webnovel

Chapter 40: Autophagia

NAPATINGIN na lang si Jiezzeil sa kanyang  ina ng bigla na lang nito  tinampal ang kanyang  kamay

"Jiezzeil! 'Di ba sinabi ko na sa'yo na huwag mong  dila dilaan iyang mga daliri mo? Maraming mikrobyo ang nakakapit diyan!" Saway sa kanya ng kanyang ina at pinunasan ang kanyang mga daliri ng medyo may kabasang tissue

Binawi naman kaagad ni Jiezzeil ang kanyang kamay at ipinahid iyon sa kanyang panyo na nakalagay sa kanyang kandungan

"Ma! Naghugas naman ako kanina eh, don't worry I'm still safe." Sagot naman niya dito

Hindi niya alam pero trip niya lang talaga na dila dilaan ang kanyang mga daliri, paminsan minsan ay kinakagat kagat niya ang mga ito

"Hoy ikaw Jiezzeil ah? Tigil-tigilan mo na 'yang kahibangan mo hindi siya magandang tingnan dalaga ka na hindi ka na bata. Naku! Kung ayaw mo talagang maniwala sa'kin bahala ka na diyan basta hindi siya magandang tingnan napagkakamalan kang burara—" Litanya ng kanyang ina

"Hay naku Ma! Huwag ka pong mag-alala diyan, hindi ko naman 'to gagawin sa labas eh. Trust me!" Sagot naman niya at bumalik sa ginagawang pagdila sa mga daliri

Parang naging libangan na din ito ni Jiezzeil, sa tuwing nababagot siya sa bahay at walang ibang ginagawa ay naturang dinidilaan niya ang sarili at kinagat kagat. Siya lang naman ang may ganitong abilidad sa kanilang pamilya

Parang hindi siya mapalagay kung hindi niya ito nagagawa sa isang araw o higit pa.

"Ewan ko na lang talaga sa'yo Jiezzeil. Basta sinabihan na kitang itigil na 'yan, maganda ka pa naman pero iyang libangan mong pagdila at pagkagat sa iyong mga  daliri at balat? Malaking turn off 'yan sa mga boys!" Asik pa ng kanyang ina

Napairap na lang sa hangin si Jiezzeil at tumayo sa pagkakaupo

"Whatever Mom." At umakyat sa kanyang kwarto

Nakahiga sa kama si Jiezzeil habang hawak hawak ang sariling smartphone at kinagat kagat muli ang kanyang daliri. May paminsan minsan na sinisipsip niya ito at dahil sa ginagawa niya ay maihahalintulad na ang kanyang hintuturo sa isang bondpaper dahil putla

"Jiezzeil! Matulog ka na may pasok ka pa bukas, ipahinga mo naman iyang mga mata mo!" Sigaw ng kanyang ina sa kabilang kwarto ng marinig nitong sunod sunod na nagsi ingayan ang mga group chats na naka konektado sa kanyang messenger app

Ba't niya ba kasi nakalimutan na iset ito sa silent mode!

"Opo Ma!" Pasigaw din niyang sagot at tumayo sa pagkakahiga para ioff ang ilaw, pagkatapos ay bumalik ulit siya sa pagkakahiga at nagkalikot ng muli sa kanyang smartphone

At dahil sa nakasilent mode na ito ay halos magkaduling duling na siya dahil sa mga convong halos hindi na niya mabasa basa dahil sa sabay sabay ito na nagsisisulputan

Muli, ay itinaas na naman niya ang kanyang palad at inisa isang dinilaan ang mga daliri. May mga times pa nga na nagagawa niya ito sa kanilang silid aralan kapag siya ay nakikinig sa klase napagkakamalan tuloy siyang weird at problema sa pag-iisip dahil sa kanyang katangian

Hindi din niya matukoy kung anong tawag sa kanyang ginagawa araw-araw

"Sabi ko na nga ba't hindi ka pa natutulog eh?!" Bigla niyang naitapon sa gilid ang kanyang cellphone ng bigla na lang mag switch on ang kanyang ilaw sa kanyang kwarto

Akala niya kasi na nakatulog na ang lahat kaya todo ang titig niya sa cellphone niya

