webnovel

Chapter 28: Gloomy Sunday

SUNDAY is gloomy, my hours are slumberless.

Dearest, the shadows I live with are numberless.

Little white flowers will never awaken you, not where the black coach of sorrow has taken you.

Napahiga na lang sa sahig ang kinse anyos na babae habang nangingisay dahil sa uminom ito ng laksante habang nakikinig sa kantang Gloomy Sunday. Nasa kailaliman kasi ito ng depresiyon at hindi na kinaya ang nararamdaman sa pang-araw araw na siya ay gumigising

Angels have no thought of ever returning you.

Would they be angry if I thought of joining you?

Gloomy Sunday.

"Diyos ko anak!" Sigaw ng ina ng tinedyer ng makita itong nakahiga sa sahig at patuloy pa ding nangigisay

"Anak ko, ano bang nangyayari sa'yo!" Natatarantang usal ng ina at pinahiran ang bibig nitong may bulang lumalabas

Gloomy is Sunday; with shadows-

Dali-daling pinatay ng nanay ang radyong patuloy pa din sa pagkanta ng sikat na awitin

"Darwin!" Sigaw nito at ipinaunan ang ulo sa kanyang hita

"Anong nangyayari Silvia? Ba't ka sumisigaw?" Nagtatanong na pumasok ito sa kwarto ng batang babae habang ang mukha ay may pumada pa na halatang kagagaling lang nag-ahit

"Ang anak natin?" Umiiyak na tugon ng ginang

Dali-dali namang lumapit ang lalaki at binuhat ang kanilang anak palabas ng bahay saka humingi ng tulong sa mga malalapit na kapitbahay

"Sofia, okay ka lang?" Tanong ni Joy ang kaibigan ni Sofia

"Ha? Anong s-sabi mo?" Nabibinging sagot naman ni Sofia at kinurap kurap ang mga matang tiningnan si Joy

Joy rolled her eyes at Sofia

"Hay naku! Hindi ka na naman nakinig. Ano ba kasing problema mo ha? At palagi ka na lang nakatingin sa kawalan!" Palatak ng kanyang kaibigan at pasalampak na inupo ang sarili sa harapan niya

"W-wala, wala akong problema." Tanggi ni Sofia at umiwas ng tingin kay Joy

"Kung ako sa'yo Sofia h'wag mo ng isipin ang mga bagay bagay na makakagulo sa'yo. I'm telling you ikaw pa din ang magdudusa sa huli-" Usal ni Joy

Hindi na lang niya sinagot ang sinabi ni Joy, tama nga naman ito. At bakit pa niya poproblemahin ang mga mabibigat na bagay na nasa isipan niya

Hindi naman ito nakakatulong sa kanya.

"Isa na namang teenager ang namatay kanina, dahil uminom ito ng detergent habang ito ay nagkukulong sa kwarto." Napatingin silang dalawa ni Joy sa isang maliit na telebisyon na nakasabit sa taas ng counter ng cafeteria na tinatambayan nila

"May tanong po ako Ma'am at Sir. Bakit po bigla na lang uminom ang anak niyo ng detergent, may pinagdadaanan ba ang anak niyo?" Tanong sa ng reporter sa dalawang taong nakaharap sa video

"Hindi ko alam kung anong nangyayari sa anak namin. Basta ang alam ko ay depress daw siya at hindi na niya kinaya iyon, palagi siyang humihingi ng tulong at payo sa akin kasi nahihirapan na daw siya. Sa una ay hindi ako naniniwala, akala ko ay nagbibiro lang ang aking anak pero totoo pala talaga ang dinaramdam niya-at ng pumasok ako sa kwarto niya ay nangigisay na ito habang nakaplay ang kantang Gloomy Sunday sa radyo na nasa kwarto niya" Pagsasalaysay ng ginang

"Talaga ba, Ma'am? Sa tingin niyo may kinalaman ang kantang Gloomy Sunday sa pagkamatay ng iyong anak?" Tanong ulit ng reporter

