webnovel

The Wedding

Isang matinding singhap ang ginawa ko at umiling. Pinagmasdan ko ang ring sa kamay ko at bahagya itong hinawakan.

I once imagined myself na magiging kalmado ako sa araw ng kasal ko, na iisipin kong wala lang sa akin kung ikakasal ako sa taong hindi ko naman gusto. Lagi kong iniisip kung ano ba dapat ang gagawin 'pag ipakakasal na sa lalaking pinili ng mga magulang mo. Ang pinakamabuting gawin siguro ay huwag isipin at isawalang-bahala na lamang, tratuhing hindi importante.

Ngayon, dalawang araw na lang bago ang kasal pero maya't-maya ang singhap ko. Patuloy na inaalala ang mga salita ni Serg.

Ilang araw na ang nakalipas, marami na kaming ginawang magkasama, pero ang mga salita ni Serg ay nanatili pa rin sa utak ko at laging bumabagabag sa akin.

May gusto sa akin si Darry noong nasa high school pa lang ako.

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa gagong si Serg. Gago nga 'yon, e, katulad ni Steve, kaya ang hirap paniwalaan. Ayoko namang magtanong sa pinsan kong isa pang gago, baka isiping iniisip ko si Darry na hindi naman.

Well, slight lang.

Napasinghap ulit ako. Ano ba itong iniisip ko? Ano ba itong pumapasok sa isipan ko?

Matapos ang Sabadong iyon, nasundan pa ang pagkikita namin ni Darry. Inutusan din ako nina Mama na ipakita kay Darry ang planta namin sa Don Salvador kaya ginawa ko naman, Lunes no'n. Mabait na anak ako, e. Buong araw kaming nanatili roon sa planta. Noong Martes naman, sumama kami sa political campaign ni Konsehal Einny Lizares sa isang barangay sa ciudad namin. Si Ate Kiara ang nag-aya sa amin noon kaya buong araw ko na naman siyang kasama. Gusto ko nga sanang magtanong kung wala ba siyang trabaho at bakit hindi na siya pumapasok? May rason naman ako kasi nga dakilang tambay pa ako ngayon. E, siya? CEO siya, punyemas!

Kahapon, Miyerkules, pinuntahan namin ang mga lupain ni Tito Perl at Tito Arm. Kasama na naman si Darry kasi nga maalam din naman siya sa mga tubo at sa kung anu-anong kinalaman sa tubo. Ewan ko ba, noong nasa bahay nga kami ni Tito Perl, iyon lang ang pinag-usapan nila kasama si Tito Arm at ng mga Tita ko. Out of place ako noon kaya nakipaglaro na lang ako sa mga batang nandoon.

Ngayon naman ay Huwebes, dalawang araw bago ang kasal sa Sabado, naka-tunganga ako sa veranda ng ikatlong palapag ng bahay, tinatanaw ang ngayo'y wala ng pananim na mga tubong lupain sa paligid. Tinanaw ko na rin ang Mount Lunay at tumagal ang titig ko sa malaking cross na nasa tuktok nito habang minamasahe ang singsing.

Wala akong lalakarin ngayon kasi umalis na si Darry papuntang Manila. Ako, bukas naman aalis. At oo, sa Manila kami ikakasal. Hindi natuloy sa America dahil ayaw ni Darry. Aba ewan. Sumusunod lang naman ako sa kanila.

I sighed. Ikakasal na ako at hindi dapat ako puwedeng malungkot dahil puwede na kaming maghiwalay 'pag nakatayo na ang kompanya nila at kung matatag na ang samahan ng dalawang pamilya without the help of our marriage. Oo! Tama! Puwedeng-puwede kaming maghiwalay. Ang sabi nila, kahit imposible, gagawin nila ang lahat kapag ayaw na ng isa sa amin. Pero sino kaya ang aayaw? I bet they think it's me who will give up first. But how could I? What will be the reason? I can see no reason at all.

Gusto sanang mag-throw ng bridal shower ang mga kaibigan ko, kaso hindi ako pumayag dahil hindi na dapat. There's no need, this wedding is not serious and it's for the company... not for what they call love. Partnership lang ito, merging, amalgamate, name it! But no feelings involve!

Weh MJ? Kahit crush mo si Darry? Wala talaga?

