webnovel

Chapter 36

SCARLET

Kakauwi ko lang ngayon sa aming dorm ng Queen of Hearts.

Nasa practice pa ang Queen of Hearts kaya mag-isa ako ngayon sa aming dorm.

Galing ako ngayon sa meeting tungkol sa pagpapalit sa akin bilang representative ng aking grupo sa survival show.

Napag-usapan namin kung bakit kinakailangan nila ako alisin do'n.

Pinaliwanag ni Ms. Quinn sa akin kung bakit.

Sa mismong nasa Davao kami, wala raw sinabi sa kanya si Ms. Megan tungkol sa solo debut ko.

As in, wala.

Biglaan lamang na napag-desisyunan ni Megan na samahan ko siya.

Ang hindi alam ni Ms. Quinn na sinamahan niya ako para patigilin si Kenji sa pakikipagbalikan nito sa kanya, hindi para sa solo debut ko o kung ano man pagiging model ko na ginawa noong nakaraang linggo.

Napagtanto ko na palusot lang ni Ms. Megan na naging model ako sa business ni Kenji para sucessful ang kanyang plano.

Pero hindi ko akalain na paalisin nila ako sa survival show para sa solo debut ko.

Marami raw taong sobrang curious kung ano raw ang aking pangalan noong na-release ang magazine. Sold-out agad lahat ng mga magazine at maraming magagandang feedback tungkol sa akin.

Dahil daw sa akin, mabenta ang mga stores ni Kenji kaya napag-desisyon ni Ms. Megan na asikasuhin ni Ms.Quinn ang solo debut ko simula ngayon.

Akala ko mawawalan agad ako ng pangarap pero akala ko lang pala. Pero unti-unti ko na maabot ang pangarap ko. Konting tiis na lang.

Gusto ko man magpasalamat kay Ms. Megan pero hindi ko magawa.

Kahit may cellphone number siya sa aking phone, hindi ko kaya i-text siya dahil mas mabuting hindi kami nag-uusap at nagkikita para maitigil 'tong nararamdaman ko sa kanya.

Ano naman mapapala ko kung ipagpapatuloy ko 'tong nararamdaman ko sa kanya? Dahil sa umpisa pa lang, hindi niya ako sasaluhin.

Ngayon, pumunta agad ako sa aking higaan para humiga kahit ang bigat ng aking nararamdaman.

"Hays..." sabay buntong hininga ko.

Sana mawala na rin nararamdaman ko sa pagbuntong hininga ko ngayon 'no?

May narinig akong tunog ng text notification sa aking phone at bumangon ako para kunin sa desk ang aking phone para tingnan kung sino ang nagtext.

'Ms. Megan sent you a message'

Malabo na ata mata ko kaya kinusot ko ang aking mata baka nagkamali lang ako sa nabasa ko. Nilapit ko ang aking mata sa aking phone at napagtanto ko na tama ang aking nabasa.

'Ms. Megan sent you a message'

T-totoo ba 'to?

Natulala ako ng ilang minuto habang tinitingnan ko ang sunud-sunod na message sa akin ni Ms. Megan.

Nakaramdam ako ng tibok sa aking puso. Kinakabahan ako ngayon habang binubuksan ko ang message ni Ms. Megan sa akin.

Bakit kaya nagtext ito sa akin?

From: Ms. Megan

Wala ka talagang balak magpasalamat sa akin? Gusto mo ata bawiin ko yung solo debut mo, e. Tss.

Napakamot na lang ako sa aking ulo dahil beastmode na naman sa akin si Ms. Megan. Magt-text ako mamaya kay Ms. Quinn para sabihin sa kanya pero pinangunahan naman ako ni Ms. Megan.

Binasa ko rin ang kasunod na message niya sa akin.

Leava's Resto 6 pm.

Hindi naman halatang tamad magtext si Ms. Megan 'no? Halata na talaga galit sa akin dahil hindi ko magawang magpasalamat sa kanya agad.

Pero teka lang, ibig sabihin magd-dinner kaming dalawa ni Ms. Megan mamaya?

Hindi maari na pupunta ako. Diba kailangan ko siyang iwasan? Dapat hindi ako pupunta. Hindi. Hindi talaga. Hindi pwede.