"Oo! Malakas ang kutob kong may kinalaman nga ang sikat na awitin na 'yan. Nangyari din kasi ang pangyayaring ito sa aking pamangkin-namatay din siya dahil sa pakikinig ng Gloomy Sunday!" Sagot naman ng kasama ng ginang

"Hala? Totoo pala talaga ang bali balita ngayon sa Gloomy Sunday na iyan. Sa tingin mo Sofia kapag napakinggan na natin ang kanta ni Billy Holiday mamatay din ba tayo?" Parang natatakot na tanong ni Joy kay Sofia

"Ewan ko, hindi ko pa naman din naririnig iyan-" Sagot naman ni Sofia

-

"Ma, nandito na ako-" Pang-iimporma ni Sofia na kakauwi pa lang galing sa kanilang paaralan

"Saan ka galing at bakit ngayon ka lang naka-uwi? Alas syete na ng gabi at kanina pa kami naghihintay sa'yo dito?!" Bungad nito sa kanya ng tuluyan na siyang makapasok sa loob

"Ma-"

"Siguro ay lumalandi ka na 'no? Sige, mag boyfriend ka kung gusto mo tingnan lang natin kung hindi ka uuwi dito kapag buntis ka na at iniwan ka ng walang hiya mong nobyo." Panghuhusga nito sa kanya

Napayuko na lang siya at tinanggap ang mga masasakit na salita na galing sa kanyang ina. Ito, ito ang problema niya kaya ayaw na niyang umuwi sa bahay nila kasi pakiramdam niya siya na naman ang mali

Napapagod na siyang makinig sa mga paulit-ulit na sinasabi nito. Natural lang naman na gabihin siya kasi tambak ang proyekto nila sa kanilang paaralan-ay oo nga pala. Bakit pa siya aasa dito, ang gusto lang naman niya ay maintindihan siya nito hindi puro na lang panghuhusga at panlalait ang lumalabas sa bibig nito

"Ma, pagod po ako pwede mamaya na lang tayo mag-usap kahit kunting pahinga naman ibigay niyo sa'kin. Mamaya niyo na po ako singhalan" Mahihimigan sa boses niya ang pagod at pagsasawa

"Aba! Sumasagot ka na sa'kin Sofia. Ganoon ganoon na lang, pagkatapos kitang bihisan, pakainin, pag-aralin. Ito ang ibabalik mo sa'kin?!" Sumbat na naman nito

"Ma, tama na po! Wala na kayong ibang ginawa kundi sumbatan, pagalitan, at husgahan ako-may puso ako ma at nasasaktan ako sa mga salitang lumalabas sa bibig nito. Manhid ba kayo? Kasi hindi kayo marunong makiramdam ng damdamin ng iba!" Sigaw niya dito

At sa isang iglap lang ay naramdaman na lang ni Sofia na humahapdi na ang pisnge niya dahil sa pagsampal sa kanya ng kanyang ina

"Wala ka talagang kwenta Sofia, wala kayong pinagkaiba ng tatay mong wala ding kwenta!" Huling sabi nito at tinalikuran siya

Wala nga siyang kakwenta kwenta, kung hindi dahil sa kanya ay mahirap sana sila ngayon, kung hindi dahil sa kanya wala silang pera ngayon, at kung hindi dahil sa kanya wala itong pambili sa mga nais nitong bilhin. Tapos siya pa ang may mali sa mga mata nito-hindi ba ito nahihiya sa kanya. Walang utang na loob!

