webnovel

Issue

"Belj!"

"Miss?"

Ipinakita ni Ricai ang phone ni Baby kay Belj na may nakalagay na news about kay Chase na papuntang Japan.

"Totoo bang pupunta si Chase sa Japan? At bakit? Wala syang sinabi sakin."

"Ah... Eh... Ano kasi Miss biglaan yon."

"Bakit nga?!"

"Ahm..."

"Belj!"

Naalala ni Belj ang sinabi ni Chase sa kaniya na wag sasabihin kay Ricai kung bakit s'ya pupunta ng Japan.

"A— Ano kasi Miss, may business venture po si Boss don. Alam n'yo naman wala si Don Fernan walang nangangasiwa sa mga business nila dito sa Pinas. Alam n'yo naman ang mga Alcantara ang daming business."

"Alam ko! Pero bakit naman biglaan? Paano si Baby? Ako?."

"Kayo?"

"I... I mean syempre... kung wala s'ya paano..."

"Pffft... hahaha... Miss wag kayong mag alala di naman kayo pag papalit ni Boss don di yun mahilig sa singkit."

Binatukan naman sya ni Ricai "tigilan mo ko Belj baka samain ka sakin."

"Eh... Miss, okay lang po kasi talaga si Boss wag kayong mag alala sa kaniya."

"Hindi naman ang mokong na yon ang inaalala ko si Don Arnulfo alam naman nyang nawawala ang lolo nya bakit umalis pa sya?"

"Miss, sa pamilyang ito pera ang pinapagana kaya wag nyong intindihin ang bagay na yon may mga galamay na si Boss na umaasikaso ng pagka wala ni Don Arnulfo."

"Or pwede rin namang alam na ni Chase kung nasan si Lolo." Sambit ni Ysmael na bigla nalang sumulpot out of nowhere.

"Y— Ysmael kanina ka pa ba dyan?"

"Ah, hindi naman kararating ko lang din may ibibigay kasi akong gift sayo."

Iniabot ni Ysmael ang gift nya kay Ricai pero hinarang ito ni Belj.

"Sorry Sir, pero hangga't di pumapayag si Boss na tumanggap ng regalo, di yan matatanggap ni Miss."

"Ano ka ba? Hindi naman para kay Chase sakin daw."

Kinuha ni Ricia yung gift ni Ysmael "Wow! Brand new phone?"

"Aha. Nabalitaan ko kasing wala kang phone ngayon nawawala raw kaya binilhan kita ng bago."

Kinuha naman agad ni Belj yung phone at ibinalik sa paper bag "hindi na po kailangan ni Miss ng phone nyo dahil may bago na po sya na binili ni Boss na mas updated pa sa binili nyo." He glared at Ysmael and ganoon rin ito sa kaniya.

"Ha... Ha... Belj, tama na yan. Nakakahiya." Pabulong bulong na sambit ni Ricai.

"No Miss, may bago po talaga kayong phone na si Boss ang nag pabili mamaya ibibigay ko sa inyo."

"Ha... Ha... Ano bang problema mo ha? Halika nga dito." At hinila n'ya sa isang gilid si Belj at nag excuse muna kay Ysmael.

"Mag sabi ka nga sinabihan ka ni Chase na wag akong lalapit kay Ysmael ano?"

"Alam n'yo naman pala eh kaya wag n'yo ng tanggapin yung gift ni Sir Ysmael kung ayaw n'yong magalit sa inyo si Boss."

Naalala naman ni Ricai ang ginawa sa kaniya ni Chase at biglang namula ang mukha n'ya "Miss? Ayos lang kayo? Bakit biglang namula ata kayo? Masakit ang ulo nyo?"

"Ha? Hi— Hinde! Dun ka na nga! Kunin mo yung phone na sinasabi mo at yung bag ko na iniuutos ko sayo kunin mo na sa bahay nila JF."

"Opo! Basta wag kayong masyadong mag lalapit dyan kay Sir Ysmael kung ayaw n'yong isumbong ko talaga kayo kay Boss kala nyo dyan uuwi talaga yun dine agad pag nalaman nyang nakikipag harutan kayo."

Piningot naman ni Ricia ang tenga ni Belj "gusto mong mawalan ng isang tenga?"

"Aray Miss. So— Sorry na po."

"Sige na umalis ka na!"

"Opo na. Basta mag ingat kayo kay Sir Ysmael wag kayong masyadong mag tiwala sa kaniya."

"Oo na! Bumalik kang agad okay?"

"Um. Wag kayong mag alala maraming guards ang nakabantay sa inyo dito kaya walang ligtas yang si Sir Ysmael kapag may ginawa s'ya sa inyong masama."

Binatukan naman s'ya ni Ricai "baliw! Kaya ko sarili ko tsaka mabait si Ysmael kayo lang ng Boss mo ang OA!"

