webnovel

Chapter 33

SCARLET

"Please come in." sabi ng isa sa mga staff ni Kenji sa amin.

Nandito nga pala kami sa kompanya ng ex ni Ms. Megan.

Dapat talaga hindi ako sasama sa kanila pero wala naman akong choice dahil pinipilit ako ni Ms. Megan.

Wala rin naman ako ambag para samahan sila sa meeting ngayon.

Ano naman gagawin ko dito?

Sasayaw? Kakanta? Habang nag-m-meeting sila?

Baka nga magfocus sila sa akin kaysa mag-meeting nila.

Nakakahiya naman.

Pero atleast may ambag ako. Ahehehe.

"Scarlet..."

Nagising ang aking diwa sa pagtawag sa akin ni Quinn.

Tumingin ako saglit kay Ms. Megan na mukhang nagtataka ako kung bakit andito pa rin ako sa pwesto ko.

Umiwas ako ng tingin at nakita kong inalok ako ni Quinn na tabihan siya.

Kaya pumunta ako sa kanyang tabi. Bandang kaliwa niya.

At agad na kaming umupo.

Napatingin ako sa aking harap na mukhang minamasdan niya ang ako.

Mga mid-20's pa itong babaeng 'to na napakatagal niya nakatingin sa akin.

Pakiramdam ko nga pamilyar ako sa kanyang paningin.

Mukhang namumukhaan niya ako.

"She looks familiar."

Tama ang aking hinala.

Wala na rin akong rason para magulat sa kanyang sinabi at pansin ko nga nakuha niya ang atensyon kaya napatingin silang lahat sa akin ngayon.

"She's one of my artists in EyeRed. Is there any problem about her?" bigla kong narinig ang boses ni Ms. Megan.

"Why she's here?" nabigla ako sa narinig ko na boses.

Napatingin ako kina Kenji at Ms. Megan na tinatanong siya ngayon kung bakit ako nandito.

I don't have any idea why I'm here right now.

Kaya hindi ako sumagot.

"If we already close our deal today Kenji, siya ang magiging model ng clothing business mo."

"Meg, are you sure?" hindi makapaniwalang tanong ni Quinn sa kanya.

Napakurap ako ng ilang beses dahil hindi ko inaasahan maririnig ko kay Ms. Megan 'yon.

Akala ko magiging alalay niya lang ako.

"She's not too popular baka masayang lang." sabi ni Kenji.

Narinig kong tumawa si Ms. Megan, "Are you sure? Hindi niyo ba siya namumukhaan?" tanong niya habang pinapaikot niya ang ballpen sa kanyang daliri.

Ilang segundo lumipas nanatili pa rin sila nag-iisip kung makikilala nila ako.

Napatingin ako sa kaharap ko na mid-20's ito. "Kilala ko na siya." sabi niya.

"Siya yung babae na nasa ig live ni Sir Hexyl!" gulat na sabi ng katabi ng kaharap ko.

"Weh?"

"Siya?"

"Oo nga 'no?"

"Siya nga!"

Nagsimula sila nagsusuri sa kanilang phone at napapatingin sila sa akin.

Ngumiti na lang ako sa kanila at nagbow ako sa kanila kahit nahihiya ako na nakilala nila ako.

"Siya nga 'yon. It seems a lot of people na sobrang curious kung sino siya noong nagpakita siya sa live ni Mr. Hexyl. Akala nga nila girlfriend ni Sir Hexyl." sabi ng kaharap ko.

"Girlfriend?" nagulat ako sa mahinang sabi ni Ms. Quinn kaya bigla ako napatingin sa kanya na mukhang naiirita ito.

"Hexyl doesn't have a girlfriend." pagkukurma ni Ms. Quinn sa staff na nasa harapan namin.

Nagulat ako sa pag-ubo ni Ms. Megan at napatingin ako ang sa pagpipigil ng tawa ni Ms. Megan sa kanya.

Pero siniko ito ni Ms. Quinn kaya bigla siya nagseryoso ang mukha ni Ms. Megan

Klinaro niya muna ang kanyang boses, "Si Scarlet ay representative ng grupo nila para sa upcoming survival show ng EyeRed. I think she's going to be popular kung gagamitin mo si Scarlet bilang model." alok niya kay Kenji.

So.... hindi ako ininform ni Ms. Megan na ganito pala plano niya para sa akin.

Confident naman ako kung magiging model nila ako.

Wala naman problema sa akin. Akala ko nga makikinig lang ako sa meeting nila.

May silbi pala ako dito.

"Okay. I'll think about it. But for now, Let's talk about our deal." seryosong sabi ni Kenji at nakita kong binigay ni Quinn ang folder.

"Let's start." aya ni Quinn sa aming lahat.

***

Ngayon, kakatapos lang ng meeting at nagsilabas na ang mga staff ng ex ni Ms. Megan.

Sumunod na rin kami tumayo para umalis na rin dahil hindi pa kami nagtatanghalian nina Ms. Quinn at Ms. Megan.

