webnovel

Chapter Two ( Dog Food )

Bitten Chapter 2

Liam's Point of view

Nasa condo na kami ni Tucker at di ko alam ang susunod kong gagawin kaya nagka-tinginan lang lang kami dalawa.

"Hmm, baka gutom kana siguro." At ng pagkasabi ko 'non ay iwinawagayway niya ang kanyang buntot, ang ibig sabihin siguro 'non ay oo.

"Wala akong pagkain para sayo sa laki mong 'yan, kaya lalabas nalang ako at bibili sa malapit na vet, okay?" Sabi ko sakanya.

Naka labas na ako ng sundan niya ako sa pintuan, naka labas naman ang ulo niya, gusto niyang sumama.

"Aww, wag kang mag alala di naman kita iiwan, babalik rin naman ako maya maya." Sabi ko, pero mukha siyang natatakot na ewan.

"Alam ko, alam ko. Bago lahat at di ka sanay sa paligid mo, babalik din agad ako pagka kuha ko ng pagkain mo okay?" Dagdag ko at itinulak siya ng mahina para mapasok sa siya loob, naisara ko naman agad ang pinto.

...

Alas singko na nung naka balik ako sa building kung saan yung condo ko at bitbit ko ang isang pack ng dog food.

"Sakto na siguro sa tatlong araw." Sabi ko habang pinipindot ko ang keypad ng lock ng pintuan ko.

"Ang laki pa naman niya sana sakto lang 'to para sakanya." Dagdag ko nag click naman ang pintuan ko hudyat na pwede nang buksan.

"Tucker!" Tawag ko sakanya ng maka pasok na ako sa condo ko.

"Tucker? Saan ka ba nag p-" Napatigil ako ng may nakita akong lalake na naka hubot hubad na naka upo sa couch ko.

"Nakabalik kana?" Sabi nito kaya napatulala ako at nahulog ko ang pack ng dog food.

"Ano binili mo? Patingin ako."

S-saan naman nanggaling ang baliw na 'to?

Tumayo naman siya at pinulot niya ang dog food na nasa sahig.

'Pano siya naka pasok!?

P-police! Kailangan kong tumawag ng police.

"Oh." Sabi niya at parang binabasa niya ang naka sulat sa pack.

"Hindi ako kumakain ng ganito." Dagdag niya.

"No!" Sabi ko sa sarili ko di ko alam ang gagawin ko.

Oo, kailangan kong maka labas dito agad.

"Wala bang Burger King na malapit dito?" Tanong niya habang nagbabasa parin, kaya naka tyempo ako para pumunta sa pintuan.

Ipipihit ko na sana ang door knob ng pigilan niya ako.

"Teka sandali." Sabi niya pero di ako lumingon.

"Liam, sandali lang." Dagdag niya pa.

"Sino ka bang baliw ka?" Tanong ko sakanya.

"Huh?" Sabi niya na nagtataka.

"Ako 'to. Hindi mo ba ako nakikilala? Ako 'to si Tucker." Sabi niya.

"Ikaw si Tuc-" Napatigil ako ng naalala ko si Tucker.

"Tucker!?" Sigaw ko kaso wala.

"Saan siya nag punta!? Anong ginawa mo sakanya!" Sigaw ko sa lalake.

"Liam, please, makinig ka sakin." Sabi niya. May nakita akong fire extinguisher sa gilid ko.

"P-pano moko nakilala?!" Sabi ko at pagkatapos ay kinuha ko ang fire extinguisher.

"Saan ang aso ko baliw ka?!" Sigaw ko at hinampas ko siya ng fire extinguisher.

Nasangga naman niya ng dalawang kamay ang fire extinguisher na nihampas ko.

"Kumalma ka nga!" Sabi niya.

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Bitiwan moko tangina mo! Sabi ko bitawan moko!!" Sigaw ko.

"Makinig ka sakin!" Sabi niya habang hinahawakan parin ako at nag pupumiglas.

"Ikaw na baliw ka, bitiwan moko sabi eh!" Sabi ko ng mapatid ko ang paa niya at naapakan ko.

"Whoaaa!" At natumba kami dalawa.

Nakadapa ako at siya naman ang nasa likod ko naka dapa din.

"Liam, kumalma ka. Alam ko na mahirap paniwalaan, pero..."

"Hey, tanggalin mo kamay mo sakin." Pag putol ko sa sasabihin niya.