"Ma? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Jiezzeil sa kanyang butihing ina ng bigla bigla na lang itong pumasok sa kanyang kwarto na hindi man lang kumakatok

Napapailing na lumapit sa kama ang kanyang ina at kinuha ang kanyang smartphone

"I'm going to confiscate your phone. Ibabalik ko lang 'to kapag natuto ka na okay ba 'yun?" At itinaas ang kanyang cellphone para makita ito

"Ma! Akin na 'yan. Kailangan ko 'yan!" Napapatayong usal ni Jiezziel at sinubukang abutin ang kanyang gadget

"Na-ah! Hindi pwede, hindi mo kailangan ang isang 'to anak. Sige na, matulog ka na—sweet dreams" At hinalikan siya sa nuo

Pagkalabas na pagkalabas ng kanyang ina sa kanyang kwarto ay padabog na kinuha niya ang kanyang kumot at itinalukbong ito sa kanyang sarili

"Nakakainis!" Tanging naibulalas niya at ipinikit ang mga mata

"Hoy, Jiezziel! Ano ba 'yang ginagawa mo?" Siko sa kanya ni Angeline na ikinabalik niya sa reyalidad

"Ha?" At tiningnan ang katabi

Nakita ni Jiezziel kung paano siya nginiwian ni Angeline

"Ikaw ah, palagi mo na lang ginagawa 'yan. Hobby mo na ba talaga ang pagkain sa mga daliri mo?" Tanong nito sa kanya

Tiningnan naman ni Jiezzeil ang mga daliri basa na sa kanyang sariling laway

"Parang oo, kasi nagsimula ko itong gawin no'ng nasa elementary pa lang ako." Kibit balikat niya namang sagot at ginawang muli ang pagkagat dila sa kanyang hintuturo

"Nandidiri talaga ako sa'yo Jiezzeil, hindi ko na alam kung may disorder ka ba o ano?" Napapailing na saad ni Angeline at ibinalik ang tingin sa pisara

Siya nga din eh, hindi maalis-alis sa kanyang isipan na baka nga may disorder siya at hindi niya lang matukoy kung ano ang tawag do'n. Hindi naman kasi normal ang ginagawa niya, parang hindi talaga siya mapalagay kapag hindi niya iyon nagagawa

Sa halip na isipin pa kung ano ba talaga ang problema niya ay itinuon niya na lang ang atensiyon sa klase

Recess time at ang lahat ay nasa canteen, bumubili ng mga pangkaraniwang kinakain ng lahat. Nakaupo si Jiezzeil sa gilid malapit sa bintana habang hinihintay ang kanyang boyfriend na si Carlos, umorder kasi ito ng kanilang makakain habang siya ay naghihintay sa pagbabalik nito

"Rare disease talaga ang Autophagia 'no?" Rinig ni Jiezziel sa mga estudyanteng nagbubulong bulungan sa unahan malapit sa kanyang mesa

"Sinabi mo pa! Nakakatakot nga eh, kasi kinakain niya ang sarili niya—parang cannibal?" Nanginginig na usal naman ng isa pa

"Gaga! Anong nakakatakot do'n? Eh, ang sariling lang naman ang kinakain niya hanggang sa mamatay siya. Ang mas nakakatakot ay baka pati kauri niya kakainin niya—ayokong maging zombie 'no!" Sagot naman ng nagsalita kanina

"Okay ka lang?" Napatingin kaagad si Jiezzeil sa kanyang harapan ng bigla na lang siyang pinukaw ni Carlos

"Ah, oo—" Sagot naman ni Jiezziel at umayos ng upo

Parang hindi naniwala si Carlos sa naging sagot ni Jiezziel, sa halip ay mas tinanong pa siya nito

"You look agitated, ano ba talaga ang nangyayari sa'yo?" Nag-aalalang tugon nito

Wala naman talaga siyang problema sadyang nagulo lang ang utak niya ng marinig niya ang pinag-uusapan ng dalawang estudyante

"Sa tingin mo Carlos, anong meron sa tinatawag nilang Autophagia?" Tanong ni Jiezziel sa kanyang nobyo

"Ah 'yun ba? Base sa narinig ko isa daw iyang sakit na nagmumula sa America, hindi naman siya nakakahawa so safe tayong lahat." Pagsasalaysay nito

