webnovel

Chapter 25: My home

Matapos ang mahabang diskusyon sa Principal's office, sa wakas naayos na rin ang lahat. Though sa tingin ko ay hindi sincere ang paghihingi nila ng tawad. Si papa naman ay halatang pilit na pilit ang pagtitimpi dahil sa nangyari. Hindi niya ako kinausap, ang sabi niya lang sakin, umuwi raw ako mamaya sa mansion namin. Aminado akong kinabahan ako dahil nakakatakot ang awra ni Papa noong mga sandaling 'yon. Pero bahala na! At least hindi ko nadamage ang reputation ng pamilya namin.

Pinag-uusapan pa kung ano ang magiging parusa dahil sa ginawa nina Aina. Hindi ko rin alam kung anong mararamdaman ko, hindi ko alam kung ano bang nararapat sa kanila. Siguro dapat ko munang kalimutan ang nangyari, 'yon lang ang pwede kong gawin sa ngayon.

Naglalakad kami ni Dice pabalik sa faculty/ office niya. Nakasunod lang ako sa kaniya at minemaintain ko talaga ang distansya namin para hindi kami mapansin ng mga estudyante at ng mga nakapaligid sa amin. At school, dapat estudyante lang ako at teacher siya. No more than that.

"Shihandra!"

Napalingon ako dahil sa narinig ko. It's Lucy, she's running towards me. Hingal na hingal siya nang makalapit sa akin. Medyo malapit na kami sa office ni Dice kaya konti na lang ang tao. Medyo malayo kasi yung office saka nasa 3rd floor pa. Hindi rin puntahan ng mga estudyante kasi mostly mga papeles yung nasa building na 'yon.

Nagdalawang isip pa ko kung hihinto ako o magpapatuloy sa paglalakad. Tumingin ako kay Dice, nagulat ako dahil nakahinto siya habang nakatingin sa akin. He nodded at me, at nagets ko naman. That small gesture gave me a motivation. Nauna na siya at nagpaiwan naman ako. I should face this.

"S-shihandra... Gusto ko lang sabihin na sana mapatawad mo ako. Ginawa ko lang 'yun dahil gusto kong maging kaibigan ko sina Aina, gusto kong maging 'belong' sa kanila... alam ko na mali, kaya sorry..." Huminga siya ng malalim. "Alam kong nagkamali ako, alam ko na baka hindi mo na ako mapatawad at baka hindi na rin ako mapatawad ni Nanay. Pero kahit na gano'n, sorry. Nagsisisi na ako."

I can't tell if this is just her acting. Pero nang maalala ko kung paano siya umiyak at magsorry sa Nanay niya kanina, sa tingin ko dapat akong maniwala. Hindi muna ako sumagot, mukang mayroon pa kasi siyang gustong sabihin.

"Handa akong tanggapin kung ano man ang consequences ng nagawa ko. Kung ano man ang mapagdesisyunan na parusa, please don't hold back. Kahit expulsion pa..." She continued.

"But——" Tatanggi sana ako pero nagsalita siyang muli.

"Wag kang mag-alala, deserve ko 'to. Deserve namin. Hindi naman kasi ako pinalaking ganoon ni Nanay, kung hindi ko tatanggapin ang resulta ng ginawa ko, hindi ako matututo. Kailangan ding matuto nina Aina, and from now on, hindi na ako magiging sunud-sunuran sa kaniya. This is also a way para maging malaya ako mula sa toxic friendship namin." Paliwanag pa niya. Di ko alam kung anong sasabihin ko... I don't know how to put it into words.

"Okay... I'll try." 'Yun na lang 'yung na nasabi ko. Marami akong gustong sabihin pero di ko alam kung paano.

Nginitian niya na lang ako at saka umalis na. Nakikita ko sa mata niya na masaya siya, did something happen? Masaya ba siya dahil sa nangyari? May something sa ngiti niya na hindi ko maintindihan, sobrang genuine.