Punyemas! Hindi ko na crush si Darry... gusto ko na siya. Gusto ko na siya kasi... hindi ko alam. Dapat ba may rason?

And speaking of the devil... here he comes.

I pick up my phone and accepted his call.

"Anong atin?"

"Hi," he said in his usual baritone voice and I can even imagine his clenching jaw after saying that. Damn, MJ! Ano ba!

"Yes, Dar?" I tried composing my tone into a normal one. Baka mahalata niyang nanginginig ako.

"Where are you now?" And I can sense caring on his voice and it's aching inside me.

"Nasa bahay, bakit?" I swallowed hard after saying that. Tila ba kay hirap lumunok at parang may nakabara sa aking lalamunan.

"Anong oras flight mo bukas?"

"Three PM." I look up to the ceiling and tried my very best not to sting my eyes.

"So by four pm, you're here in Manila na?"

"Yep."

Pigilan mo, MJ, pigilan mo.

"May ipapakita at ibibigay sana ako sa'yo bukas pero sabi ni Tita Blake, 'wag daw muna tayong magkita."

"Ano ba 'yang ibibigay mo? Ibigay mo na lang kay Ate o sa kahit sino sa pinsan ko, sila na mag-aabot sa akin."

Pigilan mo ang sarili mong magpadala sa bugso ng hangin! Hindi ka tuyong dahon ngayon! Isa kang buhay na dahon na nakakabit pa sa punong-kahoy. Sa kahoy na kailangan mong sundin 'pag bubugso ang indayog ng hangin!

"I'll give it to you on our wedding day na lang."

Our wedding day. Ang sarap pakinggan, lalo na kung galing sa bibig niya at mismong boses niya ang nagsabi. Sobrang sarap pakinggan na parang musika sa stereo, napapasayaw ako sa sobrang sarap!

Pero punyemas, MJ! Lintik! Pigilan mo ang sarili mo! Isang kahibangan 'yan. Oo pinagbigyan mo ang sarili mong magka-crush sa kaniya pero sana hanggang doon na lang iyon at hindi na lumalim pa... alam mo ang mangyayari 'pag lumampas ka sa guhit. Alam na alam mo.

"Okay..." I trailed off. Wala na akong ibang masabi.

Alam na alam mo, MJ, na 'pag lumampas ka sa guhit na ginawa mo, ikaw ang magiging talo. Maghihiwalay kayo pagkatapos ng lahat kaya please, 'wag.

In-end ko ang call nang hindi man lang nagpapaalam at tinanaw ulit ang cross sa tuktok ng bundok.

It's so ironic to stop this feeling when I don't even know what kind of feeling is this. This is way too different to what I felt to the boy who taught me how to fall in love. Way too different to what I felt with the boys I had. Way too different to what I felt with Sonny. This is an alien emotion to me. Is this even normal?

Kung noon kaya kong aminin na may crush ako kay Darry, ngayon, hindi ko na talaga alam kung ano itong nararamdaman ko. I feel happy, contented, and safe. So punyemas safe whenever I'm with him. Normal pa ba ito sa isang simpleng crush lang? Sa simpleng pagkagusto lang?

He also invaded my dreams. Palagi siyang nasa panaginip ko. Hindi ko lang alam kung ano 'yong sitwasyon sa panaginip ko, basta ang alam ko nandoon siya, nakatingin sa akin, nakangiti pero may luha ang mga mata. Weird right?

Natulogan ko ang lahat ng iniisip. Kinabukasan sa flight, tulala pa rin ako. Parang zombie ganoon.

Ang hirap pala 'pag nagtatalo ang dalawang sistema mo. Hindi sila magkasundo. Gustong-gusto magsalita ng puso ko pero dahil ako si MJ Osmeña, palaging nananaig ang utak. At ang dapat gawin sa lahat ng ito, 'wag magpapadala sa emosyon.

Pagilid akong humiga sa kama ko rito sa mansion ng mga Leonardia sa isang high end village ng Manila. Lumang mansion na ito ng maternal Lolo at Lola ko pero ginagamit pa rin nina Mama sa tuwing uuwi sila ng Manila. Nag-iisang anak si Mama kaya lahat ng ari-arian ng mga Leonardia, sa kaniya napunta. That's why Leonardia are filthy rich.

Ipinatong ko ang pisnge ko sa mainit kong palad habang nakatitig sa dress na susuotin ko bukas. 'Yon lang ang ginawa ko hanggang sa hilahin ako ng antok.