"Oh saan ka na naman pupunta? Kikitain mo na naman ang nobyo mong pinaglalaruan ka lang? Sige Sofia ipagpatuloy mo lang 'yan..." Nang-uuyam na tugon nito bago siya makalabas sa kanilang bahay

Nang makalabas siya ay naturang napabuga siya ng hangin

Mabigat pa din ang pakiramdam niya, at ngayong gabi hahanap na naman siya ng raket para magkapera, isa siyang working student at hindi stable ang trabaho niya palipat lipat kasi siya ng destino. Kulang na nga lang ay pumasok siya sa bar bilang isang bayarang babae

Pero hindi niya gagawin iyon, hindi niya pwedeng isuko ang dangal na natitira sa kanya. At alam niyang sa mga oras na ito ay may panibagong pag-asa na namang dadating

"Ano ka ba naman kasi Sofia, inofferan na kita ng trabaho tinanggihan mo pa! 'Yun tuloy may nakapasok na-" Tila nanghihinayang na bulalas ni Joy sa kabilang linya

Gusto kasi ng kaibigan niya na ipasok siya bilang katulong sa bahay nito, pero nahihiya siya lalo na't kilala siya ng mga magulang nito dahil nagtototur siya kay Joy dati

"Ano ka ba! Okay lang 'no. At tsaka kaya ko na ang sarili ko h'wag ka ng mag-alala diyan." Pinanatili niyang maging masaya ang boses kahit na naiiyak na siya sa sobrang pagod at parang anytime ay susuko na siya

"Alam mo naaawa na talaga ako sa'yo. Gusto mo na bang mamatay ha? Maawa ka naman sa sarili mo Sofia!" Pangaral nito sa kanya

"Hindi pwede Joy, ako lang kasi ang inaasahan nila Mama at Ate-" Sagot naman niya

"Bahala ka, basta ako tinulungan na kita-kung may kailangan ka h'wag kang mahiyang tumawag sa'kin nandito lang ako para sa'yo okay?" Batid niyang nakangiti ito ngayon

"Sige-" Sagot niya at hindi na hinintay si Joy na makasagot

Pagkatapos niyang ini end ang tawag ay balik na naman siya sa normal.

-

Gloomy is Sunday; with shadows I spend it all.

My heart and I have decided to end it all.

"Trixie!" Sigaw ng isang ginang ng makita nito ang anak niyang nilulunod ang sarili sa bath tub

Soon there'll be candles and prayers that are sad, I know.

"Trixie, anak ko. Ano bang ginagawa mo sa sarili mo-" Umiiyak na tugon ng ginang habang inaalis ang anak sa bath tub na wala ng buhay at putlang putla na dahil sa kanina pa pala ito nakababad

Agad siyang tumawag ng ambulansiya para dalhin ang anak sa hospital

"Pasensiya na po Ma'am, pero wala na po ang anak niyo-" Sabi ng isang nurse na ngayon ay inaasikaso ang bangkay ni Trixie

"Hindi buhay pa ang anak ko, buhay pa siya-ibalik niyo ang anak ko. Paki-usap!" Halos nag iisteriko ng pagmamakaawa ng ginang

"We we're sorry Ma'am," Tanging naisabi na lang ng nurse at inasikaso na itong muli

-

"May nasawi na namang teenager na nagngangalang Trixie, natagpuan ito ng kanyang ina na nilulunod ang sarili sa kanilang bath tub. Ano kaya ang sanhi ng pagkamatay nito?" Pagpapahayag ng reporter

Napataas naman ang kilay ni Sofia sa narinig

Nababahala na siya dahil sa parami rami na ang namamatay na mga teenager kagaya niya-ano kaya ang rason kung bakit ang mga ito nagpapakamatay

"Sofia, oras na para umuwi-sige na nandito na ang papalit sa'yo." Nakangiting sinabihan siya ng kanyang amo

Nakahinga ng maluwag si Sofia dahil makaka-uwi na din siya sa wakas

It's already 3:30 am at isang oras na lang ang ipapahinga niya at pagkatapos no'n papasok na naman siya sa paaralan

"Talaga? Hoy, h'wag mo akong ginag*go ah-kasi g*gong g*go na ako." Rinig ni Sofia sa isang madilim na eskinita habang siya ay naglalakad

"Putang*nang hayop 'to. Akin na nga 'yan-isa ka talagang napakalaking y*wa!" Sagot naman ng isa pa

Nang mapadaan siya kung saan may dalawang lalaking nag-uusap ay humigpit ang hawak niya sa kanyang sling bag

