SCARLET
"Open that door, Meg!"
Nabigla ako sa pagsigaw ng kapatid ni Ms. Megan.
Kailangan ko na magtago ngayon.
Tarantang-taranta ako ngayon. Hindi ko alam kung saan ako pwede magtago. Hindi naman pwede sa ilalim ng kama dahil may chance na makikita agad ako ni Hexyl. Hindi naman pwede rin sa CR baka mahalata ni Hexyl na nakalock ang pinto which is baka mabuking nga si Ms. Megan na ako lang pinapapasok niya.
Dali-dali ako paikot-ikot sa kwarto ni Ms. Megan at napatigil ako sa harap ng isang cabinet ni Ms. Megan. Nakaisip agad ako ng ideya.
Tama! Dito! Dito ako pwede magtago.
Binuksan ko agad ang cabinet ni Ms. Megan. Siniksik ko ang aking sarili kahit puno ito ng mga damit. Kahit hindi ako komportable ngayon titiisin ko.
Hindi ko naman akalain na hindi siya nagpapasok kahit sino sa condo unit niya. Dapat nga pinigilan niya ako pumasok sa condo niya.
Kahit may atraso siya sa akin dahil nasira niya ang pinakamamahal kong earphones, pwede naman niya ako pinaghintay sa labas ng unit niya.
E, wala rin naman ako magagawa kundi magtago ngayon dito. Lalo na't kailangan kong sundin si Ms. Megan. Ramdam ko nga na sobrang init dito kaya umaasa ako ngayon na hindi magtatagal si Hexyl dito sa unit ni Ms. Megan.
Mayayari rin ako sa mga ka-miyembro ko kung magtatagal ako dito. Ayaw kong malaman nila na nawawala ako katulad noong hindi ako nagpakita mula sa kanila.
Ayoko sila mag-alala. Pero kailangan ko muna tiisin ito at makaalis dito sa unit ni Ms. Megan.
Bigla akong nakarinig na kalabog ng pinto. Mukhang andito na sila. Kailangan ko mag-ingat.
"Patay ka mamaya sa akin, Hexyl!" rinig ko sabi ni Ms. Megan na mukhang galit na galit ito. Narinig ko rin ang pagdabog nito.
"Akala mo talaga sa akin Hexyl may nilalandi akong lalaki? Asa ka!" .
"Oo na. It is my fault. Sorry."
"Bakit ka ba nandito?"
"Balita ko may nasaktan na artist sa EyeRed? Si Scarlet ba 'yon?"
Ha? P-paano? Paano nalaman ni Hexyl?
"Saan mo nasagap 'yang tsismis? Ha?"
"Balita kaya sa social media."
"She's fine. Tinulungan niya ako makatakas sa mall kanina."
"Ah. I see. Diba may bodyguard ka? Bakit hindi si Gio tumulong sa'yo? Bakit si Scarlet pa?"
Body guard? Wala ata siyang bodyguard sa pagkakaalam ko, e. Pero may kasama siy—
Wait. Wait.
Bodyguard ba kasama niya noong nasa grocery kami? Hala! Akala ko Personal Assistant niya.
"Bakit ang dami mong tanong?"
"Why are you here ba?"
"Oo nga pala. May nakalimutan akong sabihin sa'yo. I know you didn't know how to cook kaya magpapa-deliver sana ako ng pagkain dito ngayon. Pero mukhang kumakain ka na nga."
Nabigla ako sa pagkasabi ni Hexyl. Ngayon ko lang nalaman na hindi siya marunong magluto. Expected ko sa kanya dahil sa tingin ko marunong magluto si Megan kaya andoon siya sa mall para mag-grocery.
"Bukas na lang ako magpapadala dito."
"Then, you may go. Gusto ko na magpahinga."
Nakarinig ako pagyapak nilang dalawa na mukhang lumabas na si Hexyl at maghihintay ako ng ilang sandali para dumating si Ms. Megan dito.
