webnovel

Chapter 29

MEGAN

"Megan?"

"What if..." napatigil ako sa aking pagtingin sa relo dahil lumingon ako agad kay Rea na mukhang may sasabihin pa ito.

"What if she's starting to like you pero..." pagpuputol niyang sabi.

Kumunot ang aking noo, " 'Pero' ano?" tanong ko sa kanya.

"Pero babae siya..." natawa ako sa kanyang sinabi.

Ha? Si Scarlet?

"Si Scarlet ba tinutukoy mo?" tanong ko at tumango agad siya, "I knew already na she likes me as a fan kaya wala naman problema do'n." sagot ko.

Nakita kong umiling siya, "Not as a fan." sabi niya sa akin.

Napakamot ito ng kanyang ulo.

"What I mean is... What if she's starting to like you in a romantic way..."

"Ano masasabi mo?"

Imposible. Imposible talaga.

Una sa lahat, bakit niya ako magugustuhan?

Alam naman niya siguro na hindi pa rin siya makamove-on sa ex niya at sigurado ako na lalaki ang hanap niya. Kaya naisip ko na sobrang imposible talaga.

At saka, wala akong mahanap na dahilan para magustuhan niya ako.

Kung tutuusin, lagi ako masungit sa kanya.

Pangalawa, kahit wala akong panahon magkarelasyon sa ngayon, lalaki rin ang hanap ko.

Hindi ko naisip na papatol ako sa babaeng na katulad niya.

Napaka-imposible.

Natawa na lang ako, "Are you kidding me? Siya? May gusto siya sa akin? Kalokohan." Napailing na lang ako dahil totoo naman.

Parehas kaming babae, bakit siya magkakagusto sa akin? Diba?

Isa 'yong kalokohan.

Dumeretso na lng ako sa driver seat at tumingin ako sa kanya na nakatayo pa rin siya doon. Nakamasid pa rin sa akin.

"Hindi ka ba sasakay?"

Umiling siya, "Hindi na. May pupuntahan pa ako." sabi niya sa akin habang kumakaway ito sa akin kahit seryoso ang kanyang mukha.

"Sige. Alis na ako. Ihahatid ko 'to."

Pumasok na ako sa loob ng driver seat at isasara ko na ang pinto.

"Teka!"

Ngunit may pumigil sa pagsara ko ng pinto at napakamot siya.

Napatingin ako na may binigay siyang magazine sa akin.

Nagulat ako sa aking nakita sa magazine na ngayon ay nilalahad niya sa akin. Nandoon ako. I was 18 years old hindi ako nagkakamali. Pinilit lang ako ni Mom para magmodel para sa magazine. Alam kasi ni Mom na lagi kong nirereject lahat ng offer sa akin kapag may nag-ooffer sa akin.

I just want to perform in stage. Iyon lang gusto ko pero wala naman akong choice when it comes to my Mom.

"Pwede po papirma?" nahihiyang tanong niya sa akin.

Ngumiti ako. "Yes. Sure." sabi ko at umatras na siya.

Pagkatapos ko magprima sa magazine na hawak niya, "Mauna na ako para maihatid sa condo si Scarlet." sabi ko at nagsimula ako magsara ng pinto.

Ngunit pinigilan na niya na naman, "Bakit?" kunot-noo kong tanong sa kanya.

"Ayaw niya po ipaalam sa ka-miyembro niya na naglasing siya ngayon." nahihiyang sagot niya.

"Sa bahay niya na lang." sabi ko pero umiling siya.

"Nasa probinsya pa mga magulang niya."

"May susi naman siya, diba?"

"Wala."

Sumakit bigla ang aking sentido.

E, ano? Sa bahay ko? Condo ko? Hindi pwede!

Alam niyo naman si Hexyl, pupunta 'yang lalaki sa condo ko kapag gusto niya. Walang makakapigil sa kanyang pumasok para guluhin ako.

At saka, nasabi ko naman sa inyo dati pa na ayokong malaman ni Hexyl na nagpupunta ako kahit sino dahil alam niya naman na hindi ko tipong nagpapatira ng hindi ko ka-close sa condo ko.

