SCARLET
Nandito ako ngayon sa guest room ni Megan sa kanyang sariling bahay. Dito ako natulog kasi pinipilit na dito raw muna ako magstay. Gusto raw niya ako makipiling pa bago pa siya magtrabaho ulit. Pero atleast hindi parati pagtatrabaho inaatupag niya dapat ako rin. Half char lang.
Hinawi ko ang kurtina para makita ko ang liwanag dahil umaga na ngayon. Tumingin ako sa relo kung anong oras. Mga 9am na. Naalala ko na kailangan ko na pala magluto para sa breakfast namin.
Si Megan kasi hindi talaga marunong magluto 'yan. Puro noodles ang laman ng mga cabinet nito sa kitchen. Sayang lang saysay ng kitchen niya kung hindi siya marunong magluto. Dapat talaga kung ako architect dito, wala dapat space for kitchen dito. Pangdisplay lang ito mga oven, rice cooker, e.
Oh siya! Ang daming kong rant na kay Megan. Baka magising pa. Magluluto na lang ako habang himbing pa ang tulog niya.
Naisip kong i-prepare ngayon sa kanya ay magluto lang ako ng scramble egg tapos ipalaman na lang niya sa tinapay. Tutal for breakfast lang naman 'to. Hindi ko naman b-bonggahin pagluto kasi nga wala siyang ingredients kung ano man mailuluto ko. Idadag ko na rin ang instant coffee na nahanap ko sa cabinet. Tapos ihahatid ko na lang ito pagkatapos sa room niya para gisingin siya.
Ngayon, kakatapos ko lang magprepare ng luto niya ay hinatid ko na room ito at nilapag ko sa kanyang table. Ginising ko na si Megan kahit sobrang himbing pa niya. Masyado na siyang oversleep. Kailangan ko nang gisingin. Hindi rin maganda na sobra sa tulog. Pero naiintindihan ko naman na marami siyang ginawa. Siguro nagbabawi ng tulog dahil sa trabaho niya.
"Meg, gising na. Nagprepare ako ng egg sandwich tapos coffee mo. May gagawin pa tayo later." sabi ko habang ginising siya. Minulat niya ang kanyang mga mata at kita kong may naamoy siya.
Tiningnan niya ang side table na nakalagay ang sa plato ang pagprepare ko sa kanya.
"Ikaw nagprepare nito?" tanong niya sa akin.
"Oo naman. Kumain ka na dahil aalis tayo maya-maya." sabi ko sa kanya.
Balak ko kasi na lumabas kaming dalawa. Gusto ko lang naman maranasan na mag-enjoy kami ni Megan sa labas... sa public places na walang nakakilala sa amin. Masarap kasi sa feeling na malaya ka sa lahat ng bagay.
Boring kasi kung nasa loob kami ng bahay niya, baka maloka naman ako. Baka iba pa mangyari sa amin no'n lalo na iba takbo ng isip ni Megan minsan. Delikado. Doon tayo sa safe lang. Hahaha. Kidding.
"Saan ba tayo pupunta mamaya?" tanong niya habang kumakain siya ng sandwich na ginawa ko.
"Date? Ayaw mo ba?" seryosong tanong ko sa kanya na napatingin siya sa akin.
"Hindi naman sa gano'n. Hindi ba delikado para sa atin? Lalo na may sumusubaybay sa atin." sabi ni Megan at napaisip ako.
"Would you risk at all kahit ganito sitwasyon natin?" tanong ko sa kanya at napatigil siya sa pagsubo ng sandwich niya.
"Natatakot lang ako kung ano man mangyari sa atin. Hindi ko masasabi kung walang mangyayari o mayroon. Nag-iingat lang ako para sa atin." pagdadahilan ni Megan sa akin.
"Hindi ba pwede tayo mag-enjoy na lang at kalimutan na may ganito tayong problema? Gusto ko lang na mag-enjoy lang tayo sa ngayon. Gusto lang naman kita..." habang hinihintay niya ang kasunod na sasabihin ko, "na... ano... makasama. Alam ko naman na busy ka palagi sa trabaho at ako rin naman." nakasimangot kong sabi sa kanya.
Nagulat ako na ginulo niya ang aking buhok, "Meg! Kakaayos ko lang nitong buhok ko. Ginulo mo na naman. Hays." sabi ko sa kanya.
"Sige na. Magdisguise na lang tayo para 'di tayo makilala nila." pumayag na rin si Megan sa wakas.
Tumayo na ako para makapag-ayos na rin ako.