"Hoy pare, may chix oh? Tara lapitan natin-" Muli ay narinig na naman niyang sabi ng lalaki

Naturang binilisan niya ang paglalakad

"Teyka lang Miss-" Tawag nito sa kanya ng isang lalaki

Pahigpit ng pahigpit ang hawak niya sa kanyang sling bag na tipong mapuputol na ito dahil sa namamawis na ang mga kamay niya at panay pa ang hila niya

"Ano ba! Bitawan mo ako!" Pagpupumiglas niya sa kamay ng isang lalaki

Nang mahawakan siya nito ay naturang nagsitayuan ang mga balahibo niya sa katawan dahil magaspang ang mga nito dahil siguro sa kakapalan ng kalyo

"Tumahimik ka nga! Ang ingay mo ah, mag-uusap lang naman tayo!" Sigaw sa kanya ng isang lalaki at hinawakan siya sa kaliwang braso

"Hoy bitawan niyo siya-" Sita ng isang lalaki sa mga binatilyong nakahawak sa kanya

"Hoy g*go h'wag kang maki-alam dito ah." Matapang na saad nito at hinigpitan pa ang pagkakahawak sa kamay niya

Inilawan ng lalaki silang tatlo at dahan-dahan itong lumapit

"Bitawan niyo siya sabi!" Pigil na pigil ang galit na saad nito

"Paki-alamero ka ah? Kung gusto mo maghanap ka ng sa'yo-h'wag kang mang-agaw!" Matigas na sagot naman ng lalaki

Bigla na lang naglabas ng baril ang lalaki at itinutok ito sa dalawang kalalakihan

"Bitawan niyo siya, kung ayaw niyo pang mamatay-" Diretsong sabi nito at tuwid ang tayo

Naramdaman naman niyang unti-unti siyang binitiwan ng mga lalaki at dahan-dahan pa itong umatras sabay takbo papalayo sa kanila

"Okay ka lang?" Malamig na tinanong siya ng lalaki

"O-oo at salamat sa pagligtas sa'kin." Sagot ni Sofia na hindi magawang tingnan ang lalaki

"Don't be-" Sagot naman nito at tinalikuran siya

"Teyka, s-sandali lang!" Sigaw niya na ikinahinto ng lalaki sa paglalakad

Dali-dali namang naglakad si Sofia papalapit dito

"P-pwedeng makisabay?" Nahihiya niyang tugon at umiwas ng tingin

Naramdaman niyang tiningnan siya ng lalaki at tumango naman ito

"Sure-" Tugon nito at nagpatuloy na sa paglalakad

Siya naman ay nakasunod lang sa likuran nito habang pinagmamasdan ang katawan ng lalaki

Matangkad at malapad ang mga balikat at balingkinitan ang katawan

"H'wag mong titigan ang likod ko." Nakakatakot ang boses na saad nito na ikinatungo niya

Nakaramdam siya ng hiya, kahit nakatalikod pala ito ay parang nakikita ng lalaking kasabay niya ang bawat galaw niya

"S-sorry," Tanging nasabi na lamang niya bago lumihis ng daan ang lalaki ng malapit na sila sa kalsada

-

Nakatingin na naman sa malayo si Sofia at malawak ang iniisip, hindi niya kasi makakalimutan ang gabing muntik ng mapagtripan ng mga tambay sa madilim na eskinita

"Sofia!" Napaigtad siya sa gulat ng may parang nahulog na bagay sa kanyang armchair

Awtomatikong nag-angat siya ng tingin at nakita niya ang kanyang gurong masama ang tingin sa kanya

"Kanina ko pa kinukuha ang atensiyon mo, hindi ka ba nakikinig?!" Galit na galit na binulyawan siya ng kanyang guro

"Sorry po hindi na po mauulit-" Tugon niya at yumuko na lamang

"Palagi ka na lang nagsosorry! Ano bang problema mo at bakit pagdating sa klase ko ay hindi ka nakikinig at malayo pa ang tingin mo, sumagot ka!" Sigaw na naman nito