"Can we talk in private, Megan?" napalingon kami sa ex niya habang nakaupo pa rin sa upuan niya.

"Sure. Unless she's here with me."

Ha? Ako? Kasama ako dito? Bakit?

Kinalabit ko sa braso si Ms. Megan at napatingin siya sa akin na nakakunot-noo ito sa akin dahil sinenyasan ko siya na lalabas ako.

Parang gusto niya sabihin sa akin na huwag akong umangal at samahan ko siya dito para mag-usap sila ng ex niya.

"Why? Bakit hindi tayo pwede mag-usap ng tayo lang?" seryosong tanong ni Kenji sa kanya.

"Alam ko na balak mo, Kenji." walang-ganang sabi ni Megan.

Ngayon nakatingin si Kenji sa akin, "Scarlet..." tawag sa akin at ngumiti ako sa kanya, "Pwede bang iwan mo kami saglit. May pag-uusapan lang kami." pakikiusap niya sa akin at tumango naman ako.

Pero paano si Ms. Megan?

Tumingin ako kay Ms. Megan ngunit nakatingin siya kay Kenji.

Siguro nga kailangan ko nang umalis para makapag-usap na silang dalawa.

Mukhang hindi naman ako pinigilan ngayon ni Ms. Megan kaya nagsimula na akong umalis ngayon.

Bigla kong naramdaman na may pumigil sa aking braso.

Napansin ko si Ms. Megan na nakahawak sa aking braso pero hindi siya nakatingin sa akin.

"Stay here." ma-awtoridad niyang sabi sa akin.

"Ano ba pag-uusapan natin?"

I can feel her coldness no'ng tinanong niya 'yon kay Kenji. 'Yong pakiramdam na wala na talaga siyang natirirang pagmamahal sa ex niya.

It is never been easy to move-on pero kinaya niya.

Ako kaya hanggang kailan mawawala pagmamahal ko kay Francis?

"Can you give me a second chance?"

Nabigla ako sa sinabi ni Kenji.

Paano siya bibigyan ng second chance kung wala na nararamdaman si Megan sa kanya?

Kaya alam ko kasagutan sa tanong ni Kenji sa kanya ngayon.

"No." matipid na sagot ni Ms. Megan.

Hindi ko man nakikita itsura ni Ms. Megan ngayon dahil nasa likod niya ako. Pero nakatingin lang ako sa kanyang ex na nagmamakaawa sa kanya na makipagbalikan.

"Gagawin ko ang lahat para bigyan mo ko ng isang pagkakataon." sabi ni Kenji sa kanya.

Nagulat ako biglang natawa si Megan. 'Yong tipong tawa na hindi siya natatawa kundi nang-aasar lang siya.

"How? Papakiusapan mo si Mom? Dyan ka naman magaling, e."

"Megan... Nagkandahirap ako para matupad ang hiling ng Ina mo sa'ting relasyon. Ginawa ko lahat kahit mahirap dahil mahal kita." nakikita kong sincere siya sa kanyang sinabi.

"Nagkandahirap ka? Ginawa mo ang lahat? Kailangan ko ba magpasalamat sayo? Ha?" sarcastic na sabi ni Ms. Megan at lumapit siya kay Kenji, "You didn't know how my life miserable noong nawala si Dad at lalo ka na. Ikaw na lang pinanghuhugutan ng lakas ko pero bakit gano'n ginawa mo sa akin. Nagsinungaling ka sa akin. Pinaniwalaan ko sinabi mo, Kenji. Iniwan mo ko. Sinira mo relasyon natin." inis na sabi sa kanya.

"Tapos babalikan mo ko dahil lang sa kondisyon ni Mom? Hindi kita pagbibigyan." iritang sabi ni Ms. Megan habang dinuduro niya ang dibdib ni Kenji.

"Akala mo sa akin tanga? Nagkakamali ka."

"Nananahimik na buhay ko, Kenji. Noong una tayo nagkita, gusto ko makipag-ayos sa'yo pero hindi ganito na makikipagbalikan sa'yo."

Hindi na niya talaga babalikan si Kenji dahil masyado nang malabo para magbalikan sila.

Pero kung ako sa sitwasyon ni Ms. Megan, babalikan ko pa rin siya kung mahal ko pa rin siya.

Ramdam ko pa rin pagiging sincere na pagmamahal ni Kenji sa kanya ngayon. Kitang-kita kong gusto niya mapa-sakanya si Megan. Kahit hindi tama ang ginawa niya kay Ms. Megan pero nando'n pa rin 'yong paghihirap niya para kay Megan dahil mahal na mahal niya ito.

Pero wala na talaga magagawa si Kenji kundi tanggapin na lang na hindi na siya mahal ni Ms. Megan.

"Pinagsisihan ko sa loob ng limang taon kung paano ko nasabi ang kasinungalingan na dinahilan ko noong nakipagbreak ako sa'yo. Kaya ngayon, kailangan kong bumawi sa'yo. Gagawin ko ang lahat para sa'yo. Kahit ano." sabi ni Kenji at lumapit ito kay Megan.