Alas-diyes ng umaga ang civil wedding. Isang intimate civil wedding sa loob ng office room ng mansion ng Leonardia. Sa labas naman ang handaan kung nasaan ang mga piling bisita. Nandoon ang pamilya namin, pamilya nila, mga board members and major stockholders ng parehong kompanya, at iilang malapit na kaibigan. Sa loob naman ng opisina, ang magwi-witness ng kasal ay sina Mama, Papa, Donya Felicity, Don Gabriel, Lolo Mado, Lola Auring, at ang mga abogado at legal counsels ng both families.

When I was a kid, I dreamt of having my own grandiose wedding na 'yong tipong sa fairytale lang napapanood. Bata pa lang ako, suki na ako ng mga wedding as a flower girl. Maya't-maya may kumukuha sa akin kaya sa murang edad, ilang kasal na ang nasaksihan ko. Kaya ang bata kong isip ay naghangad ng mga ganoong klaseng kasal. Engrande, pinaghandaan, pinag-isipan, at pinaggastusan.

Kaso ngayon, heto ako't nakasuot ng isang simpleng puting ruffle dress, open toe one strap sandal, simple earring, necklace, and my usual wrist watch for my jewelries. Hindi rin gaanong makapal ang make up ko, sakto lang sa damit ko at sa pagiging simple nito. Kaharap ang isang matipunong lalaki na nakasuot ng cream white suit, with his usual look, more cleaner cut hair, perfectly and freshly shaved stubble that made his jaw more defined, almond-shaped eyes with chocolate-colored eyes, thick eyebrow, thick eyelashes that's very curvy, pointed nose, soft cheeks, with his rimless specs. He's like a perfect man. Sent from above. He's like a god. An olympian god!

Hindi ako sa simbahan ikinasal. Hindi ang Diyos ang kaharap namin nang nanumpa. Hindi pari ang namagitan. Hindi ako naglakad sa mahabang red carpet. Hindi ako naka-belo. Wala akong entourage. Ni wala nga rin akong bulaklak na dala. Just me, him, the Judge, and our parents. Hindi ito ang pinangarap kong kasal at hindi siya ang pinangarap kong pakakasalan but what are the odds that your dreams will come true? Besides, those were just baby wishes, mga pambatang pangarap na hindi na madadala hanggang sa pagtanda kasi mapapagtanto pala natin na mahirap palang abutin ang ganoong klaseng pangarap.

Pero bago ko pigilan ang sarili ko sa totoong nararamdaman, maaari bang magpakatotoo tayo ngayon, MJ? Magpakatotoo tayong kahit na hindi natupad ang pangarap ng ating murang isipan, masaya naman tayo at ikinasal tayo sa taong... sa taong... sa taong... katulad ni Darry Lizares. The Darwin Charles L. Lizares.

Kay Darry Lizares na maraming nagkakandarapa. Kay Darry Lizares na maraming nagkakagusto. Kay Darry Lizares na pinapangarap ng karamihan pero heto't nakaharap sa'yo at ikaw ang susuotan ng singsing. Kay Darry Lizares na nagsalba sa'yo sa nag-aambang kahihiyan. Kay Darry Lizares na crush mo. Kay Darry Lizares na... gusto mo.

"Can we please proceed to the signing of papers? Is the ceremony even necessary?"

Pero demonyo ang utak, ayaw pakinggan kung anong gusto ng puso.

"MJ?" Nag-aalalang tanong ni Mama matapos marinig ang sinabi ko.

"Puwede po ba, Ma? This is not literally a wedding right? This is partnership, merging, so puwede na po bang signing of papers na po?"

Yeah, I know. I'm a bitch. Whatever. I don't want my heart win this time. This is not yet your time, heart, let the brain win. Because the brain will always win.

Nakakabinging katahimikan ang isinagot sa akin ng lahat kaya nilakasan ko ang loob ko para tingnan isa-isa ang mga taong nandito sa loob ng opisina. Lolo Mado and Lola Auring who both look so curious with what I said. Papa who's very attentive to me. Mama who's face is anxious. Don Gabriel who remained silent and very serious. Donya Felicity who looks at her son with utmost care so I also look at Darry.

