webnovel

17

"Sige pa, Mahal na Prinsipe. Kulang na kulang pa 'yan. Dagdagan mo pa, napaka unting enerhiya pa lamang ang nailalabas mo." ani ni Ministro habang ako ay naka squat, ang kanang palad ay nakatutok sa puno. Ang aking kailangang gawin ngayon ay mapatumba ang puno gamit ang lakas ko. Ngunit kanina pa ako rito, kaunting crack pa lang ang nagagawa.

"Ayoko na, Ministro. Pagod na pagod nako. Kanina pa 'ko rito. Kahit anong pilit ko wala talaga." saad ko habang hindi parin bumibitaw ang mga kamay ko. Mula sa pagkaka talikod ay humarap siya sakin, napalunok ako ng makita ang seryoso niyang titig.

"Mahal na Prinsipe, nag uumpisa pa lamang tayo. Ganyan mo ba gustong humarap sa mga taong pumaslang sa iyong Amang Hari at Inang reyna? Gusto mo bang pag tawanan ka na lamang nila?" tanong nito kaya agad akong napailing. Hinding hindi ako papayag, babawiin ko ang trono. Ipag hihiganti ko ang Amang Hari at Inang Reyan, babawiin ko kung anong dapat ay sa amin.

"Kung ganoon, magpa tuloy ka lang diyaan. Kahit pagod kana, wala kang magagawa. Hindi ka dapat mapagod sa oras na'to, Mahal na Prinsipe. Dahil darating na ang mas malaki pang delubyo." ani niya dahilan para mapatingin ako sakaniya.

"Anong delubyo ang tinutukoy mo, Ministro?" tanong ko sakaniya.

"Iyon ay ang pag babalik ng panganay na Anak ng Mahal na Hari, ang Mahal na Prinsipe. Nararamdaman ko nalalapit na ang pag babalik niya sa ating mundo."

"Sus. Matatalo ko lang ng mabilisan ang isang 'yon. Ako pa. Walang laban 'yon sakin."

Umiling ito at tumalikod atsaka hinawakan ang kaniyang katana, "Ang Mahal na Prinsipe ay magaling pagdating sa labanan. Kayang kaya niyang kontrolin ang kaniyang kapangyarihan."

"Kung ganoon, sa tingin niyo po ba, kapag kinalaban ko siya sino ang mananalo?" tanong ko rito.

"Kung ninanais mo ang totoong sagot. Hindi, hinding hindi mo siya matatalo sa lagay mong 'yan. Napakalayo ng agwat ninyong dalawa, hindi pa aabot sa sampong porsyento ang pag asa mong manalo laban sa kaniya." saad nito dahilan para mapangiwi ako.

"Kung ganoon, gagawa ako ng paraan para matalo ko siya. Alam ko sa sarili kong mas malakas ako sa isang 'yon."

"At nandito ako upang damayan ka at mas palakasin ka pa. Alam kong, taglay mo ang isang napaka lakas na kapangyarihan at ang talino ng iyong Ama na dating Mahal na Hari." saad nito, kitang kita ang determinasyon sa kaniyang mga mata. Ngumiti siya at tumango rito at ganoon rin ang naging tugon nito.

After 5 months...

"Napaka galing mo na talaga. Kayang kaya mo na. Ayos lang ba ang kamay mo? Napagod kaba? Mag pahinga kana muna Mahal na Prinsipe." saad ni Ministro habang nakatingin kay Grant na ngayon ay itinigil na ang pag sasanay gamit ang kaniyang kapangyarihan, ang katana, ang espada at ang pana.

"Kailan ba natin sisimulan ang ating plano, Ministro? Naiinis na ako kasi mas lalong pumapangit ang pangangalakad rito ng kasulukuyang Mahal na Hari. Ang daming nasasaktan sa kaniyang kapangahasan at maling desisyon."

"Naiintindihan kita, mag hintay pa tayo ng tamang panahon. Malapit narin iyon, Mahal na Prinsipe."

Tumango siya, "Kung ganoon, aalis na muna ako. Kayo na muna ang bahala diyan. Mag ingat kayo, babalik rin ako." saad niya at tumayo na para umalis.

Napa iling nalang ang Ministro, "Saan ka nanaman mag tutungo Mahal na Prinsipe?"

"Sa bayan, meron lamang akong titignan."

"Mag iingat ka."

"Masusunod. Babalik rin agad ako."

