webnovel

Chapter 19

Chapter 19 - that's our destiny

RIKU

After 5 years...

Ang lahat ng sundalo kasama kami ay nagtipon-tipon ngayon sa harap ng hari. Naka-tayo sa harap namin ang Haring Alvan habang ang dalawang kamay ay nasa likod. Hindi ko alam kung  para saan itong ginagawa ng hari lalo na't wala namang sumasalakay sa bayan.

Napayuko ako at hindi mapigilang isipin si Ziro. Sa loob ng limang taon ay hindi ko na siya nakikita at hindi ko man lang alam kung nasan na siya. Sana ligtas si Ziro, hindi ko dapat ito naiisip pero sadyang nag-aalala ako. "Riku nakikinig kaba?" Napaluhod ako habang ang isang kamay ay nasa dibdib upang magbigay galang.

"Paumanhin mahal na hari, may iniisip lamang—" naputol ang aking sasabihin ng bigla nalamang nabasag ang salamin ng bintana kung saan ay nasa likod ng hari. May kung sino nalamang ang sumulpot na siyang may dahilan ng pagkabasag non. Agad kong binunot ang aking espada at pinigil ang espada na nakaambang tamaan ang ulo ng hari. Nakausot sya ng Black robe habang ang mukha ay natatakpan ng maskara. Ang gamit nyang espada ay isang Cursed Sword na gawa sa ginto at Diyamante. "Sino ka para atakihin ang hari?!"

Hindi ito sumagot at bubwelo sana ulit upang atakihin ang hari kaso napatigil ito dahil sa pagharang ko. Tumalon ito paatras at ang mga sundalo ay pinalibutan sya habang ang mga sibat nila ay nakatutok sa kanya. "Ibaba nyo yan" utos ng hari. Papalag pa sana ang mga sundalo, kahit ako kaso isa iyong utos. "Bakit ngayon kalang bumalik?" Taka akong tumingin sa hari.

"Tingin mo babalik ako ng hindi handa" isang pamilyar na boses ang narinig ko. Tinanggal nya ang hood nya at tanging ang maskara nalamang na mukhang Fox ang suot nya. Tinitigan ko syang mabuti hanggang sa mapadako ang tingin  ko sa kanyang mata.

"Sino kaba talaga?" Muli kong tanong. Gusto kong makasiguro sa nakita ko, ayokong umasa.

"Pasensya na kung pinaghintay ko kayo pero," unti-unti nyang tinanggal ang maskara niya at halos kumabog ang dibdib ko sa takot na siya nga iyon. Ang puti niyang buhok na medyo mahaba at ang pula niyang mata, hindi ko ito namukhaan pero alam kong siya iyon "hindi ito ang oras para magpakilala"

"Inaasahan kona ito, anak ko" isang itim na Aura ang lumalabas sa kanilang dalawa at halos mabasag ang mga salamin dahil sa lakas ng enerhiyang nilalabas nito. Nagsitakbuhan ang mga kawal nang makita nila ang itsura ng hari—hindi, siya ang Demon lord.

"Riku, umalis kana. Ayokong madamay ka sa labanan namin, kung maaari ay ilikas nyo na ang mga tao sa lugar na ito" gusto kong magreklamo dahil sa desisyon niya ngunit tama siya. Siguradong madadamay ang mga tao dahil sa labanang ito.

Mabigat man sa loob ko ngunit umalis ako at iniwan si Ziro. Kailangan ko sila Sandro!

Tumakbo ako hanggang sa makakaya ko at hinanap si sandro pati na ang iba. Nahanap ko naman si Miya at Frey ngunit si Sandro nalang ang wala. Napatigil ako ng may bigla nalamang nag-anunsyo.

'Sa lahat ng mga Adventurer! Maghanda kayo! May mga grupo ng halimaw na aatake sa bayan! Inuulit ko may mga halimaw na aatake sa bayan!'

Kung tama ako si Felisha iyon. Nagpatuloy muli ako at hinanap si Sandro sa kung saan-saan ngunit hindi ko siya makita. Ang lalaking yon! Pahamak talaga siya!

Nagsisilikas na ang mga tao na pinamumunuan nila Frey at Miya habang ang mga adventurer ay nakaharang na sa gate ng bayan. Isang lugar nalang ang kailangan kong puntahan!

Pumunta ako sa Simenteryo at tama mga ako nandoon siya na parang walang nangyayaring gera. "HOY! Kailangan na nating makipaglaban!" Parang wala itong naririnig at nakatingin lang sa puntod ng mga magulang niya at kapatid. "SANDRO!!"

"Para saan pa ang pagpunta ako doon? Wala naman ang tao na inaasahan ko" pagmumukmok pa nito. Napairap nalamang ako at marahas siyang iniharap saakin.