Naninimbang ang titig niya. Hindi ko masiyadong mabasa kung anong isinisigaw ng mata niya. Hindi niya pinapahalata pero alam kong seryoso siya at tutol siya sa sinabi ko.

Bakit?

Isang tikhim mula kay Lolo Mado ang nagpatigil sa akin sa pagtitig sa kaniya.

"Is that possible, Judge Castro?" Seryosong tanong ni Lolo sa Judge na nasa harapan namin.

"Yes, that's possible, Senyor Mado. Pero sigurado ka ba, hija, na hindi na kayo mag-i-exchange ng vows?" Puno ng pag-iingat na tanong ng Judge.

"I already know what are the vows and I agree with it. Can we now sign the papers, Judge?" Pinilit kong ngumiti amid the chaos inside of me. Punyemas, brain and heart, calm the punyemas down!

"Mister Lizares?"

Pinigilan ko ang sarili kong 'wag lingunin si Darry nang siya naman ang tinanong ni Judge Castro.

"If that's what she wants."

Punyemas. Napalunok ako ng todo dahil sa sobrang seryoso ng boses niya. Mas lalo akong hindi makatingin sa kaniya at itinoon na lang ang tingin kay Judge na abalang inasikaso ang mga papeles na ipapapirma sa amin. We were also guided by the legal counsels and the attorneys.

Walang pagdadalawang-isip akong pumirma sa lahat ng puwedeng pirmahan nang inilahad na sa akin ng Judge ang mga papel. Hindi ko na inabala ang sarili sa pagbabasa, may tiwala naman ako sa mga magulang ko. Siguro alam na nila kung anong nasa papel na ito.

Matapos kong pumirma, sumunod naman si Darry. Medyo matagal siya kasi masiyadong detalyado ang pirma niya. Hindi ko pa nakita pero base sa stroke ng kamay niya, mahahaba nga ang pirma niya.

Ano pa kaya 'yong mahaba sa kaniya?

Punyemas! Matapos mong balewalain ang vows, ganyan iisipin mo, Maria Josephina Constancia? Gaga ka!

Tumikhim ako at umayos ng tayo, not letting my thoughts invade me. Punyemas.

Matapos pirmahan ni Darry lahat, umayos na rin siya sa pagkakatayo at dahil masiyado akong na-carried away sa pagsunod sa bawat galaw niya. Nakita ko tuloy kung paano niya ako titigan.

Kalmado pero puno ng tanong. Tumikhim ulit ako. Punyemas, uubohin pa yata ako kakatikhim nito!

"By the power vested upon me... I now pronounce you, Mister and Missis Lizares... you may now kiss... your bride."

Matapos sabihin iyon ni Judge, hindi na ako nagdalawang isip na makipag-beso sa kaniya.

Punyemas. Happy Birthday, Maria Josephina Constancia Osmeña Lizares! Happy Fucking Birthday!

"Aber patingin nga!" Sabay hablot ni Jessa sa kamay ko kung nasaan ang dalawang singsing. Kung nasa malayo lang siya, siguradong maiirita ako sa paghablot niya. Mabuti't malapit lang kaya hindi masiyadong masakit.

"Ang ganda-ganda talaga! Tiffany and Co. ang engagement ring tapos ang wedding ring Etincelle de Cartier, o! Bonggacious, MJ! Hindi nga bongga ang kasal mo, bawing-bawi naman sa mga singsing. Ikaw na talaga bruha!" Lumapit na rin si Lorene at sinipat na rin ng tingin ang mga singsing. Patuloy lang ako sa paglagok ng Heineken.

Hind nakuntento sa handaan sa mansion, nag-after party kami ng mga kaibigan ko at iilang pinsan sa isang high end superclub dito sa BGC. Nakalimutan ko ang pangalan kaya 'wag niyo na akong tanungin.

Isang table kami ng mga kaibigan ko, nasa kabila naman ang mga pinsan, sa next table nila ang mga Lizares. Sa sobrang dami namin, hindi kami magkakasya sa iisang table lang kaya hiwa-hiwalay at dito ko nga napiling umupo sa mga kaibigan ko.

"Ke-suwerte mong bata ka! Ang dami-daming nagkakandarapa r'yan sa asawa mo! Pahalagahan mo 'yan, kaibigan."

Matinding pagngiwi ang ginawa ko sa sinabi ni Lory.