Naalala ko na pala na nandito ako sa bahay ni Megan at wala akong baon na damit. Napakamot na lang ako sa ulo habang busy kumakain si Megan. Napatingin ito agad na mukhang nagtataka sa akin kung bakit naakatayo na ako.
"Saan ka papunta, Scarlet?" tanong niya sa akin.
Naisip kong itanong kung may extra siyang dami na pu-pwede sa akin isuot ko.
"Marami naman akong damit sa closet room ko. Punta ka na lang sa second floor. Pagkatapos, may makikita ka agad na pinto sa harap ng stairs. 'Yon ang aking closet." sabi niya sa akin.
"Nakakahiya talaga. Pwede na lang siguro umuwi muna ako tapos kita na lang tayo?" nahihiyang tanong ko sa kanya.
"Nandito ka na, Scar. Bakit ka pa uuwi? Sayang lang sa oras. Huwag ka na mahiya sa akin." natatawang sabi niya sa akin.
"Nahihiya lang ako." pagdadahilan ko.
"Tss. Huwag na lang tayo magdate kung gano'n." inis na sabi ni Megan.
Nagtampo ang loka!
"Heto na. Baka magbago pa isip mo." natatawang sabi ko habang pinipisil ang kanyang pisngi.
Ang cute niya talaga kapag nakasimangot tapos nagsusuplada sa akin.
"Bihis na ako." pagpapaalam ko sa kanya at nagsimula na akong maglakad pero hinila niya ako agad. At laking gulat ko napaupo ako sa lap niya.
"Megan! Mag-aayos na ako ng sarili k-"
Hindi niya na ako pinatapos at hinalikan niya ako. Patuloy pa rin siya paghalik sa akin at napunta na nga sa paghalik niya sa leeg ko kaya uminit na naman aking katawan.
Don't tell me sa kalagitnaan pang medyo mabaho na ako, may balak pa ito makipag-ano sa akin.
Ghad! Help me!
At saka, hindi pa ako ready makipag-ano dahil wala pang kami. Ayoko naman na magkaroon kami na maranasan na friends-with-benefit lang. Ayoko naman na i-take niya ako for granted.
"Meg..." tawag ko sa kanya at napatigil siya paghalik sa akin sa aking leeg, "Ano kasi... pwede ba maligo na ako? Ang baho ko na kaya." tumingin siya sa akin at tinawanan niya ako.
Ilang sandali hinayaan niya na ako para tumayo. "Sige na maligo ka na. Sunod na ako sa'yo." sabi niya sa akin at tumango ako sa kanya.
***
"Scar, saan ba tayo pupunta?" napalingon ako sa tanong ni Megan habang nagsimula na ito magmaneho.
"Magmaneho ka na lang muna. Kapag may madaanan tayo na magandang lugar, doon tayo." sabi ko sa kanya habang busy ako sa cellphone ko.
"Mukhang busy ka sa phone mo." puna sa akin ni Megan at nahuli ko siyang kumunot ang kanyang noo.
Actually, kanina pa ako tumitingin sa gallery ng phone ko dahil naghahanap ako ng picture naming dalawa ni Megan pero ni isa wala akong mahanap na litrato naming dalawa. Gusto ko sana magpicture pero nahihiya ako.
Sinara ko na lang aking phone at tumingin na lang ako sa bintana.
"Wala, Meg. May hinahanap lang akong picture sa gallery ko." palusot kong sabi sa kanya.
"Akin na phone mo." utos niyang sabi sa akin at nagtaka ako.
"Bakit?"
"Picture tayo." natulala ako sa kanya.
"Ha? Bakit naman?" pagtatakang tanong ko sa kanya.
"Kanina pa ako nagmamasid sa gallery mo puro selfie lang nakikita ko." ngumiti siya sa akin at ginulo na naman aking buhok.
"Kahit kailan talaga lagi mo ginugulo buhok ko." iritang sabi ko sa kanya.
"Cute mo kasi mainis." natatawang sabi niya sa akin, "Ikaw na magpicture sa ating dalawa tutal nagmamaneho ako ngayon." sabi niya sa akin.
Ang saya tuloy sa pakiramdam na makaramdam ulit na ganito. Masaya at puno ng pagmamahal sa kanya.
Sana ganito na lang kami.
Nagsimula na akong magpicture kaming dalawa sa kotse at hindi ko naiwasan na hinalikan ko siya sa pisngi.
Well, ang awkward nga no'n.
Pagkatapos non, medyo naging awkward ang atmosphere naming dalawa.
Nagpanggap na lang ako na tumingin sa phone at tinitingnan ang aming picture sa gallery ko.