Iniiwasan ko siya. Hindi dapat ako makikipagkita. Period.

Pero.....

Mukhang naglalaban ang puso't isipan ko ngayon.

Alam ko iniisip ko na hindi talaga maaari dahil wala akong mapapala sa nararamdaman ni Ms. Megan sa akin. Imposible na susuklian niya ako ng pagmamahal. Diba?

Kahit tanggap ko nga nagkakagusto ako sa babae pero iniisip ko, magkakagusto ba siya sa katulad ko na fan niya lang ako at isa sa mga artist ng EyeRed?

Diba? Imposible? Kaya nga mas mabuti talagang hindi ko siya makita. Alam ko naman mawawala ito nararamdaman ko sa kanya.

Hay! Ewan!

Nakakasira ng utak. Mababaliw na ata ako. Malapit na.

Kahit anong gawin ko para pigilin ang aking nararamdaman, wala pa rin epekto sa akin.

Ano ba dapat kong gawin para pigilan ito?

Iba talaga sinisigaw ng puso ko, e.

Niloloko ko ba sarili ko?

Kahit anong pilitin ko na hindi talaga pwede, nananaig pa rin itong nararamdaman ko.

Wala na, e.

Nandito na ako sa punto na gusto ko siya hindi dahil sa pagiging fan kundi bilang siya.

Ano ba magagawa ko kundi sumuko na lang at hayaan na lang ito nararamdaman ko mahalin siya ng patago.

Kasi kahit anong pilit ko kusa siyang lumalapit sa akin. Tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan para ipagpatuloy ko ang aking nararamdaman.

Wala na talaga ako magagawa sa nararamdaman ko. Masaya akong gustuhin siya kahit man lang patago.

Gustung-gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang makasama.

Kung alam niya lang.

Inaamin ko na sobrang namimiss ko na siya.

Ilang linggo nagdaan simula noong umuwi na kami sa Manila galing sa Davao na hindi na kami pinagtatagpo ng landas.

Alam kong busy siya sa pag-aasikaso sa EyeRed lalo naman ako, binibigyan ako ng isa pang biyaya ni Ms. Megan na mismo magiging busy na ako sa pag-aasikaso ng solo debut ko.

Pero eto siya nag-text sa akin para magkita kami at makasama.

Bakit ko ipagkakait ang kaligayahan ko?

Nagulat akong biglang may tumawag at nakita ko ang pangalan ni Ms. Megan na patuloy siya tumatawag sa akin ngayon.

Wala naman akong choice kundi sagutin ito.

"Hello, Ms. Megan..."

"Tss. Pumunta ka mamaya."

"Bakit po?"

"Anong 'bakit'? Wala ka talagang balak magpasalamat sa akin. Kakausapi-"

"Grabe naman po. Kakausapin ko naman po si Ms. Quinn mamaya para sabihin sa inyo na lubos ako nagpapasalamat sa inyo dahil matagal ko na talagang pinapangarap."

"Alam mo naman cellphone number ko. Bakit kailangan mo pang kausapin si Quinn?"

Napatigil ako sa kanyang tanong.

Gusto talaga kitang iwasan pero gustung-gusto kitang makasama kahit ilang oras lang.

"Tss. Hello?! Hangin galing sa electric fan ata kausap ko ngayon."

"A-ano... kasi... sige na nga po pupunta ako."

"Napipilitan ka ata, e."

"H-hindi po." nahihiyang sabi ko.

"Tss. Sige na. See you later, Scar.", pagkatapos binabaan na niya ako.

"Bahala na. Basta gusto siya makasama. Siguro sapat na 'yon sa akin."

Napasapo na lang ako sa mukha dahil imbes na gusto ko siyang iwasan talaga, lalo pa akong napapalapit sa kanya.

Kahit anong iwas ko, wala pa rin akong choice kundi hayaan itong nararamdaman ko.

Kasi kahit anong pilit ko, sa kanya pa rin ako magkakagusto.

Sa kanya pa rin ako mahuhulog.

Nakakabaliw ka, Ms. Megan.

***

Andito ako ngayon sa labas ng restaurant kung saan dito kami magkikita ni Ms. Megan. Kababa ko lang ngayon sa taxi at lalo tuloy ako kinakabahan ngayon.