"Gagawin mo ang lahat para sa akin?" hindi makapaniwalang tanong ni Ms. Megan habang nang-aasar ito na tumatawa.

"Kahit ano?" sabi niya sabay tumawa ng sarcastic si Megan sa kanya.

"Oo, kahit ano." seryosong sabi ni Kenji sa kanya.

"Madali lang naman ako kausap, Kenji. Pinapatagal mo pa."

Mukhang may balak na hindi ka-nais nais si Ms. Megan dahil sa kanyang tawa.

Napansin ko rin na nagtataka si Kenji kung bakit ganito umakto si Ms. Megan.

"I want you to date someone I know."

What? Anong klaseng kondisyon 'yan, Ms. Megan?

Parehas kami nagtaka ni Kenji, "Are you serious? Makikipagdate ako sa iba? Hindi sa'yo?" hindi makapaniwalang tanong niya kay Ms. Megan.

"Oo." walang-gana sagot ni Ms. Megan at napatingin ako sa kanya.

"Pero.... ikaw ang gusto ko." sabi ni Kenji.

"Paano 'yan, hindi kita gusto?" sunod na tanong ni Ms. Megan sa kanya, "Diba gagawin mo ang lahat para sa akin? Edi, Gawin mo ang hiling ko para sa'yo." seryosong sabi niya.

"Are you really serious? Hays. Nagbibiro ka lang. Nakapag set na ako ng dinner date natin mamaya." hindi naniniwalang sabi ni Kenji.

"Mukha ba akong nagbibiro?" mukhang naiirita na si Ms. Megan kay Kenji, "Hindi mo ba ako naiitindihan lahat ng mga sinabi ko sa'yo?" tanong niya.

Umiling si Kenji, "Hindi. Pero bakit? Napaka-imposible naman ata 'yon." nagtatakang tanong niya.

"See? Imposible maging tayo."

Bigla akong hinatak ni Ms. Megan sa braso para iwan si Kenji dito sa meeting room.

Binukas ni Ms. Megan ang pinto para makalabas kami.

"If that's what you want, I'll do everything to make you mine, Meg." rinig kong sabi ni Kenji kaya nagulat sko na napatigil si Ms. Megan ng ilang sandali.

Napansin kong kumunot ang kanyang noo at napapikit ng mariin.

Mukhang dumadagdag ng problema itong ex niya sa kanya.

Napailing na lang si Ms. Megan, "Tingnan natin mamaya." bigla niyang akong hinatak at tuluyan na kami nakalabas.

***

"Wear this." seryosong utos sa akin ni Ms. Megan sabay bigay sa akin ng dress na medyo pastel pink ito.

Hindi ko inaasahan na pagkadating namin dito sa room ay heto pinanggawa namin ngayon.

Binibihisan nga ako ni Ms Megan na hindi ko alam kung anong event pupuntahan namin ngayong gabi.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko ulit sa kanya.

Kanina ko pa siya tinatanong pero nagbibingihan lang sa akin..

Siguro dahil busy siya sa pagpipili ng damit na isuuot ko.

Dinagdagan pa nga ng isang red na dress sa akin para isusuot ko ngayon.

Napatingin siya sa akin, "I-fit mo 'yang pastel na pink muna." utos sa akin ni Ms. Megan.

Ngunit tinitigan ko lang siya.

Oo, sinasadya kong titigan siya dahil hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganito.

Hindi ako aalis dito kung hindi niya sinasagot ang tanong ko.

Kasi kanina, pansin ko lang. Pagkalabas namin kanina sa meeting room, napasandal siya sa pader ngunit malalim ang kanyang iniisip na nakayuko ito.

Medyo nag-alala ako sa kanya kaya humarap ako sa kanya at hinawakan ko ang kanyang braso.

Sumilip ako sa kanyang mukha dahil nakayuko ito pero bigla siyang napatingin sa akin.

Natulala ako sa kanya at naramdaman ko na naman ang kabog ng puso ko.

Alam kong delikado 'tong nararamdaman ko para sa kanya.

Pero hindi ko maiwasan na mag-alala.

Kita ko sa kanyang mata na puno ito ng kalungkutan pero bigla itong napakurap at nilayo niya ako.

Tuluyang umalis siya kaya sinundan ko siya. Kahit sa sasakyan, nanatili pa rin itong tahimik.

Gusto ko man kulitin siya pero hindi ito ang oras para makipagbiruan sa kanya.

Pero hindi pa rin ako mapakali hanggang ngayon.

"May problema ba, Ms. Megan? At saka, bakit may ganitong dress ako isusuot? May event ba?" nag-alalang tanong niya sa akin.

Tiningan niya ako ng seryoso, "Do you still love your ex?"

Nagulat ako sa kanyang biglaang tanong at nakaramdam ako ng kaba.

Naalala ko na Ilang weeks wala pa rin ako balita kay Francis.

Gusto ko man makausap dahil gusto ko ng closure o bigyan niya ako ng dahilan kung bakit ayaw niya na.

Kung mahal ko pa rin siya, gagawin ko lahat ng posibleng paraan para makausap siya.