Narinig kong klinaro niya ang boses niya kaya napatingin ako sa kanya na may inaabot siya sa mismong drawer na hindi niya maabot.
"Pakibukas na lang." utos niya sa akin at sinunod ko naman ang kanyang utos, "Kunin mo yung phone ko." utos niya ulit sa akin at kinuha ko naman ito.
"Anong gagawin mo dito? Nagmamaneho ka diba?" pagtatakang tanong ko sa kanya at umiling siya sa akin.
Sinabi niya ang kanyang PIN sa phone niya at nagulat naman ako na binigay niya yung PIN niya.
"Bakit?" natawa na lang ako sa pinagsasabi niya. Dapat hindi niya sinasabi yung mga gano'n. Siyempre privacy niya 'yon.
"Wala naman ako tinatago sa phone ko." ngumiti siya habang nagmamaneho at hindi ko pa rin maintindihan kung bakit gano'n siya katiwala na buksan ko 'tong phone.
"Ipasa mo sa phone ko mga picture nating dalawa ngayon." utos niya sa akin.
Gusto ko ulit magtanong pero baka mainis na siya sa akin sa kakulitan ko. Kaya pinasa ko na lang yung mga photos namin dalawa sa phone niya.
Gets ko rin naman na gusto niya rin magkaroon ng picture naming dalawa. Pero seryoso, nakakakilig talaga.
"Scar, can we go to the park?" tanong ni Megan sa akin at lumingon ako sa kanya.
"Sige doon tayo." ngumiti ako sa kanya.
Ilang sandali lamang, pinarada na niya sa tabi at pinatay niya na ang makina ng kotse.
"Let's go, Scarlet." sabi niya at tumango na ako.
Lumabas na rin ako sa kotse. Buti na lang hindi naman nila makikilala kaming dalawa dahil nakashades kami at naka-black mask. Gano'n din si Megan at nakasuot din kami ng jacket.
Nagsimula na kaming maglakad sa park. Medyo ang awkward lang dahil ang tahimik naming dalawa.
Ewan. I feel so weird. Pakiramdam ko talaga na walang enjoyment 'tong ginagawa namin. Ang tahimik. Hindi ko alam.
Pasilip kong tiningnan si Megan. Ngunit mukhang tahimik lang ito naglalakad at pinagmamasdan ang mga paligid.
Ramdam ko rin na nagbabanggaan ang mga kamay namin. Umaasa ako na hawakan niya rin ang aking kamay. Gusto ko lang ng gano'n.
Ilang minuto na rin ang lumipas sa paghihintay ko, mukhang wala siyang balak.
Walang nangyari.
Napahinto ako habang naglalakad siya mag-isa.
I want her to be mine pero hindi ko magawa.
"Hey! Scar! Let's go!"
Biglang tumibok ng mabilis ang puso.
Hindi ko akalaing hinawakan niya ang kamay ko para hilahin niya ako.
Feeling ko nag-slow motion ang lahat habang hinahatak niya ako na maghawak kami ng kamay.
Napangiti ako ng palihim at hindi na talaga kumalma puso ko ngayon.
Sana ganito na lang tayo parati, Megan. Sana...
***
"Upo muna tayo please?" rinig kong pakiusap ni Megan sa akin.
Kanina pa kasi kami libot nang libot dito sa park. Hindi ko naman alam na sobrang lawak nito. Kaya nilibot namin.
Sobrang saya rin naman dahil sa paglibot namin, magkahawak lang kami ng kamay.
Tumingin ako kay Megan na mukhang pagod na pagod na ito maglakad. Naglakad pa nga ito ng mabilis at napansin ko ngang papunta na agad siya sa bench para umupo.
Umupo rin ako sa tabi niya at tinitigan ko siya.
I really love her. Hindi ko maimagine na dumating kami sa punto na gusto namin ang isa't isa.
Fan niya lang ako dati. Naging artist niya rin ako. Pero nandito ako ngayon katabi siya, nakatitig ako sa kanya na alam ko lang na mahal ko siya.
Napalingon din siya, "Why?" awkward niyang tanong sa akin, "Mga tingin mo, inlab na in lab ka sa akin." natatawa niyang sabi sa akin.
"Halata bang in love sa'yo?" ngiti kong sabi sa kanya.
"Hindi." natawa ito at nagpeace sign ito sa akin.
"Kainis ka." nagpanggap ako nakasimangot sa kanya.
"Heto talaga! Hindi mabiro." natatawa niyang sabi sa akin at lumapit ito sa akin sabay hawak sa aking kamay.
"Alam ko." ngumiti siya na napakatamis na tamis ito.
Kinikilig tuloy ako.