Pero saan ko 'to ihahatid?

Problemado pa ako kung saan siya patutulugin. Imbes na uuwi na ako sa condo para magpahinga, ginugulo na naman isipan ko dahil kay Scarlet.

Kailan kaya tatahimik mundo ko?

Lagi na lang ginugulo ni Scarlet mundo ko kapag nagkikita kami.

Nagbuntong hininga na lang ako dahil hindi ko alam gagawin ko kay Scarlet, "Ang lalim naman." puna ni Rea sa akin.

"Tss. I have to go." walang-gana kong sinabi at sinarado siya ng pinto.l ng sasakyan.

Nagsimula na ako nagmaneho.

Haist, Scarlet. Sa kalsada ka na lang matulog. Binibigyan mo pa ako ng problema.

***

"What?!" gulat ko sa sinabi ni Quinn habang kausap ko siya sa aking cellphone.

Pauwi sana ako kaso nag-u-turn na ako ngayon papuntang airport.

Yes, papuntang airport dahil hindi sinabi sa akin ni Quinn na kailangan kong pumunta sa Davao bukas.

Nandoon daw bagong investor ng EyeRed para magnegotiate kami bukas.

Kaso ang problema, si Scarlet.

Anong gagawin ko dito sa babaeng 'to?

Dumadagdag pa sa problema ko. Haist.

"Quinn.."

"Yes?"

"Maghanap ka ng hotel malapit sa airport."

"A-ano?"

"Bingi lang?" inis kong sabi.

"Nagbook na ako ng flight mo ngayon. Mamayang 12am."

Tss. Alam naman niyang pagod ako ngayon tapos may flight pa ako mamayang madaling araw.

"Do you want me to die right now?" inis kong tanong sa kanya.

"Ha? Hindi kita maintindihan..."

"Quinn, pagod ako ngayon. Ala-"

"Yes. Yes. Gets ko na, Ma'm Megan. I'll re-sched your flight. Okay na?"

Nagulat ako na may narinig akong nagsuka at naamoy ko agad ang masangsang amoy ng kanyang suka

Bigla akong napatingin sa rear view mirror ng sasakyan ko na patuloy nagsusuka si Scarlet sa loob ng sasakyan.

SCARLET!!

Sumasakit ulo ko sayo!!

"Sino kasama mo?" rinig ko sa kabilang linya.

Pinarada ko sa gilid ng kalsada, "Message me kung nakahanap ka na. Bilisan mo." inis kong sabi sabay end call.

Tumingin ako sa likod kung nasan si Scarlet ngunit nakayuko lang siya habang nakatakip ang kanyang buhok sa mukha niya.

"Scarlet, bakit ka nagsuka sa loob ng sasakyan ko?!" galit kong tanong sa kanya.

"Hindi ko mapigilan..." mahinang sagot niya at napakuyom ako ng kamay sa galit.

"Alam mo bang binibigyan mo ko ng sakit ng ulo ngayong araw na tinaon mo pa na pagod ako, Scarlet. Hindi mo ba alam 'yon?!" sigaw ko sa kanya dahil hindi ko na mapigilan ang galit ko.

"Una, hindi ko alam kung saan kita patutulugin kasi lasing ka at wala kang matutuluyan. Pangalawa, nagsuka ka sa loob ng sasakyan ko. Pangatlo, hinali-" bigla siyang tumingin sa akin at naghintay ito ng sasabihin ko ngunit pinutol ko na.

Walang preno pa bibig ko.

Gusto ko rin kalimutan na hinalikan niya ako kanina nung lasing siya. Pero sa galit ko, umandar na naman pagka-machine gun ng bibig ko.

"Ano ba gusto mo mangyari?!" inis kong sabi sa kanya at napalabas ako ng sasakyan.

Nakakabanas.

Imbes na katahimikan ang hinahangad ko, Bakit kasalungat pa?

Scarlet... Scarlet....

Ayoko na makita pagmumukha mo habang buhay.

Haist.

Kailangan ko magrelax. Inhale. Exhale. Nadadala na naman ako ng emosyon.

