webnovel

Chapter 15

MEGAN

"Nagugutom na ko, Scarlet."

Andito kami sa living room ni Scarlet habang nakaupo kami sa sofa. Para siyang bata kanina na tuwang-tuwa siya papasok ng condo ko.

Naalala ko nga pala na may atraso pa ako sa kanya dahil nasira ko ang kanyang earphones. So, andito ulit siya para manggulo sa akin.

Also, I want to repay her kindness at pinagtanggol niya sa akin kanina sa mall. Heto na rin ang pinakahuli na gagawin ko para sa kanya.

Napansin kong tumingin siya sa akin at tinaasan ko siya kilay. Pagkatapos, inirapan ko siya at sumandal ako sa sofa.

Trip ko lang magtaray.

"Nagugutom na ko, Scarlet." daing ko sa kanya habang hinihimas ko ang aking tiyan.

"Heto na po." sabi niya.

"Ano order niyo po?"

"Kung ano sayo. Gano'n na rin sa akin."

"H-ha?"

Napatingin ako sa kanya at sinamaan ko siya ng tingin. Napailing na lang ako at hinawakan ko ang aking sentido dahil bingi na naman si Scarlet.

Buti na lang kaya ko pang tiisin pagiging bingi niya. Kapag hindi ko na matiis, papacheck-up ko na talaga siya sa doctor.

"Bingi lang, Scarlet?"

"Mag-oorder ako ng sa'kin?" nagtatakang tanong sa akin at biglang kumunot ang aking noo sa kanyang tanong.

Hayss.

"Hindi! Para sa akin lang." pilosopo kong sabi sa kanya.

"Okay po."

Sumang-ayon pa nga. Kita ko siya nagbukas ng cellphone at bigla akong lumapit sa kanya.

Pinigilan ko siya sa kanyang ginagawa.

"Napakabingi mo. Kakasabi ko lang pati ikaw bumili ng pagkain, e." inis na sabi sa kanya.

"Nalilito po ako sa inyo, Ms. Megan." daing niya.

"Makinig ka kasi sa akin." iritang sabi ko sa kanya at binitawan ko ang kanyang kamay.

Bumalik ako sa pinanggalingan kong pwesto.

"Ang sabi ko mag-order ka ng sayo. Gano'n na rin sa akin." malinaw na pagkasabi ko sa kanya.

Naintindihan naman niya na siguro ang pagkasabi ko sa kanya? Inulit ko at napakalinaw na talaga pagkabi ko sa kanya.

Napansin ko itong tumango si Scarlet at nagsimula na siya mag-asikaso ng aming order. Narinig kong nag-order siya ng 1 pc. chicken with rice at may coke ito habang tumitingin ako sa aking agenda ko tomorrow.

Pagkatapos niya mag-order, sinabi sa akin ni Scarlet na 9 minutes darating ang order namin. Ramdam kong gutom na gutom na ako.

Ngayon, tinuon ang aking atensyon sa aking binabasa ngayon. Nakatanggap ako ng e-mail na mula kay Quinn. Ang nakalagay doon ay kailangan kong i-review ang marketing department na nireport sa akin tungkol sa advertisement para sa Black Blossom. Kailangan ko rin asikasuhin at kausapin ang mga Queen of Heart debut team kung ano plano nila para sa upcoming debut nila. Lastly, kailangan ko rin umattend sa practice para sa performance ko sa concert ni BLACK.

"Magpatugtog po kayo. Ang tahimik, e."

Napalingon ako sa kanyang sinabi at tiningnan ko siya ng masama.

"Inuutusan mo ako?"

"Parang gano'n na nga." natatawang sabi niya sa akin.

"Ayoko. Gusto ko ng katahimikan." inis na sabi ko sa kanya.

"Magkasalungat po tayo. Gusto ko ng kaingayan."

"Ang kulit mo."

"Masanay ka na po." asar niyang sabi sa akin.

"May itatanong po ako."

"Walang magtatanong! Manahimik ka dyan." iritang sabi ko sa kanya.

Napakadaldal!

Akala niya madadaan niya ako sa kanya pagiging makulit niya para masagot ko mga tanong niya sa akin.

"Wala akong panahon para dyan. Tigilan mo ko, Scarlet." pagbabantang sabi ko sa kanya.

Kitang-kita kong napasimangot ito sa akin pagkatapos kong pagbawalan siya.