Napatango tango naman si Jiezzeil

Kinabahan kasi siya kanina ng marinig niyang kinakain daw ng isang tao ang kanyang sarili kapag may sakit itong ganito. Sa kanyang narinig kanina ay tugma lahat sa kanya ang pinagsasabi ng dalawa kanina

Hindi naman sa kinakain niya ang kanyang mga daliri pero sa tingin niya ay malapit na niya itong gawin sa kanyang sarili. Ang tanging naisip niya lamang ay obserbahan ang sarili kung saan ito hahantong

Walong buwan na din ang nakakalipas ay wala pa ding pagbabago sa kinaugalian ni Jiezziel. Gano'n pa din siya, dila ng dila sa mga daliri at kagat ng kagat—walang nagbago sa kanyang obserbasiyon ganoon pa din siya, hindi naman siya nilagnat o ano pang klaseng sintomas na magpapatunay na may sakit siya

"Aray!" Igik ni Jiezziel ng aksidente niyang nasugatan ang gitnang daliri sa kanyang pagkagat

Dumudugo ito at wala naman siyang ibang tela na ipapatong sa kanyang daliri, kaya sinipsip na lang niya ang sariling dugo

Parang naadik siya ng matikman ito. Tiningnan niya ang daliri na ngayon ay namumula at medyo namamanhid, dahil sa pagkaadik niya ay mas nilakihan niya pa ang sugat at sinipsip ng sinipsip ang dugo na nagsiunahang lumabas sa gilid ng kanyang daliri

"Hoy Jiezziel! Ano ba iyang ginagawa mo!" Sigaw ng kanyang Ate ng makita siya nitong abala sa pagsipsip ng sariling dugo

Bigla siya nitong nilapitan at dumampot ng puting panyo saka inilingkis sa kanyang gitnang daliri

"Nababaliw ka na ba? Ba't mo sinipsip ng sinipsip ang dugo mo, baka mamutla iyang gitnang daliri mo kakasipsip!" Pangaral nito sa kanya

"Eh kasi naman Ate! Aksidenteng napadiin ang kagat ko sa'king daliri kaya nasugatan. Alangan namang hayaan ko lang itong tumulo sa mesa at sa sahig." Makatarungang sagot niya

"Iyan na nga ang sinasabi ni Mama eh! Nagtataka na nga kami kung bakit ka nagkakaganyan. Magpa check up na lang kaya tayo para malaman na natin kung ano na ba talaga ang nangyayari sa'yo." Suhestiyon ng kanyang Ate

"Asus! Huwag na, gastos lang 'yan. Wala akong sakit ano ba kayo! Licking and biting my fingers is my hobby Ate! Hindi na kayo nasanay sa'kin." Naiiling na sagot niya at binawi ang kamay

"Concerned lang kami sa kondisyon mo Jiezzeil, ayaw ka naming mapasama o masaktan. Kung hindi ka talaga namin makumbinsi na magpatingin sa espesiyalista, okay. Nasa sa iyo na 'yan" Sagot naman ng kanyang nakakatandang kapatid at iniwan siya

Napatingin na lamang sa panyo si Jiezziel na nasa kanyang daliri pa din. Pa'no kung may sakit talaga siya, paano kung lumala ito? Ano kaya ang posibleng mangyari sa kanya

Birthday ng kanyang ina ngayong araw at napagdesisyonan ng lahat na sila ay mag outing para icelebrate ang kaarawan ng kanyang ina lahat ay sasama maliban sa kanya

"Jiezzeil, ano tara sama tayo!" Yaya sa kanya ng pinsan para sumama siya

"Kayo na lang, masama ang pakiramdam ko eh." Sagot naman niya at hinagod hagod ang sariling dibdib

Totoo naman kasing masama talaga ang kanyang pakiramdam, nagsimula ito no'ng isang linggo na itigil niya ang panandaliang libangan

"Ay talaga ba? Nakakalungkot namang marinig 'yan Jiezziel. So paano, aalis na kami. Babalitan na lang kita pagdating namin okay ba 'yun?" At nagthumbs up sa harap niya

"Sige ba?! Basta ha, idetalye mo sa'kin lahat lahat ng mga pangyayari. Aasahan ko 'yan" Magiliw naman niyang sagot dito