"Kung si Ziro ang tinutukoy mo nandoon siya sa palasyo at kalaban ang Demon lord! Pano mo siya matatalo kung nagmumukmok ka dyan?!"

Bigla nalamang itong nabuhayan at ang mapang-asar niyang mukha ay lumabas nanaman.

"Kung ganon makikisali ako sa kaniya!" Tumakbo ito paalis at hindi na ako pinansin. Ang sabi ko tulungan ako hindi si Ziro! Napamura nalamang ako at bumalik sa bayan na ngayon ay may pagsabog na nagaganap. Siguradong nakarating na ang mga halimaw sa bayan.

Nakikipaglaban na ang mga sundalo kasama si Miya at Frey. Nakisali na ako sa kanila at inatake ang mga ibat-ibang klaseng halimaw na pinadala ng demon lord.

"Miya! Ikaw na ang bahala sa proteksiyon sa amin" Tumungo ito at in-activate na ang Guard spell niya.

"Sa kapangyarihan ng mga diyos at diyosa hinihingi ko ang inyong basbas!" Umilaw kami ni Frey at ng mga sundalo, nagpapahiwatig na gumana ang spell ni Miya. Hindi ko akalaing sa paglipas ng maraming taon lumakas si Miya at ngayon ay dalaga na, Masaya ako para sa kaniya.

Inatake ko ng mabilis ang mga halimaw gamit ang Saber ko na siyang humihiwa sa bawat ulo nila. Ang mga katawan nila ay naglalaho na parang abo ngunit ang dugo nila ay naiwan sa espada ko. Iniwasiwas ko ang aking espada upang maialis ang dugo na naiwan doon. Kakaiba ngayon ang nangyayari sa mga halimaw, dati ay naiiwan ang mga katawan nila pero ngayon ay naglalaho na ito. Kasama ba sila sa sumpa?

Napatingin ako sa palasyo kung saan ay may nangyaring pag-sabog. "Mangako ka Ziro na mabubuhay ka" bulong ko sa sarili. Alam kong hindi niya ako naririnig ngunit gusto ko siyang makita pagkatapos ng lahat ng ito.

Sa hindi malamang dahilan ay bigla nalamang dumami ang mga halimaw na dumadating, parang hindi sila maubos-ubos. "Miya," tawag ko sa kaniya at agad naman itong lumapit "kailangan natin sila Sora"

"Himala naaalala mo pa siya" pang-aasar nito. Bigla nalang siyang pumasok sa isip ko at wala akong magagawa doon. Kailangan namin ng mga Diyosa sa mga oras nato, kailangan namin sila. Ang gintong mage wand ni Miya ay kanyang itinusok sa lupa at isang maging Circle ang pumalibot sa kaniya. "Diyos at Diyosa ng lahat! Ang inyong tulong ay aming kailangan. Dinggin ang aking tinig at tuparin ang aking hiling!" Lumiwanag ang magic circle na nakapalibot sa kaniya. Hindi ko maiwasang mamangha, ibang-iba na talaga ngayon si Miya. Marami na siyang natututunan habang lumalaki sya.

"Kailangan nyo ba ng tulong?!" Nagulat ako ng makita si Yuri na ngayon ay may mga kasamang mga Anghel na nakasuot ng mga armor at may mga sandata. Kasama nila si Antoneth at ang isa naman ay si Sora na todo ngiti "sugudin ang mga mapapanget na halimaw na yan!" Sa utos ni Yuri ay umatake ang mga anghel at nakipaglaban. Isa na nga itong gera, hindi gera laban sa tao at halimaw kundi ang gera laban sa masama at kabutihan.

"Ziro, nakikita mo ba 'to? Sana lumaban kadin ng buong puso kagaya namin"

ZIRO

mas tumitindi ang tensiyon sa pagitan namin ng aking ama. Nagbabadiyang lumabas ang demonyo sa aking loob ngunit pilit ko itong pinipigilan. "Hindi kaba aatake?" Hindi ko sinagot ang tanong niya at mas hinigpitan ang hawak sa espada.

"Ang espadang ito ay nararapat sayo" ibinato ko ang espada sa kaniya na agad naman niyang nasalo. "Sayo iyan at hindi ko balak gamitin yan ng napaka tagal" kinuha ko ang dagger ko sa aking bulsa at yoon ang ginamit.

"Ibang-iba kana talaga, ikaw nga talaga ang anak ko" nakangiti niyang sabi. Napakagat ako sa aking labi dahil sa inis. Anak? Kailan pa niya ako naging anak!

"Kung makatawag ka sakin ng 'anak' parang tinuring mo nga akong anak. Ama ba kung maituturing ka?!" Naglaho ang ngiti niya at nanahimik. "Tanda mo paba noon? Pinapunta mo kami sa Life city para mas mapalayo kami sayo. Pinapatay mo ako gamit ang mukha na hindi sayo! Gamit ang mukha ng hari na—"

"Tama na."