Kung mahal ko pa rin siya...

hindi ito titibok dahil kay Ms. Megan.

Ilang beses na 'tong tumibok dahil sa kanya pero hindi napagtanto na para sa kanya 'yon.

Akala ko flattered lang 'yon.

Ngayon, gusto kong subukan kung titibok itong puso ko sa kanya.

Kung may nararamdaman talaga ako sa kanya.

Kung hindi ko na talaga mahal si Francis.

Sinubukan kong lumapit kay Ms. Megan kung titibok itong puso ko.

Habang papalit ako sa kanya, mukhang nagtataka ito sa kinikilos ko sa kanya.

"Scarlet..." unti-unti siya napapatras dahil sacpaglapit ko sa kanya.

"W-What are you doing?" nauutal na tanong ni Ms. Megan at napasandal siya pader.

Sumagi sa aking isipin na gusto ko siyang halikan kaya nilapit ko ang aking mukha sa kanya.

Pero napansin ko agad na itutulak niya ako ngunit pinigilan ko ang kanyang kamay at sinandal ko ito sa pader para pigilan siya.

Ngunit hindi siya nagpatinag at nilakasan niya ang pwersa kaya pumiglas ito at tinulak niya ako ng malakas.

Napa-atras ako.

"You are so weird. You make me feel uncomfortable right now, Scarlet. Hindi ka ganito sa akin dati." reklamo niya sa akin at inirapan niya lang sko.

"Haist. What's wrong with you? Bakit mo ko pinapasuot nitong mga damit na hawak ko?" inis kong sabi ko sa kanya.

"Tss. Stupid girl." ngumiti siya sa akin, "I was thinking a while ago kung paano ko mapipigilan si Kenji kaya naisip kita. Kaya balak kong ikaw ang makikipagdate sa kanya mamaya. Okay na?"

Bakit ako?

Sa lahat ng mga taong kilala ni Ms. Megan... bakit ako?

"Make him fall for you at break his heart whether you like or not."

Biglang kumirot ang aking puso...

Tiningnan ko siya ng seryoso, "Why are you making me feel this way?" mahinang tanong ko sa kanya.

Patuloy pa rin kumikirot ang aking puso na parang tinutusok ako ng maliit ng mga karayom unti-unti hanggang lumalim ito.

Alam ko na 'to. Nasasaktan ako kaya kumikirot ang pusko ko.

Alam ko 'tong nararamdaman ko kaya delikado talaga.

"Ha? Pinagsasabi mo?" nagtatakang tanong niya, "I am helping you right now at alam kong itong paraan para makatulong ka sa akin. Para rin makamove-on ka sa ex mo."

Hindi siya nakakatulog sa nararamdaman ko. Pinapahirapan niya lang sitwasyon ko.

Pinamimigay niya lang ako sa mga taong nangangailangan ng pagmamahal.

Kahit hindi naman dapat.

Hindi ako gano'ng klaseng tao.

Hinihiling ko lang naman na mahalin din ako ng taong mahal ko.

Hinihiling ko rin lang na hindi niya ako iiwan.

'Yon lang naman ang aking hiling.

Pero wala, e. Wala akong choice kundi sundin si Ms Megan.

Dahil delikado 'tong nararamdaman ko dahil babae siya.

Kahit may nararamdaman ako sa kanya.

Kung ikukumpara kaming dalawa ni Ms. Megan, langit siya at lupa ako.

CEO siya ng Eyered...

Fan at Artist niya lang ako...

Kaya sino ba naman ako para mahalin siya?

Lalo na wala akong karapatan mahalin siya lalo na babae siya.

Tumango na lang ako sa kanya at tumalikod para umalis sa kanyang kwarto hangga't kaya ko pang tiisin itong kirot ng puso ko.

Pagkasara ko ng pinto, napasandal ako sa tabi ng pintuan sa mismong pader.

Napatakip na lang ako ng mukha gamit ang aking mga kamay.

"Ang hirap nito."

Naiinis ako sa naramdaman ko ngayon.

SCARLET

Ngayon, nandito ako sa kwarto ko kakatapos ko lang mag-ayos ng aking sarili para sa 'dinner date' namin ng ex niya.

Pumayag naman ako dahil mas gusto ko ituon ang sarili ko sa ibang bagay kaysa samahan si Ms. Megan palagi.

Ayoko rin mahulog sa kanya ng sobra.

Iniiwasan ko rin ipagpatuloy 'tong nararamdaman ko para sa kanya.

Hindi naman sa mali magmahal ng babae pero ayoko lang lumala 'tong nararamdaman ko sa kanya.

Sinasabi ko nga na CEO siya, Fan at Artist niya lang ako.

Maraming consequences kung susundin ko 'tong nararamdaman ko. Ayoko pairalin pagiging matigasin kong ulo pagdating sa pag-ibig.

Maraming madadamay lalo na kompanya ni Ms. Megan.

Ayoko dumating sa punto na magkakagulo dahil sa lintek na pag-ibig ko sa kanya.