Pabiro namang sumaludo sa kanya ang pinsan bago ito sumakay sa kanilang pick up at pinaharurot paalis

Napabuntong hininga na lang si Jiezziel at isinarado ang gate ng mawala na sa paningin niya ang kanilang sasakyan. Dahil nga birthday ng kanyang ina ay napagpasiyahan ng mga itong magtampisaw sa beach resort na hindi niya pa napupuntahan

Nakisama kasi ang pakiramdam niya kaya iyan tuloy hindi siya nakasama sa outing ng buong pamilya

Umupo sa sofa si Jiezzeil at inion ang T.V gamit ang remote nito, palipat lipat siya ng channel dahil lahat ng lumalabas sa telebisyon ay hindi angkop at hindi nakapasa sa gusto niya. Talagang bored na bored siya at walang magawa

"Ang boring naman sa bahay na 'to!" Palatak niya sa kanyang sarili at humiga sa sofa habang nakatingin sa flat screen TV at pinaglalaruan ang remote

Halos limang minuto ding nakahiga si Jiezziel sa sofa at namumungay ang mga matang nakatitig pa din sa TV. Nanunuod siya ng documentary at inaamin niyang inaantok na siya—hindi naman kasi siya introvert na tao

Hindi siya mahilig sa kalikasan, hindi siya mahilig sa musika, hindi siya mahilig magsulat, at higit sa lahat hindi siya palanuod ng kung anong teleserye sa telebisyon

Bumalik na naman sa pagkagat ni Jiezzeil sa kanyang mga daliri. Hindi pa nga gumagaling ang sugat niya ay kinain na naman niya ito—dumugo ulit ang kanyang daliri at hindi pa siya nakukuntento sa nakitang dugo na lumalabas sa kanyang daliri

Tumayo siya at pumunta ng kusina, hinanap niya ang kutsilyo at hiniwa ang balat niyon. Sipsip siya ng sipsip—para siyang nauulol dahil sa lasa ng dugong natikman niya galing sa kanyang daliri

Hindi pa siya nakuntento ay kinagat niya pa ang laman ng kanyang daliri at tinikman ito. Parang hilaw na karneng baboy lang kinakain niya at dahil sa may buto ang kanyang mga daliri, lumipat siya sa kanyang braso

Dinila dilaan niya pa ito pagkatapos ay kinagat kagat bago hiniwa ng kutsilyo

"Jiezziel! Ano ba iyang ginagawa mo." Sigaw ng kanyang ina ng makapasok ito sa kusina

"Ma?" Hindi makapaniwalang usal ni Jiezziel at pinahid ang bibig na may dugo

"Anak! Ba't mo ba kinakain ang sarili mo," Sigaw ulit nito at kinuha ang kutsilyo sa kanyang kamay

Sinundan niya lang ng tingin ang kanyang ina na bumalik sa sala at tinawag ang kanyang ama. Lahat ay nagpunta sa kusina at nagulat ang mga ito sa nasaksihan

Halos buto na lang ang kanyang mga daliri  at tuklap ang iilan sa kanyang mga balat. Umaagos ang mga dugo niyon at hindi man lang siya nakaramdam ng hapdi sa ginawang pagbalat ng kanyang mga balat sa kanyang braso

"Roger! Tumawag ka ng ambulansiya. Bilis!" Natatarantang sigaw ng kanyang ina at dinala siya sa sala

Nanghihina na din siya at ilang segundo na lang ay pipikit na ang kanyang mga mata

"Anak Jiezziel? Huwag mong ipikit ang mga mata mo, nandito lang si Mama—" Nagiging malabo na din ang kanyang paningin at sa isang iglap lang ay bigla na lang siya kinain ng antok

"Anong nangyayari Doc?" Rinig niyang tanong ng kanyang ina sa doctor na umasikaso sa kanya

Hindi sumagot ang doctor sa halip ay dahan-dahan nitong ipinatong ang dalawang daliri sa kanyang mga mata para buksan ito at ilawan gamit ang maliit na lente

Ganoon din ang ginawa sa kaliwang mata niya, inilawan din at sinuri suri

"Doc, ano na? Kamusta ang anak ko?" Tanong ulit ng kanyang ina

"Sa labas tayo mag-usap Mrs Ponce." Paggiya ng doctor sa pintuan bago sila lumabas