Ngayon ko lang ako nakaramdam ng kaba kapag magkikita kami ni Ms. Megan.

Ako kasi yung tipong wala talaga akong hiya kapag magkasama kami pero ngayon, kakaiba. Nakakapanibago.

Sa pagkakilala ko sa sarili ko, makapal talaga ang aking mukha. Kahit naging artist siya dati, hindi ganito nararamdaman ko. Excited na excited pa nga ako na makausap siya kahit sandali lang. Lalo na mga dapat kong sabihin sa kanya kung gaano ko siya ka-idolo.

Ngunit ngayon, iba, e. Nagbago ang lahat pakikitungo ko sa kanya. Hindi ko na siya tinuturing na idolo simula no'ng nagkagusto ako sa kanya.

Parang sinuko ko na pagiging fan ko sa kanya dahil lang sa nararamdaman ko sa kanya.

Hindi ko namalayan na hahantong ako sa ganitong sitwasyon.

Ang hirap pala na magkagusto sa idolo mo dahil napaka-imposible mangyari na magkakagusto kayo sa isa't isa.

Dapat na ba akong sumuko o Kakayanin ko ba?

Nakaramdam ako ng kalabit sa aking likod kaya lumingon ako.

Si Ms. Megan pala.

Natulala ako sa kanyang suot ngayon. She's wearing pink pastel blazer with her inner plain white sleeveless and her pink pastel trouser pants.

She's too beautiful that I can't stop looking at her right now.

Lalo tuloy akong nahuhulog sa'yo, Megan.

Tumingin ako sa kanya na mukhang nagtataka sa akin.

"You look stunning." seryosong sabi sa kanya.

Klinaro niya ang kanyang boses at umiwas siya ng tingin sa akin.

"Pinagsasabi m-mo? Pasok na tayo." pagsusungit na aya niya sa akin at nauna na siyang pumasok sa Leava's Resto.

Napangiti na lang ako sa pagusungit niya sa akin. Sanay na 'ko sa pagiging masungit niya na kahit gano'n siya sa akin palagi, na-attract ako sa kanya.

Epekto ba 'to ng alak na nainom ko dati? Napailing na lang ako at tuluyang sumunod na sa kanya.

Ginayuma mo ata ako, Ms. Megan.

***

Sobrang awkward ng atmosphere naming dalawa ngayon habang tahimik lang kami na tinitingnan ang mga kotseng bumabyahe sa labas.

Mga 10 minutes na kami ganito tahimik na wala kahit isa sa amin nagkukusang kumausap sa amin.

Maski ako, wala akong lakas na loob para kausapin siya ngayon dahil sa nahihiya ako. At saka, bakit ako dapat mauna kakausap sa kanya? Dapat siya!

Siya kaya nag-aya na magdate kami ngayon.

Wait. Sinabi ko ba na date namin 'to?

Hindi! Hindi ito date. Ano... Family dinner. Tama! Family dinner to dahil isa ako sa mga myembro ng family niya na mismo ako ang isa sa mga anak ng step father niya. So... step sister niya ako kaya hindi ako pwede magkagusto sa kanya. Ahehehe.

"Sana alam mong kanina pa kita tinitingnan."

Napalingon agad ako kay Ms. Megan at nagulat ako sa kanya dahil hindi ko narinig ang kanyang sinabi.

Parang inatake ako sa puso sa pagkulat sa kanya, e. Bigla-bigla ito nagsasalita na hindi handa sarili ko. Juicecolored!

"Wala ka talagang balak magpasalamat sa akin, Scarlet?" tanong niya sa akin na alam kong snaiinis na ito sa akin.

Napakamot ako sa ulo, "Pasensya na. Napapangunahan lang ng hiya." sabi ko sa kanya sabay yuko ito.

"Tss. May hiya ka pala." natatawang sabi niya sa akin, "By the way, nakausap mo na mga ka-miyembro mo tungkol sa solo debut mo?" pag-iibang tanong niya at napatingin ako sa kanya.

Umiling ako, "Hindi ko alam kung paano sabihin sa kanila. Natatakot ako kung ano iisipin nila sa akin." simangot kong sagot sa kanya.