Dumiretso na ako papunta sa office ni Dice. Pagdating ko doon ay naabutan ko siya na nangtitipa sa laptop at nakaopen din ang PC. Ganito ba talaga kabusy ang mga teacher? Well, he has another job nga pala aside from being a teacher in this school.

"Kumain ka na ba?" I asked. Kanina pa kami magkasama, simula pa nung lunch time.

"Nope." Sagot niya. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin.

"Why don't you eat first?" Tanong ko ulit.

"Nah. Kailangan kong tapusin 'to." Sabi niya sabay masahe sa batok. "How about you?"

"Hindi rin ako kakain kung hindi ka kakain." Hindi ko alam kung ano 'tong lumabas sa bibig ko. Hindi bagay sa akin!

"Mauna ka na." Pilit niya.

"E ikaw?" Tanong ko pa.

"I need to finish this. Kulit." -Dice

"Dalhan kita food." -Me

"No, thanks." -Dice

"You don't wanna eat lunch?" -Me

"Yes, so keep quiet, please." -Dice

"Really?" -Me

"Yes. Can you pl—" -Dice

"Edi don't." I said while imitating bimby's pose.

"..."

Tumingin lang siya sa akin bigla, then he frowned. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, kung mahihiya ba o matutuwa kasi finally... he's looking at me.

"Wtf I thought you're Key for a moment." He said while laughing. Napangiti ako dahil doon.

"Wait, alam mo?" I asked.

"Alin? yung meme? Of course." He proudly answered.

"I thought wala kang social media accounts?"

"Well, Key..."

"Oh, okay I get it."

Tinaasaan niya na ako ng kilay. "Ugh, nadistract na ako..." Sabi pa niya.

For a moment, nakalimutan ko yung mga nangyari. Parang normal lang lahat, no problems, no worries, just good vibes. Parang walang nangyari.

"Thank you... dahil sayo nalampasan ko 'to." I said.

"I didn't do anything tho. It's your friends that you should thank." Sagot niya.

"You see, paano ko ba ipapaliwanag..."

"Hindi mo naman kailangang magpaliwanag, I know you're sensitive when it comes to 'that', I know you're uncomfortable." Tumayo siya sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. "Kid, I want to be someone you can find your peace in."

Once again, I'm out words.

Ito ba yung dahilan kung bakit kanina pa niya ako kinakausap na para bang walang nangyari?

He slightly opened his arms, with a smile on his face. "Im proud of you, kid. Whatever you went through... you turned out well." He said. Niluwangan pa niya ang pagkakabuka ng kaniyang mga bisig. Bahagya akong naluha dahil doon.

Niyakap ko siya at ganoon din siya sa akin. "You did well." Aniya. All this time, ngayon ko lang naramdaman na parang nawala yung pader na pumapagutan saming dalawa na matagal ko nang gustong tibagin. Did he finally let me in?

Parang naglaho lahat ng worries ko. Isa na lang ang inaalala ko ngayon...

How do I make this guy look my way?

"Shihandr—"

Halos maitulak namin ni Dice ang isa't isa dahil sa gulat. Pareho kaming kumalas sa pagkakayakap saka lumayo sa isa't isa.

"E-erine... hinahanap mo ko? Tara na!" Hinila ko si Erine palabas. That was so awkward! Iniwan ko na lang si Dice, dahip after ng hug na 'yun di ko rin alam kung paano ako bibitaw.

"So lewd." Ani Ciro na nasa labas pala ng office ni Dice.

"Shhh!" Siniko ni Erine si Ciro at kaagad nitong napaaray "Tumahimik ka nga baka kung ano pang lumabas sa bibig mo. Baka may nakarinig pa." Bulong ni Erine.

"Yes love." Ani Ciro. Siniko ulit siya ni Erine nang mas malakas. "A-aray masyado ka nang sadista." Daing niya.

Sabi ni Mr. Principal okay lang na di muna kami umattend sa klase namin ngayong tanghali.