"Basta Miss, mangako kayo na mag iingat kayo!" Nag pinky-pinky pa sya.

"Ano ka bata? May pa pinky swear?"

"Miss!"

At wala na ring na gawa si Ricai kung hindi maki ride on sa pa pinky swear ni Belj para umalis na ito.

"Mukhang close pala kayo ni Belj."

"Ahhh... Oo, para ko na kasi syang little brother. Come here upo ka."

At na upo si Ysmael malapit kay Ricai doon sa sala.

"Si Baby, nasan?"

"Ah. Andun sila ni Felly sa kwarto nag lalaro."

"Oh... yang phone na gamit mo sa kaniya yan right?"

"Oo pinahiram n'ya muna sakin eh kasi nga wala pa akong phone. Ang dami ko palang news na di ko alam. Trending pala ko nung isang araw buti nawala naman agad dahil kay Chase."

"Ohh... Oo I saw it nga at alam ko namang di yon totoo dahil si Chase naman ang boyfriend mo di ba?"

"Ha? O— Oo naman si Chase. Bakit?"

Sa isip-isip ni Ricia "bakit hindi na ko naiilang na sabihan ko na boyfriend ko si Chase? Bakit parang okay lang sakin? Haysss nababaliw na ko." Sinampal sampal n'ya pa ang sarili at nagulat sa kaniya si Ysmael.

"Rica? Ayos ka lang?"

"Ah... O— Oo may lamok kasi."

"Ohh... Lamok... He... He..."

"Nga pala, yung phone di ko matatanggap, nakakahiya kasi binilhan na pala ako ni Chase. Sorry hindi ko naman kasi alam."

"No its okay, baka magalit rin si Chase pag ang tinanggap mo yung sakin at hindi yung sa kaniya."

"Sorry talaga ha? Lam mo naman yun mainitin ang ulo."

"I understand. No worries."

"Ahm... kumain ka na ba? Gusto mo ba ng lasagna? Nag crave kasi kami ni Baby kanina."

"You know how to cook?"

"Um. But I'm not that good di katulad ni Chase na isang pro."

"No its okay, basta ikaw ang nag luto ayos lang kahit ano. Hehe."

"Really?"

"Um."

"Halika punta tayo sa kitchen. Ikukuha kita ng lasagna medyo maalat lang ah. Hehe."

"Okay lang. May tubig naman."

"Hihi..."

Hindi alam nung dalawa na pinagmamasdan sila ni Felly at Baby sa may second floor.

"Ms. Baby? Bakit po tayo nandito? Ayaw n'yo po bang sumama sa kanila? Mukhang papunta po sila sa kitchen."

"No need ate Felly I know tita Ricai she wont betray uncle ninong Chase."

"Eh? Do you think may gusto si Sir Ysmael kay Ms. Ricai?"

"Nah really ate Felly, but the way how uncle Ysmael look at tita Ricai it also the same to uncle ninong Chase to her. So, what do you think po?"

Sa isip-isip ni Felly "kakaiba talaga ang batang ito lahat nalang napansin pero tama s'ya eh napansin ko nga din na parang may gusto si Sir Ysmael kay Ms. Ricai. Tsk! Bakit kasi kailangan pang mag Japan ni Sir Chase eh. Mahihirapan tuloy kaming bantayan si Miss kay Sir Ysmael sure lagi syang didikit dito."

"Ate Felly, can you buy me a camera?"

"H— Ha? Camera?"

"Yeah. I want to start vlogging po eh."

"Pe— Pero Ms. Baby..."

Iniabot ni Baby ang black card n'ya kay Felly "use it to buy me a camera po gusto ko po bukas meron na."

"Ha? Bu— Bukas agad?"

"Opo, gusto kong i-document ang lahat ng nangyayare dito para malaman ni uncle ninong."

"Ehhhh???"

"Aha, to protect tita Ricai and my uncle ninong precious life."

"Hmm? What do you mean?"

"You saw the issue of tita Ricai kanina po di ba? And now its my uncle ninong Chase issue naman."

"Oo nga no? May issue si Miss na may ibang boyfriend tapos ngayon ang issue naman kay Boss Chase na ang akala umalis papuntang Japan dahil nag hiwalay sila ni Miss."

"Na hindi po totoo! Right?"

"O— Oo naman hindi yun totoo."

"So, we need to erase that freakin' issue so we need to help them."

"Um. I'm in Ms. Baby."

"Thankies ate Felly. Then, tell the others of our plan okay po? Para hindi rin parating makalapit si uncle Ysmael kay tita Ricia."

"Wait, tell me... you don't like him? Your uncle Ysmael?"

