webnovel

[Dice]

Sobrang saya ni Dice nang mabili na niya ang lupang matagal na niyang gustong maging sa kaniya.

Ito ang bahay na kinalakihan niya, kung saan siya pinalaki ng kaniyang ina bago ito mamatay. Ngayon lamang siya nagpasalamat dahil mayaman ang kaniyang ama. Dahil din sa impluwensya ng kaniyang ama, kaya siya nakasali sa auction. Ang perang ginamit niya ang perang kinita niya mula sa pagtatrabaho sa kanilang kompanya bago siya lumisan dito.

Nung araw na mabili niyang lupa ay labis siyang nagalak. He drank by himself to celebrate. He unconsciously went to Shihandra's room. Ginamit niya ang ekstrang susi na nirequest niya sa manager ng hotel. He never knew he would actually use it.

Nang makapasok siya sa kwarto ng dalaga ay kaagad siyang nahagip na isang bagay. Tinangka pala siyang hampasin ni Shihandra dahil akala niya ay ibang tao ito.

Kapag lasing siya ay nagiging ibang tao siya, kaya hanggat maaari ay iniiwasan niyang malasing. Siguradong pagsisisihan niya ang mga ginawa niyang ngayong gabi, at alam niya iyon sa kaniyang sarili.

"I was drunk, I didn't know what I was doing." Iyon na lamang ang idadahilan niya sa kaniyang sarili kinabukasan.

Dumating ang umaga. Nagising siya nang nasa bisig niya si Shihandra.

"What the fck did I do?" Tanong niya sa sarili nang may halong kaba. Isa-isa nang nagflashback ang mga ginawa niya. "This kid has no sense of danger at all." Aniya.

Dahan dahan siyang bumangon at siniguradong hindi magigising ang dalaga. Kinumutan niya ito at saka bumalik na sa kaniyang kwarto. Ginawa niya ang kaniyang morning routine at gumayak para sa pupuntahan niyang contract signing upang tiluyan nang mapasakaniya ang lupa.

He texted the kid that he will go somewhere. He told her to not go anywhere and wait for him. Sinabi niyang papasyal sila mamaya kaya dapat itong maghanda.

Bago pa man makarating sa patutunguhan ay nagpasya si Dice na tawagan ang dalaga ngunit hindi ito sumasagot. Naka sampung tawag na siya kaya naman nagsimula na siyang kabahan.

'That kid is always scrolling through her phone these days, I noticed that her phone is not on silent mode. There's no way she didn't here my call.' Sa isip isip niya.

Bumalik siya sa hotel para makasiguro na ligtas si Shihandra. Pero wala siyang inabutan ni anino man nito.

Where the fck did that kid go?  He said to himself.

He went everywhere to search for her. Nakatanggap siya ng tawag mula kay Sabrina, at sinabi niya na hindi siya makakarating sa contract signing dahil nawawala si Shihandra. Nag-alok ng tulong  si Sabrina at kaagad niya itong tinanggap dahil mas mabuti kung marami ang maghahanap. Matagal-tagal din silang paikot-ikot at nagtatanong sa mga tao. Mabuti na lang at may litrato si Shihandra sa kaniyang cellphone.

Kinalaunan ay nakarating sila sa palengke at marami sa mga tao doon ang nakakita kay Shihandra.

I'm glad, that kid is a headturner.  Aniya sa sarili.

Hanggang sa may isang lalaking lumapit sa kanila at sinabing nakita niya si ang babaeng hinahanap nila. Bumili raw ito ng streetfoods sa kaniya kanina. Sinabi nito na bilisan ang paghahanap dahil maaaring nasa panganib ito. Nakita raw niyang sinusundan ito kanina ng isang lalaki.

Doon na mas lalong kinabahan si Dice. Kapag may nangyaring masama sa batang iyon, hindi niya alam kung anong mangyayari sa kaniya. Iniisip niya na baka iyon na rin ang wakas niya.

They searched everywhere possible, but they couldn't find Shihandra.

"We should go to the place, Mr. Lucrenze. Kapag hindi natin nagawa ito ngayon, you might lose it." Saad ni Sabrina.

"But--"

"Hahanapin natin si Shihandra pagkatapos ng pirmahan. You should take a break. Who knows, we might find her on our way there. Besides, dun na lang yung area na hindi natin napupuntahan." Paliwanag pa nito. Napapayag naman si Dice. Tama naman ang sinabi ni Sabrina.

Nagpunta nga sila sa lugar na matagal na niyang gustong puntahan at mapasakaniya, ngunit ngayon ay hindi niya ito maramdaman. He couldn't think of anything right now. Hindi na siya nakapakinig pa sa pagpapaliwanag ni Sabrina tungkol sa kontrata.

Pinirmahan niya kaagad ang kontrata matapos basahin nang mabilisan at nagkabayaran na rin. He's tired because he's been running around all day just to find the kid. His might lose his mind at this point.

Lumabas na sila ng bahay at sumakay sa kotse. They were about to go pero may nakita siyang isang pamilyar na tao di kalayuan.

That's Shi, together with a random guy around her age. He felt relieved but jealous at the same time. Buong araw siyang naghahanap, pero makikita lang pala niya si Shihandra sa lugar na ito, may kasamang ibang lalaki, at higit sa lahat ay nagdududa siya sa pang-itaas na suot nito. He doesn't recognize that shirt, and it's too oversized for Shihandra.

Lahat na ng bagay ay sumuot sa isip niya.

Bumaba siya ng kotse at kaagad na inilayo si Shihandra sa lalaki. Hindi makasagot ang dalaga sa mga tanong niya, kaya lalo siyang naguguluhan. Buti na lang dumating si Aling Sonya at kahit papaano ay nakalayo na sila sa lugar na iyon. Pilit niyang hinahanap ang mga salitang nais niyang sabihin pero walang lumalabas sa kaniyang bibig. Hindi niya alam kung saan siya magpapadaig, sa pag-aalala ba o sa hindi maipaliwanag na galit. Galit na hindi niya alam kung saan nagmula.

Nang makarating sila sa hotel. Muntik na niyang hubarin ang damit ni Shihandra, buti na lang ay nasa tamang wisyo pa siya. He's furious because of that guy from earlier. Paano kung siya yung lalaking manyak na tinutukoy ng tindero kanina? What if he did something to Shihandra, that's why she's wearing his shirt?

Dali dali niyang pinagpalit ng damit si Shihandra at paglabas nito sa CR ay hindi na rin niya napigilang magtanong. Nagpaliwanag naman ang dalaga at ramdam niya sa boses nito ang takot.

"Sinundan lang kita kanina kaya ako umalis... di mo kasi sinabi sa akin kung saan ka pupunta. I got lost... I got chased by a pervert, then I ended up at Aling Sonya's place."

Sa pagpapaliwanag ni Shihandra ay nakaramdam siya ng galit. Galit sa kaniyang sarili, kung hindi niya ito isinama sa lugar na ito, hindi mangyayari ang mga ito. Sigurado siyang mag-iiwan ng trauma ang mga pangyayaring ito. Naniniwala siyang kasalanan niya ang nangyari, dahil ito sa kapabayaan niya.

"You know... I shouldn't have brought you here." Aniya sa dalaga saka umalis.

Pagpasok sa sariling kwarto ay kaagad siyang naligo upang mahimasmasan.

He thought, he had lost someone again.

Bab berikutnya