webnovel

Chapter 26

Pag balik ng bahay ni Scarlet

"Inumaga ka na ata sa paniningil mo?" Ani ni Ace

"Good morning" tugon ni Scarlet

"Good morning. Halika na kanina pa ako naghihintay, tara na kumain" ani ni Ace

"Sorry..." tugon ni Scarlet

Habang kumakain, tinanong siya ni Ace kung paano siya magsisimulang pabagsakin sina James, Nathalie at Tom.

"So anong plano mo para doon sa tatlo?" Ani ni Ace

"Ang plano ko? Ang tapatan ang kung ano ang meron sila.. ang umangat ang sa akin kesa sa kanila, now do you have an idea about this?" Tugon ni Scarlet

"Gusto mong magkaroon ng katulad ng sa kanila.. uhuh! Gusto mo magkaroon ng chocolate company kagaya ni Tom, at gusto mo din magkaroon ng restaurant katulad ng kay James.." ani ni Ace

"Simple pero napakahirap... tama ba ako?" Tugon ni Scarlet

"Mali ka. Napakasimple ng gusto mo, i am Ace at marami akong koneksyon pagdating sa business" ani ni Ace

"Well Let's see what you have" ani ni Scarlet

Unang inalok ni Ace ay ang isang company ng kanyang kaibigan na gustong ipagbili, nagustuhan naman agad ito ni Scarlet kung kayat nakipag set sila ng appoinment para dito.

"Ok let's deal with your friend" ani ni Scarlet

"Alam kong makukuha mo yun, magaling ka nakikita ko, at alam mo mas mapapataas mo pa ang sales ng kompanya kapag ikaw na ang nagpatakbo nito" tugon ni Ace

"Salamat Ace.. makakabawi din ako sayo.." tugon ni Scarlet

Hinawakan ni Ace ang kamay ni Scarlet at hinaplos ng kanyang hinlalaki, kasabay ng kanyang pagtingin.

"Alam mo naman kung ano ang gusto ko" sabay kagat nito sa kanyang mga labi

Nakuha kaagad ni Scarlet ang nais ni Ace. Napangiti siya at nasabing..

"Yun lang ba?" Ani ni Scarlet

"Bakit kaya mo bang gawin?" Tugon ni Ace

"Kaya ko but help me first" ani ni Scarlet

Sa pagkakataong iyon natuto din si Scarlet makipag gamitan ng sarili upang makuha ang lahat ng kanyang gusto. Labag man sa kanyang kalooban subalit kailangan niyang gawin upang mapabilis ang kanyang mga plano.

Bumalik na ng Paris si Tom para sa kanyang building project. Ilang beses man niyang naisin kausapin si Scarlet subalit lagi siyang binababaan nito ng telepono, hindi na din siya sinasagot kahit sa email at sa mga chats.

Nagkaroon naman ng malaking problema sa sales si Monica. Hindi naman niya mahagilap ang tulong ni Tom sapagkat apektado pa din ito sa hiwalayan nila ni Scarlet. Unti unti ng nagbabackout ang mga investors ng Prestige company.

Nakailang pakiusap din si Monica kay Scarlet upang ito ay bumalik subalit nirerefused lamang nito ang lahat ng tawag ni Monica. Naging matigas na ang puso ni Scarlet at wala ng awang nararamdaman.

Lumabas si Scarlet sa isang public market kasama si Ace, nais ni Ace kumain ng sariwang isda kung kaya't isinama niya si Scarlet dito upang matuto siyang pumili ng mga sariwang isda at mga gulayin.

"Hola!"

(Hello) ani ng mga tindero

Nakakita sila ng isang tindahan ng sariwang isda, tinungo nila ito at doon na sila bumili. Habang naghihintay, nagnanaw-nanaw naman siya sa paligid.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkasalubong muli ang landas nila ni Lorena. Natanaw na niya ito subalit hindi na niya ito pinansin. Subalit hamit sa iskandalo ang isa, kung kaya't tumungo siya sa kinaroroonan ni Scarlet. Nang makarating roon ay nag aakmang bibili subalit tinabig niya si Scarlet at muntik na itong madulas kung hindi siya nasalo ni Ace.