Nakaisip ako ng ideya na hindi muna ako lalabas hangga't hindi niya ako nahahanap. Kunwari nakatulog ako mismo dito. Pagkatapos, gugulatin ko siya.
Ilang minuto nakalipas, wala pa rin ako rinig na yapak papunta dito.
Ang tagal naman ni Ms. Megan.
Ready na ako pagtripan si Ms. Megan. Atat na atat na ako.
Bigla akong nakarinig na pagbukas ng pinto at mabilisan nagpanggap akong natutulog kahit sobrang init dito sa loob ng cabinet.
"Scarlet?"
"Nasaan ka?"
Rinig ko ang pagtawag niya ulit sa akin ngunit nagpanggap ako na walang naririnig at nakapikit ako ngayon habang nagpapanggap akong tulog.
Mga yapak ni Ms. Megan ang naririnig ko. Pakiramdam ko paikot-ikot din siya sa kwarto niya kung saan ako posible nagtago.
Maraming minuto nakalipas, rinig ko ang yapak ni Ms. Megan na tumigil ito sa mismong cabinet na tinataguan ko ngayon.
Kailangan ko magacting na natutulog ako na hindi niya nahahalatang tulog ako.
Rinig ko ang pagkabukas ng pinto ng cabinet.
Magpanggap ka, Scarlet. Basta kailangan lang timing para manggulat.
"Pwede naman magtago sa cr ko. Bakit pa dito siya nagtago?"
Kung alam niyo lang, Ms. Megan. Napakadaling lugar para mahuli ako ni Hexyl. Mas matalino ang magtago.
Ramdam ko na tumutulo ang aking pawis buti na lang binuksan ni Ms. Megan ang pinto. Nakakahinga rin ako ng maluwag.
Nagulat ako sa aking naramdaman. Dinampi niya ang kanyang kamay sa aking mukha. Naramdaman ko na pinunas niya ang aking pawis ngunit hindi ko rin inasahan ang kanyang ginawa.
Inayos niya ang aking buhok.
Bigla na naman tumibok ng mabilis ang aking puso. Hindi ko maintindihan kung flattered lang ito pero nalilito ako sa kanyang pinapakita.
Si Ms. Megan ba 'to?
Nakarinig din ako ng mahina pagngisi niya sa akin.
Gusto ko man dumilat pero mukhang na-trap nga ako sa balak kong i-prank sa kanya. Akala ko magpapanggap lang akong tulog ngayon at gugulatin ko siya.
Pero bakit hindi ko magawa? Hindi ko magawa imulat ang aking mga mata.
Matatawag pa rin bang flattered 'to? Sa isang dahilan kung bakit mabilis ang pagtibok ng aking puso ngayon?
Hindi ko alam. Naguguluhan ako kung bakit 'to nararamdaman ko sa kanya.
Baka nga ganito lang magtrato si Ms. Megan sa akin bilang fan.
Hinala ko lang na baka may soft-side lang si Ms. Megan sa akin. Alam ko rin naman kung bakit nagsusungit ito sa akin dahil nga artists din ako ng EyeRed.
Ganito ba ang totoong pag-concern ni Ms. Megan?
Nakaramdam na naman ang pagtulog ng pawis ko. Jusko!
Ayaw na nga kumalma ng puso ko pati pagtulo pa ng pawis ko. Haist!
Nakaramdam na naman ako ng pagpunas ng pawis sa aking mukha.
Ngunit hindi ko na rin kinaya dahil napamulat ako dahan-dahan kunwari na kakagising ko lang.
Bumungad sa aking paningin si Ms. Megan na nakatingin sa akin at sandali lamang ito. Napa-atras siya at napansin kong umupo siya sa kama niya na nagpapanggap ito walang nangyari.
"Miss Megan..."
"S-Scarlet!" kita ko na halatang nagpanggap na nagulat ito sa akin.