Hindi niya alam na sa gitna ng pagsigaw ng guro niya ay umiiyak na pala siya. Hindi niya kasi matanggap na pinagalitan na naman siya nito

"S-sorry po...." Humihikbing usal niya

"Labas," Pagpapalabas ng kanilang guro sa kanya

Hindi siya tuminag sa kinauupuan

"Ang sabi ko labas! Hindi mo na naman ba ako naririnig ha?!" Sigaw na naman nito

At dahil sa parang nakipagkarera ang puso niya dahil sa sobrang bilis ng tibok nito ay dali-dali niyang niligpit ang mga gamit na nakalatag sa kanyang arm chair at isinilid iyon sa kanyang bag

Pagkatapos ay walang sabi-sabing tumayo saka patakbong umalis sa kanilang silid aralan. Namamalisbis ang mga luhang patuloy siya sa pagtakbo hanggang sa napahinto siya dahil may nabangga siya

"S-sorry." Hingi niyang tawad at napapikit na naman

Akala niya ay sisinghalan o sisisgawan siya ng kanyang nakabunggo pero nagkamali siya

"Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo, h'wag kang takbo ng takbo baka hindi mo namamalayan lumagpas ka na pala at baka mahulog ka pa sa building na ito." Sabi nito sa kanya

Nag-angat siya ng tingin sa lalaking kaharap niya at tama nga siya ito 'yung nakasabayan niya kagabi

"I-Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang wika niya at tiningnan ito

Tiningnan naman siya ng lalaki mula hanggang paa at nginisihan siya

"Dito ako nag-aaral." Simpleng tugon nito at namulsa

"A-ahh, o-okay." Tanging naisagot niya lamang at nilagpasan na ito. Ano pa ba ang gusto niyang gawin magpapansin dito eh sa mukhang nakakatakot naman ito

"Kent-" Usal nito na ikinahinto niya sa paglalakad

"A-ano?" Tugon niya at unti unti itong nilingon

"Ako si Kent." Pag-uulit nito at nagsimulang maglakad papalayo sa kanya

Nagtataka man sa inakto ay hindi niya maiwasang sundan ito ng tingin

At wala sa sariling napangiti siya sa ginawang pag-amin ng pangalan nito sa kanya

-

"Ba't ka pa umuwi dito?" Nang-uuyam na namang bungad sa kanya ng ina habang may kasama itong mga barkada at naglalaro ng baraha

Hindi na lang siya sumagot sa halip ay nagmamadali siyang nagtungo sa taas

Ano na naman ang mapapala niya sa mga salita nitong walang kakwenta kwenta. Ni kumustahin siya kung okay lang ba siya ay hindi siya matanong tanong

"Naka-uwi ka na pala? Akala ko ay lumayas ka na?" Nakangising bungad sa kanya ng kanyang Ate na nakaupo sa hagdanan

Inirapan niya lang ito at nilagpasan

Kahit ang Ate niya ganoon din ang pakikitungo sa kanya. Napapailing na lang siya-kailan kaya ang mga ito babait.

"Oh Joy, napatawag ka?" Wala sa mood niyang sinagot ang tawag ni Joy

"Nabalitaan ko kasing pinaalis ka ng guro niyo kanina tapos umiyak ka pa. Okay ka lang ba?" Sabi nito sa nag-aalalang boses

Napatawa na lang siya ng pagak

Mabuti pa si Joy na hindi niya kadugo nag-aalala sa kanya pero ang Ate at Mama niya siguro magiging mabait lang ang mga ito kapag wala na siya

"Okay lang ako Joy, salamat sa pag-alala" Nakangiti niyang sagot dito kahit hindi nakikita ng kaibigan

"Hindi ka okay Sofia, halata sa boses mong pagod na pagod ka ng pakisamahan ang pamilya mo. Laban lang huh, h'wag kang susuko-h'wag kang tumulad sa mga teenager na nagpapakamatay dahil sa mga problemang hindi nila kayang ihandle. Tandaan mo nandito lang ako para sa'yo" Pangche cheer up ni Joy sa kanya