Nagtungo siya sa bayan at doon nag lakad lakad. Maraming tao ngayon dahil nag bagsak ng presyo ang mga bilihin. Palagi siyang nag tutungo rito upang mag lakad lakad at tumingin tingin sa paligid.

"Mahal ko, anong ginagawa mo rito? Nag punta kaba rito upang makita moko? Alam mo, sa tingin ko tadhana na ang gumagawa ng paraan para mag kita tayo palagi." napangiwi siya ng marinig nanaman ang pamilyar na boses na iyon ng isang babae.

Napailing siya at naiinis na napatingin kay Yeondan, "Ano nanamang ginagawa mo rito? Atsaka isa pa, hindi ako nag tungo rito upang makita ka. Nandito lamang ako upang mag lakad lakad. Kung ikaw man ang itinadhana sakin, mas mabuti pang hindi na'ko mag asawa."

Kumapit ito sakaniyang kamay dahilan para mapabuga siya sa hangin, "Bakit kaba ganyan, Mahal ko? Palagi mo nalang akong sinusungitan. Siguro ganiyan ka mag mahal, ano? Ganyan mo ipakita sa isang babae na mahal mo siya? Alam mo, mas mahal na mahal kita."

Napailing siya at hinawakan ang kamay nito para alisin ang pagkaka hawak sakaniya ng mahigpit, "Bumitaw ka nga. Baka mapag kamalan tayong mag asawa ng mga tao. Tignan mo nga, pinag titinginan tayo."

"Ayoko nga, aminin mo munang mahal mo'ko at ako lang ang babaeng pakakasalan mo."

"Ano? Niloloko mo ba ako? Atsaka isa pa, hindi ako naniniwalang mahal mo nga talaga ako. Noong una tayong mag kita binugahan moko ng alak sa mukha, at sinukahan moko sa aking damit pagkatapos non kinabukasan ng magkita tayo sabi mo mahal mo na ako. Meron bang ganoon?"

"Oo, meron. Atsaka isa pa, ilang beses na akong humingi ng tawad sa iyo tungkol doon. Hindi mo parin ba ako napapatawad, Mahal ko?"

"Tigilan mo na nga ako. Aalis nako. May kailangan pa akong gawin." saad niya at akmang tatalikod na ng marinig ang mga boses ng mga tauhan ng hari.

"Tumabi kayo! Tabi!" Mabilis niyang hinila si Yeondan palapit sakaniya upang hindi mahagip ng mabilisang pag takbo ng mga kawal ng mga Hari.

"Hay nako, ano ba ang nangyayari?"

"May nangyari nanaman ba sa palasyo?"

"Ano kaya ang nangyayari?"

Nang tuluyan ng mawala ang mga kawal ay agad rin niyang pinakawalan ang babae. Napa taas ang kilay niya ng nakatingin lang sa baba si Yeondan. Napailing siya at agad ng umalis doon.

"Teka lang mahal ko!" sigaw nito kaya agad siyang napa iling at nagpatuloy lang sa pagtatakbo. Nang makalayo na siya ay tumigil rin siya sa pagtatakbo ng makitang wala na ito at mukhang nailigaw na niya.

"Ano kayang nangyayari sa palasyo ng Mahal na Hari at nag si tipon ang mga kawal sa labas at loob ng palasyo?" tanong niya sa kaniyang sarili.

Napatango siya ng makaisip ng isang ideya. Nag tungo siya sa isang liblib na lugar na walang makaka kita sakaniya at agad na ginawang invisible ang kaniyang sarili. Napangisi siya at agad na naglakad na patungo sa Palasyo.

Nang nasa harapan na siya ng pintuan ay agad siyang tumayo sa harapan ng sampong kawal na nakapalibot sa gate. Tumayo siya sa gitna at mukhang hindi nga talaga siya nakikita ng mga 'to.

"Ayos 'to." saad niya, napalunok siya ng mukhang narinig iyon ng mga kawal dahilan para mataranta sila at mapatingin sa gilid gilid.

"May narinig ba kayong nag salita?" tanong ng isa.

"Wala po."

"May narinig ako. Ikutin ang buong paligid ng palasyo at tignan kung meron mang kahina hinalang tao. Kilos na!" sigaw nito kaya agad siyang napangisi ng dalawa nalang ang natira doon. Nagtungo siya sa gilid ng pader at agad iyong inakyat upang makapasok. Hindi pupuwedeng sa pintuan siya dadaan dahil gagawa iyon ng ingay.

Nang maka pasok na siya ay agad siyang napa ngisi, "Ilang weeks narin ang nag daan ng huli akong maka pasok rito upang mag nakaw ng masasarap na pagkain. Ngayon naman, oplan alamin ang nangyayari sa loob." bulong niya sa sarili.