Nang marinig ni Jiezziel ang pagtunog ng pintuan na nakalabas na nga ang dalawang ay dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang dalawang mata. Sumalubong sa kanya ang puting kisame at nasisilaw siya sa ilaw na tumatama sa kanyang mukha

"Nasaan ako?" Mahina niyang pagkakasabi at dahan-dahang umupo sa pagkakahiga

Nagpalingon lingon siya

Puting dingding ang kanyang nakikita at isang IV sa kanyang gilid na nakakunekta sa kanyang kamay

Nagulat siya ng dumugo ang kanyang kamay na may IV na nakatusok sa kanyang ugat

"M-ma! Tulong, tulungan niyo ako!" Sigaw niya at akmang tatanggalin ang IV

"Anak!" Biglang pasok ng kanyang ina kasunod ang doctor

"Ma? Bakit ako nandito umuwi na tayo, ayoko dito!" Hila niya sa damit nito at kulang na lang na lumabitin siya sa leeg ng kanyang ina

"Doc, anong nangyayari sa anak ko?" Nag-aalalang tanong ng kanyang ina sa doctor nasa tabi niya

"Kailangan natin siyang pakalmahin Mrs Ponce—" Sagot naman nito

Nang tingnan niya ang doctor ay nakita niyang may hawak itong syringe at sinubukan kung may lalabas ba na tubig sa loob niyon. Takot siya sa anaesthesia, ayaw niyang maturukan

"Ma! Ayoko dito, umuwi na tayo please. Ma!!" Pagmamakaawa niya sa kanyang ina

"It's okay Jiezzeil, para din sa'yo 'to. Everything's going to be alright—calm down." Pagka-usap sa kanya ng doctor at dahan-dahang iminuwestra ang syringe sa kanyang braso

Nang makita niyang papalapit na ang may kataasang karayom ng syringe ay bigla na lang niyang itinulak ang doctor gamit ang kanyang isang kamay

"Tulong! Tulungan niyo ako, papatayin nila ako!!" Pagsisigaw niya pa

"Nurse! Nurse!" Sigaw din ng doctor sa loob ng hospital at hinawakan siya sa kanyang kaliwang braso

"Pakihawakan siya—bilis!" Utos ng doctor sa dalawang nurse na lalaki

Agad naman nitong sinunod ang gusto ng doctor at hinawakan siya sa magkabilang braso

"Ano ba, bitawan niyo ako!" Pagpupumiglas niya sa mga kamay ng nurse

"Kalma ka lang, Jiezziel." At pagkatapos no'n ay bigla na lang siyang nanghina at kinain ulit ng antok

"Doc, may sakit ba ang anak ko?" Nag-aalalang tanong ng ina ni Jiezziel sa doctor ng kanyang anak

Huminto naman sa pagsusulat ang doctor at ipinatong ang dalawang kamay sa mesa sabay pinagsiklop ang mga daliri

"To be honest Mrs Ponce, nag-aalangan akong magsabi sa inyo ng totoo. Si Jiezzeil ay may sakit na tinatawag nating Autophagia—" Pagsisimula ng doctor

Hindi nakapagsalita ang ina ni Jiezziel

Narinig na niya ang iilang balita sa sakit na ito. Nagmula daw ito sa bansang America at hindi alam ng mga eksperto kung nakakahawa ba ito o hindi

"D-doc? Ano po ba ang ibig sabihin ng Autophagia?" Naluluha niyang tanong dito

"Autophagia is a rare disease Mrs Ponce. Wala pa kaming naging pasyente na tinamaan ng ganitong klaseng sakit tanging ang anak niyo lang, hindi pa namin alam kung anong mabuting gamot ang ituturok o ipapainom kay Jiezziel. Pero Mrs Ponce, hindi kami mangangako sa inyo—susubukan namin na pagalingin ang anak niyo." Tugon nito na tanging tango lang ang kanyang naging sagot

Pagkatapos niyang makipag-usap sa doctor ay lumabas siya sa opisina nito at tinungo ang kwarto ng anak. Sinilip niya ito sa malaking bintana na may makapal na salamin