"Ano, MJ? Untouchables pa rin ba ang mga Lizares? Baka by the end of the month, maging godparents na kami ha?"

Hagalpakan sila sa sinabi ni Vad. Hindi ako natuwa. Hindi talaga.

"Punyemas ka! Tumahimik ka nga Salvador!" Naiirita ko talagang sabi sa kaniya.

"Sige na kaibigan! Kating-kati na akong maging ninang, o! Kating-kati na ako mamigay ng regalo sa pasko," ani Lorene na mas lalo kong sinimangutan.

"Makipagbalikan ka muna kay Serg para ako muna ang maging ninang." Back to you, Lorene.

"Gaga talaga ang babaeng ito! Madumi ang utak pero 'pag siya pinag-iisipan ng madumi, napipikon," rebuttal ni Lorene na inirapan ko lang sabay lagok sa alak.

"Hindi ka namin pini-pressure, MJ, pero sana nga magka-anak ka na bago matapos ang taon," ani Paulla.

"Mamamatay-"

"Kang virgin! Oo alam namin! Subukan mo kasi, palagi ka kasing nambibitin kaya hindi ka nasasarapan, e. Masarap kaya! 'Di ba boys?"

What the shit?

Nanlaki ang mata ko sa mga pinagsasabi nitong si Paulla. Oo, greenminded ako minsan pero... ah punyemas!

"Gumawa ka na! Legal na 'yan sa'yo kaya subukan mo na! Wala namang mawawala, e, masasarapan ka pa."

Oh, punyemas! Gagatungan pa talaga ni Jessa! Pasalamat sila at maingay sa club na ito at hindi kami maririnig ng ibang table.

"May mawawala! Ang hymen!" Sagot ko naman.

"Asows, para hymen lang, e! Kaonting punit lang 'yan kaibigan, medyo masakit pero worth it," ani Jessa na mas lalo kong nginiwian. Ano ba 'to!!!

"'Tang ina, Vad, exit muna tayo, kung anu-ano nang pinag-uusapan ng mga babaeng 'to, e," pabirong tumayo si Maj kaso hindi tinuloy kasi nga pabiro lang 'di ba?

"O! Ngayong Lizares ka na, kaibigang bruha, ibig bang sabihin you're untouchable?" Nabaling naman ang lahat ng atensiyon sa sinabi ni Ressie. "'Wag n'yong lalapitan 'yan, hindi puwedeng hawakan 'yan, untouchable 'yan kaya mamamatay na virgin," dagdag na sabi niya kaya hagalpakan na naman sila ng tawa. Napapatingin na nga ang ibang pinsan ko at ang ibang tao na nandito sa club sa kanila pero sinamaan ko lang ng tingin ang mga kaibigan ko at nagpatuloy sa paglagok.

Nagpatuloy sila sa pag-uusap sa mga maka-mundong pagnanasa nila na kung mag-usap ay parang hindi mga propesyonal. Masiyadong bulgar.

Walang nakaalam sa kung ano ang totoong nangyari sa loob ng office na iyon. Hindi ko sinabi sa mga kaibigan ko na walang exchanging of vows na naganap kasi alam kong mag-i-eksaherada lang ang mga reaksiyon nila at papaulanan pa ako ng tanong kaya pinili kong manahimik at isipin nila na nangyari nga ang mga nangyayari sa isang civil wedding.

Nagpatuloy ang usual ganap during party and since it's my twenty-fourth birthday kaya medyo naparami ang drinks. May iilan rin akong kakilala na nakita sa club na iyon. Hanggang sa lumalim ang gabi and it's my wedding night but here we are partying separately. Me with my friends and him with his brothers and other friends.

Magmula no'ng lumabas kami ng opisinang iyon, hindi na kami nagkaroon ng chance na makapag-usap na dalawa kasi kaniya-kaniya kaming bati sa bisita sa mansion. Kung mag-uusap man ay 'yong kaharap ang ibang tao.

Ito ang unang birthday ko na kasama siya. Ang sabi niya may ibibigay at ipapakita raw siya sa akin, pero nagkita kami kanina, wala naman siyang binigay.