Agad siyang nag lakad habang naka tingin sa mga kawal na nagsisikalat. Mga katulong na hindi mag kanda ugaga.

"Ano bang nangyayari, Yojeong?" tanong ng isa sa kapwa nito tagapag lingkod.

"Nag balik na ang Mahal na Prinsipe."

"Ano? Ang Mahal na Prinsipeng si Minseo?"

"Oo, ganoon na nga. Dali na, mag sikilos na kayo."

Nanliit ang tingin niya sa mga ito at napa kunot ang noo niya. Nag balik na ang Mahal na Prinsipe? Nagbalik? Prinsipe? Minseo?

Nanlaki ang mata niya ng mapag tanto ang isang bagay. Ang Mahal na Prinsipeng nasa mundo ng mga tao ay ngayon ay nag balik na rito. Agad siyang tumakbo papasok sa loob ng palasyo. Kung saan saan siya nag tungong mga kuwarto ngunit hindi niya natagpuan iyon.

Agad niyang nakita ang isang silid kung saan ang lahat ng mga Ministro ay nandoon. Agad rin niyang nakita ang Mahal na Hari at ang isa pang Mahal na Prinsipe.

Agad akong nag tungo sa loob at pinanood kung ano ang nangyayari. Maya maya pa ay dumating ang isang lalaking balot na balot. May takip ito sa mukha kaya hindi ko makilala kung sino 'to.

Nag si tayuan ang mga Ministro ng makita siya. Nag siyukuan ito at sabay sabay ang pagbati, "Maligayang pag babalik, Mahal na Prinsipe."

Napa ayos ako ng tayo ng marinig iyon. Kung ganoon, siya na nga ang Mahal na Prinsipe.

Yumuko rin ito at iginaya ang tingin sa loob ng kuwarto. Nanlaki ang mata ko ng madako ang tingin niya sakin. Teka, nakikita niyako?

Kitang kita ang panlalaki ng mata nito kaya agad akong umalis doon. Wag mo sabihing hindi tumalab sakaniya ang kapang yarihan ko? Ganoon naba kalakas ang Mahal na Prinsipe?

Kung ganoon, kailangan kong ipa alam kay Ministro ang mga nangyayari. Dali dali 'kong ginamit ang kapangyarihan ko para makarating sa bahay ng mabilisan.

Pagkadating ko doon, agad kong binuksan ang pintuan at nadatnan ko siyang pinapatalim ang mga espada.

"Ministro."

"Bakit, anong nangyari? Bakit humahangos ka, Mahal na Prinsipe?" tanong nito, puno ng kuryoso ang kanyang mga mata.

"Ministro, dumating na ang Mahal na Prinsipe, ang anak ng kasalukuyang Hari."

Tumango ito, "Alam ko. Ngunit, papa ano mo nalamang dumating na siya? Ang pag dating niya ay naka tago sa lahat, depende sa mga nasa kataas taasang posisyon dahil alam talaga nila 'yon."

"N-Nalaman ko lang."

"Nalaman? Kanino?"

"S-Sa t-tabi lang, Ministro." napa iwas siya ng tingin at napa kamot sa kaniyang batok. Alam kasi niyang pinag bawalan na siya nitong mag punta sa Palasyo ng minsa'y mahuli siya nito dahil delikado raw ang mag punta roon mag isa.

Dahil ako naman ay makulit, nag punta parin ako. Hindi ko kasi talaga maiwasan. Ang daming magagandang klaseng gamit sa loob ng palasyo na wala sa labas, maraming pagkain na masasarap na doon lamang ma tatagpuan at hinding hindi makikita sa labas.

Napakalinis pa doon, sariwa ang hangin at payapa. Walang kahit anong kaingayan at masarap mag pahinga.

"Sa tabi lang? Mahal na Prinsipe, wag mo sabihing nag tungo ka nanaman sa Palasyo ng Mahal na Hari? Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na delikado ang ginagawa mo? Maling mali 'yon. Kapag nahuli ka nila tiyak ay papatawan ka ng parusa at buhay mo ang kapalit."

"Alam ko Ministro, kasi naman bigla biglang malalaman ko na ang Mahal na Prinsipe ay dumating na. Talagang makukuryoso ako roon, gusto ko lang namang malaman ang mukha ng makaka laban ko."

Napa iling ito, "Wag na wag mo na ulit gagawin 'yan. May panahon para riyan." saad nito kaya agad nalang akong tumango sakaniya.