"Thank you..." I said. "and sorry Erine. I doubted you. I'm so sorry."

"Okay lang, Shi. I doubted you too noon. At saka, ako ang nagpakita ng picture noon kay Sir Dice. Sorry din huhu." Sabi niya. "Ngayon ko lang nasabi sayo kasi naguilty ako noon at baka magalit ka rin sa akin."

"Pwede ko bang malaman kung saan nanggaling yung picture na 'yon?" I asked. Hanggang ngayon kasi ay nagtataka pa rin ako. Sino naman kaya ang kumuha ng picture, at bakit? What's the purpose? Siguradong may dahilan at mayroon siyang gustong mangyari.

"Ayokong ako ang magsabi sayo Shi, saka sinabi rin niya kanina na siya na mismo ang magsasabi sayo." She answered. "Oh, ayan na pala siya."

Napatingin ako sa direksyon kung saan nakatingin si Ciro at Erine.

Si Snow.

Nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin. "I'm sorryyyyy. Ako ang dahilan ng lahat ng 'to!" She said.

"W-what do you mean?" Tanong ko.

"Ako yung kumuha ng photos niyo ni Ciro... pero I didn't mean na ikalat 'yon! I'm just jealous! Kasi diba, I've liked him for a w-while now." Paliwang niya. "Sorry talagaaaa di ko alam na may ibang makakakita. Pinakita ko lang 'yon kay Erine noon kasi I felt betrayed, and dinelete ko rin after. Aanhin ko naman 'yon dibaaaa?"

"It's okay... I understand." tinapik ko ang likod niya. Kumalas na rin siya sa pagkakayakap sa akin.

"I'm really sorry. Sana mapatawad niyo akong lahat, I was blinded by jealousy. Dahil din doon kaya ko kayo iniwasan." Snow added. Naiintindihan ko naman siya. She's hurt. Masaya ako dahil finally, bumalik na siya sa amin.

"Snow, g-gusto mo pa rin ba si Ciro?" Tanong ni Erine.

"Yes." She smiled. Nakayuko lang si Ciro habang si Erine naman ay hindi ko mabasa ang reaksyon. "Hindi naman ganon kadaling mawala 'yon. Matagal ko na siyang gusto, matagal din bago mawala. Pero rest assured, I respect your relationship. I'll try to get rid of this feelings little by little, until nothing's left."

"Sorry Snow. Di mo kailangan pilitin ang sarili mo. Even though we like the same guy, friends pa rin tayo. Nothing will change." -Erine.

"Yeah. Nothing will change between us." -Snow

Niyakap din nila ang isa't isa. Hinila naman ako ni Erine para isali ako.

"Naiinggit naman ako." Ani Ciro.

"You can't join, you pervert." Ani Snow. "Take good care of my precious friend, nambubugbog 'to."

"I know." -Ciro. "Welcome back."

______

Ipinasundo ako ni Papa sa school. Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa mansion ay kaagad akong niyakap ni Mama.

"My dear daughter, why didn't you say you were being bullied again huhu." Ani mama. "Ito ba yung dahilan kung bakit hindi ka umuwi noong isang araw?"

"Natakot po ako na baka may m-maging negative na effects yung nangyari sa company natin." Sagot ko.

"No, my precious daughter, you shouldn't worry about that." Mama said.

"Pero noon—"

"Kung naiisip mo yung nangyari noon, hindi na mauulit yon." Sabi naman ni Papa. "Noong mga panahon na 'yon, pabagsak na ang company natin. I'm sorry hindi ka namin naipagtanggol noon. But now everything is different, we're powerful now. No one can threaten us again."

"That's right. Sino ba sila para saktan ka? Ikaw unica hija ng pamilya de Dios. You are my precious daughter." -Mama

"Kapag may mangyari pa ulit na ganito, sabihin mo sa akin, Shihandra. I will do everything to bring them down." -Papa

"W-wag po, just let them be."

