webnovel

Chapter 35

Faris' POV

"Sky" tawag ko rito.

Nanatiling nakatuon lang ang atensyon nito sa kanyang pinapanuod at hindi ako liningin, hindi man lang sumagot ang gago.

"Skyler" pagtatawag ko uli rito.

Lumingon ito sa akin saka kumunot ang noo, tinaasan ko rin ito ng kilay saka umiling-iling na lamang.

Hay, tanga-tanga rin naman pala...

"What?"

"Tss, nevermind" sagot ko at kaagad na naglakad patungong kusina.

Kumuha ako ng kotsilyo at-----

"Don't!" Mabilis akong napalingon sa sumisigaw.

Ano nanaman kaya ang problema ng gagong ito?

"I'm sorry, huwag mo 'yang ituloy"

"Ha? Ang alin?" Taka kong tanong. Binaba ko muna 'yong kotsilyo at hinarap ito.

"Diba, magpapakamatay ka?" Kumunot naman 'yong noo ko saka bahagya pa akong natawa.

Ako? Magpapakamatay? Hindi naman ako baliw...

"Lo Siento?"

"Like this" umakto naman ito na kunyari ay pinupugutan ang kanyang ulo.

Pfft, hindi naman ako magpapakamatay. Mahal ko pa naman ang buhay ko.

"Don't kill yourself" nawala ang emosyon sa aking mukha at kinuha ko ulit 'yong kotsilyo.

Mabilis kong hiniwa 'yong mansanas saka sinubo ito.

Masamang hinala si Mareng...

"Hindi ka magpapakamatay?" Nagkibit-balikat naman ako saka naglakad pabalik sa aking kinauupuan.

Hindi ako umimik at nanunuod na lamang ng Barbie.

Barbie rin naman ang piniling papanuorin ni Sky.

"Baby" hindi ko ito nilingon at nagpatuloy lang sa panunuod habang kumakain ng mansanas.

"Baby, are you mad?" Hindi ko pa rin ito sinagot at nanatiling nanunuod lang ako ng pilikula.

"Baby, I'm so sorry"

Ang OA ng lalaking ito. Dinaig pa 'yong bakla kong kaklase...

"Baby"

"Manahimik ka nga. Nakakarindi 'yang boses mo eh" reklamo ko rito saka pinatay 'yong TV. "Hindi naman ako galit sa 'yo, baliw" saad ko saka ngumiti.

Mabilis naman akong naglakad papanhik sa aking silid, ni hindi ko ito nilingon at nagpatuloy lang ako sa aking mga hakbang hanggang sa makarating ako sa aking naturang silid.

Skyler's POV

Napabuntong-hininga naman ako habang nakatingin sa papaalis na pigura ni Ris.

I missed her...

Kahit na palagi kaming magkasama, I still missed her. Hindi ko alam kung bakit, but I feel like I'am lack of her presence.

Tumayo na lamang ako saka naglakad patungo sa balkonahe ng mansion. Umupo ako sa upuang naroroon at linapag ang aking cellphone sa mesa.

Bumuntong-hininga nanaman ako ulit at napahilamos na lamang sa aking mukha.

Beep!...

Mabilis kong napulot ang aking cellphone nang makitang kong tumunog ito. Tumayo ako saka humakbang ng iilang hakbang saka sinagot 'yong tawag.

"Yes?" Seryosong tanong ko sa kabilang linya.

"(Sky, I reviewed all the CCTV footage around Mr. Pérez's place. And guess what I found?) kumunot ang aking noo sa sinabi ni Treyton.

"What?" Walang bahid na emosyon ang aking boses at hinintay itong sumagot.

"(I found their hideout)" hindi na ako nagulat sa sinabi nito. I know he can do it.

"Okay" ani ko.

"(I'll send you the location)" napatango naman ako.

"Good"

"(Do you want some back ups? You can use my men's)"

"No, I need to do it silently. I won't attack first. Alam mo namang hindi ako ganoong klaseng tao, diba?" Naglakad ako papaupo.