"A bit, pero he still my dad's friend parin po ayoko lang po na ma fall si tita Ricai kay uncle Ysmael for the time being na wala po si uncle ninong Chase."

"Tama ka. Don't worry tutulungan ka namin. Team RiChase kaya kami."

"Yeah!"

***

Lumipas ang mga araw na parati ngang naka dikit si Ysmael at Ricai pero gaya nga ng plano ni Baby iniiwas nya yung dalawa sa isa't isa sa pamamagitan ng kaniyang pag va-vlog na marami na agad na naging subscriber dahil kay Chase na isang famous.

"Talaga po Boss? Sa makalawa pwede na kayong umuwi?" Sabi ni Belj habang ka video call nya si Chase na nasa balcony kung san tanaw sila Ricai at Baby na naglalaro sa may garden.

Chase: Oo pero wag kang maingay sa dalawa. Satin na muna ang good news na ito. Nasan sila?

Belj: Nag hahabulan po sila sa may garden nanghuhuli po sila ng paru-paro. Tapos vini-video sila ni Felly para sa content po ni Ms. Baby sa vlog nya.

Chase: Oh... sino kasama nila? Andiyan na naman ba si Ysmael?

Belj: Wala po Boss, ngayong araw po kasi uuwi ang dad nyo pati nga ang lamok na si Eulla eh sumama.

Chase: So, close pala ang dalawang yon.

Belj: I think not as friend Boss. Kinakaibigan lang ni Eulla si Sir Ysmael para mauto gaya ng daddy nyo.

Chase: Watch her move siguraduhin mong di nyan masasaktan si Ricai lalo ngayon na dadating dyan si Dad.

Belj: Gaya ng plano hindi po kami aalis ng mansion.

Chase: Yeah, basta wag mong tatanggalin yang mata mo dun sa dalawa sabihin mo agad kapag inapi nila dad si Ricai dahil uuwi talaga ko dyan agad.

Belj: don't worry Boss ako na pong bahala tsaka knowing Miss? Sure akong palaban yun di kayo nun ipapahiya.

Chase: Yes and I believe on her.

Belj: Nga pala Boss, kamusta po si Don Arnulfo?

Chase: Doing good but still di pa rin sya nagigising kapag andito ako pero sabi ng mga doctor nagising sya dalawang beses nung wala ako.

Belj: Talaga po?

Chase: Oo, at ang sabi sakin ng mga doctor dito may binabanggit si lolo na pangalan ng isang babae.

Belj: Sino raw po? Kilala nyo?

Chase: I will chat to you I need to go to meeting. Bye.

Belj: Sige po Boss.

***

May kasabay na dumating si Fernan sa airport na inaabangan ng mga reporter at ito nga ay si Catalina Real at ang daming reporter na gusto syang interviewhin para sa bago nitong business.

"Uncle!" Salubong ni Ysmael kay Fernan at "Honey!" naman ang salubong ni Eulla pero hindi s'ya nito pinansin.

"Anong meron don? Sino si Catalina Real?" Tanong ni Fernan kay Ysmael at kinuha naman ni Dante ang mga gamit nito.

Napatingin naman ang mga ito sa mga reporter na nag kakagulo sa pag interview kay Catalina Real.

"Catalina Real, isang business woman na bigla nalang sumikat dahil sa magaling nyang pananalita lahat ng gusto nyang negosyo ay nakukuha n'ya ng isang araw. Tinagurian rin syang queen of sales talk." Sagot ni Ysmael kay Fernan.

"Ano?!"

"Sya lang naman ang nag mamay ari ng mga luxury condominiums dito sa NCR. May ari rin sya ng casino at yung gusto mong lupa sa Gi City sya rin ang bumili." Sabi ni Eulla.

"Gi City? Dante what is the meaning of this?"

"Ahm... Boss, habang wala po kasi kayo nagkaroon po ng bidding dun sa lupa sa Gi City tapos ginawa nyang triple ang price ng binibigay nyo. Sorry Boss."

"WHAT?!"

"So— Sorry Boss..."

"Uncle clam down, nakatingin na dito ang mga reporter kapag sinimulan na nila kayong interviewhin di na kayo nyan tatantanan. Lalo pa ngayong di parin natin nakikita si lolo."

Napahawak naman sa batok nya itong si Fernan na para bang nag sisimula ng mastress kaya umalis na sila para makaiwas sa mga reporter.

"Madam... we need to go." Ang sabi ni Charmel ang secretary ni Catalina.

Catalina smirked habang tinitignan papalayo sila Fernan at maraming guards ang nakapaligid sa kaniya at ni isa sa mga reporter ay di makalapit sa kaniya.

"Madam, Sir Noli wants to see you to the his office."

"Okay, lets go manage all the reporters."

"Yes Madam."

Bab berikutnya