Unti-unting lumalalim ang gabi, ang iba nalalasing na kaya ang unang nakaalis sa mga kakilala ko that night ay ang mga pinsan ko. May mga condo 'yon dito kaya hindi na ako masiyadong nag-aalala sa kanila. Hanggang sa sumunod na ang Lizares brothers minus Sonny. Yes, hindi pumunta si Sonny. Hindi siya nagpakita. Naiintindihan ko kung bakit. Ayoko ng alamin kung anong rason. It will bring me no good. Hanggang sa kami na lang ang natitira ng mga kaibigan ko.

Lasing na si Lorene kasi nagbi-bitter-bitter-an na siya kay Serg. Si Lory naman ay pinagtatawanan lang ang kakambal pero halatang hindi naman lasing. Si Paulla at Jessa, medyo may tama na rin. Si Ressie naman ay naka-alalay lang sa mga kaibigan. Si Maj and Vad ay abala sa mga girlfriends nila pero minsan ay inaalalayan ang mga babaeng kaibigan. At ako? Heto't pinagtatawanan sila. Hindi ako lasing. Heineken lang talaga ang tinungga ko ngayong gabi kaya nasa tamang huwisyo pa ako. Masarap lang talaga silang pagtawanan. Ginatungan pa ng broken hearted na si Ma'am Lorene na umuwi lang ng Pilipinas ang great love niya, nagngangawa na. Serg pa more!

"Mabuti pa, umuwi na tayo. Mukhang kailangan nang magpahinga ni Lorene."

Kahit naman tinatawanan ko lang sila ay may malasakit din naman ako. Tumayo na rin ako at tinapos ang huling bote ko sa gabing ito o umaga, sa tingin ko madaling araw na, kanina pa kami rito, e.

Pinagtulongan ni Vad at Maj si Lorene na patayuin. Kaonti na lang talaga at matutulog na siya. Namumungay na 'yong mata niya at parang wala ng huwisyo.

"Kaya kong maglakad!" Biglang sigaw niya at tumayo nang maayos dahilan para bahagyang mapaatras ang dalawa pero kalaunan ay natawa na rin dahil nang magsimulang maglakad si Lorene, halos masubsob siya sa lamesa sa pagkakatalisod. Mabuti na lang at maagap si Maj at nasalo niya.

Nilapitan ko ang dalawa pang lasing na si Paulla at Jessa. Tinulungan na rin ako ni Ressie. Mabuti na lang din at hindi nalasing si Crisha at Lina na mga girlfriend ng dalawang boys kaya naki-alalay na rin sila. We've been doing these way back college kaya nasanay na rin 'yong dalawa sa amin tuwing nalalasing.

Medyo kaonti na rin ang tao sa club, sa tingin ko talaga isang oras na lang at lalabas na si haring araw. Ganoon yata kami katagal dito.

Naglakad na kami palabas. Mabuti na lang at nakakalakad pa nang maayos pero may kaonting gewang si Jessa na siyang inaalalayan ko.

"Ako na aalalay sa kaniya."

Ha?

Bigla akong napatayo nang maayos ng may humawak sa braso kong naka-alalay kay Jessa.

"Sino ka?" Nagulantang ako kasi hindi ko naman kilala ang lalaking ito. Sino ba kasi 'to?

"I'm her boyfriend."

"Boyfriend? Single 'yang kaibigan namin, 'wag kang talkshit!" Singha ko sa kaniya. "Jesshane! Kilala mo ba 'to?" Hindi ko namalayan na napahinto na pala ako sa paglalakad para harapin ang lalaking ito.

Namumungay ang mga mata ni Jessa na nilingon ang lalaking nasa likuran namin. Pinagmasdan ko kung anong magiging reaksiyon niya at no'ng makita na niya ang mukha ay bigla siyang napaayos ng tayo at nanlaki ang matang nakaturo sa kaniya.

"Anong ginagawa mo rito?!" Singhal ni Jessa na halos ikaatras ko naman. Ngayon, mas lalo na tuloy akong nagtaka.

"Someone informed me that you're here and drinking yourself out. What's the matter, Jesshane?"

Nilingon ko ang mga kaibigan ko na napatigil na rin pala sa paglalakad at ngayon ko lang din napagtantong nasa parking lot na pala kami ngayon. Nilabian ko sila ng 'Anong nangyayari?' pero nagkibit balikat lang si Ressie at Lory habang ang boys ay parang na-amuse sa nakita nila.

"Hoy Pilot Barcelona! Wala kang pakialam kung humandusay man ako r'yan sa sahig dahil sa pagkakalasing. Wala ka naman talagang pakialam 'di ba? Kaya anong ginagawa mo rito? Umalis ka! May flight ka pa 'di ba? Layas!"