"(Hmm, right. Well, good luck, then. Go after them! Save your love!)" Sigaw nito mula sa kabilang linya.

"TREYTON!" May diin kong sigaw.

"(Hehe, just kidding, bro)" anito at mabilis na pinatay 'yong tawag.

Binaba ko 'yong cellphone. Mg iilang minuto rin ay bumungad ang isang minsahe sa aking cellphone.

Lokasyon iyon ng hideout sa mga gustong kumidnap kay Faris. I'll take my move.

Binaba ko 'yong cellphone saka maiging napatitig sa aking wrist watch. Hindi ko alam kung pupunta ba ako ngayon o hindi. Hindi ko lang talaga alam.

Beep!...

Tumunog muli ang aking telepono kaya mabilis ko itong sinagot. Tinapat ko ito sa aking tenga, ni hindi man lang tiningnan 'yong caller.

"Yes?"

"(This is Agent Carson)" natigilan naman ako saka bahagya pa akong napatingin sa pangalan ng caller.

Agent Carson nga...

"Yes, Agent?" Seryoso kong tanong.

"(Continuation)" kumunot 'yong noo ko sa sinabi nitong 'continuation'.

"What do you mean? I will have my retirement party next month, right?"

"(Yes, but we have lack of informations)"

"What?"

"(Yes, and we need you)"

I sighed deeply. "Okay"

"(She's here in the Philippines)"

"Who?"

"(His daughter. Kat-Káduri Mikage's daughter. She knows a lot about her father's organization. She's there in Las Piñas, it's for you to find out)" napatango naman ako.

"Okay, who's her daughter?"

"(Luna Solina Beatrix Preobrazhensky-Mikage)" tumango-tango na lamang ako kahit na hindi niya ito nakikita.

"Okay, got it" sagot ko at mabilis na pinatay ang aking cellphone.

Naglakad ako pabalik sa sofa. Walang katao-tao roon kaya ako lang mag-isa.

Napagpasyahan ko na puntahan si Faris sa kanyang silid. I'll borrow her laptop for a minute.

Kumatok ako ng tatlong beses, bumukas naman ito at bumungad sa akin ang mukha ni Ris na parang inaantok pa.

I laughed silently at deretsong pumasok sa kanyang silid.

"What do you want?" Nakasimangot nitong tanong.

"My baby is cute" ani ko and I pinched her cheeks. Umupo naman ako sa kama nito.

"Anong kailangan mo? Inaantok pa ako, Sky" marahan naman itong bumagsak sa kanyang kama at bahagyang pumikit.

"Can I borrow your laptop?"

Mabilis naman itong umupo. "Why? Anong gagawin mo sa laptop ko?" Her eyes widen na parang gulat na gulat pa ito sa sinabi ko.

She isn't hiding something, right?...

"Basta. Hand me your laptop" utos ko rito.

Padabog naman nitong linahad sa akin ang kanyang laptop at humiga ulit.

"Huwag mong buksan 'yong ibang files diyan ha" tumango ako.

I searched the name Luna Solina Beatrix Preobrazhensky-Mikage. Lumabas mula roon ang imahe ng anak ni Káduri.

She's not that beautiful though.

Agad kong binasa kung ano ang impormasyon nito.

Name: Luna Solina Beatrix Preobrazhensky-Mikage

Born: October 24, 1994

Nationality: Japanese-Russian

Place of birth: Kobe, Japan

Parents: K. K Mikage and Bellia Preobrazhensky

Age: 26 y/o

Graduated at: Obayashi Sacred Heart School.

Luna Solina Beatrix Preobrazhensky-Mikage is a Victoria Secret model. She was a former member of Heather Love High, which is a dance group in Obayashi.

She was removed from the group, because of some certain matter. Solina was a toddler when they moved to Russia for some business of her father K. K Mikage.

They went back to Kobe when she was going to have her first school year. She is known as the Russian Lady of Light for she has the role beauty of Russia.

She won Miss Russian Internationale 2012. She's also known as the crown of Russia.

Both her parents uses great power of having a wondrous and magnificent business.

