webnovel

Chapter 11

Please VOTE!

Nakarinig ulit siya ng mga yabag at tila palapit na sa kanya. Ayaw gumalaw ng kanyang mga paa sa pagkakatayo kahit gusto na niyang umalis.

Nag lakas siya ng loob at binuksan ang ilaw. Muntik na niyang isipin na multo ang babae na may mahabang itim na buhok.

(Tao lang pala, akala ko naman multo na.) Iyon ang na isip niya ng ma realize na sa babae pala na iyon ang may ari ng yabag na nadinig niya kanina.

Estudyante din ito sa paaralan nila. Ilang metro lamang ang layo niya dito.

Ang nakapagtataka dito ay malapit ito masyado sa handle ng pader na nagsi- silbing harang para walang magkamali na malaglag.

Minabuti niyang abangan kung ano ang gagawin nito. Hindi naman ata nito napansin na nandoon siya at bukas na ang ilaw dahil sa lalim ng iniisip nito.

(Hindi naman siguro magpapakamatay ang isang ito.) Ngunit nagkamali siya dahil dahan dahan itong nagpalaglag sa 4th floor.

"You son of a !" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya at nahablot niya ito.

Ganoon ata talaga pag umaandar sa katawan mo ang adrenaline rush dahil sa hindi inaasahan na pangyayari.

"Ahhhhhhhhhhh!" Sigaw niyang malakas. Hawak niya ang braso nito ngunit napaka bigat nito.

"Bitawan mo ko." Sabi naman ng weirdong magpapakamatay.

"You, crazy ass! Stay still, mag uusap pa tayo." Inis niyang sabi dito.

Muli siyang nakarinig ng mga yabag na palakas ng palakas ang tunog na palapit sa gawi nila.

Hindi niya alam kung hanggang kailan siya makakatagal ng ganoon na posisyon.

Masakit na ang braso niya at malapit na siyang bumigay pero hindi naman iyon puwede dahil mamatay ang babae na hawak niya. Malapit nang matanggal ang pagkaka hawak niay dito.

Kung bakit ba naman kasi ito magpapakamatay ng may tao, puwede naman sana na intayin nito na tuluyan na na mag dilim.

Hindi ba ito nag iisip? Magpapakamatay na lang tatanga tanga pa at ngayon tuloy kailngan niya itong iligtas.

"Here." Sabi ng lalaki nagulat siya dahil napaka bilis nitong nakarating sa gawi nila ng hindi namamalayan.

Tinulungan siya nito sa pag angat sa katawan ng babae na gustong magpakamatay.

"You!" Bulyaw niya sa lalaki dahil si Woodman pala iyon.

Naka dagan siya dito habang napa upo sila sa sobrang hirap ng pagtataas nilang ginawa sa babae kaya't bumagsak sila sa sahig.

Hawak pa din siya nito sa bewang at nasa likod niya ito. Napaka bango nito nakaka intoxicate ang amoy nito.

Mabilis naman ang pag tibok ng kanyang puso dahil sa pagkaka hawak nito sa kanya.

"Hands off!" Sabi niya kay Woodman at sumunod naman ito.

Hindi pa din tumi tigil ang mabilis na kabog ng puso niya sa sobrang lapit nila kaya't bahgya siyang lumayo dito.

Hinarap niya ang babae. Magagalit sana siya dito kaya lang umiyak ang babae na niligtas nila. Ito ay maganda na petite woman at maputi.

"Bakit niyo pa ako niligtas? Dapat pinabayaan niyo na ako." Sabi nito na umiiyak siya naman ay napahawi sa hati ng buhok niya sa inis samantalang si Woodman ay walang imik.

"Miss kung sino ka man sa sususnod na magpapakamatay ka siguraduhin mo na wala na talagang tao para talagang matutuluyan ka." Hinila niya ang buhok ng babae ng bahagya para tignan siya nito habang nagsasalita.

Inis na inis niyang sabi at si Woodman naman ay gulat na gulat na tila bago pa ang kanyang pagmamaldita.

"Bakit mo kasi ako iniligtas!" Sigaw naman ng babae na magpapakamatay at lalong umiyak.

"Simple lang, common sense naman na pigilan ang tao na nasa harap mo na gustong magpakamatay. Siguro nga wala akong paki alam sa paligid ko pero ibang usapan na kapag buhay ang mismong pinag uusapan." Simpleng sagot niya dito.

"Tama na yan'." Awat naman ni Woodman sa kanya.

"Kaya nga a piece of advice Miss, kung magpapakamatay ka ulit please lang 'yung walang tao para talagang matuluyan ka kagaya ng gusto mo dahil nakaka abala ka." Sermon ulit niya sa inis niya.

"Bakit ka ba kasi magpapakamatay?" Pag iiba ni Woodman ng usapan.

"Kasi...iniwan....ako ng boyfriend ko ng malaman niya na buntis ako." Humahagulgol na sabi nito at bigla siyang naawa dito at binitawan ang buhok nito.

"Hindi tunay na lalaki ang nang iiwan ng babae dahil lang sa na buntis niya ito." Sagot naman ni Woodman at napa tingin siya dito. At tinaasan ito ng kilay.

"Lalaki ka ba?" Tanong naman niya dito at siningkitan naman siya ng mata nito.

"Oo, nga pala." Na realize naman niya na oo nga pala lalaki ito. Bakit ba niya nakalimutan iyon? Marahil ay masyadong siyang busy dahil gusto niya itong matalo.

"Seriously?!" Inis na bulyaw ni Woodman sa kanya at akala niya ay nabingi siya.

"Back to you Miss, mabuti nalang pala ay tinulungan kita dahil magkaka anak ka na. At sino ka para tanggalan ng karapatan ang bata na yan'? Diyos ka ba? Ano naman kung lumaki siyang walang tatay?" Umpisa niya dito, bakit ba ang tanga nito para lalaki lang.

"Bakit, hindi mo ba kayang mabuhay ng wala ang ama niya? Hangin ba siya? Di' ba hindi naman? And please think logically, kahit para man lang sa baby na yan'." At tumigil sa pag iyak ang babae na tila nahimasmasan.

"At kung financial problems naman ang pinag uusapan. Here's a calling card, anytime puwede kang tumawag diyan. Sabihin mo lang ang pangalan ko na nasa likod ng card at tutulungan ka nila." Sabay abot ng card niya mula sa business cards niya at inabot nito iyon.

"At lastly, please don't lie to me dahil mahuhuli at mahuhuli kita kaya't sana totoo ang lahat ng sinsabi mo dahil hindi mo alam ang kaya kong gawin." Banta niya dito.

Siya kasi ang tipo ng tao na ayaw ng niloloko lalo na kung puro kabutihan ang binibigay niya sa tao.

Ang motto kasi niya ay "I don't get mad, I'll get even." At sana huwag silang humantong sa ganoon.

"I'm sorry, baby." Sabi nito habang hinhimas ang tiyan.

"Salamat sa'yo, Isabelle. Pangako hindi ko na uulitin. Maraming maraming salamat." Sabi nito at hinawakan pa ang kamay niya.

Bakas ang pasasalamat nito sa mukha at para itong naka kuha ng pag huhugutan ng lakas. At tumango naman siya at umalis na ito ngunit siya ay naka upo pa din sa pader.

Na ubos ata ang lakas niya sa pag hila dito at nanginginig siya.

"You're a scary person." Narinig niyang sabi ni Woodman sa kanya at naka tingin sa kanya at nag kibit balikat lang siya.

~~~~~

Maganda ang susunod na Chapter so, Stay Tune.

I really need some reads badly. Oh men.

Bab berikutnya