Napaiyak na lamang siya sa kalagayan ng anak

Naawa siya kay Jiezziel, hindi dapat ito nagdudusa sa sakit kung saan man ito nakuha ng kanyang anak. Wala siyang ibang magawa kundi ang manalangin sa Diyos na sana ay gumaling na ito

Alas nuwebe diyes ng gabi, nagising si Jiezziel. Pagod ang kanyang katawan at parang gusto niya lang matulog buong araw

"Ma?" Tawag na naman niya sa kanyang ina ng hindi ito mahanap sa inuukupahan niyang kwarto

"M-ma?" Pumiyok ang kanyang boses

"Jiezziel?" Tawag din ng kanyang ina ng makapasok ito sa loob at isinara ang pintuan

"Ma? A-anong nangyayari?" Walang lakas na tanong niya dito at pilit na pinaupo ang sarili sa hospital bed

"Anak, huwag mong pilitin ang iyong sarili. Humiga ka lang diyan." At pinahiga siya ulit

"Ma, a-ano ba talaga ang na-nangyayari sa'kin?" Batid ni Jiezziel na napapansin din ng kanyang ina ang kanyang garalgal na boses at ang kanyang sunod sunod na pagkautal

Hindi naman niya sinadya na magsalita ng ganoon sadyang hindi niya lang makontrol ang sariling bibig na magsalita ng normal sa harap nito

"Anak, ayokong masaktan ka sa sasabihin ko." Malumanay na saad ng kanyang ina pero hindi nakaligtas sa kanyang dalawang mata ang pangingilid ng mga luha nito na animo'y anumang oras ay magsisipatakan na ang mga malalaking butil sa mata ng kanyang ina

"May A-autophagia ka, J-jiezziel." Humihikbing pag-amin nito sa kanya

Salubong ang kilay na tiningnan niya ang kanyang ina. Hindi niya ito maintindihan—para lang siyang limang taon gulang na pinagmamasdan ito na umiiyak sa kanyang harapan

"Ma? Hindi kita maintindihan." Tugon niya dito

Humihikbi pa ding hinawakan ng kanyang ina ang kanyang kamay na may IV

"Alam mo ba kung anong sinabi ng doctor sa'kin kanina? A-ang sabi niya, malabo daw na gagaling k-ka. Hindi nila alam kung anong gamot ang ituturok o ipapainom sa'yo—" Garalgal na boses na ulat nito

Kumurap kurap ng ilang beses si Jiezzeil. Dahan-dahan niyang inintindi ang sinabi ng kanyang ina na may sakit daw siya—hindi talaga niya maintindihan ang sinabi nito

"H-hindi t-talaga kita ma-maintindihan M-Ma? A-anong sa-sakit, wala a-akong sak-kit." Bakas sa kanyang mukha ang maraming katanungan na nais masagot ng kanyang ina

Wala siyang sakit, malusog siya, wala siyang problema.

"Mrs Ponce?" Nabaling ang atensiyon nilang dalawa ng pumasok na naman ang doctor sa kwarto niya

"Ano po 'yun Doc?" Bago ito humarap sa doctor ay pinunasan muna nito ang mga luhang umaagos sa pisnge

"Base sa nakita namin kay Jiezziel, ay wala naman siyang ibang problema. Kailangan lang natin siyang obserbahan at painumin ng gamot sa tamang oras." Sabi ng doctor at naglabas ng isang maliit na bote sa lab coat nito

Inaninag ng mabuti ni Jiezziel kung anong klaseng bote ang hawak hawak nito at napag-alaman niyang gamot pala ito para sa kanya

"Jiezziel, ito ang gamot mo. Iinumin mo siya pagkatapos mong kumain ng agahan, pananghalian, at hapunan. Naiintindihan mo ba ako?" Bilin sa kanya ng doctor

"Opo Doc," Sagot naman niya dito

"Mabuti. Maiwan ko muna kayo" At lumabas na sa kanyang silid

Nginitian naman siya ng kanyang ina at hinawakang muli ang kanyang mga kamay

"Pagaling ka Jiezziel ah, kaya mo 'yan." Pampalakas loob na asik nito

"Oh ito inumin mo—" Abot sa kanya ng kanyang ina sa gamot na galing sa bote

Kinuha naman iyon ni Jiezziel at inilagay sa kanyang bibig pagkatapos ay kinuha ang isang baso ng tubig