"Pag bibitawan ko ba ay kakalma ka at makikinig?" Sabi niya.

"Okay payag ako, basta umalis ka sakin." Pag payag ko, lumingon ako sa kaliwa ko at may nakita akong lampshade.

"Okay." Sabi niya.

"Tumayo kana, ngayon din." Sabi ko sakanya.

"Di ko kailangan ang hubad mong katawan na naka buyangyang sa buo kong katawan." Dagdag ko pa. Kaya napa upo siya at tumihaya naman ako at bahagyang naka higa kasi naka tukod lang ang siko ko sa sahig.

"So, Liam ang sinasabi ko na mahirap 'tong paniwalaan, pero ako..." Di ko na siya pinatapos at kinuha ko agad ang lampshade at agad kong hinampas sa ulo niya.

Hindi naman ako nabigo kasi natamaan ko ang likod ng ulo niya.

Napa lakas ko ata kasi nayupi yung lampshade ko napa yuko naman siya habang hawak ang likod ng ulo niya.

Habang nasa ganon siyang posisyon ay nakita ko ang pulang collar ni Tucker na nasa leeg niya.

Napakunot ang noo ko dahil 'don.

"Collar ba 'yan ni Tucker?" Pagtukoy ko na nasa leeg niya.

Napa upo siya at nakita kong dumugo yung likod ng ulo niya kaya nag papatay malisya lang ako, tangina ayokong makulong.

"Sinabi ko nga diba? Ako si Tucker." Sabi niya.

"Pag sapit ng araw, ay isa akong aso... pero pag lumubog na yung araw ay magiging tao ako." Paglilinaw niya pa.

"Narinig mo na ba ang tungkol sa mga werewolves?" Tanong niya.

"Yung mga nilalang na kalahating tao at kalahating lobo. Ako 'yon." Sabi niya.

"To be precise, isa akong descendant ng Siberian werewolf." Sabi niya pa.

"They mistake us ferocious beast for cute sled dogs and think we'll make loving companions... Stupid, halos lahat ng mga tao ay hindi alam ang pagkakaiba ng aso at ng lobo." Sabi niya.

"Pero sabi ng mga tao sa Shelter ay isa ka daw na Siberian husky!" Sabi ko.

"Yan na nga yung problema eh." Tumigil siya at napakamot sa panga.

"Ang mga tao ay parating nagkaka mali sa pagka kilala sa Siberian werewolf minsan akala nila ay husky kami at papalakihin nila bilang alaga nila." Sabi niya.

Tumango tango naman ako sa sinabi niya pero naka hawak parin ako sa lampshade.

"Fine, hawakan mo 'yang lampshade, kung 'yan yung paraan para makinig ka sa akin."

"Let me remind you na ikaw yung nag dala sakin dito sa condo mo in the first place... Teka, wag mo nalang isipin 'yon balikan natin 'yan mamaya."

"Eto na nga, pagka umaga mo makikita na nagsasabi ako ng totoo." Pag patuloy niya.

"Pero ano naman ang ginagawa ng isang Siberian... wolf dito sa Davao city?!" Tanong ko sakanya.

"It makes no sense." Dagdag ko.

"Well, narinig ko lang naman ang Siberia galing sa mama ko. 'Di pa naman talaga ako naka punta don."

"Galing talaga ako sa Davao del Norte." Sabi niya.

Napakunot naman ang noo ko nakapa-mewang.

"I couldn't even make it to Davao International Airport. Nag stay ako sa Shelter kasi binibigyan nila ako ng pagkain 'don at bahay na matitirhan, at ikaw alam mo na ang nangyari." Sabi niya

"Liam... sabi ni mama na may ibang werewolves na naka tira sa Siberia... kaya gusto kong pumunta doon at tingnan ang lugar, pero kinuha ako ng Shelter."

"Nag bus ako patungo dito sa Davao pero yung mga tao dito ay di nila hinahayaan ang isang aso na mag isa."

"Naiintindihan kita kaya moko nasaktan kasi 'di ka pa nakaka kita ng werewolf. But I've never seen other werewolves, either. Kaya gusto kong pumunta sa Siberia... para hanapin ko ang mga kagaya ko." Pag paliwanag niya.

"I'm a little bit lost right now, pero maghahanap ako ng paraan para maka punta doon." Sabi niya.

"Pwede mo ba akong tulungan?" Dagdag niya.