Lalo na ayokong malaman ni Ms. Megan ito.

Natatakot akong magbago pakikitungo niya sa akin.

Sapat na sa akin na makita siya at makausap.

Sapat na sa akin na artist at fan niya lang ako.

Kahit magiging masakit para sa akin.

Wala naman ako balak pang ituloy 'tong nararamdaman ko dahil hindi talaga pwede.

Wala rin ako mapapala dahil imposible rin magkakagusto siya akin.

Alam niya naman na babae ako kaya bakit magiging posible na magkakagusto siya sa akin?

Hangga't maaga pa, pwede pa 'to magbago nararamdaman ko sa kanya.

Kaya pumayag ako ngayon makipagdate kay Kenji para umiwas muna.

Para mawala 'tong nararamdaman ko.

"Scarlet!! Kailangan mo nang umalis."

Nagising ako sa katotohanan. Napagtanto ko na nakatingin pala ako sa salamin habang nag-iisip kanina.

Tinatawag na pala ako ni Ms. Quinn at narinig ko rin na kumakatok ito.

Tumayo na ako at inayos ko ulit ang aking sarili.

Kakayanin ko ba?

Hindi ko alam pero bahala na.

Pagkatapos ko mag-ayos ng sarili ay lumabas na ako sa kwarto ko.

Nakita ko sa mismong couch na nakaupo si Megan habang busy sa kanyang Ipad.

"You look so gorgeous! Bagay na bagay sa'yo 'yang dress." puri sa akin ni Ms. Quinn kaya lalo akong nahiya.

Ngumiti na lang ako dahil wala ako masabi sa kanya.

Tumingin ako ulit ako kay Ms. Megan na nakatingin sa akin.

Why she's staring at me like that?

Parang first niya na nakita akong naka-ayos na desente sa kanyang paningin.

"Saan lakad mo, Scarlet?" napalingon ako sa tanong ni Ms. Quinn.

Ngumiti ako, "May lakad lang po." nahihiyang sagot ko.

"Tss."

Alam ko kung sino nagreact at napansin kong tumayo siya.

Mukhang papunta siya amin pwesto, "She's going on a date later with Kenji." walang-gana niyang sabi kay Ms. Quinn at nilagpasan kami.

"Ano?!" gulat na sabi ni Ms. Quinn at iniwan ako para habulin si Ms. Megan. Napatingin ako sa kanila at kitang-kita kong sumunod siya sa likod ni Megan papuntang kusina.

"Bakit? Paano? W-wait!! Alam kong sinabi sa akin ni Kenji na may date kayo mamaya. Pero bakit nakabihis si Scarlet?" pangungulit niyang tanong kay Ms. Megan habang nagsasalin siya ng pitsel sa baso.

"Kailangan ko pang ulitin?" inis na sabi ni Megan sa kanya at uminom ito.

"Hin-"

"Siya ang makikipagdate. Hindi ako." walang-ganang pagpapaliwanag ni Megan at pumunta ulit siya sa sala para umupo.

Sumunod naman si Ms. Quinn pero napstingin siya sa akin, "Sumunod ka naman sa plano ni Megan, Scar?" seryosong tanong ni Ms. Quinn.

Tumango ako bilang sagot sa tanong niya at napasapo na lang ito ng ulo.

"Hindi ko alam kung anong takbo ng isip mo ngayon, Meg. Pero tandaan mong kapag nalaman ng Mom mo na nakikipagdate si Scarlet sa ex mo, you're dead." sabi ni Ms. Quinn at nagulat kami na tumawa ng malakas si Megan.

"Tell her. Wala naman akong pakialam." sabi ni Megan sabay ngisi ng masama kay Ms. Quinn, "Kahit maglupasay pa si Kenji sa harapan ko at kay Mom. Hindi mangyayari ang kagustuhan niya." sabi niya at tinuon niya na lang ang atensyon niya sa tablet na hawak niya.

"Really? Bahala ka. Malaki ka na." walang choice na sabi ni Ms. Quinn at tumingin siya sa akin.

Napa-buntong-hininga na lang siya at sinenyasan niya ako na lumabas kami.

Pagkalabas namin, nabigla ako kay Ms. Quinn na humarap sa akin.

"Scarlet, did you already know na ex siya ni Megan?" mukhang tinutukoy niya si Kenji.

Tumango ako, "She asked me na ako na lang dadalo sa date nila." magaling na sabi ko at umiling si Ms. Quinn. Mukhang 'di siya pumapaya sa sinabi ko.

"No. No. You better tell to Kenji na hindi siya dadalo. Pagkatapos mo sabihin sa kanya 'yon, uuwi ka na agad." ma-awtoridad niyang sabi sa akin, "So, walang date na magaganap ngayong gabi." seryosong sabi niya sa akin at huminga ako ng malalim.

Tatanggi sana ako sa kondisyon niya sa akin.

"Pe-"

Ngunit hindi ako makatanggi.

"No buts!"

Tumahimik na lang ako kaysa makipagsagutan kay Ms. Quinn.