Ayokong madamay ang pamilya nila. Mali.

"As expected of our daughter." -Papa

"I'm sorry po, I'll make sure na di na 'to mauulit." -me

"You should." -Papa

"I have a lot of assignments pa po, I should go na." Pagpapaalam.

"Why, kauuwi mo lang anak ah." Mama said.

"Kailangan ko na pong umuwi, I have a lot to do." Dagdag ko pa.

"Nandito ka na my dear daughter, nakauwi ka na." Sabi ni Mama.

"But Mama, this isn't my home anymore." Paliwanag ko.

Parang nagulat pa sila nang bahagya dahil sa sinabi ko pero sa huli, pinayagan na rin nila ako.

As soon as I got home, hinanap kaagad ng mga mata ko si Dice pero hindi ko siya nakita. Nasa school pa siguro siya. Nagpasya ako na magluto na ng hapunan. This is such a long day, and I know we're all tired.

Pagkatapos ng halos isang oras ay natapos na rin akong magluto. Sakto namang dumating si Dice. Di na siya nagpalit ng damit, ibinaba lang niya ang mga gamit na dala niya. Dumiretso agad siya sa dining table at naupo na. Kaagad naman akong naghain.

"This day sure is tiring." Aniya. "Wait, woah, you cooked all of this?"

"Yeah." I answered.

"Sakto, I'm starving." sabi pa niya.

"Slow down, baka mabilaukan ka, haha. Natapos mo ba 'yung mga ginagawa mo kanina?" I asked.

"Yep, I barely survived." Sagot niya habang patuloy na sumusubo ng magpakain.

"Bakit mo ba kasi pinipilit tapusin e pwede mo naman iuwi?" Tanong ko pa.

"Because of you." he answered

Ha? Dahil sa akin?

"W-why?"

"Kapag inuwi ko yung trabaho ko, I wouldn't be able to enjoy your cooking." Paliwanag niya. "Kailangan ko ring bantayan ka, you're the most troublesome kid after all."

"Tss." Nag expect pa naman ako.

"This past few months that we're together, I've been focusing only on my work and I didn't notice you're suffering. I couldn't even protect you. Ang magagawa ko na lang ngayon ay ang magstay sa tabi mo just like what you did to me." He explained. Minsan lang yung moment na ganito, minsan lang siya magsalita ng ganiyan. He's unusually gentle today, and I'm getting addicted.

Ito yung comfort na gusto ko. Ito yung di ko mahanap sa mansion. Kahit kailan hindi niya ako tinrato base sa kung anong estado ng pamilya ko. Kapag kasama ko siya, hindi ako si Shihandra na anak ng may ari ng isang successful na kompanya.

Ah, this place is really becoming my home.

"D-dice..."

"Hmm?"

"Bakit ayaw mo na lang magtabaho sa company niyo? Bakit pinili mong magsimula sa wala?" I asked.

"I never wanted to work in that company. Ayokong dumepende sa parents ko. Bakit mo nga pala naitanong? Kaya naman kita buhayin ah."

O////O

"W-wala lang, naisip ko lang."

"Kid, do you already have a partner?" Tanong niya.

"Saan?" Napaisip ako kung anong tinutukoy niya. May performance task ba sa subject niya? Nooooo. Ang hirap kaya ng funda!

"Sa Senior Night." Pagpapatuloy niya.

Oo nga pala. Malapit na nga pala 'yon.

"Wala pa." I quickly answered.

"Let me be your date."

Tama ba 'yung narinig ko?!

Kakatapos lang ng periodical namin kaninaaaa. Sa wakas nakapagsulat na rin ako huhu. Thank you so much for supporting my story, I highly appreciate it!

If you have some questions, suggestions or kahit anong gustong sabihin feel free to comment down!

I'm planning to create an illustration of the characters and one of the previous chapters for promotion. Should I still continue? Please motivate me! HAHAHAHSHSHS

emi_sancreators' thoughts
Bab berikutnya