"Salamat Joy, salamat ng marami-"

-

Makalipas ang ilang araw ay naging okay naman ang buhay ni Sofia, walang magulo hanggang sa pumasok si Kent sa buhay niya

"Sure ka ba Kent na hindi tayo mahuhuli kapag nagskip tayo ng class?" Tanong niya sa kanyang nobyo na ngayon ay hawak hawak ang kamay niya

"H'wag kang mag-aalala Sofia. Alam ko ang pasikot sikot dito magtiwala ka lang sakin-" Tugon nito at nginitian siya na sanhi ng pagkabaliw niya kay Kent

Bago pa niya ito sinagot ay nangako pa itong maging tapat sa kanya at hinding hindi daw siya lolokohin. Kahit kakakilala pa lang niya kay Kent ay sinagot na niya kaagad ito

"Saan ba tayo pupunta?" Nalilitong wika niya at hinigpitan ang paghawak sa kamay ni Kent

"Basta, sa lugar kong saan magugustuhan mo." Sagot naman nito

Hindi na lang nag-abalang nagtanong pa si Sofia sa halip ay hinayaan niya na lang itong dalhin siya sa lugar kung saan hindi siya malungkot, at sa lugar kung saan kasama niya si Kent

-

"Ba't ka nagskip?" Puno ng galit na tinanong siya ng kanyang ina

Pasalampak naman na inupo ni Sofia ang sarili sa sofa at nagsindi ng sigarilyo

"Paki mo ba! Hindi naman ikaw ang nag-aaral." Irap niya dito at humithit pa ng humithit sa sigarilyong hawak niya

"Akin na nga 'yan!" Pag-agaw sa kanya ng sigarilyo at inapak apakan pa ng kanyang ina sa sahig

"Ano bang ginagawa niyo!" Singhal niya dito na ikinagulat ng husto ng kanyang ina

All of a sudden ay mabilis ang pagbabago niya ang dating Sofia na masipag, mabait, at responsable ay naging masama, walang respeto, at higit sa lahat nagiging bisyoso

Pasalamat siya kay Kent at tinuruan siya nito kung paano manigarilyo. Kahit paggamit ng bawal na gamot ay nasubukan na din niya

"Ba't ba kayo nangingialam sa buhay ko! Masaya na ako kung ano ako ngayon ma! Kahit ito man lang ay ipinagkakait niyo sa'kin, bakit no'ng kayo ba nangialam ba ako? Hindi naman 'di ba, hinayaan ko lang kayo sa kung ano man ang gusto niyo tapos ngayong ako naman bigla bigla na lang kayong umepal. Ma, h'wag ka pong ganoon, nakakainis-" Panunumbat niya dito na parang hindi niya ito ina

"Walang kang respetong bata ka sana noong bata ka pa ay pinatay na kita!" Sagot naman nito na ikinatawa niya ng malakas

"Ba't di niyo ginawa? Mabuti pa sana kung nilagyan niyo ng unan ang mukha noong bata pa ako. Ang bobo niyo kasi hindi nag-iisip?" Sabay turo niya kung saan nakalagay ang utak

Napahalakhak na lang siya ng iniwan siya ng kanyang ina na mag-isa sa sala. Ito ang gusto niya sa buhay ang walang nangingialam sa kung ano man ang gusto niyang gawin

-

"Kent, saan na naman ba tayo pupunta? Susurpresahin mo na naman ba ako?" Nakangiting tinanong niya ang nobyo

"Oo at panigurado akong magugulat ka iiyak ka pa nga siguro eh." Bulalas nito na hindi man lang siya tiningnan

"Kent, ano 'to?" Nakangiti niya pa ding tinanong ang nobyo

Hindi sumagot si Kent sa halip ay binitiwan na nito ang paghawak sa kanyang kamay at pumunta sa harapan sabay harap sa kanya

"Ano na naman ba ang pakulo mo ha?" Excited na excited niyang tugon

Pero nawala kaagad ang ngiti niya ng may pumasok na isang babae-si Joy ang kaibigan niya