Punyemas?

"Jesshane, you're drunk... let's go home." That guy he called Pilot Barcelona said.

Punyemas. That man is a pilot? 'Yong nagpapalipad ng eroplano? Whoa! Punyemas, Jessa! Did you catch that one?

"Anong home? My home is in Negros, ihahatid mo ako ro'n?"

Tuluyan na akong napalayo kay Jessa dahil sa sagutan nila ng pilotong lalaki, if he is indeed a pilot.

"Let Jessa be with Mef."

Holy punyemas!

Halos tumalon ako sa kinatatayuan ko nang biglang may hunawak sa braso ko at may baritonong boses ang nagsalita sa gilid ko. "Nandito ka pa?"

"I was just waiting for you. Ako rin ang tumawag kay Mef at boyfriend niya si Mef."

"Teka, sandali!" Angal ko at pilit na lumapit kay Jessa. Mukhang sa estado niya ngayon, parang nahimasmasan na siya. "Boyfriend mo ba 'tong lalaking ito, Jessa?" Pinandilatan ko na ng mata si Jessa habang masama pa ring nakatingin sa lalaking iyon.

"MJ!" I heard Darry groan but I ignore him.

"Ikaw ba si Mefan Barcelona?"

Napabaling naman ako kay Maj nang siya ang nagtanong no'n.

"Yes, I am Mefan Barcelona. I know this is a bad timing to introduce myself but nice to meet you all, Jessa's friends."

Napataas ang isang kilay ko at halos humalikipkip na ako.

"Siya nga yata 'yong boyfriend ni Jessa. Bukambibig ka niya sa amin, e, akala namin hindi totoo. Nice to meet you, bro," ani Maj na sinundan naman ng shakehands ni Vad habang nakahawak sila kay Lorene na mukhang tuluyan na nga yatang nakatulog.

"Oh, my God!" Ressie gasped while looking at that guy.

"Akala ko talaga nag-iilusyon ang bruhang 'yan. Nagsasabi pala ng totoo ang walang hiya! Hi Mefan!" Ani Lory.

"Nice to meet you, Mefan. Sige na, ikaw nang bahala kay Jessa," ani Paulla.

What the shit?

"Let's go!" Bigla nang nagpatianod si Jessa sa lalaking iyon. "Thanks bay, una na kami ni Jessa." Bago pa man makaalis ang dalawa, nagpaalam muna 'yong lalaki kay Darry na lalong ikinagulat ko.

"Sige bay, pakiingatan na lang 'yang kaibigan ni MJ."

"I will. Mauna na kami."

"Bye Pilot Barcelona. Bye Jessa!" Halos energetic na paalam ng mga babae kong kaibigan.

What is happening here?

"Hoy? Ano 'yon? Bakit hindi ko alam na may boyfriend na 'yong bruhang iyon?" Itinuro ko pa ang direksiyon kung saan sila dumaan.

Hindi muna nakasagot ang lahat dahil biglang may lumabas na sports car sa parking... sandali, sports car?! What the shit? Don't tell me, that was them?

"O, ngayon alam mo na?" Ani Paulla na sinabayan niya ng pagtawa. Lasing pa rin ang gaga.

"Sasabihin naman dapat ni Jessa sa'yo, mukhang nagkalabuan lang kaya naudlot. But damn! He's a good catch!" Ani Ressie na halos ikatampal ko sa noo.

"And we all thought that she's just joking around kaya hindi namin masiyadong sineryoso. Kilala mo naman 'yong kaibigan mong 'yon, maraming lalaki sa buhay na hindi mo malaman kung anong totoo sa hindi. Wala rin naman siyang picture na pinapakita kaya hindi kapani-paniwalang may boyfriend siyang piloto," ani Lory.

"Sa tingin ko, kailangan niyo nang ihatid si Lorene. Baka magkasakit pa 'yan, it's cold outside and she's unconscious."

Animo'y asin ang mga salita ni Darry at mga uod naman ang mga kaibigan ko dahil bigla silang nataranta at dali-dali nilang pinasakay ang tulog na tulog na si Lorene.