Nagpatuloy lang ako sa aking pagbabasa hanggang sa dumating ako sa pinakakhihintay ko sa lahat.

It was revealed that she was soon to be the heiress of the Káduri Organization. Well, brilliant.

These people don't keep secrets...

Magaling ang mga miyembro ng Organisasiyon magtago ng impormasyon, but why is her daughter's information was revealed. It can cause harm to her.

Marami-rami rin akong nakalap na impormasyon tungkol sa anak ng mga Mikage. You can search it on Google, then BOOM! It will appear.

Faris' POV

Nakatingin lang ako kay Sky na ngayo'y sobrang seryoso sa kanyang tinitigan sa laptop.

Hindi ko makikita kung ano ang kanyang ginagawa, hindi ko rin alam kung bakit ang sobrang seryoso ng mukha nito.

Bumalik na lamang ako sa aking paghiga saka dahan-dahang pumikit.

One...

Two...

Three...

Four...

Five...

Six...

Seven...

Eight...

Nine...

Ten...

Nagbibilang lang ako sa aking isipan upanng mabilis akong makatulog. Hindi pa rin ako dinadalaw ng antok kaya bumakon muna ako saka bumuntong-hininga.

Antok-antok dumalaw ka na...

Sinubukan ko namang humiga saka pumikit.

I will count to ten, again.

One...

Two...

Three...

Four...

Five...

Six...

Seven...

Eight...

Nine...

Ten...

Pagbibilang ko ulit. Nasapo ko na lamang ang aking noo saka tumayo ulit.

Ito kasing si Sky eh, umiepal nanaman. Kanina natutulog ako, tapos ayon... Nawala na ang antok ko.

Napapansin ko na may mga matang nakatingin sa akin. Dahan-dahan ko itong sinulyapan saka ngumiti rito.

Sumandal ito sa kanyang inupua saka sumulyap sa aking laptop.

"Can't sleep?" Tanong nito. Tumango-tango namaan ako.

Hindi ako makakatulog. May date pa naman kami ngayong gabi kasama si Ren.

I want to rest para hindi ako mabilis antokin.

"Bakit ba gusto mong matulog? Maaga pa naman ah?" Tanong nito saka sinara ang aking laptop.

Tumayo naman ito sa kanyang kinauupuan saka naglakad papalapit sa aking kinahihigaan dala 'yong laptop.

"Wala lang" sagot ko at bahagyang ngumiti.

Kapagkuan ay umupo ito sa aking higaan at linapag 'yong laptop.

May isang tanong na sumagi sa aking isipan. Gusto ko rin malaman ang kasagutan sa tanong na iyon.

"Sky" simula ko pa at umayos ng upo. Lumingon ito sa akin at tinaasan ako ng dalawang kilay.

"What is it?"

"Sky, bakit mo ba ako nililigawan?" Walang pagdadalwang-isip kong tanong rito.

He stopped for awhile at unti-unti ring ngumiti sa akin.

"Dahil gusto ko"

"Alam kong hindi iyon dahil sa kagustohan mo" mahina kong saad rito. "Alam mo, I never believe in courtship" tumahimik ito and he waited me to continue.

"I never believe in courtship... Because..."

"Alam ko namang pinipeke nila ang kanilang sarili para mapasagot nila ang isang babae. Pag sila na ang magkatuluyan, lalabas na 'yong katotohanan sa lahat ng mga kalokohan" prangka kong saad rito without pausing any of my words. "Kung kayo pa, para kayong kalamay sa sobrang tamis, kapag nagsawa na, dinaig pa 'yong tubig na walang lasa"

"I never faked myself. Sinabi ko na sa 'yo that I will show you every part of me, every inch of me. Hindi pa man ako nangliligaw sa 'yo pinapakita ko na 'yong totoong ako" hinawakan nito ang aking kamay saka bahagyang ngumiti.