"Oy Joy, ba't ka nandito?" Seryosong palatak niya sa kaibigan

Dahan-dahan namang lumapit si Joy kay Kent at niyakap ito

"Sorry Sofia, we cheated on you..." At matamis siya nitong nginitian

Doon na nagsiunahang pumatak ang mga luha niya

Bakit, bakit nila nagawa sa kanya ito

"Kent, hindi 'to totoo 'di ba? Props mo lang 'to para maging interesting ang dating." Hindi naniniwalang usal niya

"No Sofia, what you see right now is real. Me and Joy had an affair at sorry kung hindi namin sinabi sa iyo sorry if we cheated." Walang ka emosyong emosyon na sabi ni Kent

"Walang hiya ka Kent, sabi mo mahal mo ako. Nasaan na ang pangako mo ha!" Parang batang umiyak siya sa harapan nito

"At naniwala ka naman?" Nakangising singit naman ni Joy

Tiningnan naman niya ito ng puno ng pagsisisi at pagkadisgusto

"Akala ko ay tunay ka Joy, wala ka palang pinagkaiba sa mga parents ko. You're such an evil too!" Singhal niya dito na ikinailing lang ni Joy

"Dati pa akong masama Sofia, magaling lang talaga akong magtago sa kung ano ang tunay kong anyo. Sabi nga ng iba h'wag kang basta basta maniwala-" Kibit balikat nitong sabi

"Mga hayop kayo, mabulok sana kayo sa impyerno!" Huling sabi niya at tumakbo

Nasasaktan siya at hindi niya ipagkakaila iyon. Mahal na mahal niya si Kent pero niloko siya nito-ang sakit sobra

-

Nakangising nagsindi ng kandila si Sofia habang tiningnan ang bagong bilang druga. Nababaliw na siya at panay ang singhot niya ng maamoy ang usok nito

Ini on niya ang cellphone at nagpatugtog ng kanta na ngayon niya lang narinig

Sunday is Gloomy, my hours are slumberless.

Dearest, the shadows I live with are numberless.

Little white flowers will never awaken you, not where the black coach of sorrow has taken you

Angels have no thought of ever returning you.

Would they be angry if I thought of joining you?

Gloomy Sunday.

Parang baliw na sumasayaw si Sofia habang nakikinig sa kanta at inaamin niyang para siyang hinihili sa bawat salita na naririnig niya

Gloomy is Sunday; with shadows I spend it all.

My heart and I have decided to end it all.

Soon there'll be candles and prayers that are sad, I know.

"Death is no dream, for in death I'm caressing you." Sabay ni Sofia kay Billy Holiday

With the last breath of my soul I'll be blessing you

Gloomy Sunday.

Nang marinig na niyang tuluyan ang kanta ay tawa siya ng tawa habang papunta sa balkonaheng napakataas

Lumanghap muna siya ng sariwang hangin bago umakyat sa malapad na railings

Parang may nag-udyok sa kanyang gawin ang bagay na ito na tiyak niyang hinding hindi niya pagsisihan

Napapikit siya habang ibinuka ang mga braso sa ere

Pagkatapos ay dahan-dahan niyang ihinulog ang katawan. Mabilis ang mga pangyayari-sampung segundo lang ay nakahiga na siya sa kalsada na basag ang ulo at parang lahat yata ng dugo niya ay nagsilabasan

"Diyos ko! May batang tumalon mula sa 15th floor!" Pagsisigaw ng nakasaksi

"Nasaan nasaan? Hala! Anong nangyari ba't siya tumalon?"

Pinagkakaguluhan ng mga tao ang katawan ni Sofia na nakahiga sa gilid ng kalsada

Nanatiling nakabukas ang dalawa niyang mga mata at may ngiti sa mga labing nagpakamatay siya. Hindi niya pinagsisihan ang nangyari

At nagpapasalamat siya na ngayon ay makakapagpahinga na siya

Bab berikutnya