Ngayon, pinipigilan kong magpadala ng emosyon sa labas ng sasakyan habang nakasandal lang ako sa pinto ng sasakyan ko.

Hinayaan ko muna si Scarlet sa loob ng sasakyan dahil maiwasan ko na pagbuntungin siya ng galit ko.

Gusto ko lng mahimasmasan ng galit. Lalo na't pinagsabay pa ng galit at pagod ko baka maibuga ko pa sa kanya.

Ayoko rin na nagsasalita ako ng masasakit na salita. Ayokong maulit nangyari sa amin dati.

Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto at napalingon ako.

Kita ko sa aking mga mata na lumabas si Scarlet na nakayuko ito at tuluyang tumalikod ito.

Tss.

"Saan ka pupunta?" seryosong kong tanong sa kanya at napatigil ito ngunit nakatalikod lamang siya.

"Mauna na po kayo. Kaya ko na po." sabi niya at tuluyang naglakad ito papalayo.

Kitang-kita ko sa aking mga mata na nanghihina ito maglakad at gumegewang ito maglakad.

Bigla ako nagulat at napasugod sa kinaroronan niya dahil natumba ito.

Aalis nga pero hindi naman kaya. Hay nako, Scarlet.

"Napakakulit mo, Scarlet. Ilang beses ka ba inire ng nanay mo?" inis kong sabi sa kanya.

"Huwag mong pilit katawan mo. Masyadong delikado ngayon para umuwi ka. Doon ka lang. Magpahinga ka na."

Inalalay ko siya na umupo sa front seat dahil sobrang mabaho doon sa likod at binuksan ko na lang ang bintana para hindi magkulob ang amoy.

Sa ngayon, hinihintay ko pa rin ang tawag o text sa akin ni Quinn kung nakapagbook siya sa hotel na matutuluyan namin.

Tumingin ako kay Scarlet na nakapikot lang ito mukhamg gising pa ito kaya hinayaan ko muna siya aa fromt seat umupo at magpahangin muna.

Nakasandal ako sa sasakyan ko malapit sa kinaroroonan ni Scarlet.

"Bakit?"

Napatingin ako kay Scarlet dahil nagulat ako na bigla ito nagsalita.

Pumunta ako at sinilip siya habang nakasandal lang siya sa upuan at nakapikit.

"Nahimasmasan ka na ba?" tanong ko.

"Dapat hinayaan mo na ako." walang-ganang sabi niya sa akin.

Ano pinagsasabi nito?

"Magpahinga ka na lang dyan." seryoso kong sabi.

Kita kong minulat niya ang kanyang mata at nagtama ang tingin ng mga mata namin.

"Bakit?" tanong niya habang nakatingin sa kanyang mapungay na mata.

"Alam kong pagod ka na." sabi ko.

Alam kong pagod na puso't isipan niya. Kita ko sa mga kanyang mata na mugto ito kakaiyak habang lasing siya kanina.

"You need to stop drinking alcohol. Alam m-"

" 'Yan ka na naman. Ayokong ganyan ka." inis niyang sabi at napangiti ako.

"Bakit? Ayaw mo ba maging masungit ako sa'yo?" nagulat siya sa tanong ko.

"Hindi ko inasahan na i-tanong mo sa akin." ngumiti siya sa akin, "Malamang ayoko." mabilis niyang sagot at pumikit siya.

Pansin kong hindi siya nagsasabi ng 'po' sa akin. Nakakapagtaka kahit nahimasmasan na siya.

"You need to deal with it." seryosong sabi ko sa kanya.

"Nagulat ako sa biglaang tanong mo." sabi niya at minulat ang kanyang mata.

Bumangon ito at nilapit niya ang kanyang mukha para dumungaw at makita ko ang mukha niya.

Her eyes look so sad and painful.

Alam kong pakiramdam na masyadong nasasaktan dahil sa isang tao.

Hindi naman ako manhid para hindi ko siya maramdaman. Ramdam kong pagod na siya masaktan.

Alam kong nasasaktan siya ngayon kaya dinadaan niya na lang sa pag-inom.

Alcohol...hmmm.. may it seems comfort with our pain.