Mabilis kaming napatingin sa pintuan ng makarinig ng mga kaluskos. Mabilas pa sa kidlat na ibinato sa akin ni Ministro ang dalawang katana at isang espada.

Tumingin siya sa'kin at inutusan akong tignan iyon gamit ang kaniyang telepatiya. Tumango ako bilang tugon at nag dahan dahan sa pag lakad palapit sa pintuan.

Sumilip ako sa kaka unting siwang doon ngunit wala akong makita sa labas. Wala rin akong maramdamang enerhiya ng kahit na sinong tao sa labas kaya marahas kong binuksan ang pintuan at agad na lumabas, wala akong nakitang kahit na sinong tao.

Agad akong tumalikod at nag tungo sa loob, "Ministro, wala akong nakitang..." nanlalaki ang mata kong napa tingin sa babaeng nasa harapan ni Ministro. Parehas silang nag tutukan ng espada sa isa't isa.

Ilang segundo lang ay kusang ibinaba ng babae ang kaniyang espada ngunit nanatili parin ang espada ni Ministro sa kaniyang leeg.

Ngumisi ang babae habang nakatingin kay Ministro, "Ibaba mo na 'yan, hindi ako kalaban." saad nito, nag taka ako sa panlalaki ng mata ng Ministro.

"T-Teka... Ang b-boses na iyan." nahulog ang espadang hawak ni Ministro habang nanlalaki ang matang naka tingin sa babaeng nasa harapan niya.

Anong nangyayari?

Mas lalong nanghina ang Ministro at napa upo ng tanggalin ng babae ang saplot na bumabalot sa kaniyang mukha, "M-Mahal na R-Reyna."

"Ako nga, Ministro Sso. Kay tagal rin nating hindi nag kita." saad nito kaya agad na napakunot ang noo ko.

Mahal na Reyna?

"Jusko, Mahal na Reyna. Patawad sa aking kapangahasan. Patawarin niyo po ako." saad ni Ministro sabay luhod dahilan para matawa ang Mahal na Reyna.

"Ano kaba, hindi na ako ang kasalukuyang Mahal na Reyna atsaka isa pa, ayos lang sa akin. Alam ko namang pino protektahan mo lamang ang iyong sarili. Tumayo ka riyan." saad nito.

"M-Mahal na R-Reyna, ang akala ko ay matagal na kayong patay. Saan ho kayo nag tungo?"

"Nag tago tago lamang ako sa malayong lugar upang palakasin ang aking sarili. Masyadong malaki ang natamo kong sugat sa digmaan ng araw na 'yon."

"Nga pala, Magal na Reyna, ang batang ito ay ang..."

Tumingin sa akin ang Mahal na Reyna, "Alam ko. Matagal ko na siyang bina bantayan sa mundo ng mga tao. Simula bata pa siya ay nasilayan ko ang pag laki niya ng maayos." saad nito dahilan para manlaki ang mata ko.

"T-Teka, pamilyar ka. Ikaw yong janitress sa school hindi ba?" saad nito habang nanlalaki ang mata. Hindi parin maka paniwala sa kaniyang nakikita.

Tumango ito sabay ngiti, "Ako nga. Nagulat kaba? hahaha." saad nito dahilan para mapa iling siya.

Hindi kapani paniwala ang mga nang yayari. Kung ganoon, ang mga taong nakikita niya ng matagal sa kabilang mundo ay katulad niya rin? Agad siyang napa iling.

"Teka, sino ho ba kayo at sinasabi niyong nasilayan niyo ako simula bata hanggang pag tanda? Dinaig mo pa ang Ina ko kung ganoon." saad ko dahilan para matawa siya.

"Ano kaba, gumalang ka nga sa iyong pananalita. Iyan ang dating Mahal na Reyna." saad ni Ministro dahilan para mapa iling ako.

"Ano naman kung siya ang dating..." napatigil ako sa pag sasalita ng may ma isip ako. Dating Mahal na Reyna? Asawa ng Mahal na Hari na Ama ko? Kung ganoon?

"K-Kayo ang Ina ko? K-Kayo ang asawa ng dating M-Mahal na Hari na siyang Ama ko?" tanong ko, natawa siya at dahan dahang tumango.

Nanlaki ang mata ko at inisang hakbang lang ang layo samin at mabilis ko siyang niyakap. Always ko siyang nakikita sa mundo ng mga tao, nag lilinis sa eskuwelahan, hindi ko pa nga siya pinapansin tapos ganoon naman pala, siya ang Reyna dito at siya ang Ina ko.