Pinagtulongan ni Vad at Maj si Lorene na isakay sa kotse ni Maj. Merong sasakyan din si Vad dito pero sabi nila, sa condo ni Maj silang lahat matutulog kasi roon pansamantalang nag-stay ang twins, si Ressie, at Paulla, at si Jessa sana kaso nga wala na.

Mabilisan ang naging paalaman nila hanggang sa kaming dalawa na lang ni Darry ang nasa tahimik at halos wala ng kotseng parking lot.

Now... welcome to our first day as Mister and Misis Lizares. Punyemas, nice!

"Let's go. I know you're tired. It's been a long day."

"Sige." Naubos yata ang lakas ko sa eksena ni Jessa kanina at tama siya, pagod na pagod nga talaga ako.

His car here in Manila is... punyemas! A Chevrolet Camaro! Uh, wait... medyo mahal 'to ah? Sigurado ba silang pabagsak na ang negosyo nila? O baka matagal na itong kotse niyang ito?

Sinawalang-bahala ko ang pagmamasid sa kotse niya at pinilit na unahin ang pagod.

Tahimik kami buong biyahe. Hindi rin naman matagal ang biyahe namin kasi isang kanto lang yata at isang liko, nasa harapan ko na ang isa sa pinakamataas na tower dito sa BGC. Punyemas, the place where bachelors hide. Punyemas, condo units.

Unang gabi ng pagiging mag-asawa, pero mga kaibigan ko ang kasama ko. Unang araw na magkasama pero ang tahimik naman namin. Siguro tama ito para hindi ako required na maghanap ng salita.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakapunta ako sa penthouse niya. These past few days, palaging sinasabi sa akin na after the wedding mananatili ako rito sa Manila para sa company at para sa review ko. Titira na rin ako sa penthouse niya. Dito na rin kasi siya magtatrabaho kasi may kompanya rin sila rito kaya paanong... aba ewan!

Gusto kong magsalita kasi masiyadong tahimik kaming dalawa dito sa elevator paakyat ng penthouse niya kaso 'yong talukap ng mata ko, magko-closing na, lampas na raw sa oras ng opening kaya kailangan ng magsara. Punyemas. Magpigil ka nga muna, baka makatulog ka rito sa elevator, MJ, nakakahiya.

Hanggang sa makalabas kami ng elevator at naglakad naman kung saan man kami papunta, tuloy-tuloy pa rin ako at pilit nilalabanan ang antok.

Para hindi makatulog habang naglalakad, inabala ko ang sarili ko sa pagtingin sa mga pintong nadadaanan namin. And from the elevator, apat na pinto na ang nadaanan namin pero hindi pa kami nakakarating sa kung saan man ang penthouse niya.

Hanggang sa ikalimang pinto, doon na siya tumigil.

"We're here."

Muntik pa akong dumiretso sa paglalakad kung hindi lang siya nagsalita. Pagak akong ngumiti sa kaniya at pinagmasdan ko siyang buksan ang pinto gamit ang isang card. Binuksan niya ng malaki ang pinto at inilahad ang kamay.

"After you," sabi niya kaya pagak na ngumiti na naman ako at naunang pumasok.

Ah punyemas. Antok na antok na talaga ako. Nakakapagod ang araw na ito, iyon, ewan!

"Where's my room?" Humikab ako. Punyemas naman.

He snorted a laugh but I am so tired to even notice it.

"Nasa taas pa."

"Okay..." At humikab ulit ako. Punyemas naman.

Naglakad ulit siya at ako naman ay wala sa sariling napasunod sa kaniya. Mabuti na lang talaga at nag-sneakers ako ngayon, kasi kung nagtakong ako, bumagsak na ako sa sofa pa lang ng living room niya dahil sa pangangalay sa pagsuot ng takong.

Hindi ko namalayan na nakapasok na pala kami sa isang kwarto.

"Here's your room. Change your clothes before going to sleep, meron kang mga damit sa walk-in closet, temporary clothes only kasi bukas pa ihahatid ang mga gamit mo rito kasama ang dalawang makakatulong natin sa bahay."

"Oo na. Oo na. Salamat sa paghatid, inaantok na talaga ako. Good night."

Dahil gusto ko na talagang humilata, bigla ko na lang isinarado ang pinto.

Kaonting pilit pa sa sarili para makapagbihis ng kung anong damit ang nandoon sa closet at nang makalapit sa kama, bigla na akong hinele nito.

~

Bab berikutnya