"A woman's heart is not a toy. Hindi iyon laruan para paglaruan. Ang taong pinaglaruan ang isang puso ng babae ay hindi matino kung hindi ay gago"

"Baby, liniligawan kita, dahil alam kong gusto kita. I know I'am capable of loving you. I know I can love you more than you know that I do" mahinang saad nito at hinawakan ang aking pisngi. Hinaplos niya ito saka hinalikan ang aking noo.

I never said a word. Nakatingin lang ako sa imahe nito na naglalakad papalayo sa aking hinihigaan.

Bumuntong-hininga ako saka tinakpan ng unan ang aking mukha.

I never wanted to be played. Hindi ko gusto ang paglaruan ako. I never play, I go directly to the point.

Someone's POV

"Anong wala?! Mg bwesit kayo! Magsilayas kayo sa aking harapan. Mga walang silbe!" Mariin kong sigaw at binagsak ang makapal na dukomento sa aking harapan.

"Sir, pasensya na po talaga" nakuyom na lamang ako sa aking kamao.

Mg bwesit, mga palpak. Mga malas!

"Lumayas kayo, wala akong mapapala sa inyo. Wala kayong mga silbe. Diba sinabi ko na sa inyo na galingan niyo?" Tumayo ako at naglakad papalapit sa tatlo. "Parehas lang naman kayo. Mga palapak! Alam niyong nahihirapan na nga tayo sa bata, dadagdag pa kayo!" Sumenyas ako doon sa isang lalaki na nakatayo sa aking likod habang nakahawak ng isang pistula.

"Wag po, sir. Maawa po kayo!" Malakas na iyak ng dalawa.

"Sorry, kid. I can't give you my sympathy" nakangisi kong saad rito.

Kinuha ko 'yong pistula mula sa mga kamay ng isa kong taohan saka mabilis na binaril sa noo 'yong dalawang lalaki.

Bumagsak ito sa sahig at mabilis na umagos ang dugo ng dalawa sa sahig ng aking opisina.

"Linisan niyo" saad ko sa ibang tao rito sa loob ng aking opisina saka binalik sa aking taohan ang baril.

Tinapik-tapik ko ito sa balikat saka naglakad pabalik sa aking upuan.

Ganoon ang mangyayari sa mga taong hindi marunong gumawa sa mga pinapaggwa sa kanya. Kumbaga 'yong mga taong palpak. Halos kapalpakan lahat ang kanyang ipinapakita sa iyo. Hindi man lang marunong mahiya.

Hindi sila papasa sa estado ng mga tao na hinahanap ko. Sobrang layo ng mga ito. Nasa paa ko lang sila. Mabilis lang patirin.

- - - -

"Sky, bilisan mo na" ani ko habang naglalakad pababa ng hagdanan.

Nakasuot lang ako ng puting biste at kulay puting sapatos. Kailangan ko nang maghanda para sa farewell dinner namin ni Ren.

I also wonder kung bakit hindi nagpaparamdam ang lalaking iyon.

"Saan ba tayo pupunta?" Seryosong tanong nito habang nanunuod ng palabas.

Dito nanaman ulit ang lalaking ito matutulog. My father had a business trip for one week. Siya muna ang magbabantay sa akin dito sa bahay.

Kakaunti lang rin 'yong mga kasambahay dito sa mansion. Halos lahat may day off, mabuti na lang at nandito si Manang Vilma.

Nandito rin si Mang Isko, hindi ko alam kung nasaan ang prisensya ngayon ni Mang Isko, basta ang alam ko lang ay nasa hapag ito ngayon o baka nama'y lumabas ng bahay.

Nabalik ako sa aking hwisyo saka tumingin kay Sky na ngayo'y naghihintay sa aking isasagot.

Oo nga pala...

"Where are we going?" Pag-uulit pa nito.

"Dinner with the one and only Worren Vaughn Furrer" sagot ko rito saka ngumisi.

"Itutuloy mo ba talaga?" Tanong nito na parang nag-aalinlangang kumilos.

"Of course, I gave him my word" sagot ko habang busy pa rin sa pagaayos ng aking sarili.

Humarap ako sa salamin. "Correction, I gave that word" umirap ako rito.