"So...wala kang balak sabihin sa kanila? Baka gusto mo magtampo sila sa'yo."

Isa rin sa mga problema ko na kausapin ang Queen of Hearts tungkol sa solo debut.

Pakiramdam ko naman na nahahalata nila na palagi ako hindi sumisipot sa practice nila.

Pero ni isa sa kanilang lahat, walang nag-oopen na topic tungkol sa hindi ko pagsipot. Natatakot lang ako na baka sabihin nila na napaka-selfish ko na gumagawa ako ng paraan para maabot agad ang pangarap ko kaysa sa kanila.

Kaya sa bawat araw na may lakad ako tungkol sa solo debut ko, hindi ko muna pinapasabi kay Ms. Quinn sa kanila dahil baka magtampo sila sa akin at maging dahilan pa ng pagkasira ng samahan naming lahat.

'Yon ang aking kinatatakutan.

Kaya hinihintay ko ang tamang timing para masabi ko sa kanila.

"Alam kong naghihintay lang sila na ikaw mismo magsabi sa kanila. Ayaw ka nila pangunahan kaya sana as soon as possible, masabi mo sa kanila. Wala ka naman nagawang kasalanan sa kanila kaya huwag kang matakot kung ano magiging reaksyon nila sa sasabihin mo. Sa kanilang sarili na nila problema 'yon kung hindi nila matanggap na mags-solo debut ka." napangiti ako sa advice ni Ms. Megan sa akin.

Pangalawang beses na niya ako binigyan ng advice kaya nakaka-tats lang. Hehehe.

Naalala ko nga na binigyan niya ako ng advice tungkol sa amin ng ex kong si Francis kahit medyo tipsy pa ako that time.

Alam ko rin na nag-aalala siya sa akin no'n kahit i-deny niya sa akin kaya nga sinama niya ako sa Davao.

Paano ko nalaman? Hmm... feel ko lang.

Hindi naman ako manhid para hindi ko alam ang reaksyon niya that time. Lalo na katulad ngayon na concern siya sa akin na hindi ko pa sinasabi sa Queen of Hearts tungkol sa solo debut.

"W-why are you smiling at me? I am just giving you a piece of advice kaya." nautal pa ito sa pagkasabi niya kaya tumawa ako ng mahina, "Oh! Tumatawa ka na ngayon? Baliw ka ba?" iritang tanong sa akin ni Ms. Megan.

'Malapit na maging baliw sa'yo'

"Ewan." tipid kong sagot sa kanya, "Naghahanap lang ako ng tamang timing." sabi ko sa kanya at tumango siya sabay uminom siya ng tubig sa baso.

Tamang timing? Napaisip tuloy ako.

Kung tungkol sa amin ni Ms. Megan, kailangan ba ako maghanap ng tamang timing para gustuhin niya ako? Ang dating kasi sa akin na one-sided love lang itong nararamdaman sa kanya.

Ang hirap naman kung ako lang pala may nararamdaman sa kanya. Nagsasayang lang pala ako ng panahon.

Kailangan ko siyang tanungin.

Buti na lang nakaisip ako ngayon ng itatanong sa kanya. Gusto ko lang malaman kung ano magiging sagot niya sa tanong ko.

Para alam ko kung saan ako lulugar.

"Ms. Megan, may tanong ako. Napaisip lang ako ngayon." kinapal ko na ang aking mukha para itanong sa kanya ito.

Kailangan ko rin ng kasagutan kung aasa ako o hindi na rin ako aasang ipagpatuloy itong nararamdaman ko sa kanya.

Sobra ko naman tanga kung hahayaan ko lang sarili ko na maging one-sided love na 'to. Sinasaktan ko lang sarili ko kung gano'n lang mangyayari.

"Tss. Ano?" walang-gana niyang tanong sa akin at uminom ulit ito ng tubig.

Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin. Ilang segundo dumilat ako at tumingin sa kanya ng seryoso.

Kinakabahan ako ngayon kung ano isasagot niya.

"Okay lang ba sa'yo magmahal ka ng kapwa mong babae?" tanong ko sa kanya at bigla siyang nasamid.

Nataranta ako na nasamid siya at inalok ko agad ang table napkin sa kanya.