"Alam ko naman po na nirerespeto ko po privacy niyo. At saka gusto ko po kayo makilala pa." nagulat ako sa kanyang pagdadahilan sa akin.

Para saan? Bakit? Anong dahilan? Sino ba siya para makilala pa niya ako nang lubusan? Hindi porket pinapakita ko sa kanya ang aking kabaitan ay aabusuhin niya.

May hangganan 'to. May utang na loob lang ako sa kanya kanina kaya ganito ako kabait sa kanya.

Napailing na lang ako sa kanya at ngumiwi ako.

"Just remember, Scarlet. We are not close enough." sabi ko at ngumisi ako ngunit saglit lang.

Napansin kong lumapit siya sa akin dahan-dahan at nanlaki ang aking mata patuloy pa rin sa paglapit niya sa akin.

Nagulat ako na hinawakan niya ang aking baba at tumigil sandali ang aking paghinga.

Natulala ako dahil biglang nilapit ang mukha ni Scarlet sa aking mukha.

"Ngayon, close na po tayo?" ngumiti siya sa akin.

Biglang bumilis ang aking pagtibok ng puso ko.

A-ano 'tong nararamdaman ko?

Umiwas agad ako ng tingin at tinulak ko si Scarlet. Tuluyang umatras ako sa pwesto namin kanina.

"Paiba-iba po mood niyo. Maya't maya paiba-iba pakikitungo niyo sa akin." sabi niya at sumimangot ito, "Kanina po ang bait niyo sa akin. Pero ngayon sobrang sungit mo po ako." reklamo niya sa akin.

"Saan po ako mag-aadjust?"

"Bakit mo sa akin tinatanong? Problema mo na 'yan." walang-gana kong sabi sa kanya.

"May gusto sana po akong itanong sa inyo."

"Lubayan mo ko sa mga tanong mo, Scarlet." tiningnan ko siya ng masama pagkatapos niya sabihin sa akin.

"Promise. Ako lang po nakakaalam. Wala po akong pagsasabihan."

Napansin kong inalok niya ako ng pinky swear pero tiningnan ko lang ito. Pagkatapos, inirapan ko siya.

"Tigilan mo ko. Hindi mo ako madadaan sa ganyan." iritang sabi ko sa kanya.

"Paano kung... sabihin ko po sa mga ka-"

Tss. Binantaan pa ako ng Secret.

"May gana ka pa para bantaan ako?" hamon kong tanong sa kanya.

"Hindi ko po sure." mapangasar niyang tugon sa akin. Natawa pa siya pagkatapos niya sabihin ito sa akin.

Hindi porket pinagbabawalan ko siya sabihin sa mga ka-miyembro niya ay kaya niya na ako bantaan?

Tss. Mutak na Scarlet. Napakagaling!

"Tiningnan ko siya, "Ano ba 'yon?" inis kong tanong sa kanya.

"Maraming curious lalo na sa mga fans niyo po kung nagkaroon na po ba kayo ng boyfriend?" nahihiyang tanong niya sa akin.

Ngayon, hiyang-hiya siya magtanong. Kanina sobrang kapal ng mukha para hamunin niya ako para magtanong.

"Klaruhin mong ikaw lang na fan na sobrang curious sa lovelife ko." asar kong sabi ko sa kanya at bigla namula ang kanyang mukha.

Napailing na lang ako dahil dinamay pa niya mga fans ko sa dahilan niya kanina.

Ngumisi ako sa kanya at nabigla siya sa rekasyon ko "Patunay na talagang tsismosa ka." sabi ko sa kanya.

"C-curious kami lahat ng mga fans niyo po, Ms. Megan. Hindi lang ako."

Sus! Dinamay pa mga fans ko. Hay nako!

"Nandadamay ka pa ng ibang tao. Aminin mo na lang na gusto mo talaga malaman."

"Opo. Dali na. Sagutin niyo na po." pamimilit niyang sabi sa akin.

Tiningnan ko siya ng masama. Wala rin naman akong choice kundi sabihin sa kanya dahil sobrang kulit niya sa akin. Pakiramdam ko naman na kaya kong ibigay ang aking tiwala sa kanya.

Kapag talaga nalaman ko sa iba tungkol dito, hindi ko siya mapapatawad.

"Alalahanin niyo, sasabihin ko-" binantaan pa ako ni Scarlet.

