MEGAN
Bago ang lahat mangyari ang lahat ng ito ngayon, siguro pagkakamali ko 'to.
Dapat hindi ko na siya pinapunta do'n para magdinner kami. Kung hindi dahil... miss ko na siya.
I know I am really stupid right now dahil sa pinag-iisip ko ngayon pero I can't help it. Hindi ko matiis na pigilan 'tong nararamdaman ko para sa kanya. Ilang weeks na ang nagdaan iniiwasan ko siyang makita para mawala na ito. It's been also a week, tinatanong ko sa sarili ko na babae ba talaga ako at sa lalaki lang ako magkakagusto. Sa una, siguro hindi ko ito sineryoso pero sa bawat sumasagi sa aking isipin no'ng gabi na nasa Davao kami ni Scarlet. Bawat araw, lumilitaw sa aking isipin kung paano ako magselos kasama niya si Kenji at lalo no'ng araw na nakatulog siya habang nanonood. Hindi mabura sa aking isipan no'ng gabi na 'yon, doon nagsimula ang lahat. Nagsimula kung paano ako nagkagusto sa kanya.
I want to kiss her that night.
Pero hindi naman gano'n kadali para sa akin. Nagulat ako kung bakit sa lahat ng tao sa mundo, magkakagusto ako sa babae? Diba?
Nasa mindset ko palagi na magkakaroon ako ng pamilya someday with my future husband pero hindi kay Scarlet. Hindi sa katulad niyang babae. Bawat araw, kailangan kong tanggapin na nagkagusto ako sa kanya, sa babaeng katulad niya. Bago ako matulog, iniisip ko ang future namin ni Scarlet at napapikit ako ng mariin.
Hindi magiging madali para sa amin 'to.
The more na magkakagusto ako sa kanya, the more na magiging komplikado ang lahat. Kaya napagdesisyon ko na umiwas sa kanya hangga't maaga pa.
Umaasa ako na mawawala rin ito.
Pero... akala ko magiging madali lang para sa akin 'to.
Umiiwas ako dahil ayoko maging komplikado ang lahat. Kung ipagpapatuloy ko 'tong nararamdaman ko, hindi magiging madali ang lahat para sa akin.
Kahit anong pilit kong kalimutan ang nararamdaman ko kay Scarlet, wala pa rin nagbabago sa nararamdaman ko para sa kanya.
Wala akong magagawa kundi hindi 'to pigilan pero wala akong balak sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.
Mas okay na ganito kaysa naglalaban ang puso't isipan ko.
Kaya napag-isipan ko no'ng oras na may free-time ako, na magdinner kami ni Scarlet. Ang rason kung bakit inaya ko siya dahil miss ko siyang kasama. Ilang weeks na hindi kami nagkikita na pakiramdam ko ilang years na kami hindi nagkita. Gano'n ko siya ka-miss. Pero gumawa ako ng paraan para pumayag siya, wala rin siya magagawa kundi makipagkita sa akin.
Pero hindi ko inaasahan na mangyari sa kanya ngayon na magkakasakit siya nang dahil sa ginawa ko. Hindi ko alam na may allergy sa hipon. Ilang beses kong pinilit siya para kumain no'n at sa pagkakataon na 'yon parang gusto ko siyang patayin na hindi ko naman hangarin 'yon.
Wala akong ideya na magkakagano'n siya. Kung hindi dahil hindi ko matiis na gusto ko siyang makita siguro hindi ito mangyayari.
Kasalanan ko ang lahat nang ito.
Nandito ako ngayon sa clinic ni Diana. She is the only will help me dahil mas safe kung dito ko ipapagamot si Scarlet. Gladly, tinanggap niya ang tulong ko kahit may issue sa amin dati.
You are so stupid, Meg.
Napa-face palm na lang ako dahil sa inis sa aking sarili. If I only cared for her, hindi hahantong sa sitwasyon na magkakasakit siya nang dahil sa akin.
Bigla akong nakarinig na pagbukas ng pinto ng room kung saan ginagamot si Scarlet ni Diana ngayon. Napatayo agad ako at hinihintay ko siyang lumabas para makausap siya kung anong nangyari kay Scarlet.
"Oh! You're still here, Meg?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin habang papalabas siya sa pinto. Pagkatapos, humarap siya sa akin.
"What happened to Scarlet? Is she going to be dead right now because of me? I know it's my fault. I am really sorry." natatarantang tanong ko sa kanya.
Nakarinig ako ng pagtawa mula kay Diana, "Why do you care so much about her, Meg?" tanong niya sa akin at lumapit siya sa akin at umatras agad ako.
"A-ano... she's... she's my-"
Hindi natapos ang aking sasabihin dahil kinakaba ako. Lalo na't biglang naestatwa ang aking katawan sa kanyang gagawin.
Mukhang may ibubulong siya sa akin, "Are you a gay?" she wispered to me at nanlaki ang aking mata sa binulong niya sa akin.