"Bakit ka ba dyan nagtago?!" bigla siyang nagalit sa tanong niya sa akin, "Hindi mo ba alam na pwede ka dyan hindi makahinga. Lalo na't mainit dyan."
B-bakit siya nagagalit sa akin?
Mas okay nga dito ako nagtago dahil 100% sure na hindi ako makikita ni Hexyl. Hindi ko rin alam kung bakit siya nagkakaganito. Napaka-moody niya talaga ngayong araw. Hay nako, Ms. Megan.
"Pwede ka naman magtago sa CR, e!"
"Dito lang naisip kong lugar na hindi ako makikita ng kapatid niyo." malinaw na pagpapaliwanag ko sa kanya at kita ko itong tinaasan niya ako ng kilay.
Wala naman akong ginagawang masama sa kanya, e. Bakit ba siya nagagalit? Kanina naman, may papunas pa siya ng pawis sa akin at narinig ko ang kanyang pagngisi niya sa akin. Pagkatapos ngayon, bumalik na naman ang pagiging masungit ni Ms. Megan.
Buti na lang mahaba pa pasensya ko kay Ms. Megan. Buti na lang idolo ko siya kung hindi, baka kanina pa kami nag-aaway dito. At saka, hindi ko rin magagawang awayin siya dahil fan niya ako. Paano kaya kung hindi ko siya fan?
Ano kaya mangyayari sa amin?
"Tss. Punasan mo pawis mo kanina pa tumutulo!" inis na sabi niya sa akin at huminga ako ng malalim.
Ngumiti na lang ako sa kanya para kalmahin ang nararamdaman ko sa kanya. Lalo na't napaka-weird nangyari kanina sa amin.
Naalala ko ngayon na kailangan ko na rin bumalik sa condo namin tutal dito rin pala sa building nakatira kami ng Queen of Hearts.
"Kailangan ko na po bumalik sa condo. Hinahanap na po ako siguro." pagpapaalam ko sa kanya kahit nasa cabinet pa rin niya ako nakaupo.
"Umalis ka na dyan sa cabinet ko." iritang sabi niya sa akin.
"Ay! Sorry po." paumahin kong sabi sa kanya at tinaasan niya lang ako ng kilay.
Umalis na rin ako sa cabinet at tuluyang lumabas sa kanyang kwarto.
"Tss. Nagulo pa mga damit ko dahil sa'yo." narinig kong sabi niya habang patuloy ako lumabas ng kanyang kwarto.
Binalewala ko na lang ang kanyang sinabi at hindi ko na lang iisipin kung bakit sobrang badtrip niya sa akin. Baka nga malapit na PMS niya kaya ganito siya umakto sa akin.
"Teka lang!" napahinto ako sa paglalakad noong sinabi niya ito.
Lumingon ako sa kanya. Nagtaka at napansin ko na may hinalungkat siya sa kanyang side table ng kama niya, "Oh! Sayo na 'to." nakita kong may hawak siyang earphones at lumapit siya sa akin na sobrang seryoso.
"I am really sorry kung nasira ko yung earphones mo." sabi niya sa akin at binigyan ko siya ng ngiti which is okay lang naman sa akin kahit mahal na mahal ko 'yon.
Ngunit nakita ko itong pinakamahal na earphones na binibigay sa akin ngayon. Napakamahal na EarPods ito.
"Nako po! Ang mamahalin nito! Huwag na po." pagtatanggi ko sabi ko sa kanya at kumunot ang kanyang noo.
Mukhang nainis na naman si Ms. Megan sa akin. E, ang mahal kaya ng binibigay niya. Akala ko earphones lang na ordinaryo expected ko na ibibigay niya sa akin pero hindi, e. Iba ang expectation ko sa reyalidad.
"Tatanggapin mo o tatanggapin mo?" inis na tanong sa akin ni Ms. Megan.