Nang matapos na niya itong lunukin ay parang umikot ang kanyang paningin kaya minamadalas niya ang kanyang pag-iling iling

"Okay ka lang Jiezziel?" Tanong ng kanyang ina sa kanya

"Oo Ma, okay lang po ako." Walang ganang sagot naman niya at pilit na inaaliw ang sarili sa librong binabasa

"Pahinga ka na ha, pag natapos mo na iyang basahin." Bilin nito

"Opo—" Sagot naman niya

Umabot na ng alas dose ng tanghali ay hindi pa din nakakapagpahinga si Jiezziel, naaliw kasi siya sa nobelang binabasa hanggang sa magising ang kanyang ina na nakatulog pala sa pagbabantay sa kanya

"Jiezziel, hindi ka pa ba tapos magbasa diyan. Ipagpahinga mo naman iyang mga mata mo—" Pagkausap sa kanya ng ina at ihinanda ang kanyang pananghalian

Nang maamoy niya ang mabangong aroma ng pagkain ay dahan-dahan niyang ibinaba ang libro at tinupi ang pahina kung saan siya huminto sa pagbabasa

Ayaw niyang magpasubo sa kanyang ina dahil kaya naman niyang kumilos at asikasuhin ang sarili sadyang mahilig lang talaga mangspoil ang kanyang ina

"Pagkatapos niyan ay huwag mong kalimutan na inumin ang gamot, naiintindihan mo ba ako Jiezziel?" Tanong ng kanyang ina

Tumango lang siya dito at ipinagpatuloy ang pagkain. Hindi talaga umalis sa kanyang tabi ang kanyang ina dahil gusto nito na ubusin ang pagkain na nakahain sa kanyang harapan

"Oh ito gamot—" Abot nito sa kanya

Kinuha naman niya ito at kumuha ng isang tableta

Iniumang niya sa kanyang bibig ang tableta at sinunod ang tubig, napapikit siya habang dahan-dahang nilunok ang tubig

"Good girl, sige diyan ka muna magsi cr lang ako." Tugon nito sa kanya

Sinundan ni Jiezziel ang inang pumasok sa loob ng banyo at ng makapasok na ito sa loob ay dali-dali niyang inilabas ang tableta na nakatago lang pala sa ilalim ng kanyang dila at itinapon ito sa trash can malapit sa kanyang kinahihigaan

"Matulog ka na," Napapitlag na lang sa gulat si Jiezzeil at ibinaling kaagad ang paningin sa kanyang ina na kakalabas lang ng banyo

Hindi siya sumagot at dahan-dahang humiga sa kama saka ipinikit ang mga mata. Pinakiramdaman niya ang paligid, ayaw niyang matulog gusto niya pang magbasa ng libro na ikinataka niya ng husto

Gaya nga ng napag-usapan kanina ay hindi siya mahilig magbasa ng libro. Binuksan niya ang dalawang mata ng marinig niyang bumukas at sumarado ang pintuan ng kanyang silid—lumabas ang kanyang ina para siguro umuwi muna at magpahinga

Kinuha niya ang librong nasa ilalim ng kanyang unan at ipinagpatuloy ang pagbabasa. Gagawin niya ang inuutos ng kanyang sarili, para kasing inuutusan siya nito na gawin ang mga bagay na hindi niya gusto

"Jiezziel, kumusta na ang pakiramdam mo?" Biglang pasok ng kanyang pinsan na may dalang isang basket ng prutas

"O-okay naman. Ka-kayo?" Uutal niyang sagot dito na tiyak niyang napansin ng kanyang pinsan

"Anong nangyari sa tono ng 'yung pagsasalita? Ba't uutal utal? May nakain ka bang hindi maganda?" Sunod sunod na tanong nito

"W-wala, okay la-lang ako. S-sige, magba-babasa pa ako—" Hindi makatingin sa mga mata ng pinsan na usal niya

Pakiramdam niya kasi ay pagtatawanan siya nito o 'di kaya ay iinisin

Narinig niyang bumuntong hininga ang kanyang pinsan

"Jiezziel, naiintindihan kita. Alam kong nahihirapan ka na sitwasyon mo ngayon. Batid kong gusto mo na ding makauwi sa atin." Wika nito na ikinatingin niya sa pinsan