"NO! Kalokoha-"
You need to lie. Pretend that you didn't like Scarlet.
"Bakit ka napatigil?" nagtatakang tanong ni Diana sa akin at nagising ang aking diwa ngayon.
Umiling ako at napaisip, "I don't know..." pagsisinungaling ko sa kanya. Hinawakan niya ang aking mukha dahil nakayuko ako, "Look at me..." sabi niya sa kanya at tumingin ako sa kanya.
Bigla akong nagulat dahil ang lapit ng mukha ni Diana sa kanya at tinulak ko siya.
"Ang lapit mo." iritang sabi ko sa kanya at nakita ko itong ngumisi sabay iling ito sa akin.
"No'ng nakita kita na binubuhat mo siya, hindi ganitong Megan ang nakilala ko. Puno ka ng pag-aalala and... it is my first time to see you like that." sabi niya sa akin, "I really liked you simula no'ng nakilala kita, Meg. Kilalang-kilala kita. You always don't care that much someone like me. One time, naalala mo na nalason ako no'ng kasama kita kumakain sa fastfood restaurant, i can't breath at sumuka ako sa harapan mo. Pero alam mo ba ginawa mo?" tanong niya sa akin at nagtaka ako.
Napangiti na lang ako at huminga ng malalim dahil naalala ko kung ano ginawa ko, "Iniwan kita." matipid kong sagot sa kanya.
"See? You really don't care that much." natatawang sabi niya sa akin at binatukan ako.
Nagulat ako sa kanyang ginawa, "I know I was so stupid that time pero ang awkward lang na may nagkakagusto sa akin na babaeng katulad mo. Ayokong madevelop ang feelings mo sa akin. I am really sorry." sabi ko at umupo ako.
"I know. I know. Nakamove-on naman na ako sa'yo." sabi niya sa akin, "Pero alam kong may nararamdaman ka sa kanya." sabi niya at umiling ako sa kanyang sinabi.
Hindi dahil may gusto ako sa kanya pero hindi pwede mangyari ito.
Napansin ko rin na umupo siya sa aking tabi, "You really like her, Meg. Ngayon na puno ka ng pag-alala ka sa kanya dahil may sakit siya, hinding-hindi mo maitatanggi na wala kang nararamdaman sa kanya. Naranasan ko rin 'yan no'ng nagkagusto ako sa'yo." sabi niya sa akin.
Diana is the only girl who confessed no'ng college pa ako. Lagi siyang dikit nang dikit sa akin at papansin sa akin pero binabalewala ko lang siya dahil ayoko talaga sa kanya. Akala ko nga na gusto niya lang maging kaibigan kaya nilalapitan ako pero no'ng nahahalata ko siya na may gusto siya sa akin dahil palagi ito nagdadala ng love letter sa akin, kaso tuluyang lumayo ako sa kanya. Ayokong madevelop ang feelings niya sa akin dahil wala akong nararamdaman sa kanya. Ayoko siyang masaktan nang dahil sa akin.
"Hindi ko siya gusto. Okay?" pagsisinungaling ko sabi sa kanya at tumingin ako sa kanya ngunit mukhang hindi siya convincing sa sinabi ko sa kanya.
"Are you sure?" tanong niya sa akin.
Tumango ako.
"Yes! Trabaho muna." sabi ko sa kanya at narinig itong tumawa.
"Trabaho nga ba?" asar niyang sabi sa akin at tumayo siya, "Maiba ko lang.. Scarlet will be fine soon. Don't worry, Meg. Masyadong halata, e." sabi niya sa akin at tumayo siya.
Tumalikod ito naglakad papalayo ngunit napatigil siya sa paglalakad at nagtaka ako kung bakit ito napatigil.
"It is the last time you will ask my help, Meg. Para hindi na 'to mangyari sa kanya, I think you need to know her better para hindi na siya mapapahamak. Just take my advice and you'll thank me later." sabi niya kahit nakatalikod ito at tuluyang umalis na siya.
Yeah. You're right, Diana.
***
Nakaramdam ako ng paggalaw sa aking kamay kaya napabangon ako sa pagtulog sa kama ni Scarlet. Napadilat ako at napansin ko na gising na si Scarlet.
"G-gising ka na pala. Tatawag ako ng nurse para ma-check ka." tumayo agad ako at nakaramdam ako ng paghawak niya sa aking kamay.
"Tapos na po." natatawang sabi niya, "Dumating din kanina si Aubrey para tingnan ako kung okay na ako. Bumili lang siya ng pagkain sa labas. Babalik din siya dito maya-maya." sabi niya.
"Ah..." matipid kong sabi sa kanya at umupo ako ulit sa pwesto ko kanina.
Hindi ko siya matingnan ng deretso dahil naalala ko na naman nangyari kanina kaya napayuko na lang ako.
"Ms. Megan, okay ka lang ba?" pag-aalalang tanong niya sa akin.
Tumango ako at kinuha ang aking cellphone para magpanggap na may ginagawa ako.