Pangalawang beses na 'to. Masyadong atat na atat sa para sagutin ang kanyang tanong.

"Oo. Nagkaroon na ako ng boyfriend." matipid kong sabi sa kanya, "Wala ng follow-up question. Nasagot ko na tanong mo." sabi ko sa kanya.

"Recent po ba or dati pa?"

Kita mo? May kasunod pang tanong? Naiinis na talaga ako.

"Ang sabi ko kanina diba? Wala nang susunod na tanong?" iritang tanong ko sa kanya at napakamot ito ng ulo.

"Curious po ako." tumawa ito na pabebe pagkatapos niya sabihin ito.

"Nakakadalawa ka na. Tama na!" inis kong sabi sa kanya.

Namumuro na siya. Abusado na talaga. Nanggigil na talaga ako sa kanya.

"May itatanong pa ako!" atat na sabi niya.

Hindi talaga maawat 'tong si Scarlet. Tss. Lalo lang ako naiinis sa kakulitan niya. Dati two times lang kakulitan niya, ngayon sampu na, e.

Hindi ko na kinaya kakulitan niya.

"Magtigil ka!" iritang sabi ko sa kanya at binigyan ko siya ng matilim na tingin.

Makuha ka sa tingin, Scarlet. Please lang!

Kitang-kita ko na may balak itong lumapit sa akin at hindi ko agad siya napigilan. Hinawakan niya ang aking braso at sabay nagsimulang iyugyog ako para pumayag ako request niya.

"Bitawan mo ko!" reklamo ko sa kanya at sinamaan ko siya ng tingin.

Napakakulit!

Nakarinig akong doorbell at agad-agad akong tumakbo sa video door system kung sino man nasa labas ng condo ko. Nakita ko sa aking paningin ang delivery man ng Mcdo na naghihintay.

Kinuha ko ang pagkain pagkatapos niyang ibigay sa akin at binigay ko sa kanya ang one thousand pesos sa delivery man. Sinabi ko na rin na keep the change. So, bahala na siya madecide kung ibibigay niya yung sobra sa Mcdo o hindi.

Nilagay ko na rin ito sa pinaka-center table ang pagkain. Napansin kong tuwang-tuwa si Scarlet at umupo na ito sa lapag habang inaasikaso kong ilabas ang mga pagkain namin.

Halatang gutom na gutom na si Scarlet at atat na itong kumain pero sinabi ko magdadasal muna kami bago kumain. Tumango siya at hinintay niya ako mag-asikaso.

Pagkatapos namin magdasal ay nag-umpisa na kami kumain.

"May naalala po ako." rinig kong sabi niya ngunit hindi ako interasado makinig sa kwento niya.

"Sino po ang lalaking naghatid sa inyo sa EyeRed dati? Ang hula ko ay boyfriend niyo po 'yon?"

Akala ko magkukwento lang siya ngunit magtatanong pala kung sino naghatid sa akin dati. Napailing na lang ako at binalewala ko ang kanyang tanong. Pinagpatuloy kong kumain.

Ngayon ko lang ulit narinig ang pangalan ni Diego. Naalala ko na naman kung paano ko siya prinangka. Kahit anong gawin niya, hinding-hindi niya makukuha ang aking loob. Hindi ko rin naman kasalanan na mapamahal siya sa akin lalo na't simula pa noong bata pa kami nagkakilala.

Hinihiling ko lang na makahanap siya ng taong magmamahal sa kanya ng pabalik. Hindi ako deserve sa buhay niya. Hindi ako magiging karapat-dapat sa kanya.

"Saan mo na naman nasagap 'yang chismis na 'yan?" walang-gana kong tanong sa kanya.

"Nando'n kaya ako. Kinulit pa nga kita." rinig kong tugon niya sa akin.

Napatingin ako sa kanya. "Alam mo, Scarlet. Walang araw na hindi mo ko kinukulit. At saka, hindi ko na matandaan 'yon. Matagal na 'nangyari 'yon." sabi ko sa kanya at nakita kong humihimay siya ng chicken niya.

"Alam ko matatandaan mo 'yon. Kita ko pa ngang ngumiti ka sa kanya. May something talaga." sabi niya sabay tingin sa akin.

Mukhang naghihintay siya ng sagot sa akin. Bakit niya ba tinatanong niya ako ng mga ganitong bagay? Abusado na talaga siya.