Hindi pwede mangyari ang kagustuhan ni Ms. Quinn.

Nakapagdesisyon na rin ako.

Ipagpapatuloy ko ang plano ni Ms. Megan.

Alam kong ikabubuti ito ng lahat. Lalo na rin sa akin.

Sorry, Ms. Quinn.

"Tara na."

Pag-aya sa akin ni Ms. Quinn at tuluyan na rin siya umalis kaya sumunod na rin ako.

***

"We're here." sabi ni Ms. Quinn pagkatapos niyang iparada ang kanyang sasakyan.

"Sandali ka lang ha, Scarlet?" bilin niya sa akin at tumango ako sabay ngiti sa kanya kahit mapapatagal talaga ako do'n.

"Sige na. Maghihintay lang ako dito sa labas."

Lumabas na rin ako mula sa sasakyan at bumungad sa akin ang waiter na papunta sa aking pwesto.

Nasa lugar ako kung saan may mga candle lights sa gilid ng mga dadaanan ko at puno ito ng mga rosas.

Kinakabahan ako.

Ito yung moment na pinaka-ideal na date para sa akin.

Puno ito ng mga rosas at mga candle lights sa mismong dadaanan ko.

May narinig din akong may tumutugtog ng violin sa pupuntahan namin pero hindi naman ito kalayuan. Tinaon pang nasa garden ang mismong venue.

"This way, Ma'm." Napatingin ako kung sino nag-approach sa akin at nakita kong tinuro ng waiter sa akin kung saan ako pupunta.

Habang inalalayan ako ng waiter, nakita ko ngayon mula sa kalayuan ang isang lalaking naka-blazer na back, sky blue na shirt and also green pants with his leather brown shoes.

He's wearing shades na dumagdag ang pagiging gwapo sa mga mata ko.

Si Kenji ang tinutukoy ko. Ang ex ni Megan.

Nagpanggap akong ngumiti ng matamis at napatanggal siya ng glasses dahil hindi niya alam na ako ang dadalo sa date nilang dalawa ni Ms. Megan.

Kita kong nagtataka siya habang papalapit ako sa kanyang pwesto.

Pagkarating ko sa mismong harapan niya, nagbow ako sa kanyang harapan na naguguluhan kung bakit nandito ako.

"Y-you're Scarlet, right? Inakala ko kanina no'ng nakita kita sa malayuan, expected ko si Meg ka pero hindi pala." natatawang sabi niya at napakamot ito sa kanyang ulo.

Napangiti na lang ako, "Gano'n po ba? Pasensya na po kung hindi makakadalo ngayon si Ms. Megan. Ayaw niya po, e." pagpapaliwanag ko sa kanya at nakita kong nag-iba ang ekspresyon niya.

Napansin kong napasimangot siya pero bigla itong ngumiti sa akin na ibig sabihin na okay lang....

Okay lang kahit hindi...

Minsan hindi natin maitatago yung lungkot na nararamdaman natin kahit pinipilit natin na magpanggap na okay lang o na masaya ka.

May mga tao talagang magaling magpanggap na akala mo masaya sila sa buhay nila pero deep inside durog na durog sila.

Ngunit iba pa rin sa pakiramdam na totoo kang masaya kaysa pinipilit mo lang maging masaya dahil kailangan.

"Mauna na po ako." kunwaring magpapaalam ako sa kanya at nagsimula na rin ako umalis.

Hinihintay ko talagang pigilan niya ako. Kung hindi niya ako mapipigilan, masisira ang plano ni Megan.

Ngunit napangiti ako dahil pinigilan niya ako sa aking braso.

Kaya nagtaka ako bakit niya ako pinigilan, "Can we talk?" tanong niya sa akin.

Is he asking me na makikipagdate ako sa kanya kaya gusto niya ako makausap?

Naalala ko ngayon na naghihintay si Ms. Quinn sa labas dahil pinakiusapan ako na sandali lang ako.

Kailangan kong gumawa ng paraan para magtagal ako dito.

Umiling ako, "Hi—" hindi niya ako pinatapos sa pagsalita.

"Ah! I get it... Hindi consider 'to bilang date. Siguro gusto kita makausap lang. Sayang yung preparation ko para kay Meg. If that's okay with you?" tanong niya sa akin habang naghihintay sa aking kasagutan.

Wala akong ideya kung ano pag-uusapan namin ngayon pero mukhang mabait naman siya kaya pwede ko rin siya kausapin pero mukhang matutuloy ang plano ni Megan.

Kailangan kong i-convince si Kenji na kausapin si Ms. Quinn para magpaalam na matatagalan kami.

"Pero si Ms. Quinn.. ano... Ang sabi niya kasi sandali lang ako." pagdadahilan ko sa kanya.

"I'll text her right now." sabi niya sabay kuha sa loob ng blazer niya at pinakita niya sa akin na i-tetext niya si Ms. Quinn.

Napansin kong nagsimula na siyang magtype at mukhang kakatapos niya lang ngunit nagulat siya, "Ang bilis niya magreply." natatawang sabi niya, "Okay daw basta ihahatid kita." ngiti niya sa akin.