"Kailangan ko lang..." Tumayo siya at humakbang patungo sakin kaya napa atras naman ako hanggang nasa likod ko na yung pader.

"Ng matutuluyan ng isang gabi o dalawa." Sabi niya, kitang kita ko naman ang buo niyang katawan, sobrang masculine ng katawan niya, kanina pa ako hindi maka pag focus kasi hubad siya kanina pa, kaya napatingin ako sa kahabaan niya at nagulat ako sa laki.

"D-dito nalang sa condo ko." Nauutal kong sabi.

...

Rinig ko ang ingay ng tubig na nanggaling sa CR, naliligo si... err Tucker ngayon.

May mga tanong na nasa isip ko ngayon na nagpapasakit sa ulo ko.

"Nana-naginip ba ako? Nag s-sleep deprivation na ba ako?"

"Siguro tatawag na ako ng pulis bago pa mahuli ang lahat."

Bumukas naman ang pintuan ng CR ko.

"Ahh! Ang sarap sa pakiramdam 'non." Sabi niya habang pinupunasan niya ang buhok niya.

Napatingin naman ako sakanya habang suot ang bathrobe ko.

"I haven't a good shower in a long time."

Lumapit naman siya kung saan ako naka upo.

"Pwede ba akong umupo?" Sabi habang naka turo sa gitna ng hita ko.

"Huh?!" Bigla kong sinara agad ang dalawa kong hita sa sinabi niya.

Umupo naman siya at humiga sa kandungan ko, at mas isiniksik niya pa ang sarili niya sakin.

"Um, kailangan mo ba talaga na ganito ka lapit sa'kin?" Tanong ko sakanya.

"Ah, wag mo nalang ako isipin gusto ko lang ng ka cuddle." Sabi niya.

I mean hindi naman pala siya ganon ka sama para maging isang threat.

Sa ganoong pagka higa niya ay ibinukaka niya ang kanyang hita.

Kaya kita ko ang ano niya na naka buyangyang.

"Pwede bang, uh, ayusin mo naman ang pagkahiga mo?" Sabi ko

"Hrmph!" Reklamo niya at sinunod niya naman ako.

"Hindi ka parin naniniwala sakin 'no? Wait ka lang pag nag umaga na, makikita mo na hindi ako nagsi-sinungaling." Sabi niya sakin kaya napatawa ako.

Nope! Tatawag na talaga ako ng pulis pag nagkaroon ako ng chance na makatawag.

"At pwede ba? Umusog ka 'don, please lang." Sabi ko kaya napa bangon siya at tiningnan ako.

"You're causing me immense discomfort on very possible level." Sabay taboy ko sakanya.

"Pero pag ganon 'di ako magiging komportable." Sabi niya habang naka busangot.

"What... the hell... Kung nilalamig ka edi bibigyan kita ng kumot, umalis ka nga sa tabi ko." Pag taboy ko ulit.

"Matulog ka nalang kaya? I bet you're tired." Sabi niya sakin.

"Niloloko mo ba ako? Sino ba naman ang matutulog nang may ibang tao sa bahay mo tapos 'di mo pa kilala, no way! Mas mabuti pang mag trabaho nalang ako magdamag." Sabi ko, ano ako? Mauuto niya? Lol hindi.

Tumayo ako at pumunta sa kwarto ko at kumuha ako ng kumot sa cabinet ko at binigay ko sakanya, kinuha niya naman ito at sinuklob niya ang buo niyang katawan.

Lumipat naman ako sa table ko at itinuloy ko ang pag tipa ko sa keyboard ng laptop ko.

Tiningnan ko siya habang naka higa sa sofa, nilalamig siya at nanginginig.

Ugh... 'di ako maka concentrate dapat di ko na kasi pala pinatagal kanina.

Habang sa pag-iisip ko ay may kumapit sa paa ko.

"Wha...? Bakit nandito ka na naman?!" Sabay iwas ko sa paa ko ng makita ko sa sa ilalim.

"Hmm... gusto ko na malapit ako sayo." Sabi nito at kumapit na naman sa paa ko at pinisil niya ito.

"Ayokong matulog mag-isa kasi pakiramdam ko na mag-isa lang ako. Hindi ako sanay." Sabi niya.

"Dammit! Wala akong matatapos eh dahil sayo eh! Osiya, matulog ka 'don sa kama ko at magta-trabaho nalang ako sa tabi mo." Ani ko at tumingin naman siya sa mata ko.