"We're friends that time." walang-gana kong sagot ko sa kanya at bumalik ako sa pagfocus sa pagkain ko sa kanya.

"Wait? 'that time' ? E, ano ngayon? Secret boyfriend niyo po siya?" sabi niya at napatigil ako sa pagkain ko.

Tumingin ako ng seryoso sa kanya. Napatingin din siya sa akin at ngumiti ito.

Binigyan ko siya ng matalim na tingin, "Napakatsismosa mo, Scarlet." sabi ko.

"Hindi po ba halata?" natatawang tanong niya.

"Wala akong panahon para magkarelasyon. Sagabal lang sa trabaho."

"Hindi ako naniniwala. If you really in love, gaganahan ka sa lahat ng bagay."

"Depende kung paano mo i-handle nararamdaman mo sa kanya."

"So, binusted mo po?" nagtatakang tanong niya sa akin.

"Yes. I just want to be friends with him."walang-gana kong sagot sa kanya.

"Ayos lang naman sa amin ng mga fans niyo po na magkaroon ka ng relasyon. Nasa tamang edad na po kayo." sabi niya at nakita kong ngumiti ito.

"I am not interested with boys. I need to work hard for being CEO."

"Kaya siguro masungit ka po? Napaka-workaholic mo po."

"I just want him to be happy. Mas masaya ako kapag masaya sila." mahinang sabi ko at nagpatuloy na ako kumain.

Masungit? Siguro ginagawa ko lang responsibilidad ko as CEO pero hindi ko talaga ugaling maging masungit sa tao. Wala rin naman ako magagawa ngayon kundi akuin lahat dahil ako lang naman maasahin ni Mom. Lalo na't.....

Gusto ko lang maging masaya kapatid ko kahit alam kong hindi ako masaya dito sa desisyon ko. He deserve to be happy.

Pero deserve ko ba?

"Ano po ibig niyong sabihin?"

Buti na lang may nagdoorbell pero nakakapagtaka dahil wala naman ako magtatangkang pumunta dito. Kaya agad akong tumayo at nakita ko sa video door system ang pagmumukha ni Hexyl na nakazoom-in ang kanyang mukha.

Napaka-epal naman ni Hexyl. Magpupunta na lang dito sa condo, hindi pa nagpaalam sa akin. Kahit man text wala akong natanggap lalo na't tawag. Napapikit ako ng mariin dahil sa inis sa kanya.

Sa kadahilanan na andito pa si Scarlet sa condo ko, alam kong alam ni Hexyl na hindi ako nagpapasok ng kahit sino dito kundi pamilya ko lang. Lalo na't kapag nalaman niya na andito si Scarlet, hindi niya ako lulubayan sa mga tanong niya.

Sino ba nga si Scarlet para patuluyin ko siya sa condo ko?

Alam kong hindi ako nagpapasok ng kahit sino pero hindi ko alam ang dahilan. Alam kong sapat na rason na patuluyin ko siya sa condo para gamutin ko ang sugat niya. Pero hindi ko naisip na hindi na excuse na manatili siya ng matagal sa condo ko. Alam kong may atraso ako pero hindi ko naisip na pwede ko naman ibigay na lang sa kanya ang aking earphones para tuluyan na siyang umalis.

Pakiramdam ko kasi na labag sa aking kalooban na hayaan lang siya magtampo sa akin. I just want to see her happy. Ayoko na mangyari ang tampuhan naming dalawa. Hindi ako sanay na may nagagalit sa akin lalo na't fan ko siya.

I just want her to make feel better bago siya tuluyang umalis sa condo ko.

Nagising ang aking diwa sa pangatlong doorbell ni Hexyl. Kaya agad kong hinili si Scarlet papaloob sa kwarto ko.

Umaasa akong hindi papasok si Hexyl sa kwarto ko kaya pwede siya itago muna.

Ayokong malaman ni Hexyl na nagpapasok siya dito. Magiging sobrang big deal ito sa kanya kapag nalaman niya.

Pagkarating namin sa kwarto ko, hinawakan ko siya sa magkabilang braso na nagtataka at mukhang hindi niya maintindihan kung bakit ako ganito.

"Bakit po? Ano pong nangyari? Sino po 'yon?" sunud-sunod niyang tanong sa akin.

"Si Hexyl. You need to hide." natataranta kong sabi sa kanya.