Wow! Akala ko hindi talaga papayag si Ms. Quinn pero ano naman dinahilan nitong ex ni Megan kay Quinn.

"Ano po dinahilan niyo?" curious kong tanong sa kanya.

"I told her na pag-uusapan lang natin yung upcoming project mo bilang model sa business ko. Don't worry I told her na hindi 'to date." natatawa niyang sabi sa akin at nakahinga ako ng maluwag dahil pumayag na talaga si Ms. Quinn.

Mukhang magiging busy ako this week dahil may bago akong project na aasikasuhin ngayon.

May silbi pala pagpunta ko dito sa Davao.

"So let's seat? Para makakain na tayo." alok sa akin ni Kenji at tumango ako.

Nagsimula na kaming umupo...

at nagsimula na ang plano namin ni Ms. Megan.

***

"You're the only person na kayang tiisin ni Meg sa kakulitan mo." natatawang sabi niya sa akin.

Kanina pa tawa ng tawa si Kenji sa mga kwento ko tungkol kung paano kami nagkilala hanggang naging close kaming dalawa.

"Syempre, fan niya ako." pagmamayabang na sabi ko sa kanya.

Pansin kong hindi siya naniwala sa aking sinabi kaya nagtaka ako.

"Really? It seems you really like her." ngiti niyang sabi at sabay kumain ito ng steak.

Ha?

Natulala ako sa sinabi dahil hindi ko alam kung paano niya nasabi na gusto ko si Ms. Megan. Wala naman akong nabanggit na may nangyari sa amin.

As in, wala.

Natawa ako, "Hindi ko alam pinagsasabi mo po." deny kong sabi sa kanya sabay kumain ng steak.

"Wala namang mali magkagusto sa kapwa babae." seryosong sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

Wala naman talaga mali.

Nagkataon lang sa mismong taong komplikado pa ako nagkagusto.

Ngumiti na lang ako at tinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagkain ko, "Ha? Fan niya lang ako. Wala akong nararamdaman sa kanya." sabi ko sabay hiwa ng steak.

Kumirot na naman ang aking puso.

Sinungaling.

Natawa ako at tumingin kay Kenji na nabigla ito sa pagtawa ko, "Napaka-imposible naman na magkakagusto ako sa kanya, e mahal ko pa rin ex ko." pagsisinungaling na sabi ko sa kanya at tumingin sa kanya ng seryoso, "Babae ako ba't magkakagusto ako sa kanya?" pagtatakang tanong ko sa kanya.

Ayokong malaman kahit sino na may nararamdaman ako sa kanya.

Kaya ginagawa ko 'tong plano ni Ms. Megan bilang excuse para mawala na 'tong nararamdaman ko sa kanya.

Napansin kong nagkibit-balikat ito, "Ex? What happened?" curious niyang tanong sa akin.

"Iniwan niya ako ng walang paalam just like you did to Megan." seryosong sabi ko at nabulunan ito kaya kumuha siya ng tubig para uminom.

"I am really sorry to hear that." mahinang sabi sa akin ni Kenji at napansin kong pinunas niya ng tissue ang gilid ng labi niya.

Napahinto ako sa aking ginagawa at tinitigan siya.

Gusto ko lang malaman kung babalikan pa rin niya si Megan.

Pero bakit pakiramdam ko... natatakot akong malaman ang kanyang kasagutan sa itatanong ko.

Lalo na pakiramdam kong may tumututol sa nararamdaman ko.

"Babalikan ko pa rin ba siya?" nabigla ako sa kanyang sinabi.

Hindi ko inaasahang itatanong niya sa akin ang gusto kong itanong sa kanya.

Gusto ko malaman sa kanya kung ano yung side niya kung bakit niya iniwan si Megan.

Para maintindihan ko si Francis. Para matanggap ko rin ang desisyon niyang iwan ako kahit hindi na galing sa kanya ang sagot na hinihintay ko.

Alam kong nawala ang pagmamahal ko kay Francis pero napapaisip ako kung ano ba pagkakamali na ginawa ko sa kanya.

" 'Yan din ang lagi kong tinatanong sa sarili ko no'ng nasa London ako." sabi niya sa akin at ngumiti ito kahit pilit lang, "Kaso huli na ang lahat para balikan siya dahil sa katangahan na sinabi ko sa kanya." sabi niya habang pinapaikot niya ang tubig sa baso na hawak niya.

"Ngayon, napagtanto ko na hindi niya ako mahal kaya nandito ka." sabi sa akin sabay ngiti ito at uminom siya ng tubig.

"Kailangan ko na rin sumuko." sabi niya at ngumiti siya sa akin pero biglang nag-iba ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Tumulo ang kanyang luha. I know he did everything para kay Megan pero nasasaktan din ako sa kalagayan niya.

Nasayang lahat ng pagod niya para lang tanggapin siya ng pamilya ni Megan.

Pero sa huli, wala na siyang babalikan.