Ang lakas ng tibok ng puso ko sa kaba. Kita kong nawala na rin pagkasamid niya kanina at kumunot ang kanyang noo na lalo tuloy ako kinabahan.

Sagutin mo na, Ms. Megan.

"Bakit? Bakit mo natanong?" tanong niya sa akin at napakurap ako ng ilang beses dahil nag-iisip ako ng rason para maniwala siya kahit kasinungalingan ito.

"May nabasa lang akong libro. Tungkol sa same sex relationship. Okay lang naman kung hindi mo sasaguti-"

"Okay lang kung hindi ako naging CEO ng EyeRed. Okay lang kung hindi ko apelyido ko ang Juxred. Okay lang mahalin ko siya kung walang taong sisira o mangingialam sa pagmamahalan namin." biglang kumirot ang aking puso sa sagot niya.

Kita ko rin na ang lungkot ng mata niya noong sinagot niya ang aking tanong at umiwas siya ng tingin sa akin at tinuon niya ang kanyang tingin sa bintana.

Kung ilulugar ko sa sarili ko sa tanong ko sa kanya.

Okay lang na mahalin niya ako kung hindi siya CEO ng EyeRed.

Okay lang kung hindi niya apelyido ang Juxred.

Okay lang na mahalin niya ako kung walang taong sisira o mangingialam sa pagmamahalin namin.

Kung gano'n hindi mangyayari na mamahalin niya ako.

Kung hahayaan niyang mahalin niya ako, maraming taong handang sirain ang pagmamahalan naming dalawa.

Now I know, she's too scared to risk everything when it comes to love.

Pero imposible naman na mamahalin niya ako. Nilagay ko lang posisyon ko sa tanong ko kanina. Napaka-assuming ko naman kung may gusto siya sa akin.

"Ikaw? Sagutin mo sarili mong tanong." nabigla ako sa tanong ni Ms. Megan sa akin.

Kita kong seryoso siyang nakatingin habang hinihintay ang sagot ko.

Magkaiba kami ng sagot.

"Okay lang sa akin kung CEO, artist, o kung babae man siya. Ang importante yung sincere kong nararamdaman sa kanya. Alam kong mali sa mga mata ng ibang tao, na magmahal ng kapwa babae pero para sa akin, walang mali do'n. Kung magiging strong kaming dalawa sa relasyon namin, alam kong malalagpasan namin itong pagsubok kung may magtatangkang sumira ng aming relasyon. Basta mapatunayan namin sa kanila na mahal namin isa't isa at walang mali magmahal ng kapwa babae." sabi ko sa kanya at umiwas ako ng tingin sa kanya.

Tumingin ako sa bintana para tingnan ang reflection ni Ms. Megan mula salamin. Kita kong nakatingin siya sa akin ng seryoso.

"So isusuko mo pangarap mo dahil lang sa pag-ibig mo sa kanya?" tanong niya.

"Kung doon ako sasaya, hindi ako magsisisi na isuko ko ang pangarap sa kanya."

"Paano kung ayaw mo isuko ang iyong pangarap pero ayaw mo rin sumuko sa relasyon niyo?"

"Hindi ba pwede na pagsabayin na tuparin ang pangarap ko habang nagmamahalan kami?" tanong ko sa kanya at tumingin sa kanya at napaisip siya, "Ms. Megan, hindi mo kailangan pumili kung kaya mo naman pagsabayin. Kailangan mo lang ng desisyon na magiging masaya ka at lalo na sa mahal mo. Magiging posible ang lahat. Basta alam niyo na masaya kayong dalawa sa desisyon niyo." ngumiti ako sa kanya at patuloy pa rin ito nakatitig.

Mukhang napaisip si Ms. Megan habang nakatingin sa akin.

Ano kaya iniisip mo?

Nakaramdam ako ng pagtibok ng puso ko dahil sa pagtitigan namin dalawa.

"Excuse me, Ma'm." napalingon ako sa waiter na may dalang pagkain.

Mukhang nandito na ang aming order.

Like it ? Add to library!

Don't forget to leave some votes and comment in my story.

if you have time, follow my social accounts below:

wattpad: @itsleava

twitter: @itsleava

This story is also available in Wattpad!

itsleavacreators' thoughts
Bab berikutnya