"That words come from mine. King hindi mo lang sana binawi ang aking cellphone, hindi sana tayo babagsak sa sahig and you won't tou----"

"I won't touch your flat boobies? Wait, may boobies ka ba talaga? Diba pader ka na lang?" Nanalaki naman ang aking mga mata sa mga walang pagpipigil nitong mga salita na lumalabas mula sa matulis nitong dila.

FYI, mister. May boobies ako!...

"Seriously? Flat boobies? Hindi ako flat, ano" inis kong saad rito at tumingin sa aking hinaharap.

Hindi naman ako flat.

"Hindi ka flat? So, let's say na isa kang balloon with so many holes?" Mas lalong nanalaki ang aking mga mata.

How could he!...

Padalos-dalos ang mga salitang lumalabas mula sa bibig nito. Hindi niya man lang inalam kung ano ang magiging reaksyon ko.

Sinamaan ko lang ito ng tingin saka mabilis na tumingin sa salamin.

"I'm sorry, baby. I was just kidding. Sakto lang naman ang laki ng sa 'yo. It can be massage and it can also be played" anito saka tumawa.

Ano raw?...

Hindi naman malalaro 'yong boobies eh. Boobies are not a toy. Bakit niya naman gagawing laruan 'yong mga boobies?

"I know you don't get it. Nevermind, I'll go change" deretsong saad nito at naglakad papapunta sa kanyang silid.

Napakamot-kamot na lamang ako sa aking batok habang sinusundan ito ng tingin.

I get what he meant, but alam ko naman na hindi laruan 'yong mga boobies eh. Pwera na lang kung sanggol 'yong maglalaro.

Babies loves to drink mommy's milk, right?

"Tara na" hindi ko napansin na dumating na pala si Sky at bihis na bihis na ito.

"Ready si Mareng Sky, ah?" Nakangiti kong tanong rito at kaagad na pinulupot ang aking kamay sa braso nito.

Ngumiti ito saka sabay kaming naglakad papunta sa sasakyan nitong nakaparada sa garahe.

"Manang Vilma, aalis po kami!" Sigaw ko sa paligid upang marinig ito ng Mayor Doma.

"Sige ho, Ma'am!" Sigaw nito pabalik mula sa kusina.

Huminga muna ko bago pumasok sa loob ng sasakyan.

Tahimik lang akong nakaupo rito habang seryoso namang nagmamaneho si Sky. I would really thought that we are late.

Baka kanina pa naghihintay sa amin si Ren, bakit kanina pa naroon si Ren.

Habang mahinang nagmamaneho si Sky, nakatingin lang ako sa binatana habang seryosong tinitigan ang mga madadaanan namin.

Napansin kong sumingit sa daan ang kulay anong Toyotang sasakyan. Nakabukas ang magkabilang bintana nito kaya mabilis ko lang makikita kung sino ang nagmamaneho nito.

Hindi ko ito pinansin at hinayaan na lamang itong sumingit kahit na malaki naman 'yong daan.

Tumapat sa sinasakyan namin ang sasakyang abo at bumungad mula roon ang isang lalaking may hawak na baril at umaakto pa ito na parang babarilin ako.

Nahagip ng aking tingin ang lalaking nagmamaneho.

He looks familiar...

Saad ko sa aking isipan. Mas lalo ko pa ito g tinitigan at sinuri ng mabuti ang mukha nito.

Nauna na ang sasakyan nito sa amin at tumawa pa 'yong lalaking nagpapakita ng baril sa akin. Mabuti na lang ay hindi iyon napansin ni Sky.

Pero 'yong driver ang iniisip ko. I maybe know the driver. Alam kong kilala ko 'yon. But I'am not sure if it is him. I'am not sure of my thoughts, masama pa namang maghinala ng mga maling bagay.

Familiar talaga siya...

Siya 'yon?

Baka naman siguro hindi...

Bakit kamukha niya?...

I hope I'm wrong...

Sana mali ako...

Sana lang talaga, sana mali ang hinala ko...

Sana hindi ikaw 'yon...

Bab berikutnya