Yung tipong pagdaloy ng alak sa lalamunan, nalalasahan natin na napaka-pait

Pait ng sakit na nararamdaman natin.

Na nararamdaman mong may karamay ka sa bawat patuloy mong pag-inom ng alak.

You can cry while drinking alcohol pero wala siyang abilidad na ayusin ang lahat ng bagay.

Hindi alak ang solusyon sa sakit na nararamdaman natin.

"Just forget him. He is not worth your time." payo ko sa kanya at kita kong nabigla siya sa sinabi ko.

Alam ko ang nasa isip niya. 'Paano niya nalaman?' Ito ang hula kong iniisip niya habang nakatingin sa akin ng matagal.

"Paano?" curious niyang tanong sa akin.

Kahit narinig ko lang ang boses niya dati sa recording studio habang kausap si Hexyl, alam kong hindi kadali balewalain ang sakit na nararamdaman niya.

I know. Alam ko kung ano pinagdadaanan niya dahil narinig ko lahat kung anong dahil kung bakit siya lasing ngayon.

Alam ko kung anong pangalan ng lalaking 'yon.

"Francis, right?" tanong ko sa kanya.

Kita kong kumunot-noo siya at hindi pa rin siya makapaniwala na alam ko ang dahilan kung bakit siya lasing.

"P-paan-"

"Alam kong pagod ka na. Pwede ka naman sumuko sa nararamdaman mo. Pigilan mo ang sarili mo saktan para lang sa walang kwentang taong katulad niya." sabi ko sa kanya, "Maawa ka sa sarili mo." dagdag kong sabi.

Napansin kong bigla siyang ngumiti sa akin.

Bakit? Anong dahilan?

Bakit siya ngumiti habang nagbibigay ako ng payo sa kanya?

"You are worried about me." sabi niya.

"Gusto kong nag-aalala ka sa akin kaysa sinusungitan mo ako." ngumiti siya sa akin.

Ano ba pinagsasabi niya. Hindi ko siya maintindihan. I am just giving her a piece of advice pero... mukhang weirdo na naman siya ngayon.

Epekto ba 'to ng alak sa kanya?

Mangarap siyang nag-aalala ako sa kanya kahit hindi naman.

Hinawakan niya ang aking mukha at nagulat ako sa kanyang ginawa.

"What are yo—"

Pilit kong piniglas ang kamay niya sa mukha ko dahil napaka sobrang lapit nito. Ngunit hindi siya nagpatinag.

"Bakit..."

"Bakit ganyan ka sa akin?" tanong niya habang nilapit niya ang mukha ko sa kanya.

I can feel her breath at hindi nagtagal nakaramdam ako ng pag-init ng aking katawan lalo na't sa mukha ko.

Pakiramdam ko namumula ako.

Gising, Ms. Megan.

"Alam kong nag-aalala ka sa akin pero bakit nanatili ka pa rin na masungit sa akin?" tanong niya at nakita kong napatingin siya sa labi ko.

"Ginugulo mo isipan ko." mahinang sabi niya sa akin.

"Lalo na 'to." tinuro niya ang kanyang puso.

"Pinagsasabi mo? I am trying to give you some advice as CEO dahil sa pinagdadaanan mo." iritang sabi ko sa kanya.

"Please let me understand kung bakit ka ganyan sa akin." sabi niya sa akin.

"Ganito ako magtrato ng artist. 'Yon lang, Scarlet. You are not special para maging close tayo."

"What if I don't want you to treat me like that? Gusto ko maging special sa'yo para maging close tayo."

"What are you saying?! This is me, Scarlet. Hindi mo ko mababago."

Special? Special niya mukha niya.

"Hindi mo sure."

You are getting on my nerves, Scarlet. Napakakulit mo.

Sinamaan ko siya ng tingin habang siya ay patuloy na nakangiti sa akin.

Like it ? Add to library!

Don't forget to leave some votes and comment in my story.

if you have time, follow my social accounts below:

wattpad: @itsleava

twitter: @itsleava

This story is also available in Wattpad!

itsleavacreators' thoughts
Bab berikutnya