"Hays. You're not fine." inis na sabi niya sa akin at nagulat ako sa sinabi niya. Tumingin ako sa kanya na nagpapanggap na nahihiya akong tingnan siya ngayon dahil sa kagagawan ko.
"I am REALLY fine." seryosong sabi ko sa kanya at ngumiti ako sa kanya.
Nagtaka ako at kumunot ang kanyang noo, "No. You ARE not." pamimilit niya.
Huminga ako ng malalim, "Why do you say so?" hamon kong tanong ko sa kanya.
"Nagpapanggap ka na may ginagawa sa cellphone ngunit kanina ka pa panay slide sa homescreen ng cellphone mo. Siguro sapat na 'yon para sabihin ko na 'You are not still fine'." sabi niya sa akin.
"So... dapat palit tayo ng pwesto ngayon? Gano'n ba 'yon?" pilosopo kong tanong sa kanya at sinamaan niya ako ng tingin.
It is my first time na na-encounter ko na sinamaan ako ng tingin ni Scarlet ngayon. WOW! Just WOW! Nanaginip ba ako?
"May gusto ka bang sabihin sa akin?" seryosong tanong niya sa akin.
Umiling ako at tumayo ako para humiga sa couch mismo para magpahinga.
"Well, kung wala kang sasabihin sa akin. Ako na lang." sabi niya, "I know it's my fault kung anong nangyari sa akin. Dapat sinabi ko sa'yo na may allergy ako sa hipon para hindi humantong sa sitwasyon na 'to. Wala rin akong idea na ganito pala ang epekto sa akin sa pagiging pasaway ko. So I am really sorry to ruin our night." sabi niya habang nakapikit ang aking mata dahil nakahiga ako ngayon.
"It is my fault too, Scarlet." matipid kong sabi sa kanya.
It is my fault na hindi ko sinubukan na makilala pa kita ng lubusan.
Ngunit ngayon, gusto kitang makilala nang lubusan.
"Ha? Hindi mo kasalanan, Ms. Megan." sabi niya sa akin.
"You are too loud. I want to sleep." sabi ko at tumalikod ako sa kanya sa pagpwesto ko sa pagtulog.
Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto at nagpanggap akong tulog.
Nandito na ata si Aubrey.
"Oh! Dear! Gising ka na pala, Scarlet. I think you are doing fine na."
It's Diana. Nandito siya ngayon.
Rinig ko itong tumawa si Scarlet, "I'm fine, doc. Kailan po ako ma-d-discharge?" tanong niya.
"Tulog na ata bestfriend mo."
"Ha? Hindi po 'yan si Aubrey. Si Ms. Megan po 'yan."
"Ha? Bakit natutulog siya sa couch? Nakakapanibago ha?" I can hear her fake laugh right now.
"Binabantayan niya po ako. I am grateful na nandito siya para bantayan niya ako." napangiti ako sa sinabi ni Scarlet.
"Do you like someone?" nagulat ako sa tanong ni Diana.
"H-ha?"
"Nevermind. I just want to tell you that I really like her so much." napakunot ang aking noo sa sinabi ni Diana.
Tss. Bakit niya ba sinasabi ito kay Scarlet? She's totally weird.
"Ah..." matipid ang sabi ni Scarlet, "N-nagconfess na po kayo sa kanya?" curious niyang tanong.
"A hundred times."
"Ah... Buti po may courage kayo para sabihin sa kanya ang totoo." sabi niya.
"It is easy to tell what you feel to someone you like kahit hindi perfect ang timing." sabi ni Diana.
I guess she's right.
Kahit hindi tama ang timing para magconfess si Diana sa akin, sinasabi niya pa rin na gusto niya ako. Pero ang malas niya lang na hindi ko siya gusto.
"Hindi naman gano'n kadali, e." mahinang sabi ni Scarlet.
"Well, ginagawa mo lang komplikado ang lahat kaya mahirap para sa'yo. Make it more possible, Scarlet. There's nothing wrong with that." rinig kong sabi ni Diana.
"What if hindi niya ako gusto?" tanong ni Scarlet.
"Kailangan mong tanggapin na hindi lahat ng tao magugustuhan ka pero atleast magaan sa loob mo na wala ka na tinatagong feelings para sa kanya. Right? Just try, Scarlet. It will be fine."
"Thanks." rinig kong sabi ni Scarlet kay Diana.
"Hmm... Tell me. Who's that guy?" tanong ni Diana at kinabahan ako kung ano isasagot niya.
"Si...
Kenji."
Bigla akong nakaramdam ng kurot sa aking puso.
Bakit sa dinadami pa ng lalaki sa mundo Scarlet sa ex ko pa magkakagusto? Ha, Scarlet?
You make me want you more.
Don't try me, Scarlet.
Or else...
Lalo magiging komplikado ang lahat.
Like it ? Add to library!
Don't forget to leave some votes and comment in my story.
if you have time, follow my social accounts below:
wattpad: @itsleava
twitter: @itsleava
This story is also available in Wattpad!