"Wala ka talagang Kwentang Ama!!" Ako na ang unang sumugod habang ang dagger ay handa na siyang saksakin. Nakatigil lang ito at parang walang balak na umataki din o kaya ay salagin ang atake ko. Tumama ang dagger ko sa kanyang palad na nakahandang tanggapin ang atake ko.

Parang natigilan ako nang hawakan niya ang ulo ko gamit ang isa niyang kamay. "Kamuhian mo lang ako Ziro. Kamuhian mo lang ang demonyong katulad ko," ginulo niya ang buhok ko na parang bata. Hinampas ko ang kamay niya upong ilayo saaking ulo.

"Sinasabi mo ba yan kasi gusto mong patayin kita?!" Tinanggal ko ang kutsilyo na nakabaon sa kaniyang kamay at tinitigan siya sa mata habang puno iyon ng galit. Galit dahil pinagpalit niya kami para sa kapangyarihan, galit dahil mas pinili niya ang kapangyarihan.

"Nagkakamali ka. Sinasabi ko ito bilang ama at," sa isang iglap ay nasaksak na ako ng espada nya. "Ginawa ko ito para sa aking anak" napasuka ako ng dugo ngunit pinipilit kong labanan ang sakit.

"Walang pwedeng makatalo kay Ziro!! Bukod saakin!!!" Ang boses nayon... pamilyar saakin ang boses na yon. "Ziro! Tumayo ka dyan!! Naririnig mo ba ako?!!" Bakit hindi ko magalaw ang katawan ko?

Ito naba ang nakatadhana saakin? Ito naba ang sinasabi ng aking kapalaran? Siguro nga ito na:

"Ziro may kailangan kang malaman" nagtataka akong tumingin kay Lilith na puno ng pag-aalala. May mangyayari bang masama?

"Ano iyon Lilith?" Napayuko ito at tumingin sa anghel na nasa likod niya. Tiningnan niya ako sa aking mata na nagsasabing may sasabihin siyang hindi ko magugustuhan.

"Ang kapalaran mo ay bigla nalang naglaho Ziro," napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Ang ibig kong sabihin ay, ang kapalaran mo, ang hinaharap mo ay naglaho at isa lang ang ibig sabihin non" napatigil ito at parang ayaw ituloy ang sasabihin niya. Kahit ako ay natatakot sa sunod niyang sasabihin.

"Ituloy mo."

"Ang ibig sabihin ay mamamatay ka" parang nanghina ang tuhod ko dahil sa narinig. Hindi man kapanipaniwala ngunit siya na ang nagsabi. "Hindi ko alam kung sa paanong paraan ngunit maging handa ka sana Ziro"

"Wala nabang ibang paraan?" Umiling-iling ito. Wala naman talagang paraan sa kamatayang nakatadhana na. "Ano ang sinasabi ng kapalaran ko noong una?"

"Matatalo mo ang iyong ama at maililigtas mo ang buong mundong ito sa kamay niya" sagot nito.

"Ziro!!" Ume-eco sa isip ko ang boses ni Sandro. Hindi ko akalaing mamamatay ako sa kamay ng ama ko mismo. Hindi ko akalaing mamamatay ako habang nakikita ni Sandro, nakakahiya "ZIRO!! BWISET KA TALAGA! SABI MO BABALIK KA AT MAGLALABAN TAYONG DALAWA PERO NGAYON NAKAHIGA KA SA SAHIG HABANG NALILIGO SA SARILI MONG DUGO! NAKAKAAWA KA! KAAWA-AWA K—" isang malakas na suntok ang natanggap niya mula saakin.

"Ayokong kinaaawaan ako!" Bumagsak ito sa sahig habang hawak ang pisngi na nadali ng suntok ko.

"Sino ba ang kalaban mo?! Ako o yung tatay mo!?" Napahawak ako sa tiyan ko na patuloy parin sa pagdurugo. Ayokong mamatay sa ganitong sitwasyon, ayokong mamatay na kinaaawaan ng mga tao!

"Makinig ka," hinarap ko ang ama ko "babaguhin ko ang kapalaran ko! at  Gamit mismo ang mga kamay kong ito!!" Tumakbo ako pasulong at hinanda ang kamao ko na handang suntukin siya.

Ibinuhos ko lahat ng natitira kong lakas sa suntok na iyon at isang napalakas na pagsabog ang nangyari. Nasalag niya ang suntok ko gamit lang ang isa nyang kamay "hanggang dito ka nalang ba talaga?"

Kung hindi ko susubukan hanggang saan lang ako? Kung hindi ako lalaban aahon ba ako? Hindi ko hahayaang hanggang dito lang ako.

"Nagkakamali ka dahil hindi lang ako nag-iisa."

"MAMATAY KANA!!" Sigaw ni Sandro bago niya hiwain ang ulo ng aking Ama.

Bab berikutnya