Kung alam ko lang, kung alam ko lang na matagal ko na palang nakikita at nakakasama sa isang mundo ang tunay kong Ina. Edi hindi na sana ako nangulila ng ganito sa kaniya. Edi hindi na sana ako nangulila sa yakap at ngiti ng totoo kong Ina.

Agad akong naiyak dahil doon. Eto ang unang araw na pag yakap ko sakaniya, "P-Patawad Ina. Hindi ko alam na kayo pala 'yan. Bakit hindi niyo sinabi sakin. Bakit hindi kayo nag tapat sa akin." saad ko at agad ng humagulgol sa bisig niya.

"Ayokong sirain ang buhay mo, Mahal kong Anak. Sapat na sa akin ang makitang lumalaki ka ng maayos. Sapat na sa akin ang makita ka. Tiniis ko kasi alam kong kapag sinabi ko kaagad hinding hindi mo maiintindihan. Patawad Anak. Patawad." saad nito dahilan para mapa iling ako.

"Hindi Ina, hindi niyo kasalanan. Kasalanan ng mga taong sakim at hindi nakuntento sa kung anong meron sila noon na ngayon ay meron na sakanila at kanilang pinaka iingatan. At ang pinaka iingatan din nilang iyon ang babawiin ko sakanila. Babawiin ko sakanila ang mga bagay na dapat sa atin. Kalang pa ang mga buhay at ari arian nila pati narin ang puwesto sa trono sa buhay ng aking Mahal na Ama na kanilang kinitil. Hinding hindi ako papayag sa kanilang ginawa, Ina. Pangako 'yan. Babawiin ko ang trono."

"Alam ko, Anak. At kasama mo ako diyan. Pangangalagaan kita. Katulad mo, lalaban ako hanggang kamatayan upang maisiwalat ang lahat ng kanilang katiwalian. Hinding hindi rin ako papayag na mapunta sa wala ang mga pinag hirapan ng iyong Ama. Hinding hindi rin ako papayag na gawin nilang masama at mali ang pamama lakad sa mga mamamayan ng Hanyang."

Bumitaw kami sa pagkaka yakap at agad kong pinunasan ang luha sa aking mga mata at agad akong natawa. Nag punas rin ng luha si Ina at agad ring natawa.

"Maligayang pag babalik, Mahal na Reyna." saad ni Ministro na halatang tuwang tuwa.

"Mahal na Reyna, pasensya na kung nahuli ako ng dating. Marami kasing mangga akong nakita sa daan. Masarap pa naman ang mga 'to lalo na't papahinog na." saad ng kadarating na si Mang George. Agad nanlaki ang mata ko.

"T-Teka, anong ginagawa mo rito Manong tricycle driver?" tanong ko sakaniya. Napa ngiti ito at napa kamot sa batok.

"Kayo pala, Mahal na Prinsipe." saad nito.

"Anong ginagawa niya rito Mahal kong Ina?"

"T-Teka, P-Punong taga pangasiwa? Ikaw ba yan?" tanong ni Ministro habang nanlalaki ang mga mata. Nagka tinginan ang dalawa at agad na nag yakapan.

"Punong Ministro, ikaw nga yan!"

"Nako, Punong taga Pangasiwa. Matagal akong nangulila sa iyong kabaliwan. Matagal akong nag luksa sa'yo yon pala buhay ka. Ba't hindi mo sinabi?"

"Iyon ang utos ng Mahal na Reyna kaya wala akong magawa." saad nito at agad ulit silang nag yakapan.

Napa tingin ako kay Ina at ngumiti siya, "Siya ang punong taga pangasiwa sa palasyo noong ang Ama mo pa ang nakaupo sa trono. Malapit silang magka ibigang dalawa. Kasa kasama nila ang isa't isa sa kalokohan, sa pag babantay sa inyong tatlo ng iyong kapatid."

"Tatlong aking kapatid? Kung ganoon Ina, meron pa akong tatlong kapatid? Sino sino sila? Kagaya niyo rin po ba, naka ligtas sila sa digmaang naganap noon?" tanong ko rito. Tumango ito dahilan para mapangiti ako.

"Kung ganoon, nasaan ho sila, Ina? Kasama niyo po ba silang nag tungo rito?" tanong ko.

Nagka tinginan ang Pinunong tagapangasiwa at ang aking Mahal na Ina. Mukhang nag uusap sila gamit ang kanilang telepatiya.

Bab berikutnya