"Hola Señera! un kilo de salmón por favor"

(Hello Madame, One kilo of salmon please) ani ni Lorena

"Si Señorita"

(Yes miss) tugon ng tindera

Kinukusi pa ang mga isda, kaya naman sabay silang naghintay, hindi nakatiis na gumanti si Lorena para sa kanyang kaibigang si Nathalie kaya naman sinimulan niya ito sa isang parinig...

"Ang lansa... pero sariwa pa... parang ikaw umaalingasaw na kahit napakaganda mo" ani ni Lorena

Napangiti si Scarlet sa banat na ito ni Lorena.. nagtungo siya sa likuran nito at bumulong.

"Mukha atang ikaw yung hindi na nanariwa, siguro maganda kung nilalagyan ka din ng Yelo.." tugon ni Scarlet

Inihuho niya ang dinakot niyang yelo sa loob ng damit ni Lorena. Napasigaw naman sa sobrang lamig si Lorena.

"Hayop ka!!!!" Ani ni Lorena

"Ooh! ¡Mira! te veías tan fresco"

(Ooh! Look! You looked so fresh) ani ni Scarlet habang nakangiti

Napatawa naman ang mga tao sa sinabing ito ni Scarlet, alam ng mga tao na ang mali ay si Lorena sapagkat nakita nila ng tabigin at ng muntik ng madulas si Scarlet kaya pinababayaan lamang silang dalawa.

Hindi nakapag pigil si Lorena, inalis niya dali dali ang mga yelo sa kanyang likuran. Kinuha ang isang buong isda at ihahampas kay Scarlet. Sumigaw naman ang tindera

"¡No! ¡Espere!"

(No! Wait!) ani ng tindera

Subalit hindi nakinig si Lorena, itinuloy pa din niya ang akmang paghampas kay Scarlet subalit nahagip ni Ace ang kamay nito kaya napigilan ang plano kay Scarlet.

"Wag!" Sigaw ni Ace

"Bitiwan mo ako!" Ani ni Lorena

Binitiwan siya ni Ace, kaagad naman kinuha ng tindera ang isda kay Lorena. Ngumiti si Scarlet at tumaas ang kaliwang kilay. Tila may isang malalim na plano sa mga mata nito. Nakita ni Scarlet ang sahod na timba sa ilalim, na puno ng natunaw na yelo.

Tumingin siya kay Lorena, at unti-unti siyang lumapit. Muli na naman sana siyang sasampalin ni Lorena subalit mabilis ang kamay ni Scarlet sumanggalang, kaya napigil niya ang kamay nito at napilot patungo sa likurang bahagi ang braso ni Lorena.

"Aray ko! bruha ka! Baliw!" Ani ni Lorena

"Gusto mo makakita ng baliw?" Ani ni Scarlet

Pinagtitinginan na sila ng mga tao. Tumingin sa kanila si Scarlet at muling nag wika..

"¡Esta mujer dijo que estoy loca! ahora dejaré que esta mujer sepa lo loca que estoy. mira y aprende!"

(This woman said I'm crazy!

Now I will let this woman know how crazy I am. Watch and learn!) ani ni Scarlet

"No Scarlet please nooooo!" Tugon ni Lorena

Inilublob ni Scarlet ang pagmumukha ni Lorena sa timba na may malansang tubig. Nagulat ang lahat sa ginawang ito ni Scarlet, lalong lalo na si Ace. Kaagad nagbayad si Ace at hinila na si Scarlet palabas ng palengke.

Naiwan naman si Lorena na nakaupo sa sahig at basang basa. Hiyang hiya siya sa kanyang sarili, subalit mas naghimagsik ang kanyang kalooban para kay Scarlet. Huli na ng dumating si River, kanina pa pala silang magkasama subalit nawala sa kanyang paningin si Lorena kaya nagkahiwalay sila ng landas. Kaagad naman siyang tinulungan nito at saka iniuwi sa bahay...

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Loveisjustashowcreators' thoughts
Bab berikutnya