"Pwede naman po na sabihin po sa kanya." natatawang suhestiyon niya sa akin.

Ngunit umiling ako sa kanya, "Para saan? Alam niyang hindi ako nagpapasok ng kahit sino dito. Lalo na't artists at fan kita." pagdadahilan ko sa kanya.

"Kilala naman po ako ni Kuya Hexyl, e." katwiran niya sa akin ngunit umiling ako sa kanya.

"Makinig ka sa akin, Scarlet. Hindi. ka. pwede. makita. ni. Hexyl." mariin kong sabi sa kanya, "Pakinggan mo lang pag-uusap namin. Baka pumasok sa kwarto si Hexyl. Kapag may balak itong pumasok, magtago ka kahit saan. Basta hindi ka mahahalata." ma-awtoridad kong sabi ko sa kanya.

Mukhang gusto pa mangatwiran ni Scarlet pero binalewala ko lang siya dahil wala ng panahon para pakinggan ang mga dahilan niya.

"Dyan ka lang!" utos ko sa kanya at napabuntong-hininga na lang siya.

Mukhang napasuko siya at tumango na lang ito.

Tuluyang umalis ako sa kwarto.Pagkarating ko sa tapat ng pintuan ay bumungad si Hexyl.

Hey! Kapati-"

Yayakapin niya sana ako ngunit napansin kong kumunot ang kanyang ulo na napatingin ito sa sapatos na dalawmg pares sa gilid.

Oo nga pala! Hindi ko naligpit agad ang sapatos ni Scarlet. Dapat tinago ko man lang sa kwarto.

Napaka-careless mo, Megan!

Right now, I need to act normal at mag-isip ng sasabihin kong dahilan kung bakit mayroong dalawang pares na sapatos sa gilid.

Nakatuon ang atensyon ni Hexyl sa sapatos na nasa gilid, "Kaninong sapatos 'to?" nagtatakang tanong niya sa akin.

Ramdam ko ngayon ang pagdududa niya sa akin. Lalo akong kinabahan kay Hexyl. Ayokong mahuli niya ako.

"That's mine, Hexyl. Bakit ka ba andito?" pagpapanggap kong tanong na may halong irita sa kanya.

Napansin kong may tinuro si Hexyl kaya napatingin ako sa aming pagkain ni Scarlet. Klinaro ko ang aking boses at inirapan ko si Hexyl.

"Umorder ako ng dalawang pagkain. Gutom na gutom na ako." pagsisinungaling kong sabi sa kanya.

"Are you sure?" kita kong 100% siya nagdududa sa akin pero hindi pa rin ako sumusukong magpalusot sa kanya.

"Baka gusto mo batukan kita, Hexyl? Para maniwala ka sa akin." iritang sabi ko sa kanya.

"Sino nandito ngayon?" pamimilit niya sa akin ngunit hindi pa rin ako magpapatalo sa pagdududa niya.

Hindi niya ako mapapaamin basta huwag lang niya mahuli si Scarlet sa kwarto.

I am doing my best right now para magpalusot kay Hexyl. Sana gano'n din si Scarlet.

"Wala nga. Isa pang tanong, Hexyl. Papalayasin na kita dito." iritang sabi ko sa kanya ngunit hindi pa rin mapakali si Hexyl.

Napansin kong pumunta siya sa guest room ko which is wala naman si Scarlet doon.

"Ano ba ginagawa mo? Wala nga ako bisita!" tunay na inis na inis ako sa kanya dahil nagsisimula na siya magbukas ng pinto at pakialaman ang mga kwarto sa condo ko.

"Napaka-ingay, Meg!" daing niya sa akin.

Pagkatapos niya buksan ang pinto ng guest room, napansin niya na walang tao doon. Sinara niya ito agad. Mukhang gustong pumunta ni Hexyl sa kabilang kwarto ko na nandoon si Scarlet.

Kinabahan ako bigla kaya mabilis kong hinarangan si Hexyl.

"I told you many times, Hex! Huwag na huwag kang papasok sa kwarto ko." nakaramdam ako ng galit sa kanya.

"Consider na nasa bahay ka pero nasa condo ka diba? May karapatan ako pumasok. Baka kung sinu-sino pinapasok mo dito. Baka may lalaki ka na pinapatulog dito." pagdududa niya sa akin.

