ba makatabi ang asawa mo sa iisang kama?" Nakakalokong panguusisa ng kaibigan nia.

"Balita ko nagkaroon kayo ng very early morning rendezvous? Ang lupit mo din talaga! Bilib na bilib ako sa iyo!" Natatawang litanya nito.

Namumula namang hindi pinansin ni Clyde si Willam at nanatiling nakatutok ang mata sa harap ng tv.

"Shut your trap Willam or are your bruises still not enough to shut you up?" Pagbabanta ni Clyde.

"Ok, ok. Man, so hot headed and here I was thinking that you had a great start of the day." Umiiling ngunit nakangiti pa rin si Willam na pinakikiramdaman ang katabi dahil kahit asido ang lumalabas sa bibig niya ay alam niya sa loob-loob, sobrang ganda ng umaga ni Clyde.

Samantala, pumasok naman ang kambal sa kwarto nina Eiffel. Pagkatapos magbihis ay inayusan nila ng konti si Eiffel. Pagbaba nilang tatlo ay nadatnan nilang nagaasaran sina Clyde at Willam nang mapansin sila ni Willam ay agad niyang siniko si Clyde.

"Aray naman! Bakit ka naniniko!" Pagalit na sigaw ni Clyde at ngumuso lamang sa direksyon ng hagdan ang salarin.

Paglingon ni Clyde ay bigla siyang napatayo. Nagapir naman ng palihim ang kambal na nasa likod ni Eiffel at tuwang-tuwa sa reaksyon ng pinsan.

Naunang nagsalita si kathrene. "So couz, what do you think? Isn't she pretty today?"

Hindi naman pinansin n Clyde ang tanong ni Rene na parang si Eiffel lang ang nakikita. Lumapit si Willam at binulungan ang kaibigan.

"Libre namang kumurap bro pero sa tingin ko isara mo muna yang bibig mo bago ka magkalock-jaw." Pangaasar ni Eillam. At saka lang nahimasmasan si Clyde at bigla niyang siniko ng malakas sa tiyan ang kaibigan.

"That's for earlier."Sagot lang ni Clyde.

"Gr-grabe ka talaga pa-pareng magmahal. Ca-Carinyo brutal. Sa so-solar plexus ko talaga pi-pinuntirya" Nanghihinang daing ni Willam.

"Ah, Hubby, kumain ka na ba? Pasensya na natagalan akong bumaba."

"No, its fine. I haven't eaten breakfast yet. I was talking with Willam earlier so I did not wait that long"

"Is that so? Well then, let's eat our breakfast then."Nakangiting yaya ni Eiffel at sabay-sabay silang kumain ng agahan maliban kay willam na naTKO kanina ni Clyde.

"Why don't we explore the place?" bulong ni Clyde kay Eiffel habang nasa hapag. Ayaw ipaalam ng binata sa mga makukulit na pinsan ang plano niya.

Eiffel glanced at him.

"Tayong dalawa lang" dagag ni Clyde at napangiti si Eiffel.

"oy, oy, anong binubulong bulong niyo diyan?" tanong ni kathlene at agad nagiwasan ng tingin ang dalawa.

Parehas na nagiisip kung paano matatakasan ang mga asungot na ito.

******

Batanes is the most beautiful place I've ever been to. I know my words were not enough to describe the beauty the place holds so if ever that you want to travel I recommend you this place. Before visiting other countries try visiting Batanes first, I assure you, it's all worth it.

Bab berikutnya