Naka Indian sit naman siya ngayon sa tabi ko.

"Pero lumayo ka muna sa ngayon, tatapusin ko lang 'tong chapter." Sabi ko sakanya at tinaboy ko siya gamit ang kamay ko.

Tumayo naman siya at pumunta sa harap ng table ko.

Tinuloy ko naman ang ginagawa ko. Pero silip siya ng silip sa akin sa table kaya nainis ako.

"Itigil mo nga 'yan!" Saway ko sakanya, napaka kulit grrr!

...

3 AM

Nasa kwarto ako at patuloy parin ako sa pag tipa ng keyboard ng laptop ko.

Tumigil ako.

Kanina niya pa kasi tinititigan tapos usog pa ng usog saakin.

"Bakit 'di mo ipakita ang appreciation mo kahit sa personal boundaries lang." Sabi ko

"I don't usually let strangers sleep in my bed, kaya umusog ka 'don." Dagdag ko, ewan ko pero madaming beses ko na siyang tinataboy kanina pa.

"Look, naiintindihan kita na may pinagdadaanan ka, pero try to put yourself in my shoes for a minute."

"Eto talaga yung pinaka weirdest na nangyari sakin ngayon."

"Kung sasabihan ko naman ang iba na natulog ako kasama ang hindi ko kilalang tao at pinipilit niya na siya ang aso ko... siguro iisipin talaga nila na nababaliw na ako at baka mas maniwala pa siguro ako sakanila." Paliwanag ko sakanya.

"Pero di ko naman magagawa na magpalayas ng tao lalo na wala kang pera."

"Kaya wala akong mapagpipilian kung 'di paniwalaan ang sinasabi mo." Sabi ko.

"Salamat nga pala... na hindi moko pinalayas." Sabi niya.

"Pero bakit mo ba ako tinataboy?" Tanong niya sakin

"Anong klaseng tanong 'yan? Ayokong makipag cuddle sa lalaking 'di ko naman kilala." Sabi ko sakanya.

"Ngi, pero kahapon pine-pet mo nga ako kahit saan. Hinawakan mo pa nga ang tenga at dila ko tapos sabi mo na, come home with daddy. Oh?! Oh?! Ano ka ngayon?" Pagtatanggol niya sa sarili niya. Alam na alam niya yung nangyari kanina.

"You were a dog then. You can't expect na gagawin ko din 'yon... sayo na tao ka." Sabi ko sakanya...

"Hindi ka ba nagpapa-punta ng iba dito sa condo mo? Like alam mo na, girlfriend." Sabi niya.

Kaya natahimik ako saglit.

At huminga muna bago ko isabi sakanya.

"I like men."

...

"God, why the hell am I even telling you this? Kalimutan mo nalang ang sinabi ko." Sabi ko sakanya.

"Bakit ano naman ang problema?" Tanong niya sakin.

"I like men too." Dagdag niya.

"Alam mo naman siguro ang sinasabi ko diba?" Pag lilinaw ko.

"Sure." Sagot niya. Tanginang sagot 'yan.

"When I say I like men, I mean... Yung part na sinabi mo yung girlfriend that part was a guess." Ani ko.

"So mali pala ako, lalake pala ang dinadala mo, nice yan." Sabi niya at umayos na siya ng higa at pumikit na.

Hindi pa ako nakarinig ng ganyan sagot na galing sa iba kundi sakanya lang.

Nang mahimbing na ang tulog niya ay hinawakan ko ang buhok niya at hinaplos ito.

Wala pang sumagot ng ganyan tulad ng ginawa mo.

Tinitigan ko ang kanyang buong mukha at napadako ako sa mapula niyang labi. Hinahaplos ko naman ang abong kulay ng kanyang buhok.

At ikaw unang sinabihan ko sa sikreto ko...

...

"Liam, gising. Liam gumising ka." Pag pukaw ni Tucker sakin binukas ko naman ang mata ko at tiningnan siya.

Nasa ibabaw ko siya at nagkatitigan kami.

Nang gumising ako ay ang aso ko ay nasa higaan ko na ngayon, naka titig sa mga mata ko.

'Di ako maka paniwala sa nakita ko, kahit naka titig ako sakanya.

So last night wasn't a dream...?

End of the Chapter

A/N: Tucker will have a POV on the next chapter I guess, hope you enjoy this Chapter kasi ako parang ang lame lang kasi para sakin LOL.

Bab berikutnya