"You wish, Hexyl. I told you na trabaho inaatupag ko. Pasalamat ka inako ko responsibilidad mo para maging CEO." galit na sabi ko sa kanya binigyan ko siya ng masamang tingin.

Sana man lang makuha siya sa tingin. Ginagalit niya ako.

"W-what? Anong gusto mong iparating sa akin, Meg?" nagtatakong tanong niya sa akin.

"You pissed me off already, Hexyl. Don't. try. to. enter. my. room!" sigaw ko sa kanya ngunit hinawi niya ang aking kamay pero hinarangan ko siya ulit.

"Andito ba tinatago mong lalaki?" tanong ni Hexyl sa akin.

"What the f***! Ganyan mo ba ako tingnan, Hexyl? Ha? Na malanding tao na nagpapasok ako basta-basta ng lalaki?"

"E, bakit mo binusted si Diego?"

"Tss. It is none of your business! Bakit kailangan mo pang ipasok sa usapan si Diego?" pagtatakang tanong ko sa kanya.

Ayokong makarinig si Scarlet tungkol sa amin ni Diego. Kahit fan ko siya, hindi ko pa rin siya pinagkakatiwalaan sa mga ganitong bagay.

"Open that door, Meg!" mariing utos ni Hexyl sa akin ngunit hindi ako nagpatinag sa kanya.

Ngunit tinulak ako ni Hexyl kaya wala akong choice kundi hayaan ito at buksan ni Hexyl ang pinto ng kwarto.

Sana man lang magtago siya na hindi ito makikita ni Hexyl.

"Patay ka mamaya sa akin, Hexyl!" galit na sabi ko at nagdabog ako sa kanya habang nakararing siya sa loob ng kwarto.

Sinundan ko si Hexyl sa loob ng kwarto. Pagkarating ko, napansin kong wala si Scarlet. Kinakabahan ako kung saan siya nagtago. Umaasa akong huwag siyang gumawa ng ingay para hindi mahalata ni Hexyl na siya pinapapasok ko sa condo.

Ngayon, mukhang wala naman siyang nakuhang ebidensya na may lalaki akong dinala dito.

Kaya binatukan ko si Hexyl, "Akala mo talaga sa akin Hexyl may nilalandi akong lalaki? Asa ka!" iritang sabi ko sa kanya.

"Oo na. It is my fault. Sorry." mahinahon pagkasabi niya at umupo siya sa bed ko.

"Bakit ka ba nandito?" napakamewang kong tanong ko sa kanya.

"Balita ko may nasaktan na artist sa EyeRed? Si Scarlet ba 'yon?"

"Saan mo nasagap 'yang tsismis? Ha?"

"Balita kaya sa social media."

"She's fine. Tinulungan niya ako makatakas sa mall kanina."

"Ah. I see. Diba may bodyguard ka? Bakit hindi si Gio tumulong sa'yo? Bakit si Scarlet pa?"

"Bakit ang dami mong tanong?" iritang tanong ko sa kanya, "Why are you here ba?" tanong ko ulit sa kanya.

"Oo nga pala. May nakalimutan akong sabihin sa'yo. I know you didn't know how to cook kaya magpapa-deliver sana ako ng pagkain dito ngayon. Pero mukhang kumakain ka na nga." concern niyang sabi sa akin, "Bukas na lang ako magpapadala dito."

"Then, you may go. Gusto ko na magpahinga." walang-gana kong utos sa kanya habang hinihila ko siya lumabas sa kwarto ko.

Ngunit nagpapabebe pa 'tong si Hexyl dahil nagpapabigat pa siya sa pagkaupo niya.Tss. Hinihila ko na nga siya ngunit halatang binibigatan niya ang sarili ni Hexyl.

Alam kong wala siyang choice kundi lumayas siya dahil wala naman siya nakitang ebidensya na may lalaki ako sa kwarto. Gusto pa sana mag-antay ni Hexyl pero binatukan ko ito para umalis na siya.

Sagabal talaga kahit kailan sa pagkain ko. Pagkatapos, tuluyan ko na pinalayas si Hexyl at tiningnan ko na rin sa video door system na umalis na rin ito.

Pumunta agad ako sa aking kwarto at hinanap ko si Scarlet kung saan ko siya tinago.

"Scarlet?"

"Nasaan ka?" tawag ko ulit ngunit wala akong narinig.