Ayokong tanggapin ito. Bibili na lang ako ng aking earphones. Baka kasi ginagamit din ni Ms. Megan 'yong EarPods.
"Ang mahal po kasi." reklamo kong sabi sa kanya at nagulat ako bigla niya kinuha ang aking kamay.
Naramdaman ko na nilagay niya ang EarPods sa kamay ko. Juicecolored! Wala rin naman ako magagawa dahil pinilit niyang ibigay sa akin. Okay lang naman sa akin mumurahin lang basta maayos talaga.
"Pwede ka na umuwi." rinig kong sabi ni Ms. Megan.
Napansin kong nilahad niya ang kamay para umalis na ako ngayon sa condo unit niya.
Sa totoo lang, medyo nalungkot ako. Maraming nangyari ngayon na hindi ko inaasahan. Ang araw na ito ay napaka-memorable sa akin dahil nakasama ko si Ms. Megan. Ginawa ko ang aking responsibilidad na protektahan siya. Nakilala ko pa nang lubusan si Ms. Megan.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang pangyayari na nasa cabinet ako. It was my first time I have encountered that moment in my life. Naiisip kong tinitigan niya ako ng matagal at pinunasan niya ang aking pawis. Siguro nga, flattered lang ako sa ginawa niya. Pero ang hindi ko maintindihan, bakit ko narinig ang pagngisi niya sa akin. Alam ko hindi tanga si Ms. Megan para ngumisi ng walang dahilan. Kaya alam ko may dahilan siya. At ngayon, hindi ko alam kung anong dahilan 'yon.
Hindi ako nagkakamali kung pinagtritripan niya ako? E, dapat magiging reaksyon niya noong minulat ang aking mata ay tinatawanan niya na ako pero hindi 'yon nangyari.
Ewan ko. Naguguluhan ako. Mas mabuti ngang umalis na ako sa condo unit ni Ms. Megan. Baka mabaliw pa ako, kung patuloy ko pa rin iniisip ang pangyayari kanina.
"Sige po." sabi ko at tumango ako, "Ingat po kayo." bilin ko sa kanya at napansin kong inirapan niya ako habang lumabas na ako ng pinto.
Sinaraduhan na ako ng pinto at huminga ng malalim. Tuluyang pumunta na sa elevator para pumunta sa condo namin ng Queen of Hearts.
***
THIRD PERSON POV
Pagkabukas ng pinto ng condo ni Megan ay nakita nitong lalaki na may lumabas sa unit ni Megan. Nakasilip siya sa bintana ng fire exit habang handa na silang kuhanan ng litrato nina Megan at Scarlet.
Tanaw na tanaw niya ang pagka-alis ni Scarlet ngayon.
Bigla niyang tinutok ang pagpokus ng camera kina Megan at Scarlet. Kinuhanan niya ito ng litrato. Binuksan niya konti ang pinto ng Fire Exit dahil hindi maganda ang view sa kinaroroonan ni Scarlet at Megan. Napangiti ito habang sunud-sunod ito ang pagkuha niya.
Ngiti na may masamang balak sa kanilang dalawa.
Habang sinusundan niya ang pagkuha sa kilos ni Scarlet. Nawala na ito sa kanyang paningin dahil sumakay na si Scarlet ng elevator. Pagkatapos, sinarado niya dahan-dahan ang pinto ng Fire Exit.
Sumandal siya pader sa loob ng Fire Exit at kinuha ang kanyang cellphone. Mukhang nagtagumpay siya sa kanyang plano at halatang may tatawagan siya.
Biglang sumagot ang kanyang tinatawagan at napangiti ito ng masama.
"Boss, tapos na. Makakaganti ka na."
"Hindi pa sa ngayon."
Like it ? Add to library!
Don't forget to leave some votes and comment in my story.
if you have time, follow my social accounts below:
wattpad: @itsleava
twitter: @itsleava
This story is also available in Wattpad!