Bigla ako napalingon sa mamang sorbetero na padaan sa mismong harapan namin.
Gusto ko tuloy ng ice cream. Tumingin ako kay Megan na habang nakaupo at nagmamasid sa paligid.
"Diyan ka lang ha? Bibili lang ako ng ice cream natin." paalam ko sa kanya at umiling ito.
"Hindi ba't hindi ka pwede sa malalamig? Huwag ka na bumili. Hindi rin ako mahilig sa ice cream." kontra ni Megan sa akin.
"Edi sa akin na lang." sabi ko sa kanya at hinatak niya ako para pigilan niya ako.
" 'Yong boses mo baka magkatonsil ka. Huwag ka na bumili." nag-aalala sabi ni Megan at pumiglas ako.
"Gusto ko kasi." natahimik si Megan at binitawan niya ako.
Bumuntong-hininga siya.
"Pagbigyan mo na ako." sabi ko sa kanya at ginulo niya ang buhok ko.
"Ano pa magagawa ko?" sabi niya sa akin at tinanggal niya ang kanyang shades at tumayo siya para isuot sa akin.
"Bakit?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Anong bakit?"
"Kakain ka diba? Makikilala ka kapag tinanggal mo yung mask mo. Kaya binigay ko sayo yung shades ko." sabi niya sa akin at inayos niya ang buhok ko.
"Sige na. Bumili ka ng ice cream mo." sabi niya.
"Diyan ka lang ha?" sabi ko sa kanya at iniwan ko muna siya dito sa bench para bumili ng ice cream.
Madalang talaga ako nakakain ng ice cream sa kadahilanan na kumakanta rin ako. Siyempre kapag singer bawal sa malalamig na pagkain lalo na ice cream.
Pero minsan lang naman.
Nakarating na ako sa mismong mamang sorbetero. Ang daming bata bumibili ng ice cream. Kaya pinauna ko muna yung mga bulinggit na bata bago ako.
Tumingin ako sa pwesto ni Megan kung saan siya nakaupo at nakita kong wala na siya do'n.
"Iha, bibili ka ba?" rinig kong tanong ng mamang sorbetero at napalingon ako.
"Huwag na po. Hanapin ko lang po kasama ko." sabi ko sa kanya at nagsimula na akong hanapin sa park si Megan.
Hindi ako nagkakamali na dito kami nakaupo kanina.
Hintayin ko muna si Megan baka may binili lang siya kaya wala siya dito.
***
Gabi na.
Napagtanto ko na iniwan niya talaga ako dito. Tiningnan ko agad ang aking phone at wala itong message kahit ni isa.
Maiintindihan ko pa kung nagtext siya agad at hinintay niya muna ako sa pwesto para magpaalam.
Nakakainis.
Tinawagan ko ito at naririnig ko lang na nagriring ito.
Ilang beses na ako tumatawag sa kanyang phone pero hindi niya sinasagot.
Akala ko talaga magiging masaya araw ko kasama siya pero hindi pala.
Naisip ko ngayon kung ganito palagi gagawin ni Megan sa akin.
Hindi ko talaga kakayanin. Nakakadala kung gagawin niya.
Kahit wala na siyang choice asikasuhin palagi ang EyeRed kaysa makasama niya ako, mahihirapan lang kami.
Siguro kalaban ko ang oras, hindi si Megan.
Pero darating talaga sa punto, na ganito... iiwan niya ako mag-isa.
Ayoko mangyari 'yon. Masyadong masakit para sa akin.
Pakiramdam ko hindi talaga ito magw-work. Ako lang talaga nagpumilit at pagkakamali ko 'yon.
Naiintindihan ko na si Megan kung bakit walang lakas ng loob para ipaglaban nararamdaman naming dalawa, sa una pa lang.
Naiintindihan ko na hindi niya rin kaya dahil sa una pa lang wala siyang panahon para magkaroon ng relasyon.
Masakit talaga.
Pakiramdam ko naluluha na ako habang nakaupo at nagbabakasakaling bumalik siya dito.
Pero mukhang impossible talaga.
Mas mabuti nang umalis na lang ako dito.
***
Kakarating ko lang sa condo galing sa park kung saan iniwan ako ni Megan.
May narinig ako may tumawag sa akin malayuan.
Bakit nandito siya?
Hindi ko siya pinansin habang papalapit ako sa pinto ng condo ko.
"Scar, let me explain." pakiusap ni Megan sa akin at sinamaan ko siya ng tingin.
Bakit gusto niya mag-explain kung gets ko naman na mas pinapahalagahan niya yung trabaho niya? Naiintindihan ko 'yon sa part niya.