Hinanap nang hinanap ko si Scarlet sa lahat ng sulok ko ng kwarto ko. Pati na rin sa CR walang Scarlet na bumungad sa aking paningin. Expected ko nga doon siya nagtago pero walang Scarlet akong nakita.

Ilang minuto lang nakaisip agad ako ng ideya na posibleng magtago siya. Inaasahan ko sa cabinet lang ang pinaka-posible na matataguan niya dahil nahanap ko na talaga sa mga sulok ng kwarto ngunit hindi ko siya makita. Kaya naisipan ko na nasa cabinet ko lang siya kaya agad ko ito binuksan ang aking dalawang cabinet ng mga damitan ko.

Nagba-baka sakaling nando'n siya na nagtatago. Pero ang pinagtataka ko lang ay sa bawat tawag ko kanina, wala akong naririnig na boses niya. Dapat narinig niya agad ang aking pagtawag sa kanyang pangalan.

Pagkabukas ko ng aking aparador ng damitan ko nasilayan ko si Scarlet na nakatulog agad.

"Pwede naman magtago sa cr ko. Bakit pa dito siya nagtago?"

Napansin kong pawis na pawis ito. Nakakapagtaka na ang bilis naman niya makatulog agad subalit ang bilis lang naman ni Hexyl na manatili dito sa condo ko.

Napansin ko tumutulo ang kanyang pawis kaya pinahid ko ang aking kamay at inayos ang kanyang buhok.

Tumingin ako sa kanyang mukhang napaka-anghel kapag natutulog. Kung tutuusin maganda talaga si Scarlet. Masyado lang makulit 'to at napaka-energetic na tao. Bagay talaga sa kanya na tulog lang siya, walang makulit para guluhin ako. Napangiti ako.

Napangiti ako dahil sumagi sa aking isipan kung paano niya ako gusto itakas sa mga fans kanina sa mall.

Inaalala niya talaga ako dahil alam kong idolo niya ako pero kanina, mas nag-aalala ako sa kanya dahil ginawa niya ang lahat para itakas niya ako. Napagsalitaan pa siya ng masama na hindi niya naman deserve pakinggan 'yon.

Narealize kong napaka-strong personality niya dahil hindi siya nagpapapekto sa mga masasakit na salita mula sa kanya kaya sobrang bilib ako sa kanya.

Ngayon, nakakaramdam ako ng kakaiba. Hindi ko alam kung flattered lang 'to o iba. Napagtanto ko na sobrang swerte ko pala na may isang fan na handa akong protektahan at respetuhin ako. Karamihan kasi sa mga fans ko, nasusunod kagustuhan nila. Na tila pakiramdam kong wala sila pakiramdam sa akin. Minsan pakiramdam ko kapag nasa public ako, maraming tao na kinukuhanan ako palihim sa akin. Parang lahat ng makakasalubong ko ay naka-abang at nagbubulungan. Sobrang conscious ako sa mga sinasabi nila lalo na't alam nila hindi ko pinatuloy ang pagiging artists ko.

Ang gusto ko lang naman magkaroon ng privacy. Pero hindi nila mabigay agad 'yon sa akin.

Pero itong si Scarlet, siya lang taong may pakialam sa nararamdaman ko.

Pero nakakalungkot lang na sa lahat ng fan ko bakit siya pa naging artist ng EyeRed? Bakit kailangan ko pang maging masungit sa kanya dahil CEO ako ng EyeRed?

Kahit pinakita ko ang pagiging masungit ko sa kanya....

Bakit unti-unting gumagaan ang aking damdamin ko para sa kanya?

Bakit din unti-unting nagiging interesado ako at nagbabago ang pagtingin ko sa kanya?

Ang daming katanungan sa aking isipan na gusto kong makahanap ng tamang sagot sa mga katanungan ko.

Napansin ko ngayon na may tumutulo ulit ng kanyang pawis sa kanyang gilid ng mukha kaya pinunasan ko ito. Patuloy pa rin ako nakatitig sa kanya.

Ilang minuto lang ay nagising na siya kaya napaatras agad ako. Inayos ko ang aking sarili at umupo ako sa kama ko na nagpapanggap na walang nangyari.

"Miss Megan..."

Like it ? Add to library!

Don't forget to leave some votes and comment in my story.

if you have time, follow my social accounts below:

wattpad: @itsleava

twitter: @itsleava

This story is also available in Wattpad!

itsleavacreators' thoughts
Bab berikutnya