"Hindi m-mo ako p-pagtatawanan?" Paninigurado niya

"Gaga! Ba't naman kita pagtatawanan? Hindi madali ang ganyang sitwasyon 'no?!" Palatak pa nito

Napangiti na lang si Jiezziel sa narinig

"Na-nasaan sina Papa?" Tanong niya dito

"Susunod daw sila dito—" Sagot naman nito at nagsimulang balatan ang orange na galing sa basket

Ikatlong linggo mula ng madischarge si Jiezzeil sa hospital, ganoon pa din siya. Palaging pagod ang katawan at nagiging bookworm.

"M-ma? P-pwede bilhan m-mo ako ng ba-bagong libro?" Uutal utal pa ding pagka-usap ni Jiezziel sa kanyang ina

"Anong klaseng libro ba ang gusto mo?" Nakangiting sagot naman ng kanyang ina sa kanya

"Gu-gusto ko 'yung psychology a-at history." Sagot naman niya na mas ikinangiti pa ng malapad ng kanyang ina

"Sige, bibilhan kita. Basta ipangako mo muna sa'kin na matutulog ka sa araw na ito" Kondisyon nito

"O-opo?" Sang-ayon niya kaagad

"Sige na matulog ka na, asahan mong pagbalik ko may libro ka na namang babasahin." Pangako nito

Tumango ulit siya at dahan-dahang ihiniga ang sarili sa malambot na kama

Kahit na nakahiga na siya ay hindi pa din siya makatulog. Lumilipad ang isip niya sa kabilang ibayo ng mundo sabi nga ng iba

Para siyang nananaginip ng gising. Kahit na nakasarado na lahat ng kanyang bintana at natatakpan ng naglalakihan at nagkakapalang kurtina ay hindi pa din siya dinalaw ng antok

Malaki na din ang kanyang eyebags dahil sa kasipagan niyang magbasa, umaabot siya ng alas tres ng madaling araw kakabasa ng mga misteryosong libro na nakakuha sa kanya ng atensiyon

Mula ng madischarge siya sa hospital ay wala ng pinainum sa kanya na gamot maliban na lang na may nurse na nagpupunta dito tuwing weekends para kamustahin siya

Napakamot sa batok si Jiezziel ng maramdaman niyang nangangati ito. May sugat siya sa batok dahil aksidente siyang nahulog sa upuan at tumama ito sa gilid ng mesa

Hindi niya namamalayan na dumudugo na pala ito dahil sa kanyang mga matatalas na kuko. Ang iilang mga eskirol na nasa kanyang balat ay tinuklap niya isa isa at tiningnan ito habang umaagos ang sariwang dugo sa kanyang braso

She's tempted again to taste her own blood and flesh—

Pero bago niya magawa ang kanyang balak ay may pumasok ng dalawang nurse at hinawakan siya sa magkabilang braso

"H-hoy! A-anong ginagawa n-niyo?! Bitawan ni-niyo ako!" Pagsisigaw niya at pilit na lumalaban sa mga ito

"Sorry Jiezziel. Sorry—" Rinig niyang bulalas ng kanyang ina bago siya tinurukan ng pampatulog

"Sigurado ba kayong magiging okay lang siya dito?" Mahinang pagkakasabi ng ina ni Jiezziel habang tinitingnan ang anak na malayo ang tingin sa loob ng maluwag na kwarto

"I'm one hundred percent sure ma'am na magiging okay si Jiezzeil dito. Huwag kayong mag-alala. Aalagaan namin ang anak niyo at hindi namin papabayaan" Sagot naman ng nurse at iniwan siya

Napahawak na lang sa makapal na salamin ang ina ni Jiezziel at pinagmamasdan ang sariling unti unting kinakain ang sarili

Naawa siya sa kalagayan nito—wala siyang ibang magawa kundi ipaubaya ito sa isang ward na puro mga pasyenteng may sakit kabilang ang kanyang anak

"Jiezziel, sana mapatawad mo ako." Nanlulumong wika niya at pinagmasdan pa ulit ito bago niya ito iniwan

Bab berikutnya