Pero hindi ko maintindihan kung bakit iniwan niya lang ako mag-isa at naging tanga kakahintay sa wala.
"Wala akong gana makipag-usap sa'yo." seryosong sabi ko sa kanya at inirapan ko siya, "Naiintindihan ko naman." walang-gana kong sabi sa kanya.
"Hindi. Hindi mo naiintindihan. Magpapaliwanag ako." sabi ni Megan habang hinahawakan niya ang kamay ko at pumiglas ako.
"Naiintindihan ko ang lahat. Siguro huwag na muna tayo magkita."
Please, Megan. Huwag ngayon.
Sarado isip ko ngayon baka may mabitawan akong salita na hindi niya dapat marinig.
"Bakit?" pagtatakang tanong ni Megan.
Huminga ako ng malalim at humarap sa kanya, "Huwag na natin pilitin ang isa't isa na magw-work ito. Wala rin naman tayo mapapala." sabi ko sa kanya.
"Ano?! Parang sinasabi mo na sobrang walang kahihinatnan nitong relasyon natin. Sabi ko naman sayo na gagawin natin para magwork ito pero bakit sa umpisa pa lang sumusuko ka na?"
"Gusto ko na magpahinga." walang-gana kong sabi sa kanya.
Pabukas ko ng pinto ng condo ko pero pinigilan ako ni Megan.
Nainis lalo ako, "Ano ba?!" sigaw ko sa kanya.
"Wow! Sinisigawan mo na ako ngayon." hindi makapaniwalang sabi ni Megan at kumunot-noo ako.
"Sarado utak ko ngayon, Megan. Please nagmamakaawa akong lubayan mo muna ako." nagmamakaawang sabi ko sa kanya.
"Hindi! Tapusin natin 'tong problema ngayon." pamimilit ni Megan at lalo ako na-high blood sa sinabi niya.
Alam naman niya na pagod ako kakabyahe tapos nakikisabay pa 'tong si Megan sa init ng ulo ko.
"So... gusto mo matapos problema natin?" natatawang pekeng tanong ko sa kanya.
"Oo." seryosong sabi niya sa akin.
"Tama na, Megan. Ayoko na." sabi ko sa kanya, "Sa umpisa pa lang, sobrang labo na mangyari. At ayoko no'n." sabi ko sa kanya.
"What do you mean?"
"I am done with you." seryosong sabi ko sa kanya at tinitigan ko siya ng maigi para maniwala siya.
Nasasaktan din ako pero kailangan kong tibayin 'tong nararamdaman ko.
Kailangan kong panindigan desisyon ko na sumuko na lang.
"I can't believe na naisip mo sumuko agad. Ikaw nagpumilit sa akin na ipaglaban itong nararamdaman natin pero ikaw naunang sumuko."
"Alam ko naman sa bandang huli. Pipiliin mo pa rin ang trabaho mo. Darating ang pagkakataon na wala kang choice kundi isakripisyo ang relasyon natin dahil sa EyeRed."
Natahimik si Megan sa sinabi ko.
"Gusto ko lang naman na makasama ka. 'Yong tipong malaya tayo. Nagagawa natin yung gusto natin. Hindi natin kailangan magtago. 'Yon lang kailangan ko. Pero mahirap sa kalagayan natin ngayon." naiiyak kong sabi sa kanya.
"Pasensya na kung pinilit pa kita magwork ito. Pasensya na kung hindi ko kakayanin."
"You're kidding me right?" tanong ni Megan sa akin, "Sabihin mo na nagbibiro ka lang. Babawi talaga ako sa date natin."pakikiusap ni Megan sa akin.
Mas tinuon ko na lang sa pagkuha ko ng susi sa bag ko at binuksan ko na ang pinto ng condo ko.
Pumasok na ako sa loob ng unit ko habang si Megan parang may balak na pumasok pero hinarang ko ito.
"Umuwi ka na." walang-gana kong sabi sa kanya at sinaraduhan ko ito ng pinto pero pinipigilan ni Megan.
Pakiramdam ko malapit na ako humagugol sa kakaiyak pero pinipigil ko lang.
"Please we can fix thi-"
Pinilit ko itong sinara at napasandal ako sa pinto.
"Scarlet! Please! Ayusin natin 'to!"
Naririnig ko ang pang-bubulabog niya ng malakas sa pinto.
Umalis ka na, Megan...
Like it ? Add to library!
Don't forget to leave some votes and comment in my story.
if you have time, follow my social accounts below:
> wattpad: @itsleava
> twitter: @itsleava
This story is also available in Wattpad!