"Pwede bang humiling sayo, Scarlet?" nagtaka ako sa kanyang tanong at tumango naman ako dahil wala naman masama kundi pagbigyan siya kung ano man gusto niya ihiling sa akin.

"Sige. Ano ba 'yon?" tanong ko sa kanya.

"I just want you to make her happy without me."

Natutula ako sa kanyang sinabi.

Pero paano nararamdaman ko? Natatakot akong ipagpatuloy 'tong nararamdaman ko para sa kanya.

Delikado. Hindi pwede 'to mangyari.

Masisira plano namin ni Ms. Megan.

"Pe-"

"Scarlet, I am begging you right now." nakikita kong nagmamakaawa siya sa akin, nawakan ang aking kamay.

"Do you like her? Please be honest."

Pumikit ako ng mariin at minulat ang aking mata.

Yes.

Gusto kong sumagot na 'Oo'. Pero kapag sinagot ko ang katanungan niya, magiging delikado sa akin.

Para sa akin kapag sinabi ko ang totoo, pinaninindigan ko ang sagot mula galing sa akin.

Kaya ngayon, inaamin kong gusto ko siya. Gusto ko siya na dumating sa punto na gusto ko rin kalimutan 'tong nararamdaman ko sa kanya.

Umiling ako bilang kasinungalingan, "Hindi. Hindi ko siya gusto." ngumiti ako at pinakita kong hindi ako nagsinungaling sa kanya.

"Liar. You like her. Kitang-kita ko na nagsinungaling ka sa akin." ngumisi siya sa akin sabay iling ito.

Wala na akong pakialam kung nagsisinungaling ako sa kanya.

I will keep on denying to myself everyday na hindi ko siya mahal baka paggising ko ng umaga.... wala na akong nararamdaman sa kanya.

I am really sorry, Ms. Quinn. Kailangan ko lang ikatwiran ito sa kanya.

Gusto ko lang mawala 'tong nararamdaman ko kay Ms. Megan.

"Nagsasabi ako ng totoo, Kenji. Kaya nga nandito ako sa harap mo para tanggapin ang plano ni Megan sa'yo." sabi ko sa kanya at nakita kong kumunot-noo ito sa akin.

"Ano 'yon?" seryoso niyang tanong sa akin na mukhang curious sa akin.

"Na makipagdate sa'yo ngayon. Siguro naman patunay na wala akong nararamdaman sa kanya." seryoso kong sabi sa kanya at nagtitigan kami ng ilang segundo.

"Are you sure?"

"Yes." confidence kong sabi sa kanya.

***

Biglang tumigil ang sasakyan sa tapat ng entrance ng Hotel na tinutuluyan namin ni Ms. Megan.

Tumingin ako kay Kenji na nagbrake ito at napatingi rin siys sa akin.

"Salamat sa paghatid." ngumiti ako sa kanya at napakamot ito sa ulo.

"Wala 'yon." sabi niya at ngumiti ulitvako sa kanya.

Nagsimula na akong magbukas ng pinto para bumaba at may pumigil sa akin.

"Si Megan." tinuro niya kung nasaan si Megan at napatingin din ako.

Nakita ko ang isang babaeng naka-black jacket at naka-mask ito na black. Hindi rin siya mapakali sa pwesto niya dahil panay pabalik-balik ito.

"She's waiting for you. She looks worried." natatawang sabi sa akin ni Kenji.

"Worried? Wala ata sa bokabularyo ni Megan 'yon." natawa ako sa sinabi ni Kenji.

"Malay mo nagkaroon na ngayon." pang-aasar ni Kenji sa akin.

"Imposible, Kenji. By the way, salamat ulit." sabi ko sa kanya at pinigilan niya ulit ako sa pagbukas ng pinto.

"Ako na." sabi niya sabay kindat sa akin.

Weird niya.

Biglang lumabas si Kenji at nakita kong napansin niya si Kenji no'ng nasa harapan siya ng sasakyan na naglalakad para pagbuksan ako ng pinto.

Ngayon ay pinagbuksan ako ng pinto at inalok ako ni Kenji ng pag-alalay para makalabas sa sasakyan niya.

Ngumiti ako at nakababa na ako sa sasakyan at nagulat ako sa kanyang ginawa.

"After 5 seconds, hihilain ka ni Meg." bulong niya.

"5...4...3...2..."

Nagulat ako na papalapit sa aming pwesto si Ms. Megan. Hindi ko alam kung anong ekspresyon niya dahil nakatapik ang kanyang mask sa bibig niya.

"1."

Nakaramdam ako ng paghila galing kay Ms. Megan at nadala ako sa pagkaladkad niya sa akin.

"Mis-"

Lumingon ako kay Kenji na kumakaway sa akin at nabasa ko ang pagsabi niya mula sa labi niya.

'Goodluck!'

Goodluck nga sa'kin.

Like it ? Add to library!

Don't forget to leave some votes and comment in my story.

if you have time, follow my social accounts below:

wattpad: @itsleava

twitter: @itsleava

This story is also available in Wattpad!

itsleavacreators' thoughts
Bab berikutnya